2 minute read

BAWAT HAMPAS NG SULIRANIN;Kakayanin

Next Article
Pusong

Pusong

S a pagbuo ng isang matibay at matayog na tore, maraming proseso, kagamitan, pagsubok, at higit sa lahat ay ang maraming oras ang kailangang ilaan.

Pagpasok palamang sa bulwagan sa mataas na paaralan ng Cauayan, samu’t saring mga larong pampalakasan ang masisilayan.

Advertisement

Ngunit, kaagaw pansin ang malalakas na hampas kasabay ng mga bola at yapak ng mga sapatos, sa gitna ng bulwagan ang larong balibol, partikular ang makisig at higanteng Captain ball ng City High Spikers, si John Michael Lagaran.

Isang matangkad, may makisig na katawan, at nakakaantig na ngiti kaya naman siya’y kapansin-pansin sa tuwing siya ay naglalaro. Bawat hampas niya ng bola’y kasabay nang hiyawan ng mga tao, bawat tagaktak ng kanyang pawis ang ay kasabay ng puntos at galak na mapapansin sa kanilang koponan.

Si John Michael ay isang higanteng tao na may tangkad na 6’2, maitim at kulot na buhok, makapal na kilay, moreno ang balat at manipis na labi. Sa pamamagitan ng kanyang bilugang itim na mga mata, ang pagbulusok ng bola sa kanyang banda ay malakas na bumabalik sa kalaban dahil sa malalaman na braso at mahahabang biyas na malakas na pumapalo at tumatalon at tila ba hindi alintana ang sakit na dulot sa paghampas ng bola.

Sa kanyang pagsisimula sa larangan ng palakasan, ito ay hindi naging madali para sa kanya. Siya’y nasa ikaapat na baitang lamang nung siya ay unang beses humawak ng bola. Kasabay nang kanyang pag hampas sa bola’y, kanya rin ang pagbagsak sa sahig na kinatatayuan. Kasabay ng kasiyahan at pagdiriwang sa bawat puntos ay nakaambang pangamba sa tuwing bumabagsak pagkatapos pumalo o harangin ang bola.

Sa pagpapatuloy niya sa pag-abot sa pangarap, hindi nawala ang kanyang mga mapagmahal na magulang, kapamilya na mula sa kaniyang pagsisimula ay naka suporta, at ang kanyang mga kaibigan. Nariyan din ang mga kapwa niya manlalaro na matalo man o manalo ay nandyan sa kanyang likod laging naka suporta. At higit sa lahat, ang naging inspirasyon niya, ang kaniyang Coach Richmon Jay Duazo na walang sawang pagtuturo at pagbabahagi ng mga bagay-bagay na kanyang magagamit sa larangan ng volleyball.

Mula sa kanyang mga sablay na palo, pagbagsak sa sahig, at pagkadismasaya sa sarili, si John Michael ay hindi nawalan ng pag-asa.

Kaniyang ipinagpatuloy niya ang pagmamahal sa larong ito. At gaya ng pagbuo ng isang matibay na tore, siya’y naging matiyaga, nagsumikap, at naglaan ng oras upang makamit ang kaniyang inaasam.

Sa kaniyang tiyaga sa pag-abot ng inaasam na maging isang sikat na balibolista hindi lamang sa paaralan kundi sa buong pilipinas, maraming opurtinidad ang kaniyang natanggap. Isa sa mga inalok sakanya na opurtinidad ay ang pagkakaroon niya ng tyansang mapabilang sa VNS ONE ALICIA, siyaʼy inalok din ng tyansang makapag-aral sa California Academy at University of Perpetual Help Laguna at dito ipagpapatuloy ang kaniyang pag-abot sa pangarap na maging isang mahusay at kilalang balibolista at maging isang sundalo.

Sa pagpapatuloy sa pag-abot ng pangarap na maging isang ganap na manlalaro, gaya ng isang toreng matayog at matibay, itoʼy hindi madali para kay John Michael. Maraming pagsubok ang kaniyang kailangan pang tahakin, marami pang samblay na mga hampas ng bola, pagbagsak ng katawan sa sahig, at pagkaramdam ng pagod. Ngunit, siya’y hindi susuko at siya’y patuloy lang sa pag-abot ng kaniyang matayog na pangarap.

Naniniwalang magpapatuloy at masasaksihan pa ang iyong magagandang ngiti sa susunod mong laban, kasama ang Pamilya, kaibigan, koponan at mga taong patuloy na humahanga sa iyo, tulad ko.

Ang tore ay kailanman’y hindi matitibag nang anumang pagsubok kung patitibayin at patuloy na palalakasin. John Michael, inaasahan kong sa patuloy mong pagbuo nang matibay na tore, ikaw’y muling magiging matiyaga at patuloy na lalaban sa anumang pagsubok upang makamit ang inaasam na tore ng tagumpay.#

This article is from: