15 minute read

School-based Press Conference, suportado ng mga mamamahayag

Mga mang-aawit ng SPA, itinanghal na kampeon sa Choir Competition

ni TJ Tolentino

Advertisement

M uling idinaos ng Cauayan City National High School ang Panagayab 2022: School-based Press Conference na may temang “Sustaining the Excellence and Quality in Campus Journalism” itoy upang maipamalas ng mga estudyante ang kanilang angking galing sa larangan ng pamamahayag mula

Nobyembre 14 hanggang 18.

Layunin ng program ana lalong hubugin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag at maging aktibo sa ating lipunan.

Dinaluhan ang naturang programa ni Gng. Gemma

V. Bala, Education Program Specialist at Journalism Coordinator ng SDO Cauayan City na nagsilbing tagapagsalita ng programa.

Binigyang diin nito na hind kailanman maaaring mapatahimik ang pamamhayag ng katotohanan at natutuwang makita ang mga mamamahayag na aktibo muli sa nasabing larangan matapos ang higit dalawang taong pandemya.

Hinikayat naman ng Punong Guro ng paaralan, Bb. Maribeth S. Dela Peña ang mga mag-aaral na laging ihayag ang tama.

“Always remember that your duty is to get the truth. Always get the truth and bring it. Journalism means you go back to the actual facts. Sabi nga kailanga’y laging may hawak na resibo, hanapin ang dokumento ng katotohanan and be part of that way. Sana pagdating ng araw kaisa kayo

HaPAGbaSA inilunsad ng Departamento ng Filipino bilang tugon sa kakulangan ng kaalaman sa literatura

Isinagawa ng

Departamento sa Filipino at ng

Grade 7 at Grade 8 Curriculum ang HaPAGBasa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Reading

Month nitong Nobyembre 21, 2022.

Layunin ng programa na malaman ang lebel ng interes at pang-unawa ng mga magaaral sa larangan ng literatura sa pamamagitan ng paglatag ng ibat-ibang mga babasahing texto.

“Ang component ng aming program ay to practice [the students’] reading comprehension,” pahayag ni Gng. Renie Labiano, Coordinator ng HaPAGbaSA.

Taong 2021 ng simulan ng Departamento ang nasabing programa at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.# sa pagpuksa ng mga fake news,” ani Dela Peña. Ibinahagi ni John D. Gamueda, Coordinator ng Special Program in Journalism na hindi lang sa kompetisyon nasusukat ang kakayahan ng isang mamamahayag bagkus gamitin at ibahagi ang mga ito.

“Magsilbi sana ang araw na ito bilang tanda na hindi lang sa kompetisyon nasusukat ang kakayahan natin upang baguhin ang nakikita nating mali at pangit. Gamitin ang ating journalistic skills araw-araw ay may pagkakataon tayo upang magamit at ibahagi ang ating talento sa pagsusulat at pagsasalita, sa klase man o sa labas ng paaralan at sa buong komunidad,” ani Gamueda.

Ikinatuwa naman ng ilang mga estudyante ang nasabing patimpalak dahil naging daan umano ito upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng pamamahayag.

“Nakakapagod man ay maraming mga estudyante ang mas natulungang mapalawak pa ang kanilang kaalaman patungkol sa journalism at nabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng maipamalas ang kanilang angking galing sa larangan ng pagsusulat,” ani Mystyllynne Castillejos, nanguna sa News Writing English.

Inaasahan naman ng ilang mga guro na pagbubutihin pa ng mga magaaral ang kanilang angking galing sa pamamahayag upang makatungtong sa inaasam na National School Press Conference.#

Nagwagi sa Paskuhan sa Providers 2022-choral competition ang mga SPA Vocalists ng CCNHS noong Disyembre 8 na ginanap sa Naguilian Isabela. Nilalayon ng kompetisyong ito na hikayatin ang mga kabataan at paunlarin ang kanilang talento sa pagkanta.

Ibinahagi ni Gng. Pamela Bergonio, coach ng SPA Vocalists na hindi sila gaanong nahirapan sa kanilang pagenensayo dahil determinado ang mga mang aawit na masungkit ang kampeonato.

“Dahil very determinated kaming manalo every specialization classes, pinagprapractice ko sila. Gumawa kami ng regular practice namin and we request also kay principal na bigyan kami ng days para magpractice. “ ani ni Gng. Bergonio.

Samantala, ibinahagi naman ni Isabela Detablan miyembro ng SPA Vocalists ang proseso ng kanilang regular practice na ginaganap pagkatapos ng kanilang klase.

“Ilang weeks din po kaming prinaktis at kinakailangan rin namin alagaan yung boses para sa contest na yon.” ayon kay Detablan.#

COMELEC, hinihikayat ang mga kabataan na magparehistro para sa darating na SK Elections

N agsagawa ang Commision on Elections (COMELEC) ng Voters registration para sa mga edad 15 pataas bilang paghahanda sa SK Elections ngayong taon sa Cauayan City National High School nitong Enero 13, 2023.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa darating na SK Elections na nakatakdang ganapin ngayong Oktubre.

Matatandaang Oktubre 10 ng nakaraang taon ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 11935 na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK Election na nakatakda sanang ganapin noong Disyembre 6, 2022.

Ibinahagi naman ni Roy Baranagan, COMELEC Cauayan City Election Assistant na mahalaga ang naturang aktibiadad sapagkat karapatan ng mga kabataan na bumoto.

“Mahalaga para…kasi karapatan niyong bumoto [at] magrehistro para sa Barangay at SK Election sa Oktubre.

Maraming itong maitutulong sa lipunan kagaya [na lamang] ng [pagkakaroon] [nila] ng karapatan. Puwede silang… at saka yung gusto nila bilang botante”, ani Barangan. Pinaalalahanan ng COMELEC ang publiko lalo na ang mga 15 na taong gulang pataas na magtungo sa pinaka malapit na opisina ng COMELEC upang magparehistro bago matapos ang voter’s registration ngayong Enero 31.

“Sa ngayon kami ni COMELEC chairman [Erwin] Garcia at ang buong Commission en Banc ay wala pang nakikitang legal at factual basis para mag-extend”, ani Rex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC. Ikinatuwa naman ng ilang mga estudyante ang naturang programa dahil magagamit aniya ang kanilang karapatan na pumili ng lider, hinikayat din nila ang kapwa nila estudyante na pumili ng lider na makapagpapabago ng bansa.

“Maganda siguro kung ang

BAGONG REHISTRADONG MGA BOTANTE

1.4M maboboto natin in the future ay yung taong makakapagpabago ng bansa natin for a better future”, ani Jermiony Perez

Editoryal

DISTRAKSYON O INSPIRASYON?

Maliban sa ating tahanan, sa paaralan natin karaniwang natutuklasan ang ating mga kakayahan, kahinaan, at ang ating mga natatanging talento. At sa ating pagpasok dito, mayroong mga aktibidad na inihahain sa ating mga mag-aaral upang mas mahasa ang mga natuklasang talento.

Upang matuklasan o mas mahasa ang mga talento at kakayahan ng mga mag-aaral nagbibigay ng iba’t ibang ekstrakurikular na aktibidad ang bawat paaralan. Katulad nalang nito ang paglisahan pagdating sa isport, sining, pag-awit, at pamamahayag. Mayroon ding mga organisasyon, samahan, at pamahalaan sa loob ng paaralan.

Malaki ang papel ng ekstrakurikular na aktibidad sa pag-unlad nating mga kabataan dahil ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na matuto ng bagong bagay na maari nilang gamitin sa iba’t ibang konteksto.

Ngunit dahil sa dami ng ating ginagawa sa paaralan, madalas na nating naipagsasawalang bahala ang mga ekstrakurikular na aktibidad. Kaya nararapat bang pagtuunan din natin ng pansin ang mga ganitong aktibidad o tanging akademya lamang?

Maaaring maging sagabal lang sa pagaaral ang pakikilahok sa mga ekstrakurikular na aktibidad sapagkat may oras na mas binibigyan nila ito ng pansin na umaabot sa puntong nawawalan na sila ng pokus sa pagaaral. At dahil sa pagdalo sa mga pagsasanay, madalas na nahuhuli na ang mga kalahok sa mga araling tinatahak sa loob ng silid-aralan.

Laban naman ng ilan, kahit na mahuli sa klase, kakayanin namang humabol at siguradong may mabuti naman itong patutunguhan. Kagaya ng pagkilala at pagpapaunlad ng mga talento. Idagdag pa dito na marami kang makakasalamuhang ibang tao, ibig sabihin nito na mapapaunlad din ng ganitong klaseng aktibidad ang ating kakayahan sa pakikisama, pakikipagkomunikasyon, pakikipagtulungan at pamumuno.

Sa dami ng naka atang na iskedyul sa mga estudyante, karaniwan itong nagdudulot sa mga mag-aaral ng stress, depresyon at pagtataka. Hindi na nila alam kung anong dapat unahin at iprayoridad. May masaklap din na pagkakataon na kung kahit anong pagsisikap mo upang bigyan ng karangalan ang paaralan, hindi naman ito nakakatulong sa pagtaas ng grado.

Subalit kung para sa iba ito ay magdudulot lamang ng stress, para sa kanila naman ay isa itong aktibidad na makakatulong upang maibaling ang kanilang atensyon. Maari itong makatulong na matanggal ang kanilang stress at mapabuti ang kanilang kalagayan.

Kung tutuusin, sobrang nakakawalang gana kung tanging akademya lamang ang pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral. Maraming nakakaranas ng depresyon o iba’t ibang problema dahil sa pag-aaral kaya nararapat na mayroong ganitong aktibidad na mapagtutuunan ng pansin.

Hindi lamang nito mahahasa ang ating mga

Sa lahat ng ating ginagawa mayroon itong masama at mabuting dulot. Marami paraan upang mapaunlad ang ating mga talento at kakayahan na hindi konektado sa paaralan. At meron ding paraan na konektado sa paaralan. Gawin natin kung anong sa tingin natin ang makakatulong upang mapaunlad ang ating sarili dahil sa huli disisyon natin ang mananaig.# sap-usapan ngayon kung nararapat na nga bang ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa mga paaralan matapos itong tanggalin noong 2002 na mariing tinututulan ng ilang mga estudyante at guro, kasunod ito ng patuloy na paghihigpit at pag-angkin ng China sa West Philippine Sea. Kamakailan lamang ay dinipensahan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang planong pagbabalik ng ROTC sapagkat mas makabubuti umano na ihanda ang mga kabataan sa pag-depensa ng ating bansa sa panahon ng pangangailangan. Dagdag pa niya ay mas mabuti umano ito kaysa gugulin ng mga kabataan ang kanilang oras sa paggamit ng TikTok. Sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ay binanggit nito na balak niyang hilingin sa Kongreso na gumawa ng bagong batas upang gawing mandatory muli ang ROTC sa mga estudyanteng nasa Senior High School.

ROTC: PASAKIT SA MGA KABATAAN PARA NGA BA SA BAYAN?

Matatandaan na noong 2008 nang isabatas ang Republic Act 9163 o ang National Service Training Program o NSTP na ginawang boluntaryo na lamang ang ROTC. Nalulungkot na isipin na sa kabila ng krisis sa ekonomiya ay isinisingit ng gobyerno ang ganitong usapin. May mga alternatibo namang paraan upang solusyunan ang problemang ito.

Dagdag pa rito ay posibleng magresulta rin ito ng ilang negatibong epekto sa mental at pisikal na kalusugan ng mga kabataan. Bakit hindi nararapat na ibalik ang

Mandatory ROTC sa mga paaralan?

Maaaring maging sanhi ng korupsyon, panunuhol, at pangingikil ang pagbabalik ng Mandatory ROTC sa mga paaralan. Halimbawa na lamang noong 2001 ay walang awang pinaslang ang isang ROTC cadet ng Unibersidad ng Santo Tomas na si Mark Welson Chua matapos nitong ibunyag ang mga katiwalian sa loob ng UST ROTC unit. Kayat ito ang naging hudyat sa kongreso upang repasuhin ang batas na bumuwag sa Mandatory ROTC. Hindi maganda isang kabataan na sa murang edad pa lamang ay natuturuan na ng mga katiwalian tulad na lamang ng pagpatay at pangungurakot.

Kung talagang seryoso ang gobyerno na gumawa agad ng batas upang muli itong ibalik ay nararapat lamang na kanilang siguraduhin na hindi ito magiging sanhi ng katiwalian at patayan gaya ng nangyari kay Mark Welson Chua.

Bukod sa katiwalian at korupsyon. Ang pagsasabatas ng Mandatory ROTC ay magiging malaking pasanin at pasakit sa mga estudyante lalong lalo sa mga Senior High Students at College Students dahil sa dami ng mga subject at project isama mo pa ang mga research, thesis, at assignment. Kung sakaling magiging obligado silang sumabak sa ROTC ay hindi na nila mapagtutuunan ng pansin ang mga mahahalagang bagay katulad na lamang ng kanilang pagaaral at oras sa pamilya at sarili. Dahil dito ay maaring maging sanhi ito ng depresyon na hindi maganda sa isang estudyante dahil maaari itong maging sanhi ng pagpapakamatay o suicide. Ayon sa isang opisyal ng Department of Education sa isang Senate Hearing ay mahigit 404 na mga estudyante ng tinapos ang kanilang buhay at 2,147 naman ang nagbalak na kitilin ang kanilang buhay. Kaya’t ang pagmamandato sa mga estudyante na makilahok sa ROTC ay isang paraan ng pagkitil sa kanilang kalayaan na pumili ng landas na kanilang tatahakin. Hindi sagot ang mandatory ROTC upang disiplinahin ang isang kabataan upang maging isang mabuting mamamayan. Ika nga nila “Sa tahanan nagsisimula ang pagdidisiplina sa mga kabataan”. Maraming problema ang ating bansa tulad na lamang ng mababang ekonomiya, mga kaliwat kanang patayan, korupsyon, at marami pang iba na agad pagtuunan ng pansin. Dahil kung maipapasa ang programang ito ay para ninyong nang ikinulong ang mga kabataan sa isang hawla at para bang walang karapatang pumili ng landas na gusto niyang tahakin. Kaya’t ang hiling ko sa Kongreso at Pangulo ay “No to Mandatory ROTC”.#

Kasapi Ng Patnugutan

2022-2023

Raniel Tuppil Ulong Patnugot

Tristan Jil Gabriel Tolentino

Pangalawang Patnugot

Blant Fabreese Torralba

Pangalawang Patnugot

Kyara Arian Kiel Flores

Tagapangasiwang Patnugot

Nhorie Mae Bayubay

Patnugot sa Balita

Maja Rafael

Patnugot sa Lathalain

Dynice Fyte Lata

Patnugot sa Palakasan

Babejiezel Wania

Patugot sa Dibuho

Rob Renei Jun Tactac

Patnugot sa Potograpiya

Jenelyn Sapad

Tagapagwasto ng Pahina

Mga Kontribyutor

Nicole Grace Cacayan

Nicole Villanueva

Heherson Miranda Jr.

Gabriel Jamoral

Micah Ella Pillar

Bella Bautista

John D. Gamueda

Jobelle Salvador Gauiran

Tagapayo

Janice Bungag

Rowena P. Talatala

Mae Ann Baylon Jara

Katuwang na Tagapayo

John D. Gamueda

SPJ Coordinator

Maria Rosario S. Puzon

Ulong Guro III - Filipino

Maribeth S. Dela Peña

Punong Guro II

UNIPORME: BANDERA NG MGA ESTUDYANTE

NAKAKABAWAS BA NG PAGKAKAKILANLAN?

Uniporme o sibilyang pananamit? Isa ang uniporme sa mga naging paksa sa mga paaralan, lalo na nang mapatupad ang DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010 na naglalayong hindi required magsuot o bumili ng uniporme ang ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan. Umani ito ng kaniya-kaniyang opinyon ng karamihan na ito’y nararapat lamang sapagkat nililimitahan ng uniporme ang kanilang pagpapahayag sa sarili. Ngunit ipapahayag kong ito’y karapatdapat lamang na ipatupad sa tatlong rason, ito’y nagtataguyod pagkakapantay-pantay, nagpapabuti ng akademikong pag-aaral, at bawas gastos para sa mga magulang.

Una, ang mga uniporme ay nagtataguyod ng pagkapantay-pantay. Ayon sa survey na isinagawa ng Department of Education noong 2016, 86% ng mga guro at administrador sa Pilipinas ay naniniwala na ang mga uniporme sa paaralan ay nagtataguyod ng disiplina at kaayusan sa mga mag-aaral. Kapag ang lahat ay nakasuot ng kaperahong kasuotan, dito’y mararamdaman ng mga estudyante ang hindi pagkakaiba ng bawat isa. Ang pagtutupad sa pagsuot ng uniporme ay mas makatutulong upang matanggal ang ano mang diskriminasyon sa mga social status ng bawat isa. Hindi gaya ng hindi pagsusuot ng uniporme na makikita rito ang iba’t-ibang socioeconomic background ng mga estudyante na maaaring maging dahilan ng bullying o panunukso. Ayon nga sa isang pag-aaral na isinagawa ng National Center for Education Statistics sa Estados Unidos, napag-alaman na ang mga paaralang may pagpapatupad ng uniporme ay may mas mababang saklaw ng pambu-bully kaysa sa mga wala.

Pangalawa, ang uniporme ay nagpapabuti ng akademikong pag-aaral. Mas ramdam ng bawat estudyante ang kanilang pagiging estudyante at pagmamalaki sa kanilang paaralan kapag sila’y nakasuot ng uniporme.

Ito’y nakadagdag din ng motibasyon upang mas paghusayan ang kanilang pag-aaral dahil dala nila ang bigat ng responsibilidad ng pagiging estudyante.

Pangatlo, ito’y bawas gastos para sa magulang ng mga estudyante. Ang mga uniporme ay napag-alamang mas mura kaysa sa mga damit na uso ngayon na branded.

Ang uniporme ng paaralan ay nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkapantay-pantay, pagiging epektibo sa gastos, at maaaring humantong sa pinabuting pagganap sa akademiko.

Magpunta ka man ngayon sa palengke, sa paaralan, o sa patahian, o kaya Divisoria sa maynila uniporme ay lubos na mura at bawas gastos sa buong taon ng pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng murang halaga ng uniporme dahil na rin sa murang halaga ng materyales sa paggawa nito kaya mababawasan ang pinansyal na pasanin ng mga magulang. Hindi lamang mga damit ng kanilang anak ang kailangan nilang gastusan, marami pa silang gastusin na kailangang pagtuunan at hindi ang mga usong damit na isusuot ng kanilang anak sa paaralan.

Sinasabi ng mga estudyanteng nasa panig ng DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010 na nililimitahan ng uniporme ang kanilang pagpapahayag sa sarili. Ngunit ang personalidad at pagkamalikhain ay hindi nililimitahan ng uniporme, kundi ang iba’t ibang opsyon sa pananamit lamang ng estudyante sa paaralan.

Maaari pa ring ipahayag ng mga estudyante ang kanilang sarili sa pamamagitan ng iba pang paraan, tulad ng kanilang mga hairstyle, accessories, at maging ang kanilang mga akademikong tagumpay. Ang uniporme ay mas naaayon sa paaralan kaysa sa mga usong damit dahil pumapasok sila sa paaralan upang mag-aral at hindi mag-fashion show.

Ang pagpapatupad ng uniporme ay lubos na kapaki-pakinabang para sa mga paaralan at mga mag-aaral. Ang uniporme ng paaralan ay nagtataguyod ng pakiramdam ng pagkapantaypantay, pagiging epektibo sa gastos, at maaaring humantong sa pinabuting pagganap sa akademiko. Karapat-dapat lamag isaalang-alang ng mga paaralan ang pagpapatupad ng mga uniporme bilang isang positibong hakbang tungo sa paglikha ng magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa kanilang mga mag-aaral.#

Liwanag Ng Pagbabalik

PANAHON NA UPANG BUMALIK SA NAKAGISNAN ahigit tatlong taon ang tila ba paghinto ng ating mundo simula ng dumating ang mikrobyong sumira sa ating buhay. May mga nawalan ng trabaho at marami din ang pumanaw at nabiktima. Mayroon ding mga nabago sa paraan pang araw-araw na pamumuhay, katulad lamang ng ating pag-aaral. Sa isang iglap, taong 2020, inakala natin na panandalian ititigil ang pagpasok ng mga estudyante upang hindi na mas lumaganap pa ang COVID-19. Subalit dahil sa hindi na makontrol, hindi lang araw, linggo, buwan kundi ilang taon ang iginugol natin sa loob ng ating mga tahanan upang pagtyagaan ang makabagong paraan ng pag-aaral Paglipas ng dalawang taon, limitado man, muling nagbalik aral ang mga estudyante noong Agosto 22 para sa school year 2022-2023.

Isa itong paghahanda para sa mandatory face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan na naganap naman noong Nobyembre 2. Marahil dahil sa pagbabalik sa paaralan, samot sari ang naging komento ng mga

Sa una, maraming naninibago at nagsasabi na mas mabuting manatili nalang muna hanggang ngayon ang pagaaral ng online dahil mas komportable at sanay sila sa ganoong paraan.

Ang iba naman ay tila nakaramdam ng takot na makisalamuha sa iba, isa na sa dahilan ang takot na namuo sa kanilang isipin tungkol sa pagkakahawa sa nakababahalang virus, kasama na rin dito ang kanilang personal na rason. Nangangamba rin ang ilan sapagkat aminado silang wala silang gaanong natutuhan sa online. Nababahala sila kung paano makakasabay sa klase kung hindi sapat ang kanilang kaalaman.

Samantala, doble naman ang bilang ng mga natuwa dahil iisa lamang ang ibig sabihin para sa kanila ng muling pagbabalik aral; ang muling mas matutukan ang pag-aaral. Naniniwala silang mas madaming matututuhan sa loob ng silid aralan at personal na naituturo ng mga guro ang mga aralin.

Malaking tulong ang pagbabalik aral para sa mga estudyante upang mas magabayan ng mga guro ang kanilang progreso. Mas madadagdagan at mahahasa ang kanilang kaalaman bilang mag-aaral. Hindi kagaya sa online class, totoong walang papasok sa iyong utak dahil hindi naman natin nakasanayan ang ganoong paraan ng pag-aaral.

May mga estudyante na walang gadget o internet koneksyon kaya naman paniguradong isa iyon sa dahilan ng kanilang paghihirap na makisabay sa online class. Totoong napakahirap alamin ang totoong mensahe ng kasanayan sa pamamahala ng oras.

Sa ating muling pagbabalik sa pag-aaral sa paaralan, naramdaman natin ang iba’t ibang klase ng pangamba, pananabik, takot, at saya. Normal lang na manibago, ngunit maniguradong lilipas din ang pakiramdam na ito. Nakatutuwa namang isipin na maraming masaya dahil mararanasan na ulit nila ang tunay na kahulugan ng pag-aaral. Ito ay ang liwanag na gagabay sa atin patungo sa ating makulay na kinabukasan.#

Para sa anumang sulat/komento/mungkahi/katanungan/kontribusyon, mangyaring magpadala lamang ng liham sa Opisina ng Pahayagan o mag-text sa 09168458934 o mag-email sa ccnhs_angkawayan@yahoo.com o di kaya naman ay bisitahin ang aming Facebook page @angkawayanccnhs

Walang anumang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa ng Patnugutan. maaaring pumigil sa kaniya.

Sumusubok. Kumakayod, at kumikita, ito ang hinaharap ng ating mga young entrepreneur. Umusbong lalo na noong pandemya ang itinatawag na “online selling” kung saan kahit ikaw ay bata o matanda siguradong kikita na. Mapaparoon ka man sa mundo, laganap na ang ganito.

Kilalanin natin si Jennifer Garcia ng grade 9 Basic Education Curriculum o BEC. Siya ay 14 taong gulang pa lamang at sinimulan ang kaniyang online business noon na sa ika-walong baitang pa lamang siya. Pinasok niya ang ganitong pagbebenta at makaasang makatulong ito sa kaniyang pamilya at pati na rin sa kaniya. Isa na rin itong libangan kapag may bakanteng oras .

Nagbebenta siya ng damit at panghimagas upang kumita. Ayon nga kay Jennifer, binuksan niya ang pinto sa ganitong karanasan dahil kung minsan ay kakaunti lamang ang kinikita ng kaniyang mga magulang o minsan walang trabaho ang kaniyang ama. Sa paraang ito, siya ay umuunlad at lumalaban araw-araw.

Kaagapay niya sa negosyong ito ang kaniyang nobyo, sa kaniya nanggagaling ang pinango-online selling nito. Sa paghati naman ng kaniyang kinikita, ay ibinibigay sa kaniyang magulang at pang-sarili. Malaki-laki na rin naman daw ang kinikita rito at natutustusang mabuti ang sarili.

Maka-ilang beses ng na-bogus o naloko ang estudyanteng ito. Nadismaya sapagkat mayroong umorder ng kaniyang paninda ngunit ito ay bigla na lamang kinansela at sakaniya ang gastos ng order nito.

Pinaghirapan ay nabayaran, kumikita siya ng sapat para may ipambaon siya sa pagpasok niya sa eskwelahan. Ayon kay Jennifer, aabutin ng dalawang daan ang kinikita nito sa isang araw at pumapatak ng anim na libo kada buwan ang naiipon nito. Ngunit minsan ay nakukulangan pa rin sa pangbaon kahit na may kinikita, dahil hindi naman sa araw-araw ay may bumibili rito. Hindi mapagkakaila makakatulong nga ito lalo na kung tayo ay nangangailangan.

Kung hindi dahil sa kaniyang pagbebenta online, hindi ito makakapagaral at makahahawak ng pluma. Sa tulong ng kaniyang online selling, ito ang magiging daan para siya ay makapagtapos sa buhay. Bunga na rin ng kaniyang pagbebenta ang pagbili nito sa kaniyang cellphone na kasalukuyan niyang ginagamit upang maging daan sa online selling. Hindi lamang pamilya pati na rin ang sarili ay natulungan.

Sumubok. Kumayod, at kumita, ito ang karanasan ng mag-aaral ng Cauayan City National High School na si- Jennifer Garcia o kahit sino man sa ating hindi nadidiskubreng young entrepreneur. Sa paraan ng kaniyang pag-bebenta, may nakakamit na ito sa kaniyang buhay . “Gumawa lang sila ng paraan kung gusto nila makapag-aral kasi hindi naman ganoon kadali ang buhay.”

Payo ni Jennifer sa mga mag-aaral na gusto tahakin ang buhay online seller ngunit nangangamba na baka makutsiya.

This article is from: