High Cost of Electricity Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
ANG Enero 20 – Enero 26, 2014
IARYO NATIN D ADN Taon 12, Blg. 513
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Kilos-protesta isinalubong sa unang anibersaryo ng pagkasira ng Tubbataha Reef kontribusyon ng Southern Tagalog Exposure
E Kontribusyong larawan ni Loi Manalansan
Abot-kamay na sa diwa ng Private-Public Partnership
Maralitang Lucenahin, “can-afford” na sa mga pribadong ospital ni Leo David, mga ulat mula sa PIO Lucena/F. Gilbuena
L
UNGSOD NG LUCENA – Sa diwa ng public-private partnership na isa rin sa mga pangunahing estratehiya ng Pangulong Benigno
S. Aquino III para mas makapagbigay ng may kalidad subalit abot-kamay na serbisyo-publiko, ilang panahon na lang at sadyang “can-afford” na ang mga pangkaraniwang Lucenahin sa mga pangunahing serbisyongpangkalusugan mula sa mga pribadong
ospital ng ating lungsod. Ito’y kaugnay ng ipinahayag ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala na pagnanais na makapulong ng Pamahalaang Panglungsod ang tingnan ang MARALITANG LUCENAHIN | p. 3
MBAHADA NG AMERIKA - Sa unang taong anibersaryo ng pagsadsad ng barkong pandigma na U.S.S. Guardian sa Tubbataha Reef, inulan ng protesta ng mamamayan ang harapan ng U.S. Embassy sa Pilipinas. Subalit sa halip na mapayapang mailunsad ang nasabing kilosprotesta, simula pa lamang ay hinarangan na sila ng mga kapulisan kaya’t hindi na nakaabot ang programa sa tarangkahan ng nasabing ahensiya. Hindi nagpatinag ang iba’t ibang grupo at itinuloy ang paglulunsad ng programa sa kabila ng pagbarikada ng mga pulis. Saad ni Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan, sa halip na kapwa Pilipinong inaapi ng mga mapagsamantalang dayuhan ang ipinagtatanggol ng Philippine National Police (PNP), ay ang gobyernong Amerika pa umano ang kanilang pinagsisilbihan bilang “taga-timpla ng kape nila”. Sa pahayag ni Celemente Bautista, tagapangulo ng tingnan ang TUBBATAHA REEF | p. 3
Victims’ kin of Atimonan rub-out disappointed of slow pace of justice system
contributed by Michelle Zoleta
G
UMACA, QUEZON - After a year of the murder incident, the justice system crawls like a turtle’s pace for the victims of the incident in Atimonan last year of January leaving 13 people dead including a high ranking police official, military agents, an environmentalist and an alleged gambling lord. Recently, the Department of Justice has filed a multiple
murder charges against police team leader Supt. Hansel Marantan and 12 others at the Regional Trial Court of Gumaca. According to the text messages sent by one of the relatives of Jun Lontoc, the environmentalist who died at the incident, stated that the justice system was very slow, the court hearing for the motion used to be held today (January see ATIMONAN RUB-OUT | p. 3
Activist, poet and peasant organizer Axel Pinpin is now in the Intensive Care Unit of the Lung Center of the Philippines being treated for pneumonia. For those who would like to extend financial help, contact Jamjam Pinpin at 0942.274.5591. Contributed graphics by Artists Arrest
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
Kampanya laban sa krimen, dapat na mas paigtingin pa ng Lucena City PNP
ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Bunsod ng pag-unlad ng isang bayan o lungsod, ay kasabay rin nito ang pagdami ng mga iba’t-ibang krimen na
naitatala ng mga kapulisan. Kung kaya naman iminungkahi ni Councilor Americo Lacerna sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Panglungsod noong nakaraang lunes ng
hapon. Ayon kay Konsehal Lacerna, nakakaalarma na ang mga nangyayaring krimen sa lungsod, partikular na ang snatching at pagnanakaw, na halos tumataas na ang bilang.
Suporta ng Pamahalaang Panglungsod, ipinagpasalamat ng Lucena City PNP kontribusyon ng PIO-VVM
L
UCENA CITY – Nagpahayag ng malaking pasasalamat ang himpilan ng pulisya dito sa pangunguna ni PSupt. Allen Ray Co dahil sa umano’y full support na ipinagkakaloob ng tanggapan ni Mayor Alcala. Ayon kay Col. Co, kung hindi dahil sa suporta ng lokal na pamahalaan ay malamang na baka dalawa o tatlong beses
lamang nakakapagsagawa ng pagpapatrolya ang mga kagawad ng pulisya dito. Ngayong taong 2014, ibinalita ng opisyal na mas dinagdagan ng punong lungsod ang kanilang budget sa gasolina para magamit sa mas malawakang pagpapatrolya sa apat na sulok ng lungsod. Halos dose-oras umano na nagsasagawa ngayon ng pagpapatrolya ang 8 mobile
car, 8 motorcycle at 5 hagad na umiikot hindi lamang sa kabayanan kundi maging sa mga subdibisyon sa Lucena bukod pa ang “foot patrol” na isinasagawa ng ilang personnel. Ang lahat naman umano ng mga ginagamit sa pagpapatrolya ay nasa magandang kondisyon kung kaya’t wala silang problema sa pagsasagawa nito. ADN
Isa sa inihalimbawa ni Lacerna ang nangyaring pagnanakaw sa negosyanteng si Rosalino Lo Sy alyas “Buddha” na ninakawan na at pinaslang pa noong ika23 ng Disyembre ilang kanto lamang ang layo sa himpilan ng pulisya. Bukod pa dito ang ilang nakawan rin na nagaganap sa Sisa St. bahagi ng Brgy. 5 na dalawang kanto lamang ang layo sa himpilan ng pulis at makalipas ang ilang oras ay nagkaroon uli ng katulad na insidente sa bahagi naman ng Orgas Subd. sa Brgy. GulangGulang. Ayon pa sa konsehal, sa naging pahayag ng mga naging biktima ay iisa lamang ang modus operandi at pagkakakilanlan ng mga suspek na nagsasagawa ng ganitong uri ng krimen sa lungsod.
Kung kaya naman nagmungkahi si Councilor Lacerna sa pamunuan ng Lucena City Police Office na mas maging alerto pa at paigtingin pa ang police visibility ng mga kapulisan sa lungsod upang maiwasan ang mga ganitong uri ng krimen. Samantala, nanawagan na rin ang pamunuan ng Lucena City Police, sa pamumuno ng hepe nito na si PSupt. Rae Allen Co, sa mga Lucenahin na makipag-coordinate sa kanila at maging mapagmasid ang mga ito sa kanilang kapaligiran. Sakaling aniya na may makita ang mga ito na isang krimen ay agad na ireport ito sa kanilang himpilan upang masawata kaagad ang mga suspek na ayon pa sa hepe ay karamihan sa mga ito ang dumadayo lamang sa Lucena. ADN
Ilang hospital sa 4th district, binisita; pamamahagi ng health coupon, isinabay
contributed by Quezon PIO
L
ALAWIGAN NG QUEZON Sa pagsisimula ng taon, limang bayan sa ika-apat na distrito ang napagkalooban ng medical health coupon sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Kalusugan sa programang Lingap Kalusugan para sa Quezonian sa pangunguna ni Quezon Governor David “JayJay” C. Suarez noong January 15, 2014. Personal na tinanggap ng 286 na kapitan ng mga barangay na nagmula sa mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez at Calauag ang naturang mga health coupon. Umabot sa P7,150,000 ang halaga ng health coupon ang naipagkaloob sa limang bayan kung saan ang bawat kapitan ay tumanggap ng P25,000 halaga ng medical coupon na maaaring gamitin sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan ng Quezon. Ayon kay Governor Suarez, sa mga kapitan ipinapaubaya ang mga health coupon dahil sila ang nagsisilbing tulay at katuwang para makarating ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan sa mga maliliit na mamamayan sa probinsya. Ayon pa sa gobernador na sa loob ng dalawang taon na pagpapatupad ng naturang programa ang mga kapitan ang naging dahilan kung bakit naging matagumpay ito na umabot sa mahigit 170,000 Quezonian ang natulungan ng health coupon. Sa pamamagitan aniya nito ay naibibigay agad ang tulong sa mga mamamayan na nangangailangan ng
pambili ng gamot o pambayad sa ospital sa tulong ng mga kapitan na hindi na kailangan pang magtungo sa kapitolyo. Idinagdag pa ng gobernador na para mas mapakinabangan ang health coupon ay dapat napapaganda din ang serbisyo ng mga ospital kaya naman binisita niya kasama sina Vice-Governor Sam Nantes at 4th District Board Member Rhodora Tan ang dalawang pampublikong pagamutan sa ika-apat na distrito, ang Dona Marta Memorial District Hospital sa Atimonan na malapit ng matapos at Gumaca District Hospital na kauna-unahang Multiple Drug Resistance TB sa buong lalawigan ng Quezon. Bilang katuwang naman ni Governor Suarez sa pagtataguyod ng kalusugan sa lalawigan, nagbibigay din ng tulong si Vice-Governor Sam Nantes sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung saan director ang kanyang ina ay nagkakaloob ng mga gamot sa barangay sa pamamagitan ng resolusyon na ibibigay ng mga barangay. Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapitan na tumanggap ng health coupon dahil sa pagkakaloob ng naturang programa at pagbibigay tiwala sa mga kapitan sa pagpapatupad nito ay nakakapagbigay sila ng tulong sa kanilang mga kabarangay na hindi na nila kailangang kumuha sa sariling bulsa at higit sa lahat nararamdaman ng maliliit na mamamayan sa barangay ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan ADN
SERBISYONG SUAREZ at NANTES. Personal na ipinamigay nina Gov. Jayjay Suarez at Vice-Governor Sam Nantes sa 86 na kapitan ng mga barangay na nagmula sa mga bayan ng Atimonan, Plaridel, Gumaca, Lopez at Calauag ang mga health coupon. Contributed photos
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
3
ATIMONAN RUB-OUT from p. 1 17 at 8:30 a.m.) was canceled because the judge (referring to Hon. Judge Maria Chona Pulgar-Navarro) was confined at the hospital and the next schedule is still undetermined as of press time. Lontoc’s relative, requested not to be mentioned his/her name said that no arraignment was happening after the year of incident. In that length of time, there is only one scheduled hearing both parties have attended. Last November, there is no representative from the panel of DOJ/ state prosecutor has
appeared at the court hearing, only a certain prosecutor Mesa has showed up but no authorization letter from his office. He/ she also said that only one from the four administrative charges had progressed but the resolution of the charges had been slow pace at the PNP Internal Affairs Service (IAS) and will be under for further review. Eleven of 22 policemen tagged at Atimonan rub-out including the team leader, police Supt. Marantan were being held at the PNP Custodial
Center in Camp Crame. PO2 Al-bhaza, Jailani, has reportedly gone AWOL (absence without leave), while Senior Insp. Timoteo Orig, has filed a motion for judicial determination of probable cause. According to reports, one of the 22 respondents availed his full time retirement benefits even there are pending cases. Sources said that they already asked the office of President Benigno Aquino III to expedite the resolution of the case. ADN
Binatang wanted sa kasong pagpatay, arestado
ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Kalaboso ang kinahantungan ngayon ng 19 anyos na pinaghahanap ng batas matapos na maaresto ito ng pulisya sa Lungsod ng Lucena nitong nakaraang linggo. Nakilala ang wanted person na si Jerick Habito, alyas “Bonok,” residente ng Purok Bagong Buhay, Brgy.
Ibabang Talim sa naturang lungsod. Nasakote si alyas “Bonok” nina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, SPO1 Adonis Loterte at PO3 Ariel Cartago, dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Romeo Villanueva dahil sa kasong Homicide. Kasalukuyan na naman ngayong nakaditine ang wanted na binata matapos na hindi makapaglagak ng kaulang
piyansa na nagkakahala ng P40,000 piso. Makalipas ang ilang oras ay nagpasya ng umuwi sa kanilang tahanan ang biktima kasama ang mga anak nito. Subalit bandang alas5:00 ng hapon binawian ng buhay ang naturang lola sa hindi pa malamang sanhi ng pagkamatay nito. Samantala, inahahanda na ng mga kaanak ang kaso laban sa tricycle driver. ADN
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA
0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City
MARALITANG LUCENAHIN mula sa p. 1 mga opisyal o may-ari ng mga pribadong ospital sa lungsod hinggil sa pagkikipagtulungan para sa pagbibigay serbisyo-publiko sa ating mga kababayan. Ayon sa alkalde, nakahanda ang lokal na pamahalaan na maglagak ng kaukulang pondo kada ospital para sa akomodasyon ng kanilang mga kababayang wala o limitado ang kakayanang-pinansyal. Nakatakda ding lamanin ng pagpupulong ang pagrereserba ng mga hospital beds sa mga ospital na ito upang magamit ng mga mahihirap na Lucenahing may karamdaman. Samantala, nakahanda na ang City Health Office, sa pamumuno ni OIC City Health Officer, Dra. Caridad Diamante, upang isagawa ito. Ayon kay Dra. Diamante, kanila nang ipinadala ang mga imbitasyon sa mga
nabanggit na pagamutan tulad ng St. Anne General Hospital, Mt. Carmel Diocesan Hospital, United Doctors’ Hospital at MMG Hospital. Ayon pa sa City Health Officer, kanila na lamang hinihintay ang mga responde ng mga pinadalhang tanggapan upang maireserba na ang petsa na kung saan ay isasagawa ang binanggit na pagpupulong. Inaasahang magiging maayos ang kalalabasan ng pagpupulong na ito na kung saan ay higit na makikinabang ang mga mamamayan. Samantala, patuloy pa rin naman ang Pamahalaang Panglungsod, sa pamamagitan ng City Health Office sa pagsasagawa ng mga programa’t proyekto sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat mamamayang Lucenahin. adn
TUBBATAHA REEF mula sa p. 1
Pinangunahan nina Mayor Dondon Alcala at Vice-Mayor Philip Castillo sa pakikipagtulungan ni OSCA Head Salome Dato nitong nakaraaang Hwebes at Biyernes ang pamimigay ng cash gift sa sa halos dalawang libong nakatatanda na nagselebra ng kanilang kaarawan nitong nakaraang Nobyembre at Disyembre. Dang Cabangon
Kalikasan People’s Network for the Environment, ang nangyari sa Tubbataha ay patunay na hindi pa rin nakakawala ang sambayanan mula sa 116 taong pagkatanikala sa Amerika dahil na rin sa militaristang pamamaraan. Hindi lamang ang Tubbataha Reef ang kanilang pininsala at hindi binigyan ng danyos kalaunan, aniya, kahit ang pagtatambak ng toxic waste sa Subic Naval Bay at Clark Airbase ay ni minsan hindi pinanagutan ng gobyernong Amerika. Nagpetisyon ang grupo ni Bautista sa Korte Suprema na bayaran ng gobyernong Amreika ang pinsalang idinulot ng barkong pandigma sa Tubbataha. Gayundin ang Temporary Environmental Protection Order upang mapigilan ang anumang military exercises at ang mismong pagbabasura ng
Visiting Forces Agreement (VFA). Ipinahayag naman ni Rjei Manalo, tagapagsalita ng Gabriela-Southern Tagalog ang pambubusabos ng mga tropang Kano sa rehiyon partikular sa probinsiya ng Cavite at Palawan na kung saan ay madalas gawing “palaruan” ng Balikatan Exercises. Kasunduang nakapaloob sa VFA ang pagsasanay ng mga sundalong Kano sa Armed Forces of the Philippines (AFP). “Wala hustisya hindi lamang ang kalikasan kundi maging ang kababaihan at lalo’t higit ang sambayanan dahil sa VFA,” ani Manalo. Dagdag pa niya, patunay ang U.S.S. Guardian sa papatinding presensiyang militar ng U.S. sa Asya-Pasipiko upang “ilagay sa bingit ng gera at kamatayan ang Pilipinas sa interes nitong labanan ang Tsina” ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
editoryal
adyang ang masa, ang mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruzes ang hindi masasaid na bukal ng yaman ng ating minamahal na bansang Pilipinas. Nitong nakaraang Martes, ginulantang ang bakuran ng Supreme Court of the Philippines ng mga kabataang-estudyanteng nanawagan sa pagbasura ng Korte Suprema sa “Cybercrime Prevention Act of 2012” or “Cybercrime Law.” Matatandaang noong nakaraang Oktubre dalawang taon na ang nakalilipas ay pinatunayan ng mismong batas na ito ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag o freedom of speech ng taumbayan. Labanang humantong nga sa Supreme Court kung saan naging suspendido ito hanggang sa buwan ng Pebrero ngayong taong ito. Kung matatandaan, nitong Nobyembre ng nakaraang taon ay nagpaligsahan ang mga kumpanya, manggagawa, at magsasaka ng industriya ng tabako laban sa mga adbokasiya ng kalusugan sa usapin ng Sin Tax Reform Law. Masigabong debate ang umusbong para tutulan o susugan ang panukalang batas. Ngayong buwang ito, inaasahang iigting ang usapin sa Cybercime Law. Bakit hindi ay dahil dito, pilit na tinatakpan ng tabing sa aktibong pag-iral ng demokrasya sa ating bansa. Sa sitwasyong ito, matuturol ng husto ang kahalagahan ng social media sa ating lipunan na manipestasyon ng pag-igting ng demokrasya sa Pilipinas. Nagiging madali ang pagtitipun-tipon ng mga mamamayang may alam at may pakialam sa mga nagaganap sa bansa. Nagkaroon na sila ng boses para ipaalam sa ating Kongreso ang kanilang sentimyento tungkol sa mga panukalang batas. Kung wala ang ating netizens, napakaraming batas siguro ngayon na maipapasa na lang na walang pulso ng bayan. Kasama na ang taumbayan sa paninigurado na tama, tapat at mapagkakatiwalaan ang ating mga lingkod-bayan. Sa gising, alisto at masigasig na mamamayan, tumitino ang mga halal ng bayan. Para sa demokrasya ng ating bansa, sa loob at labas man ng net, marapat lamang na maibasura na ang Cybercrime law, ngayongngayon na! ADN
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers
Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
dibuho mula sa www.manilatimes.net
S
Ibasura ang Cybercrime Law!
M
Real Property Tax sa Tayabas
akaraang maging ganap na lungsod ang Tayabas sa ilang ulit na pabago-bagong desisyon ay inakala ng marami na gaganda ang takbo ng pamumuhay rito. Inasahan ng marami na dadami at mag-uusbungan ang mga negosyo kaakibat ng pagiging isang siyudad, at s’yempre pa, magkakaro’n ng mga hanapbuhay ang mamamayan ng bagong silang na lungsod. Subalit makaraan ang sinasabing honeymoon period, ang itinakdang panahon bago makapagtaas ng pamuwisan ay walang nakitang pagbabago ang mga tagarito. Walang nagsulputang mga bagong mamumuhunan at negosyo na magbibigay ng trabaho sa mga nangangailangan at hindi kinakitaan ng pag-asenso ang lungsod. Hindi dumating ang mga inaasahang mga mamumuhunan, mga pangkomersiyong magsisilbing palatandaan na isa na ngang ganap na lungsod ang Tayabas. Mas kinakitaan ng pagsulong ang mga kalapit na bayan sa pagkakaro’n ng mga sangay ng ibat ibang bangko, sa pagkakaro’n ng mga fastfoods na tulad ng Jolibee, McDonalds, Chowking, KFC, at iba pa kahit pa mga sabihing hindi sila naging lungsod. Sa totoo lang, ang Mi Casa lang ang umaasenso. Pansinin ang patuloy na konstruksiyon ng gusali rito na sa katotohanan ay milyong piso ang halaga. At ngayon, nakaamba na ang pagtaas ng amilyar, mahigit sa sampung doble ang buwis na sisingilin sa mga may-ari ng real properties. Bagay na pinangangambahan sapagkat hindi naman sapat ang kinikita ng nakararami upang maisabalikat ang halaga ng bayarin sa buwis. Ang dalangin ng marami, sana ay nabigyan sila ng pagkakataong magkaro’n ng mga karagdagang kita upang maisabalikat ang mga bayarin. Lungsod nga tayong tinatawag ngayon subalit walang palatandaan ng pagsulong.
I
For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.
ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso
Malaking ‘di hamak ang tatanggaping biyaya ng lungsod mula sa National Government bilang bahagi ng tinatawag na Internal Revenue Allotment (IRA). Subalit kung sa halip na sa pangkabuhayan ng mga mamamayan ito ilalagay ay gagastusin ito sa mga walang kapakinabangang proyektong tulad ng Aguyod Festival, TaiChinoy at iba pa ay totoong nakapanghihinayang. Walang makapagsasabi kung ano ang ating napakinabangan sa naturang proyekto, ni hindi ito nakaakit ng mga turista, lokal man o internasyunal sa kabila ng milyong pisong halaga ng inilaang pera rito. Sa ngayon, gustuhin man natin o hindi, makakapanaig ang pagsusulong ng bagong pinataas na pamuwisan sapagkat sa ayaw natin o gusto ay mananaig ito. Kailangan ng lungsod ang dagdag na kita lalo na nga kung may intensiyon itong mangutang upang masuportahan ang mga proyektong isusulong ng mga namumuno. Utang na babayaran ng lahat ng mga mamamayan kahit pa nga tapos na sa kanilang panunungkulan ang mga opisyal ng lungsod na may kagustuhang mangutang. Kelangan ang maraming proyekto upang tuloy-tuloy ang SOP, tulad ng malaking commercial building na nakatakdang ipatayo sa harap ng Pamilihang Bayan. Alam ng bayan at ng mamamayan ito subalit nakalulungkot sapagkat sila ay nanatiling bulag, pipi at bingi. ADN
Hari ng Rice Smuggler Syndicate, Inaresto ng NBI!
naresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Hari ng Rice Smuggler Syndicate na si Davidson Tan (alyas David Bangayan) at iniharap kay Sec. Leila De Lima. Pero sino ba talaga ang tunay na smuggler? Si Tan ba o si Bangayan? Ayon sa ating nakalap na impormasyon, script lang daw ito ni De Lima at ni Tan at sa abogadong pulpol na si Atty. Argee Guevarra para mapasama at masira ang pangalan ni DA Sec. Proseso Alcala. Ayon naman kay Davao Mayor Rodrigo Duterte na nagbanta na papatayin niya ang sino mang rice smuggler sa kanyang siyudad. O! Edi maliwanag na ‘yang si Bangayan at Tan ay iisa, ‘di po ba, mga Mare at Pare ko? Isa pa, bakit naman isinasabit pa ninyo sa DA Sec. Alcala ay sinasabi ninyong ‘yang si Tan ay Kingpin ng rice smugglers. O,
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
tirador
Ni Raffy Sarnate c’mon naman! Maliwanag na may amoy ‘yang script ninyo! Sus! Kayo naman, pinapaikot-ikot pa ninyo ang taumbayan; e, buking na buking na kayo! Malayo pa ang Presidential Election! ‘Wag muna kayong magpatingnan ang TIRADOR | p. 5
ANG DIARYO NATIN
A
enero 20 - enero 26, 2014
Cashless purchase card program
ng kalulunsad pa lamang na Cashless Purchase Card Program ng administrasyon ang susugpo sa umano ay hindi tamang paggamit ng mga pondo ng pamahalaaan, sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino. “Ang pakay natin ay totohanang mga reporma ang mailatag upang mahirapan ang mga tusong tao na makapagnakaw sa taong bayan sino man ang nakaluklok sa puwesto. Para magtagumpay tayo sa layuning masugpo ang anumang katiwalian, ang ating gagamitin ay ang cashless transactions, wika ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa talumpatisa Good Government Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center, CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay. Pinangunahan ng Pangulong Aquino ang ceremonial turnover ng Cashless Purchase Card sa tatlong araw na summit na ang paksang diwa ay “Good Governance Through Open Government and Sustainable Procurement.” Magkatuwang sa pagpapatupad ng programang ito ang administrasyong Aquino at ang Citibank na magiging daan upang ang mga ahensiya ng pamahalaan ay makagawa ng transaksyong pinansiyal sa pamamagitan ng paggamit ng electronic means, sa halip ng salapi o nga tseke. “Alinsunod sa ginawang pag-aaral kamakailan, natukoy na ang isa sa mga malaking panganib sa pananalapi ay ang nananatiling malaking halaga ng cash advances sa mga ahensiya. Ang panganib sa paraang ito ay maliwanag: malaking halaga ang
mula sa pia
Edisyon Ni Lito Giron hawak sa mga opisina na malamang makatukso sa pinakamatapat mang kawani — huwag nang banggitin pa sa mga talagang handang magsamantala sa ganitong kalagayan,” paliwanag ng Pangulong Aquino. “Kaya naman angkop lamang na sa pagdiriwang natin ng ika-10 taong anibersaryo ng Procurement Reform Act ay simulan natin ang isang paraang babago sa government procurement sa pamamagitan ng Cashless Purchase Card o CPC Program. Bibigyan ang mga ahensiya ng pamahalaan ng Cashless Purchase Cards na pambayad sa maliliit na halaga ng tatakdaang bilang at uri ng mga bagay at serbisyo,” dugtong pa ng Pangulo. Ang seremonyang ito ang naghudyat ng paglulunsad ng pilot phase ng sistemang Cashless Purchase Card na ang unang magpapatupad ay ang tatlong ahensiya ng pamahalaan: Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM), ang Kagawaqran ng Tanggulang Bansa (DND) at ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).
