Weave - Imagine Nation (Literary Folio) 2020

Page 57

I M A G I N E

N A T I O N

Hinabing Bituin CERA ANGELY RIZARDO

Prenteng nakapwesto ang buwan sa kalangitan ngunit hindi binabalot ng liwanag nito ang kapaligiran sapagkat niyayakap ng makakapal na ulap ang kabuuan ng himpapawid. Sa kabilang banda ay wala ring pagbabadya ng ulan. Tahimik ang paligid maliban sa mga kuliglig at mahinang musika na nagmumula sa isang tindahan sa hindi kalayuan. Hindi alintana ang dilim kay Lia na mag-isang nakaupo sa kinakalawang na mahabang upuan sa parke. Nakatulala lang sa hangin ang dalaga. Hindi malaman kung sadyang malalim ang iniisip niya o tinatanaw ang nagsasayawang ilaw mula sa mga gusali na nasasalamin sa tubig ng lawa na siyang pumapamagitan sa masiglang kabisera at kinaroroonan niya. Mapapansin sa kanyang tabi ang kuwadradong bagay na nasasabugan ng iba’t- ibang mga kulay na kung tititigan mo nang mabuti ay isang larawan. Kusa naman niyang niyakap ang sarili sa biglang pagdaan ng malamig na simoy ng hangin. Walang ano- ano’y bigla siyang napahagulgol dahil sa isipa’y sa wakas, nakalaya na siya. --“Dapat ikaw pa rin ang mangunguna sa buong klase mo," matigas na bilin ng ina habang nilalagay ang patong- patong na mga libro sa kanyang harapan. Pinagmasdan niya ang ina. Mahigpit ang kalamnan ng mukha nito na para bang malimit lang ngumiti. Sa unang kita mo sa ginang ay masasabing strikta ito ngunit hindi rin maitatanggi na maganda ang tindig at sopistikada. Talagang matagumpay sa buhay ang ina lalo na sa larangan ng negosyo nitong mga hinabing produkto na siya mismo ang nagdidisenyo. Natatandaan niya pa noong sampung- taong gulang siya; hanganghanga siya sa ina nang may inuwi itong isang nakakamanghang bag. Maganda ang kombinasyon ng kulay nito at kahit walang gaanong dekorasyon ay nakaaakit pa rin sa paningin. “Ito ang isa sa mga pinakamagandang ginawa ko”. Maalala pa niyang puno ng saya ang tinig na ina, tanda kung gaano niya kamahal ang ginagawa. “Pero ikaw at ang Kuya mo ang titingkayad sa lahat ng mga obra ko. Kayo ang pinakadakila sa lahat.” Sa kabilang banda, ito ang linyang hinding- hindi niya makakalimutan. Nabago ang paningin niya sa pagkukumparang ito. Ganoon ba talaga? Isang produkto lang nga ba ang mga anak para sa kanilang magulang, kung saan ay ipinagkakandalakan sila sa mundo na parang sa isang kompetisyon ng mga pinakamagaling na manghahabi na supling? Hindi niya maintindihan. “Siya nga pala, naasikaso ko na ang dokumento mo para sa kolehiyo. Ilang taon pa bago maging doktor ka kaya pag- igihan mo ang pag- aaral ” pahayag na naman ng ina. Nagulat ang dalaga at hindi agad nakagsagot. Labag man sa kalooban ay marahan na lamang siyang tumango. Mukhang mananatili na lamang sa kanyang panaginip ang pagmamahal niya sa sining at literatura sa kadahilanang hindi niya maaayawan ang batas ng ina. Para bang tuluyang kinuha ang kanyang boses at naging sunudsunuran na lamang sa plawtang tinutugtog nito. Parang kinulong siya sa isang bote at itinapon sa dagat kung saan siya nanatiling nakalutang at naghihintay na matagpuan. Ilang beses niya ring sinubukang makawala ngunit nagpaghihinaan siya ng loob sa tuwing maririnig na hindi sapat ang kaalaman niya para mabuhay sa mundo. Mula noon, natuto na lamang siyang paniwalaan ang sasabihin ng iba lalo na ang opinyon ng ina. Natuto siyang isiksik ang sarili sa mundong ginawa ng iba. Simula nang nabuhay siya, pakiramdam niya’y hindi niya naging pagmamay- ari ang sarili.

42


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Cat Valley

21min
pages 102-125

Solitude

0
page 101

The Lie Spinner's Tale

4min
pages 99-100

Seeking Nightmares

7min
pages 96-98

autumn left

0
page 94

brink

0
page 95

Infiltration

0
pages 83-84

The Master Weaver

0
page 85

Tenebris' Death Wish

8min
pages 90-93

Existence

4min
pages 87-89

Baliskad

5min
pages 81-82

Mermaid's Cry

0
pages 71-72

Weaver of Destiny

2min
pages 78-79

Attempt

0
page 80

Disconnected Strings

0
page 73

Intertwined

0
pages 76-77

Dreamcatcher

0
page 75

A Sad Twist Of Fate

0
page 74

Woven Affliction

0
page 70

Hinabing Bituin

5min
pages 57-60

Sirang Karayom

0
pages 67-69

The Most Beautiful Way to Die

1min
page 62

Gentle Armor

1min
page 65

escape

0
page 66

String of Hope

0
page 64

Sea

0
page 63

These are the hands of fate

0
page 56

11,034 meters

4min
pages 51-53

Last Day at Work

6min
pages 48-50

Disappointments

0
pages 46-47

Pagdaop

0
pages 54-55

Downpour

1min
page 41

The Thief and the Seamstress

1min
pages 39-40

Mermaid

7min
pages 42-45

Who was I before I lost my name?

7min
pages 34-38

Hawla

2min
page 21

Ang Manghahabi

0
pages 22-23

Handog

0
pages 28-29

Patawad

0
page 30

Hoping

0
pages 26-27

A Wind of Tradition

3min
pages 16-20

The Design

0
page 25

Mapanlinlang na Sining

0
pages 31-32
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.