1 minute read
PROGRESONG EXPONENTIAL
Matematika. ang asignaturang kinatatakutan ng ilang kabataan kapag papasok na sa kanilang silid-aralan lalo na kapag may mga takdang-aralin o pagsusulit. Marami ang nagsasabi na hindi nila ito maintindihan, maraming numero, letra, at kung ano-ano pang simbolo. Bamagat ay meron pa ring mga estudyante ang napamahal na rin sa asignaturang ito, gaya ni Micaella Andrea Marquez.
Advertisement
Mula sa silid aralan ng Tesla, ang nasa ika-sampung baitang na si Micaella ay kilala sa pagiging mahusay nito sa asignaturang matematika, madalas ay itinuturo siya kapag may mga math problems sa pisara. Kapag may pagsusulit ay mapapatingala na lamang ang iba kapag narinig na nilang tumayo si Micaella. Siya ay labing-limang taong gulang na. Pagbabalik tanaw, siya ay nasa apat na taon na nang pumasok siya sa isang paaralan. Nasa unang baitang siya nang madiskobre niya ang pagiging mahusay niya sa asignaturang Matematika, diyan na rin nagsimula ang pagsibol ng kaniyang pagmamahal sa nasabing asignatura.
Aniya, minana niya ang pagiging mahusay niya sa asignaturang matematika mula sa angkan ng mga Marquez.
Samantala mula sa kanilang silid- aralan, kinilala si Micaella bilang isang mathematician ng Tesla. Tinuturuan niya rin ang kaniyang mga kamag-aral kapag siya ay may libreng oras.
Isa sa mga tagumpay niya rin ay ang pakikilahok sa MTAP, maliban dito ay makakuha ng 97 na marka sa paborito niyang asignatura, nakakakuha rin siya ng mga perpektong marka sa mga pagsusulit. Ang kaniyang sikreto, makinig lamang ng maayos at intindihin ng mabuti ang nakasulat sa pisara.
Sa kabilang banda, nakakaramdam din ng presyon si Micaella lalo na ‘t iniisip niya na maari siyang husgahan ng mga taong nasa paligid niya kapag siya ay nagkamali pagdating sa mga numero at simbulo ng matematika.
“Progress is not Linear, it’s exponential” pagbabahagi ni Micaella na kung saan ito ay tumutukoy sa ideya na hindi ganap na linear o patag ang pag-unlad o pagkatuto ng isang bagay gaya ng asignaturang Matematika, kundi kailangan ng sipag at tiyaga upang maintindihang mabuti ang itinuturo ng iyong guro sa pisara. Ang pag-aaral ay hindi madali kaya’t kailangan mong maglaan ng oras upang maunawaan ang isang math problem.#