5
“Hindi naman ang ibig sabihin nito ay cashless society (walang pera) na tayo. Siyamnapu’t walong porsiyento ng tingiang transaksiyon pananalapi sa ating bansa ay mananatiling babayaran ng cash o pera. Ang pamahalaan lamang ang mangunguna sa larangang ito dahil 54 porsiyento ng mga transaksyong pinansiyal ay ginagawa na sa pamamagitan ng cashless system. At para sa tamang pamamahalang matapat at mabisang paraan kaya namin ito puspusang ipinatutupad,”dugtong pa ng Pangulo. Binigyang diin ng Pangulong Aquino na ang cashless card na ito ay kahalintulad ng karaniwang ginagamit ngayon na credit cards, subali’t daragdagan lamang ang paghihigpit upang matugunan ang pangangailangan ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng Cashless Purchase Cards at iba pang kahalintulad na reporma, sinabi ng Pangulo na lahat ng transaksiyong pinansiyal ng pamahalaan ay dapat nang 100 porsiyentong checkless (wala nang babayaran sa pamamagitan ng tseke) at 80 porsiyento nang cashless bago magtapos ang kasalukuyang taon. “Sa pamamagitan ng cashless purchase cards na ito, mabibili nila agad ang mga materyales na kailangan at ang pagtutuos sa transaksiyon ay awtomatikong magagawa. Ang kahinahinalang paggamit ng card na ito ay madaling matutukoy. Higit sa lahat, ang paraang ito ay magbibigay sa atin ng pagkakataong makuha at maipon ang tamang data na ang ibubunga ay tunay na kapakipakinabang,” pahayag pa ng Pangulong Aquino. ADN
Sa Loob, Sa Pagitan, Sa Labas
Rebyu ng Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali, Isang Imbestigasyon (Jun Cruz Reyes, 2011)
B
ukod sa ilang segundong paghinto dahil kinailangan ko munang paulit-ulit na i-test ang sarili kong bokabularyo at sumangguni na sa birtwal na espasyo kung may iba pa nga bang baybay ang salitang autobiography dahil sa pagkakaro’n nito ng dal’wang letrang H sa pamagat ng aklat sa pabalat nito, marahil ay binulabog din ni Amang (tawag sa premyadong awtor na si Jun Cruz Reyes, na inaantabayan na ring maging National Artist, ng mga naging workshopper n’ya) ang mundo ng Panitikan dahil sa pagpapakilala n’ya ng bagong porma ng nobela. May Nobela SA LOOB ng “Nobela” Nagsilbing pambungad at sentro nitong “nobela” ni Amang ang binabalak n’yang gawing nobela (at documentary film na rin) na pinamagatang Ang Huling Dalagang Bukid. Dito ay isa sa ‘pinakilala ang karakter ni Linda bilang pinakahuling dalagang umalis sa baryo ng Wakas upang magsilbing entertainer sa Japan at takasan ang hirap ng buhay sa kanilang baryo na unti-unti nang nagiging abandonado ang mga sakahan dahil halos wala nang interes sa pagsasaka ang mga taong naroon. Kung tutuusin, wala namang problema sa proyektong ito ni Amang dahil naiwan n’ya lang naman ang manuskrito nito sa bahay n’ya sa Hagonoy, Bulacan kung saan do’n din s’ya sana mag-iinterbyu ng mga tao para buhayin ang mga karakter sa nobela. Pero dulot ng banta sa kanyang buhay mula sa hindi matukoy na mga nilalang at sa hindi malinaw na dahilan, hindi s’ya makauwi ro’n. Dito ay madulas na eentrada ang kanyang
K M
omento? uwestyon? ontribusyon? ag-text sa 09984117282 ag-email sa michaelalegre.i.ph@gmail.com amboso sa www.arkibero.wordpress.com
kritika[l]
Ni Michael C. Alegre talambuhay na eksaherado n’yang tinawag na Authobiography na Mali. Kung pamilyar kayo sa ilang detalye ng personal na buhay ni Amang na kilala sa pagsusulat ng mga kuwentong pumapaksa sa masa at humuhubog sa tinatawag na kamalayang panlipunan o social consciousness, mahihiwatigang nangyari nga sa tunay na buhay ang ilan sa mga bahagi ng “nobela.” Matatandaan kasi na minsan na ring nag-online post si Amang ng sworn affidavit tungkol sa mga hindi kilalang tao at sundalo na aalialigid sa kanyang bahay sa Hagonoy. May Koneksyon SA PAGITAN ng Piksyon at HindiPiksyon Sabi nga, hindi magiging matagumpay ang isang piksyunista kung hindi s’ya magiging realistiko sa paglalahad ng kuwento. Sa kaso ng nobela, nagpabalik-balik man ang paglangoy ng kuwento sa piksyon at hindi piksyon, hindi ‘to naging sagabal sa pangkabuuang istraktura ng “nobela.” Mapatutunayan tuloy na napagtagumpayan ng awtor ang bago n’yang eksperimento bilang kilala naman s’ya sa pagbali ng mga tradisyon at batas ng pagsusulat.
Sa kabilang banda, nailahad din sa “nobela” ang iba’t ibang isyung sumasalamin sa buhay ng isang manunulat. Isa sa pinakamatingkad ay ang ‘pinahihiwatig ng isa sa mga talatang mababasa sa huling kabanata ng “nobela”: “Anong itatawag ko sa iyo? Saan kita ikakategorya? Sa mga pamantayang hindi naman natin ginawa pero ginagamit sa atin? Paano ko iyon ipapaliwanag sa iyo?… Walang paliwanag, anak. Wala lang. Sapagkat ang panulat ay isang gawaing subersibo, lagi nitong binibigyan ng kahulugan ang kalakaran at binubuko ang sikreto ng kapangyarihan.” May Bago SA LABAS ng Dogmatikong Pagsusulat Nag-aalok ng bago ang aklat na ‘to na nabingwit ang Gintong Aklat Award ng National Book Development Board no’ng Setyembre 2012 (ika-apat nang award nitong nobela habang ‘sinusulat ang rebyung ‘to) kaya hinding-hindi dapat isnabin. Kung gusto n’yong magkaroon ng kabuluhan ang mga binabasa n’yong nobela gaya ng mga kinahuhumalingan n’yong romance pocketbooks at fantasy and Bob Ong books, mahalagang basahin n’yo rin muna ang mga nobela ni Amang na tinatayang may 1.8 milyong hits na, ayon sa www.librarything. com. ADN
TIRADOR mula sa p. 4 pogi! Grabe kayo! Atat na atat kayo sa panunungkulan puro kurakot naman kayo! Tulad ngayon, may lumabas na namang panibagong isyu kay Sec. Alcala na naglabasan sa dyaryong tabloid na diumano ay si Alcala raw ay nasa Quezon Mafia, utak diumano ng rice ng Rice Cartel. Tahasang sinabi naman ni Sec. Alcala na kung meron daw milagro sa rice smuggling sa bansa; edi, idemanda raw s’ya! Idinagdag pa ni Alcala na na hinahamon n’ya si Guevarra kung ano ang Mafia, kawawa naman daw ang kanyang mga kababayan sa Quezon.
*** OPISINA NI VICE GOV. NANTES, IPINADLOCK DAW! Bakit naman daw ipinadlock ni Vice Gov. Nantes ang kanyang opisina? Ano raw ang dahilan? Ay alam na kung bakit ipinadlock. Alam ninyo mga suki, kung tagasubaybay kayo, siguro ipinadlock ‘yan ni Vice Gov na aking kinakapatid ay siguro nagsasawa na diyan sa Monday Group na Suki ng kanyangyang namayapang Ama na si Late Gov. Raffy Nantes. Kasi nasanay na ‘yang mga ‘yan na tuwing Lunes ay sahod nang sahod kay Ninong Nantes. Ang akala yata n‘yang
Monday Group ay ganoon din ang style n’ya, tulad ng yumao niyang Ama. Aba! May kasabihang pagkatabataba man daw ng kalabaw ay namamayat din ‘yan ‘pag ginatasan mo nang ginatasan. Wala namang ganyanan! Pambihira naman kayo! Aba! S’yempre nagtitipid din ‘yong bata dahil nalalapit na naman ang Election sa 2016 Presidential Elections. Ay, ‘wag naman ninyong gatasan nang gatasan yong tao! Grabe kayo! ‘Di ‘yan katulad no’ng Ama na galante! Kuripot ‘yan! Ano? Edi nakakuha kayo ng katapat! ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
LEGAL & JUDICIAL NOTICES REPUBLIC OF THE PHILIPPINES FOURTH JUDICIAL REGION REGIONAL TRIAL COURT GUMACA, QUEZON OFFICE OF THE EXECUTIVE JUDGE IN RE: APPLICATION FOR RENEWAL OF COMMISSION AS NOTARY PUBLIC. ATTY. FERNANDO M. PACLIBON JR., Petitioner, X------------------------------X NOTICE OF HEARING Notice is hereby given that a summary hearing
on the petition for application for renewal of notarial commission of Atty. Fernando M. Paclibon Jr. shall be held on FEBRUARY 3, 2014 at 8:30 o’clock in the morning. Any person who has any cause or reason to object to the grant of the petition may file a verified written opposition thereto, received by the undersigned before the date of the summary hearing.
Ground breaking ng bagong itatayong STI College Building, isinagawa ni Ronald Lim
L
UCENA CITY Isinagawa kamakailan ang ground breaking
ceremony ng itatayong bagong gusali ng System Technology Institute o STI sa bahagi ng Quezon Avenue cor. Perez St. sa lungsod ng Lucena.
Naging panauhing pandangal sa naturang aktibidad sina Mayor Roderick “Dondon” Alcala, Provincial Administrator Romel
GUMACA, QUEZON, JANUARY 6, 2014. (Sgd) HON. MARIA CHONA E. PULGARNAVARRO Executive-Judge
3 held in Tayabas bookie raid contributed by Gemi Formaran
T
AYABAS CITY - As part of the stepped up campaign launched by the Quezon Police Provincial Office against all forms of illegal gambling activities, the city’s police force arrested three persons engaged in bookie operation in Bgy. Opias on Monday. Newly-installed police Dir. Supt. Giovanni Caliao identified the suspects as Librado Luyahan, 46, his wife Maria, 46, and Michael, 20. Caliao said the suspects were checking consolidated tally sheets inside their house when police operatives and some barangay officials, arrived at 8:30 p.m. He said the raid yielded 25 Small Town Lottery (STL) forms, bet money amounting to P5,451, two electronic calculators, a STL ID, a small stapler, a shoulder
Supt. Giovanni Caliao
bag and other gambling paraphernalia. During verification, Michael turned out to be a legitimate employee of Pirouette Corporation that runs STL outlet in the province. Caliao, however, said Michael remits only a small portion of his collections to Pirouette but the rest, along with that of his parents, go to the bookie operator in the village. “Michael and his parents have been using the name of Pirouette in their illegal activity. This ruins the collection of the corporation in the village,” said Caliao. He said they learned from the local management of Pirouette that Michael had been suspended once last year for committing similar offense. The suspects were charged with illegal gambling and detained at the Tayabas City lockedup jail. ADN
NEW STI BLDG. Pinangunahan nina Mayor Dondon Alcala at STI President and CEO Atty. Monico Jacob ang isinagawang ground breaking ceremony ng bagong gusaling itatayo ng naturang institusyon sa bahagi ng Quezon Avenue cor. Perez St. kasama rin sa larawan sina Vice Mayor Philip Castillo at Provincial Administrator Romel Edaño. Ronald Lim
Edaño, Vice Mayor Phillip Castillo, at Executive Assistant I Arnel Avila. Ayon sa presidente at CEO ng STI na si Atty. Monico Jacob, kanilang ifinull blast ang STI sa Lucena dahilan sa isang magandang lungsod ang Lucena para pagtuyuan ng nasabing paaralan. Matagal na rin aniya silang nagtitiwala sa local government ng Lucena kung kaya naman ay napili nilang itayo ang bagong building na ito sa nasabing lugar. Inaasahan rin nila na sa pagtatayo ng bagong gusaling ito ang mataas na bilang ng mga estudyanteng mag-aaral sa STI. Pinasalamatan naman ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang lahat ng bumubuo ng nabanggit na institusyon dahilan sa pagtatayo ng isang magandang institusyon sa lungsod ng Lucena. Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, tutulong ang kaniyang administrasyon sa pamunuaan ng STI at personal ring inalok nito ang kaniyang serbisyo hinggil sa pagkuha ng mga permit upang maitayo ang bagong gusaling ito ng STI. ADN
Sa isyung nagso-“solicit” siya
Kapitan Melo Robles ng Isabang, nanawagan hinggil sa paggamit ng kanyang pangalan ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA - Dahil sa sobrang pagkabahala, nanawagan si Brgy. Isabang Chairman Armelito Robles sa mga mamamayan ng lungsod ng Lucena lalo na sa mga may-ari ng isang negosyo hinggil sa mga taong gumagamit ng kaniyang pangalan sa pagso-solicit. Ayon kay Kapitan Robles, ginagamit ng mga di-pa matukoy ang telepono at tumatawag ang mga sa mga malalaking establisyemento at humihingi umano ng solicit. Ilan sa mga establisyementong tinukoy ni Robles ay ang Lanbank, JNJ Oil Company at maging sa
Quezon National High School at marami pang iba. Ayon pa sa kapitan, sinasabi ng mga tumatawag na ito na ang makukuhang solicit ay gagamitin sa mga sports program at sa jamboree ng mga bata sa paaralan ng Isabang na kung saan ang hinihingi ng mga ito ay halagang limang libong piso pataas. Nagpasalamat naman si Charirman Robles sa ilang mga establisyento na tinawagan ng mga dipa nakikilalang suspek at kinumpirma muna sa kaniya ang bagay na ito bago pa makapagbigay ng pera. Makailang ulit na aniya na ginagawa ito ng mga suspek at maging noong nakaupo siyang kapitan ng taong 2002 at ngayong nahalal siya
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
muli bilang kapitan ay at nagsolicit ay muling nagsasagawa ipagbigay-alam sa ang mga ito ng naturang kaniyang tanggapan modus. at umpirmahin ang Hinihinala naman solicitation na ito at ni Chairman Robles na upang hindi na mabiktima ang mga ito ay kalaban pa ang mga ito. ADN niya sa pulitika at nais lamang na sirain ang k a n i y a n g magandang reputasyon lalo na sa mga negosyante sa barangay Isabang at sa residente dito. Sa huli ay nanawagan si Kapitan Melo Robles sa mga Lucenahin, particular na ang mga negosyante sa lungsod, na sakaling may tumawag sa kanila Chairman Armelito Robles
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
7
CEFI’s President is the new Nat’l Chairman of PACUCOA
contributed by G. Bunga
L
UCENA CITY The Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation (PACUCOA)
has just recently named Dr. Jaime M. Buzar as the new National Chairman, succeeding Dr. Rosita Navarro, former president of Centro Escolar University. Dr. Buzar is a
respected figure in the field of Philippine higher education. Graduated with AB, BSE and BEED degrees, he took his MA and Ph.D at the University of the Philippines-Diliman.
He holds a certificate in Management of Lifelong Education from Harvard Graduate School of Education, and a certificate in the International Law of Human Rights obtained at the Institute Internationale Des Droit de Le Homme of the University of Strasbourg, France. He is known
nationwide as the former president of the University of Cordilleras in Baguio City, the CHED Chairman of the Technical Panel for ETEEAP, and the President of Calayan Educational Foundation, Inc. (CEFI) in Lucena City. PACUCOA is an accrediting agency which recognizes the academic
programs of private educational institutions in the country, making sure that they maintain excellent standards in their educational operations. Out of around 1,800 Higher Education Institutions in the Philippines, only 283 are PACUCOA-accredited. ADN
Paglaki ng sunog sa bahagi ng PNR Compound, binigyang paliwanag
ni Ronald Lim
L Dr. Jaime M. Buzar
UCENA CITY Binigyang paliwanag ni FSI Joel Reyes, ang hepe ng BFP-Lucena, ang nangyaring paglaki
ng sunog sa bahagi ng PNR Compound sa Brgy. Cotta noong nakaraang buwan ng Disyembre. Ayon kay Capt. Reyes sa isang panayam , sabay-sabay na nawalan ng tubig ang mga truck ng bumbero dahilan sa pagnanais na maapula agad ang sunog. At sa pagkawala ng tubig ng mga truck ay kinakailangan nilang muling lagyan ang mga ito, ngunit habang nilalagyan ng tubig ang mga truck ay muling sumiklab ang apoy sa lugar. Ito aniya ay dahilan sa natitirang mga baga sa pinagsunugan na hindi agad naapula at dahil na rin sa malakas na hangin dito.
S
Paliwanag naman ni Reyes na ang mga bagang ito ay dahilan sa init na idinulot ng sunog taliwas sa mga kumakalat na isyu na nahuli sa pagresponde ang mga bumbero. Pinabulaanan rin ng opisyal ng BFP-Lucena na walang laman ang mga truck ng bumbero bago pa ang mga ito tumungo sa lugar na katapat lamang ng kanilang himpilan. Ayon pa kay FSI Reyes hindi kailanaman nawawalan ng tubig ang mga truck ng bumbero bago pa rumosponde ang mga ito dahil aniya ay lagi nilang itong chinecheck at pagkatapos na rumesponde.. ADN
ANNOUNCEMENT:
a darating na January 28, 2014 ay gaganapin ang Provincial Environmental Law Enforcement Summit in Quezon sa Batis Aramin Resort, Lucban, Quezon. Layunin nito na makapagbuo ng plano ang mga stakeholders ukol sa pagpapatupad sa mga batas pangkalikasan at pag usapan ang climate change at ang relasyon nito sa disaster preparedness ng mga lokal na komunidad. Imbitado ang mga Quezon Mayors, MAOs, MENROs, MFARMC Chairs, Department Heads ng Provincial Government of Quezon, BFAR – Regional and Provincial Fisheries Office, DENR-CENRO, Chief of Police, PNP Commander for Public Safety Command, PO and NGO Leaders, Student Councils from the School of Criminology, Philippine Navy, Philippine Coastguard, Philippine Maritime, CIDG at iba pa. Ang gawain ay sa pangunguna ng Provincial Government of Quezon, Quezon Police Provincial Office, DILG, BFAR, DENR at SLSU sa kooperasyon ng US Agency for International Development (USAID), Tanggol Kalikasan at US Department of Interior – ITAP. Sa karagdagang impormasyon maaring makipag ugnayan sa opisina ng Tanggol Kalikasan sa numero (042) 7107653 at hanapin si Doris Amandy.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
ANG DIARYO NATIN
enero 20 - enero 26, 2014
IARYO NATIN D
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
ADN Taon 12, Blg. 513
Enero 20 - Enero 26, 2014
Experimental traffic scheme sa Dupay, dapat suportahan ng lahat ng transport sector –Kgd. Nilo Sadia ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA - Sa kagustuhang makatulong sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa lungsod ng Lucena, nagsagawa ang pamunuan ng Brgy. Ibabang Dupay, sa pangunguna ni Chairman Jacinto “Boy” Jaca, ng kanilang experimental traffic scheme. Sa isinagawang public hearing kamalawa ng umaga sa bulawagan ng Brgy. Ibabang Dupay, isinaad dito nina Kagawad Nilo Sadia, at Enrico Jaca ang kanilang resoluyon sa Sanguniang Barangay hinggil sa pagsasagawa ng nasabing proyekto. Dinaluhan ang naturang pagpupulong ng mga kinatawan mula sa pamahalaang panglungsod sa pamamagitan nina Executive Assistant I Arnel Avila at OIC-City Engineer Rhodencio Tolentino, Lucena PNP na kinatawan ni Police
Senior Inspector Jun Balilo, SM City-Lucena sa pamamagitan naman ni CS Manager Ramon Domingo, mga pangulo ng TODA , pangulo ng mga jeepney operators at drivers at marami pang iba. Sa paliwanag ni Kagawad Sadia, maraming parte sa kanilang barangay ang nagkakaroon ng pagbigat ng daloy ng trapiko, partikular na sa bahagi ng MMG Hospital at SM City-Lucena mall, dahilan sa walang disiplina ng ilang mga driver ng jeep at tricycle. Isa sa tinukoy ng kagawad na kawalang disiplina ng ilang mga driver ay ang pagsasakay at pagbaba ng kanilang pasahero na ayon pa sa kanya ay sa mismong kalsada na isanasagawa ng mga ito. Bukod pa dito ang pagteterminal ng mga tricycle sa mga kanto ng nasabing lugar na kung saan ay ditto na rin ang mga ito nagsasakay at nagbababa ng pasahero na
nagiging sanhi ng trapiko dahilan sa hindi makapasok o makalusot ang kasunod nitong sasakyan. Kung kaya’t iminungkahi nito sa mga presidente ng mga TODA na i-atras ang kanilang mga terminal na nasa kanto ng kalsada upang sakaling magbaba at magsakay ang mga ito ay maari pang makapasok ang iba pang sasakyan. Gayundin sa mga jeepney drivers na magsakay at magbaba bago dumating sa kanto ng kalsada upang hindi imaging sagabal ang mga ito sa iba pang motorista. Umaasa rin si Sadia, at ang Sanguniang barangay ng Ibabang Dupay, Lucena, lalo na si kapitan Boy Jaca, sa kooperasyon ng presidente at mga miyembro ng lahat ng transport sector na dumadaan sa kanilang barangay upang malutas na ang matagal ng problema ng trapiko sa kanilang lugar. ADN
Karapatan, Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) and other human rights and peace advocates gathered in front of the Muntinlupa RTC during Eduardo Sarmiento’s hearing to call for the release of Sarmiento and the other 12 detained NDFP peace consultants. Free Eduardo Sarmiento, Free All Political Prisoners! Contributed by Karapatan-Quezon
Maligayang pagdiriwang ng ika-13 Anibersaryo sa
Ang DIARYO NATIN sa Quezon
Sandigan ay katotohan, walang kinatatakutan!
mula kay
MAYOR DONDON ALCALA Subok na!
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE