1 minute read

Pusong

Mahirap tumapak palabas nang may tinatago tungkol sa sarili, mahirap ipakita kung ano ang iyong tunay na kasarian at kagustuhan sa buhay. Mahirap sapagkat hindi mo alam kung anong magiging reaksyon ng ibang tao sa paligid mo. Bandilang Bahaghari. Si Summer Lattao ay isang estudyanteng parte ng LGBTQIA+ na kung saan siya ay tinanggap ng ilan sa kaniyang pamilya at kaibigan, nakaranas ng diskriminasyon at pang iinsulto mula sa ibang kamag-aral, at dumaan din ang mga parangal at tagumpay sa kaniyang buhay.

Si Summer Lattao ay labing-anim na taong gulang na. Isa siyang mag-aaral mula sa kurikulom ng Special Program in Sports(SPS). Siya rin ay mahilig sa larangang balibol.

Advertisement

Mula pagkabata ay alam na niya sa kaniyang sarili na siya ay may pusong panlalaki; isa siyang tibo. Ang mga tao sa kaniyang palagid ay napapansin na ito lalo na ang kaniyang ina na una niyang sinabihan tungkol sa kaniyang kasarian. Siya ay tinanggap subalit kabaligtaran ang naging reaksyon ng kaniyang lola na kaniyang iniyakan.

Maliban dito, ay marami rin ang nangungutya at ginagamit din ang kaniyang pagkakakilanlan upang maitrato siya sa isang negatibong paraan. Hindi rin lahat ng kaniyang kamag-anak ay tanggap siya dahil sa kanilang paniniwala.

Sa kabila ng mga diskriminasyon at pang iinsultong natatanggap niya ay hindi naman nawala ang mga parangal at tagumpay niya sa buhay gaya na lamang noong nasa ika-pitong baitang siya na nag kampiyon sa larangang balibol, kinokonsidera niya ring tagumpay ang pakikilahok aa mga intern baranggay, poster making, editorial cartooning, at napangaralan bilang mvp sa kanilang volleyball team.

May mga tao rin sa paligid ni Summer ang bukas ang isipan para sa mga LGBTQIA+ gaya ng kaniyang guro, mga kaibigan na nabibilang din sa pamayanang kinabibilangan niya, at ang kaniyang magulang na patuloy pa ring nakasuporta ano man ang kaniyang kasarian.

Bagamat ay ikinalulungkot pa rin ni Summer ang katotohanan na hindi lahat ng tao ay tanggap ang LGBTQIA+ na kung saan madalas siyang nakakarinig at ang kaniyang mga kaibigan ng masasakit na salita dahil para sa kaniya, hindi nila pinipili ang kanilang kasarian bagkus ito ay ang kanilang nararamdaman ng kusa.

Madalas ay hinahayaan na lamang ito ni Summer lalo na at madalas ay puro ito matatanda; Subalit, sinasagot niya ito lalo na kapag alam niya na tama ang kaniyang pinupunto.

“Kapag lalabas ka na, gawin mo ‘yun kung alam mong right place and right time na” saad ni Summer para sa mga taong nagaalinlangan at may takot na rin na ilabas ang tunay na sila.

Siya ay nakalabas na sa isang madilim at malamig na aparador habang bitbit ang banderang bahaghari. Sa kabila ng mga natanggap niyang negatibong pagtrato ay namumuhay pa rin siya sa mundong puno ng tagumpay kasama ang mga taong humahanga at tumanggap sa kaniyang buo. Ang kaniyang anino ay nasa labas na ng aparador.#

This article is from: