4 minute read

Taktikang Matitinik

Next Article
Tama na ang stigma

Tama na ang stigma

Po, aabante para sa Palarong Pambansa

Wagi ang may alam!

Advertisement

Napahanga ni Angel Nheazy Nicole A. Po ang madla nang maipanalo ang lahat ng laro laban sa limang area sa naganap na Leyte Provincial Meet 2023 Chess Tournament for Girls Standard Game (Secondary) sa 5-0 record na ginanap sa Leyte Sports Academic Center noong Pebrero 9-10.

PALARONG PANSANGAY

Burauen, nilampaso ang Dulag, Julita, 2-0

Wala pa ring tatalo sa tibay at bagsik ng koponang may pusong palaban!

Dahil sa sipag, lakas at tiyaga winalis ng BCNHS ang koponan ng Dulag at Julita, 2-0 sa Area 2B Meet Basketball Boys Secondary na ginanap sa Burauen Municipal Gymnasium noong Pebrero 4.

Wala pa ring tatalo sa tibay at bagsik ng koponang may pusong lumaban!

Dahil sa sipag, lakas at tiyaga winalis ng BCNHS ang koponan ng Dulag at Julita, 2-0 sa Area 2B Meet Basketball Boys Secondary na ginanap sa Burauen Municipal Gymnasium noong Pebrero 4. Sa unang laro sa pagitan ng Burauen laban sa Julita, pinakita ng Bura ang bunga ng kanilang ginawang paghahanda at ensayo ng hagupitin nila ang Julita sa pangunguna ng star player ng team na si Cholo Avila ng magpaulan ito ng 3 magkasunod na 3-point shot at fast break lay up na tuluyang nagpalobo ng kanilang kalamangan.

Wala namang naging pansagot ang team ng Julita sa mga binitawang “clutch shots” na ito sapagkat masyadong mahigpit ang depensang pinatikim sa kanila ng BCNHS hanggang sa matapos ang laro sa iskor na 74-52.

DEPENSANG HINDI NATIBAG

Pagdating naman ng championship game, mainit na sinimulan ng magkabilang koponan ang laro kung saan gitgitan ang laban ng kapwa nagpakitang gilas ng kani-kanilang mga three-point shots, lay-ups, at mga plays na tinatapatan ng matitibay na depensa.

Sa unang yugto ng laro, nakuha ng Dulag ang kalamangan, 2422 subalit kaagad naman itong itinabla ng Burauen sa pagtatapos ng 1st half, 49-49.

Sumisingasing naman na sinimulan ng Dulag at Burauen ang 2nd half kung saana nagpalitan ng and-one play ang parehong big man ng magkabilang team na si Andrade ng Burauen at Cinco ng Dulag.

Parehong determinado ang bawat koponan na maipanalo ang laban kayat maging ang mga manonood ay kinakabahan sa kung sino ang magwawagi dahil sa mahigpit na laban at natapos

Emmanuel John Canamaque

ang 3rd quarter na half-shot ang lamang ng Burauen, 67-66.

Sa huling yugto ng laro ay talagang ibinuhos na ng bawat koponan ang kanilang natitirang lakas at galing upang patunayan sa lahat kung sino talaga ang karapat dapat na maglaro para sa Provincial Meet 2023.

Dito nagpalitan ng malulupit na opensa at depensa ang bawat isa kung saan kayod marinong pinangunahan ne Avila ng BCNHS gamit ang kanyang malakidlat na bilis at handles kaya umabot sa 5 ang kanilang kalamangan. Subalit sa nalalabing 4 na minuto ng laro ay uminit ang shooting ng Burauen at nakapukol ng 3 jump shots kaya nagkaroon sila ng 6-0 run at dahil nanlamig ang opensa ng Dulag kayat wala silang naging pambawi dito.

Sinamantala ng BCNHS ang momentum na iyon at tuluyang tinambakan ang kalaban hanggang sa matapos ang laro, 85-73.

Nagpakitang-gilas kaagad si Po nang madaliang pinisak ang unang nakaharap nang gamitan niya ito ng agresibong Ruy Lopez opening kung saan madali niyang winasak ang depensa ng black piece at naging dahilan ng pagka-checkmate ng kalaban, 1-0.

Sa second round ng laro, nakaharap naman niya ang manlalaro ng Biliran kung saan black piece siya at ginamitan naman niya ito ng Sicilian Defense na nagpalito sa opensa ng white piece at binaligtad ang takbo ng laro kaya nabigyang-pagkakataon na makalamang ng posisyon sa kalaban.

Dahil sa magandang posisyon, nakuha niyang maka one-piece at nakipagpalit kaagad siya ng pieces para samantalahin ang kalamangan at maipanalo na naman ang round na iyon, 2-0.

Pagdating ng 3rd round nakasagupa naman ni Po ang Calbayog City kung saan baon niya ang mga paalala ng kanyang coach kung kayaʼt mas naging maganda pa ang kanyang nilaro sa pagdodomina nito gamit ang kanyang mga brilliant moves at malulupit na taktika upang tuluyang pasukuin ang kanyang kalaban, 3-0.

Sa ika-apat na yugto ng laro nakaharap naman niya ang kalahok ng Ormoc kung saan kapwa nila pinahirapan ang isaʼt isa dahil sa parehong estilo ng paglalaro na nakapokus sa matibay na depensa at mapanlinlang na mga opensa kayaʼt nagtapos ang laban na “stalemate” o patas kayaʼt kapwa sila nakakuha ng 0.5 na puntos, sanhi upang maging 3.5 ang iskor ne Po ng Leyte.

Sa huling round ng laro, nag-iinit na sinimulan ng agresibong manlalaro ng Samar ang laban gamit ang kanyang English opening subalit hindi naman nagpatinag si Po at sinabayan ang opensa gamit naman ang Caro-Cann defense. Isang malaking panalo ito para kay Po at sa Burauen Comprehensive National High School ng Leyte division sa pagsungkit ng pilak na medalya sapagkat sigurado na siyang mapapabilang at aabante sa hanay ng mga kakatawan para sa Palarong Pambansa 2023 dahil sa natamo nitong panalo.

Hindi na binigyang-pagkakataon ng Burauen Strikers na makabawi ang Area IV nang kanila itong durugin sa iskor na 3-0 sa ginanap na Provincial Meet sa Burauen Sports Complex noong Marso 4. Pinagtatambakan at nilampaso ng Burauen ang kalaban nang magpakita nang malalakas na strikes at matibay na depensa upang selyuhan ang laro.

Pinagtatambakan at nilampaso ng Burauen ang kalaban nang magpakita nang malalakas na strikes at matibay na depensa upang selyuhan ang laro.

Malaking hakbang ito para sa Burauen dahil sa panalong ito, sila ay may pwesto na sa paparating na EVRAA.

Mainit na sinimulan ng dalawang koponan ang laro nang magpamalas ito ng kani-kanilang liksi at bilis upang agad na makakuha ng goal subalit kapwa matibay at malakas ang depensa ng bawat isa kaya walang nakapuntos.

Lalo pang tumindi ang tensyon ng laro nang biglang magpakawala ng thunderous strike si Ernesto Ilagan galing sa magandang assist ni Lloyd Perante subalit hindi niya ito naipasok. Kapwa hindi nakapagtala ng puntos ang magkabilang koponan dahil sa malapader na depensa ng bawat isa kaya umabot ang laro sa shoot out play.

Sa kabila ng matinding kaba sa laro, hindi nagpatinag ang mga manlalaro ng Burauen kayaʼt matapos kumalma ay sinipa na nila ang bola at ibinuhos nina Ilagan, Perante at Lebosada ang kanilang lakas para selyuhan ang laban sa iskor na 3-0.

This article is from: