5 minute read

HANDOG PASASALAMAT

Naging matagumpay ang programa ng Supreme Student Government (SSG), kasama ang iba't ibang klub ng paaralan nitong Pebrero 14, 2023 na ginanap sa bulwagan ng Cauayan City National High School-Main.

Advertisement

Layunin ng programa na magbigay ng munting regalo sa mga napiling mag-aaral ngayong araw ng mga puso.

"Tradisyon na ng paaralan ang pagbibigay ng mga regalo at nakatakda sana itong gawin noong Disyembre ngunit napagpasyahan na mas mabuting sa Araw ng mga Puso ito gawin," saad ni Bb. Almina Juarez, tagapayo ng SSG.

"Naging makabuluhan ang paglulunsad ng project AGAPE dahil sa suporta at gabay ng mga club advisers," dagdag nito.

Bukod sa project AGAPE ay tampok din ang You've got Mail na kung saan ay maari kang makatanggap at makapagpadala ng sulat nang hindi nagpapakilala at Loves Packages ng Math Klab.

Paraan ito upang maipaabot ng mga mag-aaral ang kanilang mensaheng pagmamahal sa kanilang mga iniibig o iniirog.

"Masaya ako sa programa dahil unti-unti ng bumabalik sa dati ang mga events na ganito," ani Simone Cabacungan, mag-aaral mula sa SPJ Curriculum.

Nangako naman ang paaralan na isagawa ito taon-taon upang sa munting paraan ay makapagbigay ngiti sa batang napili.

Nakibahagi naman ang mga opisyal sa naturang barangay sa pagpili ng mga pamilyang mabibigayan ng handog.#

Pagmonitor sa mga estudyanteng gumagamit ng Nicotine Products, paiigtingin ng paaralan

Binigyang diin ni Bb. Maribeth S. Dela Peña, punong guro ng Cauayan City National High School-Main na walang magandang naidudulot ang paggamit ng nicotine products o vape sa kalusugan ng tao bunsod ito ng paggamit ng ilang mga kabataan ng naturang produkto sa loob ng paaralan.

Reading Pantry ng CCNHS, tulay sa pagkatuto ng mag-aaral sa pagbabasa

Matatandaang naglabas ng Department of Trade and Industry ng Administrative Order 22-16 o ang Implementing Rules and Regulations para sa Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act noong Disyembre 5, 2023.

M atatagpuan ang CCNHS

Reading Pantry sa

Faculty Lounge kung saan lahat ng mga mag-aaral ay may pagakakataong basahin ang iba’t ibang uri ng librong nakalatag.

Inilunsad ito sa hangaring matulungan ang mga magaaral upang sila ay masanay sa pagbabasa at malinang ang kanilang pag-unawa sa pagbasa.

“One of the highlights of celebrating the reading month is the launching of our reading pantry talaga, to help the students na masanay sa readings.” ani Vivien S. Tunac, ulong guro sa departamento ng Ingles.

Sa pagsasagawa ng mga naturang programa, inaasahan ni

Maria Rosario S. Puzon, ulong guro ng departamento ng Filipino, na maging daan ito upang makita ng mga mag-aaral ang importansya ng pagbabasa at mahalin ito sapagkat makatutulong itong malinang ang kanilang pagunawa sa pagbabasa.

“The goal of this celebration e [is] to show students na reading is important... Na sa pagbasa ay may pag-asa. Every student should love reading. Kasi ‘pag na-love na nila ‘yong reading, it goes na mae-enhance na nila ‘yong kanilang reading comprehension.”

Mga mag-aaral ng CCNHS, kumasa

Ibinahagi ni Dela Peña na paiigtingin ng paaralan ang pagbabantay sa mga kabataan lalong lalo na ang mga lumiliban sa klase upang gumamit ng vape o sigarilyo.

Hinihikayat rin niya ang mga nagtitinda ng nasabing produkto namakipagtulungan para sa ikabubuti ng mga kabataan.

Nakasaad sa naturang kautusan ang pagbabawal sa pagbebenta ng nicotine products sa mga menor de edad o mga nasa 18 taong gulang pababa at may kaukulang multa na 10,000 libong piso o pagkakakulong ng 30 araw pababa. Gayundin, ang paggamit ng naturang produkto sa mga Indoor Public Spaces kabilang na ang government offices, paaralan, airport, at maging simbahan na may multang hanggang 20,000 libong piso.#

Mga panuntunan at programa ng paaralan, tinalakay sa pagpupulong ng SPTA

ni TJ Tolentino

Umani ng suporta sa mga magulang ang ginawang pagtalakay ng mga guro sa mga alituntunin at programa ng paaralan sa ginanap na 2nd School Parent-Teacher Association Meeting nitong Pebrero 18, 2023.

Hangad nito na ipaalam ang mga nakalatag na programa at mga proyekto ng bawat guro para sa ikagaganda at ika-uunlad ng mga magaaral sa kanilang mga mithiin.

Ibinahagi naman ng mga tagapayo ang mga katugunan sa pag-uugali at performance ng mga batang kabilang sa kanilang seksyon. Kabilang na ang pagsusuot ng uniporme at I.D.

“It’s good na malaman din ng mga parents yung mga status ng kanilang mga anak para at least makatulong din sila sa pagdidisiplina kasi hindi lang naman [ito] trabaho ng mga teacher. Mostly trabaho ‘yan ng mga magulang, kaya dapat alam mga nangyayari sa kanilang mga anak,” ani Gng. Gina D. Rosales, tagapayo ng Grade 9 Lily.

“Mahalaga ang pagpupulong na ito kasi dito maaaring mai-share at masabi natin ang mga gusto nating mga projects, pero as a president of the PTA, mahalaga ito para maisagawa na namin yung mga nakikita naming projects na kailangan ng gawin upang magamit na ng mga mag-aaral,”— ani Maribel Eugenio, Presidente ng PTA

Tinalakay rin sa nasabing pagpupulong ang paghahanda sa nalalapit na anibersaryo ng paaralan ngayong Abril 1, 2023.#

City High, matagumpay na ginunita ang Students’ Month

ni Shamia Uy

P inagdiriwang ng mga estudyante ng Cauayan City National High School-Main Campus (CCNHS) ang buwan ng mga mag-aaral na nag simula nitong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 2, 2022 na pinangunahan ng Supreme Student’s Government (SSG) at iba’t-ibang organisasyon ng paaralan.

Nagtayo ang bawat klab ng banchetto sa nakatalagang pwesto, upang magalak ang mga estudyante ay naghanda ng sarisariling aktibidad ang mga klab kasama ang miyembro ng SSG. Ibinahagi ni Jheremy Atienza na kung isang araw lamang ang magaganap na pagdiriwang, hindi masusulit ng mga estudyante ang naturang pagdiriwang ng “Students Month”. Sa tulong ng miyembro ng SSG at iba’t-ibang klab ay nagtipon-tipon upang masagawa ng maayos ang kanilang mga plano.

“Masaya at nasabik ako sa pagdiriwang ng Students Month, syempre ilang taon tayong hindi pa nakararanas ng mga ganong aktibidad at sa buhay natin bilang high school isa ito sa pinakatatatak sa atin at dito rin mabububo ang pinakamasayang ala-ala para sa ating mga estudyante, kaya talagang pinaghandaan ito.” ani Jheremy Atienza, Presidente (SSG) Kinagigiliwan ng mga estudyante ang pakulo ng ESP klab na kung saan ang mga mag-aaral ay maaring magpadala ng mensahe nang hindi nalalaman ang kanilang pangalan sa halagang limang puso, at ang Camera na naghandog ng murang mga kagamitan at photo booth na pinilahan ng mga magaaral. Naghandog din ang mga kalahok sa Battle of The bands ng sari-saring musika.

Malugod na pasasalamat ng mga organisasyon sa suporta ng maraming estudyante sa kanilang inihandang aktibidad. Matagumpay na naisagawa ang kanilang mga aktibidad sa tulong ng mga estudyante.#

CCNHS-MAIN 25TH FOUNDING ANNIVERARY: DANCE COMPETITION

Mga mag-aaral ng CCNHS, sumabak sa Dance

Competition

N agpakitang gilas ang iba’t-ibang Kurrikulum ng Cauayan City National High School sa ginanap na Hataw Galaw 2023: Dance Competition nitong Mayo 4, 2023 bilang pagdiriwang sa ika25 na anibersaryo ng pagkakatatag ng paaralan.

City High, nakiisa

Earthquake Drill

Nakibahagi ang Cauayan City National High School sa 1st Quarter 2023

National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng Civil Defense Office ngayong araw, Marso 9, 2023.

Nagsimula ang aktibidad sa pagtunog ng sirena na hudyat na kinakailangang gawin ng mga mag-aaral at guro ang Duck, Cover, and Hold Technique at magtungo sa ligtas na lugar na isang mabisang paraan upang iligtas at maiwasan ang anumang danyos sa sarili sa oras ng pagyanig. Naging matagumpay ang naturang aktibidad sa pagtutulungan ng paaralan, Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) at ng Philippine National Police (PNP).

Departamento ng Filipino, inilunsad ang WIKArton

ni TJ Tolentino

Isinagawa ang programang WIKArton ng departamento ng Filipino para sa Baitang 9 at 10 kung saan ang bawat kategorya ay may limang seleksyon na isininasayos mula sa madali hanggang sa pinakamahirap, ito ay may kalakip na pagsasanay para sa talasalitaan at pangunawa

Hangarin nitong matugunan ang pangangailangang mapataas ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika.

Nilahukan ang nasabing programa ng 8 kurikulum na kinabibilangan ng Science and Technology Engineering (STE), Special Program in the Arts (SPA), Special Program in Journalism (SPJ), Special Program in Foreign Language (SPFL), Grade 9 Curriculum, Grade 10 Curriculum, Grade 8 Curriculum, at Grade 7 Curriculum.

Itinanghal namang kampeon ang SPA matapos nilang makuha ang ika-unang pwesto sa 96.00 na iskor, ikalawang pwesto naman ang nakamit ng G10 Curriculum mula sa 92.20 na iskor, at ng SPFL sa iskor na 90.80. Inaasahan namang muling magtatanghal ang SPA sa gaganapin na Concert for a Cause ngayong Mayo 5 bilang bahagi ng pagdiriwang.#

This article is from: