2 minute read

Sa Kabila ng Modernong Libangan

Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.

Advertisement

Batay sa pananaliksik na isinagawa ng isang pangkat ng mga magaaral sa senior high school, sa 10 klase ng ika-7 baitang ng Burauen samganumero

Comprehensive National High School, 85% ng mga mag-aaral ay mayroon ng sariling cellphone.

Batay sa datos na ito, hindi natin maitatangging lumaki na talaga ang bahagdan ng mga kabataang gumagamit ng internet.

Sa katunayan, mas tumaas pa ang porsyento ng mga kabataang gumagamit ng gadgets nang lumaganap ang pandemya. Dahil dito, nagkaroon nang malaking pagbabago sa mga nakahiligang laro ng mga kabataan at ito ay ugat na rin ng pansamantalang pagbabawal ng kahit na anong uri ng aktwal na isports noong kasagsagan ng pandemya.

Sinasabi ng mga kabataang mahilig sa mobile games na mas mainam ito sapagkat maiiwasan ang pagkukumpol-kumpol ng bawat isa at hindi na kailangan pang lumabas bastat mayroon lang mobile internet makakapaglaro na kaagad. Lalo paʼt hindi pa tuluyang nagwawakas ang pandemya.

Sa kabuuan, mas mainam pa rin ang aktwal na isports kaysa sa mobile games na ito sapagkat dito ay mas maraming magagandang bagay ang makukuha. Bukod sa mahuhubog ang malusog at masiglang katawan ay mahahasa rin ang aspetong mental at intelektwal ng mga kabataan. Higit sa lahat ay matutunan din nila ang kahalagahan ng isports sa pagiging isang disiplinadong mamamayan ng ating lipunan upang itaguyod at gampanan ang pagiging isang aktibong kabataan na handang makipagsapalaran para sa kapakanan ng ating bayan.

8 sa 10 ang pagiging isang aktibong kabataan na handang ating bayan.

Pasok Sa Banga

Dati pa man, ang isports ay isa sa mga bagay na kinahihiligang gawin ng mga tao. Bata man o matanda, babae o lalaki, malusog man o may kapansanan o kahit anong estadoʼt kalagayan sa buhay ay naging marahuyo na sa atin ang isports. Magkakaibang perspektibo ang pagbibigay-halaga natin dito. Sa mga baguhan, ang mahasa at mapaunlad pa ang kakayahan. Sa mga propesyonal o bihasa na, maaari itong maging hanapbuhay at pag-angat ng kanilang popularidad. At, sa isa namaʼy libangan lamang.

Ngunit para sa ating mga estudyante, ano nga ba ang nagtutulak sa atin para pasukin ang larangang ito? Mabuti sanang isaisip na ang pangunahing dahilan natin ay malinang ang kakayahan at abilidad natin sa palakasan. Maliban pa, ang pagtataglay nang malakas at malusog na pangangatawan na isa ring magandang adhikain upang magamit sa ating pag- aaral. Mas gagaling at huhusay tayo sa ating pag-aaral kung tayoʼy physically fit. Bukod pa Nitong riyan, marami tayong matututunang magandang pag- uugali gaya pa lamang ng pagiging isport at mabuting pakikitungo sa kapwa. Subalit, may mga pagkakataong hindi na balanse ang ating pagbibigay- tuon sa pag- aaral at pampalakasan. Nahuhumaling tayo minsan sa laro. Nababaling ang atensyon natin sa pagsasanay ng laro dahilan upang unti- unting mapag- iwanan at mapabayaan ang pag- aaral. Nitong Marso lamang ay naging abala ang paaralan bunsod ng sunod- sunod na mga paligsahan. Ang mga araw na nakalaan sana para sa pagtuturo ay nagamit bilang oras ng pagsasanay. estudyante ang mulat sa masasamang epekto ng sobrang online games. malusog na pangangatawan na isa ring

Alin nga ba ang dapat bigyang- prayoridad? Alin ang mas matimbang? Akademiks o isports? Sino nga ba ang may pagkukulang? Ang guro o kanyang tagapagsanay o ang atleta?

Sa totoo lang, wala naman talagang dapat sisihin at piliin. Sa ganang akin, ang isang disiplinadong mag- aaral o atleta ay kayang bumalanse ng kanyang oras sa pag- aaral at paglalaro.

Iyan ang tunay na henyong atleta!

Mabuti sanang isaisip na ang pangunahing dahilan natin ay malinang ang kakayahan at abilidad natin sa palakasan. Maliban pa rito, ang pagtataglay nang malakas at malusog na pangangatawan na isa ring magandang adhikain upang magamit sa ating pag- aaral. Mas gagaling at huhusay tayo sa ating pag-aaral kung tayoʼy physically fit.

This article is from: