Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 512)

Page 1

Traffic

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG Enero 13 – Enero 19, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 12, Blg. 512

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Kaso ng Atimonan Massacre, nakatakdang dinggin sa Jan. 17

ni Johnny Glorioso

G

UMACA, QUEZON Nakatakdang muling dinggin ng hukuman sa pamamagitan ng Regional Trial Court Branch 61 ng Gumaca sa ilalim ni Hon judge Chona Fulgar-Navarro ang mga pleadings at motions ng magkabilang panig. Kung matatandaan, huling dininig ang naturang kaso noong nakaraang Nobyembre 2013. Naghain ng motion ang kampo ng mga biktima na humihiling na sapagkat sa Gumaca dinidinig amg kaso, marapat lamang na ang lahat ng akusado ay dito makulong. Sa kabilang dako tumutol naman dito ang kampo ng kaupulisan at Bureau of Jail Management sa pagsasabing masyadong congested ang mga kulungan dito at ang paglalagay ng 13 akusado ay lalong makakasikip sa dati nang masikip na mga kulungan. Nakatakda ding dinggin sa Enero ang motion for inhibition laban sa presiding judge na inihain ng kampo ni Marantan, sa katwirang masyado umanong mabilis ang pagpapalabas nito ng arrest warrant laban sa mga akusado. Umaasa naman ang kampo ng mga naiwan ng mga biktima na sa kabila ng mabagal na pagpapatupad ng hustisya ay makakamit din nila ang katarungan. ADN

Kinakapanayam ni ABS-CBN Correspondent Johnny Glorioso si National Bureau of Investigation (NBI) Olivo Ramos hinggil sa nangyaring Atimonan Masaker may isang taon na ang nakalilipas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa labintatlong katao na minasaker sa Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon. Raffy Sarnate

KANDILA’T BULAKLAK. Isang taon na ang nakalilipas ng walang-habas na nabuwal sa lugar na ito sa Brgy. Lumutan, Atimonan, Quezon ang grupo nina Tirso “Jun” Lontok na nagresulta sa maramihan nilang pagkamatay sa iisang panahon. Ngayon, tanging kandila’t-bulaklak na lang ang saksi sa madilim na nakaraan ng highway na ito sapagkat hindi pa nakakakita ng liwanag ng hustisyang nawa’y malapit ng makamit. Leo David

Dahil sa mataas na kaso ng Tigdas sa Isabang

Lucenahin, alerto sa kaso ng Tigdas ni Ronald Lim, mga ulat mula sa Quezon PIO

COMMANDER SOUTHERN LUZON COMMAND ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES Camp Guillermo Nakar, Lucena City

L

UCENA CITY - Alerto ngayon ang mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena matapos na maitala ang pinakataas na bilang ng mga mamamayang may kaso ng Tigdas sa isang barangay ng lungsod na ito nito lang nakaraang linggo. Nakapagtala ang Brgy. Isabang ng mataas na bilang ng kaso ng sakit na tigdas sa lungsod ng Lucena ito ay ayon sa nakalap na tala ng City Health Office nitong nakaraang linggo. Ayon kay Dra. Caridad Diamante, OIC City Health Officer, sa ginawang panayam ng TV12, nangunguna sa kanilang listahan ang nasabing barangay. Bagama’t hindi nabanggit ng opisyal ang bilang ng naturang kaso, nalulungkot rin nitong ipinahayag na mayroon ng isang kaso ng pagkamatay sa sakit na tigdas sa nasabing ring barangay. Ayon pa kay Dra. Diamante, ang nasawing ito ay ang pitong buwan na bata na namatay rin aniya dahilan sa komplikasyon ng sakit nitong pulmonya. Samantala, sa kabila naman ng mataas na bilang ng pagkakaroon ng sakit na tigdas sa Brgy. Isabang, ipinahayag naman ni Kagawad Gomer Ramboyong, ang Chairman ng Committee on Health ng nabanggit na barangay, na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga kabarangay hinggil sa sakit na ito. tingnan ang TIGDAS | p. 3

Mensahe sa Taong 2014

P

agbati sa ngalan ng ating Panginoon! Isang buong taon na tagumpay para sa ating lahat, ang puso’t damdamin ng bawat isa sa atin ay patuloy at taimtim na tumupad sa ating mga adhikain at tungkulin sa kanya-kanyang propesyon at lipunang ginagalawan. Ang mga nakamit natin sa taong 2013 ay tunay na kamangha-mangha para sa ating lahat bilang isang mamamayang Pilipino kahit sa kabila ng mga ‘di inaasahang sakuna na naranasan ng iba sa atin. Sama-sama nating ipinakita ang katatagan ng loob upang harapin ang mga ito at bumangon. Gabay natin ang mga pangaral at kautusan ng ating mahal na Panginoon upang ang adhikain nating mapa-iral ang kapayapaan at kaunlaran ay masiguro. Naging sentro ng ating pagtataguyod niyo’y walang humpay na pagpapahalaga sa pagbabayanihan. Likas sa ating pagka-Pilipino ay ang diwa ng bayanihan. Sa kabuuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at lalunglao na sa Pamunuan ng Timog Luzon at ng bawat mamamayang Pilipino, batid ang kapapararakan ng pagtutulungan. Sa pagsalubong natin sa taong 2014, samasama nating ipagbunyi ang bawat sakripisyo at tagumpay na atin nakamtan at ating ipamahagi ang tunay na kahulugan ng selebrasyong ito, ang pagmamahalan, pagbibigayan at kapayapaan ng bawat isa. Sa taong ito ay lalong pinagtibay at pinatatag ang ating paniniwala sa ating Panginoon upang buong loob nating harapin ang isa na namang taon na punong-puno ng pag-asa at pagsubok sa buhay. Ang buong pamunuan ng Southern Luzon Command, ang aking pamilya at ako ay tausCAESAR RONNIE F. ORDOYO pusong bumabati sa buong sambayanan ng Lietuenant General, AFP isang Masaganang Bagong Taon.

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

Ilang kaso ng pagnanakaw, naitala sa Quezon

ni Ronald Lim

L

ALAWIGAN NG QUEZONNakapagtala ang tanggapan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ng ilang insidente ng pagnanakaw sa magkakahiwalay na lugar nitong nakaraang taon. Unang nakapagtala ang naturang tanggapan ng

insidente ng pagnanakaw sa bayan ng Infanta, Quezon pasado alas-onse ng umaga. Naganap ang pagnanakaw sa Lona’s Refreshment Parlor sa bahagi ng Poblacion 1 sa nabanggit na bayan kung saan ang naging biktima ay nakilalang si Oscar Mendoza, 51 anyos, isang seaman. Batay sa imbestigasyon, kakain sana ng tanghalian

ang biktima sa nasabing establisyemento at ipinatong ang kaniyang bag sa mesa upang umorder nang sa pagbalik nito ay wala na ang kaniyang bag. Dahil na rin sa tulong ng CCTV sa kainan ay nakita ang kumuha nito at nakilala ang mga suspek na sina Efren Sutarez, Bernard Coligado, at ang kapatid nitong si Felicidad

Coligado na isang optometrist na pawang mga residente sa lalawigan ng Laguna. Agad rin namang naaresto ang mga suspek matapos na magsagawa ng followup operation at ngayon ay nakaditine sa piitan. Samantala, sa bayan naman ng San Antonio, isa paring kaso ng pagnanakaw ang naitala ng mga awtoridad sa bahagi ng Brgy. Arawan. Nakilala ang biktimang si Divina Valencia, 55 anyos, negosyante at residente sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, dalawang beses na ninakawan ng mga panabong na manok ang negosyante noong December 16 at noong December 24. At noong January 3 ay narekober mula sa isang “Alvin Lalamunan” ang isa sa mga nawawalang manok na ayon naman kay Lalamunan ay ipinagbili lamang ito sa kaniya ng kaiyang kapatid na si Felipe sa halagang P200 piso. Inihahanda na naman

ngayon ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban kay Lalamunan. Sa bayan naman ng Pagbilao, Quezon, isa pa ring kaso ng pagnanakaw ang naitala ng pulisya sa bayan na ito sa Brgy. Bantigue kung saan ang naging biktima ay si Maximo Ruizol, 62 ayos, mangingisda at residente ng naturang lugar. Batay sa ulat, bandang alas diyes ng gabi ng pagnakawan ang biktima ng mga di-pa matukoy na suspek kung saan ang tinagay ng mga ito ay ang mahigit sa 12, 000 meters na lambat ng mangingisda na tinatayang aabot sa mahigit na P80, 000 piso. Dahil na rin sa tulong ng Bantay Dagat sa kanilang lugar, narekober ni Ruizol ang mahigit sa 600 metro ng lambat kay Ramilito Marino. Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Pagbilao Police ang nasabing lambat habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Marino ADN

Hindi madaanang mga sidewalk, dapat ayusin -Kon. Noche

contributed by PIA IV-A

L

BABY SEA COW. The PAWB Team tried to conduct body measurements of the ‘dugong’ but decided to discontinue due to the rowdy crowd of onlookers at the shore of Brgy. Binulasan, Infanta, Quezon. Conributed photos by CENRO-Real

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

UCENA CITY - Ilan sa nakikitang dahilan ni Konsehal William Noche sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lungsod ng Lucena ay ang mga isinarang kalsada at ang mga hindi madaanang mga sidewalk. Ito ang ipinahayag ng konsehal sa kaniyang privilege speech sa Sanguniang Panglungsod noong nakaraang lunes ng hapon. Ayon kay Konsehal Noche sa panayam ng TV 12, sa ginawa niyang pag-iikot sa mga lansangan ng Lucena ay nakita niya ang ilang dahilan kung bakit nagsisikip ang daloy ng trapiko sa lungsod. Ilan na nga sa mga ito ay ang pagsasara ng ilang mga minor streets partikular na ang Dumacaa Street na aniya ay kahit walang pasok ang mga bata sa Day Care ay nananatiling sarado. Ang pagsasarang ito ayon pa kay Noche ay tahasang paglabag sa isang resolusyon na pinagtibay ng Sanguniang Panglungsod na tinutukoy ang pansamantalang pagsasara ng kalsada tuwing araw na may pasok sa paaralan ng Day Care simula sa oras ng 7:00 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi maliban na lamang tuwing Sabado, Linggo at legal holidays. Kung aniya ay mabubuksan

ito sa publiko ay magagamit ito bilang alternate route galling at patungo ng Gomez Street. Bukod dito, isa ring nakikitang dahilan ng konsehal ang double parking sa bahagi ng Marquez Subd. sa Brgy. 4 na malimit makita sa lugar. At sa bahagi naman ng kalunsuran, ay ang paghaharang ng mga malalaking bato, halaman, metal barriers, mga gulong at iba pang signages ang nagiging sanhi ng trapiko na siyang inilalagay ng ilang mga commercial establishments, maging ang paglalagay ng hindi awtorisadong mga humps. Bukod pa rin dito ang ginagawang pagpaparada ng mga pasaway na driver sa isinagawang road widening project ng DPWH Quezon II, sa pamumuno ni District Engineer Cely Flancia, at kung hindi man ginagawang parking space ay tinatayuaan naman ng mga business establishment kagaya ng talyer at iba pa. Sa huli ay nanawagan si Konsehal Noche sa mga mamamayan ng Lucena na magkaroon ng dispilina at sumunod sa mga batas trapiko na ginagawa ng pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, upang makamit ang inaasahang pagluwag at pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa lungsod. ADN


ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

PISTOL, katulong sa pagmamando ng trapiko sa Lucena

kontribusyon ng PIO Lucena / Ronald Lim

L

UCENA CITY - Bilang pagtulong upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko, mismong ang pamunuan ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operator sa Lucena (PISTOL) Federation ang nagmando ng trapiko sa Lucena umpisa nitong nakaraang linggo. Pinangunahan ng presidente ng samahan na si Freddie Bravo ang nasabing aktibidad kasama ang kaniyang mga opisyal.

Ang gawing ito ng grupo ay bilang bahagi na rin ng kanilang pagtalima sa pinagusapan nila ng Action Officer ng Traffic Management Council of Lucena na si Arnel Avila na sila ay tutulong upang maging maayos ang daloy ng trapiko. Ayon kay Bravo, kanila ng sinabihan ang lahat ng kanilang mga miyembro hinggil sa mga bagong ipatutupad na experimental traffic scheme. Maging ang mga maaring maging violation ng mga pasaway na miyembro nila ay kanila ring ipinabatid sa mga ito kung kaya naman

inaasahan na rin ng kanilang samahan ang kooperasyon ng lahat. Sa huli ay nanawagan rin ang presidente ng PISTOL sa lahat ng mga miyembro ng kanilang samahan at maging sa mga Lucenahin na magkaroon ng disiplina at sumunod sa mga itinakdang batas trapiko lalo ang lugar kung saan maaring magsakay at magbaba dahil anila ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa lungsod ay ating makakamit kung ito ay ating paglalaan ng kaukulang dispilina at kung ito ay ating gugustuhin. ADN

Lola nabangga ng isang tricycle, patay

ni Topher Reyes

G

UINAYANGAN QUEZON 窶的sang 94-anyos na lola ang patay matapos na mabangga ng isang tricycle sa nitong nakaraang linggo. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonieta Dimayuga, residente ng Brgy. Calimpak ng nasabing bayan. Ayon sa ulat ng Guinyangan

Police, pasado alas-12:00 ng tanghali ng hindi mapansin ng biktima ang paparating ng tricycle na may plakang dz-7249 na minamaneho ng suspek na si Jovilon Llegada hanggang sa mabangga ito. Nagtamo ng sugat sa katawan ang nasabing lola kaya agad na isinugod ito sa ospital para sa kaukulang medikasyon at xray examination.

Makalipas ang ilang oras ay nagpasya ng umuwi sa kanilang tahanan ang biktima kasama ang mga anak nito. Subalit bandang alas5:00 ng hapon binawian ng buhay ang naturang lola sa hindi pa malamang sanhi ng pagkamatay nito. Samantala, inahahanda na ng mga kaanak ang kaso laban sa tricycle driver. ADN

3

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

TIGDAS mula sa p. 1 Kanilang ring inaalam ang mga lugar kung saan nagkaroon ng mataas na bilang at kanila itong tinutungo kasama ang mga

health worker at midwife ng barangay upang tiyakin na hindi na magkakaroon pa ng kasong ng pagkasawi sa sakit na tigdas adn

Paglilinis ng mga illegal na bolante sa Lucena, tuloy-tuloy kontribusyon ni F. Gilbuena

L

UCENA CITY - Patuloy pa rin ang paglilinis at pagsasaayos na isinasagawa ng pamahalaang panglungsod sa mga illegal na bolante na nagkalat sa mga bangketa ng lungsod partikular sa kahabaan ng kalye C.M. Recto sa Brgy. 6 ng lungsod. Matapos ang pansamantalang pagbibigay sa mga bolanteng ito maidaos lamang ang Pasko at Bagong Taon, kamakailan ay muling pinasadahan ng mga operatiba ng Task Force Bangketa,sa pangunguna ng hepe ng Traffic Enforcement section ng lungsod na si Jaime De Mesa, ang binanggit na lugar upang muling ipaalala sa mga kinauukulang bolante na mahigpit ngang ipinagbabawal ang pananatili ng mga ito sa lugar at sa pagbalik ng mga operatiba ay muli nang mangungumpiska ng mga

paninda at gamit ang mga ito. Bukod sa nakapagdudulot ng kasikipan sa daloy ng trapiko dahil sa kanilang mga paninda na nakahambalang na sa mga sidewalk maging sa mismong kalsada na dahilan upang wala nang ibang malakaran ang mga pedestrian, ay nagiging sanhi pa ang mga bolanteng ito ng hindi magandang amoy at kalat na inirereklamo naman ng mga residente at mga mayari ng mga establisyimento sa bahagi ng nabanggit na lugar. Sa kanaisan ng Pamahalaang Panglunsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala na tuluyang maging malinis ang anumang bahagi ng lungsod, ay inaasahang magiging mas agresibo ang mga operasyon na isasagawa ng Task Force Bangketa laban sa mga matitigas ang ulong mga bolante na ito na nagpapatuloy sa illegal na paninindahan sa mga ipinagbabawal na lugar.. ADN

College student, patay sa aksidente sa motorsiklo

ni Ronald Lim

R

Katarungan sa Pamilya Lontok! Mahigit ng isang taon ang nakararaan ay hi di pa rin nabibigyan ng Hustisya ang Atimonan Masaker na ikinamatay ng 13 katao kabilang na ang isang Sibilyan na Environmentales na si Jun Lontok. Hinaing ng Pamilya Lontok na mabagal ang Hustisya at hindi pa nabibigyan ng katarungan ang mga nasawi.Raffy Sarnate

EAL, QUEZON - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 3rd year college student matapos na maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo nitong nakaraang linggo. Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ricka Jones Yoshabeth Curioso, 20 anyos, at residente ng Brgy. Poblacion sa naturang bayan. Base sa imbestigasyon, lulan sa isang motorsiklo ang biktima kasama ang driver na si Ronielle Sollestre at tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Cawayan nang maganap

ang insidente. Papaliko sa isang bahagi ng nasabing daan ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawa ngunit dahil sa labis na kabilisan at nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan dahilan upang malaglag ang dalaga sa kalsada. Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima ngunit namatay rin habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamo nitong malubhang sugat sa katawan. Samantala, nahaharap naman ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang driver ng naturang motorsiklo. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

editoryal

Ilusyon ang Aksesibleng Gamot

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers

Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

dibuho mula sa www.manilatimes.net

A

yon sa karamihan, “ilusyon” lamang umano ang mga naibigay na pangako ng batas na Cheaper Medicines Act o Republic Act No. 9502 noong Hunyo 2008 sa ilalim ng administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo noon. Sa kabila umano ng mga samu’t-saring mga patalastas sa telebisyon ng mga tindahan ng generic na gamot, tila hindi nito nasasalamin ang tunay na kalagayan ng mura at abot-kayang gamot sa bansa. Ayon na rin sa Consumers’ Action for Empowerment, isang koalisyon ng mga organisasyon at mga indibidwal na nag-aabante ng kapakanan ng mga mahihirap lalo sa usapin ng medisina, hanggang sa kasaluluyan ay hindi pa rin abot-kaya ang mga gamot na maaari na sanang magsalba sa buhay ng mga ordinaryong Juan at Juana dela Cruz. Ayon pa kay Eleanor Nolasco, tagapagsalita ng nasabing grupo, walo sa sampung Pilipino ang hindi nakakabili ng gamot. Sa ikatlong taon simula ng pagsasabatas nito, lumalabas na hindi ito nagsilbi sa interes ng mayorya ng ating mga kababayan dahil hindi naman kailanman naging mura ang gamot. Sa simula pa lamang, piho na na talagang may taglay ng mga mali sa Cheaper Medicine Act at hindi na ito inasahang mapapababa ang presyo ng gamot. Ayon pa sa nasabing grupo, lumalabas na sumusunod lang ang ating bansa sa Japan bilang mga bansang may matataas na presyo ng gamot sa Asya. Nangako man ang batas ng bansa na tutulong sa mga generic firms sa pagdebelop ng kalidad at abot-kayang gamot, hindi naman ito nangangahulugan ng suporta para sa isang lokal na industriya. Mangyari’y maaari kasing magpasok ng magpasok ng mga mas murang gamot ay may tatak pa (branded) mula sa ibang bansa kung saan mura ang mga ito, kahit mayroon namang katulad ito sa merkado ng Pilipinas. Naturalmente na papatayin ng mga mga nasabing mga importasyon na ito ng gamot ang mismong lokal na industriya ng gamot sa ating bansa. Ang siste, nananatili ang monopolyadong kontrol ng mga korporasyong transnasyunal sa larangan ng patente ng gamot. Kahit na may Generics Act, hindi rin ito makakatugon sa kahirapan ng mga mamamayang hikahos sa buhay. Sa ganitong kalagayan, lumalabas na hindi produktibo bagkus ay nagiging pasakit pa sa bulsa ng mamamayang Pilipino ang batas na ito. Nararapat lamang na remedyuhan ng gobyernong Aquino ang problema ng hindi maawat na pataas na presyo ng gamot. Marapat ding totohanin niya ang pagbaba ng halaga ng esensyal na mga gamot at gawin nila itong accessible lalo na sa mayorya ng mga mga mamamayang mahihirap. ADN

I

I Will Kill You!!!

to ang matapang na pagbabanta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa sinumang rice smuggler na gagamit sa mga pier ng naturang lungsod upang pagdalhan ng mga smuggled rice. Eh kung ikaw ang smuggler dadaan kapaba sa pier ng Davao upang dun magbagsak ng mga smuggled na bigas? At kung ganito din ang gagawin ng lahat ng mga Alkalde sa buong bansa na may mga pantalan na puedeng pagdaungan ng mga bigas mayrun pa kayang magpapalusot? Ang mangyayari nito, kahit pa anong produkto na pinalulusot mo sa mga pantalan upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis ay hindi mo na magagawa sa takot na baka patayin ka nga. Tulad ng mga kotse, fertilizers, petroleum products, second hand goods at kahit pa nga ukay ukay, kung ang layunin mo ay makapagpalusot ay tiyak na magdadalawang isip ka muna. Tandaan na milyon milyong halaga ng buwis ang nawawala sa ating pamahalaan dahilan sa mga smuggled goods na nakakalusot sa mata ng mga taga Bureau of customs Kinontra naman ito ng mga taga CHR o Commission of Human Rights sa pagsasabing isa itong Violation, at unethical at conduct unbecoming of a government official. Maging ang Malacanang ay hindi rin sangayon dito , tama din naman subalit isa itong epektibong pagbibigay ng signal sa mga smugglers upang ihinto na ang kanilang taliwas na mga aktibidades. Sagot ni Duterte, willing siyang makulong for killing the rice smugglers sapagkat

A

ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso

pinoprotekhan lang niya ang mga rice farmers. Ngayon sa palagay niyo may mga smugglers pa ba na gagamit sa mga pier ng Davao upang pagdaungan ng kanilang mga smuggled items! Paminsan minsan kasi eh kelangan din ang kamay na bakal upang pahintuin ang mga kalokohan, remember na ng sabihin ni Mayor Duterte na bawal ang mga paputok at lahat ng uri ng rebentador sa kanilang lugar ay matahimik na naipagdiwang ng lungsod ang pagsalubong sa bagong taon ng wala ni isang casualty mula sa mga firecrackers dahil nga sa walang gumamit nito. *** Bukod naman sa diumano ay anomaliya sa construction ng mga bunkhouses sa Tacloban, mayrun din diumanong irregularidad sa cash dole outs ng pamahalaan sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s. Mahigit umano tingnan ang ANO BA YAN!!! | p. 6

Usapang Diborsyo

ng usaping diborsyo ang isa sa mga sensitibong usapin na madalas pinagtatalunan ng mga moralista at hindi. Noong nakaraan pang Nobyembre pa uminit sa kongreso ang usaping ito, na sa kamalas-malasan ay hindi pang muli natatalakay sa kasalukuyan dahilan sa gulo sa sangay ng ating hudikatura. Ano nga ba ang diborsyo at bakit dapat itong maging batas sa Pilipinas? Nang pinagtibayan ng bansang Malta ang diborsyo noong Mayo 28, 2011, ang Pilipinas na lang ang tanging bansa sa mundo na walang diborsyo. Marami nang nagaganap na hiwalayan sa bansa, may mga anak na produkto ng broken family dahil nagkahiwalay sina ama at ina. Ngunit ang hiwalayan nila’y sa pamamagitan ng annulment, at hindi diborsyo. Nariyan ang popular na karanasan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, Snooky Serna and Niño Mendoza ng bandang Blue Jean Junkies, Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas, Kris Aquino at Philip Salvador na may asawa na. Samantala, marami ding naghihiwalay na mga mag-asawang maralita. “Til death do us part”, ang sabi habang ikinakasal, kaya marahil para mapawalang-bisa ang kasal, pinapatay sa bugbog ang asawa upang tuluyan silang magkahiwalay. Sa ngayon, naka-file sa Kongreso ang House Bill 1799, na ang awtor ay sina Luz Ilagan at Emy de Jesus ng Gabriela party-list. Iminumungkahi ng nasabing panukalang batas ang limang dahilan para sa diborsyo, tulad ng problema sa kaisipan o

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

alimpuyo

Ni Criselda C. David psychological incapacity, ang kabiguan ng isa sa mag-asawa na gampanan ang obligasyon bilang mag-asawa, at ang hindi pagkakasundo na sumisira sa kanilang relasyon bilang mag-asawang ikinasal. Tanging ang mga mag-asawang hiwalay na ng limang taon ang pwedeng mag-aplay para sa diborsyo, at dalawang taon para sa mga nasa antas ng legal separation. Kung hindi na nagkakasundo ang mag-asawa at nais na mag-file ng annulment, mas mura ang pagpa-file ng diborsyo, dahil sa kalakaran sa Pilipinas, tanging mga maypera ang may kakayahang mag-file ng annulment dahil wala ngang diborsyo rito. Kasama sa panukalang batas ang pag-amyenda sa Artikulo 55 hanggang 66 ng Family Code o EO 209, kung saan kapansin-pansin na ang salitang “legal separation” ay dinugtungan ng salitang “or divorce”. Ibig sabihin, nasa batas na ang legal separation o legal na paghihiwalay ng mag-asawa, at ginawa pa uling legal sa paglalagay ng salitang “divorce”. Sa biglang tingin ay mukhang termino ang problema. tingnan ang ALIMPUYO | p. 6


ANG DIARYO NATIN

N

enero 13 - enero 19, 2014

Pilipinas, Isa sa “Top 10 Popular Destinations” sa Mundo

agpahayag ng kasiyahan ang Malakanyang nang mapabilang ang Pilipinas sa Top 10 Countries na dapat pasyalan sa buong daigdig, alinsunod sa Rough Guides, isang travel guidebook ng Britanya. “Ikinagagalak natin iyan at pinatutunayan lamang na talagang sa hanay ng mga bansa, isa tayo sa pinakakaakit-akit sadyain ng mga turista,” sabi ni Kalihim Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office sa pulong balitaan sa Malacanang. “Sana, pagtulungan nating pagyamanin ang reputasyong maganda at mainam dahil malaki ang magiging ambag sa ating kabuhayan kapag dumami ang turista sa ating bansa,” dagdag pa ni Coloma. Tinukoy ng Rough Guides ang magagandang pook sa Pilipinas na dapat puntahan katulad ng Boracay, ang El Nido na limestone islands sa Palawan, ang mga baybaying dagat ng Coron sa Palawan din at ang mga dalampasigan ng Puerto Galera sa Mindoro. Gayundin ang Chocolate Hills sa Bohol, at ang perfectly coned na Bulkang Mayon sa Kabikulan at ang mga lawa sa kabundukan ng Mt. Pinatubo, na ayon sa Rough Guides ay hinding-hindi dapat makaligtaang puntahan kapag dumalaw sa Pilipinas. Buikod sa mga pook na kahanga-hanga ang mga tanawin, maaari ring maki-isa sa mga tradisyon at makukulay na pista sa bansa tulad ng Ati-Atihan

mula sa pia

Edisyon

Ni Lito Giron Festival ng Panay upang makita ang mga katutubong mga kasuotan at sayaw, sabi pa sa travel advisor. Ang iba pang mga bansang nakasama sa listahan ng Top 10 ng Rough Guides ay ang Georgia sa Gitnang Asya, Turkey, Macedonia, Japan, Rwarna, Ehtiopia, Brazil, Bulgaria at Madagascar. Samantala, pagsisikap ang ginagawa ni Aquino para magkahanap-buhay ang mga pilipino na malapit nang umabot sa 100-M ang populasyon. Habang patuloy na lumalaki ang populasyon ng Pilipinas na halos 100 milyon na, sinabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III na pinag-iibayo ng administrasyon niya ang pagtutuon ng pansin sa edukasyon upang lalong lumaki ang pagkakataon sa hanapbuhay ng mga Pilipino. Sa pakikipagniig sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Miriam College sa Malacanang, binigyang diin ng Pangulo na lalo niyang pinagtutuunan ang

5

edukasyon “para marag-dagan ang pagkakataon ng bawa’t isa tungo sa malawakang pag-unlad.” “Naniniwala kami na ang edukasyon ang susing magbibigay ng pagkakataon sa bawa’t isa na magkaroon ng kaalaman at kakayahan para magkahanap-buhay” sabi ng Pangulo. Sinabi ng Pangulo na yamang ang ekonomiya ay lumalago ng pitong bahagdan sa isang taon, “nais nating maging malawakan ang pag-unlad na ito.” Inihayag ng Pangulo sa ilalim ng administrasyon niya, malaki ang nagawa ng pagsasanay na ibinibigay ng Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA) upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga nagtapos dito. Sa nakalipas na mga taon, 20 hanggang 26 na bahagdan lamang ng nagtapos sa TESDA ang napapasok sa trabaho, nguni’t nang nakalipas na taon, umabot na sa 62 porsiyento ng mga nagtapos ang nagkaroon ng hanapbuhay. Binanggit ng Pangulo na 85 porsiyento ng mga nagtapos ang nagkatrabaho sa semiconductor industry samantalang 77 porsiyento naman ang nagkatrabaho sa Business Process Outsourcing Industry. Binigyang diin din ng Pangulo na sinisikap ng kanyang administrasyon na maabot pati ang nomadic groups sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga guro kung saan naninirahan ang mga pangkat na ito. ADN

Higit pa sa mga Nanggigitatang Kuwento ng Kahindutan Rebyu ng PAK U (UngazPress, 2012)

“I

sa lang ang lunas / Sa mga muk’ang ubod nang tigas / Sipain na ‘yan / Hanggang sa buwan / “Wag kang hangal / ‘Wag kang kupal.” -“K.P.L. (K.U.P.A.L)” The Oktaves *** Mag-iisang taon na halos sa haybol namin ang kauna-unahang dyornal ng UngazPress na tinituluhan nilang PAK U o PseudoAbsurdoKapritso Ulo. Sa katunayan, may malaking pingas na ang front cover nito sa upper right side at nangungupas-ngupas na ang kabuuan ng pabalat dulot ng pag-aamok ng dalawang taong gulang kong pamangkin na madalas itong pakiaalaman, paglaruan at patak-patakan ng dinedede n’yang tsupong ‘pag hindi gatas; e, tubig ang laman. Siguro ini-imaginary friend n’ya ‘yong drowing na fetus na naka-dirty finger sa pabalat. Sinubukan kong basahin ulit ang nabilasang bilasang dyornal. Bagama’t lampas sa isang taon na buhat nang lumabas ang unang putok ng UngazPress hindi maitatangging malakas pa rin ang hatak nito sa mga babasa. Nagmamantsa, ika nga. At ito marahil ang naging kalakasan ng mga kuwento. Nagawa kasing balanse ng mga awtor ang porma at nilalaman ng 17 kuwentong bumuo sa ShitList ng PAK U. Gano’n naman daw talaga ang malikhaing pagsusulat, kelangan laging humawan ng ibang landas, tumuklas, mag-eksperimento para may bago kang maihain sa

D

K M

omento? uwestyon? ontribusyon? ag-text sa 09984117282 ag-email sa michaelalegre.i.ph@gmail.com amboso sa www.arkibero.wordpress.com

kritika[l]

Ni Michael C. Alegre maselang panlasa ng mambabasa. Pero do’n nagkaproblema, nagkaro’n ng umaatikabong riot sa pagitan ng UngazBoys at ng maseselang mambabasa. Nang-uungas kasi ang lahat ng istorya sa antolohiya na siguradong isusuka ng mga moralista. Samahan pa ng mala-burador na istilo ng mga ito dahil tadtad ng typo. Do’n pa lang, siguradong nanggagalaiti na sa galit ang mga mga taong hindi maispeling o ‘yong may typhobia, sabi nga sa “dyornal.” Pinakapaborito ko sa koleksyon ‘yong “Catcher“ Paborito ko kasing setting ang banyo at naalala ko rito ‘yong paborito kong pelikulang Trainspotting (1996) ni Danny Boyle at Hunger (2008) ni Steve McQueen. Sa kabuuan, matagumpay namang naitawid ng mga kuwentista ang gusto nilang sabihin kahit ginawa nila ito nang maligalig at kasuka-suka. Madali lang naman kasing maintindihan ang 17 nanggigitatang kuwento kung marunong kang “umunawa” at hindi sarado ‘yang utak mo sa mga tradisyong ilusyon.

Huwag na tayong lumayo pa, kung nabasa mo ang “Babala” sa dyornal at nauunawaan mo ang laman nito, siguradong hindi mangangamoy-away. *** Hindi ko personal na kilala ang mga UngazBoys na binubuo ng mag-utol na Vivo (Ronaldo Jr. at Ronnel), Danell Arquero, Erwin Dayrit at Christian De Jesus. Napa-comment lang ako ng “Magpapasa ako next, next time. \m/” sa isa sa mga post nila na facebook: excerpt ng “Buhay Artista, Taping, at mga Gawaing ‘di alam ng Audience” na kasama rin sa koleksyon. Nagtatakang nagkomento tuloy ang isa sa nagbigay ng blurb sa PAK U na si Mark Angeles kung saan inakala n’yang isa ako sa promotor ng PAK U dahil may nabasa raw s’yang gawa ko na umiistayl gano’n. Wala naman akong maalala. Ulyanin kasi ako. Ewan. *** Ronaldo: “Salamat ng marami sa tulong tol. Prep ka ng 2 to 3 na kwento/dagli isasama natin sa special issue ng ungaz. At inaabangan pala ng tropa ang rebyu mo. T.Y \m/” (11 Dec 2012 2:35pm.) Ako: “May ipuputok ako; rebyu muna, hindi kontribusyon. \m/” (10 Jan 2013 4:00p.m.) Wasak! Upnext: Rebyu ng ikalawang putok ng Ungaz. ADN

Mga pampasaherong bus sa BonPen, kolorum?

apat lang imbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga pumapasadang mga pampasaherong bus sa Bondoc Peninsula (BondocPen) na karamihan ay hindi nag-iisyu ng tiket sa mga pasahero. Basta na lang kolekta nang kolekta ng bayad sa pasahero at wala pang discount sa mga senior citizen at mga estudyante. Katwiran ng konduktor ng bus: Mahal daw ang krudo. Hindi naman natin nilalahat yang mga pumasadang mga bus sa BondocPen. E, bakit ganyan naman style ng mga konduktor ng ibang bus d’yan? Wala na ngang discount, wala pang tiket na ibinibigay sa mga pasahero. E, pa’no kung biglang magkaro’n ng aksidente? Sinong paghahabulan ng mga pasahero? Wala na ngang discount ay kolurum pa ng mga bus n’yo. Grabe naman kayo. Dapat imbestigahan ‘yan ng LTO at BIR dahil ang bus d’yan sa BondocPen, karamihan ay kolorum. Hindi rin yata nagbabayad ng buwis ang may-ari ng bus na ‘yan dahil walang ticket silang ibinibigay sa mga pasahero. Dapat imbestigahan yan ng LTO at BIR ang mga bus na pumaparada riyan dahil bukod sa luma na ang sasakyan ay bulok pa ang mga upuan. Kawawang mga pasahero ‘pag nadisgrasya. Walang paghahabulan.

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

tirador

Ni Raffy Sarnate *** PAGKAIN NG MGA PRESO SA BJMP, MGA BULOK DAW! Sus ko! Ano na ‘yan! Totoo kaya ‘to? Aba’y kawawa naman ‘yang mga preso sa BJMP sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon. Aba’y ang ipinapakain daw sa mga inmate na bilanggong mga babae ay bulok na pagkain. Mga tuyong mga reject na ibibilad sa araw at saka ipiprito na umaalingasaw sa baho ang amoy saka ipauulam sa mga bilanggong mga babae at ang sabaw ay tubig na pinakuluan na may halong talbos ng kangkong na wala man lang asin at vetsin. Ito ang ating napag-alaman sa isang bilanggong babae na bagong laya riyan sa BJMP. Ganyan pala ang trato ng mga nakakulong na preso sa BJMP parang hayup ang turing nila sa bilanggo. Ayon pa sa inmate

nating nakapanayam na nakalaya na, ‘wag ko na babanggitin ang kanyang pangalan. Na mayaman na raw yong jail warden dyan na naka-assign. Ang laki raw ng pondong ibinibigay ng gobyerno, eh ang laki rin ng kupit ng Jail Warden sa BJMP. Aba ay dapat makarating yang balitang yan sa pinuno ng BJMP sa Maynila. May banta pa raw sa mga bilanggo ang Jail Warden dyan sa mga pangyayaring yan. Isang taon kayong hindi makatanggap ng dalaw pag may nakaalam nito. Aba’y grabe pala kahigpit ang Jail Warden dyan. Kawawa naman yang mga nakakulong diyan hindi naman mga baboy yang nakakulong dyan ay binababaoy nyo pa. ano kung sa inyo mangyari yan. Ano ang magiging reaksyon nyo bay makonsensya naman kayo! Kayo nga pakainin ng bulok na pagkain, tatanggapin kaya ng sikmura nyo? Abay makonsenya naman kayo. Kaya paala-ala lang sa ating mga kababayan na huwag kayong gagawa ng kasalanan pag kayo ay napasok dyan sa BJMP Brgy. Talipan ay makatikim din kayo ng bulok na pagkain dyan. Hintay ko ang sagot ng BJMP tungkol sa isyung ito. Mag text o mag email sa address ko sa kolum na ito. Pati LTO at BIR pakisagot din ang isyu sa mga pampasaherong bus na kolorum sa BondocPen. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-267 Upon petition for extrajudicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND OR PAG-IBIG FUND with branch Office at Grand Central Terminal, Ilayang Dupay, Lucena City against FLORO R. QUINTO, widow of legal age, Filipino citizens, with residence at No. 64 Malakas st., Francon ville Subd., Phase 2, Brgy. San Gregorio, San Pablo City, to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts of September 12, 2013 amounts to THREE MILLION THREE HUNDRED FIFTY NINE THOUSAND SIX HUNDRED TWENTY TWO PESOS AND 36/100 (P3, 359,622.36) inclusive of penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 27, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Building, Lucena City, to the highest bidder for Cash or Manager’s check and in

the Philippine currency the following property with all its improvements to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T- 460891 A parcel of land (Lot 5-B1-F of the Subd., Plan, Psd- 04-191556, being a portion of Lot 5-B-1, Psd04-187930, L.R.C. Record No. N-6840) situated in Brgy. Bulaquin, Dolores, Quezon. Bounded on the SW., along line 1-2 by lot 5-B-1-D; on the NW., along line 2-3 by lot 5-B1-E; on the NE., along line 3-4 by Lot 5-B-1-H (Road 6.00 m wide);and on the SE., along line 4-1 by Lot 5-B-1-G; all of the Subd., plan. Containing an area of ONE THOUSAND (1,000) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the abovestated time and date: In the event public auction should not take place on said date it shall be held on FEBRUARY 3, 2014 without further notice. Lucena City, December 13, 2013. ARTURO T. QUERUBIN TRISTAN JIFF B. CLEDERA Sheriff IV OIC, Provincial Sheriff NOTED: ELOIDA R. DE LEON- DIAZ Executive Judge 3rd Publication January 13, 2014 ADN: Dec. 30, 2013, Jan. 6 & 13, 2014

Mayor Dondon Alcala sa mga Lucenahin: “Magsegregate po tayo ng ating mga basura.” ni Ronald Lim

L

ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

UCENA CITY - Upang tuluyang malinis ang lungsod ng Lucena, nanawagan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa lahat ng mga Lucenahin na magsegregate ng kanilang mga basura. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, isang magandang solusyon ito upang mapanatili ang kalinisan ng ating lungsod. At sa paraang aniya na ito ay mababawasan na rin ang mga itatapong basura dahilan sa ang iba dito ay mapapakinabangan sa pamamagitan ng pagrerecycle. Bukod sa

pagbabawas ng basura ay maari ring kumita ang mga Lucenahin sa paraang ito. Isang magandang halimbawa rin ito upang mamulat ang mga kabataang miyembro ng pamilya sa ating komunidad sa paglilinis at tamang pagtatapon ng basura. Sa kasalukuyan ani ng punong- lungsod, ay isinasaayos na ng pamahalaang panglungsod ang sistema ng koleksyon ng basura, hinihintay lamang ang limang karagdagang trak na idadagdag sa hanay ng mga behikulong ginagamit sa pangongolekta ng basura sa lungsod. Dagdag pa ng

ANO BA YAN!!! mula sa p. 4 sa apat na libong pamilya ang may double o duplication of names mula Enero hanggang Agosto ng taong 2012. ang mga double entries na ito sa payroll ay kinumpirma ng mga Regional Auditors ng Commission on Audit saamamagitan ng regional validation reports at kopya ng acknowledgement receipts. Ang masakit, nabanggit dito ang Barangay Pagsangahan ng San Francisco, Quezon. Ayon sa Commission on Audit, may mga

tagarito na dala dalawa ang mga ID’s na may magkaibang numero sa iisang pangalan na nagangahulugang doble ang nakukubra niton biyaya muka sa 4P’s. *** Dito pa rin sa Quezon, may isang taon na ang nakakaraan subalit wala pa ring nangyayari sa tinaguriang Atimonan Massacre ng lalawigan. Naghihinagpis ang mga kaanak ng mga biktima dahilan sa mismong si Presidente

Noynoy Aquino ang nangakong personal niyang tutulungan ang mga biktima. Eh ano ba naman ang bago? Eh kung yun ngang Ampatuan Massacre na mahigit sa limampu ang pinatay at ibinaon ng forklift, eh ano naman kung ikukumpara dito ang 13 biktima sa Atimonan na iisang taon pa gayong mahigit sa tatlong taon na ang Ampatuan massacre ay hindi pa rin gumagalaw ang gulong ng katarungan? ADN

maisasabatas. Kaya ang nakaka-afford lang o may kakayanang magpa-annul ng kasal, o legal separation, ay yaong may kayang magbayad sa abogado. Kaya yaong mayayaman lamang at yaong mga kilala sa lipunan, tulad ng mga artistang naghihiwalay, ang may kakayahang ipawalang-bisa ang kasal. Yaong mga mahihirap na walang

kakayahang magbayad ng abogado na nais nang makipaghiwalay sa kanilang asawa, dahil sa arawgabing pananakit sa kanila, ay di mapawalang-bisa ang kasal. Isa ang problemang ito sa nais tugunan ng panukalang diborsyo sa Pilipinas. Kaya nararapat lang isabatas na ang Divorce Bill, ngayon na! ADN

ALIMPUYO mula sa p. 4 Tulad din ng salitang “annulment,” na pwede ring ipaannul ang kasal ng mag-asawa, na tulad din ng divorce, ay legal na paghihiwalay ng mag-asawa. Mukha ring pareho, ngunit malaki ang pagkakaiba sa proseso. Mas masalimuot at mas mahal ang gastos ng pagpapa-annul ng kasal. Mas pinagaan naman sa proseso ang diborsyo, at hindi mahal kung

3 mga wanted sa batas, nadakip sa Quezon

ni Ronald Lim

L

ALAWIGAN NG QUEZON Nagtapos na ang matagal nang pagtatago sa batas ng tatlong mga “wanted persons” matapos na madakip ang mga ito ng awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon nitong nakaraang linggo. Unang naitala ang pagkakadakip sa wanted person na si Edward De Mesa, 24 anyos, cellphone technician at residente ng Brgy. Castañas, Sariaya, Quezon, pasado alas onse ng umaga sa bahagi ng Brgy. Morong

sa nabanggit na bayan. Nasakote si De Mesa dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Marcos Diasen dahil sa kasong Theft. Sunod namang natimbog ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Mauban Police at ng Muntinlupa Police pasado alas dose ng tanghali ang negosyanteng suspek na si Emily Lopez, 41 anyos, sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City Alabang. Nasakote si Lopez dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Rodolfo Obnamia dahil sa kaso nitong Estafa.

Samantala, pasado alas onse naman ng umaga ng madakip ng Pagbilao Police ang wanted person na si Oscar Perlada alyas “Oca,” 37 anyos, tricycle driver, sa bahagi ng Brgy. Bukal sa baya ng Pagbilao, Quezon. Inaresto si alyas “Oca” dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Derela Devela Devera dahil sa kasong Violation of Illegal Possession of Firearm and Ammunition. Kasalukuyan na ngayong nakaditine ang mga wanted persons sa mga piitan ng mga nasabing bayan. ADN

Lucena TMCL Action Officer, hands-on sa pag-aayos ng trapiko

kontribusyon ni PIO Lucena / F. Gilbuena

L

UCENA CITY - Bilang punong-abala sa pagsasaayos ng problema sa daloy ng trapiko sa lungsod ng Lucena, ay nagsagawa ng inspeksyon ang Action Officer ng Traffic Management Council of Lucena na si Executive Assistant Arnel Avila, sa ilang bahagi ng poblacion ng lungsod kamakailan, upang personal na makita kung mayroong

Mayor Dondon Alcala, ihinahanda na rin ang MRF ng lungsod ng Lucena sa bahagi ng Brgy. 10 na higit na makatutulong sa pagsasaayos at paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nakolekta at nang makinabang nang husto ang mga mamamayang Lucenahin na sadyang pinaglalaanan ng maayos na serbisyo mula sa pamahalaang panglungsod. ADN

pagbabago at kung saan nagkakaroon pa rin ng problema sa trapiko. Kasama ang ilang opisyales ng Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operator sa Lucena o PISTOL, ay pinasyalan ni G. Avila ang ilang bahagi ng lungsod, partikular sa panulukan ng kalye C.M. Recto at Gomez, at panulukan ng Quezon Avenue at M.L. Tagarao, upang isaayos ang tamang babaan at sakayan para sa mga pampasaherong dyip.

Pinulong rin ng Action Officer ng TMCL ang mga kasamang miyembro ng PISTOL at pinag-usapan ang mga dapat gawin upang lubos na maisaayos ang pagsasakay at pagbababa ng mga tsuper sa lungsod. Ilan sa nakitang problema ng mga nagsagawa ng inspeksiyon ay ang kawalan ng disiplina ng ilang mga tsuper maging ang ilang pasaheros, na kahit saan

na lamang nagsasakay at sumasakay, at nagbababa at bumababa kung saan nalang manaisan. Paalala lang ni G. Avila, ang traffic rerouting na kasalukuyang isinasagawa sa lungsod, ay eksperimentasyon pa lamang at iilang araw pa lamang nauumpisahan kaya’t hinihikayat ang mga mamamayan ng lungsod na makiisa at ng makamit ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. ADN

Lalaking may sakit sa pag-iisip, natagpuang patay

ni Ronald Lim

S

ARIAYA, QUEZON - Isang lalaking may sakit sa pagiisip ang natagpuang lumulutang at wala ng buhay ng mga awtoridad sa isang creek nitong nakaraang linggo. Kinilala ang biktimang si Arjay Palad, 23, residente ng Sitio 6, Brgy. Pili.

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Batay sa imbestigasyon, pasado alas-diyes ng gabi ng matagpuan ang bangkay ni Palad na nakalutang sa isang creek sa nabanggit na lugar. Ayon naman sa pahayag ng ina ng biktima, huling nakita ang binata na nakikipag-inuman sa kanilang tahanan dahil sa pagseselebra ng

kanilang kasalan. At habang papauwi na ito sa kanilang bahay ay biglang inatake ito ng kaniyang sakit sa pag-iisip at nalunod sa nabanggit na sapa. Wala namang nakikitang foul play ang mga awtoridad at dinala na ang labi ng biktima sa Marcelo Gayeta Funeral para sa post mortem examination. ADN


ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

7

Lucena cops file charges vs Sino trader’s killer contributed by Gemi Formaran

L

UCENA CITY - Police now consider the Dec. 23, 2013 killing of a FilipinoChinese businessman, here, closed as they finally identified the alleged killer, based on witnesses’ accounts. City police director Supt. Allen Rae Co said a case of robbery with homicide has been filed against the suspect, identified as Ernesto Quinto Jr., alias “Bon Jovi,” whose last residence was Tayabas City. Quinto was identified by three witnesses, one of them a female, as the one who shot Rosalino Loo Sy, 33, who owns a store selling frozen goods, and a resident of Brgy. 3, this city. Quoting their accounts, Co said the incident happened at 9 p.m. shortly after the victim closed his store.

“The victim crossed the street where his pick-up truck was parked and while he was about to open its door, the suspect approached from behind and declared a holdup,” said Co. He said the victim was heard to have said, “Wala akong pera dito,” prompting the suspect to draw a cal. .38 revolver and poked it at his chest. The trader quickly resisted and hit the suspect with his body bag, prompting the latter to pull the trigger, hitting the victim on the chest. As the victim fell to the ground, the suspect took his bag containing numerous bank checks, P4,000 cash, a gold ring and his wallet before back riding on a waiting motorcycle driven by a cohort. The victim was rushed to the hospital by his brother

Chris Lawrence in his car but later died while undergoing treatment. With the continuous followup operation, police were able to produce the witnesses and convinced them to cooperate with the investigation. Police also learned that the suspect, who already went on hiding, has also been involved in a robbery with homicide case and several theft and robbery cases in Tayabas City. Meanwhile, City Mayor Roderick Alcala, upon learning of this development, lauded the police force for solving the case. “We commend our chief of police, Col. Allen Co, and his men for the immediate resolution of the case. This is an indication that our police force is doing its job efficiently”, said Alcala. ADN

Supt. Allen Rae Co

Paglilinis ng mga illegal na bolante sa Lucena, tuloy-tuloy

kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena

L

UCENA CITY - Patuloy pa rin ang paglilinis at pagsasaayos na isinasagawa ng pamahalaang panglungsod sa mga illegal na bolante na nagkalat sa mga bangketa ng lungsod partikular sa kahabaan ng kalye C.M. Recto sa Brgy. 6 ng lungsod. Matapos ang pansamantalang pagbibigay sa mga bolanteng ito maidaos lamang ang Pasko

at Bagong Taon, kamakailan ay muling pinasadahan ng mga operatiba ng Task Force Bangketa,sa pangunguna ng hepe ng Traffic Enforcement section ng lungsod na si Jaime De Mesa, ang binanggit na lugar upang muling ipaalala sa mga kinauukulang bolante na mahigpit ngang ipinagbabawal ang pananatili ng mga ito sa lugar at sa pagbalik ng mga operatiba ay muli nang mangungumpiska ng mga paninda at gamit ang mga ito. Bukod sa nakapagdudulot

ng kasikipan sa daloy ng trapiko dahil sa kanilang mga paninda na nakahambalang na sa mga sidewalk maging sa mismong kalsada na dahilan upang wala nang ibang malakaran ang mga pedestrian, ay nagiging sanhi pa ang mga bolanteng ito ng hindi magandang amoy at kalat na inirereklamo naman ng mga residente at mga mayari ng mga establisyimento sa bahagi ng nabanggit na lugar. Sa kanaisan ng Pamahalaang Panglunsod sa pamumuno ni Mayor

Aarestuhing wanted, patay makaraang makipagbarilan sa mga pulis

ni Johnny Glorioso

G

UMACA, QUEZON Patay na ng idating sa ospital sa bayan ng Gumaca ang isang wanted na nakipagbarilan sa mga pulis na magse-serve sana ng warrant of arrest dito. Kinilala ang nasawi na si Edmundo Bon ng Brgy. Villa Padua, Gumaca, Quezon. Ayon kay P/Sr. Supt Genaro Ylagan, Quezon PNP Provl Director, dakong alas-sais ng umaga ng tunguhin ng mga

pinagsanib na mga awtoridad na pinamumunuan ni PC/Insp. Romulo Albacea ang bahay ng wanted upang arestuhin ito kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions, kasama sina brgy chairman Pancho Ona at Kgd. Reniel Banal. Nang magpakilala ang mga arresting officers ay kaagad na pinaputukan ang mga ito ng wanted habang tumatakbong palayo at dahil dito ay gumanti ng putok ang mga awtoridad. Tinamaan ng

bala sa pisngi ang wanted na mabilis na dinala sa Gumaca District hospital kung saan idineklara itong dead on arrival. Nakuha mula dito ang isang kalibre 45 na may tatlo pang bala, isang kalibre 38 baril na may tatlong bala at tatlong basyo sa chamber. Nakuha din mula sa bahay nito ang isang improvised shotgun at anim na bala nito at mga drug paraphernalia. Ang mga ebidensya ay dinala na sa himpilan ng pulisiya para sa dokumentasyon. ADN

23 anyos na lalaki, sugatan sa saksak ng isang barbero ni Topher Reyes

G

UINYANGAN QUEZON – Agad na dinala sa ospital ang 23-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng isang barbero sa Brgy. Manggagawa, Guinyangan, Quezon nitong nakaraang linggo.

Gamit ang gunting ng suspek na si Ramil Altamirano, tinadtad ng saksak sa iba’tibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jayson Garcia. Sa inisyal na imbestigasyon ng Guinyangan Police, pasado alas-11:00 ng umaga ay kinumpronta ng biktima ang suspek na umabot

sa suntukan. Mabilis na nakuha ng suspek ang gunting at pinagsasaksak ang biktima. Samantala, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang barbero na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pananaksak. ADN

Roderick “Dondon” Alcala na tuluyang maging malinis ang anumang bahagi ng lungsod, ay inaasahang magiging mas agresibo ang mga operasyon na isasagawa ng Task Force

Bangketa laban sa mga matitigas ang ulong mga bolante na ito na nagpapatuloy sa illegal na paninindahan sa mga ipinagbabawal na lugar. ADN

Pusher, arestado sa droga sa Mauban ni Topher Reyes

M

AUBAN QUEZON – Inaresto ng Mauban PNP sa isang buy-bust operation ang isang pusher sa bahagi ng Camposano St., Brgy. Daungan, Mauban, Quezon nitong nakaraang linggo. Huli sa akto na nagbebenta ng pinaghihinalaang shabu ang suspek na si Dannyver Mamore alyas “Ebe,” 32-anyos at residente ng naturang lugar. Nakumpiska mula sa mga kamay nito ang isang black coin purse na naglalaman

ng apat na sachet ng shabu at perang nagkakahalaga sa mahigit limang daang piso. Ang mga narekober na ebidensya ay dinala Quezon PNP Crime Laboratory sa Lucena City para sa kaukulang eksaminasyon. Samantala, ang suspek ay sasampahan ng kasong violation of section 5 o selling of illegal drugs at section 11 o possession of dangerous drugs ng article 2 of RA 9165 laban dito. Sa ngayon ay nakaditene na si Dannyver “Ebe” Mamore sa Mauban Municipal Lockedup Jail. ADN

Dalagita, ginahasa ng sariling amain ni Ronald Lim

M

ULANAY, QUEZON Maagang napariwara ang buhay ng isang dalagita makaraang gahasain ito ng sariling amain sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong nakaraang linggo. Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente habang natutulog ang biktimang itinago sa pangalang “Madel,” 13 anyos, sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang ina at mga kapatid. Nang bigla itong magising dahilan sa naramdaman nitong hinihimas ng kanyang amain

ang kaniyang binti. Matapos na himasin ay mabilis na hinubad ng suspek ang short at panty ng dalagita kasunod ang pagpapasubo ng ari nito at walang- awang paggahasa sa dalagita. Matapos na isagawa ang makamundong pagnanasa sa biktima ay agad namang nagsumbong si Babes sa kaniyang ina at iniulat sa kapitan ng kanilang barangay. Agad rin namang naaresto ang suspek at ngayon ay nakaditine na sa piitan upang pagdusahan ang ginawang kalapastanganan sa kaniyang anak-anakan. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 12, Blg. 512

Enero 13 - Enero 19, 2014

‘CRACKDOWN’ ang salubong ni Noynoy ngayong 2014: Bagong kaso ng pag-aresto, naitala

kontribusyon ng Karapatan-ST

C

ANG DIARYO NATIN

enero 13 - enero 19, 2014

ALAMBA, LAGUNA - Sa pagpasok ng bagong taon, panibagong crackdown sa hustisya’t karapatang pantao ang salubong ni Aquino sa mamamayan ng Timog Katagalugan. Enero 9, 2014, 7:00 ng gabi iligal na inaresto si Joel Amonte, 56 taong gulang at ang kanyang asawa na si Gloria Pritargue Almonte, 52 taong gulang sa kanilang tinutuluyang bahay sa Valenzuela City, Metro Manila. Ayon sa kanilang anak na babae, sapilitang pinosasan ang kanyang mga magulang at isinakay sa sasakyan kasama siya. Kalaunan ibinaba rin ang anak sa presinto at sinabi sa kanya na kung gusto niyang dalawin ang kanyang mga magulang ay magpunta siya sa PNP-Intelligence Group sa Camp Crame. Tubong Pagsanjan, Laguna ang mag-asawang Almonte. Nakilala si Joel Almonte bilang napakahusay na lider at organisador ng mga bangkero at mangingisda sa buong probinsya ng Laguna. Dahil sa kalagayang

kailangan niyang ipagamot sa Maynila ang malubhang kondisyon ng kanyang katawan sa diabetes, ang kanyang pamilya ay nangupahan sa isang bahay sa Valenzuela. Sa ganoong kalagayan ng iniinda niyang malalang sakit ay naganap naman ang insidente ng pang-aaresto sa kanilang mag-asawa. Samantala, nagpahayag ang Karapatan-Southern Tagalog ng pagkabahala sa panibagong crackdown na ito sa pagbubukas pa lamang ng 2014. Ani Malabanan, “Matapos lamang mabalitan ang brutal na pagpatay ng mga militar kay Marcelo Monterona, council member ng Indug Kautawan at aktibong nilabanan ang mga mapanirahang minahan sa Maco, Compostella Valley, Heto naman ang panibagong paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Aquino. Malinaw itong kasong iligal na pag-aresto na mariin na kinukundena ng KARAPATAN-S. Tagalog.” Umaapela rin ang kanilang anak na mabigyan ng nararapat na pagtrato si Joel Almonte

dahil sa malubhang diabetes nito at nahihirapan na rin talaga ikilos ang katawan at maglakad. Nananawagan din ang Karapatan–ST na kagyat na palayain ang mag-asawa,laluna sa kalagayang si Joel Almontena ay may malubhang karamdaman bilang batayan ng humanitarian law. Ayon pa kay Malabanan, “Panibagong banta ito sa pagtutuloy ng usapang pangkapayapaan dahil hindi seryoso si Noynoy na resolbahin ang malalang paglabag sa karapatang pantao at bagkus ay nadadagdagan pa ngayon ang mga kaso ng paglabag.” Kasalukuyang nasa Camp Vicente Lim ang Quick Reaction Team (QRT) ng KARAPATANST kung saan ikinulong ang mag-asawa. Magsasagawa sila ng protest vigil ngayong gabi upang hilingin ang kagyat na pagpapalaya sa mag-asawa at pigilan ang anumang malupit na interogasyon at pagpiit sa dalawa. ADN Reference Person: Glendhyl Malabanan Secretary General, KARAPATAN-ST 0949.98.45.629

KONTRIBUSYONG GRAPIKS NG KARAPATAN-QUEZON

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Malapit nang buksan sa Gulang-gulang

Mayor Dondon Alcala: Maganda na ang takbo ng Satellite Market sa Red-V

kontribusyon ng PIO Lucena / F. Gilbuena

L

UCENA CITY - Nakatakda nang simulan ngayong taon ang pagtatayo ng bagong gusali ng Lucena City Hall sa inisyatiba na rin ng kasalukuyang punong-lungsod, Mayor Roderick “Dondon” Alcala na sinusuportahan naman nang buong Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice-Mayor Philip Castillo. Ayon kay Mayor Alcala, halos kumpleto na ang mga papeles sa pagtatayo ng bagong city hall ng lungsod. Ang inisyatiba aniyang ito ay isa sa kanyang pangunahing programa upang maisaayos ang mga tanggapan ng Pamahalaang Panglungsod. Ayon sa alkalde, sa kasalukuyang kalagayan ng city hall ng Lucena ay masasabing isa na ito sa pinakamalaking city hall sa buong Pilipinas dahilan sa pagkakahiwa-hiwalay ng ilang mga tangaapan dito. Kinakailangan pang

Do

8

sumakay sa mga pampasadang sasakyan tulad ng tricycle at jeep upang makapunta sa ibang tanggapan tulad ng sa City Engineering Office na nasa bahagi ng Ibabang Dupay, ang tanggapan ng City Health Office na nasa Brgy. GulangGulang, at ang opisina ng Sanguniang Panglungsod na nasa bahagi naman ng Brgy. Isabang. Masasabing malaking sagabal para sa isang Lucenahin ang sakaling magtutungo ka sa mga tanggapang ito upang ayusin lamang ang kanilang mga papeles bukod pa ang gastos sa pamasahe pagtungo dito. Kung kaya naman inaasahan na ng ilang mga mamamayan ng Lucena ang itatayong bagong city hall dahilan sa kapag ito ay naitayo na ay tiyak na magkakasama na ditto ang tanggapan ng pamahalaang panglungsod at hindi na nila kinakailangan pang magtungo sa malalayong lugar upang mapuntahan lamang ang mga tanggapang ito. ADN

CIDG-Quezon arrests Laguna newsman’s killer contributed by Gemi Formaran

L

UCENA CITY - After more than a year in hiding, the alleged trigger man of slain Laguna newsman Edgardo Adajar and his driverbody guard, Leonaldo Ronaldo, finally fell into the hands of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Friday night. CIDG-Quezon provincial head Chief Insp. Alvin Consolacion said Emmanuel Peñalosa alias “Emman,” 28, was arrested at about 10 p.m. last Friday based on a warrant of arrest issued by San Pablo City Regionall Trial Court Judge Agripino Moraga. The arrest took place in the house of former Quezon Provincial Jail Warden Abad Almadrones in Bgy. 1 this city , where a birthday party of the latter’s daughter was being celebrated. Peñalosa’s co-accused, Mario Aquilla alias “Rocky,” who was also in the house, left the place minutes before the CIDG agents, backed by the Lucena SWAT team, arrived. A surprised Penalosa yielded a loaded Cal. 38 revolver. Consolacion said Peñalosa and Aquilla were identified by witnesses as the men who shot dead Adajar and Ronaldo in the afternoon of Jan. 2 last year. The victims were about to ride a car when shot by the suspects in front of an old cockpit arena in Bgy. Concepcion, San Pablo City. Both victims suffered multiple gunshot wounds and

died on the spot while another companion, a cousin of the newsman, was unharmed after he managed to run away. A feisty commentator of a local radio station, Adajar was also an elected councilor of San Pablo City, Laguna and a political ally of then Mayor Vic Amante. Adajar was a known critic of Atty. Hison Arago, the father of former Laguna 3rd district Rep. Ivy Arago, and Laguna Small Town Lottery operator Ramon Preza who is now the mayor of Tiaong, Quezon. The elder Arago, who was said to be Preza’s adviser on his STL operation, ran for mayor of San Pablo City during the May elections but was beaten by Amben, the son of three-termer Amante. Adajar was very vocal on the alleged anomalies of Preza and Arago in the STL operation. Laguna Gov. E.R. Ejercito pledged a P500,000 reward for the immediate arrest of the suspects. The Sangguniang Panlunsod, through the initiative of Amante, also passed a resolution for the release of an additional P300,000 bounty. Peñalosa is now detained at the CIDG- Quezon detention cell. National Press Club president Benny Antiporda expressed gratitude to the CIDG- Quezon for the arrest of Peñalosa. “This is a clear indication that the police, particularly the CIDG, is doing its best to arrest newsmen’s assailants,” said Antiporda. ADN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.