1 minute read

Motibasyong Hatid Bukod-tangingAlas

Matibay. Determinado. Bukod-tangi. Ang mga nabanggit na katangian ay tugma sa ipinamalas na galing at abilidad ng tagapagsanay na ito.Tatlong taon nilang ibinandera ang paaralan sa pagiging kampeon sa larong futsal. Kahitbaguhansalaranganngfutsal,natuntongniyaagadangPalarong Pambansataong2016.Itoʼypatunaylamangsamahusayniyangpamamahala sa mga gawaing pagsasanay gayundin ang pagpapahalaga ng disiplina at kagandahang asal sa loob at labas ng court. Mahusay siyang mag-udyok ng kanyang mga manlalaro upang magpakita ng kanilang pinakamahusay na kakayahan. Mataas ang pagpapahalaga niya sa disiplina at dedikasyon sa isports. Hindi lamang siya nagtuturo ng mga teknikal na aspeto sa laro, itinuturo rin niya ang mga positibong katangian gaya ng pagiging mapagkakatiwalaan, pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at pagiging mabuting lider. Hindimotalagamaikakailanasiyaʼyisangcoachsaisportsnanagbibigay-kagitingan at inspirasyon sa kanyang mga manlalaro. Puno ng positibong pananaw sa buhay at nakakapagbigay ng lakas ng loob sa kanyang mga atleta upang magtagumpay sa isports at sa buhay sa pangkalahatan. Sa kabuuan, ang isang winning coach ay nagtataglay ng matibay na pagkatao, may malawak na karanasan, at may kakayahang magbigay ng inspirasyon sa kanyang mga manlalaro. Nagsilbi siyang haligi ng kanilang koponan at nagdala ng tagumpay sa bawat laban. Talagang hindi maitatatwa, si Gng. Raquel Brigoli ay maituturing na bukod-tanging alas ng kanyang koponan.

Advertisement

This article is from: