6 minute read
Tama na ang stigma
Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.
Advertisement
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mental at behavioral disorder ay humigit kumulang 14% ng pandaigdigang pasanin ng sakit at aabot sa 450 milyong tao ang dumaranas ng mga sakit na ito. Ang Philippine WHO Special Initiative for Mental Health na isinagawa sa unang bahagi ng 2020 ay nagpapakita na hindi bababa sa 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng isang uri ng mental, neurological, at substance use disorder. Nakababahala ang patuloy nitong pagtaas kung hindi pagtutuunan ng pansin.
Isa sa mga pinakamahalagang isyu na dapat nating bigyan ng pansin ay ang depresyon. Ito ay isang kondisyong nagdudulot ng laganap na kalungkutan at kawalan ng interes sa mga bagay sa paligid. Hindi lamang ito nakakaapekto sa ating emosyon, kundi maaari rin itong magdulot ng seryosong mga pisikal na suliranin. Kayaʼt hindi dapat natin balewalain ang epekto nito sa ating buhay. Ang mental health ay isang mahalagang aspeto ng ating pangkalahatang kalusugan na partikular na tumutukoy sa kalagayan ng ating isipan at damdamin. Sa tuwing may problema tayo sa ating mental health, maaaring mawalan tayo ng kakayahang mag-isip nang malinaw at makapagsagawa ng mga bagong kasanayan. Hindi ito maituturing na biro kung ang epekto naman nitoʼy maghahantong sa mas maagang kamatayan.
Layunin ng Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 na mapabuti ang mental health sa Pilipinas. Ito rin ay binibigyang pansin na ang karapatan ng bawat Pilipino sa mabuting pag-aalaga ng kanilang kalusugang mental. Pinaigting na wellness programs at mental health education ay layunin din ng batas na ito. Kasa- ma rin sa Mental health program na isinulong ng batas na ito ang suicide prevention, response, at intervention para sa mga kabataan.
Ito na ang tamang panahon upang labanan ang kamangmangan na nakapaligid sa konsepto ng mental na kalusugan dahil hanggaʼt hindi pa napupuksa ang mga paniniwala ng mga ignorante, hindi rin tapos ang laban. Dinggin ang tinig ng mga taong binabalot ng kadiliman ng gabi, at bigyan ng sapat na pansin ang kanilang kalagayan bago pa mahuli ang lahat.
Wala Namang Mawawala
Kapirasong saplot sa mukha bilang proteksyon sa anumang banta. Nakasanayan na natin ang pagsusuot ng face mask simula nang magbanta ang COVID-19 sa kaligtasang pangkalusugan ng lahat. Subalit ngayong nasa new normal na ang lahat, dapat pa rin bang magsuot ng face mask o hindi na?
Ito na ang tamang panahon upang labanan ang kamangmangan na nakapaligid sa konsepto ng mental na kalusugan dahil hanggaʼt hindi pa napupuksa ang mga paniniwala ng mga ignorante, hindi rin tapos ang laban.
Hati ang opinyon at paninindigan ng mga mamamayan sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Departamento ng Kalusugan (DOH) na maging opsyunal na lamang ang pagsusuot ng face mask. Bagamaʼt patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, hindi ito dapat balewalain. Ilan sa mga mamamayan ang gusto pang ipagpatuloy ang pagsusuot nito habang may iilan namang sabik nang alisin ito. Parehong may katwiran dahil sagabal naman talaga ang pagsusuot ng face mask at dagdag sa kanilang gastusin. Subalit ang karamihan ay naniniwala pa ring dapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask upang maproteksyonan ang sarili sa anumang bantang pangkalusugan.
Ayon sa ating Kalihim Pan- turismo na si Christina Frasco, malaki ang maitutulong ng boluntaryong pagsusuot ng face mask na makahikayat ng mga dayuhang turista at investors. Malaki aniya ang magagawa sa pagpapaunlad ng turismo kung hindi na sapilitan ang pagsusuot ng face mask.
Face mask ang isa sa mga nagsilbing balute natin upang maprotektahan tayo mula sa panganib ng pandemya. Hindi maipagkakaila na malaki ang ginampanang papel ng face mask sa ating buhay. Kaya ngayong bumalik na ang kaginhawaan sa mundo, ay ibabasura na lamang ba natin ito?
Gayunpaman, mas mabuti pa ring isaalang-alang natin ang kaligtasan ng bawat isa. Hindi ito para lamang sa isang indibidwal, kundi sa pangkalahatang kaayusan at kaligtasan.
PAGGAMIT NG VAPE ANG KALAPATI POLL
Kung ikaw ang tatanungin mas mabuti nga ba sa kalusugan ang paggamit ng vape kaysa sa sigarilyo na may tabako?
Walang sinuman ang nagnanais na malagay sa anumang peligro.
Hindi ito para lamang sa isang indibidwal, kundi sa pangkalahatang kaayusan at kaligtasan.
Pareho silang may epekto sa kalusugan natin, kung kayaʼt mas mabuti pa ring dahan-dahang iwanan ang paninigarilyo.
KuhaniShanleyRenomeron
Lagnat. Kawalan ng ganang kumain. Pamamaga ng lalamunan. Ito ang madalas na nararamdaman ng katawan natin sa tuwing tayoʼy nagkakasakit. At malamang, liliban na naman tayo sa klase upang hindi makahawa ng sakit sa iba. Hindi pa nga lubusang naglalayas si Manong Covid sa ating kapaligiran, may panibago na namang mikrobyo ang nakisawsaw sa masikip na nating mundo.
Kamakailan lamang ay nagpahayag ng pagkabahala ang Departamento ng Kalusugan sa tumataas na kaso ng highly contagious hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa Eastern Visayas ngayong taon. Ang DOH ay nakapagtala ng 116 na mga kaso ng HFMD mula Enero 1 hanggang Pebrero 25, 2023, na mas mataas pa kaysa sa 22 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, ang lalawigan ng Leyte ang nagbahagi ng pinakamataas na bilang ng kaso na may 51, sinundan ng Southern Leyte na may 45, Northern Samar na may 11, Biliran na may 6, Eastern Samar na may 2, at Samar province na may 1. Karamihan sa mga nahawaang tao ay lalaki at mula sa mga sanggol hanggang 17 taong gulang.
“Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na kadalasang nakaaapekto sa mga sanggol at bata. Karamihan sa mga kaso ng HFMD ay mild, self-limiting, at non-fatal ngunit maaaring umunlad sa meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung hindi agad maaagapan,” paabiso ng DOH Region VIII (Eastern Visayas) sa mgaa mamamayan.
Ang sakit ay naililipat sa pamamagitan ng pagdikit sa ilong at lalamunan, sa laway ng mga taong nahawahan, at mga kontaminadong bagay.
Ilan sa mga sintomas na maaaring maobserbahan sa isang taong nahawaan ng HFMD ay ang mga sumusunod:
• Nilalagnat
• Namamagang lalamunan
• Masakit, mapula, parang paltos na mga sugat sa dila, gilagid, at loob ng pisngi
• Pulang pantal, walang pangangati, ngunit kung minsan ay may paltos sa mga palad, talampakan, o puwit
• Pagkamayamutin sa mga sanggol at maliliit na bata; at pagkawala ng gana
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng HFMD, pinapayuhan ng
DOH ang publiko na magsagawa ng mandatoryong paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, gumamit ng alcohol-based sanitizers sa lahat ng pagkakataon at okasyon, lalo na sa mga lugar tulad ng ospital, sambahayan, at paaralan.
Ang pagbabahagi ng mga personal na bagay, tulad ng mga kutsara, tasa, at kagamitan ay hindi hinihikayat. Hinihiling din sa publiko na sundin ang pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko, tulad ng physical distancing at paggamit ng naaangkop na personal protective equipment, lalo na kapag may mga sintomas, tulad ng maayos na pagkakabit ng mga face mask at guwantes.
Hindi lamang tukso ang laganap sa kasalukuyang panahon. Hindi lamang tukso ang lalayuan ko sa ngayon. Mahirap na. kaya please lang, mikrobyo, layuan mo ako!
Fan ka ba sa pag-inom ng softdrinks? Yung tipong hindi pwedeng lilipas ang lunch time o dinner time na walang softdrinks sa hapag mo? O kayaʼy di mapapawi ang pagkauhaw mo kung hindi iinom ng soda? Paalala lamang, alam mo bang nasa panganib ang iyong kalusugan? Oo ngaʼt masarap ang pag-inom ng sofrdrinks lalo na kung mainit ang panahon. Ngunit ang soda ay nagtataglay ng phosphoric acid na pumapatay sa calcium at magnesium na mabuti para sa operasyon ng ating immunity.
Anumang inuming naglalaman ng asukal tulad ng softdrinks ay nagbabanta ng pangmatagalang problema sa kalusugan kung ito ay iinumin araw-araw sa isang buwan.
Narito ang masamang naidudulot ng soda sa ating katawan: Nakakasira ng tissues sa ating katawan.
Nagiging sanhi ito at nagpapalala ng sakit na diabetes dahil itoʼy may mataas na fructose corn syrup na naglalaman ng mataas na lebel ng free radicals.
Pagdaranas ng panghihina at sakit sa katawan. Naglalaman ng caffeine ang inuming ito. Bagamaʼt non-toxic, ang pagiging addictive nito ay magdudulot pa rin ng pagpapawis, pangangalatal ng katawan, palpitations, mabilis na paghinga, hindi makatulong at pagkakaroon ng migraine. Nakakasira ng ngipin. Natutunaw ng soda ang emmel ng ating ngipin sapagkat matamis at matapang ang taglay nitong acid. Kidney stone. Kung palagian ang pag-inom ng softdrinks, ang likido nitoʼy halos napupunta sa kidney dahil wala naman itong sustansyang-hatid sa katawan ng tao. Kapag napuno na ang kidney, itoʼy nagiging solid at nauuwing kidney stone.
Nagpaparupok ng mga buto. Nagiging sanhi ito ng pagbaba ng calcium level lalo na sa mga bata. Sa halip na lumakas at tumibay ang buto ay nagiging manipis at marupok ang loob ng buto ng isang taong umiinom ng soft drinks. Tandaan, kung gusto ninyo ng malusog na pangangatawan, iwasan o tigilan na pag-inom ng softdrinks.
PARANGAL.
Pia Padilla