Caraga InFocus – January 23-29, 2021

Page 36

KAMPANYA LABAN SA ASF PINAIGTING SA BAYAN NG CANTILAN, SURSUR By John Cuadrasal

FILE PHOTO

Pinaigting ng pamunuan sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur ang kampanya nito laban sa African Swine Fever (ASF) matapos ang isinagawang information education communication (IEC) campaign kahapon, Enero 20. Matagumpay na naisagawa sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Cantilan ang naturang IEC sa mga myembro ng Municipal Agriculture and Fishery Council (MAFC),

36

| January 23-29, 2021

partikular na ang 28 pangulo ng mga farmer associations ng bayan, kung saan pinalawig ang kanilang kaalaman ukol sa ASF at sa hakbangin ng LGU Cantilan laban dito. Dagdag dito, ayon kay Dr. Jayzel dela PeĂąa, Municipal Veterinarian designate ng Cantilan, pinoproseso na ngayon ng LGU-Cantilan, sa pangunguna ni Mayor Maria Carla Pichay, ang pagbuo ng mga Barangay African Swine Fever Prevention Task

Force bilang dagdag hakbangin sa pag-iwas sa banta ng ASF. Una nang inihayag ni Dr. Margarito La Torre, Acting Provincial Veterinary Officer ng Surigao del Sur, na unang nagkaroon ng kaso ng ASF sa lalawigan noong Nobyembre ng 2020 sa bayan ng Cortes ngunit agad na nakontrola ng kinauukulan sa pangunguna ng Department of Agriculture - Caraga. (DXJS RP Tandag/PIASurigao del Sur) Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.