I M A G I N E
N A T I O N
Sirang Karayom Balita ko, Ang dati’y isang napakagandang damit, Magiging basahan na lang Ang noo’y pinaghirapang makuha, Hinanap sa kahit saang lupalop, At pinag-ingatang gawin ang mga hibla, Nilalagay na lang kahit saan Ang minsa’y naging akin, Ngunit napunta pa sa iba, Ang akala ko’y husto at akma, May gusto pa palang bagayan
Nang masilayan kitang muli Ika’y sira’t napinsala na Punit-punit at gutay-gutay Ninais kong ayusin ka Kukumpunihin kita sana Pero sino ako, Para tahiin, pagtagpi-tagpiin ayusin ka Kung ako mismo, Winasak mo na
ANGEL ROSE LEPAÑA
Higit Pa Palagi mong tatandaan Na walang sapat na dahilan Para ikaw ay hubaran. Hindi kailanman nasusukat sa kinis ng katawan, Hindi rin sa paraan ng pagkilos At wala rin sa pinagtagpi mong pananamit. Wala silang karapatan na ika’y tanggalan ng saplot, Ang iyong puso’t katawan ang bumubuo Sa pagkatao mo.
Hindi ka kanino man pagmamay-ari Na kung saan ika’y gagamitin Ikaw ay tao, labis pa sa kanilang iniisip. Wala silang dahilan para ika’y pagsamantalahan. Sapagkat ikaw ay higit pa sa’yong kasarian At mga dikta sa iyo ng lipunan. KARREN JAY ASGAR
56