Caraga InFocus – January 15-21, 2022

Page 10

DOLE Caraga hinikayat ang mga LGU na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette na mag-sumite ng mga panukala para sa sapat na kabuhayan ng mga residente mabigyan ng kaukulang pondo ng DOLE Central Office.

Bukod sa tulong mula sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa mga Displaced/Disadvantaged (TUPAD), hinikayat din ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa Caraga Region, lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Odette, na magsumite ng mga panukala na naaayon sa kabuhayan ng mga residente sa kanikanilang lugar. “Ang Department of Labor and Employment ay patuloy na nakikipagugnayan sa ating mga Public Employment Service

10

| January 15-21, 2022

Offices (PESO), sa lahat ng local government units natin na apektado hindi lamang dito sa hardest hit areas ng Surigao del Norte municipalities and cities, at sa Dinagat Islands kung hindi maging sa ibang areas dito sa ating rehiyon,” ani ni DOLE Caraga regional director Joffrey Suyao. Binigyang-diin ni Director Suyao na mahigpit ang kanyang utos sa mga PESO managers na magsagawa ng assessment sa mga apektadong lugar ng rehiyon at makipag-ugnayan din sa lokal na pamahalaan para malaman ang kanilang mga pangangailangan at

“Maliban sa deployment ng ating TUPAD o Emergency Employment Program, patuloy po ang ibang programa ng departamento lalong-lalo na ‘yung poverty alleviation program natin – kabuhayan or livelihood program. Sa ilalim ng kabuhayan, may tatlong pamamaraan po tayo kung papaano makabenepisyo nito. Mayroon tayong startup na availment; kung mayroon kang exisiting kabuhayan at nabagyohan, mayroon tayong tinatawag rehabilitation program; at mayroon din tayong panggrupo, hindi lang pangindibidwal,” dagdag ni Suyao. Nagbibigay din ang DOLE ng tulong-teknikal sa mga benepisyaryo katulad ng mga tools o makinarya na kanilang magagamit sa kanilang kabuhayan depende sa ma-aaprubahang proposal ng DOLE. (JPG/PIA-Caraga)

Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.