Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 530)

Page 1

PAHIYAS FESTIVAL. Sa esensya, ipinagdiriwang ang Pahiyas Festival tuwing ika-15 ng Mayo bilang pasasalamat ng mga magsasaka kay San Isidro Labrador dahil sa kanilang masaganang ani. Kinapapalooban ito ng mga tradisyon tulad ng paglalagay ng palamuti gaya ng makukulay na kiping sa mga bahay. Sa ngayon, nagsisilbi itong magarbong kompetisyon sa pamamagitan ng pagandahan ng gayak ng mga bahay dahil sa pagsulpot ng tinatawag na komodipikasyon na tumutukoy sa pagkakaroon ng kapalit na salapi ng isang bagay o kultura. Michael Alegre / Mga larawang kuha ni Aaron Bonette

ANG Mayo 19 – Mayo 25, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 530

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Tensyon dahil sa “pulitika”

Alitan sa pagitan ni Mayor Torres at Dr. Ramoso, tumitindi? ni Raffy Sarnate

S

AMPALOC, QUEZON – Tensyonado ang ilang mga kawani at mamamayan ng bayan ng Sampaloc, Quezon dahilan sa kasalukuyang political drama sa pagitan nina incumbent Mayor

Emmanuel Jesus “Naning” Salayo Torres at Dr. Rani Balo Ramoso na nag-ugat sa usapin ng budget ng gamot ng Municipal Health Unit. Diumano’y nag-umpisa ang tensyon sa pagitan ng dalawa nitong

nakaraang Lunes ng dakong 9:00 ng umaga sa isang Municipal Asembly sa Sampaloc Municipal Hall Lobby. Habang ang “biktima” umano ay aksidenteng pinasagot ng report si PSI Reynaldo Belarmino Hepe ng

Sampaloc PNP hinggil sa badyet ng gamot para sa kanilang Rural Health Unit. Dahil dito ay nag-react umano tingnan ang ALITAN | p. 3

BM Reyes assails Quezon jail officials over riot by Gemi Formaran

L

UCENA CITY - A provincial board member assailed the officials of Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) over the violent commotion that took place inside the Quezon District Jail compound on Wednesday that left four inmates dead and sixteen others wounded. In his privilege speech during Monday’s session of the Sangguniang Panlalawigan,

Board Member Victor Reyes said he was very disappointed with what happened at the District Jail, and was so surprised upon learning that the inmates who engaged in a violent commotion were armed with guns and other deadly weapons. Reyes who chairs the committee on peace and order and police matters said officials of the BJMP headed by its regional director, Chief Supt. Serafin Barretto should

explain to the board why they should not be held accountable with what happened. The board member also mentioned the alleged presence of prohibited drugs inside the jail facility, and the rumors that many of the inmates who staged riot at the jail were “high” on drugs.. “I was present when the BJMP under Gen. Barretto was taking over the management see BM REYES | p. 3

Mahigit sa 500 mga estudyante, nagtapos sa LMSTC

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Tinatayang mahigit sa 500 mga estudyante ng Lucena Manpower Skills Training Center ang nagsipagtapos sa iba’t-ibang kurso kamakailan sa Event Theater ng Pacific Mall. Masayang tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang certificate na kung saan ay binuno nila ito sa loob ng apat na buwang pagsasanay.

Naging panauhing pandangal sa naturang graduation rites sina Councilor Third Alcala, City Administrator Anacleto “Jun” Alcala at Executive Assistant II Engr. Nelson Singson. Sa naging pananalita ni Councilor Third Alcala, binati nito ang mga nagsipagtapos at sinabing isang malaking accomplishment na ng mga ito ang kanilang natapos lalo pa at sa pagtatayo ng inaabangang kauna-unahang industrial park sa Lucena ay

maari na silang magkaroon ng trabaho at gayunrin kapag ito ay naisakatuparan na. Hindi na rin kinakailangan pa ng mga ito na dumayo pa sa ibang kalapit na lalawigan upang magkaroon ng trabaho dahil dito pa lamang sa atin ay maari na silang magkatrabaho kahit na sa kanilang tahanan lamang dahilan sa mga natutunan nila sa LMSTC. Ayon naman kay City Administrator Jun Alcala,

tingnan ang LMSTC | p. 3

Ang sining ay isang paraan ng pakikisangkot. Napatunayan na ng kasaysayan na ang mga artistang nagsusulong ng sining na nakikisangkot ay may kakayahang humubog ng isang lipunang makatuwiran. Ang sining, kung gayon, ay gumagampan ng mahalagang papel upang hamunin ang kasalukuyang kaayusan ng lipunan. Gayundin, ang pagpipinta ng larawan, paglikha ng tula at awit, at pagtatanghal ng dula ay maaaring maging mitsa ng digmaan. Artist Arrest / Grapiks ni Aaron Bonette

Gotcha Spammers

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4 THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

Mga kolorum na tricycle, planong pagkalooban ng prangkisa ng PIO-VVM

L

UCENA CITY – Muling nabigyan ng pag-asa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga na namamasada ng tricycle na walang prangkisa sa Ilayang Talim matapos na daluhan ng alkalde ang kanilang Oath taking ceremony noong nakaraang linggo para sa kanilang bagong sets of officer. Sa pananalita ni Mayor Dondon Alcala, sinabi niya na nais niyang masolusyunan ang kawalan ng prangkisa sa maraming namamasada hindi

lamang sa Ilayang Talim kundi maging sa buong lungsod ng Lucena sa pamamagitan ng pag-iisyu ng prangkisa sa mga karapat-dapat na pagkalooban nito. Nang tanungin ng alkalde kung ilan sa kasalukuyang miyembro ng TODA-Ilayang Talim ang may prangkisa, lumabas na mula sa 92 miyembro nito ay 10 lamang ang lehitimo o legal na dapat ay namamasada kaya naman ipinangako ng alkalde na gagawan niya ng paraan na may 82 iba pa ay magkaroon ng prangkisa.

Kaugnay nito, ipinaliwanag rin ng alkalde ang plano nila na paglalagay ng kulay o color coding sa bawat tricycle upang hindi lumampas sa lugar na dapat lamang nilang pamasadahan ang bawat tricycle, sa ganitong sistema kasi ay hindi maiipon at maglahok-lahok ang bawat TODA at mas madali rin aniya na matutukoy kung aling mga tricycle ang lumalampas sa kanilang linya. Ayon sa alkalde, napakahalaga na maiayos ang sistema at mga tamang lugar ng bawat TODA lalo

ARAW NI SAN ISIDRO. Taun-taon ay ginugunita ng Simbahang Katoliko ang paggunita sa Pyesta ni San Isidro. Ito ay paggunita at pasasalamat para sa masaganang ani at mga pagkaing biyaya ng bukid sa mamamayang Pilipino. Kinay Abuel

BFAR, muling namahagi ng mga bangka para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda ni Ronald Lim

ng mga tauhan ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries UNGSOD NG LUCENA - and Aquatic Resources (DATinatayang mahigit sa 1,000 BFAR) kamakailan sa ilan daang mga bangka ang ipinamagay mga mangingisda sa Leyte na naapektuhan ng bagyong Yolanda. Mismong si BFAR National Director Asis Perez ang nanguna sa naturang aktibidad na isinagawa sa Balyuan, Tacloban City kasama si Tacloban City Mayor Alfred Romuladez at ilang mga local chief executives ng Region 8. Ang nasabing programa ay ang ika-anim ng turnover ceremonies kung saan ay nagsilbing highlight nito ay ang pagkukumpleto sa pamamahagi ng Bangka sa ilalim ng programang Ahon ng ahensyang nabanggit. Ang Ahon project ng BFAR ay inilunsad ng ahensiya na nakatuon sa pagtulong sa muling pagtataguyod ng

L

HARANA NI ANDREW. Hinarana ng sikat na komedyante at singer na si Andrew E ang isang miyembro ng third sex sa isang pyestahan sa isang barangay sa Buenavista, Quezon nitong nakaraang linggo. Photo credits: Marla Navarro

kabuhayan ng mga pamilyang namumuhay sa pangingisda na natira sa tinatawag na Yolanda Avenue. Sa ngayon ay umabot na sa tinatayang mahigit na 24, 000 mga bangka ang naayos at patuloy na inaayos ng BFAR na siyang ipinamahagi sa rehiyon ng 4B, 6, 7, at 8. Ayon sa ulat ng naturang ahensya, umaabot na sa 75% sa target na mahigit 32, 000 bangka ang ngayon ay kanilang naayos at naipamahagi na. Bukod sa mga ipinamigay na bangka, nagbigay rin ang ahensya ng cash incentive na nagkakahalaga ng P1,500 sa bawat mangingisda bilang kapalit sa kanilang sariling kontribusyon sa pag-aayos at pagbuo ng kani-kanilang sariling bangka bukod pa ang ilang mga kagamitang pangingisda na ibinigay sa mga ito. ADN

WWW.ISSUU.COM/ ANGDIARYONATIN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

na sa bahagi ng Ilaya at Ibabang Talim, kabilang na sa Brgy. Salinas dahil sa mga susunod na araw ay posible ng pasimulan dito ang industrial

park. Masayang-masaya naman ang mga miyembro ng TODAIlayang Talim sa magandang mensahe na inihatid ng

Gandang Lola 2014

Mga kalahok, ipinagmamalaki ni Chairman Gerry Dela Cruz ng PIO Lucena/Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Sa isinagawang unang executive meeting ng mga komitiba ng Pasayahan sa bulwagan ng Sangguniang Panglungsod kamakailan, ay lubos na ipinagmalaki ng Kapitan ng Brgy. 9 at Chairman ng Gandang Lola 2014 na si Gerry Dela Cruz at ang mga kalahok sa patimpalak na binanggit at sa mga kakayahan ng mga ito. Sa pagpupulong na ito, ay walang-sawang pagpupuri para sa mga lolang kandidata sa pinakaaabangang patimpalak, ang ipinarating ni Dela Cruz sa bawat miyembro ng komitiba na dumalo sa aktibidad. Sa isang pagkakataon dito, ay isa-isang pinuntahan ng chairman ng Gandang Lola ang bawat may hawak ng mga komitiba, upang maipakita sa mga ito ang larawan ng

mga lola na naka-swim suit na nakaimbak sa kaniyang cellphone. Ayon kay Dela Cruz, ay kaabang-abang aniya ang naturang patimpalak na isasagawa sa ika-26 ng buwang ito, sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Pasayahan 2014, dahil sa magaganda at napaka-talentado ng kaniyang mga alagang kalahok dito; bukod pa sa pagiging “may asim” pa ng mga ito. Labis naman ang naging tuwa ng lahat ng mga nagsipagdalo at nakasaksi sa executive meeting na binanggit, sa naging presentasyon ni Chairman Dela Cruz na nagpakita lamang ng kaniyang determinasyon at ng kaniyang pagtitiwala sa kaniyang mga kandidata na magiging matagumpay ang kaniyang pinanghahawakang natatanging programa sa pinananabikang selebrasyon ng Pasayahan sa Lucena 2014. ADN

Mga kalahok, handang-handa nang rumampa ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Handang handa nang rumampa at magpakitang gilas ang mga kalahok sa Gandang Lola 2014 pageant nitong nakaraang linggo. Bagamat masasabing may edad na ang mga candidates sa nasabing event, ay hindi pa rin nagpahuli ang mga ito at sinabing kayang kaya pa nilang makipagsabayan sa mga

MAY ASIM PA! Ang mga kandidata ng Gandang Lola 2014 na masayang nagpose habang nakasuot ng swimsuit na siya namang kaaabangan ng mga Lucenahin. Contributed by Raffy Sarnate

kalahok ng Bb. Pasayahan 2014. Todo na ang ginagawang pag-eensayo ng mga ito sa kanilang production number na tiyak na kaaabangan ng mga Lucenahin. Ayon pa sa Chairman ng nasabing event na si Kapitan Gerry Dela Cruz, kaabangabang rin ang isang portion ng patimpalak na kung saan ay makikita ang mga kandidata dito na nakasuot ng swim suit. Kitang –kita naman sa mga Gandang Lola 2014 candidates ang paggiging competitive nito sa isa’t-isa ngunit makikita rin sa mga ito ang pagiging enjoy sa kanilang ginagawa. Ang Gandang Lola event ay nasa pangalawang taon na sa ngayon at ayon sa mga kinauukulan ay patuloy nila itong mas pagagandahin pa sa mga darating na taon. Gaganapin ang naturang aktibidad sa ika-26 ng Mayo sa ganap na alas-9 ng gabi na kung saan ay magiging host dito ang dating news anchor at ngayon ay kongresista ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Laguna na si Sol Aragones at JC Cuadrado habang aawitan naman ni Raymond Lauchenco ang mga kandidata dito bilang guest singer. ADN


ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

Ang Diaryo Natin

ALITAN mula sa p. 1 ang Punong-alkalde Naning Torres at sinabi sa biktima na “sandali lang antayin mo ako diyan, kukuha ako ng baril.” Dahil dito ay nagkaroon umano ng nerbyos ang biktima habang siya ay nagsasalita ay bigla na lamang nawala ang sound ng Sound System na hinihinala umano niyang sadyang pinatay para hindi na maipagpatuloy ang iba pa niyang sasabihin na huwag malaman ang taumbayan at kanyang mga kaalyadong konsehal.

Tahasang sinabi naman ni Mayor Torres na wala siyang hawak na baril kundi “mike” lang sapagkat hindi niya magagawang pumatay ng tao. Ani Mayor Torres, kaya lamang umano niya nasabi niya iyon ay dahil sa “silakbo” ng kanyang dugo at dahil umano ay pinupulitika lamang siya dahil ang kanyang asawang si Ranchette Ramoso na kanyang tinalo nitong nakaraang Eleksyon. Dagdag pa rito ni Dr. Ramoso ,hirap na ang

taumbayan sa Suplay ng tubig at gamot samantalang ang kanyang lugar ay walang hinto ang daloy ng tubig. Ang isa pang kinukuwestyon ni Dr. Ramoso ay nasaan na ang 5-Million na ibinigay ni Sen. Lito Lapid ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Para naman mawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa ay namagitan na si PSI Reynaldo Belarmino, kasalukuyang hepe ng pulisya ng nasabing bayan. ADN

3

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282

E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com

BM REYES from p. 1 of Quezon District Jail from the provincial government. I still remember when the BJMP

LMSTC mula sa p. 1 patuloy ang pamahalaang panglungsod, sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, na umiisip ng mga paraan at ayuda para sa mga nag-aaral sa LMSTC upang sa pagtatapos ng mga ito ay

madali itong makakuha ng trabaho o hanapbuhay. Sa ngayon ay nag-aalok ang LMSTC ng mga kursong AutoDiesel Mechanic, Auto-electrical Wiring, Baking, Basic Computer Application, Building and

Industrial Electrician, Computer technician, Hairdressing and Beauty Care, Massage Theraphy, Refrigiration and Airconditioning, Shielded Metal Arc Welding, Dress Making, at Driving and Troubleshooting. ADN

SASASA from p. 1

BM REYES

officials assured us of a better and more efficient service”, said the visibly dismayed Reyes. He said that aside from Barretto, the jail warden and his key officials should also be heard next Monday. The melee was triggered by the inmates’ direct resistance on the transfer of their leader, Antonio Satumba to another jail facility. A murder suspect who has been jailed since 2009, Satumba is also the leader of Sigue- Sigue Sputnik Gang who has been a perennial trouble maker in the jail, that prompted a court to issue an order transferring him to another jail facility. Satumba, according to police has been instigating his followers and co- inmates to stage civil disobedience through riot regarding their disgust with the alleged jail

mismanagement. As the jail guards were about to transfer Satumba, his followers, numbering around 100 started doing a riot at the plaza of the jail compound. Earlier that day, City police director, Supt. Allen Rae Co said his office has received a letter request from Jail Warden J/ Chief Insp. Princesito Heje asking for immediate police assistance regarding fuming inmates who were causing disturbance and making trouble. Reacting on the call, a police team including those in the Special Weapons And Tactics (SWAT) rushed to the jail compound. At exactly 9:00 a.m., Co said the inmates staged a riot despite the jail officials’ repeated plea for them to calm down. But instead of heeding the call, he said the inmates started throwing stones at the jail guards and policemen while some of them who were armed with guns opened fire. Co said this prompted the authorities to defend themselves hitting some of the attacking inmates. During the melee, four of the inmates were killed while 16 others were injured. The lawmen recovered a homemade shotgun, a cal. 22 revolver, a cal. 38 revolver, 6 pieces of cartridge cases of Armalite rifle, 2 pieces of fire cartridge for cal.45 pistol and a number of improvised knives. ADN

No.1 most wanted person sa Mauban, timbog

ni Topher Reyes

M Tinatayang mahigit sa 500 mga estudyante ng Lucena Manpower Skills Training Center ang nagsipagtapos sa iba’t-ibang kurso kamakailan sa Event Theater ng Pacific Mall. Leo David

AUBAN, QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang no.1 most wanted person sa bayan ng Mauban, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Pablito Sagunto Jr., 28-anyos at residente ng

naturang lugar. Si Sagunto ay may warrant of arrest sa kaso nitong homicide na inilabas ni Hon. Judge Rodolfo Obnamia Jr. ng regional trial court, 4th Judicial Region Branch 64 ng naturang bayan. Samantala, nakakulong ngayon ang suspek sa Mauban Municipal Police Station. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

EDITORYAL

Kahandaan sa Pasukan

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Gemi Formaran | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes | Raffy Sarnate Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

DIBUHO NI POL DIVINA MULA SA COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES

B

atay sa kalendaryo ng DepEd, ang school year 2014-2015 ay mag-uumpisa sa unang Lunes ng Hunyo. Sa mga pahayag na inilabas ng DepEd nakahanda na umano sila sa muling pagbabalik-eskuwela ng milyun-milyong mga mag-aaral ngayong pasukan. Pero base naman sa ilang report ng ilang mga paaralan, marami pa rin ang hindi naisasaayos lalo na nga ang problema sa kakulangan sa mga silid-aralan. Aminin man o hindi, sadyang matinding problema na ng mga guro at school officials ay ang kakulangan ng silid-aralan. Normal at hindi na nakapagtataka. Taun-taon na lang kasi sa tuwing magbubukas ang klase, ito ang matinding kalbaryo na kinakaharap ng mga mag-aaral. Lalo pa nga daw itong sumahol dahil sa pagpapatupad ng K2-12 curriculum ayon sa ilang miron. Bukod pa rito, marami na galing sa mga pribadong paaralan ang lumipat o nag-transfer na rin sa mga public schools, ito dahil sa mataas na tuition fee sa pribadong paaralan na hindi na nakakayang matustusan ng maraming mga magulang, kaya lobo talaga ang nasa pampublikong paaralan. Hindi na tayo magtataka na ngayong Lunes, dating tanawin o problema na naranasan na sa mga nakalipas na taon, ito pa rin ang sasalubong sa Lunes, tiyak yan, baka nga lalo pang lumala, imbes na masolusyunan. Nandyan na makikita natin na nagsisiksikan sa maliit na silid-aralan ang sangkaterbang mga mag-aaral, nandyan ang nagkaklase sa ilalim ng puno o kung wala nang puno ay baka sa initan ng araw. Yan na nga ba ang sinasabi ng maraming mga guro at magulang. Hindi naman daw sila tutol na mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa, kaya nga lang sana ay inuna munang masolusyunan ang ganitong mga problema ang kakulangan sa silid-aralan at maaayos na paaralan. Aantabay na lang tayo kung paano ito haharapin ng DepEd at ng mga kinauukulan ang sitwasyong ito. ADN

M

“Ironclad commit­-ment”

alinaw pa sa mineral water ang sinabi ni Obama sa harap ng mga sundalong Pinoy at Kano, at mga opisyal ng dalawang bansa, na “The United States has an ironclad commit­ ment to defend you [Pilipinas], your security and your independence.” Pero siyempre, may ilan sa ating mga kababayan ang nagta­ taglay ng masamang ugali na “sala sa init, sala sa lamig”. Sa kabila ng deklarasyon na iyon ni Obama, may ilan pa rin na tamang duda at hindi naniniwala na sasaklolo sa atin ang mga Kano sa panahon ng digmaan. Sa unang araw ng pagdating ni Obama sa Pilipinas, nagbigay siya ng pahayag sa media na pinuna rin dahil sa ka­walan daw ng malinaw na deklarasyon ng US na sasaklolo sa bansa kapag humantong sa giyera ang agawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea. Ang kaso, mukhang bumuwelo lang si Obama at tila gi­namit ang kasabihang “save the best for last”. Dahil bago siya umalis, binitiwan niya ang pahayag na nais marinig ng mga Pinoy sa kanya na sasaklolo ang US at hindi mag-iisa ang mga kaalyado nilang bansa sa panahon ng pag-atake ng ibang bansa. Kung tutuusin, sinadya yata talagang sabihin ni Obama ang nabanggit na pahayag sa huling araw

I

ALIMPUYO Ni Criselda C. David niya sa bansa, at ginawa pa niya ito sa harap ng mga sundalo at mga beterano ng World War II kaya naman naging mas dramatiko at may diin. Gayunpaman, marami pa rin ang duda; hindi lamang sa deklarasyon mismo ni Obama kundi maging sa nilalaman ng kasunduan ng Pilipinas at US sa Visiting Forces Agreement at maging sa pinakabagong Enhanced Defense Co­ operation Agreement o EDCA. Hindi sa naghahangad tayo ng “false hope” o maling pag-asa na may prinsipeng sasagip sa Pilipinas kapag nagkaroon ng digmaan. Ngunit tila sadyang nakakapagduda naman talaga ang “ka­ tapatan” ng “kaalyado” nating bansa na nagsabing tutulong sila sa panahon ng ating kagipitan. Sabi nga ng paborito kong bandang old skool punk, “inosente lang ang nagtataka.” ADN

Ang Bagong Lucena!!!

to ang ibinabandera ng kasalukuyang administrasyon sa lungsod. Ang tanong ko lang, ano ba ang nabago sa Lucena, bukod sa dumami ang mga trak na naghahakot ng basura, bukod sa dumaming mga traffic enforcer na nagmamando ng daloy ng trapiko? Andiyan pa din ang sangkaterbang traffic violators, pansinin ang mga nakaparadang mga sasakyan na ang pag park ay kontra sa wastong daloy ng trapiko. Pansinin ang sangkatutak na mga nakabalandrang mga signage, mga upuan at iba pang harang tulad ng mga lubid na inilalagay ng mga establisimiento upangwalang mga sasakyang makaparada sa harapan ng kanilang tinadahan. Waring kasama sa binabayaran nilang Mayors Permit ang espasyo sa mga kalye sa harapan nila at walang puedeng magpark dito. Pansinin din na walang mga portable toilets na magsisilbing ihian man lang ng mga peryante, saan ba sila nagtutungo kapag nakaramdam ng tawag ng kalikasan? At higit sa lahat, alam ng lahat kung gaano kalakas ang pasugalang nagaganap sa sinasabing Carnival sa gawi ng parking space sa Pacific Mall! Ano nga bang nabago sa bagong Lucena? Lalakas ba ang loob ng mga yaan kung walang lagayang nagaganap?

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

Ang mga bulok na traffic lights ay mga bulok pa din at nananatiling pahiyas lamang, nagkalat pa din amg mga batang lansangan na araw araw mong makikita magtungo ka lang sa pangunahing lansangan. May mga pagkakataong aabutin kayo ng kulang kulang sa isang oras sa paglalakbay mula sa Red V patungo lamang ng bayan kahit walang aksidenteng nagaganap. Ang dahilan, ang pagmamaniobra ng mga ten wheeler trailer trak na nagdidiskarga sa Marktown. Hindi ba puedeng lagyan ng takdang oras ito sa mga hindi abalang oras kung kelan mabigat ang daloy ng trapiko. Sa kauna-unahang pagkakataon na nagpatawag ang Alkalde ng Pulong Balitaan, tingnan ang ANO BA YAN?!! | p. 5


ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

5

Praise the governor!

H

ad the late Quezon governor, Raffy Nantes been alive, he would have been very happy. One of his land mark projects, the Trade and Investment Center building which has been a white elephant the past few years now serves as the provincial branch office of Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) in Quezon. No less than PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas led the building’s formal opening to the public last Thursday. Atty Rojas expressed his deep gratitude to the provincial government especially to Gov. Jayjay Suarez for his generosity by allowing them to make the building their official “home” in Quezon. He was accompanied by PCSO Directors Betty Nantes and Mabel Mamba, Asst. Gen. Manager Liza Gabuyo and provincial branch manager Elaine Gatdula among their other key officials in the national and provincial level. Jayjay’s alter ego, the handsome Rommel Edaño and the sexiest provincial board member, Alona Obispo were also around. Everybody in the PCSO family that day was visibly grateful to the late governor for constructing the

building and to the still alive governor for making it more useful. I heard a fellow journalist saying that Jayjay, this time, made a right decision. “Desisyon man yan ng mommy o ng daddy ni Gov. ay kanya na din ‘yon”, said a colleague. In the first place, Jayjay has good reasons to be generous to PCSO and to Dir. Nantes. With the the latter’s effort, multi- million pesos from the PCSO funds have already gone to Quezon in the form of medical and health programs and services. If I am not mistaken, almost all the requests made by the provincial government have been granted by the PCSO. Every patient who had been endorsed by the office of the governor for financial assistance to Dir. Nantes had been accommodated. Obviously, the widow of Gov. Raffy has been prioritizing the requests of her indigent kababayans. Secondly, rumor has it that Jayjay, this early, is already courting the director’s only son, Vice- Gov. Sam Nantes to be his running mate in the 2016 polls. Jayjay knows his significant edge to his would be

GEMI A BREAK By Gemi O. Formaran opponent/s, be it an Alcala or Enverga, if Sam will be his partner. He, perhaps, feels that a Suarez- Nantes tandem will be unbeatable. Going back to the building, its original purpose as Trade and Investment center has not been served with the sudden death of Gov. Raffy. A white elephant for more or less three years, no return of investment was gained by the provincial government after spending multi- millions for the construction of that building.. With all honesty, I do praise the concerned provincial leaders of Quezon for having it transformed into PCSO provincial branch office instead of converting it to a beauty parlor or a gay bar! Praise the governor! ADN

ANO BA YAN?!! mula sa p. 4 makaraang maupo sa puesto, nangako itong gagawin ng regular buwan buwan upang maiparating sa kaalaman ng mga kababayan ang mga dapat nilang malaman. Subalit makaraan ito ay minsan lang naulit at hindi na ito nasundan pa. Hindi naman magkakarun ng pagkakataon na makatalamitan siya dahilan sa laging standing room ang kanyang tanggapan. KAYO ANG BOSS KO!!!!! Parang umaalingawngaw pa rin sa aking panadinig ang mga katagang ito na binigkas ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang inaugural speech sa Kongreso may ilang taon na ang nakakaraan. Umani ito ng napakalakas na palakpakan at kinabukasan nga ay laman ito ng front page ng lahat ng mga pahayagan. Ilang taon na ang nakaraan mula noon subalit sa ngayon ba ay matatanggap natin ng maluwag sa ating kalooban na ang mga katagang ito ay nasusunod sa kabila ng mga nagdudumilat na katotohanan hinggil sa nagaganap sa ating bansa. Maluwag pa ba nating matatanggap na ang mga taong ating pinagkakatiwalaan ay siya ngayong sentro ng mga anomaliyang kinapapalooban ng napakalaking halaga ng kwarta ng bayan? Papano masasabing umaasenso ang ating bansa gayong napakadaming pilipino amg nagugutom

at naghihirap samantalang bilyong piso ang pimaguusapang nawawala at ninakaw lamang. Ppanu masasabing naghihirap ang ating bansa gayong nakakalula ang dami ng perang sinasabing ninakaw ng mga taong ating pinagtitiwalaan. Sa kabila ng lahat, walang nais na magbitiw sa tungkulin at wala ding umaamin. Wala din namang ginagawa ang ating Pangulo, bagkus snabi nitong hindi puedeng tanggal dito tanggal doon ang dapat niyang gawin sapagkat wala pa namang napapatunayan sa mga akusasyon. tama din naman, subalit may ginawa ba siya upang alamin kung totoo ba ang mga bintang. Parang mali naman kung ang mismong mga mambabatas din ang siyang magiimbestiga sa kanilang mga kasamahan sapagkat ano man ang kalalabasan ng imbestigasyon ay magkakarun ito nf kulay na sila ay nagtatakipan lamang. Mas makabubuti marahil kung ang Pangulo ang mangunguna sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang independent body na siyan magiimbestiga, tulad halimbawa ng itinayo noon na Davide Commssion. HANGGANG NGAYON NA LANG KAYO!!! Inirehistro na umano ng mga opisyal ng isang “Ugat” ang kanilang samahan sa Securities and Exchange Commission. Ibig sabihin nito, meron na silang legal personality at hindi na puedeng

tularan o gayahin ng alinmang samahan. Bunga nito, hindi na umano magkakarun ng kalituhan sa panig ng mga Lucenahin at mga observer kung sino o alin ba sa dalawang samahan ng “UGAT”. Yung isa kasing UGAT ay magdaraos ng kanilang kasayahan sa ika-24 nito at yung isa naman ay sa katapusan ng buwang kasalukuyan. Magkasundo na kasi kayo hehehe. ANG BAGONG TAHANAN NG PCSO Meron nang bagong tahanan ang mga taga PCSO. Ito ay ang building ng Trade and Investment Center ng lalawigan ng Quezon na ayon sa ilan ay itinayo noong kapanahunan pa ng yumaong Gobernador Rafael P.Nantes. Inuupahan ito ng PCSO mula sa Provincial Government sa halagang piso isang taon at may kontratang isang taon lang renewable daw taun taon. Nagkarun tayo ng pagkakataon makaharap ang mga opisyal ng PCSO na ngayon ay pinamumunuan ni General Manager at Acting Chairman Jose Ferdinand Rojas kasama sina Directors Betty B. Nantes,Mabel Mamba, Assistant General Liza Gabuyo at Provincial Head Lady Elaine Gatdula. Sa ginanap na Pulong Balitaan, inamin ni Director Betty Nantes na nakahanda syang lumaban bilang Komgresista ng Unang Distrito ng Lalawigan kung tutulungan siya. Yahoo!!! ADN

Apat na Binyagang Bayan, Magsasaka, natagpuang isinagawa sa Ibabang Talim patay sa Lucban, Quezon

ng PIO Lucena/R. Lim

L

UNGSOD NG LUCENA - Kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng barangay, apat na magkakahiwalay na Binyagang Bayan ang isinagawa sa Brgy. Ibabang Talim sa lungsod na ito nitong nakaraang linggo. Ang nabanggit na Binyagang Bayan ay isinagawa sa mga purok ng Diway Nagkaisa, Ligaa, Bagong Buhay at Masayahin. Tinatayang mahigit sa otsentang mga bata ang nabiyayaan ng naturang aktibidad na libreng ipinagkaloob ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala para sa mga Lucenahing walang kakayanang makapagpabinyag.

Pinangunahan ni Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena ang aktibidad kasama ang kapatin ng Brgy. Ibabang Talim na si Rolly Ebreo. Labis namang nagpasalamat ang mga magulang ng batang nabinyagan kay Mayor Dondon Alcala sa ginawang libreng pagpapabinyag dahil sa nagkaroon sila nang pagkakataon na mas mailapit pa ang kanilang anak sa Diyos. Ang Binyagang Bayan ay inihahatid ni Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga Lucenahing walang kakayanang mapabinyagan ang kanilang anak, maging ano pa man ang edad nito, at nagnanais na maging isang tunay na Kristiyano. ADN

ni Ronald Lim

L

UCBAN, QUEZON - Patay na ng matagpuan ng sariling anak ang kaniyang ama matapos na mahulog ito sa tabing ilog sa Lucban, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ang biktimang si Alejandro Romana, 73-ayos, magsasaka at residente ng Sitio Binusuan, Brgy. Ayuti sa naturang bayan. Batay sa ulat, pasado alas-syete ng umaga habang papatawid sa isang ilog ang isang Rolly Juacalla ng matagpuan ang biktima sa tabing

ilog na wala ng buhay at naliligo na sa sariling dugo. Agad na humingi ng tulong ang nakakita sa biktima sa mga kapitbahay nito upang dalhin ang magsasaka sa tahanan nito. Ayon pa sa ulat, naglalakad si Romana sa pilapil ng aksidente itong mahulog sa ilog na may taas na 15 piye at sa pagkakahulog nito ay tumama ang ulo nito sa isang bato na naging dahilan sa pagkasawi ng biktima. Kasalukuyan naman ngayong nakalagak ang labi ng biktima sa tahanan nito. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

Number 1 most wanted person sa Masbate, nadakip sa Lucena ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Matapos ang mahigit sa sampung taong pagtatago sa batas, bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturing na number 1 most wanted person sa bayan ng San Pascual, Masbate matapos na madakip ito sa Lungsod ng Lucena. Kinilala ang suspek na si Pablo Villapañe alyas “Ellio,” 50-anyos, mangingisda at residente ng Purok 3-A Bagong Sibul, Brgy. Dalahican sa naturang lungsod.

Inauguration ng fish hatchery sa Brgy. Kalyat, Lucban, Quezon na pinasinayaan nina Ist. Dist. Cong.Mark Enverga, Mayor Celso (Oli) Dator, Cong. Sherwin Gatchalian ng Valenzuela,at Vice Pres. Jejomar C. Binay. Raffy Sarnate

Batay sa ulat ng pulisya, nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Lucena City PNP, na kinabibilangan nina PCI William Angway Jr., PSI Richard Natividad, SPO2 Tobias Carreon, Spo1 Norman Ayala, SPO1 Adonis Loterte, PO3 Ariel Cartago, SPO3 Ferlito Mangubat, SPO1 Romeo Gaufo, PO3 Jessfer Alba at PO2 Sonnie Caringal, mga operatiba ng San Pascual, Masbate at miyembro ng QPPSC sa pangunguna ni PSupt. Ranser Evasco at SPO3 Victor Santos, ang number 1 most wanted person bandang alas dos ng hapon sa Quezon

Medical Center. Dinakip si alyas “Ello” dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Manuel Sese ng RTC Branch 45 sa Masbate City, dahil sa kaso nitong Murder. Batay sa background ng kaso, noong ika-27 ng Nobyembre ng taong 2004 sa Brgy. Boca-Chica sa bayan ng San Pascual, Masbate ay napatay ng suspek ang isang Baylon Dela Peña. Matapos maisaayos ang ilang kaukulang dokumento ay itinurn-over na rin ng Lucena PNP ang suspek sa San Pascual Police. ADN

Mayor Dondon Alcala, hindi mamimili ng pagbibigyan ng school supplies sa pasukan ng PIO Lucena/Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Dahil sa paniniwalang tapos na ang politika simula ng katatapos na eleksyon, ay hindi mamimili si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga bibigyan ng mga school supplies sa darating na pasukan. Ito ang mariing binanggit ng punong-lungsod sa isang panayam kamakailan. Ayon kay Mayor Alcala,

sa darating na pasukan ay maagang ipamamahagi ang mga libreng school supplies na binanggit sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod, at kabilang na sa mga ito ang mga kindergarten at high school na idinagdag sa dating pinamahaginan na mga public elementary school lamang. Dagdag pa ng alkalde, ang cost ng mga supplies na ipamimigay ay nasa P6M, at ang ipinamili ay ang

pinakamura, upang tiyak na mabibigyan ang lahat ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Patuloy pa rin ang pamahalaang panglungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Alcala sa pagbibigay ng ayuda sa mga kabataang mag-aaral ng lungsod, sa layuning maitaas ang antas ng edukasyon para sa mga mamamayang Lucenahin. ADN

Mayor Dondon Alcala, dumalo sa book launching ng SM City Lucena ng PIO Lucena/Francis Gilbuena

L Nagkaloob ng apat na wheelchair si Vice Pres. Jejomar Binay para sa Senior Citizen kamakalawa ng dumalaw sa quezon Mayors League sa bayan ng Lucban,Quezon. Raffy Sarnate

Dahil sa text, live-in partner nagpakamatay ni Topher Reyes

R

EAL, QUEZON – Patay na ng matagpuan malapit sa palaisdaan ang 16 anyos na babae matapos na ito ay magbikti nitong nakaraang linggo sa bayang ito. Gamit ang isang itim na nylon chord na may habang mahigit kumulang 82 pulgada, tinapos ng biktimang itinago ng pulisya sa pangalang “Ineng” ang kanyang buhay. Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at batay na rin sa salaysay ng live in partner, nito

dakong alas 4:00 ng hapon nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag live in dahil sa isang text message ng isang babae na nakita ng biktima sa celphone. Subalit kinabukasan matapos kumain ng umagahan ang mag-asawa umalis ang mister nito upang magtrabaho. Ngunit sa kanyang pagbabalik nakita na lamang nito ang biktima na nakabitin duguan ang bibig at wala ng buhay. Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. ADN

UCENA CITY – Bilang pakikiisa sa mga programa ng mga pribadong kompanya sa lungsod ng Lucena, ay dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang book launching ng SM City Lucena kamakalawa ng hapon. Ang naturang libro na inilunsad sa nasabing okasyon, na may pamagat na “My City, My SM, My Cuisine, ay bunga ng programa ng SM Group na nakatuon sa pagtatanghal ng mga recipe ng masasarap na lutuin sa bawat rehiyon sa bansa, tulad ng Southern, Central at Northern Luzon, Visayas at Mindanao, bilang pagkilala at pagsusukli sa mga ito, sa ginagawang pagtangkilik sa kanilang mga malls. Sa pagkakataong ito ay nakadaupangpalad ni Mayor Alcala ang mga opisyales ng SM Group na sina Vice President Millie Dizon, SM City Mall Manager Maricel Alquiroz, Asst. Mall Manager Russel Aguirre at Public

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Relations Manager Lilibeth Azores. Dumalo rin sa okasyong ito ang mga kilalang katauhan sa larangan ng food business sa lalawigan at sa lungsod ng Lucena na sina Don Ado Escudero ng Villa Escudero, Chuchay Marasigan ng Luisa and Daughter’s Restaurant, Malou Martinez ng F&M Catering, Ugu Bigyan, James Cooper at Milada Dealo Valde na nagpadala ng kanilang mga kinatawan para sa pagkilalang naganap. Sa pagtatapos ng

programa ay pormal na itinurn-over ng pamunuan ng SM City Lucena kay Mayor Alcala ang kopya ng pinagpipitaganang libro bilang pagkilala sa Lungsod ng Lucena na malugod namang tinanggap ng alkalde, at sa kaniyang pagsalita ay pinasalamatan nito ang SM City at pabiro pa nitong binanggit na magagamit niya aniya ang librong ito dahil sa bagama’t hindi siya marunong magluto, ay mahilig namang aniya siyang kumain. ADN

Ang Q9 Team at mga English teachers ng San Francisco, Quezon na dumalo sa pamprubinsyang K+12 Curriculum Training sa MSEUF Lucena nitong nakaraang linggo. Byron Cuerdo


ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

7

PCSO thanks Suarez for new “home” in Quezon

by Gemi Formaran

T

AYABAS CITY - Officials of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) yesterday thanked the provincial government of Quezon for allowing them to use the Trade and Investment Center building as its provincial branch office in Quezon. PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas led the inauguration of the building situated along Maharlika Highway, Bgy. Isabang, here, which was also attended by PCSO directors Betty Nantes and Mabel Mamba, assistant general manager Liza Gabuyo and proviancial branch manager Elaine Gatdula. Also present were Quezon provincial administrator Rommel Edaño, provincial board member Alona Obispo and other key officials of the PCSO. During their speech, Rojas, Nantes and Mamba expressed their gratefulness to Quezon Gov. David Suarez for granting their request to use the said two- storey building which

was constructed during the incumbency of the late governor Rafael Nantes who died on chopper crash on May 17, 2010. Based on a Memorandum of Agreement signed by the provincial government and the PCSO, the latter will be paying P1 per year for the use of the facility. Rojas said the amount that will be saved by the PCSO will also be given to Quezonians in different forms. He said that from P4 Million a year during the Arroyo administration, the PCSO has been providing P16 Million a day to the public through its health and medical assistance programs. Rojas said the more the public patronizes the PCSO games like the Philippine Lotto and Small Town Lottery (STL), the more financial assistance they give back to the people. In a press conference, Rojas belied reports that STL will be replaced by “Bingo Milyonaryo,” another numbers game sanctioned by the PCSO. “Its not true! STL is a

regular game of the PCSO unlike Bingo Milyonaryo which started its operation only less than a year ago”, said Rojas. In Quezon, the Sangguniang Panlalawigan headed by its presiding officer, Vice- Gov. Sam Nantes, had passed a resolution reiterating its support to the continuous operation of Pirouette. The measure was authored by Provincial Board Member Donaldo Suarez, elder brother of Quezon Gov. David Suarez and was unanimously approved by the board members. Suarez said the current operation of Pirouette in Quezon has greatly benefited the province through the remittance of proper local taxes unlike the operation of Bingo Milyonaryo, which according to him, “has not benefited the local government of Quezon since not a single centavo has been remitted to its coffers as payment of local taxes”. The Quezon Mayors League had also passed similar resolution supporting the

Mayor Dondon Alcala, namahagi ng honorarium para sa mga Barangay Justices ng lungsod ng PIO Lucena/Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Bilang pagpapatuloy ng pagbibigay ng ayuda sa bawat barangay ay namahagi ng honorarium para sa mga barangay justices ng lungsod si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. Sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa Punzalan Gym, na kilala na ngayon bilang City Sports Arena, sa Brgy. 5, ay personal na tumungo dito ang punong lungsod upang isa-isang mabigyan ng tinatawag na honorarium ang bawat dumalong miyembro ng lupong

tagapamayapa mula sa iba’tibang lugar sa lungsod, sa programang “Distribution of 1st Quarter Barangay Justice Honorarium” ng Pamahalaang Panglungsod. Sa kaniyang naging pagsalita sa okasyon na ito, ay pinuri ni Mayor Alcala ang mga miyembro ng lupon at binanggit nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga barangay justice, na lubos ang maiaambag sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang naasakupang barangay. Ayon pa sa alkalde, kaugnay ng isinasagawang programa ng kaniyang

administrasyon na kung saan ay nakapaloob ang pagsasagawa ng mga seminar para sa mga opisyal ng mga barangay, ay bibigyan aniya niya ng pagkakataon na magkaroon ng sariling seminar ang mga barangay justice, upang lalo pang mapaganda ang serbisyong ibinibigay ng mga ito sa mga mamamayan. Lubos naman ang naging pasasalamat ng mahigit sa tatlong daang mga lupon members na dumalo sa aktibidad dahil sa panahon at pagkilala na ibinigay sa kanila ng punong lungsod sa pagkakataong ito.

operation STL and rejecting the operation of Bingo Milyonaryo. The move was unanimously approved by the league headed

PCSO General Manager and acting Chairman Jose Ferdinand Rojas (right) leads the inauguration of PCSO- Quezon provincial branch office at the Trade and Investment Center building. With Rojas (from left) are provincial board member Alona Obispo, Dir. Betty Nantes, Asst. Gen. Manager Liza Gabuyo and Dir. Mabel Mamba. Gemi Formaran

Mayor Dondon Alcala, pinuri ang tanggapan ng TFRO ng PIO Lucena/ R. Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Dahil sa ipinakikitang kasipagan at maayos na trabaho, pinuri ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang hepe at mga tauhan ng tanggapan ng Tricycle Franchising Regulatory Office o TFRO. Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang papuring ito sa isinagawang oath taking ceremony ng mga opisyal ng Ilayang Talim TODA kamakilan. Ayon kay Mayor Alcala, naging maayos na ang naturang tanggapan at naging malinis na rin ang mga transaksyon dito. Kung dati-rati aniya ay may mga nagaganap na bentahan ng mga prangkisa dito, paninikil sa mga tricycle driver at kapag malakas sa TFRO ay napagkakalooban ito ng mahigit pa sa sampung prangkisa, sa ngayon ay hindi na ito nagaganap sa nabanggit na ahensya.

Kung matatandaan, isa sa mga pinoproblema at inirereklamong ahensya ng pamahalaang panglungsod noong nakaraang panahon ang TFRO dahilan sa mga anumalyang transaksyon dito. Ilan sa mga inirereklamo dito ay ang tinatawag na “palakasan at lagayan system” na kung saan ay kapag may kakilala o malakas sa mga tauhan dito ay madali kang makakakuha ng prankisa ng tricycle at ang iba pa ay hindi na dumadaan sa tamang proseso. Ayon pa sa alkalde, isa ring dahilan kung bakit nagtutungo siya sa mga oath taking ng mga TODA sa lungsod ay upang alamin rin sa mga ito ang kanilang mga problema at nang malaman kung ano ang dapat gawin para dito. Siniguro naman ni Mayor Dondon Alcala na nakahanda ang pamahalaang panglungsod na tumulong at agapayan ang lahat ng TODA sa Lucena sa abot ng kanilang makakaya. ADN

Dalawang katao, patay sa banggaan ng truck at bus ni Topher Reyes

T

“Distribution of 1st Quarter Barangay Justice Honorarium” ng Pamahalaang Panglungsod sa Punzalan Gym nitong nakaraang linggo. Leo David

by its president, Catanauan, Quezon Mayor Ramon Orfanel. STL is being run by Pirouette Corporation. ADN

IAONG, QUEZON - Patay ang dalawang katao sa isa na namang aksidente sa kalsada na kinasangkutan ng truck at pampasaherong bus sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon nitong nakaraang linggo. Sa inisyal na imbestigasyon ng Tiaong Police, pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng 10-wheeler truck na si Jesus Granada patungo sa direksyon ng Bicol kung kaya bumangga sa kasalubong na Raymond Bus patungong

Maynila na minamaneho ng driver na si Elizalde ebias. Tinangka pa sanang iwasan ng bus ang truck ngunit hindi na ito nakontrol pa ng driver. Kabilang umano sa dalawang namatay ay isang bata nakilala ng pulisya na si Precious Denise Siruma, tatlong taong gulang at naninirahan sa Cabuyao, Laguna. Kinilala rin mga mga awtoridad ang isa pang nasawi sa aksidente na si Niel Tabuzo na tubong camarines sur Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang pangyayari. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

MAYO 19 - MAYO 25, 2014

DIARYO NATIN

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 530

Mayo 19 - Mayo 25, 2014

18 na kaso ng pandurukot sa Pahiyas Festival, napaulat sa Lucban

1

8 na mga lokal na turista na dumayo sa Pahiyas Festival kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Patrong San Isidro Labrador sa bayan ng Lucban ang mga naging biktima ng mga mandurukot na regular ding nagtutungo dito sa ganitong okasyon. Kabilang sa mga naging biktima sina Victoria Cesario mg Tanauan, Batangas, Ma. victoria Duran ng Caloocan City, Corazon Jurok ng Valenzuela City; Delia Orbina ng Morong,Bataan; Arlene Delesporo ng Muntinlupa City; Hazel Galang ng Makati; Rosemarie

Reyes ng Lopez, Quezon, Shalimar Espino ng San Pablo City at Teodorico Zaragoza ng Alabang Village. Nabiktima din ng mga mandurukot ang kastilang si Angelo Sospedra; maging ang disable na si gng Soledad Camanag ng Muntinlupa ay nanakawan ng mini apple ipad. Wallet naman amg nadukot kay Robert Villon ng Cebu City, samantala natangay naman ang bag ng biktimang si Melissa Vermaak. Si Nino Quimpo naman ay nadukutan ng Samsung S4 na nasa unahang bulsa nito samantalang Samsung tab2 naman ang nakuha sa body bag ni Via Zubia.

Maging ang retiradong pulis mula sa Sampaloc , Manila na si Alberto Sison ay nakunan din ng kanyang wallet. Ang14 na taong gulang na si Joyce Estrellado ay nawalan ng Samsung S4 at black Nokia cellphone. Si Gng Gliceria abustan deveza naman ay napasok ang bahay at napagnakawan ng pera at mahahalagang kagamitan. Nagsikip ang tanggapan ng pulisiya dahilan sa mga nagreklamo samantalang isang mandurukot ang nahuli sa aktong dinudukutan ang bag ni Gemma Agapay. Kinilala ang suspek na si Ana Arellano ng Lucena City na ngayon ay nakakulong na. ADN

Sapat na paghahanda sa pagdating ng bagyo, nararapat gawin –Kon. Amer Lacerna ni Topher Reyes

L Pormal na nanumpa sa harapan ni Mayor Dondon Alcala at Kapt. Rey Rosales ang mga bagong halal na opisyales ng Tricycle Operators’ and Drivers’ Association (TODA) ng Brgy. Ilayang Talim nitong nakaraang linggo. Leo David

No. 1 Most Wanted Person sa Gumaca, arestado ni Topher Reyes

G

UMACA, QUEZON – Natimbog ng pinagsanib na pwersa ng Gumaca PNP at 85th Infantry Battalion ng Philippine Army ang No.1 Most Wanted Person sa bayan

ng Gumaca, lalawigang ito nitong nakaraang linggo. Kinilala ng mga awtoridad ang inaresto na si Angelito Perez, 48-anyos at residente ng Brgy. Hagakhakin ng nasabing bayan. Ang warrant of arrest

ay inilabas ni Hon. Judge Napoleon Matienzo ng RTC Branch 62 dahil sa kasong 2 counts of rape laban sa suspek na si Angelito. S a m a n t a l a , kasalukuyang nakapiit ngayon sa Gumaca Municipal Police Station lock up jail si Perez. ADN

UNGSOD NG LUCENA - Dahil sa pabagobagong lagay ng panahon ngayon sa ating bansa dulot ng global warming, nararapat lamang na paghandaan natin ito para na rin sa ating kapakanan. At dahil rin dito, nais ni Councilor Americo Lacerna na pagtuunan ng pansin ng pamahalaang panglungsod ang paghahanda para sa mga bagyo at maging ang lahat ng kalamidad na paparating sa ating bansa.

URBAN POOR EMPOWERMENT. Pormal na nanumapa sa harapan ni UPAD chief Edilberto Caday ang mga bagong halal na opisyal ng Munting Paraiso Ibabang Iyam Homeowners Association sa pangunguna ni President Gloria E. de Leon. Leo David

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Ayon kay Councilor Lacerna, nararapat lamang na ngayon pa lamang ay maging handa na ating lokal na pamahalaan sa pagdating ng mga kalamidad upang maiwasan ang magiging biktima nito. Nais na patutukan ng pansin ni Konsehal Amer Lacerna sa mga kinauukulan ang mga mamamayang naninirahan sa mga baybaying ilog at karagatan gayundin ang mga Lucenahing malalayo sa kabayanan at mga residenteng nakatira sa tahanang may mahinang

pundasyon. Nararapat din aniyang mapaghandaan ang mga evacuation centers ng bawat barangay at ang mga rescuers na handing tumulong sa oras ng pangangailangan gayunrin ang mga pagkain at kaukulang gamot na maaring magamit sa oras ng sakuna. Kung matatandaan, una ng nagpalabas ng ulat ang PAG-ASA ng mga pangalang maaring gamitin sa paparating na bagyo sa bansa na kung saan ay kinabibilangan ito ng nasa mahigit na 30. ADN

GRAPHICS BY AARON BONETTE

ni Johnny Glorioso


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.