3 minute read

DOLE CARAGA HINIKAYAT ANG MGA LGU NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE NA MAG-SUMITE NG MGA PANUKALA PARA SA SAPAT NA KABUHAYAN NG MGA RESIDENTE

Bukod sa tulong mula sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Displaced/Disadvantaged (TUPAD), hinikayat din ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa Caraga Region, lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Odette, na magsumite ng mga panukala na naaayon sa kabuhayan ng mga residente sa kanikanilang lugar.

“Ang Department of Labor and Employment ay patuloy na nakikipagugnayan sa ating mga Public Employment Service Offices (PESO), sa lahat ng local government units natin na apektado hindi lamang dito sa hardest hit areas ng Surigao del Norte municipalities and cities, at sa Dinagat Islands kung hindi maging sa ibang areas dito sa ating rehiyon,” ani ni DOLE Caraga regional director Joffrey Suyao.

Advertisement

Binigyang-diin ni Director Suyao na mahigpit ang kanyang utos sa mga PESO managers na magsagawa ng assessment sa mga apektadong lugar ng rehiyon at makipag-ugnayan din sa lokal na pamahalaan para malaman ang kanilang mga pangangailangan at mabigyan ng kaukulang pondo ng DOLE Central Office.

“Maliban sa deployment ng ating TUPAD o Emergency Employment Program, patuloy po ang ibang programa ng departamento lalong-lalo na ‘yung poverty alleviation program natin – kabuhayan or livelihood program. Sa ilalim ng kabuhayan, may tatlong pamamaraan po tayo kung papaano makabenepisyo nito. Mayroon tayong startup na availment; kung mayroon kang exisiting kabuhayan at nabagyohan, mayroon tayong tinatawag rehabilitation program; at mayroon din tayong panggrupo, hindi lang pangindibidwal,” dagdag ni Suyao.

Nagbibigay din ang DOLE ng tulong-teknikal sa mga benepisyaryo katulad ng mga tools o makinarya na kanilang magagamit sa kanilang kabuhayan depende sa ma-aaprubahang proposal ng DOLE. (JPG/PIA-Caraga)

COMELEC, law enforcement agencies sa Caraga nakahanda na sa Hatol ng Bayan 2022

Sa kabila ng pandemiya at pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette, tiniyak ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang isang payapa, organisado, at ligtas na pagboto ng mamamayan sa Hatol ng Bayan sa darating na May 9, 2022 national at local elections.

Ayon kay Atty. Geraldine Samson, assistant election director ng Commission on Elections (COMELEC) Caraga, nagsimula na ang mahigpit na implementasyon ng gun ban sa pagsisimula ng campaign period kaya nais ng ahensya na matiyak ang seguridad ng mga kandidato at ng mga botante.

“Patuloy ang ating koordinasyon sa mga ahensya ng pamahalaan kasama ng Philippine National Police para matiyak ang isang tapat, organisado, at matiwasay na eleksyon sa May 9, 2022. Handa na rin ang ating mga provincial at city/municipal COMELEC offices para sa nalalapit na national at local elections,” ani ni Samson. Hinikayat din ni Atty. Samson ang mga botante na isulong ang kanilang karapatan at bumoto nang maayos sa nalalapit na May 2022 elections.

Umaasa rin siya sa pakikiisa ng mga mamamayan sa pag-monitor ng anumang election-related activity sa kani-kanilang lugar upang masiguro ang kapakanan at kaligtasan ng lahat.

Nanawagan din ang PNP sa mga firearm holders na expired na ang mga lisensya ng baril na dalhin ito sa kanilang tanggapan para maayos ang kustodiya nito habang sumasailalim pa sa renewal of license. sinusunod. Sa mga may expired na baril, mahigpit po ang ating checkpoints kaya asikasuhin na po agad ang renewal nito dahil sa oras na makita po ito sa checkpoint na walang sapat na dokumento, makukumpiska po ito at may karampatang penalty po sa mga lalabag. Idulog niyo lang po sa tanggapan ng PNP ang inyong baril at kapag natapos na po ang renewal, pwede na po ito agad makuha,” banggit ni Police Colonel Martin Gamba, dating provincial director ng Police Provincial Office – Agusan del Norte at ngayon ay chief ng Regional Investigation and Detective Management Division ng PNP-Caraga. (JPG/PIACaraga)

This article is from: