3 minute read

ang PinakamimithingTagumpay! Korona

Costa

Advertisement

kandidoʼt kandidata subalit naaaninag pa rin ang kanilang pusong naghahabulang mga daga sa kanilang dibdib habang rumarampa, ngunit ang kanilang larang ay kitang-kita para sa pangarap na titulo. Sa bawat laban, may Sino nga ba ang maswerteng nakakuha ng korona? Kilalanin natin ang

Ano ang mensaheng gusto mong ipaabot sa mga nais pang sumali sa ganitong patimpalak?

“Nais kong sabihin na huwag silang panghinaan ng loob, dahil kung nais mo ang isang bagay makakamit mo ito sa pagsisikap. Kapag determinado ka, walang imposible. Kahit na ano pa man ang kaharapin mo, huwag sumuko.”

Ano ang plano mo matapos manalo?

“Nais kong makatulong sa abot ng aking makakaya, at ipakita na kahit na nasa akin na ang korona hindi pa rin ako magbabago. Patuloy akong magsusumikap at magiging inspirasyon para sa iba pang mag-aaral.”

Ano ang iyong kasagutan na siyang naging daan ng iyong pagkapanalo?

“Yes it is important to seek excellence in all aspects of our lives because through this we will feel happy, have inner satisfaction or contentment and do good to others as well. We can only achieve excellence by making it as our top priority. We should grow, learn, work hard, work smart, and do everything that our future self will thank us for.”

Ang lahat ng pagod, kaba at pagsusumikap niyaʼy hindi nasayang. Napatunayan niyang karapat-dapat siyang hiranging Ms. Campus Bet 2023 mula sa 9-Einstein, siya ay si Roreza Thadea Raga.

Likas na sa kaugaliang Pilipino ang pagiging maaruga, mababait at may matinding pananampalataya. Ito ay kapansin-pansin sa dami ng namamanata at nagsisimba sa alin mang simbahang nakalagak sa ibaʼt ibang panig ng bansa.

Tinatayang 600,000 simbahan sa Pilipinas, di pa kasama ang mga kapilyang nagtataglay ng kani-kaniyang katangian, istraktura at nirerepresentang santo.

Sa hindi mabilang na simbahan sa probinsya ng Leyte, itinuturing na isa sa pinakamalaking simbahang naipatayo ang Our Lady of Immaculate Conception Parish ng Burauen. Ipinagdaraos ang kapistahan sa nasabing parokya tuwing Disyembre 8.

Noong ika-3 ng Hunyo sa taong 1804, ang parokya ng Burauen ay nagpasakop sa Immaculate Conception of Mary sa tulong ni Fr. Pedro Gomez. Sa paglipas ng 54 na taon, noong 1858 si Fr. Francisco Lopez ay nanguna naman sa pagpapatayo ng simbahan sa lawak na 186 talampakan at 48 espasyo. Sa panahong ito, itinuturing itong pinakamalaking Katolikong simbahan sa buong probinsiya ng Leyte. Ngunit sa paglipas ng panahon marami na ang naipatayong mas malalaking simbahan.

Ang dating itsura nito na mas payak at simpleng disenyo ay unti-unting binago hindi lamang ng panahon maging ng sakuna at pandemya. Dahil dito, ilang kura paruko ang naghangad na maisaayos at mapaganda ang naturang simbahan. Sinimulan ni Msgr. Jaime C. Villanueva ang unang pagplaplano.

Noong taong 2014, matapos ang pananalasa na itinuturing na pinakamalakas na bagyong sumalanta sa Samar at Leyte, mas lumala ang sira ng simbahang ito. Ngunit sa pangunguna ng bagong pari na si Rev. Fr. Ambrosio “Butch” Avelino Jr., ang plano ay naisakatuparan. Iginaya sa Arkitektural na Gotiko ang disenyo na nagmula pa sa Europa sa ika-12 siglo.

Sa kabuuan, halos pitumpung porsyento na ang natapos sa pagsasaayos at pagpapaganda ng simbahan. At sa susunod na taon, mag-iisang dekada na ito simula nang maumpisahan ang konstruksyon ng simbahan.

Paano maging close

Isang mahirap na pahina sa buhay-estudyante ang makaranas ng hagupit ng isang terror teacher. Iyun bang hakbang pa lang niyaʼy namumutitik na sa pawis ang buo mong katawan.

Marahil isa ka sa mga nagtatanong nito, paano ba maging close sa terror teacher?

Narito ang ilang tips:

Pagpasok niya, agad itong batiin nang may masayang mukha. Batiin rin siya sa tuwing makakasalubong sa daan at try mong mag “finger heart”.

Huwag maunang magbiro at ʻpag siya na ang nagbiro, tawanan mo kahit hindi mo gets masyado.

Maging mapagtanong sa klase dahil ibig sabihin nito, interesado ka sa kanyang leksyon. Wag lang OA, baka mairita pa siya saʼyo.

Palaging gawin ang takdang-aralin dahil ang terror teacher, kailanmaʼy hindi makakalimutang hingin ito.

Sundin ang kanyang mga ipinagbabawal. Breath. Be cool kahit nasasaid ka na.

Kung ikaw ay kanyang pagagalitan, dumepensa ka pero siguraduhin mong tama ka at maisasaad mo ito sa tamang paraan.

Huwag matakot pagsabihan siya ng compliment. Hindi ka man niya pansinin pero deep inside “salamat” ang gusto niyang sabihin.

Huwag subukang sumalungat sa mga sinasabi niya. Sumang-ayon ka lang kahit alam mong mali siya.

Try mong humugot lines sa recitation, siguradong matatawa siya saʼyo.

Add mo siya sa fb at like mo status niya.

Kung effective ang tips na ito, i-share mo sa mga kaibigan mo, para silaʼy mapa

This article is from: