“Okay pa naman kasi kahit papaano may pasok pa tapos bigla nagkaroon ng pandemic dun na nag-umpisa ang crisis ng buhay,” ani Misis Maricris Fulugan o mas kilala natin bilang Ate Menchu, patungkol sa epekto ng pandemya sa kaniya. Si Ate Menchu ay tatlong taon nang nagtra-trabaho bilang utility staff ng QueSci at may tatlong anak na pinag-aaral.
Aminadong puno ng pag-aalala si Ate Menchu sa sitwasyon ngayon dahil wala siyang permanenteng trabaho na susuporta sa kanilang pangangailangan. “[Yung] panggastos araw-araw wala ka nang inaasahan na kasunod ‘pag naubos na ‘yung konting ipon mo,” agam-agam nito. “Nakiusap ako sa isang kapatid ko na may tatlong anak na ako na lang maglalaba ng mga damit nila. Kahit papaano, binibigyan naman ako ng panggastos,” ang tugon ni Ate Menchu nang tanungin tungkol sa kaniyang pinagkakakitaan, lalo na ngayong mas mahirap humanap ng trabahong makadaragdag sa panggastos dahil sa epekto ng pandemya. “Bukod po sa
paglalaba ko, may dati po kasi ako pinasukan na tahian po, nagextra din po ako kaso sa ngayon po mahina na kasi wala nang matahi –walang tela kasi pandemic walang deliver.” Mag-isa niyang tinataguyod at pinagaaral ang kaniyang mga anak. “Tatlo po sila, single mother po ako.” Dagdag pa niya na, “‘Yung anak ko sa probinsya hindi na nakapunta dito na dapat magbakasyon para makasama po namin siya, kaso wala po siyang masakyan.” Na kung tutuusin ay higit na malaking dagok sa kaniya bilang ina na malayo ang iyong anak lalo na ngayong mayroong pandemya. “Kaht papaano gagawan ko [ng] paraan para makapagpatuloy lang sila,” aniya tungkol sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Tunay na pursigido si Ate Menchu na mapagtapos sila. Isang kahanga-hangang kalidad na sa isang ina mo lang kadalasang makikita. Parang isang manlalayag na pursigidong sumuong sa dagat kahit pa malakas ang alon at hindi sigurado ang maiuuwing huli. Sa gantong sitwasyon ay mas lubos ang pasasalamat ni Ate Menchu sa mga kamag-anak na tumutulong sa kanila na makaraos ngayon. “Kahit papaano [tumutulong ang] mga kapatid ko na regular naman sa trabaho.”
Buong puso rin ang pasasalamat niya sa ayuda ng gobyerno at ng QueScie Agapay sa tulong na ibinigay nila, “Saka po ‘yung ayuda ng Kisay agapay malaking tulong din po sa amin at ‘yung tulong na ibinigay ng mga GPTA officers. Laking tulong talaga po sa katulad namin.” Positibo man ang pananaw ni Ate Menchu sa buhay at hindi nakalilimutang magpasalamat ay aminado pa rin ito na mahirap talaga ang sitwasyon at kung may pagkakataon na makakausap niya ang presidente ay ito ang kanyang sasabihin, “Sana matulungan kami, mabigyang pansin [ang mga] katulad namin na nagsisikap para sa anak [namin] na makatapos.” Isa lamang si Ate Menchu sa marami pang mukha ng mga kapwa natin Pilipino na patuloy pa ring nakapagbibigay inspirasyon sa panahon ngayon. Isang ina at isang magulang na hindi lamang sarili ang iniisip ngunit pati na rin ang mga anak ngayong pandemya. Patuloy pa rin sa buhay na may positibong pananaw at moral na pinaninindigan.
Sa labingtatlong taon niya bilang utility staff ng QueSci, tunay na isang malaking dagok para kay Ate Bhing ang pagsasara ng mga paaralan at pagkawala ng kaniyang pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan. Nang kumustahin ang kaniyang kalagayan ngayon, ganito ang kaniyang naging tugon, “Kahit papaano ay nakakaraos naman, sa awa ng Diyos, at higit sa lahat ay walang sakit.” Bagaman hindi rin ganoon kaalwan ang buhay nila bago pa magkaroon ng pandemya, inamin ni Ate Bhing na talagang mas
nahirapan pa sila ngayon. “Ngayong quarantine, napakahirap. Hindi ko inakala na mangyayari ang ganito sa buong mundo. Mahirap din ang buhay noon, pero okay naman dahil alam mo ang dapat mong gawin. Pero ngayon hindi mo na alam, kasi hindi mo nakikita ang kalaban mo.” Nakatulong din sa kanilang pamilya ang ayudang natanggap mula sa gobyerno. Aminado mang hindi ito sapat para tustusan ang lahat ng kanilang pangangailangan, lalo na ngayon na magbabalikeskwela na at wala pa ring magagamit ang kanyang mga anak sa darating na online class, ay positibo pa rin ang pananaw ni Ate