1 minute read

NUMERO, ‘DI MAKAPAGDIDIKITA

Advertisement

Trabaho, Tagumpay, makaahon na sa buhay, pangarap ay matupad. Ilan lang ito sa tagumpay na nakamit na ng mga taong 24 taong gulang ngunit iba ang kwento ng isang estudyante sa Cauayan City National High School.

Makikilala natin si Marilyn de Gracia ng grade 10 Basic Education Curriculum (BEC). Sa taong dalawampu’t apat, narito pa rin siya sa Junior High School nag- aaral upang Ituloy ang pangarap na aahon sa kanyang buhay. pinagkaitan siya ng pagkakataong makasabay sa pag-usad ng buhay dahil sa sakit na acute ulcer. Taong 2016 kailangan niyang magpahinga ng anim na taon upang tuluyang gumaling. Hindi agad nakabalik si Marilyn sa kanyang pag- aaral dahil kailangan niya magtrabaho pagkatapos nitong gumaling dahil sa kahirapan ng buhay.

Nagpahinga ng ilang taon ngunit muling sinindi ang ilaw ng daan patungo sa kanyang pag- aaral ngunit panibagong pagsubok naman ang hinarap. Madalas ng matukso na matanda na siya para mag- aral bilang grade 10 pa lang. Tiniis lahat ito ni Marilyn, ang mahalaga sa kaniya ay makapag-tapos sa pag aaral.

“Kahit sabihin nilang matanda na kayo, magfocus nalang kayo sa sarili niyo para balang araw makatulong rin kayo” — De Gracia

Laki siya sa hirap,nunit sa kabila nito’y gusto niyang makaahon mula sa pagkabaon sa kahirapan, Kaya muling pinasok ni Marilyn ang buhay estudyate sa kabila ng kaniyang edad sa pag- asam na makamtan ang kaniyang pangarap na maging inhinyero o isang guro.

Trabaho, tagumpay at makaahon sa kahirapan, ito ang naging determinasyon ni Marilyn upang maiangat ang sarili palayo sa kahirapang ayaw balikan ng kahit sino man. Sa kabila ng kanyang edad, at problemang pampinansyal dulot ng kahirapan. Hindi ito naging pasanin sa kanyang balikat upang hindi magpatuloy sa daan na siya lang ang makakatahak.#

This article is from: