1 minute read
PALA SA KANAN PLUMA SA KALIWA
K ahirapan ay hindi kadena sa ‘ting mga hiraya”. Sa pag-abot ng ating mga ninanasa, minsan ay kinakailangan na nating pasanin ang mga mabibigat na kasangkapan at harapin ang lahat ng kahirapan.
Mula sa apat na sulok ng silid aralan ng Marigold, sinong mag-aakala na meron palang isang magaaral ang humahawak ng pala at pumapasan ng mga sako ng kaskaho upang maabot ang minimithi nitong parangarap. Siya si Laurence Corpuz Marcos, isang labing siyam na taong gulang na kung saan isa siya sa mga hinamon ng buhay.
Advertisement
Ang matangkad, may tamang pangangatawan, at mayuming pananalita na isang binatilyo ay sanay na sa mga pasikot-sikot ng larangang konstruksiyon kasabay nang pag-aaral nito sa kadahilanang maaga siyang sinubok at namulat sa salitang “kahirapan”.
Labing pitong gulang na siya nang magsimula sa pag kokonstruksiyon. Aniya, hindi ito madali sapagkat pisikal na pagod ang kaniyang nararamdaman at kahit labag ito sa kalooban ng kaniyang mga magulang, wala na rin silang nagawa sapagkat mahirap para sa kanila ang magpalaki at pag-aralin ang apat na anak lalo na at ang kaniyang ama ay trabahador din sa parehong larangan at pang-temporaryo lamang.
Babangon ng ala-sais ng umaga, maghahanda, at saka bibitbitin ang mga mabibigat na kagamitan pagsapit ng ala-syete y media ng umaga. Mula sa nasabing oras hanggang sa alas dose ng hapon nagtatapos ang kanilang trabaho. Sa kabilang banda, apat na raan kada isang araw ang sinusuweldo ng katulad niya na mas bata.
Si Laurence ay unang huminto sa pag-aaral dahil na rin siya ay napabarkada. Ang mga sumunod na paghinto niya ag dahil na rin sa kakapusan.
Dagdag pa niya, hindi siya nakakaranas ng ano mang klaseng pangmamata mula sa iba.
Sa pag-abot ng ating minimithing pangarap, minsan ay kinakailangan din isakripisyo ni Laurence ang kaniyang pag-aaral, kadalasan ay lumiliban siya sa klase lalo na kung wala na siyang pang baon. Saad pa ni Laurence ay minsan ding naaapektuhan ng kaniyang pagtatrabaho ang pag-aaral niya subalit hindi naman ito madalas.
Nakadepende rin kung may salapi pa sa pitaka ang pagbabalanse niya nang pag-aaral at hanap-buhay. Hinahati niya rin ang kaniyang kinikita sa paraan nang pagbabahagi ng salapi para sa pagkain ng kaniyang pamilya at para sa baon o gastusin ng kaniyang pag-aaral.
“Tiyaga lang hanggang sa makapagtapos, pagsubok lang naman ‘yan” pagbabahagi ni Laurence para sa mga kabataan na katulad niya.
Upang maging isang ganap na seaman ay patuloy pa rin siya sa paghawak ng palasa kanan at pluma sa kaliwa. Dahil sa nararanasan ni Laurence ay natutunan niya na hindi lahat ng bagay ay madali bagkus ay kinakailangan mong mag-tiyaga.
Pala sa kanan, pluma sa kaliwa; dalawang bagay na pinagsasabay ng isang binatilyo upang masungkit ang kaniyang pangarap.#