2 minute read

LATHALAING PAGPAPAKATAO

Change is beautiful.

You look back at your past at mapapasabi ka na lang na malayo na pala ang narating ko, ang laki din ng pinag bago ko. Ngunit hindi lahat ng tao’y pabor at nakauunawa sa pagbabagong ito. Bata pa lamang ako’y I already felt na iba ako kumpara sa ibang bata. Naglalaro ako ng barbie dolls at naglalaro ng damit-damitan, habang sila’y naglalaro ng baril-barilan at laruang kotse.

Advertisement

May nagawa ba akong mali kaya nararanasan ko ang mga ito?

Habang tumatagal ay di ko namamalayang namamanhid na ako. Who cares about sa sinasabi nila,

I am a proud member of LGBTQ+. Hindi ko kailangan ang opinyon ng iba upang pagsabihan ako kung ano at sino ako dapat.

Bilang isang trans-student, it was hard fitting in at hindi naging madali ang aking pag-aaral.

Natatandaan ko noong first day of class hanggang ngayong flag ceremony, nasa linya ako ng mga lalaki when really hindi ako pabor dito. Mahirap din para sa akin na napipilitang magsuot ng damit na hindi tumutugma sa aking gender identity. Kaya nama’y naisipan ko na lamang magtahi ng sarili kong uniporme na ayon sa aking kagustuhan. Ngunit hindi ito bistida. Ano naman ang magagawa ko. Kahit anuman ang nais kong isuot na uniporme na ayon sa aking gender identity, hindi ko masuot dahil sa patakaran ng aming paaralan.

I really hope in the future payagan na ako at kapwa ko transgender na makapagsuot ng unipormeng ayon sa aming gender preference You might say na “uniporme lang yan at anong kinalaman nyan sa pag-aaral?”

Para sa akin hindi lamang po ito uniporme This alone ang nagpaparamdam sa ‘kin nang totoo kong pagkatao.

Though di natin sila mapipilit na tanggapin kami, kahit respetuhin na lamang for who we truly are. If we really want change and mean the quote na “We for gender equality and inclusive society” sa ating lipunan, it should start first sa tao, dahil walang magbabago kung ikaw mismo di mo kayang magbago.

Girl, boy, bakla, tomboy o maging ano ka pa man. Mayaman, mahirap, pulubi, magnanakaw, doktor, abogado, guro, dentista. Sa mundong maraming pinagpipilian, alin at saan ka roon? Ang Nanay mo’y nangangarap na ika’y maging isang doktor. Ang sabi naman ng iyong Tatay, sa pagiging inhinyero ka nababagay. Sa tingin ng lola mo’y likas sa iyo ang pagiging isang pintor. At nang iyong masira ang koleksyon ng cd tapes ng lolo mo noong ika’y tatlong taong gulang pa lamang, hula niya’y magiging pasaway ka balang-araw.

Subalit ano nga ba ang gusto mo? At papaano nga ba nagiging matagumpay ang isang tao? Narito ang ilang mga gabay para sa iyong tagumpay ngayon at sa hinaharap.

Huwag maging nega. Talunan ka kung parating reklamo ang laman ng iyong bunganga.

Magtiwala. Walang pangarap na hindi kayang abutin.

Maging matatag at malakas sapagkat ang buhay ay hindi bed of roses.

Kung kaya mong pangarapin, kaya mong gawin. Push lang nang push.

Maging goal-oriented. Wika nga, “Work with a purpose.” Alamin mo ang iyong kahinaan at kalakasan at gawin itong batayan kung ano, saan at paano maaabot ang naisin mo sa buhay.

Hadlang sa tagumpay ang pagdrop-out sa pag-aaral. ‘Wag ka nang dumagdag pa!

Ang pahirap at problema sa buhay ay pawang pagsubok lamang. Mabuting kaibigan ang kaberks mo kung sinasabihan ka niyang “Go for it friend! You can do it!”

Kapag nakamit mo ang iyong pangarap, iyun ang totoong tagumpay.

This article is from: