Patawad ANGEL ROSE LEPAÑA
Patawad. Kung lagi’t lagi’y kulang ang binibigay ko sa iyo. Alam kong buo ang hinahanap mo ngunit gumagawa pa rin ako palagi ng paraan upang may matira pa rin sa akin. Pasensya na sapagkat gusto ko lamang magkaroon pa ng parte para sa akin. Nais ko namang bigyan ka ng buo, sa totoo lang. Gusto kong mapasaya kita sa tuwing hinahandugan kita ng aking bayad sa lahat-lahat ng ginagawa’t ibinigay mo sa akin. Ngayong araw, nasaksihan ko na naman ang galing mo sa paghahabi. Kahit anong uri ng materyal ay nagagamit mo at nagiging produktong may kalidad. Kahit anong pagmamadali, kayang kaya mong gawin ng mabuti’t matulin. Lahat nalang nagagawan mo ng paraan. Sana malaman mong hanga talaga ako sa iyo. Labis kitang pinasasalamatan sa paggawa ng mga tela sa damit ko. Ang halaga nito ay walang katumbas—mahal. Ang mahal naman. Kung hindi mo ako bibigyan ng tawad, pwede pautang muna?
15
Illustration by Prince Ric Emmanuel Paciente