JUSTICE FOR RUBIE GARCIA! Nagsagawa ng Indignation Rally sa Imus, Cavite ang mga grupo ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) - Quezon at Batangas Chapters, kasama ng CAMPO, ALAM at iba pang mga media organizations sa harapan ng Cavite Police Provincial Office sa Camp Gen. Pantaleon Garcia, Imus, Cavite upang kundenahin ang pagpatay kay Rubie Garcia, isang betaranang mamamahayag ng na naka-base sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna. Mga larawan mula kay Ylou Dagos
ANG Abril 14 – Abril 20, 2014
IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 525
Quezon brave cops foil rebel attack contributed by Gemi Formaran
L
UCBAN, QUEZON - As a way of showing that they are still “kicking”, the communist guerillas on Sunday harassed and tried to overrun a police detachment at Bgy. Kilib, here, but failed, according to a police official. Supt. Ranser Evasco, commander of the Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC) said a group of fully- armed New People’s Army rebels, numbering around 30, opened fire at the
policemen manning the back portion of Kilib Manuever Team under the 1st Manuever Platoon at 5:30 a.m. Evasco said two policemen who were preparing breakfast for the group were nearly hit by bullets during the first round of gun fire. He said the duo along with other duty policemen quickly took cover at their respective fox holes and traded bullets with the rebels who were positioned behind coconut trees in an open field some 20 meters away, while the sniperduty guard at the tower quickly
Dump truck vs. Jam Liner bus
fired his M14 rifle hitting some of the rebels. Upon learning that the policemen have been prepared, Evasco said the rebels were forced to withdraw toward the mountainous area of Bgy. Pulang Palay along with some of their wounded comrades after almost ten minutes of gun battle. They were being pursued responding by troops and policemen belonging to 85th Infantry Battalion and QPPSC, respectively. see BRAVE COPS | p. 3
Tatlo ang patay, 24 ang sugatan T ni Johnny Glorioso, dagdag na ulat ni Raffy Sarnate
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Mga event sa Pasayahan, hindi dapat palampasin -Chairman Archie Ilagan ni Ronald Lim
L
UCENA CITY - Ngayong nalalapit na ang araw ng kapistahan ng Lucena, na kung saan ipinagdiriwang rin dito ang tinatawag na “Pasayahan sa Lucena”, mas lalong hindi dapat na palampasin ng mga mamamayan ng lungsod at maging ng mga
lokal at dayuhang turista ang nasabing aktibidad. Ito ang inihayag ng Chairman ng Pasayahan na si Archie Ilagan sa ginanap na press presentation ng mga kalahok sa Gandang Lola at ng G. at Bb. Pasayahan kamakailan sa Event Center ng Pacific Mall. tingnan ang PASAYAHAN | p. 3
YUPIT. Tatlo ang patay samantalang 24 naman ang sugatan sa banggaan ng Jam Liner bus at isang dump truck sa kahabaan ng Maharlika highway sa bahagi ng Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon. Raffy Sarnate
IAONG, QUEZON - Tatlo ang kumpirmadong nasawi at dalawampu’t-apat (24) naman ang malubhang nasugatan nang banggain ng isang dump truck ang Jam Liner Bus habang nagtatangkang mag-overtake sa
isang motorsiklo nitong nakaraang linggo sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon. Ayon sa ulat ni PSupt. Laudemer Naynes Llaneta, ng Tiaong Police Station, naganap tingnan ang DUMP TRUCK VS. JAM LINER BUS | p. 3
Electricity Shortage
Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4 THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
QPPO, nagbigay ng ilang tips para maging ligtas ngayong darating na Semana Santa ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Semana Santa, nagbigay ang Quezon Police Provincial Office, sa pamumuno ni PSSupt. Ronaldo Ylagan, ng ilang mga tips upang maging ligtas sa nasabing okasyon. Una ng inihayag ni PD Ylagan na kaniya ng inilunsad ang Oplan SUMVAC na siyang aalalay sa mga motorista na bibiyahe at uuwi sa kanilang mga bayan bilang paggunita ng Mahal na Araw. Inilagay na rin ni Ylagan ang lahat ng kapulisan sa full alert status upang ma-secure ang mga pantalan, terminal, simbahan, malls, tourist spots at ilan pang mga lugar na maaring pangyarihan ng mga krimen. At dahil din dito, nanawagan ang provincial director na siguruhing nakasecure ang kanilang mga tahanan sakaling mawawala o aalis ang mga ito para sa mahabang bakasyon. Narito naman ang ilang mga tips na inilahad ng QPPO para sa kaligtasan
ninyo habang ginugunita ang Semana Santa:
Maging alerto sa kapaligiran kapag naglalakad sa kalsada, nasa loob ng opisina, mall, nagmamaneho o kaya naman ay naghihintay ng bus o jeep. Magpadala ng text message sa kaibigan o kaanak kung nasaang lugar kayo habang nagbibiyahe Kilalanin ang inyong mga kapit-bahay at alamin ang lugar ng istasyon ng pulis, bumbero, ospital at alamin ang numero ng mga ito. Kapag naman naglalakad sa kalsada, iwasan ang mga shortcut na daan lalo na ang madidilim na lugar. Huwag magpakita ng malalaking halaga ng pera at iwasan rin na magsuot ng mga mamahaling alahas. Ilagay ang pitaka sa harapang bulsa ng inyong pantalon sa halip na sa likuran upang maiwasan ang mga mandurukot Sakaling may sumusunod sa inyo, mag-iba ng direksyon na tinatahak at magtungo sa mataong lugar at kung natatakot na ay huwag mag-
Sariling lupa’t bahay para sa PISTOL members, nalalapit na kontribusyon ng PIO Lucena/ R.Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Matapos ang matagal na paghihintay, magkakaroon na rin ng katuparan ang pagnanais ng ilang miyembro ng Pinagisang Samahan ng Tsuper at Operator ng Lucena (PISTOL) na magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ito ay dahilan sa naging inisyatiba ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na mabigyan ng nararapat na ayuda ang sector ng transportasyon sa lungsod, partikular sa grupo ng PISTOL na pinamumunuan ni G. Freddie Bravo. Naumpisahan na ang naturang programa sa pamamagitan ng pagdalo ng mga miyembro ng nabanggit na samahan sa isinagawang seminar sa opisina ng Home Mutual Development Fund o mas kilala sa tawag na PAG-IBIG kamakalawa ng hapon, na kung saan ay naipaalam sa mga ito ang
mga kinakailangan nilang gawin upang lahat ay maging miyembro ng PAGIBIG at ang nakapaloob na mga benepisyo sa pagiging miyembro nito. Ang ginawang aktibidad na ito ay ang unang hakbang lamang upang maisakatuparan ang matagal nang minimithi ng bawat miyembro na programang pabahay na kung saan ay buo ang naging pagsuport ni Mayor Dondon Alcala hanggang sa makamit ito ng mga kasapi ng PISTOL at sa kinalaunan ay pati ang mga miyembro ng bawat JODA sa lungsod. Isa lamang ang grupong PISTOL at maging ang mga magtritricycle at ang mga magpepedicab sa mga tinututukan ng pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Mayor Alcala, upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat maliliit na mamamayan ng lungsod ng Lucena. ADN
alinlangang sumigaw. Kapag naman nasa isang pampasaherong bus o jeep, iwasang makatulog at maging alerto sa paligid. Kapag mayroong nangharass sa inyo, huwag
mahiyang sumigaw at humingi ng tulong sa iba Sakaling may magtangkang magnakaw o mangholdap sa inyo, ibigay na lamang ang inyong gamit at huwag nang magtangkang
lumaban pa baka buhay pa ang maging kapalit nito At agad na i-report sa pulisya ang nangyari o nakitang krimen at i-describe ng mabuti ang criminal sa mga awtoridad.. ADN
ANIHAN NA NG PAKWAN! Tag-araw na naman kaya usong-uso na naman ang mga pakwan. Inaanyayahan ang mga kababayan nating gustong mamili ng pakyawan o tingian, o kahit kayo pa ang personal na mamitas ng pakwan sa Brgy. Ibabang Bagumbungan, Pagbilao, Quezon. Call or text 09996935195.
Congressman Kulit Alcala, dumalo sa Graduation Rites ng DLL ni Ronald Lim LUNGSOD NG LUCENA Dumalo sa kauna-unahang pagkakataon sa isinagawang graduation rites ng mga estudyante ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena o DLL si 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala. Kasama ni Congressman Kulit Alcala si Mayor Roderick “Dondon” Alcala bilang panauhing pandangal sa naturang aktibidad. Sa naging pagsasalita ni Congressman Alcala, binati nito ang mga nagsipagtapos
at nagpasalamat ito dahilan sa kauna-unahang pagkakaton ay nakadalo siya sa graduation rites ng naturang eskwelahan. Sinabi rin ng kongresista na napakswerte ng mga nagsipagtapos dahilan sa ito rin ang kauna-unahang pagdalo ni Mayor Dondon Alcala sa naturang programa kung kaya natutuwa aniya silang magtiyo sa pagpapaunlak sa kanila na makadalo dito. Napakapalad rin aniya ng mga gra-graduate sa DLL dahilan sa naging libre ang lahat ng gastusin ng mga ito sa kanilang pag-aaral at maging
sa kanilang pagtatapos, maliban na lamang sa binayarang toga, at ito ay dahil na rin sa inisyatiba ni Mayor Alcala at ng lahat ng bumubuo ng Sanguniaang Panlungsod ng Lucena. Umaasa rin si Congressman Kulit Alcala na sa pagdating ng panahon ay lalo pang pagbubutihin ng mga namumuno sa Lucena upang mas mapaganda pa ang Dalubhasaang Lungsod ng Lucena para sa mas malawak at mas marami pa ang mapaglilingkuran ng paraalang nabanggit. ADN
Binatilyo patay matapos malunod sa ilog ni Ronald Lim
C
ANDELARIA, QUEZON - Patay na nang dalhin sa pagamutan ang isang binatilyo matapos na malunod ito sa ilog sa Candelaria, Quezon nitong nakaraang linggo. Nakilala ang biktimang si John Joseph Bandivas, 15 anyos at residente ng Brgy.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Mangilag Sur sa naturang bayan. Batay sa ulat ng pulisya, bandang ala-una ng hapon ng magtungo sa isang ilog sa Brgy. San Andres ang biktima kasama ang kapatid at mga kabigan nito upang maligo. Ayon sa mga kasamahan nito, nag-dive pa sa ilog ang binatilyo ngunit makalipas ang
ilang minute ay hindi na ito lumutang pa. Dahil dito, inumpisahan na nilang hanapin ang biktima na kung saan natagpuan nila ito sa ilalim ng ilog. Agad na nilapatan ng CPR ng mga kaanak ng biktima ang binatilyo at isinugod sa pagamutan ngunit idineklara na itong patay. ADN
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
DUMP TRUCK VS. JAM LINER BUS mula sa p. 1 ang insidente ng dakong 11:55 ng gabi na habang binabagtas ng Jam Liner Bus TWZ 661 ang Maharlika High Way galing Maynila patungong Lucena, City nang biglang omovertake ang dump truck na may plate no. UHX 955 sa isang motorsiklo na tyempo namang dumarating ang kasalubong na Jam Liner Bus. Bunga nito, nawalan na ng kontrol ang dalawang sasakyan kung kaya nagsalpukan ang mga ito na nagresulta ng pagkasawi ng tatlong pasahero at pagkasugat ng 24 pang iba pa. Kinilala ang driver ng Bus na si Jovanne Lungayan Empestan ng Zamboanga del Norte na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital dahil sa tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Detinido naman sa lockup jail ang driver ng dump truck na kinilalang si Arwin Magnaye Manalo, 25-anyos at residente ng ng Sto.Cristo, Sariaya,Quezon. Kinilala naman ang tatlong nasawi na sina Remedios Sangrones 65-anyos, Alyssa Singayan at Eden Sangrones, 37-anyos ng Candelaria,Quezon. Ang mga sugatan naman na agad na dinala sa iba’tibang ospital ay nakilalang sina Rosemarie Borongan 42-anyos, Joel Borongan 46-anyos ng Pagbilao, Quezon, Mary Keth Borongan 9-anyos, Renato Borongan 43-anyos, Rene Borongan 20-anyos, pawang mga taga-Brgy. Malaoa, Tayabas City, Dionel Gayo 39-anyos, Cabuyao, Laguna,
Marcelino Sison 36-anyos, Brgy. Iyam Lucena, City, Minerva Rocero Brgy. 9-anyos, Lucena City,Julie Ann Alcala 17, Anicia Alcala, 48-anyos, Maryleen Jader 35-anyos, Mar Jader 33-anyos, Rob Singayan 8-anyos, Alleyah Singayan 6-anyos,Las Pinas City, Cherelyn Rioveros 16-anyos, Mary Joy Rioveros 18-anyos, Caloocan City ,Rex Perilla 17-anyos, Taguig,City, Melinda Cabalsa 55-anyos,Tayabas City, Donna Rioflorido 17-anyos, Anna Rioflorido 27-anyos, John Alexander Rioflorido 2-anyos,at Jonh Rioflorido 3-anyos ng Malibay, Pasay,City. Sinampahan na ng kasong kriminal in Multiple Homicide at Physical Injuries with damage to properties ang driver ng dump truck. ADN
DRRM SUMMIT, isinagawa ng lalawigan ng Quezon kontribusyon ng Quezon PIO
L
UNGSOD NG LUCENA Matagumpay na naisagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Quezon Provincial Summit on Disaster Risk Reduction and Management noong April 8, 2014 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena. Ayon kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer na ang pagtitipong ito ng mga tagapamanihala ng disaster at climate change adaptation ay upang makapag-usap ng maayos at mabigyan ang lahat ng mga bagong konsepto at pamamaraan kung paano malalabanan ang disaster sa tulong ng Office of the Civil Defense IV-A at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) IV-A. Ayon naman kay Governor Suarez, naisakatuparan ang summit para balikan at pagaralan ang paghahandang ginagawa ng pamahalaang panlalawigan at ng bawat bayan sa nagaganap na global warming at climate change. “Napakaswerte ng lalawigan, tayo bilang isang lalawigan ay hindi pa binibisita ng malaki at malakas na bagyo for the past 4 years. Pero hindi ibig sabihin na hindi tayo dapat maghanda, this effect we see happening globally and in our country should be a wake-
up call to everybody and the provincial government of Quezon and for the municipal government, for the barangay and for the local DRRMC together”, dagdag pa ng gobernador. Nagpahayag din ng pagkabahala ang gobernador base sa kanyang napansin ng personal na bumisita sa Leyte at Samar dahil lahat naman yata ng paghahanda na pwedeng gawin ng isang lokal na pamahalaan kung ang laki ng bagyong tatama ay tulad ng laki at lakas ni Yolanda ay hindi sasapat ang paghahandang ginagawa tulad na lamang aniya ng mga evacuation center na hindi din maituturing na ligtas na gawing evacuation center ang mga paaralan. Ito umano ang nagbunsod sa kanya para atasan ang Provincial Engineering Office na gumawa ng disenyo ng evacuation center na gaano man kalakas ang bagyo ay matitiyak na kung sino man ang dadalhin dito ay magiging ligtas. Hiniling naman ng gobernador ang tulong ng mga punong bayan na magiging katuwang sa proyektong ito na silang tumukoy ng mga lugar na pagtatayuan ng mga bagong evacuation center sa kanilang munisipalidad. Kabilang din sa pagpapalakas ng disaster preparedness program ng pamahalaang panlalawigan ay pagbababa nito sa mga barangay sa pamamagitan ng mga isinasagawang pagsasanay ng mga barangay tanod na silang nagiging disaster response
officer pero dahil umano sa nakalipas na barangay eleksiyon ay napalitan ang iba sa mga ito. Kinakailangan na umanong i-institutionalize ang DRRMC hindi lamang sa mga munisipalidad kundi maging sa mga barangay na kung tatamaan man ng bagyo, pagbaha, pagbuhos ng malakas na ulan ay may taong handang tumulong, magbigay ng asiste sa mga maaapektuhan sa barangay. Pinuri naman ni Regional Director Vicente Tomazar ng Office of the Civil Defense IV-A at Chairperson ng RDRRMC IV-A ang performance ng lalawigan ng Quezon sa mahusay na paglilingkod ng pamahalaang panlalawigan hanggang sa barangay level ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) na patuloy na tumututok sa disaster risk reduction and management. Pinuri din ni Regional Director Josefina CastillaGo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Vice-Chairperson ng RDRRMC IV-A for preparedness ang lalawigan ng Quezon sa pagiging 100% organisado ng DRRM Council nito. Ipinakita naman sa pamamagitan ng static display ang iba’t ibang kagamitan sa pagsagip ng buhay at pagpapakita ng pagiging handa ng MDRRMC ng mga bayan ng Sariaya, Tiaong, Atimonan, Unisan at General Nakar. Samantala, nakiisa din dito ang ilang punong bayan sa lalawigan ng Quezon,
3
Ang Diaryo Natin
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282
E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com
PASAYAHAN from p. 1 Ayon kay Chairman Ilagan, hindi dapat na palampasin ng mga Lucenahin ang mga event na gagawin sa nalalapit na Pasayahan dahil sa mas pinaganda nila ang mga ito. Ilan sa mga highlights ng nasabing programa ay ang Singing Lolo, gayundin ang Flores de Mayo, Autocross and Car Show, Kusinerong Lucenahin, Street Fashion
Show, Cultural Night, Coronation night ng Gandang Lola, na ngayon ay nasa ikalawang taon na, at ang Ginoo at Binibining Pasayahan. Isa rin sa itinatampok sa Pasayahan sa Lucena ay ang grand parade na kung saan ay dinadagsa ito ng mga Lucenahin dahilan sa magagandang floats at ang artistang kasama dito. ADN
BRAVE COPS from p. 1 During the clearing operation, a live ammunition for M203 grenade launcher, numerous empty shells for M14 and M16 Armalite rifles were recovered. “My men were surprised but not intimidated by the rebels despite their being outnumbered”, said Evasco, adding that the group has been on alert for any eventuality. He said the presence of fox holes and the durable perimeter fence around the detachment is a clear manifestation of their being prepared. “In fact, it was at one of the fox holes where SPO2 Eduardo Concepcion, the team leader slept on the night before the rebels’ failed attack”, he said. He explained that the rebels preferred to take the back portion of the detachment since its front side faces a provincial road and a national highway near the boundaries of Luisiana,
Laguna and this town. Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan and Evasco personally commended the policemen for showing preparedness and bravery, during their visit at the detachment shortly after the incident. Ylagan also alerted all police units in the adjacent towns and told them to install checkpoints in all exit points. ADN
mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), mga Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO), mga municipal accountant, mga municipal budget officer, mga municipal environment and natural resources officer (MENRO) at mga punong barangay. Dumalo din dito
ang regional office ng Department of Science and Technology IV-A (DOST), Department of Social Welfare and Development IV-A (DSWD) at National Economic and Development Authority IV-A (NEDA), gayundin, ang Quezon PNP, BFP – Quezon, DILG – Quezon at Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines. ADN
P/SUPT. RANSER EVASCO
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
EDITORYAL
Lohikang lokohan
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Gemi Formaran | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes | Raffy Sarnate Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
DIBUHO MULA SA MANILATIMES.NET
A
yon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), isang non-government organization na pag-aari ng gobyerno, ang minimum wage mismo ay sagabal sa pagkakaroon ng trabaho at pag-unlad ng mga mahihirap. Dahil dito, ipinanukala ng PIDS ang Jobs Expansion and Development Initiative (JEDI) – isang 12-point program diumano para sa pagpaparami ng trabaho. Isa sa mga laman nito ang pagtatanggal ng mandatory minimum wage. Naturalmente, papayagan nito ang mga kapitalista na tumanggap ng mababa ang kakayahan at mahihirap na mga manggagawa na papayag na tumanggap ng sahod na mas mababa pa sa naitakdang minimum wage. Lohikang nakakaloka subalit totoo. Ganitong paraan ang naisip ng ating gobyerno upang “paramihin” ang trabaho. Sa esensya, sinasabi nila na kung may mandatory minimum wage mas maliit ang bilang ng mga manggagawa na pwedeng tanggapin ng mga kapitalista. Dapat tandaang ang minimum wage ay tagumpay ng kilusang paggawa mahigit isang daang taon na ang lumipas. Ito ay pinagpunyagian upang masiguradong magiging disente ang buhay ng manggagawa at kanyang pamilyang Pilipino. Sa kasalukuyang matinding krisis sa bansa, kapos na kapos na nga ang minimum wage sa pang-araw-araw na gastusin ng isang pamilya o kahit nga ng isang manggawa. Dito sa ating rehiyon sa Timog Katagalugan, P337 ang minimum wage habang P1,069 naman ang living wage para sa pamilyang may anim na miyembro. Isang panukala din sa JEDI ang pagpapahaba ng panahon bago maregularisa ang isang manggagawa. Sa kasalukuyan ay anim na buwan ang kailangan batay sa Labor Code ngunit nais pa itong palawigin hanggang dalawang taon. Isang malinaw na senaryo ng pagsasamantala sa pamamagitan ng malawakang kontraktwalisasyon upang matiyak na mababa ang gastusin sa mga manggawa. Malinaw pa sa sikat ng araw na layunin lang ng programang ito na maging sistematiko at paborable para sa mga dayuhang kapitalista ang polisiya at programa sa paggawa sa bansa. Walang kaduda-duda, malinaw rin na hindi seryoso at lalong walang plano ang kasalukuyang gobyerno na tugunan ang pangangailangan para sa disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod para sa mamamayang Pilipino. Malinaw din naman sa mga manggagawa na lokohan at walang matinong lohikang maaasahan sa kasalukuyang sistemang umiiral. Naturalmente na rin sa kanila ang pagpupunyagi para sa buhay na patas at makatao. ADN
N
Culture of Impunity
adagdagan na naman ang bilang ng mga mamamahayag na walang awang pinapatay. Pinakahuli dito ang ating kasamahan sa Cavite na si kasamang Ruby. Sobrang naging mapangahas ang salarin, gayong babae ang kanyang pakay, pinasok sa bahay at dun pinaputukan at bago tumakas ay sinigurong patay ang kanyang biktima. Pang ilan na nga ba ito sa mga napapatay na miyembro ng media bukod pa sa mga nasawi sa ampatuan massacre, subalit hanggang ngayon, makalipas ang maraming taon, ay wala pa ring napaparusahan. Hindi si Ruby ang katapusan, may mga susunod pa dahilan sa wala namang napaparusahan, subalit naniniwala pa din ako na hindi ang pagpatay ang sasagka sa aming mga kasamahan upang ipagpatuloy ang nakagisnang hanapbuhay, ang kagustuhang magsiwalat ng mga katotohanan, at isulong ang layunin at tungkuling magsiwalat ng mga bagay na dapat malaman ng ating mga kababayan. Sa iyong mga naiwang mahal sa buhay Ruby......ang aming taus pusong pakikiramay. *** Natawa naman ako sa caricature na nasa front page ng isang broadsheet noong isang araw, andun ang mga mukha ng PDAP queen na si Napoles, kasama ang tatlong Mga Senador na dawit sa naturang iskandalo. Behind bars na ang apat, nakakulong na, waring malaking malaki ang inaasahan na talagang mapaparusahan at makukulong ang apat na akusado sa kasong plunder kaugnay ng Ten Billion pesos plunder case na inihain laban sa mga ito. Personally, hindi ako naninwalang makukulong ang apat, dahil wala namang nakukulong na mga sikat na personalidad sa mga sensational na mga kaso. Its either na papasok sila sa ospital, o sasailalim sa house arrest o alinman sa camp arrest na tulad ng kinalalagyan ngayon ni Napoles. Kapag kasi nagnakaw ka ng maliit, sa ordinaryong kulungan ang bagsak mo subalit kapag milyon o bilyon na ang pinaguusapan, o kaya ay sikat na tao ka,kundi man sa ospital ang bagsak mo ay sa bahay ka lang o sa kampo at solitary
For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.
ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso
confinement. Bigla silang nagkakasakit upang sa ospital sila dalahin, tulad ng mga akusado sa Barrameda murder case na ang akusado ay mahigit sa limang taon nang naka confine sa isang ospital hanggang sa kasalukuyan. *** Trending sa social media ang panukalang pagpapalit ng pangalan ng isang portion ng Granja st. Nasa hapag na ito ng City Council ng Lucena at sa pinakahuling ulat ay nasa third and final reading na ito. Nagkarun na ng botohan at lumabas na sampu ang pabor dito at tanging si Councilor Sunshine Abcede lang ang hindi pumabor. Ang katwiran ng Lady Councilor kailangan munang isangguni ang naturang panukala sa National Historical Institute at hingin ang kanilang opinyon. Hindi ko alam ang motibo ng mga proponent sa naturang panukala at hindi ako naniniwalang gusto lang nga mga itong sumipsip, there should be a legitimate isssue, pero naniniwala akong tama lang ang comment ng brilliant lawyer ng Sangguniang Panglungsod na dapat hingin muna ang opinion ng National Historical Institute at hindi kelangang magpadalos dalos upang maiwasang mapahiya sa bandang huli kapag hindi ito sinangayunan ng Historical Institute. Lumalabas ding kelangan ang unanimous vote ng mga miyembro which means na bago ito maipasa ay kelangan ang one hundred percent na pagsangayon nglahat ng miyembro ng City Council. Huwag po tayong magmadali upang di tayo mapahiya. ADN
US-RP mula sa p. 7 Sa larangan ng kilusang masa, naging malakas ang paglaban ng progresibo at makabayang mga organisasyon kontra sa US Bases mula dekada ’60 hanggang 1991, nang maitulak nito ang Senado na bumoto para sa di-pagpapalawig ng kontrata ng US para sa baseng militar nito sa Subic at Clark. Bagong mga senador ang nagkanulo sa
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
naturang makabayang tindig ng Senado, nang pumabor ang Senado sa Visiting Forces Agreement noong 1999. Hanggang ngayon, mainit ang pagtutol ng makabayang mga organisasyon laban sa presensiyang militar ng Kano sa Pilipinas. Isa sa mga nagpaalab ng damdamin ng mga Pilipino ang balita ng panggagahasa sa isang
Pilipina, si Nicole, ng limang US servicemen, sa Subic noong 2004. Sa ibang bansa, matindi rin ang paglaban ng mga mamamayan. Isa sa pinakatampok ang paglaban ng mga mamamayan ng Okinawa, Japan laban sa US Bases doon. Pana-panahon ang mga ulat ng tingnan ang US-RP | p. 5
ANG DIARYO NATIN
S
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
Pensioners’ Revalidation Program
inariwa ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang pangako ng pamahalaan na isulong ang kapakanan ng mga beterano ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig at mga pamilya nila. Sa mensahe sa paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Bataan kung saan nagsimula ang kahila-hilakbot na Death March nang bumagsak ang Bataan noong Abril 9, 1942 ay binigyang diin ng Pangulo na ang kagitingan at pagpapakasakit ng mga beterano ng digmaan ay nagbigay ng tunay na kahulugan sa pag-ibig sa bayan ng mga Pilipino kaya naman, dapat bayaran ng pamahalaan ang utang na loob sa mga kawal-Pilipino na nakibaka noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. “Kaya nga po, lumipas man ang maraming taon, tuloy pa rin ang pagkilala ng estado sa inyong mga naiambag. Ang hangad natin: Sapat na pagkalinga sa mga beterano at sa inyong mga pamilya upang tumbasan ang malasakit na ipinamalas ninyo noon,” sabi ng Pangulong Aquino. Binanggit niya na ang isa sa mga pangunahing sinisikap ng pamahalaan ay matanggal sa database ang mga huwad na pensiyonado upang ang mga lehitimong naghahabol ay magtamo ng kanilang karampatang benepisyo.
N
ow it can be told! The recent foiled attack of a police detachment in Lucban town by a group of communist rebels was only a diversionary tactic or a bait. This was revealed by a military and a police official in separate interviews by your’s truly. The real motives of the rebels was to pulverize a group of soldiers belonging to a Company of the Army’s 85th Battalion based in Sampaloc town whom they expected to reinforce the policemen while they were under attack. The said police post which is under the 1st Manuever Platoon of Quezon Provincial Public Safety Company is situated along the boundaries of Lucban and Luisiana, Laguna, a few kilometers away from the Army camp in Sampaloc The policemen manning the back portion of the detachment were fired upon by the rebels at around 5:30 a.m. last April 6 but no one was hit. They quickly took cover at their prepared fox holes and traded shots with rebels who were positioned behind coconut trees in an open field some 20 meters away. After minutes of clash, the rebels finally withdrew. It was revealed at at around 2:30 a.m. or 3 hours before the harassment, a forward truck fully-loaded with heavily armed rebels were spotted by residents deploying themselves in a road shoulder about three kilometers away from the Army camp. So it was good that the Army soldiers did not react immediately. Had they reinforced outright, many of them would have been killed by the waiting rebels. Nakanganga pala ang mga pogi! _o0o_ Changing the name of an street in Lucena City benefits no one but the proponent of the measure! This is now the basic sentiment of Lucenahins who are opposing the move. A portion or extension of Granja St. is set to be
US-RP mula sa p. 4 mga pang-aabuso ng mga tropang Kano sa mga sibilyan, lalo na sa kababaihan, sa Okinawa. Marami na ring kaso ng panggagahasa sa kababaihang Hapon, lalo na mga nasa menor-de-edad, ang naiulat sa Okinawa na
5
kinasasangkutan ng mga sundalong Kano. Marami na ang pag-aaral na nagtala ng seksuwal na pang-aabuso ng mga sundalong Kano sa mga lugar kung saan sila namalagi o nagbase. ADN
Sinabi ng Pangulo na sa bagong inilunsad na Pensioners’ Revalidation Program, matitiyak ng pamahalaan na mga lehitimong pensiyonado at mga benepisiyaryo nila ang tatanggap ng benepisyo buhat sa pamahalaan. Simula sa taong ito, sabi ng Pangulo, titigilan na ng pamahalaan ang pagkakaloob ng benepisyo sa 22,534 illegitimate accounts at sususpindihin naman ang 14,616 accounts nang sa gayon ay maipadala ang karampatang benepisyo ng lehitimong pensiyonado na umaabot sa P396.61 milyon ang halaga. Idinugtong pa ng Pangulo na noong Marso, ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ay nakatulong sa may 133,784 lehitimong beterano at kanilang mga kabiyak ng puso. “Tinitiyak nating sa mga karapat-dapat lamang mapupunta ang bawa’t pisong inilalaan natin mula sa kaban ng bayan,” sabi pa ng Pangulo. Pinagkalooban din ng pamahalaan ng kaukulang serbisyong pangkalusugan ang mga beterano sa pamamagitan ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at sa mga sangay nito sa buong bansa, dugtong ng Pangulo at idinagdag na 1,092 beterano ang nabigyan ng tulong na aabot sa P17 milyon ang halaga.
MULA SA PIA
EDISYON Ni Lito Giron Pinalawak din ng VMMC ang serbisyo sa mga beterano para makasama ang operasyon sa katarata, coronary angiogram at cardiac bypass, pahayag pa ng Pangulo. Inuuna rin ng pamahalaan ang educational benefits para sa dependents ng mga beterano ng digmaan, dagdag ng Pangulo at sinabing noong 2013 ay may 2,059 mag-aaral ang tinulungan ng PVAO. Ayon sa Pangulo, bawa’t isang qualified dependent ng beterano ay may taunang tulong pinansiyal na P36,000.00 Ang paksang diwa ng Araw ng Kagitingan sa taong ito ay “Balik-Tanaw sa Sakripisyo ng Beterano, Gabay sa Landas ng Pagbabago.” ADN
UGAT vs SUGAT
named Felix Manalo Jr. St. as initiated by City Coun. Benny Brizuela via City Council. Felix Manalo, Jr. is the forefather of the influential Iglesia Ni Cristo while Franciscan priest, Fr. Mariano Granja is the known father of Lucena during the Spanish Era. The street was named after him in recognition to his significant contributions to the city such as the establishment of Catholic schools and churches, among others. As per history, it was Fr. Granja who gave the city its name, Lucena. Despite being burned down, it was the great priest who initiated the preservation and renovation of St. Ferdinand Cathedral. Granja St. starts at the right side of the St. Ferdinand Cathedral and ends at the left side of the giant Iglesia Ni Kristo Quezon West chapel. But in fairness to the author of the Resolution, he clarifies that only the very small portion of Granja street or a mere extension of it will be named Manalo St. If I get it right, Brizuela points out that such portion is not yet a part of Granja St. which clearly means that nothing will be changed. “How can you rename an street which has not yet been named”?, asked one of Brizuela’s followers. Most of his fellow councilors supported Brizuela’s Resolution but all of them have earned the ire of many Lucenahins via social media. They insist that changing the name or naming an street will not benefit the city especially its common tao. I see their poit, but personally knowing the “selfmade man” councilor, I believe Ka Benny has no vested interest or self serving motives in pursuing his measure. Backed by the INC voters or not, I know Ka Benny can always get the peoples mandate. Kung totoong hindi man makakatulong ang panukala sa mga Lucenahin ay mukhang hindi rin naman makakasama. So what’s the big deal? _o0o_ Its now official! UGAT Lucena has two factions! UGAT is a high profile organization of Lucenahins or individuals who are natives of Lucena. Founded in 1983, UGAT, basically aims to strengthen fraternal rites, foster harmonious relationship and camaraderie among Lucenahins and to participate in projects that will benefit its members, dependents and indigent residents of Lucena. The then large group of Lucenahins, composed mostly of socialites, started to divide itself into two small groups!
GEMI A BREAK
By Gemi O. Formaran The first faction is now headed by Annalie “Ayee” Alcala and John Eddison Sybang, as the lady president and president, respectively. The second faction, on the other hand, is under the leadership of Jenny Suarez- Lopez and Ramil Estrope. Annalie is the eldest daughter of Cong. Kulit Alcala while Jenny is the daughter of Ex- Con Danny Suarez. Its an open book that the Alcalas and Suarezes in Quezon are political foes. Pati ba naman UGAT ay napulitika na din? By the way, John Eddison is the better version of his dad, the feisty village chief Edward “Al Capone” Sybang while Ramil Estrope is a respected fashion designer and a close friend of Gov.Jayjay Suarez. The Suarez- Estrope faction claims that its group is the original and legitimate one. While the Alcala- Sybang team has same claims. Accordingly, the division was triggered by socialite Nini De Asis, who was then the president. De Asis appointed Jenny as her successor instead of calling for a regular election. My source who is one of the UGAT founding members said De Asis has been aspiring to be a director of Quezon Metropolitan Water District (QMWD) It is Gov. Jayjay, Jenny’s youngest brother who appoints directors of QMWD. Asked why De Asis did not call for an election if she really wanted Jenny to be the president, my source said the latter is a nice lady but could be lost in the votation. Bakit??? Simply because, according to my source, Jenny is a native of Unisan. “This is UGAT Lucena, not UGAT Unisan”, said my source whose voice went high pitched and squeaky. Well, if it is true that the group’s second faction is being manipulated by the Suarezes and their followers, I think it should no longer be called UGAT. To avoid confusion, it is better for the group to be called SUGAT (Suarez- UGAT). What do you think, Tito Bert (Buenafe)? Tama ba na sa SUGAT nag UGAT ang inyong mga hinanakitan???
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
US-RP mula sa p. 8 space-based, cyberspace). Malinaw, kahit sa mga pahayag ng dating US State Sec. Clinton, na pangunahing pakay ng US sa Asya-Paspiko ang pagpoprotekta sa South China Sea kung saan dumadaan ang 55 porsiyento ng lahat ng trade vessels sa buong mundo. Nais ng US ng maging mas aksesible sa mga barko nito (at sa barko ng mga alyado nito tulad ng European Union, Japan, Australia, atbp.) ang naturang dagat—pero banta rito ang presensiya ng China. Kumpara sa Suez Canal sa Timog Amerika, tatlong beses na mas marami ang langis at Liquefied Natural Gas (LNG) na dumadaan sa South China Sea. Sa madaling salita, dalawang nag-uumpugang bato, kumbaga, ang bangayan ng China at US sa South China Sea. Nasa gitna lamang ang Pilipinas ng pag-uumpugang ito. Isa pa, may malaking pang-ekonomiyang potensiyal ang mismong South China Sea at sa buong Southeast Asia. Ayon sa US Geological Survey, tinatayang may kabuuang 21,632 milyong bariles ng langis pa ang di nadidiskubre sa rehiyong ito. Mayroon ding 298,761 bilyong cubic feet ng conventional gas na di pa nadidiskubre o namimina, at 9,099 milyong bariles ng liquefied national gas. Pero mas malaki pa rito ang pagtataya ng Chinese National Offshore Oil Company, na noong Nob. 2012 ay nagsabing tinatayang aabot sa 125 bilyong bariles ng langis at 500 trilyong cubic feet ng natural gas ang matatagpuan sa South China Sea pa lamang. Nasa gitna ng matinding resesyon at pagbagsak ng ekonomiya ang US, na sumiklab noong 2008 Global Financial Crisis. Gusto nito makopo ang di pa nadidiskubreng mga likas na yaman ng Southeast Asia para makatulong na makabangon mula sa kinalulugmukang krisis. Kailangan din nito ang emerging markets ng naturang rehiyon, lalo pa’t lalong nagbukas sa dayuhang negosyo ang mga bansang Myanmar, gayundin ang Vietnam, Cambodia, Laos, at iba pa. 5. Ang huling pagkakataon na nagbuhos ng tropang militar ang US sa Southeast Asia? Mahigit tatlong (3) milyon ang nasawi. Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, mula 1899 hanggang 1902, daan-daan libong Pilipino ang napaslang sa paglaban sa mga Amerikanong kolonisador. Marami pa ang nasawi sa pagsupil ng armadong puwersa ng US hanggang ideklara ang “kalayaan” kuno noong Hulyo 4, 1946. Kuwento ng mga historyador, ang digmaang ito ang “unang Vietnam (War).” Ganito inilarawan ang naturang digmaan dahil sa unang pagkakataon sa kasayan ng US, pinangasiwaan nito ang isang counter-insurgency warfare – paglaban sa mga gerilyang lumalaban sa pananakop nito. Noong 1965 hanggang 1975, direktang nakialam ang US sa internal na sigalot sa pagitan ng mga puwersang pampulitika sa loob ng Vietnam—sa pagitan ng papet ng US na gobyerno ng South Vietnam at sa independiyenteng North Vietnam na pinamumunuan no Ho Chi Minh. Sinakop ng US military ang South Vietnam para labanan ang Viet Cong na sumusuporta sa “pagkakaisa” o reuinification ng kanilang bansa na itinutulak ng North. Ginamitan ng US ng Army, Navy at Air Force – at pagbomba sa North Vietnam na humigit pa sa bilang at lakas ng aerial bombing na naranasan sa buong World War II. Suma total, aabot sa 3.8 milyong katao ang nasawi dahil sa Vietnam War. Tinatantiyang mula 195,000 hanggang 430,000 South Vietnamese ang nasawi sa digmaang ito, samantalang 50,000 hanggang 65,000 ang nasawi sa North Vietnam. (Basahin ang Wikipedia entry na ito, na bumabatay naman sa opisyal na mga datos at iba’t ibang pang-akademikong sources.) Bago pinasok ng US ang Vietnam, sinabi rin nitong nais nitong kontrolin ang lumalakas na impluwensiya ng China sa Southeast Asia—noong nasa sosyalistang gobyerno pa ito sa pamumuno ni Mao Zedong. 6. Humanitarian Assistance tuwing kalamidad? Alamin natin ang nangyari sa Haiti. Maihahalintulad ang pagsalanta ng bagyong Yolanda (Haiyan) sa Eastern Visayas ng Nobyembre 2013 sa 7.0 magnitude na paglindol sa bansang Haiti noong Enero 2010. Nawasak ang halos buong kabisera ng bansa na Port-au-Prince—ang mga bahay, bilding, imprastraktura, pasilidad ng serbisyo, atbp. Dama ang ekonomiya at pulitika ng naturang bansa. Tinatayang 230,000 katao ang nasawi, 300,000 ang nangangailangan ng atensiyong medikal, 1.5 milyon ang nawalan ng tahanan at dalawang milyon ang nagugutom. Dahil dito, sumaklolo ang iba’t ibang bansa at pandaigdigang mga grupo para magbigay
LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Province of Quezon LUCENA CITY
NOTICE OF HEARING
Notice is hereby given that a summary hearing on the petition for notarial commission of ATTY. OFFICE OF THE EXECUTIVE BIENVENIDO A. MAPAYE JUDGE shall be held on April 15, 2014 at Branch 56 at 2:30 RE: Petition for Renewal o’clock in the afternoon. of Appointment as Notary Any person who has cause Public for and in within or reason to object to Lucena City & within the grant of the petition territorial jurisdiction of may file a verified written this court. opposition thereto, received by this office before the Application No. 2014- date of summary hearing. 035 DENNIS R. PASTRANA ATTY. BIENVENIDO A. Executive Judge MAPAYE Petitioner x---------------------------------x ADN: April 14, 2014
E R R AT U M Legal notices that run in issues 522 (March 24, 2014), 523 (Mar. 31, 2014) and 524 (April 7, 2014) incorrectly stated the line “TRANSFER OF TITLE NO. T-317910, A parcel of land (Lot 805C...” It should have read “TRANSFER OF TITLE NO. T-317909, A parcel of land (Lot 805-C...” We regret any inconvenience this may have caused. -ADN
ng agarang saklolo at relief sa mga mamamayang Haitian. Kasabay nito, nagdeploy ang gobyernong US, hindi ng aid workers tulad ng mga doktor, personel medikal, atbp., kundi ng militar nito. Isiniwalat ng WikiLeaks noong 2011 na mabot sa 22,000 tropa ang itinalaga nito sa maliit na bansa ng Haiti kahit na sinasabi mismo ng US Embassy at ng United Nations na walang seryosong banta sa seguridad sa lugar. Sa isang op-ed na artikulo sa Wall Street Journal, sinabi ng mga doktor na sina Soumitra Eachempati, Dean Lorich at David Helfet na hinarang pa ng militar ng US ang emergency teams ng mga Amerikanong doktor na aayuda sana sa mga Haitian, isang araw matapos ang lindol. “The U.S. response to the earthquake should be considered an embarrassment. Our operation received virtually no support from any branch of the U.S. government, including the State Department. As we ran out of various supplies we had no means to acquire more,” sabi nila. Papalabas nila Haiti, nasaksihan nila ang laksa-laksa (warehouse-size) na di-nagamit na mga gamot, pagkain at suplay sa airport na hindi napamamahagi sa mga biktima. Kung pamilyar na istorya ito, ito’y dahil naganap din ito noong panahon ng Yolanda: sa kabila ng agresibong media campaign ng US Armed Forces sa pag-ayuda nito sa Tacloban, naikuwento ng mga residente na hindi epektibong naipamahagi ang tambak-tambak na relief goods sa paliparan ng siyudad noong krusyal na mga araw matapos ang bagyo. Sa kabila nito, naging tuluy-tuloy ang pagdeploy ng tropang Kano sa lugar. Ilang linggo matapos ang bagyo, mahigit sampung warships ng 7th Fleet ng US, kabilang ang USS George Washington na isa sa pinakamalaking aircraft carrier ng US, ang dumaong sa Tacloban at iba pang lugar ng Easter Visayas. Tinatayang umabot sa 8,000 tropang Kano ang inilagak sa rehiyong ito noong panahong iyon. Sa kabila ng kanilang “tulong”, laganap ang balita, noon at ngayon, ng nasasayang at di naipapamahaging relief goods, di pag-abot ng relief goods sa pinakanangangailangang mga residente, kawalan ng saklolo na nagresulta sa pagkamatay ng marami, at iba pang kapabayaan ng gobyernong Aquino. Samantala, itinuturing ng administrasyong Obama na malaking public relations coup ang pakitang-tao na ayuda ng US sa Pilipinas matapos ang bagyong Yolanda. 7. Military assistance? Baka ang ibig sabihin nila, bulok na kagamitan. Sa halos 100 taong pagbabase ng militar ng US sa Pilipinas (mula 1899 hanggang 1991), hindi nito nagawang imodernisa ang kapasidad ng Armed Forces of the Philippines na protektahan ang sariling bansa mula sa eksternal na banta. Ito’y dahil, ayon sa maraming eksperto, nais ng US na manatiling tali ang AFP sa pana-panahon at tingi-tinging “ayuda” ng US sa Pilipinas sa bisa ng Mutual Defense Treaty.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Branch 54 Lucena City IN THE MATTER OF THE ADOPTION OF VINICE DEEN XYNIEN DE CHAVEZ Spec. Pro: 2013-40 For: Adoption Spouses PETER ANTHONY BARRY and MICAELA D. DE CHAVEZ - Petitioners x---------------------------------x ORDER A verified Petition for Adoption having been filed by Petitioners Peter Anthony Barry and Micaela D. De Chavex thru Atty. Elizabeth A. Andres to the effect that after due notice, publication and hearing, judgement be rendered granting this petition for adoption and declaring that VINICE DEEN XYNIEN DE CHAVEZ be the legitimate child of SPS. PETER ANTHONY BARRY AND MICAELA D. DE CHAVEZ-BARRY, with all the rights and privileges of a legitimate child under the law and thereafter she be known as VINICE DEEN XYNIEN DE CHAVEZ BARRY. The Court finds the Petition to be sufficient in form and substance. Let the Petition be set for initial trial on May 8, 2014 at 8:30 in the morning. Let a copy of this Order be published once a week for three (3) consecutive weeks in a newspaper of general circulation in the Province of Quezon and Lucena
City at the expenses of the Petitioners. Anyone who may have any opposition thereto may file an opposition with this Court within fifteen (15) days from the last date of publication. Court Process Server Rodolfo L. Advincula or any duly authorized representative of the Court is directed to Post this Order at the Barangay Hall in/near Brgy. Talaan, Talaan Beach, Sariaya, Quezon where the child resides; the Bulletin Board at the Regional Trial Court, Lucena City and the Provincial Capitol Building, Lucena City at least three (3) days before the date of hearing. Court Social Welfare Officer Ligaya P. Abas is directed to prepare and submit to this Court a social case study report of the minor and the prospective adopters and submit said report before the scheduled date of hearing on May 8, 2014. Let copies of this Order be sent to the Office of the Provincial Prosecutor, the Office of the Solicitor General and the Local Civil Registrar of Lucena City, the Court Social Worker, the National Statistics Office and Atty. Elizabeth A. Andres, and the Petitioners themselves. SO ORDERED. Lucena City, March 11, 2014. ROBERT VICTOR C. MARCON Presiding Judge 2nd Publication ADN: April 14, 2014 April 7, 14 & 21, 2014
“Sa kabila ng mga pagsasanay militar at permanenteng presensya ng US sa bansa, nananatiling mga pinaglumaang mga sasakyan at gamit pandigma ang natatanggap ng Pilipinas mula sa US,” sabi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Ibinigay na halimbawa ng Bayan ang pagbili kamakailan ng Hamilton Class Cutters (naging BRP Gregorio del Pilar at BRP Ramon Alcaraz) na barkong pandigma pa ng US noong panahon ng Vietnam War. Binili ito ng Pilipinas sa halagang P423 Milyon na kinuha pa mula sa Malampaya Fund. Umaabot pa sa P881-M ang pagmamantine ng kagamitang ito. Sa maiksing salita, ang “ayudang militar” na ito ay napagkakitaan pa ng US. 8. US ang tinitingnang pinakamalaking banta sa kapayapaan sa buong mundo. Global policeman? Peacemaker? Ayon sa pandaigdigang sarbey ng WIN/Gallup International para sa taong 2013, US ang tinitingnan ng mga mamamayan ng mundo bilang “pinakamalaking banta sa kapayapaan sa mundo”. Ayon sa naturang poll, 24 porsiyento ng mga nasarbey na mga bansa ang nagsabing banta sa kapayapaan ng mundo ang Amerika. Ang pinakamalapit na sumunod na banta” Pakistan, sa 8 porsiyento, China sa 6 porsiyento at apat na bansang (Afghanistan, Israel, Iran at North Korea) tied sa 5 porsiyento. Hindi ito kataka-taka, dahil US ang may pinakamalaking armadong puwersa sa buong mundo. Ito ang bansa na sangkot sa pinakamaraming digmaan, sa kasalukuyan at sa kasaysayan. Ito ang sangkot sa pinakaraming bilang ng paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga lugar na sinasakop nito tulad ng Vietnam, Iraq, Afghanistan, at iba pa. Kamakailan, naisiwalat din ang malawakang paniniktik nito sa iba’t ibang bansa, ang drone strikes nito sa Pakistan at Yemen na pumaslang sa maraming sibilyan, at marami pang pagbabanta sa kapayapaan sa daigdig. Kaya hindi maaasahang “kapayapaan” ang dadalhin tingnan ang US-RP | p. 7
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
7
Gov. David C. Suarez together with OCD Regional Director Vicente Tomazar and DILG Regional Director Josefina Castilla-Go during the presentation of BAKAS PARANGAL NG KAGITINGAN held at Quezon Convention Center this 8th April 2014. Contributed by PIO-Quezon
Kapitan Edwin Napule humiling ng isang truck ng basura kay Mayor Dondon Alcala ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Sa kagustuhang tuluyan ng malinis ang lungsod ng Lucena pagdating sa usapin ng basura, humiling si Brgy. Marketview Chairman Edwin Napule ng isang garbage truck kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Isinaad ni Chairman Napule ang kahilingang ito sa kaniyang pagsasalit sa isinagawang barangay assembly sa naturang barangay kamakailan.
Ayon kay Kapitan Napule, nais niyang magkaroon ng sariling garbage truck ang kanilang barangay upang matulungan ang pamahalaang panglungsod na kumolekta ng basura. Sa naging pagsasalita naman ni Mayor Dondon Alcala, kanya namang pagbibigyan ang hiling na ito ng kapitan kahit na tumanggi ito sa una niyang alok dito na rescue vehicle. Pabiro ring sinabi ni Mayor Alcala na pawang naka-jackpot si Kapitan
Napule dahilan sa kahit na mas mahal ng kaunti ang kaniyang hinihiling na garbage truck kaysa sa rescue vehicle ay kaniya pa rin itong ibibigay. Kung matatandaan una ng sinabi ni Mayor Dondon Alcala na kaniya ring bibigyan ng isang garbage truck ang presidente ng Liga ng mga Barangay na si Brgy. Cotta Chairman Hermilando Alcala dahilan sa magandang hangarin nito na tuluyan ng malinis ang Lucena pagdating sa usapin ng basura. ADN
US-RP mula sa p. 6 ng presensiyang militar ng US sa Pilipinas. 9. Maraming beses na sinabi ng US na poprotektahan nito ang mga alyado nito. Pero maraming beses itong tumalikod sa mga pangako nito. Sa artikulong ito sa Philippine Daily Inquirer noong Hunyo 12, 2012, binigyan ni Brian Anthony Paraiso ng dagdag na kumpirmasyon ang matagal nang sinasabi ng mga historyador at mananaliksik, mula kina Teodoro Agoncillo at Renato Constantino hanggang sa Amerikanong si Stanley Karnow: Na niloko ng US si Emilio Aguinaldo. Pinangakuan niyang susuportahan ng US ang pakikipaglaban ng Katipunan para sa kalayaan, pero nang lumaya na ang Pilipinas mula sa Espanya ay biglang sinakop ng US ang bansa. Binanggit ni Paraiso ang salaysay ng mamamahayag na Pranses noong 1900, si Henri Turot, na nagsabing ang iskema ng US para masakop ang Pilipinas ay nagmula pa bago madeklara ang digmaan sa pagitan ng Espanya at Amerika, nang makipagnegosasyon ang mga emisaryong Amerikano kay Hen. Emilio Aguinaldo noong 1898.
Sinabi ni Turot na noong tinanong ni Aguinaldo si US Adm. George Dewey kung ano ang plano ng mga Amerikano matapos sumiklab ang digmaan sa pagitan nito at ng Espanya, sinabi ng naturang kumander na “malaki at mayamang bansa ang US at hindi kailangan ng isang kolonya.” Matapos madeklara si Aguinaldo ng kalayaan ng Pilipinas (sa ilalim daw ng proteksiyon ng Estados Unidos), inulit ni Dewey ang pangako kay Aguinaldo na poprotektahan umano nito ang Pilipinas mula sa Espanya. “The United States had come to the Philippines to protect the natives and free them from the yoke of Spain. He said, moreover, that America is exceedingly well off as regards territoru, revenue and resources and therefor needs no colonies, assuring (Aguinaldo) that finally there was no occasion for (him) to entertain any doubts whatsoever abou the recognition of the independence of the Philippines by the United States.” Matapos ang ilang buwan, sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano; sinakop ng US ang Pilipinas. 10. Marami ang tumututol sa presensiya ng militar ng US sa
10 reds yield to Solcom contributed by Gemi Formaran
C
AMP GUILLERMO NAKAR, LUCENA CITY - After years of fighting against the government, ten New People’s Army (NPA) rebels operating in the outskirts of Laguna, Rizal and Quezon and Masbate finally turned themselves in to the military. Southern Luzon Command (Solcom) chief, Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo identified six of the rebels as Gigi Piston alias “Ely,” Jay-Ar Suplido alias “Darwin,” Michael Rutaquio alias “Dimsen/Jerico/Atan,” Jonel Piston alias “Miguel,” John John Buendicho alias “April,” and Jobert Suplido alias “Arcel,” all under the Communist Party’s SRMA-GU1. Ordoyo said the rebels also surrendered 10 rifle grenades, a fragmentation grenade and an improvised shotgun. The other surrenderies are Michael Tamayo, known in the movement as “Jovan/ Ronie/Jack” ; Noel
Mantala, alias “Ruel” of Brgy. Buenavista, Mulanay, Quezon; Emmanuel Nasayao alias “Jerik/Mark” and Marita Ortiz also known as “LJ/Mary Ann,” both residents of BalayBalay, Mauban, Quezon operating in 4th and 3rd districts of Quezon. He said Tamayo yielded on Tuesday, April 1, 2014 at Brgy. Palanas, Masbate while Mantala, Nasayao and Ortiz submitted last April 2. Meanwhile, Solcom spokesman, Lt. Col. Lloyd Cabacungan said certain Teodolo Lanillo Joven alias “Jun” was arrested by joint elements of military and police Bgy. Rosario, Gumaca, Quezon for illegal possession of firearms. Cabacungan said that as of now, a total of 35 rebels under Solcom area have been neutralized either by voluntary surrender or apprehension within the 1st quarter of the year. In an statement, Ordoyo lauded the troops for their persistent effort to bring back the rebels into the
iba’t ibang panig ng mundo. Mula sa mismong Amerika hanggang sa mga baseng militar nito sa Japan, tinututulan ng mga mamamayan ang mga agresyong militar ng US sa daigdig. Malakas ang kilusang protesta ng mga mamamayang Amerikano kontra sa Vietnam War—isang bagay na nagtulak sa gobyernong Amerikano na umatras sa Vietnam. Siyempre, sa Pilipinas, noong 1902, tampok ang armadong paglaban
folds of the law. He also stressed that while they are focusing on securing communities, Solcom also encourages more returnees especially those who are already tired with the armed struggle, for them to start a new life. He also thanked the surrenderies for heeding the government’s call. “Salamat sa pagtugon ninyo sa panawagan natin na magbalik loob sa gobyerno. Ang Solcom ay patuloy na magbibigay serbisyo at tutugon sa mga pangagailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang Bayanihan activities. Sa kabila ito ng iba’t ibang karahasan ng mga NPA para mahadlangan ang ating mabuting adhikain, gaya na lamang ng mga pang aambush nila sa mga kasamahan natin na nagsasagawa ng mga serbisyong medical upang matugunan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga kababayan natin sa mga liblib na lugar”, said the Solcom commander. ADN
ng mga gerilyang pinamumunuan ni Makario Sakay matapos madaig ang Katipunan sa pamumuno ni Aguinaldo. Kahit ang armadong pakikibaka ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan o HMB bago at matapos ang World War II, at ang New People’s Army o NPA, mula 1969 hanggang sa kasalukuyan, ay nagdeklara ng armadong paglaban sa presensiyang militar ng US sa bansa. tingnan ang US-RP | p. 4
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
ANG DIARYO NATIN
ABRIL 14 - ABRIL 20, 2014
DIARYO NATIN
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
ADN Taon 13, Blg. 525
Abril 14 - Abril 20, 2014
10 katotohanan hinggil sa ‘pagkakaibigan’ ng gobyerno ng US at Pilipinas kontribusyon ni Kenneth Roland A. Guda ng www.pinoyweekly.org
N
asa ikawalong round na ang negosasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng administrasyong Aquino ng Pilipinas at Obama ng US para maplantsa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng dalawang bansa. Hanggang ngayon, batayang mga prinsipyo lamang nito ang naisasapubliko. Mukhang minamadali ng dalawang panig ang kasunduang ito para magpirmahan na pagdating ni US Pres. Barack Obama sa Pilipinas sa Abril 28 at 29. Tahimik ang dalawang panig sa mga detalye ng negosasyon. Gayunman, may natukoy ang Pinoy Weekly na sampung (10) susing katotohanan na dapat mabatid ng madla—katotohanang marahil ay nakakagulat at nakakatakot para sa unang makakarinig nito. Alamin ang mga katotohanang ito, para matanto kung bakit tinututulan ito ng maraming makabayang mga organisasyon sa bansa ang EDCA–at ang tila’y di-pantay na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. 1. Nakapokus na ang militar ng US sa Asya-Pasipiko. Noong 2009, sa unang termino ni US Pres. Barack Obama, inilatag na ng noo’y US State Sec. Hillary Clinton ang tinaguriang “rebalancing” ng puwersang militar ng US sa AsyaPasipiko. Umikot sa iba’t ibang bansa sa rehiyong ito si Clinton noong taong iyon. Sa sumunod na taon, pumunta siya sa Hanoi, Vietnam para
sabihing nasa interes ng US ang pagprotekta ng “freedom of navigation” sa South China Sea. Taong 2011, ginamit niya ang terminong “US pivot to Asia” sa artikulong “America’s Pacific Century” bilang opisyal na polisiya ng administrasyong Obama na pagtalaga ng 60 porsiyento ng barkong pandigma ng US tungo sa Asya. Ayon sa mga opisyal ng gobyerno ng US, papawakas na ang mga digmaan nito sa Afghanistan at Iraq; kailangang magpokus ang US sa Asya para muling mapalakas ang presensiya sa bahaging ito ng daigdig— kung saan lumalakas din ang impluwensiya ng bansang China. Magmula noon, sunudsunod na ang pagbisita sa Asya ng senior officials ng militar at pampulitikang liderato ng US. Sunud-sunod din ang military at naval exercises ng US sa South Korea, Vietnam at Pilipinas, at nagdeploy ng mas maraming Marines sa Australia. Sa Pilipinas, ipinagpapatuloy nito ang walang-tigil na presensiyang militar. Noong Agosto 2013, inanunsiyo ng gobyernong Obama at Aquino ang negosasyon ng dalawang panig tungo sa isang “rotational access agreement” para sa mas matinding presensiya ng US Armed Forces sa Pilipinas. Kaalinsabay nito, umiinit sa midya ang usapin ng presensiya ng mga kagamitang naval ng China sa pinag-aagawang mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine (South China) Sea tulad ng Spratlys, Ayungin Shoal, atbp. 2. Bagong pananakop, bagyong kolonyalismo? Hindi itinatanggi ng mga gobyerno ng US at Pilipinas na isa sa pangunahing mga
katangian ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ang walangtaning na pagbabase ng mga tropang militar ng Kano sa mga base at pasilidad ng militar ng Pilipinas. Pinaguusapan din ang pag-imbak ng mga kagamitang militar ng US sa mga kampong militar ng Pilipinas. Pati ang dating mga baseng militar ng US sa Subic Bay, Zambales at Clark, Pampanga ay naiuulat na maaaring gamitin ng US para sa militar nito. Sa kasalukuyan, wala pa man ang EDCA, mistulang permanente nang nakabase sa Mindanao ang humigitkumulang 600 tropa nito. Wala pa ito sa labas-masok na mga tropang Kano tuwing may ehersisyong militar (Balikatan) o tuwing may humanitarian missions daw ang mga tropang ito sa mga lugar na nasalanta raw ng kalamidad. Ang mga pasilidad na ginagamit ng Kano ngayon ay sa aktuwal na karanasa’y di napapasok ng mga Pilipino, hindi naiinspeksiyon (kung totoo nga ang sinasabi nila). Sa bagong kasunduan, titindi lamang ito. Taong 1899 nang sakupin tayo ng puwersang militar ng Kano. Taong 1991, pinagbotohan ng Senado ang pagpapasipa sa baseng militar ng US sa Pilipinas. Ngayon, mistulang sinasakop uli tayo ng isang banyangang puwersang militar. 3. Wala pang binatbat ang China sa lakas-pandigma kumpara sa US. Pero hindi makikialam ang US sa sigalot ng Pilipinas sa China. Ayon sa maraming eksperto, maging sa mga akademiko sa Amerika, hindi nakatulong ang polisiyang “US pivot to Asia” para maging istable ang rehiyon. Katunayan, nakaambag pa
ito sa pagtindi ng agresyon ng China sa West Philippine Sea—dahil natulak ang China na magpakitang-gilas sa harap ng US at mga alyado nito. Sinabi pa ni Robert Ross sa Foreign Affairs, na batid naman ng liderato ng China na di-hamak na mas mahina ang militar nito kumpara sa US. Pero dahil sa agresibong pagposisyon ng US sa lugar kung saan malapit ang China, natulak itong magposturang agresibo rin—para hindi magmukhang mahina sa harap ng isang makapangyarihang puwersa tulad ng US. Sa kabila ng agresibong pagpopostura ng China, wala pa itong binatbat sa lakas ng US. Sabi pa ni Ross, nagsisimula pa lamang gumawa ang China ng nextgeneration guided-missile destroyer. Agosto 2011 lamang, nakapaglabas ito ng isang Aegis-class destroyer fleet (luma at binili sa Rusya), samantalang mayroon nang 22 ang US na may superyor na teknolohiya. Sa pakikipag-usap nito sa mga opisyal ng China, palaging sinasabi ng mga
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
opisyal ng US na mananatili itong niyutral sa territorial disputes ng China at mga alyado ng US, tulad ng Japan at Pilipinas. May dispute ang China sa Japan, matapos “inasyunalisa” ng Japan ang mga islang Diaoyu noong 2012. May dispute din ang China sa Pilipinas sa Spratlys. Sa parehong kaso, palaging sinasabi ng US na hindi ito direktang makikialam sa sigalot—bagamat para makakuha ng konsesyon sa mga alyado, inihahayag naman ng US sa Pilipinas at Japan na sinusuportahan nito ang claims ng dalawa. “Tuwing kausap namin ang US, sinasabi nila hindi sila papanig, pero minsan, kung kausap nila ang mga Hapon o tuwing nagpapahayag sa publiko, iba naman ang sinasabi nila,” sabi ni Cui Tiankai, embahador ng China sa US, noong Mayo 2013. Kamakailan, sinabi rin ni dating Sen. Leticia Ramos-Shahani ang matagal nang sinasabi ng maraming eksperto: Hindi poprotektahan ng US ang Pilipinas sa sigalot nito sa China. Kailangan umanong
simulan na ng Pilipinas ang “mas independiyenteng” polisisyang panlabas. “Darating ang panahon, matatanto nating kailangan nating mamuhay nang mapayapa bilang mga kapitbahay,” sabi pa ni Shahani. 4. Narito ang tropang militar ng US para protektahan ang mga negosyo nito. Sa inilabas ng US Department of Defense na dokumentong “Sustaining US Global Leadership: Priorities for 21st Century Defense,” na nagbabalangkas ng “bagong” US defense strategy na may diin sa AsyaPasipiko at Middle East. Sa maiksing salita, layunin ng mas matinding presensiyang militar ng US sa AsyaPasipiko ang pagkontrol sa ayon dito’y “global commons” (karagatan at himpapawid) na susing ugnay sa pandaigdigang sistema ng kalakalan, gayundin sa “anti-access and area denial environments”(undersea,
tingnan ang US-RP | p. 6