Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 510)

Page 1

DOE Secretary Jericho Petilla Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG

IARYO NATIN D ADN Taon 12, Blg. 510

Disyembre 30, 2013 – Enero 5, 2014

Quezon’s 10th most wanted falls

contributed by Gemi Formaran

L

UCENA CITY - Two weeks after arresting Quezon province’ 7th most wanted felon, the city police force on Monday nabbed the 10th, officials said yesterday. City police director, Supt. Allen Rae Co said Adonis Alay, 40, alias “Ado,” a former mall security guard and resident of Purok Central, Bgy. Ibabang Dupay has been facing a string drug charges. Co, in his report to Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan, said Alay was collared by his Intelligence

operatives led by his deputy, Chief Insp. William Angway along Maharlika Highway, Brgy. Gulang- Gulang, around 3:00 p.m., here. He said Alay was riding a tricycle driven by his bodyguard on his way home when collared by the lawmen. Co said the arrest was carried out by virtue of arrest warrant issued by Lucena Regional Trial Court, Branch 59 Judge Dennis Pastrana for drug pushing. Quoting police record, Alay managed to escape when policemen was about to see 10TH MOST WANTED | p. 3

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

PAGPAPARANGAL. Pahayag ng pagpupugay ni Teddy Casiño ng Makabayan Coalition nitong Disyembre 21, 2013 sa ginawang ambag ni Verleen “Ka Bugoy” Trinidad sa kilusang paggawa sa Timog-Katagalugan. Contributed by Karapatan-Quezon

Ngayong taong 2014

Mayor Dondon Alcala:

Tuloy-tuloy ang

pagsulong ng “Bagong Lucena” ni Leo David

L

UNGSOD NG LUCENA – Masayang ipinahayag ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang kanyang pagbati sa mga

mamamayan ng Lungsod ng Lucena nitong nakaraang pagdiriwang ng Kapaskuhan at sa paparating namang pagsalubong ng bagong taon. Sa panayam ng ADN,

ipinahayag ng Alcala ang kagalakan ng aniya’y pagtutuloy-tuloy at pag-ani ng malawakang suporta ng mamamayan ng kalunsuran tingnan ang BAGONG LUCENA | p. 3

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mula sa ANG DIARYO NATIN editorial board and staff! THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

disyembre 30, 2013 - enero 5, 2014

Mga day care students ng Brgy. Barra, tumanggap ng maagang papasko mula sa isang kapatiran ni Ronald Lim

L

UCENA CITY - Bilang paggunita sa araw ng kapaskuhan at mapatunayan na ang pasko ay para sa mga kabataan, nagsagawa ng isang gift giving para sa mga day care students ng Brgy. Barra ang kapatiran ng Epsilon Upsilon Phi and Epsilon Upsilon Sigma ng Enverga University noong Sabado ng hapon. Nagkaroon ng tema ang nasabing pamimigay ng “Handog para sa Kabataan” a

community outreach project. Dinaluhan ng tinayang mahigit sa 70 mga bata ang naturang aktibidad kasama ang kanilang mga magulang. Labis naman ang katuwaan ng mga batang nabigyan ng munting regalo at pagkain na kanilang pinagsalu-saluhan maging ang mga magulang ng mga ito. Sa pananalita naman ng kapitan ng Brgy. Barra na si Kapitana Amie Sobreviñas, nagpasalamat ito sa kapatiran ng Epsilon Upsilon Phi and Epsilon Upsilon Sigma sa

ginawang gift giving ng mga ito sa ilang kabataan ng kanilang lugar. Ayon pa kay Kapitana Sobreviñas, humuling rin nito sa president at mga miyembro ng organisasyon na nawa’y huwag magsawa ang mga ito sa pagutlong sa kanilang mga kabataan at gawin ang nasabing programa ng taontaon. Ang ganitong uri ng aktibidad ay isa lamang sa mga proyekto ng nasabing organisasyon na nakahanay para sa pagtulong sa

komunidad. Nagpapasalamat naman ang mga magulang at mga batang nabiyayaan ng nabanggit na okasyon dahil

anila sa munting regalo na binigay ng nasabing kapatiran ay malaking katuwaan na ito para sa kanilang mga anak. ADN

PCA, RDC tackle coconut scale insect infestation in the region

contributed by ACO, PIA-Laguna

C

ALAMBA CITY, Laguna Officials of the Philippine Coconut Authority (PCA) IV-A and the Regional Development Council (RDC IV-A), tackled the Coconut Scale Insect (CSI) infestation of coconut trees presently experienced in the provinces of Batangas, Laguna, Cavite and Quezon during a meeting held recently at the NEDA IV-A Office, Brgy. Real, this city. PCA IV-A Regional Director Alejandro Eduardo Olaguera, NEDA IV-A Regional Director

and Acting RDC chair, RD Agnes M. Espina and Coconut Scale Insect (CSI) Task Force national program manager Erlene C. Manohar of PCA underscored the importance of addressing the problem. Ms. Manohar stated that if the spread of the invasive pests (undetermined species of Aspidiotus) is not regulated and contained, it may virtually wipe out the coconut industry of the whole Southern Tagalog and eventually, of the country, thus affecting the country’s economy. The country is the world’s second largest producer of

Statement of the GPH Panel in Talks with the CPP/ NPA/NDF in Celebration of the Holiday Season Christmas signifies peace, hope, joy, prosperity and the promise of new life. The message of Christmas has become more urgent for our people--after the series of calamities in 2013 that tested the strength and resilience of the Filipino spirit. We are one with our fellow countrymen and women in the belief that better days are ahead, and we join in the call for peace throughout the country, a peace that will allow everyone—rebels and non-rebels alike—to celebrate the holidays free from fear and uncertainty. Many Filipinos have risen to the challenge of providing meaningful help to fellow citizens who have been hit by killer storms, a killer earthquake and a three-week armed siege on a southern city. We challenge those who carry arms in the name of the people to become instruments of peace in this Advent season. We call on the Communist Party of the Philippines to be faithful to the spirit and letter of the ceasefire that they have declared and to respect the prolonged ceasefire declared by our Government. As well, we echo the public clamor for a just and lasting peace. We need peace to nourish and live with diversity; we need peace to be able to imagine a better future; we need peace to turn our people’s hopes into reality. In this season of Christmas, let us seek to end meaningless and destructive violence and commence the healing and rehabilitation of our land and our people. May everyone enjoy the holidays in peace, and a fruitful New Year to us all!

coconut and its by products and the industry contributes billion in dollars annually. According to Samasamang Aksyon ng Gobyerno, Industriya at Pamayanan (SAGIP), approximately 1,025,061 coconut trees in the region are infested by CSI. Having informed that infestation also affects other high value crops such as mangosteen, rambutan and lanzones, RD Espina has proposed the inclusion of other high value crops in the pest control activities being conducted by the task force. ADN

PANGKARANIWANG EKSENA. Normal pa rin sa Lungsod ng Lucena ang mga senaryong ito ng mga batang pulubing ginagawang tahanan ang mga lansangan ng lungsod. Sa larawang ito at nakalulunos pagmasdan ang naghambalang na mga katawan ng batang ito sa bangketa na himbing na himbing sa malamig na semento. Atensyon po sa City Government at ng Department of Social Welfare and Developtment(DSWD). Raffy Sarnate

7 Bahay, nasunog sa Lungsod ng Lucena

ni Johnny Glorioso

L

UCENA CITY - Pitong kabahayan ang ganap na tinupok ng apoy, samantalang dalawa pa ang partially damage sa isang oras na sunog na naganap sa Purok 3B, Brgy. Dalahican.

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Ayon sa ulat, dakong ala una ng hapon, araw ng Pasko, nang sumiklab ang apoy na pinaghihinalaang sinadya umano ng isang adik na nakilala lamang sa pangalang Junjun. Naapula naman ang apoy makaraan ang isang oras, sa tulong ng mga bumbero

mula sa mga karatig na bayan, Filipino-Chinese firefighters at mga residente ng naturang lugar. Inaalam pa ng mga imbestigador ang halaga ng pinsala subalit wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog. ADN


ANG DIARYO NATIN

DISYEmbre 30, 2013 - enero 5, 2014

3

BAGONG LUCENA mula sa p. 1 sa panawagan niyang “pagtatransporma” ng Lungsod ng Lucena. Kaya nga aniya sa pagbibigay nila ng munting aginaldo nitong nakaraang Kapaskuhan, wala umano silang pinili sa pagbibigyan. Sa kasalukuyan, mahigit 60 thousand gift packs ang naipamahagi ng alkalde kasama si Vice-Mayor Philip Castillo at mayoridad ng mga konsehal ng Sangguniang Panglungsod sa mga mamamayan ng lungsod bilang pamaskong-handog. Aniya, kapag tunay na pinasimulan ng mga namumuno sa kalunsuran mula sa “puno hanggang sa ilalim” ang tunay na kahulugan ng pagbabago, ito aniya’y totoong tatangkilikin ng mamamayan na ngayon aniya’y kanilang nararanasan. Patunay aniya ang pagsuporta ng kabuuan ng mga Sangguniang Barangay ng 33 barangays ng Lungsod ng Lucena. Ani Alcala, unti-unti na aniyang tinatamasa ng Lungsod ng Lucena ang pagani sa mga bunga ng reporma na kanilang isinasagawa, habang patuloy pa aniya ang kanilang panawagan sa pagpapatuloy ng kanilang kolektibong paghahangad ng tunay na kalunsuran ng lungsod. Sa panayam, ipinahayag ng alkalde ang pagpokus sa massive investments

sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapaigting pa aniya ng serbisyong sosyal, edukasyon at kalusugan, na magtutulak pa sa mga tao para pagtiwalaan ang kanilang mga pinuno. “Lagpas isang taon na po tayo sa panunungkulan, pero talaga naman pong ang laki na ng pinagkaiba natin sa sitwasyong ating dinatnan,” sinabi ng alkalde. Sinabi din niya na tuloytuloy din lang din ang mga reporma sa mahahalagang sektor katulad ng agrikultura, turismo at imprastraktura, gayundin ang tuloy-tuloy na pagpapalaganap ng kultura ng integridad sa pamamahala na magtutulak sa pagsigla pang lalo ng lokal na ekonomiya ng lungsod. “Makikita naman po natin na unti-unti ng bumabalik ang “saya” ng kalunsuran dahilan sa pagbabalikan ng mga negosyanteng Lucenahin sa ating lungsod. Patunay po diyan ang pagsulpot na naman ng mga samu’tsaring establisyemento sa kahabaan ng Quezon Avenue at sa iba’t-ibang panig ng lungsod,” ani Alcala. Aniya, patunay lang ito na unti-unti nang bumabalik ang tiwala ng ating mga lokal na negosyante sa mga lider ng ating kalunsuran. Bukod aniya sa pagpapaunlad ng serbisyong-sosyal, ang mga mahahahalagang

imprastraktura ng kalunsuran ay dapat ding pagtuunan ng pansin. Sinabi ni Alcala na nakatakda ng simulan ngayong taon ang panibagong gusali ng City Hall para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Lucena. Nakahanay din aniya ang pagtatayo ng mega-industrial park na nakatakdang itayo sa may bahagi ng Brgy. Mayao Castillo, International Port sa Dalahican at Slex. “At alam po nating magtutuloy-tuloy pa ang pag-engganyo natin sa mga turista at paglago ng ating ekonomiya sa pagpapaunlad natin ng imprastraktura. Kung kaya nga po nakapaglambing tayo sa nakatataas na ipagawa na ngayong taon ang limampu’t walong kilometrong South Luzon Expressway extension na magmumula Batangas hanggang dito sa ating Lungasod ng Lucena,” ibinalita ni Alcala. “Isama na rin ang Quezon Eco-tourism Road na babaybay sa Sariaya hanggang dito sa Lucena,” idinagdag ng batang alkalde. Nakaangkla sa prinsipyo ng “Bagong Lucena,” sinabi ng alkalde na ngayong bagong taong 2014, tuloy-tuloy lang aniya ang paglaban nila sa kurapsyon at pagtataguyod nila ng isang bagong Lucena, kasama ng mga mamamayan ng kalunsuran. adn

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

10TH MOST WANTED from p. 1 arrest him during a drug- bust operation on last July 13 that resulted in the arrest of his cohort, Antonio Veloso, also of said village and seizure of one heat-sealed plastic sachet containing shabu. He said policemen also recovered a marked P500 bill, an improvised glass tooter and an aluminum foil strip. Right after the arrest order was issued by the court, Co said his warrant officers and Intelligence operatives immediately launched a manhunt operation but Alay was able to evade arrest.

Last December 8, the same police team led by Angway arrested Elmer Casing, 32, who is listed as the province 7th most wanted man. Casing who faces two counts of rape and attempted rape charges tried to evade arrest but was eventually collared by the lawmen. Co said they have intensified their drive against wanted persons in consonance with the directive of their provincial director and their regional director, Chief Supt. Jesus Gatchalian. ADN

PHL Embassies in Damascus and Beirut, IOM Repatriate 22 Filipinos from Syria contributed by PIA Quezon

M

ANILA, PHILIPPINES The Philippine Embassies in Damascus, Syria and Beirut, Lebanon with the support of the International Organization for Migration (IOM) once again facilitated the successful repatriation to the Philippines of another batch of 22 Filipinos from Syria on December 20. The International Organization for Migration (IOM) again provided the airfare, land transportation and meals of this batch of repatriates. Two teams from the Philippine Embassy assisted in the repatriation of this batch of Filipinos repatriates. The first team composed of Vice Consul Dennis John Briones and Assistance to Nationals (ATN) officer Dexter

Macaraeg assisted the group in the morning of December 18 at the Masna’a border. With the assistance of the IOM, Vice Consul Briones and ATN officer Macaraeg received the 22 Filipinos from the team from the Embassy in Damascus. After being processed at the General Security (immigration) in Masna’a, the 22 Filipinos were escorted directly to the Embassy where they stayed overnight. Four Embassy personnel namely: Cultural Officer Gladys Perey, Finance Officer Dorotea Apostol, Consular Staff Melissa Mancenido and Migrant Workers and Overseas Filipinos Resource Center Houseparent Gina Murillo took turns taking care of the repatriates during their stay in the Embassy. Another Embassy team composed of Vice Consul

Rona Beth Goce and ATN/Legal officer Junaid Ali brought the repatriates to and assisted them at the Rafik Hariri International Airport where they took their flight out of Beirut. At exactly 4:30 p.m., the repatriates left Beirut for Abu Dhabi where they would be taking their flight to Manila. The group was scheduled to arrive in Manila on December 20 at 03:15 p.m. via Etihad Airways flight EY 424. This was the 42nd crossborder operation undertaken by the two Embassies. The departure of this group of 22 Filipinos brought the total number of Filipinos repatriated from Syria to 2,064 via the Rafik Hariri International Airport in Beirut since the first cross-border operations on December 12. ADN

1OTH MOST WANTED. Chief Insp. William Angway (seated) questions suspect Adonis Alay shortly after the latter’s arrest. Photo by Gemi Formaran

Mga tauhan ng Lucena City Police, tumanggap ng maagang papasko

Ronald Lim

L

UCENA CITY - Maagang nabiyayaan ng papasko ang mga kwerpo ng kapulisan ng Lucena City matapos na tanggapin ng mga ito ang regalo mula sa kanilang hepe na si Col. Allen Rae Co noong sabado ng hapon. Ang pamimigay na ito ay isinabay na rin ni Col. Co sa kaniyang kaarawan at naging ganap rin ang naturang okasyon sa pamamagitan ni Mayor Roderick “Dondon”Alcala. Tumanggap ang mga ito ng isang sako ng bigas at ilang mga grocery items bukod pa ang mga ipina-raffle na mga appliances.

Ang nasabing pamimigay umano ng hepe ng Lucena City Police ay pangalawang beses na nangyari kung saan ang nauna dito ay noong panahon ni Col. Artie Sindac nang mapaupo ito bilang hepe rin ng LCPS. Labis naman ang katuwaan ng lahat ng miyembro ng Lucena City Police maging ang mga Non-Uniform Personnel o NUP na nakatanggap ng nabanggit na papasko dahil anila kahit sa mallit na bagay na kanilang natanggap ay isang malaking bagay na ito para sa kanila dahilan sa pagkaka-aalala sa kanila ni Mayor Dondon Alcala at ni Col. Allen Rae Co. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

disyembre 30, 2013 - enero 5, 2014

editoryal

Pagsalubong sa 2014 Iba’t-ibang paraan ang pagsalubong ng bawat tao sa bagong taon. Habang ang iba ay gumagawa ng plano tungo sa isang mas mabuti, matagumpay at makabuluhang buhay, ang iba naman ay sinasalubong ito sa pamamagitan ng walang humpay na pagsasaya. Ngunit ano nga ba ang New Year o Bagong Taon? Ano ba ang mga tradisyon na kaakibat ng pagpasok nito? Ang New Year’s Day o Bagong Taon ang pinakamatandang pista sa kasaysayan ng tao. Sa katunayan, ang pinagmulan nito ay matatalunton at maiuugat pa natin sa malayong taon ng lumang Babylon. Ito ay apatnapungdaang taon na ang nakararaan. Ngunit alam ba ninyo na noong unang panahon, ang New Year’s Day o ang Bagong Taon ay hindi isinisilebreyt sa buwan ng Enero? Base sa kasaysayan, wala pa noong kalendaryo at ang New Year’s Day ay ipinagdiriwang tuwing sumasapit ang tag-sibol o spring. Kung itutugma natin ito sa kalendaryo natin ngayon, katumbas ng panahong ito ang huling linggo ng Marso. Sa madaling salita, ang bagong taon ay ibinabase ng mga Romano sa kondisyong pang-agrikultura. Kadalasan, nagtatagal ang kanilang selebrasyon ng labingisang araw. Sa ating bansa lamang ipinagdiriwang ang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon sa pinakamakulay at pinakamasayang pamamaraan. Dahil dito ay marami sa mga manggagawang Pilipino na nasa ibang bansa ang tunay na nalulungkot kung hindi nila nararanasan ang pagsalubong ng bagong taon sa sarili nilang bansa. Tunay na iba pa rin ang maging isang Pilipino sapagkat dito lamang sa bansang Pilipinas matitikman ang tradisyon ng mga Pinoy pagdating sa kinagigiliwang pagsalubong sa pagpasok ng bagong taon. Isang tradisyong pinakakakaiba sa lahat sapagkat ang espiritu ng tunay na pag-ibig at pagbibigayan ay sa mga pamilyang Pilipino lamang mararanasan. Ang bagong taon ang panahon nang pagsasama-sama ng bawat miyembro ng pamilyang Pinoy at mga malalapit na kaibigan. Ito rin ang panahon nang mataos na pasasalamat sa Diyos na patuloy na namamahagi ng kanyang mga biyaya, pag-ibig at pagkalinga sa lahat ng Kanyang pinakamamahal na anak. Isang mapayapa at mapagpalang Bagong Taon sa lahat mula sa Ang Diaryo Natin sa Quezon! ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

dibuho mula sa www.manilatimes.net

B

agong taon.Bagong panimula.

Sa Pagsapit ng 2014

M

aligayang Bati at Masaganang Bagong Taon !

Ito ang karaniwang bati sa ganitong pagkakataon, subalit ang tanong nga ay magiging masagana nga ba ang ating bagong taon ? Pagsapit ng bagong taon, ang sasalubong sa atin ay nagtataasang mga presyo ng mga bilihin. Mataas ang presyo ng gasolina, at syempre pa ay tataas din ang mga pamasahe. Maging sa MRT at LRT ay tataas na din, sa mga pampublikong sasakyan, tataas na din, ganun din ang mga pangunahing bilihin. Ang presyo ng mga de lata, kahit pa nga mga gulay, isda at karne sabay sabay ding tataas kasabay ng pagtaas ng mga puesto sa palengke, at kung hindi sa pinalawig na rent control law ay kasabay na ding magtataasan ang upa sa mga apartment at paupahang mga bahay. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi naman tumataas ang sweldo ng mga namamasukan lamang. At ang tanging tumataas at nakakalula ang pagtaas ay ang mga bunos at allowances ng mga direktor ng government owned and controlled corporations . Di ko nga lang sigurado kung kasama na dito ang QMWD na ang balita ay sobrang lalaki din ng mga tinanggap. Ang mga pandak lang ang talagang hindi tumataas. Hindi rin naiiba ang pasahe sa mga sasakyang panglupa, pamdagat tulad ng barko at maging ang panghimpapawid. Subalit alam niyo ba na bukod sa airfare sa mga commercial flight ay kakaiba ang style ng Cebu Pacific na ngayon ay hindi lamang lumilipad sa mga domestic flights. Sa airlines na ito kung mapapasakay kayo, ang lahat ng gagamitin niyo sa flights ay may bayad. Kung kelangan niyo ang blanket, babayaran niyo ito ng 300 pesos. Maging ang meryenda, softdrinks at sandwich ay may bayad din. At tulad sa mga restaurants, may ipakikita sa inyong menu na hindi naman lahat ay available, at kapag nakapili na kayo ay sasabihin na sa inyo ang presyo ng putaheng napili ninyo, at syempre, may bayad ito. Sa lungsod ng Lucena, nagpalabas na ng anunsiyo ang pamahalaang panglungsod na walang gagawing pagtataas sa buwis at mga bayarin para sa lungsod.

ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso

Kakaiba naman sa Tayabas na tataas umano ng mahigit pa sa isanglibong porsiyento ang itataas ng mga buwis, totoo ba ito Atty Zabella? May isasagawa daw na public hearing tungkol dito subalit wala pang itinakdang araw. Ang mga bayarin sa pamilihang panglungsod ay itinaas na din at dahil dito ay kasabay na ding tataas ang presyo ng mga bilihin. Kasabay naman nito ang pagtaas ng mga haligi ng ginagawang panibago na namang gusali sa loob ng bakuran ng Micasa. Mabuti pa siya, tuloy ang asenso at paglaki ng mga building sa loob ng compound. Naiinis na nga ba ang mga kalapit na bahay tungkol dito? At hindi lang naiinis kundi nagtataka pa dahil sa tuloy tuloy daw ang konstruksiyon pero wala silang nakikitang ipinapasok na mga mateyales. Baka nga totoo yung sinasabi ng Abugado na nakatira sa malaking bahay sa tapat nila. Ayon dito sa kaibigan kung abugado, ang tuloy tuloy na paghubukay sa mga gilid ng kalye ay sa dahilang kinukuha ang mga adobeng nakabaon mula dito at sa kanilang compound dinadala at siya ngayong ginagamit. Alam ba ninyo kung ano ang adobe? Ito yung ubod ng tigas na parang batong buhay na ginagamit noong unang panahon sa paggawa ng drainage ng Tayabas na isa sa pinaka matandang bayan dito sa Quezon, nakakainis a diba? Sobra, at sino naman ang hindi maiinis, eh siyempre yung kanyang mga super chiwarirap na patuloy na nabibigyan, nabibiyayaan ng perang hindi nanggaling sa kanyang pinaghirpan. Hay, sabi nga ay may katapusan din ang lahat, pero kelan pa? Oh carmic law kelan ka ba naman darating? For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com. ADN

Balikbayan na dumalo sa kasalan, ninakawan

ni Ronald Lim

S

ARIAYA, QUEZON - Hindi inakala ng isang balikbayan na ang pagdalo niya sa kasalan ay magiging dahilan ng pagkawala ng ilang kagamitan nito matapos na nakawin ng hindi pa matukoy na suspek ang kaniyang bag sa Sariaya, Quezon. Kinilala ang biktimang si Rowena

Osaki, 44 anyos, tubongSan Juan Batangas, at residente ng Saitama Ken OmiOmiyaku, Mizuhata, Japan. Batay sa ulat ng Sariaya Police, naganap ang insidente bandang alas-otso ng umaga sa Brgy. Guis-Guis sa naturang bayan. Galing sa kasalan ng pamangkin ang biktima at nagtungo sa tahanan ng kapatid nito upang

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

magpahinga. Bago magpahinga ay ipinatong ng balikbayan ang bag nito sa isang kahon nang sa paggising nito ay napansin niya na nawawala na ang kaniyang bag. Naglalaman ng passport, tiket sa eroplano, dalawang cellphone na nagkakahalaga ng mahigit sa P80, 000 piso at dalampung Japanese

Yen ang bag ni Osaki na pinaniniwalaang tinagay ng di-pa matukoy na kawatan na pumasok at lumabas umano sa ginagawang kusina ng bahay. P a t u l o y naman ngayon ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa nasabing insdente at sa pagkakadarakip ng suspek. ADN


ANG DIARYO NATIN

S

DISYEmbre 30, 2013 - enero 5, 2014

Pag-aralan ang Kasaysayan

imula pa lamang sa ating murang gulang ay itinuturo na ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng paggalang at pagpupugay sa ating watawat. Inaawit natin ang Lupang Hinirang at sinasambit natin ang Panatang Makabayan sa layuning maikintal sa ating mga murang kaisipan ang pagpapahalaga sa ating bansa at sa sakripisyong ginawa ng ating mga bayani upang makamtan natin ang tinatamasa nating kalayaan diumano sa kasalukuyan. Nag-aaral tayo ng kasaysayan sa simula pa lamang ng elementarya upang palawigin pa ang pagkakaunawa ng ating pinagsimulan. Mahalaga ito nang sa gayon ay maging gabay ang mga aral mula rito sa ating pamumuhay sa kasalukuyan. Ngayong buwan ng Enero, maraming naganap sa ating kasaysayan. Mga pangyayaring pawang may kaugnayan sa kasaysayan, kultura, at iba pang aspeto ng ating lipunan. Ipinanganak naman noong 6 Enero 1812 si Melchora Aquino, na itinuturing na Ina ng Himagsikan ng Pilipinas. Tinulungan niya ang mga maysakit, sugatan, at nagugutom na kawal na nakihamok sa mga Espanyol. Nabilanggo siya sa Bilibid nang

I

alimpuyo Ni Criselda C. David

lumaganap ang himagsikan, at ipinatapon pagkaraan sa Guam. Nagbalik siya sa bansa noong 26 Pebrero 1903. 2 Enero 1942. Sinakop ng Hukbong Hapones ang Maynila, at maraming Filipino ang namatay at pinatay. Itinatag noong 16 Enero 1973 ang Integrated Bar of the Philippines sa bisa ng resolusyon ng Korte Suprema. Kinumpirma ang resolusyon nang ihayag ang Pampanguluhang Dekreto Bilang 181 noong 4 Mayo 1973. 17 Enero 1973. Pinagtibay ni Pang. Ferdinand E. Marcos, ang tinaguriang dakilang diktador ng ating bansa, ang bagong konstitusyon ng Pilipinas, na nagbibigay ng kapangyarihan sa kanya na mamuno nang habambuhay.

20 Enero 1898. Nilabag ng rehimeng Espanyol ang Kasunduan sa Biyak na Bato at pinagdadakip ang mga kasapi ng Katipunan. Walang sala ang karamihan sa mga dinakip. Samantala, ipinagpatuloy ni Hen. Francisco Makabulos ang pakikipaglaban sa mga Espanyol. Naganap sa Cavite noong 1872 ang pag-aaklas ng may 200 kawal na Filipinong kinalap ng rehimeng Espanyol. Mabangis na ginapi ng Espanyol ang pagaaklas, at idinawit ang mga kritiko ng pamahalaan sa kasong pakikipagkutsaba. Maraming liberal ang dinakip at ipinatapon kung saan. Wala man na sa mundong ito ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng ating bansa, hindi naman ganap na nalilimot ang diwang ipinamana nila sa bawat isang mamamayan ng ating bansa. Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ay matagal ng wala sa mundong ito, ngunit ang mga aral nila sampu ng iba pang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kapakanan ng ating bayan ito ay nanatili pa rin naman sa puso ng ilan nating kababayan,lalo na iyong mga tunay na nagmamahal sa kapayapaan at kalayaan. ADN

Tangkilikin ang Pelikulang Pilipino

pinakita ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang malasakit niya sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng panonood ng isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong kasalukuyan. Pasko nang panoorin ng Pangulo ang pelikulang ‘My Little Bossings’ na itinatampok ang kanyang pamangkin na si Bimby at ang kapatid na TV-host at artistang si Kris Aquino. Sinabi ni Briccio Santos, tagapangulo ng Film Development Council of the Philippines, na ang 2013 ay “pambihirang taon” para sa mga gumagawa ng pelikulang Pilipino dahil sa paraming pelikulang matataas na uri ang nagawa, lalo na sa Sineng Pambansa “na tumipon sa mga pinakadalubhasa na may kanya-kanyang bagong masterpieces.” Binigyang diin ni Santos na ang pelikulang Pilipino ay kinikilala na sa pandaigdig na tanghalan ng ikapitong sining. “Umaasa kami na sa 2014 ay magiging higit na tagumpay ng pelikulang Pilipino habang ating pinamamalagi ang pambihirang pitak sa puso at diwa ng mga tagatangkilik sa loob at labas man ng bansa,”dagdag pa ni Santos. Naka-polo na dark blue ang Pangulong Aquino nang dumating sa SM Manila dakong ikaapat ng hapon, kasama sina Kris, Bimby, Joshua at ang batang artistang si Ryzza Mae Dizon.

P

5

mula sa pia

Edisyon Ni Lito Giron Naupo ang Pangulo sa pagitan nina Bimby at ng panganay na anak ni Kris na si Joshua habang pinanonood ang pelikula. Sa panayam kay Kris, sinabi nito na ipinagkakapuri niya ang unang pelikula mg kanyang anak na isa sa pinakamalaki ang kinita sa unang araw pa lamang ng MFFF. Bukod sa pamilya ni Kris, kasama rin na nanood at nasiyahan ang pamilya ng ilang tauhan ng Presidential Security Group na inanyayahang manood ng nasabing pelikula. Pagkatapos ng panonood ng pelikula, ang mga bata at kaanak ng mga ito ay nagkaroon ng pagkakataong magpakuha ng larawan, kasama ang Pangulo. Nakita pang kinarga ng Pangulo si Ryzza na naging malapit sa pamangkin niya sa pagsisiyuting nila. Nasabi na ni Kris na ibig niyang magkaroon ng isa pang pelikula ang kanyang anak at ang walong

taong gulang na batang babaing artista. Ang panonood ng sine ay isa sa bahagi ng pagpapahinga ng Pangulo na payo sa kanya ni Kalihim Enrique Ona ng Kalusugan. Ika-39 taon na ng MMFF sa taong ito. Itinatampok dito ang walong pelikulang Pilipino na ipalalabas sa lahat ng teatro sa buong Metro Manila mula Pasko hanggang Enero 8. Ang iba pang kalahok sa MMFF ay ang “Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel); Girl, Boy, Bakla, Tomboy; 10,000 Hours; Boy Golden; Shoot-toKill; Pedro Calungsod; Batang Martir; Pagpag Siyam na Buhay at Kaleidoscope World. Ang Manila Film Festival ay nagsimula sa dating Pista ng Pelikulang Pilipino noong 1966 nang pasimulan ng noon ay Gatpuno Antonio J. Villegas kung saan iniutos niyang sa loob ng dalawang linggo ay pawang pelikulang Pilipino lamang ang ilalabas sa mahigit na 100 sinehan sa buong Maynila. Noon, tatatlong sinehan, Life, Dalisay at Illussion lamang ang nagpapalabas ng pelikulang Pilipino dahil ang malalaking sinehan ay pawang pelikulang dayuhan ang ipinalalabas. Noong 1976, ginawa nang Metro Manila Film Festival ito at sa lahat ng sinehan sa buong Metro Manila, pelikulang Pilipino lamang ang itatanghal. Noon nagsimula ang walang katulad na pag-unlad at paglaganap ng pelikulang Pilipino hanggang sa ibayong dagat. ADN

Goodbye 2013, Welcome 2014: Bagong Taon, Bagong Buhay, Bagong Pag-asa!

anibagong hamon ang ating haharapin sa taong ito ng 2014 na sana naman ay huwag ng maguwi ng panibagong karahasan at kalamidad tulad ng nangyari nitong 2013. Halos lahat ng sambayanang Pilipino ay nagimbal sa nangyaring kalamidad dito sa ‘Pinas at maging sa ibang bansa ay dumanas din ng unos na dala ng nagngangalit na kalikasan. Muli nating sariwain ang mga nakalipas nitong nakaraang taon.Hinding-Hindi malilimutan yan ng ating mga kababayan maging sa ibang bansa at nagimbal sa mga pangyayari ng tayo ay bahain sa Central Luzon ng sagasain ng bagyong Undoy. Maging sa Metro Manila ay dumanas ay dumanas din malaking baha sa Marikina,Cavite at Laguna. Pagkatapos ng kalamidad na nagdaan ay sinalakay naman ng MNLF ang Zamboanga,City sa Pamumuno ni Nur Misuari na sinabayan pa ng bangayan nina Sen. Miriam Depensor Santiago at Sen. Juan Ponce Enrile na diumano ay siya ang sumusuporta at utak ng kaguluhan sa Mindanao. Makalipas ng ilang buwan, pumutok ang balitang

tirador

Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

nilindol ang Bohol na marami rin ang mga nawasak na building pati Simbahang Katoliko ay ‘di rin pinatawad ng malakas na lindol, kung saan may ilan din nating mga kababayan natin ang nawalan ng tirahan at nagbuwis ng buhay. Sumunod naman ang masalimuot na Pork Barrel Scam ni Janet Lim Napoles kung saan sabit sa pandarambong sina Sen.Enrile, Sen.Estrada, Sen. Bong Revilla at iba pang mga politikong umano’y nagkamal ng limpak-limpak na salapi na kakutsaba ni Janet Lim Napoles. Biglang nawala ang isyu ng biglang manalasa

ang Bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte na nagbuwis ng buhay na mahigit na ten thousand kataon ang sugatan at namatay sa nangyaring trahedya sa parteng Kabisayaan na ngayon ay marami pa ang hindi naililibing na naghambalang pa rin ang mga bangkay sa ibat-ibang lugar na dinaanan ng bagyong Yolanda. Sana naman ngayong darating na 2014 ay huwag na tayong dumanas ng ganoong pangyayari na nangyaring kalamidad sa Tacloban,Leyte. Masuwerte nga tayong mga taga-Quezon, Batangas, Laguna, hindi tayo sinalanta ng bagyo. Ganoon pa man, tayo ay magpapasalamat sa ating mahal na Panginoon at hindi tayo dumanas ng kaparis na nangyari sa Tacloban,City. Sana naman ay magbago na tayo ng ugali! AnuAno ba ang inyong New Years Resolution na dapat ninyong baguhin sa inyong sarili? Kung kayo ay lasenggo, babaero at utangero ay baguhin nyo na! Lagi ni yong tandaan na alisin ang masamang bisyo, isipin ang mabuti ang masama ay iwaksi. Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

disyembre 30, 2013 - enero 5, 2014

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Province of Quezon Lucena City Branch 58 Office Judge

of

the

Executive

IN RE: PETITION FOR RENEWAL OF APPOINTMENT AS NOTARY PUBLIC FOR AND IN LUCENA CITY AND QUEZON PROVINCE UNDER THE JURISDICTION OF THIS COURT APPLICATION NO. 2014-30 ATTY. ROSARIO C. SALAMILLAS, Petitioner. Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-267 Upon petition for extrajudicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND OR PAG-IBIG FUND with branch Office at Grand Central Terminal, Ilayang Dupay, Lucena City against FLORO R. QUINTO, widow of legal age, Filipino citizens, with residence at No. 64 Malakas st., Francon ville Subd., Phase 2, Brgy. San Gregorio, San Pablo City, to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts of September 12, 2013 amounts to THREE MILLION THREE HUNDRED FIFTY NINE THOUSAND SIX HUNDRED TWENTY TWO PESOS AND 36/100 (P3, 359,622.36) inclusive of penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 27, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Building, Lucena City, to the highest bidder for Cash or Manager’s check and in the Philippine currency the

www.issuu.com/angdiaryonatin

X====================X NOTICE OF HEARING Notice is hereby given that a summary hearing on the petition for notarial commission of ATTY. ROSARIO C. SALAMILLAS shall be held on JANUARY 8, 2014 at branch 58 at 9:00 o’clock in the morning. Any person who has cause or reason to object to the grant of the petition may file a verified written opposition thereto, received by this Office before the date of summary hearing.

Ormoc City eyes rehab with DSWD’s support contributed by PIA-Quezon

O

ELOIDA R. DE LEON-DIAZ Executive Judge following property with all its improvements to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T- 460891 A parcel of land (Lot 5-B-1-F of the Subd., Plan, Psd- 04191556, being a portion of Lot 5-B-1, Psd-04-187930, L.R.C. Record No. N-6840) situated in Brgy. Bulaquin, Dolores, Quezon. Bounded on the SW., along line 1-2 by lot 5-B-1-D; on the NW., along line 2-3 by lot 5-B-1-E; on the NE., along line 3-4 by Lot 5-B-1-H (Road 6.00 m wide);and on the SE., along line 4-1 by Lot 5-B-1-G; all of the Subd., plan. Containing an area of ONE THOUSAND (1,000) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date: In the event public auction should not take place on said date it shall be held on FEBRUARY 3, 2014 without further notice. Lucena City, December 13, 2013. ARTURO T. QUERUBIN TRISTAN JIFF B. CLEDERA Sheriff IV OIC, Provincial Sheriff NOTED: ELOIDA R. DE LEONDIAZ Executive Judge 1st Publication December 30, 2013 ADN: Dec. 30, 2013, Jan. 6 & 13, 2014

download pdf copy of ang diaryo natin. visit

RMOC CITY, LEYTE – One month after Typhoon Yolanda hit this city, the local government is now looking forward to a better community as it plans to undertake recovery and rehabilitation programs with the support of the Department of Social Welfare and Development (DSWD). “I propose for the complete clean up of the city. I want people in the squatters area to be transferred to proper resettlement sites as part of our strategic rehabilitation plan,” Mayor Edward Codilla stressed. The local chief executive thanked President Benigno S. Aquino III, DSWD Secretary Corazon Juliano-Soliman, Interior and Local Government Secretary Mar Roxas and the many people from government and private sector who “helped [them] during those critical times.” “I also thank the local and international donors for augmenting our relief efforts and services,” he added. On the reconstruction of infrastructure projects, Mayor Codilla suggested that all structures must be designed to withstand storms and strong winds. “I propose that buildings’ windload capacity be increased to up to 500 kilometers per hour to protect people and their livelihood knowing Ormoc as prone to disasters,” the mayor said. City Social Welfare and Development Officer, Marrietta

Legaspi, said that Sec. Soliman has expressed support to the city’s rehabilitation plan. “She has introduced us to focal persons in the central office who can assist us with our proposed permanent shelter project which is our first step towards rehabilitation,” Legaspi said. She continues, “We are glad that people who will benefit from the permanent shelter project are not only the landless and people in the squatters area. We are also grateful that DSWD allows inclusion of residents who lost their houses and livelihood.” “We are now fasttracking our records for the identification of those who are eligible to receive shelter assistance.” Ormoc’s Journey to Recovery In an interview with Gudi Ibcas, City Councilor and Chair of Operations of the City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), he said that during the first two weeks, delivering relief goods in the city was difficult due to impassable roads and highways. “With the support of the Department of Labor and Employment (DOLE), we hired 30 laborers from each barangay to clean and clear the city,” he said. Ibcas said that the laborers were provided with a P260/day cash allowance for 15 days. He also mentioned that a German non-government organization also provided Cashfor-Work (CFW). The group hired 100 people with a daily salary of

P200 to help clean up the city. The United Nations Development Programme (UNDP) also initiated another CFW. It hired 300 individuals at P260 per day. For her part, Legazpi said, “The DSWD is one of our trusted partners.” She cited that DSWD declared the city’s Superdome as a relief hub for Western Leyte. “Nearby municipalities received relief services through fast and efficient management of the warehouse,” she added. “We had smooth coordination with DSWD because we made the Department part of our CDRRMO regular meetings.” She further stated that DSWD-Field Offices VII, XI, XII and CARAGA helped them in their relief operations. Imelda Dadulla, Social Welfare Officer IV, recalled how the bayanihan spirit was demonstrated in the city. “I remember the Philippine Airforce helping us reach Brgy. Liberty, Brgy. Hugpa and other remote sites,” she said. “All throughout the relief operations, we managed to keep our District Social Welfare Office working 24/7. We had a system of submitting the list of disasteraffected families. [We were able to minitor] our 30 evacuation centers which were mostly schools and barangay halls. And we were able to have an accounting of our incoming donations and outgoing releases,” Dadulla said. In this city alone, ‘Yolanda’ rendered 64,000 families homeless.. ADN

TAMBALANG SUBOK NA! Bukas-palad na nagbigay ng biyaya sa kanilang mga kababayan ang Bagong Lucena tandem, Mayor Dondon Alcala at Vice-Mayor Philip Castillo, para sa taunang pamimigay ng mga biyayang Papasko sa ating mga kababayan sa Lungsod ng Lucena. Raffy Sarnate

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


ANG DIARYO NATIN

DISYEmbre 30, 2013 - enero 5, 2014

7

End-of-Year Statement of the GPH Panel in Talks with the MILF

December 19, 2013 (Thursday) - SOLCOM personnel headed by LTGEN CAESAR RONNIE ORDOYO, AFP - Commander, initiated the conduct of Choral and Lantern Competitions with the Theme: “Ang Ilaw at Himig ng Pasko ni Heneral Guillermo Nakar” on December 9, 203 at 4:00 PM held at SOLCOM Covered Court, Camp Guillermo Nakar, Lucena City. QPPO under PSSUPT RONALDO GENARO YLAGAN joined the activity and won the Grand Prize in the Choral Competition. Solcom News Bureau Danny Estacio

December 27, 2013 (Friday) - PCI JOSE BADILLA, COP Mulanay MPS with QPPO PIO staff under PSSUPT RONALDO GENARO YLAGAN, APD QPPO and 92.7 Bay FM staff led the Quezon Pulis @ Ur Serbis Radio program. QPPO News Bureau

The year 2013 is the year we came to terms with what are possible and doable to get to the first, elected Bangsamoro government in 2016. In February, we signed the first annex that elaborated our road map. This was the Annex on Transitional Arrangements and Modalities. Sajahatra Bangsamoro, the first socio-economic program of its kind providing basic social benefits to previously unreached members of conflict-affected areas, came next. For the first time, the incumbent President and his Cabinet entered the MILF camp, where the launching ceremony was festively held before leaders and members of the MILF and international dignitaries. A somewhat prolonged period, during which the May 2013 election was eventually held, may have doused hopes of a comprehensive, negotiated settlement. But come July, the Annex on Wealthsharing was signed and greeted by the public with general approval. Early this month, the third big hurdle since the signing of the Framework Agreement on the Bangsamoro in October 2012 was finally overcome. We inked our signatures on the Annex on Powersharing. This Annex provides the foundation for the meaningful autonomy envisioned for the Bangsamoro political entity and its constituents. It defines the new structure of government and lists the various modes powers will be shared between the Central Government and the Bangsamoro. In all, our efforts at the negotiating table sought to find the good balance between what is just, practical and constitutional for this moment in our peoples’ history, and those other, higher aspirations that may find fruition and wider acceptability in some later future but not now. All the time, we based our work on the shared principles of mutual respect, devolution, inclusivity, harmony and good governance. These principles are the essence of the Annexes we have signed. We expectedly faced many challenges from those who chose to continue the path of violence, the skeptics who have seen earlier similar processes fall back on expectations, and the disgruntled who feel they would lose privileges they have long enjoyed. To all of them, we extend the hand of peace and open ourselves to dialogue and continuous engagement in the hope that we will find fair reconciliation. This year, we recorded scores of harassments initiated by the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters against military outposts and personnel in Central Mindanao and Basilan. Big and small bombs were set off in different parts of Mindanao, among the most serious of which took place in Cagayan de Oro in July, and in Cotabato City in August. In September, Zamboanga reeled from the attacks by forces loyal to MNLF leader Nur Misuari. We grieved with all the victims of these atrocities and condemned the senseless violence. And we will continue to do so until once and for all, we take the guns away from our political life. Catastrophes, whether self-inflicted or by force majeure, have thankfully not broken the Filipinos’ spirit. They have strengthened and united us towards the common purpose of rebuilding lives and reconstructing communities affected by such mix-match of tragedies. By early next year, we aim to finalize the remaining Annex on Normalization, as well as an addendum on the Bangsamoro waters. The Annex on Normalization will concretize our vision for a post-conflict Bangsamoro. For this purpose, we shall be putting in place the new infrastructure that would pull together all our efforts in the security, socio-economic and transitional justice aspects. In 2014, we will also be working closely with the Transition Commission and Congress to ensure the smooth passage of the Bangsamoro Basic Law. All of the accomplishments in the GPH-MILF peace process were made possible through the collective efforts, trust, and goodwill of both Parties, our respective principals, and the unwavering support of various sectors to push the process forward. We wish them all a blessed holiday. Christmas is indeed a season to be grateful for all the trials that were overcome. Truly, the new year is the harbinger of hope that infuses us with renewed vigor and optimism for the desired future that has yet to come. Contributed by PIA-Quezon

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

disyembre 30, 2013 - enero 5, 2014

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 12, Blg. 510

Disyembre 30, 2013 - Enero 5, 2014

32ND UNICEF Gala in Germany Donates Proceeds to Help Typhoon Victims in the Philippines

contributed by PIA-Quezon

M

ANILA, PHILIPPINES - Forty-four artists from sixteen different countries gathered at the 32nd UNICEF Gala Concert Night on December 7 at Hilden, Germany. The beneficiary for this year’s gala event is the Philippines. In her speech, Ambassador Maria Cleofe R. Natividad commended UNICEF, Commerzbank - the Gala’s main sponsor, and Hilden Mayor Horst Thiele for their noble efforts in organizing the evening’s musical treat. The Ambassador expressed

the Philippine government’s appreciation to UNICEF for its immediate launching of an emergency response to help the five million children affected by Typhoon Yolanda (Haiyan). She also noted with pride that a Filipino singer, Stephanie Reese, had been invited to perform at this world-class concert. Soon after the Ambassador gave her speech, Ms. Stephanie Reese gave a powerful vocal rendition of the song “Bayan Ko,” accompanied by French Filipino pianist, John Florencio. The concert, which lasted five hours,

continued to captivate and awe the audience with hits from Broadway, opera and jazz classics, with a standing ovation after each performance. The musical treat was capped off with a miniChristmas concert with all the evening’s artists gathering on stage and performing an unforgettable group performance. In the aftermath of Typhoon Yolanda (Haiyan), the UNICEF Committee, along with Commerzbank made the Philippines the beneficiary of the Evening Gala’s proceeds. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

1 patay, 2 pa malubha sa banggaan ng van at traysikel

ni Johnny Glorioso

A

TIMONAN, QUEZON Namatay din habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Elorde Doctolero Pardo, samantalang malubha namang ginagamot pa sina Jeaus de la Pena at Edcel Estrada driver at pasahero ng isang traysikel makaraan ang isang aksidenteng naganap sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon. Ayon sa ulat, galing sa direksiyon ng Bikol ang isang Isuzu DMax na minamaneho ng suspek na si Herminio Magpantay ng Naga City. Pagsapit sa may bahagi ng

nabanggit na lugar, biglang lumihis ang DMax sa kaliwang linya, sanhi upang mabundol nito ang kasalubong na traysikel na minamaneho ni Jesus de la Pena kung saan lulan ang mga pasaherong sina Elorde Pardo at Edcel Estrada, pawang mga residente ng Brgy. Talaba, Atimonan, Quezon. Sugatan naman ang tatlong okupante ng traysikel na kaagad na isinugod sa Dona Marta Memorial Hospital. Inilipat din ang dalawa sa ibang hospital upang malapatan ng lunas. Ssamantala, Nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang drayber ng Isuzu DMax habang iniimbestigahan ito ng mga pulis. ADN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.