3 minute read

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Next Article
Kasangga niyo KAMI

Kasangga niyo KAMI

KALINISAN, KAPANTAY AY KALUSUGAN April Ocaña

Guro, mag-aaral, nakiisa sa Global Handwashing Day Celebration

Advertisement

Mula sa ibinabang memoramadum panrehiyon, RM 1148, serye 2022, nakiisa ang Burauen Comprehensive National High School sa Global Handwashing Day Celebration na pinangasiwaan nina Bb. Gelyn Udtohan, G. Arnold Saavedra at Gng. Marie Charisse Geniston, School Based Management Wash in School Coordinators (SBM WinS) nito lamang Oktubre 24.

Isinasagawa ang lingguhang paghuhugas ng mga kamay upang makaugalian na ng mga esudyante ang nasabing adbokasiya.

“Weekly iyong handwashing na isinasagawa ng mga estudyante at may schedule rin na sinusunod. Halimbawa, sa Junior High School mula Grade 7-8 everyday kada Tuesday, habang ang Grade 9-10 ay every Wednesday, at sa Senior High naman tuwing Thursday,” ayon pa kay Bb. Udtohan.

Sinabi rin niyang kapaki-pakinabang ang pagpapaigting ng nasabing programang pampaaralan upang maituro sa mga magaaral ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay “Matuturuan ang mga estudyante natin ng tamang paghuhugas ng kamay. Gayundin, matatanto rin nilang ang taong malinis sa kanyang sarili ay malalayo sa anumang uri ng sakit at magtataglay nang malusog na pangangatawan.

PAG-IWAS SA SAKIT. Sa simpleng paghuhugas ng kamay, naiiwasan ng mga mag-aaral ang mga sakit at bakteryang kumakapit sa kamay. Larawang kuha ni Gwynnavere Aralar

Tree planting, isinagawa sa Brgy. Tambis

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng International Day of Forests ayon sa proklamasyong itinakda ng United Nations General Assembly (UNGA) noong ika-21 ng Marso, nagsagawa ng tree planting activity ang Pamahalaang Lokal ng Burauen sa Brgy. Tambis, Burauen, Leyte.

Ipinahayag ni Gng. Carla

A. Ferrer, community Stakeholders Specialist ng Burauen Tourism Office at iisa ring registered Professional Forester, ang magandang maidudulot ng pagtatanim ng maraming puno.

“Sa pagtatanim ng mga punongkahoy, makaiiwas tayo sa posibleng pagbaha. Makapagbibigay din ito ng malinis samganumero

SA MGA NUMERO na hangin sa kapaligiran. We should help each other by planting more trees for our own good,” wika ni Gng. Ferrer.

Sinabi rin niyang patuloy na itinataas ng Burauen ang kalidad ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kapaligiran.

“Kaisa ng barangay ang munisipalidad sa pagtataguyod ng mga gawaing may kinalaman sa

3,624 na mga estudyante ang sang-ayon sa paggamit ng tumbler bilang alternatibo sa paggamit ng plastic wrappers kagubatan at likas na yaman,” dagdag pa aniya.

Nilahukan ang nasabing aktibidad ng Tambis Community Association, BLGU officialʼs ng Brgy. Tambis sa pamumuno ni Brgy. Captain Irene Dongsal at Tambis Elementary School workforce sa ilalim ni Bb. Gresina Venezuela, punong-guro.

Kauna-unahang hydro micro sa rehiyon, itinayo sa Burauen

Matatagpuan sa Burauen, Leyte ang kauna-unahang ipinatayong Hydro Micro Renewable energy sa Eastern Visayas na sakop sa prangkisa ng Don Orestes Romualdez Electric Cooperative (DORELCO) noong Oktubre 2022.

MULA SA: Ang Kalapati Istatistiko

Sarbey: Tumblers, solusyon sa pagdami ng plastic wrappers

Mula sa kabuuang populasyon na 3,624 ng mga mag-aaral sa BCNHS, umabot sa 86.3% ng mga magaaral ang positibo ang tugon sa paggamit ng tumbler upang maibsan ang paggamit ng ice water wrappers sa paaralan.

Ito ang lumabas na resulta mula sa isinagawang sarbey ng Ang Kalapati, nito lamang Marso 15, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Zero Waste Management.

Ayon kay Angel Fiona Clemente, SSG President, maganda ang ipinatupad na bagong kautusan ng punong-guro dahil sa kawalan ng disiplina ng kanyang kapwa-estudyante sa pagtatapon ng mga basura.

“Mabuti na lamang at isa ito sa mga resolusyong nakita ng paaralan upang mabawasan na rin ang pagdami ng basura sa kampus natin. Ang iba kasi, walang pakialam. Tapon lamang ng tapon, hindi naman marunong maglinis,” saad ni Clemente.

Sa kabilang dako, may ilan namang negatibo sa patakarang itinakda ng paaralan.

“Hindi ako gaanong kumbinsido sa inisyatibong ito sapagkat hindi naman lahat nagdadala ng tumbler. Mga kalimtanon gihap it iba,” tugon ni Pia Padilla, mag-aaral sa 9-Einstein.

Sa pinagsanib-puwersa ng ilang pampubliko at pribadong ahensiya kabilang na ang DORELCO, napaandar ang Daguitan Hybrid Micro Hydro System na inilagak sa irrigation canal ng Camp Kawayan Resort, Burauen.

Ayon kay G. Morry Houshmand, Chief Operation Officer (COO) ng Helios Atlas Corporation at lead developer at supplier ng Micro hydro, ang Camp Kawayan ang nakitaan ng magandang lokasyon upang mapaglagyan ng Micro Hydro system dahil ang irrigation canal ay nasa loob mismo ng resort.

“Camp Kawayan is an ideal location especially for this project since it has an easy access irrigation canal. Mr. Romeo Malasaga, who is the owner, is very cooperative and interested in the project, both for renewable energy and for electrical cost-reduction,” dagdag pa aniya.

May kakayahan ang power wheel mag-generate ng 6kw at possible pa itong madagdagan depende sa dami ng tubig ng irrigation canal.

“Aside sa hydro, naglagay din kami ng solar panel kasi hybrid yung system. The purpose of the system is to also showcase na pwede siyang off-grid set up, sa lugar na walang kuryente,” pagbabahagi ni Jim Venezuela, Tech Head ng One Renewable Energy Enterprise, Inc.

Bagamaʼt hindi pa sapat ang naisusuplay na kuryente mula sa Micro Hydro, malaki pa rin ang naitutulong nito para sa Camp Kawayan ayon sa may-ari.

Ibinahagi naman ni Gng. Evelina Openiano, DGM at Special Project Manager, ang renewable pollu-standard ay alinsunod sa mandatong ibinigay ng Departament of Energy.

This article is from: