Wreckless Bus Drivers Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
ANG
IARYO NATIN D
Disyembre 23 – DIsyembre 29, 2013
ADN Taon 12, Blg. 509
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Bagong experimental traffic scheme, nakahanda na kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
L “Sagot sa kahirapan, digmang bayan!” The rallyists call out in their vow to continue Ka Bugoy’s sacrifices for the national democratice revolution. Underground mass organizations RCTUNDF-ST and KASAMA-NDF-ST stage a lightning rally as tribute for Ka Bugoy’s undying commitment for the Philippine revolution Photo taken at Santa Rosa City, Laguna. Contributed by RCTU-ST
UCENA CITY – Upang masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod, ay nagsagawa ang pamahalaang panlungsod, sa pangunguna ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, ng isang komitiba na Traffic Management Council of Lucena. Ang ahensyang ito ay
Ex-Vice Gov. Racelis, nanawagan laban sa ilegal na quarrying sa Sariaya, Quezon L
tingnan ang TRAFFIC SCHEME | p. 3
Lucenahin, tumanggap ng pamasko mula kay Mayor Dondon Alcala kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
ni Ronald Lim, may ulat mula kay F. Gilbuena/PIO Lucena
L
UCENA CITY– Upang iparating sa mga kinauukulan ang mga hinaing ng mga kababayan, ay nanawagan sa pamahalaang
panlalawigan ng Quezon ang dating Bise Gobernador na si Robert Racelis ng bayan ng Sariaya. Sa pamamagitan ng isang bukas na liham para sa pamunuan ng lalawigan na ipinadaan sa Facebook.
com, at naiparating naman sa programang “Pagusapan Natin” ni Arnel Avila, ay inilahad ni Racelis ang mga natanggap na mga reklamo at usapin hinggil sa nagpapatuloy na pagquarry sa ilang bahagi ng baying
binanggit. Ayon sa dating opisyal ng probinsiya ay dapat isaisip ng pamahalaang panglalawigan ang kahihinatnan ng bayan ng Sariaya at mga mamamayan
tingnan ang QUARRYING | p. 3
UCENA CITY – Dahil sa papalapit na ang araw ng Pasko, ay tumanggap mula kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng pamasko ang daan-daang mamamayan mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Lucena. Ayon sa ulat, mahigit 58,000 mamamayan ng lungsod ang nakatakdang tumanggap ng tingnan ang PAMASKO | p. 3
Kapitan Junior Alcala, bagong ABC President ng Lucena ni Ronald Lim at Criselda David
L
UCENA CITY - Handanghanda na sa hamon ng mas malawak na larangan paglilingkod sa Lungsod ng Lucena si Kapitan Hermilando “Jr.” Alcala Jr. ng Brgy. Cotta, makaraang mahalal na bagong ABC President nitong nakaraang linggo. Sa kaugnay na balita, pormal ding nanumpa si Alcala bilang presidente ng Association of Barangay
Chairman ng Lucena nitong nakaraang Sabado sa harapan ni Mayor Dondon Alcala at Cong. Kulit Alcala ang opisyal kasama ang iba pang mga bagong-halal na opisyal ng liga. Isinabay na rin sa aktibidad ang taunang Christmas party ng nasabing organisasyon na isinagawa sa compound ng DPWH sa Dalahican Road, Brgy. Mayao Crossing. Ayon kay Kon. Alcala, matagal na panahon na rin aniya siyang nais na ihalal ng
kaniyang mga kasamahan bilang presidente ng naturang samahan ay ninais niyang hindi na ito atimin pa sa dahilang hindi pa ito aniya ang panahon na kanilang hinihintay. Isa sa dahilan niya ay ang estado ng katayuan ng pulitika sa Lucena na noong nakaraang administrasyon ay kinikilala aniya siya bilang katunggali. Pahayag ni Chairman Alcala, minabuti na lamang tingnan ang ABC PRESIDENT | p. 3
BAGONG ABC. Pormal na nanumpa ang bagong opisyales ng Association of Barangay Captains o ABC sa Lucena sa pamumuno ng bagong halal nitong Pangulo, Kon. Hermilando “Junior” Alcala ng Brgy. Cotta, kung saan nagsilbing officiating officer si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Cong. Vicente “Kulit” Alcala naman bilang pangunahing tagapagpaganap ng nasabing okasyon. Criselda David
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
disyembre 23 - DISYEmbre 29, 2013
Oblation Run ng Alpha Phi Omega, isinagawa
ni Ronald Lim
L
UCENA CITY - Isinagawa kamakalawa ng tangahali ang “Oblation Run” ng kapatirang Alpha Phi Omega sa bahagi ng Brgy. Ibabang Dupay sa Lungsod ng Lucena. May temang “The Great Oblation Run, for the victims of typhoon Yolanda and fight global warming and climate change,” ang aktibidad ay nilahukan ng tinatayang nasa mahigit na 15 mga miyembro ng APO. Ang oblation run ay
taunang isinasagawa ng mga miyembro ng Alpha Phi Omega sa iba’t-ibang Unibersidad sa buong bansa. Ang unang oblation run ay isinagawa noong 1977 sa University of the Philippines Diliman upang i-promote ang isang pelikulang pinamagatang “Hubad na Bayani”. Ang pelikulang ito ay hinango sa hubad na estatwang Oblation na matatagpuan sa kalagitnaan ng UP-Diliman, na sumisimbolo sa hindi makasariling pag-aalay ng sarili sa Inang bayan. ADN
BIGKIS NG PAGKAKAISA. Isang araw bago ang pagtakbo sa Lucena, sa Tayabas muna nagsagawa ng taunang “Oblation Run” ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega (APO) kung saan para sa taong ito ay may temang sumesentro sa paghagupit ng mapaminsalang bagyong Yolanda sa Kabisayaan at sa pagbabago ng klima. Michael Alegre / Larawang kuha ni Elvra Bvlgari
Pagbabandilyo para sa Traffic Re-routing sa Lucena, inumpisahan na kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
L
UCENA CITY – Inumpisahan na kahapon ng Traffic Management Council of Lucena o TMCL ang pagdidiseminasyon ng impormasyon lungsod ng Lucena, hinggil sa isasagawang traffic rerouting on experimental basis. Ito ay sa pamamagitan ng pagbabandilyo sa apat na sulok ng poblacion. Bunsod ng pagkakapasa ng ordinansa bilang 16-125 sa sangguniang panglungsod, na nagkakaloob ng awtorisasyon sa punonglungsod na
magsagawa ng isang experimental traffic scheme, ay naumpisahan na ng mga operatiba ng TMCL ang pagiikot sa bara-barangay sa lungsod upang ipabatid sa mga mamamayan ang mga pagbabagong ipaiimplementa hinggil sa usaping trapiko. Ang pagbabandilyong ito ay unang hakbang lamang patungo sa inaasahang pagpapaimplementa ng experimental traffic scheme na uumpisahan sa ika-27 ng Disyembre. Inaasahan din sa pageksperimentong ito ang pagbabago ng daloy ng mga sasakyan sa ilang
pangunahing lansangan sa lungsod, pagsasaayos ng mga parking area at pagpapalit ng mga traffic sign na noon ay nagdulot ng kalituan sa mga mamamayan.
Paalala lang ng mga bumubuo ng TMCL, kaya nga tinawag itong experimental traffic scheme, ay ito ay isinasagaw upang makahanap ng tunay na solusyon sa
problema ng trapiko sa lungsod, at kung hindi man magkaigi sa una ay maaari pa ring hanapan ng mas magandang paraan na tutugon sa matagal nang suliraning ito. ADN
Christmas party ng mga public school teacher and employees sa Lucena, dinagsa kontribusyon ng PIO Lucena / R. Lim
L
UCENA CITY - Tila nagmagmistulang “enrolment” sa mga paaralan ang nangyaring masayang Christmas party ng mga public school teachers and employees dahil sa pagdagsa ng mga dumalo dito na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa Brgy. Domoit kamakalawa ng umaga. Ang nabanggit na okasyon ay dinaluhan ng tinatayang nasa mahigit na 1000 mga partisipante na nagmula sa apat na sulok ng lungsod.
Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Dr. Aniano Ogayon, ang Schools Division Supt., Doris Estalilla, Assistant Division Supt., at naging panauhing pandangal naman si Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Kabilang rin sa mga nagtungo dito ay apat na District Supervisors na sina Chinita Tolentino na nirepresenta ang West Sector, Eden Reazo, para naman sa South District, Maybel Abrencillo para sa North at Ronald Mendiola ng East Sector. Naging makulay at masaya ang nabanggit na aktibidad
dahilan sa mga natatanging bilang na ipinakita ng ilang mga guro at empleyado. Naging highlight sa Christmas party ang iginawad na parangal sa mga retirees at mga natatanging mga guro mula sa mga pampublikong paaralan ng lungsod. Sa kabuuan ay naging masaya ang lahat ng dumalo dito dahilan sa mga ibinigay na pamasko ni Mayor Dondon Alcala sa kanila at sa ilang mga magagandang balita na ipinarating nito para sa mga public school teachers at employees ng Lungsod ng Luwcena. ADN
Pag-aambagan para sa Christmas party ng mga public school teachers ng Lucena, hindi na uso kontribusyon ng PIO Lucena / R. Lim
L ABANDONADO. Ito ang fountain na ang pinakadulo ay monumento ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon na tila inabandona na simula ng mamamatay ang dating Gov.Raffy P. Nantes. Ayon sa mga bystander ay hindi na ito gasinong napapansin at pinagkakaabalahan ng bagong nanunungkulan sa ating lokal na pamahalaan. Anila pa, “kawawa” naman si Pang. Quezon na halos araw-araw, gabi-gabi ay nakatunghay sa kadiliman at abandonadong istruktura ng fountain. Raffy Sarnate
UCENA CITY– Labis na ikinatuwa ng lahat ng mga dumalo sa Christmas Party ng convention ng mga public school teachers sa lungsod ng Lucena ang ilang bagay inanunsyo ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pananalita nito sa okasyon na isinagawa sa bulwagan ng Queen Margarette Hotel, Brgy.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Domoit kamakailan. Ang isa sa mga binanggit ng alkalde na pinalakpakan ng mga mahigit sa 1,000 mga guro na dumalo sa kasiyahan ay ang pagpapatigil na sa mga ambagan ng mga guro kapag sila ay may aktibidad o okasyon. Ayon kay Mayor Alcala, bunga ng pakiusap ng pamunuan ng convention ng mga guro ay sasagutin na ng pamahalaang panglungsod at
ng School Board ang ganitong mga aktibidad ng asosasyon. Kung dat-rati aniya ay nag-aambagan ang mga guro ng P250 kada isa kapag may Christmas Party o pagsa-sama-sama, ngayon ay magtitipid ang pamahalaang panglungsod at ang school board, at kung ano ang matitipid ng mga ito aniya, ay ilalaan para sa mga pangangailangan ng mga guro ng lungsod. ADN
ANG DIARYO NATIN
DISYEmbre 23 - DISYEmbre 29, 2013
Mga signages na gagamitin sa experimental traffic scheme, inihahanda na ng City Eng’g Office
kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
L
UCENA CITY – Upang masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod, ay nagsagawa ang pamahalaang panlungsod, sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala, ng isang komitiba na Traffic Management Council of Lucena. Ang ahensyang ito ay pinamumunuaan ni Executive Assistant I Arnel Avila katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaang panlungsod. At dahil dito, at sa tulong na rin ng lahat ng bumubuo ng
Sangguniaang Panglungsod, nagsagawa ang TMCL ng experimental traffic scheme. Sa isasagawang experimental traffic scheme, isasaayos ng nabanggit na tanggapan ang suliranin sa trapiko sa lungsod. At isa na nga dito ang pagsasa-ayos at pagtatanggal ng mga traffic signages na una nang inilagay ng nakaraang administrasyon na nagdulot ng kalituhan sa ilang mga motorist noon. Ayon kay OIC City Engineer Rhodencio Tolentino ng City Engineering Office, maraming mga street signs ang inirequest
ng chairman ng TMCL sa kanilang tanggapan na siyang ipapalit sa mga aalising street signs. Dagdag pa nito na sa kasalukyan ay kanila nang inihahanda ang mga kakailanging mga signages na gagamitin sa pag-uumpisa ng experimental traffic scheme. Sa ngayon ay inuumpisahan na nilang pagaralan ng Executive Assistant ang mga lugar at mga ilalagay na mga street signs at tiniyak nito na sa pag-uumpisa ng isasagawang traffic re-routing on experimental basis ay nakalagay na ang mga ito. ADN
Mahigit sa 120 mga bagyo, lumihis sa Quezon
kontribusyon ng PIO Lucena / R. Lim
LALAWIGAN NG QUEZON Tinatayang mahigit sa 120 na bagyo ang sinasabing lumihis ng landas sa lalawigan ng Quezon, ito ay ayon kay Rev. Pastor Willie Zoleta. Sa isang panayam sa programang “Pag-usapan natin” ni Arnel Avila, sinabi nito na matagal-tagal na ring panahon na hindi direktang tinatamaan ng bagyo ang
Quezon sa loob ng pitong taon. Bagama’t kailangan aniya ng ulan ng mga Quezonian, ipinagpasalamat naman ng pastor ang hindi pagsasalanta ng bagyo sa ating probinsya. Isa rin aniya sa nakikitang dahilan ni Pastor Willie ay ang pagiging malapit ng mga taga Quezon sa panginoon at pagiging mapagkumbaba ng mga ito partikular na ang mga Lucenahin. Dagdag pa ni Zoleta, ang
pagiging mapagpakumbaba ay laging nakasaad sa bibliya na siya namang isa sa mga ugali ng mga Lucenahin, bukod sa pagiging madasalin. Ipinabatid rin ng pastor na nararapat ngayon na pasalamatan natin ang Diyos dahilan sa ating paniniwala ay naliligtas tayo sa anumang uri ng kapahamakan at kalamidad; at sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagdasal nating maipararating ang pasasalamat na ito. ADN
PAMASKO mula sa p. 1 nasabing aginaldo. Sa unang bugso pa lamang ng pamamahagi ng alkalde ng mga regalo na isinagawa una sa Punzalan Gym o City Sports Arena sa Brgy. 5 at pangalawa sa covered court ng Brgy. Gulang-Gulang, ay labis na tuwa ang makikita sa mga mukha ng mga mamamayan na masuwerteng napamahaginan ng mga gift pack mula sa alkalde at ng pamahalaang panglungsod. Kasama ni Mayor Alcala sa pamamahagi ng mga regalo ay ang mga konsehal ng bayan na sina Anacleto lcala III, Atty. Sunshine Abcede, Atty. Boyet Alejandrino, Kon. William Noche, Kon. Vic Paulo at Kon. Felix Avillo na kasama ng alkalde ay walang sawang pinalakpakan ng lahat ng nkadalo sa okasyon. Walang patid ang ipinakikitang kasipagan ni Mayor Alcala sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t-ibang sektor sa lungsod upang makadaupang palad ang mga mamamayan at nang maipadama sa mga ito na tamang serbisyo lamang ang nais na maibigay ng pamunuan nito para sa lahat ng mga Lucenahin. ADN
3
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA
0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City
QUARRYING mula sa p. 1 nito dahil sa nagpapatuloy ng quarry operations dito, at hinihimok ang pamunuan nito na direktahan ang Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) na ipatigil na ang pagquarry sa Sariaya, legal man o hindi, dahil sa siguradong peligro na maidudulot nito sa mga mamamayan at mga ariarian ng mga ito. Umaasa ang dating Bise Gobernador at mga mamamayan ng Sariaya na gagawa ang pamunuan ni Gov. Suarez ng karampatang hakbang o aksiyon hinggil sa usaping ito nang maibsan na rin ang mga pangangamba
ng mga taga-rito.. Ayon naman sa mga tagapanood ng programang nabanggit at nagpadala ng kani-kanilang komento hinggil sa liham ni Racelis, maaaring mabura sa mapa ang bayan ng Sariaya dahil sa kapag nagpatuloy aniya ang mga operasyong ito ay maaaring maging marupok ang mga paanan ng kabundukan dahil sa kabubungkal at maaari rin magkaroon ng mga pagguho ng ilang bahagi ng kabundukan. Maaari rin aniyang magdulot ito ng mga pagbaha na maaaribng ikalubog ng bayang ito. adn
ABC PRESIDENT mula sa p. 1 niya at ng kaniyang mga kasamahan na manahimik na lamang at gawin ang kanilang mga tungkulin bilang kapitan ng kani-kanilang barangay. Ngunit sa pagkakataong ito na nasa estado na ng pagbabago ang lungsod ng Lucena, ay kaniya nang pinaunlakan ang hiling ng kaniyang mga kapwa kapitan ng barangay at dumating na rin aniya ang panahon na kaniya hinihintay. Bagama’t sa umpisa ay nagsimula lang 28 ang mga kapitan ng barangay na
humimok sa kaniya upang panghawakan ang posisyon ng pangulo ng kanilang samahan, sa ngayon aniya ay lahat na ng mga chairman ang nagtutulak sa kaniya upang tanggapin ito. Nagpasalamat naman si Alcala sa kapwa niya kapitan at sinabing dalawang kamay niya itong tinatanggap. Sa huli, hiniling din ni Chairman Alcala ang suporta ng bawat isang miyembro ng asosasyon upang maging maayos ang pamamalakad niya at ang programa at proyekto na kanilang samahan. ADN
TRAFFIC SCHEME mula sa p. 1
UMAAPAW NA BIYAYA. Walang patid ang pamimigay ni Mayor Alcala at Pamahalaang Panlungsod ng “papasko” sa mga Lucenahin. Mahigit sa 58,000 mamamayan ang nakatakdang tumanggap ng pamaskong handog sa 33 barangay ng Lucena. Leo David
pinamumunuan ni Executive Assistant I Arnel Avila katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaang panlungsod. At dahil dito, at sa tulong na rin ng lahat ng bumubuo ng Sangguniang Panglungsod, nagsagawa ang TMCL ng experimental traffic scheme. Sa isasagawang experimental traffic scheme, isasaayos ng nabanggit na tanggapan ang suliranin sa trapiko sa lungsod. At isa na nga dito ang pagsasaayos at pagtatanggal ng mga traffic signages na una nang inilagay ng nakaraang administrasyon na nagdulot ng kalituhan sa ilang mga motorist noon. Ayon kay OIC City Engineer
Rhodencio Tolentino ng City Engineering Office, maraming mga street signs ang inirequest ng chairman ng TMCL sa kanilang tanggapan na siyang ipapalit sa mga aalising street signs. Dagdag pa nito na sa kasalukyan ay kanila nang inihahanda ang mga kakailanging mga signages na gagamitin sa pag-uumpisa ng experimental traffic scheme. Sa ngayon ay inuumpisahan na nilang pag-aralan ng Executive Assistant ang mga lugar at mga ilalagay na mga street signs at tiniyak nito na sa pag-uumpisa ng isasagawang traffic re-routing on experimental basis ay nakalagay na ang mga ito. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
disyembre 23 - DISYEmbre 29, 2013
editoryal
Ngayong panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan, habang ang lahat ay nalilibang sa materyal na bagay at luho ng mundo, higit namang dapat tayog maging mas maramdamin sa pakiramdam ng mga mamamayan sa ating paligid. Higit sa lahat, dapat mas maramdaman ng bawat isa sa atin ang pakiramdam ng mga pulubing tunay na nangangailangan, iyong halos yumuyuko’t humahalik na lupa o semento upang makaamot lang hingi lamang ng kaunting salapi sa mga nagdaraang abala din sa kanikanilang mga sariling buhay. Gayundin, mas dapat nating makilala ang mga magsasakang bayani ng ating hapag-kainan; silang mga nagsusunog ng balat sa tindi ng init ng araw upang linangin ang kanilang sinasakang bukirin upang may maipakain sa ibang tao, datapwa’t nakakalungkot na pagkaminsan (o madalas), ang sarili nilang pamilya’y hindi sapat ang pagkain sa mesa. Dapat din nating higit na mas makilala ang mga batang matindi ang pagnanais magaral subalit hindi makapag-aral dahil walang perang pambili ng uniporme at iba pang gamit sa paaralan. Sa halip, gumagawa sila ng mga bagay na pagkaminsa’y labag sa pamantayan ng tama sa ating mundo. Sila iyong mga batang hindi makapag-aral dahil kailangang tumulong sa mga magulang sa pagtatrabaho. Mga batang sa halip na nakaupo sa silid-aralan at nakikinig sa guro, nasa lansangan at namamalimos. Gustuhin man nilang pumasok sa paaralan, hindi nila magawa. Nakakapailing na na habang may mga batang ganito, maraming mga estudyanteng hindi pumapasok sa klase at hindi pinahahalagahan ang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila. Tunay ngang ang ating bansa’y pugad ng mga anak ng dalita. Mga bansang nabibilang sa pangatlong klase ng bansa. Bansang natatanging Romano Katoliko sa Timog Silangang Asya datapwa’t nangunguna sa pagdambong ng sariling kabang-yaman. Pinakamahalaga sa lahat, dapat na hindi lang nating “alam lang ang mga bagay na ito. Hindi rin sapat ang pagiging mulat lamang. Walang magagawa ang galit at emosyon kung walang konstruktibong solusyong maihahain ang mayoridad sa sambayanang Pilipino. Kailangan nating kumilos. Kailangan nating tumulong. Kailangan natin nang mga Pilipinong may wagas na pagmamalasakit sa ating bansa. Ngayong darating na Kapaskuhan at sana’y sa lahat ng panahon, maging maramdamin sana tayo sa ating kapwa para sa pagtataguyod ng isang lipunang tunay na makatao at makabansa. ADN
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
dibuho mula sa www.manilatimes.net
Para sa Lipunang Makatao
Broadsheet vs. tabloid
A
yon kay Dr. Edberto Villegas, isang manunulat na kritiko sa ekonomiyang pulitikal at pananaliksik, bagaman iba’t iba raw ang batayan o pagtingin natin sa estetika, tukoy ng bawat lipunan kung ano ang katanggap-tanggap sa bawat isa. Ang lohika nito na ito ang ang mismong babagtas sa konsepto ng moralidad sa usapin ng pamamahayag sa kabuuan. Bagaman kinikilala ang iba’t ibang anggulo sa pagsasaalang-alang ng tama at mali, tukoy naman kasi ng ating lipunan kung ano ang mga konsepto o ideyang morally apprehensible sa hindi. Bakya daw ang tabloid at sosyal naman ang broadsheet? Sa usapin ng teknikalidad naman, makikita ang matalas na pagkakaiba ng dalawa sa usapin ng pagpili ng istorya. Nagiging matibay na dahilan ang mababang presyo ng una sa huli upang hindi maging abot-kamay ng mamamayan ang sapat na impormasyong kailangan upang magampanan nito ang pananagutan bilang mamamayang mapangmatyag at kritiko — isang esensyal na elemento sa isang demokratikong lipunan na masasagot lamang sa pamamagitan ng responsableng pamamahayag. Pangkaraniwan, sa mga banner headline o pinaka-ulo ng balita ng mga pahayagan, mas binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police
alimpuyo
Ni Criselda C. David
stories (panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) kumpara sa mga pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Makikita rin ang obvious na sensationalism sa pagturing sa mga balita at karagsaan ng paggamit ng mga lengguwahe. Sa pagsambot ng kakulangang ito ng mga tabloid sa ating bansa, mahalaga ang papel ng mga independent institutions na nagbabandila ng interes ng mamamayan para sa makabuluhang impormasyon, tulad na lang halimbawa ng Philippine Center for Investigative Journalism, NUJP, Center for Media Freedom and Responsibility at ng KBP. Sa isang banda, ang ganitong senaryo ay maaari sigurong maiugat natin sa mahigpit na labanan sa hanay ng pahayagang tabloid sa Pilipinas. Kung hindi magbabago ang news treatment, sobrang bulnerable ang bawat Pilipino sa isang lipunang bansot sa impormasyong nararapat para isang makataong lipunan. ADN
Isang makatotohanan at makabuluhang Pasko
M
ay dahilan para pansamantalang magsaya at magpahinga. Pasko na naman, hindi ba?
Dito sa Pilipinas, ang Pasko ay okasyon para muling magsama-sama ang mga mahal sa buhay. Kahit na kapos sa pera, pinipilit pa ring magkaroon ng simpleng noche buenang puwedeng pagsaluhan ng mga kamag-anak at kaibigan. Mahal man o mura, hindi bale na basta’t may maibibigay ding aginaldo, lalo na sa mga bata. Wala naman sigurong nag-iilusyong makakakuha ng regalong bagong bahay at kotse, kahit mula sa mayayamang kamag-anak. Kahit na hindi masamang mangarap, mainam na ring panatilihing makatotohanan ito. At sa panahong maraming kinakaharap na trahedya ang ating bansa, mas mainam din sigurong gawing makabuluhan ang mga adhikain. Makatotohanan at makabuluhan. Sana’y ganito na lang ang ating mga pangarap. Kahit na mahirap maiwasan ang mga personal na pagasam, posible namang labanan ang mga ito at magkaroon ng kaunting sakripisyo. Hindi lang ito simpleng “guilt trip” na pinagdaraanan ng “masuwerteng” mamamayan sa panahong may
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
konteksto
kontribusyon ni Danilo Arao trahedyang kinakaharap ang kapwa niya. Gusto kong isiping nagmumula ang makatotohanan at makabuluhang pangarap sa mas malalim na pag-intindi sa kasalukuyang kalakaran ng ating lipunan. May politikal na dahilan, halimbawa, ang desisyon ng maraming grupo’t indibidwal na magbigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre, pati na ang mga biktima ng lindol noong Oktubre at ang mga sibilyang naipit sa giyera sa Zamboanga City noong Setyembre. At sa mga nabalitaan nating mga kompanyang nagkansela ng Christmas party o ginawang simple na lang ang pagdiriwang, halata ang pakikisimpatiya sa mga kapwa nating nawalan ng buhay, bahay at kabuhayan sa kung anumang dahilan. tingnan ang KONTEKSTO | p. 8
ANG DIARYO NATIN
I
5
‘Occupational health and safety standards’ sa mga bus drivers
pinag-utos ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa Department of Labor and Employment (DOLE) na subaybayan kung nasusunod ng mga may-ari ng bus na kumukuha ng prangkisa sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang tungkol sa ‘occupational health and safety standards’ ukol sa kaligtasan ng mga pasahero. Sa pulong-balitaan sa Malacanang, sinabi ni Sec. Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office na sa gagawing pagsubaybay ng DOLE, aalamin kung sinusunod ang DOLE Dept. Order No. 118-12 o ang mga tuntunin at regulasyon na ukol sa pagtatrabaho at kondisyon ng pagtatrabahuhan ng mga tsuper at konduktor. Ang may-ari ng bus ay dapat kumuha ng labor standards certificate bilang mandatory requirement bago sila makakuha ng bago o ng dati na nilang prangkisya sa LTFRB. Niliwanag ni Coloma na ang layunin nito ay upang
mula sa pia
Edisyon Ni Lito Giron
maiwasan ang mga iresponsableng may-ari ng mga pamasaherong sasakyan at ng mga tsuper na ilagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Samantala, payag ang Malacanang sa paggamit ng ‘speed monitoring o limiting devices’ sa mga pamasaherong sasakyang tulad ng mga bus upang maiwasang maulit pa ang aksidente sa lansangan. Sinabi ni Sec. Coloma na mahalaga ang
monitoring device para maiwasan ng mga tsuper ng bus ang pagpapatakbo nang napakabilis. “Puwede itong gamitin bilang monitoring o control device. Makabubuti ito sa may-ari ng bus. Pati ang pagsunod ng mga tsuper sa takdang tulin ay magiging daan din para makatipid ng gasolina ang minamaneho nilang sasakyan, wika pa ni Coloma. Idinugtong niya na ipauubaya ng Palasyo sa mga mambabatas na magtibay ng panukalang batas. Binanggit ni Coloma na dapat na mahigpit ding ipatupad ang ‘seat belt law’ upang matiyak din ang kaligtasan ng mga biyahero. Sa kabilang dako, sinabi ni Coloma na minamarapat ng pamahalaan na ipaubaya sa pribadong sector ang pagmamay-ari ng mga pamasaherong sasakyan. Ang papel ng gobyerno rito ay para lamang sa regulasyong may kinalaman sa operasyong ginagawa ng pribadong sektor. ADN
“Pinoy Pride”
P
ride nating mga Pinoy ang pinakamahabang selebrasyon ng pasko sa buong mundo– umpisa na dumating ang “ber month”, simula na iyan ng pasko sa atin. At totoo, Setyembre pa lang, ilang bahay na ang may Christmas tree, parol, at Christmas lights. Alingawngaw na rin ang mga pamaskong kanta, na lalong nagpapaging-solemne sa paparating na Kapaskuhan. Walang tigil ang panawagan ng simbahan sa muling pagbabalik nating mga Kristiyano sa Belen kung saan isinilang ang batang mananakop – si Hesus. Ngunit kasabay ng paglamig ng buwan ng Disyembre, wala ring tigil ang mga panawagan ng mga komersyal sa telebisyon ng pagtangkilik sa mga produktong hinding-hindi dapat nawawala sa pagdiriwang ng paskong Pinoy sa iba’t ibang pangalan ngunit iisa ang katawagan – si Gastos. Nakapanlulumong isipin na malayung-malayo sa konsepto ng Bibliya ang paskong ipinagdiriwang ng mga Pilipino sa makabagong panahon. Sa konsepto ng Bibliya, ang esensya ng pasko ay ang payak na pagsilang ng tagapagligtas mula sa ating mga kasalanan. Ang unang pasko ay larawan ng kahirapan – sino’ng mayaman ang ipinanganak sa sabsaban? Walang handa, walang tugtugan, walang inuman – walang gastos, subalit ang paskong ito ng mga Pinoy ay larawan ng katakawan, kapalaluan, impraktikal na selebrasyon ay balintuna sa totoong konsepto ng totoong pasko. Ang paraan ng pagdiriwang ng Pasko ng mga Katoliko ay mala-pagano, na sumusuway sa pananampalatayang Kristiyano. Bakit ang hindi? Lantad na lantad ang pagtatakwil natin sa sustansya ng pagsilang ng manunubos. Biyak na biyak ang pananampalatayang Katolisismo dahilan sa maling paraan ng mga inangkop nating maka-dayuhang pagdiriwang: ang pasko ng mga Pinoy ay colonialized Christmas. Naitanong ko tuloy kung alin sa panahon ng bagong silang na si Hesus sa paligid niya ang
A
DISYEmbre 23 - DISYEmbre 29, 2013
KONEKSYON Ni Byron Cuerdo Christmas lights. Alin doon ang Christmas tree. Alin doon ang tema ng pagbibigayan ng regalo – dahil ba sa pagbibigay ng regalo ng tatlong Haring Mago? Alin doon ang suhestiyon na kailangan nating magpakagarbo ng selebrasyon? Lahat ng bahaging ito ng pasko ay wala sa Bibliya, ngunit nasa bokabularyo ng Americanized Christmas – konsumerismo, na ibabansag naman nating relihiyong pamalit Pinalalabas ng mga komersyal sa telebisyon na may koneksyon ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at ang kagastusan. Ang pagsasama-sama ng pamilya ay hindi maaaring walang handa sa hapag; ang reunion ng mga magkakaibigan ay hindi maaaring walang tinutungga sa magdamag. Kung titingnang mabuti sa mga komersyal, sekundarya lamang ang pagsasama-sama ng pamilya, primarya dito ang pagkunsumo. Wala naman sanang problema sa pagkunsumo kung sadyang ang tukoy ng pagdiriwang ay pagsasama-sama lamang, at hindi ginagawang dahilan ang Kapaskuhan. Lumalabas higit sa lahat ang impraktikal na pananaw ng mga Pilipino sa paggastos nang labas sa tamang sitwasyon. Ihanay natin dito ang kasabihang “ubos-ubos biyaya, bukas ay wala.” Binubunton natin ang buong lakas at paghahanda upang pasaganahin ang kapaskuhan. Pinapatay natin sa pressure ang bawat isa upang magkaroon nang masaganang pagdiriwang at upang hindi maghanap ang ating mga kapamilya, lalo’t higit ang mga anak, ng wala. Nararamdaman natin ang awa sa ating mga
anak kung walang bagong damit, o walang bagong sapatos, o hindi kasama sa krismas parti ng klase dahil walang maibigay ang mga magulang, o hindi makalabas ng pintuan dahil hindi tayo makapagbigay sa ating mga inaanak. Hindi naman ito ang emosyong dapat nating maramdaman sa kapaskuhan – ang awa dahil sa kawalan ng panggastos. Walang kaugnayan ang konsumerismo sa pagsilang ni Kristo, ano’t pinipilit nating higitan ang handa ng kapitbahay, o ang damit ng anak ng kapitbahay, o ang regalo natin sa anak na mas mahal sa kaniyang kalaro. Marami tayong tinatanggap na maling pananaw pagdating sa mga pagdiriwang, hindi lang sa Pasko, maging sa birthday (lalo’t higit ang pangpito at pang-18/21 taon ng mga anak), binyagan, graduation, araw ng mga patay, piyesta, marami pa. Marami pa na ikinagugumon nating mga Pinoy sa lalong maralitang paghihirap. Naiiwan ang tamang esensya ng pagtitimbang sa kung ano ang mayroon ngayon na maaaring pakinabangan bukas – sa halip ay ano ang maaaring pakinabangan ngayon dahil iba Napaka-malisyoso ng iniiwan nating edukasyon sa ating mga anak at nakababatang henerasyon ukol sa mga pagdiriwang, lalo’t higit ay sa mga selebrasyong pansimbahan. Pinapalitan natin ng maka-materyal na pag-unawa ang dapat sana’y hindi pinaiikot ng pera o kagastusan. Ang pasko na dapat sana’y pagninilay ng pagpapatawad at pagbibigay ng pagmamahal hindi lang tuwing December 25 kundi araw-araw, ay naiipon sa isang hapag sa loob lamang ng maghapon, at nauubos din maghapon na wala nang mapapakinabang bukas.Kung tatanungin natin ang ating mga anak, na higit nating pinaglalaanan ng kapaskuhan tungkol sa esensya ng pasko, ano sa palagay natin ang isasagot ng ating mga panganay hanggang bunso sa nagdudumilat na mukha ng konsumerismo? I-konek nga ninyo. ADN
Perez Park, wala ng ilaw, wala pang Christmas lights?!
no na yan? Pambihira talaga! Wala na raw Christmas lights sa parke, wala pa ring ilaw ang fountain? Ano nang nangyari sa Provincial Government of Quezon? Aba’y mukha yatang napapabayaan ng mga bagong namumuno? Isa pa mga mare at pare, wala pang Christmas bonus at wala pa ring 13 Month Pay? Wala pa rin umanong Christmas party? Daig pa ng City Government may bonus na ang mga empleyado at casuals (job order -Ed) na tig-P20,000.00 at P30,000.00! May Christmas Party pa sa mga media. Mabuhay ka, Mayor Dondon Alcala! At huwag namang kunin ni Lord ‘yong mga pulitikong bato! Balik tayo mga suki dito sa Provincial Government. Aba’y inggit na inggit ang mga empleyado nila sa city government. Minsan na nga lang gunitain sa loob ng isang taon ang kapangakan ni Jesus, wala pang bonus? Oh, No! Ang katwiran daw diumano ay nag-donate sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte. Sus! Napakababaw na dahilan eh! Bakit iyong iba, may
tirador
Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
bonus na’y may Christmas Party pa! Ay kung tutuusin ay hindi na tayo dapat magbigay dyan sa Tacloban. Aba’y ang dami ng nagbigay ng donasyon; tatlumpu’tanim (36) na bansa ang nagbigay ng tulong sa ating mga kababayan sa Tacloban. Iyong iba nga eh kumita pa may mga nagbebenta pa na galing sa donasyon. Oh, ay ang siste, nagbigay daw ang provincial government ng Tulong na mahigit na tatlong milyon. Dapat, bago ang iba ay sarili munang bakuran ang linisin bago ang ibang kapaligiran. Marami na tayong naririnig diyan sa provincial government na parang poor na poor na at wala
na raw badyet, pati mga bokal na budget simula pa noong 2009 hanggang ngayon ay wala pa raw natatanggap. Totoo ba yun, Gob? Pakisagot lang po. O kaya, magtext ka sa colum kong ito. Hindi kita binabatikos o tinitira dahil kinakapatid kita. Pakiexplain lang kung totoo ‘yong tsismis. Balik tayo dito mga suki, sa Perez Park. Aba’y sobra daw namang napakadilim, pati fountain ay nawala na rin ang ningning. Alam nyo mga mare at mga pare ko, baka kaya talagang hindi inilawan yang parke ay para ’di makita yong mga “maligno” na naglipana diyan sa kapitolyo. Alam naman ninyo na takot na takot ang “maligno” sa araw dahil nasusulo sila? Aba’y kuruin mo mga suki, noong taon raw ay may Christmas lights na ipinagyabang pa ng mga bagong halal na politiko, kamukat-mukat mo’y biglang nasunog! Ayon sa ating nakapanayam na mga may tindahan, ay tinipid raw kaya nasunog! Ay anak ng baklang kuwago at santisimang malalapad! Kaya naman pala… Bago ako mag paalam Merry Christmas muna and Happy New Year to all of you. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
Vintage bomb, natagpuan sa isang subdivision ni Ronald Lim
L
UCENA CITY Isinasailalim ngayon sa imbestigasyon ang vintage bomb na narekober sa Lucena City nitong nakaraang linggo. Ito’y na matapos na ito ay madiskubre sa Pleasantville Subd. Barangay Ilayang Iyam.
Napag-alaman na isang tawag ang natanggap ng himpilan ng pulisya kaugnay ng nasabing bomba. Sa ngayon ay hawak ito ng SOLCOM (Explosive Ordinance Division) para sa eksaminasyon at kaukulang disposisyon. Topher Reyes ADN
Guwardiya, sugatan sa pananaksak
ni Ronald Lim
P
AGBILAO, QUEZON Kasalukuyan n g a y o n g nagpapagaling sa pagamutan ang isang guwardiya makaraang saksakin ito ng kapwa niya guwardiya sa Pagbilao, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Cipriano Roadilla, 31 anyos, company guard ng Energy World of the Philippines, at residente ng Alpsville 3 Subd. Lucena City. Base sa imbestigasyon, nagkakainuman ang biktima at ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Reyes kasama ang 3 pang mga guwardiya pasado alasdiyes ng gabi sa Brgy. Ibabang Polo sa naturang bayan. H a b a n g nagkakainuman ay
nagkaroon ng pagtatalo si Roadilla at ang suspek. Nang sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ay bigla na lamang sinaksak ni Reyes ang biktima sa kanang binti. Ayon pa sa report, bago pa maganap ang pananaksak sa security guard ay may tatlong di-pa matukoy na mga kalalakihan ang biglang dumating sa lugar at nagkasuntukan ang biktima at ang mga lalaki. H a b a n g nagkakasuntukan ang mga ito ay bumunot ng patalim ang isa sa tatlong lalaki at inundayan ng saksak si Roadilla na tinamaan sa kaliwang bahagi ng katawan. Mabalis namang nakatakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa krimen at ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya. ADN
Ama, kritikal nang pukpukin ng bato ng sariling anak
ni Topher Reyes
T
ANG DIARYO NATIN
disyembre 23 - DISYEmbre 29, 2013
IAONG, QUEZON Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang 25-anyos na binata matapos na pukpukin ng bato sa ulo ang sariling ama sa Tiaong, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ang suspek na si Arnesto Galoso Fernando habang ang kanyang ama ay si Mercado Fernando, 55, kapwa residente ng Barangay Ayusan 2.
Batay sa impormasyon ng mga awtoridad inawat ng biktima ang kanyang anak na lango sa alak. Ngunit imbes na magpaawat na pinagbuntungan nito ang ama na itinumba at binugbog at pinukpok ng bato sa ulo. Agad na nawalan ng malay ang biktima na dinala sa pagamutan habang tumakas ang anak nito sa hindi malaman na direksyon. ADN
Bagong “Liga ng mga Kapitan,” patas sa lahat ng myembro
kontribusyon ng PIO Lucena / Ronald Lim
L
UCENA CITY “Kontrolado ng mga namumuno noong nakaraang administrasyon ang pamamalakad sa Association of Barangay Captains (ABC),” ito ang mariing ipinahayag ng bagong-bagong katatalagang ABC President at Chairman ng Brgy. Cotta na si Hermilando Alcala Jr.
hinggil sa kalakaran ng asosasyon noong nakaraang mga taon. Ayon kay ABC President Alcala, ang pulitika sa lungsod ng Lucena ay napakagrabe at maging ang mga iluluklok sa pwesto ng ABC ay sila mismo ang nag-uutos at kinakailangang sila aniya ang masunod tungkol sa usaping ito. Bagama’t aniya ay wala silang magawa at naging sunodsunuran na lamang
sila sa pamamalakad ng nasabing samahan kahit na gustuhin nilang labanan ang mga ito at gawing patas ang lahat at ang kagustuhan ng tao ang masunod ay hindi ito nangyayari. Ngunit ngayon sa panahon na ang lungsod ng Lucena aniya ay nasa panahon nang pagbabago, tiniyak ni Chairman Hermilando Alcala na magiging patas sa lahat ng miyembro at opisyal ng ABC ang
kaniyang magiging pamumuno dito. Nanawagan rin ang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa mga kapwa nito barangay chairman na tulungan siya ng mga ito upang maging maayos at maganda ang kaniyang pamamalakad at nangako ito na hindi siya magpapatulogtulog handa siyang tumulong sa hinahangad na pagbabago ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala. ADN
Pagsasara ng Don Crisanto St. sa Brgy. Marketview sa publiko, binigyang paliwanag ng CEO kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
L
UCENA CITY - Upang maiparating sa kabatiran ng mga mamamayan ng lungsod , ay binigyang paliwanag ng City Engineering Office sa pangunguna ni OIC City Engineer Rhodencio Tolentino hinggil sa pagsasara ng Don Crisanto St. sa Brgy. Marketview na
nagsimula noong ika-30 ng Nobyembre, taong kasalukuyan. Ayon kay Engr. Tolentino, dalawa ang kalyeng naihanay sa proyekto ng pagsasaayos o rehabilitation na nagmula sa pondo ng “Special Local Road Fund” ng Department of Interior and Local Government; at ang mga ito ay ang Don Crisanto, at kalye Zamora sa
poblacion ng lungsod. Ayon pa sa City Engineer, simula ng maproseso ang mga kinauukulang papeles ay nakapagpalagay na sila ng mga public advisory hinggil sa mga proyekto ngunit nakiusap ang ilang mga negosyante sa kalye Zamora na ipagpaliban muna ang pagsasara ng kalyeng ito hanggang sa matapos ang kapaskuhan; kaya’t
naiuna munang ayusin ang Don Crisanto sa Marketview. Dagdag pa ni Tolentino, ang proyektong pagsasaayos ng mga kalyeng ito ay bunsod na rin ng mga hinaing ng mga mamamayan ng lungsod hinggil sa mga sira-sirang kalagayan ng mga ito na agad namang tinutugunan ng Pamahalaang Panglungsod. ADN
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! mula sa ANG DIARYO NATIN editorial board and staff!
2 patay sa banggaan ng motorsiklo at bus
ni Topher Reyes
T
AGKAWAYAN, QUEZON Mahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to properties ang bus driver na nasangkot sa aksidente na ikinamatay ng dalawa katao nitong nakaraang linggo. Kinilala ng
tagkawayan police ang mga ito matapos na bawian ng buhay ang biktimang sina Jimmy Millares at Ceazar Comple. Ang mga biktima ay kapwa residente ng Barangay Sta. Monica na lulan ng motorsiklo na binabaybay ang direksyon patungong Bicol dakong alas-11:00 gabi. Nakasalubong
nito ang JBH bus na minamaneho ni Jener Bataller na papuntang Maynila. Sa imbestigasyon lumalabas na kinain umano ng pampasaherong bus ang linya para sa motorsiklo sa pasulong na bahagi ng Quiriono Highway sa Barangay Bagong Silang. Naabutan na lamang umano ng kanilang grupo na nakahandusay na ang
dalawang biktima na kapwa sabog ang ulo. Pinaniniwalaang malakas ang pagkakabanga dahil parehong nayupi ang dalawang sasakyan ngunit wala namang naitalang nasugatan sa lulan ng bus. Sa ngayon hawak na ng otoridad ang driver ng bus habang nailipat na sa ibang sasakyan ang mga pasahero. ADN
download pdf copy of ang diaryo natin. visit
www.issuu.com/angdiaryonatin
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ANG DIARYO NATIN
DISYEmbre 23 - DISYEmbre 29, 2013
Sina Dr. Roberto Licup Sr., ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), Batangas governor Vilma Santos-Recto at Southern Luzon Command commander Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo ang naging abala sa ginanap na joint disaster capability exercises sa Belete, Batangas noong Disyembre 12, 2013. Danny Estacio
7
Pinagkalooban si Dr. Roberto Licup Sr. (kanan), opisyal ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI) ng pagkilala dahilan sa adbokasiya nito sa larangan ng edukasyon sa Quezon at iba pang panig ng bansa ng Department of Education-Quezon (DepEd-Quezon) na iginawad ni Dr. Celedonio Valderas, assistant schools division superintendent na kumatawan kay Tolentino Aquino, Quezon -DepEd divisiin schools superintendent sa ginanap sa pagdiriwang ng Education Week sa Talipan, Pagbilao, Quezon noong Disyember 14, 2013 Danny J. Estacio
HEADQUARTERS SOUTHERN LUZON COMMAND ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES Camp Guillermo Nakar, Lucena City
Mahihirap, agarang mabibigyan ng PhilHealth sa mga pampublikong ospital
PRESS RELEASE
Upang mabigyan ng proteksiyong pinansiyal lalo na sa panahon ng pagpapagamot, gagawaran na ng PhilHealth membership ang sinomang mahirap na pasyente na mako-confine sa mga pampublikong ospital.
18 December 2013 Contact Person and for other information: LTC DOMINGO B GOBWAY (GSC)PA Acting PIO, SOLCOM, AFP
Ito ang inihayag ng PhilHealth sa Circular 32, s-2013 nito na nagkabisa Nobyembre 29, 2013 kung saan pormal na pinasimulan ang “point-of-care enrolment program” para sa mga hindi pa miyembro na kabilang sa Class C-3 o D.
SOLCOM chief visits troops in Bicol
Kasamang makikinabang ang mga kasalukuyang miyembro na walang sapat na kontribusyon at kabilang din sa nasabing economic classes. Ang mga nabanggit kasama ang kanilang mga dependents ay bibigyan ng PhilHealth bilang Sponsored members kung saan ang kontribusyon na P2,400 ay buong sasagutin ng pampublikong ospital. Ito ay matapos silang mapatunayang mahirap ng medical social worker sa panahon ng admission. “Ito ay ipinapatupad na sa 85 retained hospitals ng Department of Health sa buong bansa at ito ay madadagdagan pa dahil sasali rin ang iba pang ospital na pinapatakbo ng mga lokal na pamahalaan” ani Alexander A. Padilla, Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth. Umaasa ang PhilHealth na lalong mahihikayat nito ang mga mahihirap na magpagamot dahil may tiyak na tulong ang naghihitay sa kanila sa pagpapagamot. “Sana ay huwag nang magdalawang-isip ang ating mga kababayang mahihirap dahil bukod sa PhilHealth benefits ay wala na silang babayaran pang balanse dahil sa aming No Balance Billing policy” giit pa ni Padilla. Sila ay nakatalagang magkamit ng inpatient at outpatient benefits maliban sa primary care benefit mula sa unang araw ng confinement hanggang sa huling araw ng taon. Nilinaw pa ni Padilla na isusumite nila ang mga pumasa sa programang ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa posibleng pagtutuloy ng kanilang PhilHealth coverage sakali namang maitala sila sa Listahan ng mga Pamilyang Nangangailangan or Listahan.
CAMP GUILLERMO NAKAR, LUCENA CITY – With the advent of yuletide season, Southern Luzon Command (SOLCOM) COMMANDER LTGEN CAESAR RONNIE F ORDOYO AFP extended his warmest greetings and great appreciation to the troops who could not spend Christmas with their families as they continue to render selfless service to the people. LTGEN ORDOYO headed to Bicol on Tuesday, December 16, 2013 to spend a day with the foot soldiers in different combat units in the region to boost the morale of the troops. He first visited the headquarters of 902nd Brigade in Labo, Cam Norte before proceeding to the 901st Brigade in Daraga, Albay. The SOLCOM commander in his talk congratulated the troops for a job well done especially in pursuit of a lasting peace and development though IPSP Bayanihan saying they are on the right track of winning the peace. “More than anything, a simple gesture of appreciation and physical presence will inspire and encourage our soldiers to carry on with their duties. Araw araw ay pasko para sa ating mga kasundaluhan sapagkat sila ay buong pusong nag aalay ng kanilang mga oras at serbisyo para sa bayan habang ang kanilang asawa at mga anak ay nangungulila sa pagmamahal at pag aaruga. Kaya ngayong panahon ng kapaskuhan marapat lamang na bigyan natin sila ng pagpupugay at ipadama natin sa kanila an gating pagmamahal at suporta”, he said. Meanwhile, he also reminded the troops to remain focused on their mission and respect the rights of everyone. He also encouraged them to love one another, extend peace even to the enemies of the state and put God on top of every endeavor that they do.
Pagkakaisa ng lahat ng kapitan, indikasyon ng tunay na pagbabago sa Lucena kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena
L
UCENA CITY – Bagay na ikinatutuwa ng lahat ng mga nakakasaksi, isang indikasyon ng tunay na malaking pagbabago ang nakikitang pagkakaisa ng mga kapitan mula sa 33 barangay sa lungsod ng Lucena. Ayon kay Brgy. Cotta
Chairman, at malamang na magiging presidente ng asosasyon ng mga barangay chairman sa lungsod na si Hermilando Alcala Jr. ay siya aniya ay natutuwa sa nakikita niyang pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga kapitan at kapitana ng mga barangay sa lungsod, na hindi pa niya naranasan sa mahabang panahon. Ihinalimbawa ni Kapitan
Alcala ang sa mga nakaraang administrasyon na lagi na lamang aniyang may mga paksyon, dahilan upang hindi magkasundo-sundo ang mga kapitan tungo sa iisang hangarin na mapaganda ang kani-kanilang mga kinasasakupan pati na rin sa lungsod. Ayon pa sa kapitan nakatutuwa rin ang ipinakita ng mga kapitang ito nang
minsan ay nagpatawag ng pagpupulong ang punonglungsod ay halos makumpleto ang lahat ng kapitan maliban sa dalawa na dumalo sa tanggapan ng alkalde. Isa pang halimbawang binanggit ay ang ipinakita ng mga kapitang ito sa pagdalo sa sangguniang panglungsod upang magpakita ng suporta sa pagkakaupo ni Kap. Nilo
Villapando bilang kinatawan ng ABC dito. Dagdag pa ng Barangay Chairman kapag ganito ang nagiging takbo, ay hindi malayong makamit ng lungsod ang inaasam na pagbabago, lalo na at ang lahat ay nagbibigay ng suporta sa Pamahalaang Panglungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
disyembre 23 - DISYEmbre 29, 2013
IARYO NATIN D
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
ADN Taon 12, Blg. 509
Disyembre 23 - Disyembre 29, 2013
Suspek sa pagkamatay ng isang mangingisda, timbog
ni Topher Reyes
LUCENA CITY - Inaresto ng mga pulis nitong nakaraang linggo ang suspek sa pagkamatay ng isang mangingisda na unang sinasabing namatay sa pagkalunod. Kinilala ang suspek na si Michael Parale, 36 anyos at residente ng Purok 1B, Brgy Dalahican Lucena City.
Ayon sa report ng Lucena police, si Parale ay ang nagiisang kasama ng biktimang si Felipe Caballes ng ang mga ito ay maglayag sakay ng isang motorized banca mula sa Dalaahican Patungo sa Marinduque noong Biyernes ng umaga. Subalit ng bumalik noong hapon, nag-iisa na si Parale at sinasabing nahulog umano sa dagat si Caballes.
Subalit ng marekober ng search and rescue unit ng Philippine Coast Guard at Lucena PNP ang bangkay ng biktima kinabukasan ng umaga, natuklasan na may tama at sugat ito sa noo. Nawawala rin umano ang 3,600.00 pisong dala ng biktima. Nakakulong na ngayon ang suspek sa Lucena city Lock up jail. ADN
Barangay tanod, patay sa pamamaril
kontribusyon ng Topher Reyes
C
ANDELARIA, QUEZON Patay ang deputy chief ng mga barangay Tanod ng Brgy Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon makaraang ito ay pagbabarilin malapit sa kaniyang tirahan sa Sitio Pinagpala sa nasabing barangay nitong nakaraang
linggo. Sa imbestigasyon ng mga pulis, pasado alas-7:00 ng gabi, nakaupo sa tricycle at nanonood ng tv sa kapitbahay ang biktimang si Ernesto Balahadia ng barilin ito ng nag iisang suspek mula sa likuran. Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima at
ideneklarang dea on arrival sa Peter Paul Hospital. Narekober ng mga pulis sa pinagyarihan ng krimen ang anim na basyo ng kalibre 45 baril. Pinaghahanap namaan ng mga pulis ang tumakas na suspek na sinasabing naglakad lamang palayo sa lugar. Topher Reyes ADN
ANG DIARYO NATIN KONTEKSTO mula sa p. 4 At sa usapin ng dahilan, ano ba ang tinutukoy mo – bagyo, lindol o giyera ba? Oo nga’t nangyari ang mga ito ngayong 2013, pero kailangan pa rin nating suriin ang konteksto. Gaano ba kahanda ang gobyerno para tumulong sa mga biktima? May mga opisyal bang nakinabang mula sa trahedya? Kapansin-pansin ba ang sinseridad ng mga nasa kapangyarihan sa pagtulong? O ginagamit lang ba nila ang okasyon para isisi sa mga katunggali ang nangyari? Habang isinusulat ito, patuloy pa rin ang pagtatalo ng ilang opisyal ng gobyerno kung sino ang may kasalanan lalo na sa dami ng mga namatay pagkatapos ng bagong Yolanda. Ayon sa Situational Report No. 69 (Disyembre 14) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 6,033 katao ang namatay at 27,468 ang nasugatan. Posibleng tumaas ang bilang ng namatay dahil mayroon pang 1,779 na nawawala. Nakakalula din ang pinsala sa imprastruktura at agrikultura dahil nagkakahalaga ito ng P35.5 bilyon. Ngayong Pasko, mainam na pagnilay-nilayan ang mga datos na ito. Mahalaga ang kagyat na tumulong sa mga nasalanta hindi lang ng bagyong Yolanda kundi ng iba pang trahedya. Pero kung may mas mahalaga pa sa pansamantalang pagtulong, ito ay ang tuloy-tuloy na pagsusuri sa nakaraan at kasalukuyan para mapagtibay ang politikal na paninindigan. Kung may malalim na pag-intindi sa pinagdaraanan ng nakararaming mamamayan, mapapansin ang susing papel ng pagkilos para buuin ang katanggap-tangap na kinabukasan. Mahirap tapusin ang sanaysay na ito sa pamamagitan ng pagbati ng Maligayang Pasko. Wala naman kasing ligayang nadarama sa gitna ng maraming trahedya. Para maging mapagpalaya ang mensahe, mainam na batiin na lang natin ang isa’t isa ng isang Makatotohanan at Makabuluhang Pasko, at isama na rin natin ang isang Mapagpalayang Bagong Taon! ADN UNANG NALATHALA SA WWW.pinoyweekly.org
QUEZON POWER LIMITED, CO. (MAUBAN POWER PLANT)
Ngayong Araw ng Kapaskuhan, damhin nating lahat ang tunay na diwa ng pagbibigayan, paggalang at pagmamahal sa ating kapwa-tao sa pamamagitan ng pagaalay ng wagas na serbisyo sa kanila. Kaisa ng mamamayan ng Lungsod ng Quezon ang MAUBAN POWER PLANT sa hangaring paglingkuran ang malawak na hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng maayos at matapat na serbisyo-publiko. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat! THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE