1 minute read
LIGTAS ANG MAY ALAM
ni Jebelle Torre
Isinasagawa tuwing buwan ng Marso ang Fire Prevention Month. Sa kadahilanang, nagsisimula ang tag-init sa nasabing buwan. kung kaya’t dumadami ang insidente ng sunog sa iba’t ibang lugar. maalala noong Marso 11 2023, nagkaroon ng sunog sa ilang bahagi ng Baguio City public market na tumupok sa mahigit 1,700 na stalls at nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at produkto. Isa ito sa dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng FPM upang maging alerto sa oras ng sunog.
Advertisement
Maaaring magsimula ang sunog kahit oras at panahon. Sapagkat sa panahon ng tag-init, kinakailangan ang mas dobleng pag-iingat. Karaniwang sanhi ng sunog ay dahil sa mga kuryente na naiwang nakasaksak katulad ng mga charger sa cellphone, saksakan ng electric fan, at pinabayaang extension cords. Maaari rin magsanhi ng sunog ang gas na naiiwang nakabukas.
Isinasakilos din ng FPM sa mga paaralan at barangay ang mga aktibidad na patungkol sa pag-iwas sa sunog isang halimbawa ay ang pakikilahok sa fire drill na isa sa mga paraan upang magkakaroon ng sapat na kaalaman ang bawat indibidwal kung ano ang mga gagawin kapag may sunog pati na rin ang kahalagahan nito.
Marami ang nagsasabi na malaki ang tulong ng pagsasagawa ng FPM dahil nalalaman nila ang kanilang gagawin. Subalit sa kabila ng kanilang mga paghahanda, hindi ito nagagamit nang maayos. Sa katunayan, kapag nasa sitwasyon na mismo ng sunog ang iba ay nakakalimutan ang mga dapat gawin dahil napapangunahan na sila ng takot.
Ngayong buwan ng Marso, huwag nating hayaan na dumami ang insidente ng sunog. Isaalang-alang natin ang kaligtasan ng bawat isa. Gayunpaman, hindi lang Marso isinasagawa ang pag-iingat sa sunog kundi pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay.#