Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng CLSU National Election Special Issue FOR STUDENTRY: Equality
NATIONAL ELECTION PARTIAL AND UNOFFICIAL RESULTS AS OF MAY 13, 2022
PRESIDENT
VICE PRESIDENT
Bongbong Marcos
Sara Duterte
31,104,175votes
31,561,948votes
Leni Robredo
Kiko Pangilinan
14,822,05votes
9,232,883votes
Manny Pacquiao
Tito Sotto
3,629,805votes
8,183,184votes
Isko Moreno
Willie Ong
1,900,010votes
1,851,498votes
Ping Lacson
Lito Atienza
882,236votes
267,530votes Sanggunian: GMA News Online
Marcos-Duterte, napipinto para sa bagong Administrasyon ng Pilipinas
balita
Emmanuel B. Namoro at Renz Jay Taguinod
Matapos kapwa makapagtala ng mayoryang bilang ng boto mula sa paunang bilangan para sa Elekesyon 2022, napipinto ang muling pagbabalik sa Malacanang ng anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo kasama ang kaniyang kaalyado na si Sara Duterte-Carpio sa pagkapangalawang pangulo ng bansa. Base sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News, naiproseso
na ang 98.35% ng kabuuang boto ng bansa at mula dito ay nakapagtala si presumptive president-elect Marcos Jr. ng 31,104,175 na boto samantalang ang kanyang kapartido na si Duterte-Carpio na mauupo sa pagka-bise presidente ay nakakuha ng 31,561,948. Nanguna si Marcos sa iba’t ibang rehiyon sa bansa tulad ng Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Rehiyon 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
(BARMM). Sa kabilang banda, nakuha ni Duterte-Carpio ang karamihan ng boto sa CAR, NCR, Rehiyon 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, at BARMM. Samantala, anim na kandidato para sa pagkasenador na mula sa UniTeam ang pasok sa Magic 12 na pinangunahan ni Robin Padilla na nasungkit ang unang pwesto na sinundan naman ni Loren Legarda, Win Gatchalian sa ika-apat, Mark Villar sa ikaanim, Juan Miguel Zubiri sa
ituloy sa pahina 5
#Academic Walkout sigaw ng mga lider estudyante
3 editoryal 6 9
Pamanang Suliranin sa Bagong Administrasyon
opinyon
Banta sa Katotohanan
BALITA
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE CLSU COLLEGIAN
SIGAW NG KABATAAN. Humigit kumulang isang daang estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at institusyon sa lalawigan ng Nueva Ecija ang nagtipon at nakiisa sa kilos protesta laban sa COMELEC, sa Plaza Lucero Cabanatuan, Nueva Ecija noong ika-10 ng Mayo, 2022. Ang sigaw ng kabataan, bigyang panagutan at kasagutan ang mga lumalabas na anomalya at nasisilip na dayaan sa nakaraang halalan 2022.
Magic 12 prinoklama ng COMELEC Richmond Jasper Barlis at Renz Jay Taguinod
2
Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘Magic 12’ o ang top 12 sa pagkasenator sa Philippine International Convention Center Forum Tent, Pasay City, ika-18 ng Mayo matapos ang canvassing ng 172 sa 173 local and overseas Certificate of Canvass (COC’s). Kabilang sa Magic 12 sina Actor Robin Padilla, Antique Rep. Loren Legarda, TV Personality Raffy Tulfo, Sen. Sherwin Gatchalian, Sorsogon Governor Chiz Escudero, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, dating House Speaker Alan Peter Cayetano, Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Joel Villanueva, dating senador JV Ejercito, Sen. Risa Hontiveros at dating senador Jinggoy Estrada. Ayon sa National Board of Canvasser (NBOC) Chairman Saidamen Pangarungan ginanap ang proklamasyon kahit wala ang mga COCs mula sa Shanghai China, at Lanao Del Sur dahil hindi na ito makakaapekto sa resulta ng eleksyon. “The NBOC approved in an open session the recommendation of the Supervisory Committee that the national board of canvassers can already proclaim the 12-winning candidate for senator based from
the 172 out of 173 COC’s canvassed, such that the remaining results from China and Lanao del sur won’t affect much the result as Jinggoy Estrada has approximate 1.8 million lead over the 13th placer Jejomar Binay”, pahayag ni Chairman Pangarungan. Sa kabuuan, may naitalang 1,191 na boto mula Shanghai, China at 685,643 naman sa 14 na barangay sa Lanao del Sur. Binubuo ng tatlong (3) baguhan sa senado, limang (5) dating kabilang sa lehislatura, at apat (4) na kasalukuyang senador sa ilalim ng 18th congress ang Magic 12. Nanguna si Padilla sa top 12 na may 26,612,343 na boto, pumangatlo naman si Tulfo na may 23,369,954 na boto na kagaya ni Padilla, ay magiging parte ng kongreso sa unang pagkakataon. Nasa ika-anim na puwesto naman si Villar matapos umani ng 23,396,954 na boto, na kapwa unang pagkakataon sa pagkasenador. Naging matagumpay din ang mga dating senador na sina Legarda na pumangalawa na may 24,264,969 boto; ikalimang pwesto naman si Escudero na may 20,271,458; ika-pitong puwesto si Cayetano na nakakuha ng 19,295,314; nasa ikasampung puwesto si Ejercito ituloy sa pahina 4
NATIONAL ELECTION
RESULTS
SENATORS Robin Padilla 26,612,343votes
Loren Legarda 24,264,969votes
Raffy Tulfo 23,369,954votes
Win Gatchalian 20,353,261votes
Chiz Escudero 20,271,458votes
Mark Villar 19,475,592votes
Alan Peter Cayetano 19,295,314votes
Migz Zubiri 18,734,336votes
Joel Villanueva 18,486,034votes
JV Ejercito 15,841,858votes
Risa Hontiveros 15,420,807votes
Jinggoy Estrada 15,108,625votes Sanggunian: CNN Philippines
sa eleksyon. Kinondena rin ng mga protestante ang mga isyu na kinahaharap at kahaharapin ng bansa sa nagbabadyang soberanya ng tambalang Marcos-Duterte tulad ng pagbabago ng kasaysayan, malawakang pagkalat ng maling impormasyon, diktadurya, at pasismo. Matapos ang protesta sa isang martsa sa paligid ng pampublikong pamilihan ng lungsod na sinundan ng panalangin at pagsisindi ng kandila sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral. Kaugnay nito, nanawagan ang Central Luzon State University University Supreme Student Council
sa administrasyon ng pamantasan na magkansela ng klase sa loob ng isang linggo dahil hindi umano nabubukod ang sangkaestudyantehan sa mga isyu na nagaganap ngayong halalan. “Nararapat lamang na pagtuunan natin ng pansin at pagsisikap ang pagproprotekta sa demokrasya ng bansa,” saad ng konseho. Samantala, kanila ring inihayag na ang panawagan ay upang masiguro ang disposisyon ng mga estudyante na maaaring naapektuhan ng nagdaang eleksyon.
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE
Upang humingi ng tugon mula sa Commission on Elections (Comelec), isinigaw ng mga kabataan mula sa iba’t ibang organisasyon ang mga panawagan tungkol sa kaliwa’t kanang reklamo ukol sa 2022 National Elections sa Plaza Lucero, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong ika-10 ng Mayo. Ipinatitigil din ng grupo ang inisyal na resulta ng pagbibilang ng boto na dulot ng kapansinpansing kapabayaan ng Comelec na magsagawa ng isang patas na botohan. Kabilang dito ang ilang mga kasong naitala ng pagkasira ng mga Vote Counting Machine (VCM) sa iba’t ibang sulok ng bansa at iba pang mga anomalyang nalilingkis
CLSU COLLEGIAN
Ferdinne Julia Cucio
BALITA
Kilos protesta laban sa COMELEC ikinasa, anomalya sa eleksyon binatikos
#AcademicWalkout sigaw ng mga lider estudyante ng iba’t ibang unibersidad Richmond Jasper Barlis at Danver Manuel
“No classes under a Marcos-Duterte Presidency.” Nakiisa ang konseho ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang malalaking akademikong institusyon sa bansa sa panawagang #AcademicWalkout matapos ang paglabas ng unofficial results ng botohan sa transparency board ng Commission on Election (COMELEC) kasama rito ang tulad ng Ateneo De Manila University, De La Salle University of Manila, at University of the Philippines. Ayon sa pahayag na nilabas ng UP Office of the Student Regent, hindi dapat pahintulutan ng mga estudyante ang pamumuno ng isang magnanakaw at mamamatay-tao. Dagdag pa nila, bagama’t tapat na lumahok ang mga mamamayan sa eleksyon, pandaraya at paglabag sa batas umano ang naging sagot ng administrasyon. Sinang-ayunan naman ito ng iba’t ibang organisasyon gaya ng Polytechnic University of the Philippines - Sentral na Konseho ng mga Mag-aaral, DLSU-University Student Student Government, Sanggunian ng mga Mag-aaral ng mga Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila, Far Eastern University Central Student Organization, at iba pa. “Patuloy natin igiit ang ating mga karapatan at palapadin ang demokratikong puwersa upang tuluyan na wakasan ang panunumbalik at pananatili ng dilim sa ating bayan!” saad ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral. Umani naman ng negatibong reaksyon sa publiko ang petisyon ng bawat unibersidad sa pagsuspinde ng klase at sinasabing dulot lamang umano ito ng pagsuporta kay outgoing Vice President Leni Robredo. “Hindi si Leni, Marcos, Isko, Ka Leody, Lacson, o Pacquiao ang dapat manalo. Ang Pilipinas ang dapat Manalo. Mahal kita Pilipinas. Kay sarap mong mahalin, pero kay hirap mong ipagtanggol,” depensa ng National University Student Government. Sa kabilang banda naglabas ng opisyal na pahayag ang Central Luzon State University - University Supreme Student Council, matapos magkaroon ng DP-blast sa Facebook ang mga mag-aaral ng unibersidad na
MGA KONSEHO NA NAKIISA SA
#ACADEMICWALKOUT
nagpapakita ng pakikiisa sa #AcademicWalkout. “The University Supreme Student Council, being the highest student governing body of Central Luzon State University, asserts its independence over students’ personal involvement in the circulating petition dubbed as #AcademicWalkout resulting from the unofficial outcome of the National Election,” paliwanag ng konseho. Nilinaw din ng CLSU-USSC sa kanilang pahayag na ang pakikiisa ng mga opisyal ng konseho sa pagpapakita ng politikal na ekspresyon ay hindi sumasalamin sa katayuan ng konseho, bagkus ang pahayag ng mga mag-aaral at ng mga pinuno ay mananatiling personal at hindi batay sa impluwensiya ng grupong kinabibilangan.
3
BALITA
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE CLSU COLLEGIAN
Sirang VCMs, isa sa pangunahing mga suliranin sa nagdaang Eleksyon 2022 Melorie Faith Dizon at Justine Mae Feliciano
Nagtala ng mahigit 1,800 na kaso ng aberya ang Vote Counting Machines (VCMs) ayon sa Commission on Elections (COMELEC) sa kabila ng naging pahayag ng komisyon noong ika-10 ng Mayo sa matagumpay umanong pagsasagawa ng lokal at nasyonal na halalan na ginanap noong ika-9 ng Mayo. Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, ilan sa mga aberyang naranasan sa pagboto ay ang mga pangkaraniwang problema gaya ng paper jams, rejected ballots, at iba pang glitches sa mga VCM scanners at VCM printers tulad na lamang ng hindi maayos na printing. Bilang resulta, naging sentro ng reklamo ng mga botante ang mahaba at mabagal na pag-usad ng mga linya sa mga presinto, at pagkaantala sa oras ng pagboto na siyang naging mitsa ng panawagan ng ilang mga grupo kabilang ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), at election watchdog Kontra Daya sa karagdagang oras ng pagtatala sa balota na nakatakdang magsimula ng alas-6 ng umaga at matapos ng alas-7 ng gabi noong araw ding iyon. “Kapag may VCM
malfunction at hindi magamit pansamantala, pwede kang maghintay na maayos ang problema, o pwede mo iwan ang balota mo sa electoral board, para sila ang mag ba-batch feed ng mga balota pag gumagana na ang makina,” direktang pahayag ni COMELEC Director James Jimenez gamit ang kanyang Twitter account.. Samantala, partikular sa Central Luzon, sa ulat ni COMELEC Assistant Regional Director Elmo Duque, ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 23 na sirang mga VCMs, at apat na SD cards, kung saan ang pito ay nagmula sa Nueva Ecija at ganoon din sa probinsya ng Bulacan, lima sa Zambales, dalawa sa Aurora gayundin sa Bataan, habang isa naman sa Tarlac. Sa panayam kasama ang Chairman ng Steering Committee para sa Eleksyon 2022 na si COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, pinuna niya ang naging problema sa nagdaang halalan at sinabi na hindi na gagamitin ang mga naturang VCMs para sa darating na eleksyon sa 2025 at sa mga susunod pa, sa kabila ng hamon sa kakulangan sa pondo, sapagkat nasagad na ang kapasidad ng mga makina.
ANOMALYA. Bagamat maituturing na maliit na Barangay sa bayan ng Bongabon, hindi nakaligtas ang Vote Counting Machine (VCM) mula sa Barangay Bantug sa mga anomalya at nasisilip na dayaan sa naganap na Halalan noong ika-9 ng Mayo 2022. Kaya naman, muling binuksan ng electoral board na si Sir Adam Legaspi mula sa Bongabon Senior High Schoo ang Vote Counting Machine (VCM) sa Bantug Elementary School sa kadahilanang ayaw tanggapin ng machine ang balota. © ALVRETCH JAVAT
Sa kabilang banda, binigyang linaw ng Acting COMELEC Spokesman na si John Rex Laudiangco na wala pang kasiguraduhan ang nabanggit na hindi paggamit ng mga VCMs, subalit ibinahagi niya na ang orihinal na panukala ng COMELEC ay ang pagkakaroon ng mga bagong makina para sa pagdaraos ng mga
Magic 12 prinoklama...
HONTIVEROS
4
“Mga kasama, hindi iisa ang magiging liwanag natin. Hindi tayo naghahanap ng tila iisang kandilang may sindi sa kawalan. Bagkus, ituring natin ang bawat isa na mga alitaptap na sama-samang kumukutitap hanggang dumating ang bagong umaga. Let us look after each other. Walang iwanan. Tuloy ang Laban”
na may 15,841,858 habang ang kapatid nito ang kumuha ng ikalabindalawang puwesto na si Estrada na nakatanggap ng 15,108,220 na boto. Apat naman ang mga nakapasok na re-electionists na sina Gatchalian sa ikaapat na pwesto na may 20,535,261 na boto; 18,734,336 naman ang nakuha ni Zubiri sapat na para makuha ang ikawalong puwesto habang nasa ika siyam na puwesto naman si Villanueva na may 18,486,034 na boto. Sa kabilang banda, nanatiling mag-isang oposisyon si reelectionist Hontiveros na nasa ika labing isang puwesto matapos makakuha ng 15,420,807 na boto. Sa kanyang acceptance speech,
susunod na eleksyon. Tiniyak naman ni Commissioner Garcia na hindi na mauulit ang mga naranasang isyu sa 2025 kaalinsabay sa pagtukoy sa mga depektibong VCMs bilang isa sa pinakamalaking balakid sa Halalan 2022 kasama ang mga mahahabang pila ng mga botante.
mula sa pahina 2
binigyan niya ng kasiguraduhan ang mga sumusuporta sa kaniya bilang parte ng oposisyon na hindi siya mag-iisa sa pagsusulong ng isang tapat at malinis na pamumuno. “Mga kasama, hindi iisa ang magiging liwanag natin. Hindi tayo naghahanap ng tila iisang kandilang may sindi sa kawalan. Bagkus, ituring natin ang bawat isa na mga alitaptap na samasamang kumukutitap hanggang dumating ang bagong umaga. Let us look after each other. Walang iwanan. Tuloy ang Laban” pahayag ni Hontiveros. Sa kabuuan, nakapagtala ang Comelec ng 83.11 porsyento ng boto o 55,549,791 mula sa 66,839,976 na rehistradong botante.
CLSU COLLEGIAN
BALITA
PAGPAPATOTOO. Ipinahayag ni Commission Marlon Casquejo na walang nangyaring iregularidad sa tanggapan ng Commission of Election(Comelec) sa halalan 2022 at nagbigay katiyakan na hindi basta-basta magkakaroon ng dayaan sa botohan sapagkat mataas ang seguridad ng kanilang system kung kaya’t malabo itong mamanipula. ©mn.ph/comelec-RMN Networks
mula sa pahina 1
ika-walo, at Jinggoy Estrada sa ikalabing dalawa. Lakas-loob namang inihayag ng Marcos-Duterte tandem noong panahon ng kampanya na itutuloy nila ang mga magagandang programa ni outgoing President Rodrigo Duterte, at sisikaping magkaroon ng mapayapang pamumuhay sa bansa, mas paiigtingin ang implementasyon ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program, tutulungan ang bawat pamilyang Pilipino na makaahon mula sa epekto ng pandemya, popondohan ang scholarship program ng Commission on Higher Education (CHED), at higit sa lahat magkaroon ng pagkakaisa ang mamamayan ng bansa. Maaalalang hindi pa man nila idinedeklara ang kanilang pagtakbo sa kani-kaniyang pwesto, hanggang sa pagkapanalo nila sa kasalukuyan, ay inuulan na ng samu’t saring batikos at kontrobersiya ang dalawa lalong-lalo na sa isyu ng edukasyon, track record, ill-gotten wealth, hindi tamang pagbabayad ng buwis, pagkakasangkot sa mga karahasan, at iba pa. Inaasahan naman na ang proklamasyon sa mga bagong lider ng bansa ay mangyayari sa Mayo 27 ayon kay Senate President Vicente Sotto III. Samantala, pinag-aaralan pa ng kampo ni presumptive Vice Presidentelect Duterte-Carpio na ganapin ang kanyang inagurasyon sa Hunyo 19 upang makadalo sa oath taking ng kanyang running mate na si Marcos.
TIGRE AT AGILA. Nanguna ang tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio ng Uniteam sa natapos na National Election 2022 base sa inilabas na datos ng Comelec. Kasabay nito ay ang pagsasagawa ng kilos-protesta ng iba’t ibang organisasyon upang kwestyunin ang resulta sa nasabing halalan. ©NewsTV5
COMELEC, iginiit na walang anomalyang nangyari sa bilangan ng boto
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE
Marcos-Duterte...
Lexter Dan Ciriaco at Christine Nicolas
Mariing iginiit ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Marlon Casquejo nitong ika-10 ng Mayo na walang anumang anomalyang naganap sa bilangan ng boto para sa Halalan 2022 sa kabila ng mga ibinabatong espekulasyon sa ahensiya. Kaugnay nito, ibinasura rin ng komisyon ang alegasyon ng pandaraya sa bilangan sa presidential race kung saan malaki ang lamang ng nangungunang presidential aspirant at ngayon ay presumptive winner na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ipinagtaka ng ilang supporters ni Vice President Leni Robredo (pumapangalawa sa presidential race) ang napansining “constant 68:32 pattern or 47% ratio” sa pagitan ng mga boto ni Robredo at Marcos Jr. nang magsimulang magpadala ang mga clustered precincts ng election returns sa mga server ng Comelec pasado alas-7 ng gabi noong Lunes. Ngunit ipinaliwanag ni Commissioner Casquejo na mahirap mapatunayang may dayaan sa nasabing porsyento at ang nasabing consistent margin ay “statistically probable” “Our system went through certification, we had a local source code review. How can you insert such a percentage to hand a win or loss to a candidate?” pahayag ni Commissioner Casquejo sa isang media briefing nitong ika-10 ng Mayo. Dagdag din dito ang paratang na kumakalat sa internet na ‘di umano’y ibang pangalan ng kandidato ang lumalabas sa resibo ng ilang botante, at mga ballot receipt boxes o election returns na mistulang hindi umabot sa logistics ng Comelec. “Sa simula pa lang, kami ay naging transparent na. ipinakita namin ang lahat ng aming mga paglilitis ay malinaw para lamang ipakita sa mga tao na ang aming ginagawa ay naaayon sa batas at mga tuntunin,” paliwanag ni COMELEC Acting Spokesperson Director John Rex Laudiangco. Ayon naman sa ulat ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong ika-19 ng Mayo, nakapagtala ang organisasyon ng 98.73% match sa kanilang parallel vote counting. Sa kabilang banda, ayon kay PPCRV Director for Youth Affairs Jude Liao, may naitalang na 830 election returns (ER) na hindi tugma–150 dito ang hindi pa naikukumpara, 341 naman ang hindi na maitutugma sapagkat wala silang “electronically transmitted counterparts”. Hindi naman napigilan ang mga kilos protestang idinaos ng iba’t-ibang grupong kinabibilangan ng mga aktibista at kabataang sa paghayag ng kanilang alinlangan at pagkadismaya sa resulta ng halalan, kabilang na rito ang ginanap na protesta sa main office ng COMELEC na nilahukan ng mga grupong Kabataan, Kilusang Mayo Uno, Karapatan, Bayan, at Kontra Daya noong ika-10 ng Mayo. Maliban sa irregularidad sa bilangan, ipinananawagan din na matugunan ang ilan pa sa mga suliranin at anomalya kabilang na ang malfunctioning Vote Counting Machines (VCMs), vote buying, at mga guro umanong nagse-shade sa mga balota.
5
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE
EDITORYAL
CLSU COLLEGIAN
Pamanang Suliranin sa Bagong Administrasyon Sa ayaw at sa gusto ng susunod na pangulo ng Pilipinas, babalandra sa kanya ang mga maiiwan na problemang dulot ng pagkukulang at kapalpakan ng administrasyong Duterte. Sa pagtatapos ng halalan 2022, panibagong balasa ng baraha ang inaasahan ng mga Pilipino na ayon sa naging desisyon ng nakararami. Isang bagong pangulo na naman ang nakatakda upang mamuno na nararapat magdala ng pagbabago at kaunlaran sa ating bansa. Mabagal na Pagresponde sa Pandemya Ang kasalukuyang lagay ng bansa sa kalagitnaan ng pandemya ang isa sa mahabang listahan ng problemang maiiwan sa susunod na administrasyon. Noong Enero, taong 2020, kasagsagan ng paglitaw ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nanawagan na ang mga Pilipino sa gobyerno na pansamantalang ipasara ang borders upang malimitahan ang lalong pagkalat ng nasabing virus sa loob at labas ng bansa. Ngunit ang panawagang ito ay hindi pinakinggan ng mga nasa itaas, kung kaya’t nagpatuloy pa rin ang mga byahe palabas at papasok ng bansa. Dahil dito, lumobo ang bilang ng kaso sa bansa at hanggang sa ngayon, dalawang taon na ang nakalipas, ay patuloy pa rin ang pakikibaka sa gitna ng pandemya. Ayon sa Department of Health (DOH), mabagal pa rin ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 infection sa bansa, at pumapatak sa 146 ang average ng kaso kada araw mula noong ika-6 hanggang ika-
12 ng Mayo. Malaking hamon para sa bagong administrasyon kung paano ito masosolusyunan, dagdag pa ang banta ng panibagong variant na kumakalat. Suliranin sa Trabaho at Sistemang Pangkalusugan Naka-abang din sa susunod na presidente ang mga suliranin sa iba’t-ibang sektor. Kabilang na ang pagtaas ng unemployment rate ng humigit-kumulang sa 6.5% ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), bulok na sistemang pangkalusugan, at hindi sapat na sahod ng healthcare workers sa kabila ng pagtataya ng kanilang buhay sa trabaho. Kaugnay nito, dapat malaman ng nagdaan at susunod na administrasyon na hindi sapat ang paghirang sa ating mga frontliners bilang mga bayani bilang kompensasyon, dahil ang totoong kailangan nila ay ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng tamang sahod at benepisyo. Paglobo ng Utang ng Bansa Haharapin ng susunod na administrasyon ang bayan na nakabaon sa utang na humigit kumulang P12 trilyon bilang international debt ayon sa datos mula sa Bureau of Treasury. Ito ay umakyat ng 4.8 porsyento mula sa P12.09 trilyon noong Pebrero, samantalang ang palitan ng GDP o Gross Domestic Product sa ay umabot ng 63.5 porsyento noong Marso. Ito pa rin ang pinakamataas na debt-to-GDP ratio kumpara sa 65.7 ratio noong 2005, ibig sabihin ay magmula pa noon ay hindi pa umaangat ang GDP ng Pilipinas
na magbubukas sana ng mas maraming trabaho at magandang sweldo sa ating mga kababayan. Kasabay nito ang mga pullouts ng mga investors at malalaking korporasyon tulad ng J.P Morgan na isang kilalang financial service na nagbibigay ng iba’t ibang insurance at trabaho sa mga Pilipino. Kung patuloy ang pag-alis ng mga foreign investors sa ating bansa, magiging dulot nito ang pagbaba ng minimum wage ng mga manggagawa, pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho, at pagkaantala ng paglago ng mga negosyo na tuluyang magpapabagsak ng ekonomiya. Krisis sa Edukasyon Bagama’t problema na ito mula pa noon, hindi maikakaila na ang mababang kalidad ng edukasyon ay nananatili pa rin na isa sa suliranin ng lipunan. Mula noong dumating ang pandemya at hanggang sa kasalukuyan, hindi naging sapat ang tugon ng pamahalaan sa nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa. Agosto noong nakaraang taon, naglaan ang Commission on Higher Education (CHED) sa pamumuno ni Prospero De Vera III ng P62.3 bilyon bilang kabuuang pondo ng nasabing kagawaran para sa taong 2022, ngunit tahasang tinanggihan ito ng Department of Budget and Management (DBM) at ibinaba sa halagang P52.6
b e PATNUGUTAN NG PANGALAWANG SEMESTRE A.Y. 2021-2022
6-7
QD @KuleOfficial E CLSUCollegianOfficial k clsucollegian@clsu.edu.ph 9 CLSU Collegian Office, Student Union Building, CLSU, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
“
...kaakibat ng kapangyarihan, nakapatong sa balikat ng bagong pangulo ang bawat desisyon na maaaring makapaglugmok sa bansa, o ang makapag-ahon nito sa hukay.
bilyon. Isa lamang itong sensyales na hindi nakatuon ang pamahalaan sa pagpapasigla ng nasabing sektor kung saan isinasangkalan ang kinabukasan ng mga estudyante para lamang sa maliit na bahagi ng kaban ng bayan. Dagdag pa rito, ipinatupad ng Department of Education (DepEd) ang blended learning o flexible learning modality kung saan sa bahay na lamang nag-aaral ang mga estudyante gamit ang mga itinakdang babasahin at gabay ng guro sa pamamagitan ng internet, telebisyon o radyo. Gayunpaman, hindi lahat ng lugar ay mayroong koneksyon sa internet, kuryente at kakayahang bumili ng gadyet. Dahil dito, hindi magiging imposible ang pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral sa mga susunod pang taon. Noon lamang taong 2020, naitala ng
DepEd ang humigit 4 milyong estudyante na natigil sa pag-aaral dulot ng pandemya. Samantala, hindi rin maikakaila ang hamong naka-balakid sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, 676 lamang sa humigitkumulang 16,000 pribadong paaralan ang nagpatupad ng in-person classes, na ito ay nangangahulugang 5.47% lamang. Dahil karamihan ng guro ay hindi pa sapat ang kahandaan, pati na rin ang mga mag-aaral na hindi pa nasasaksakan ng COVID-19 vaccine o hindi pa kumpleto ang dosage nito. Paglabag sa Karapatang Pantao Kung babalikan ang mga taon ng pamumuno ng administrasyong Duterte, naging kontrobersyal sa loob at labas ng bansa ang kanilang madugong kampanya kontra droga. Sa kabilang dako, nasa kamay ng susunod na administrasyon ang desisyon kung ipagpapatuloy ang War on Drugs na isinulong ni Duterte na isa sa kanyang plataporma noong 2016, na kumitil ng mahigit kumulang 22,983 na buhay mula 2016 at 2018 ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP). Bukod pa rito ay ang pagpaslang sa 33 na aktibista sa ilalim ng panunungkulan ni Duterte ayon sa human rights group na Karapatan noong Abril, at ang kaliwa’t kanang pagpapatikom sa mga oposisyon katulad nina Rappler Chief Executive Officer (CEO) Maria Ressa at Senador Leila de Lima. Hustisya sa mga biktima ng pasistang rehimen ang panawagan ngunit patuloy pa rin ang pag-apak sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Dahil sa nag-aabang na mga problema na ipapamana ng administrasyong Duterte, masyado pang maaga upang magsaya ang mga uupo sa susunod na administrasyon. Sapagkat kaakibat ng kapangyarihan, nakapatong sa balikat ng bagong pangulo ang bawat desisyon na maaaring makapaglugmok sa bansa, o ang makapag-ahon nito sa hukay.
EDITOR-IN-CHIEF Laurence Ramos ASSOCIATE EDITOR Joshua Mendoza MANAGING EDITOR Jaira Patricia Ebron NEWS EDITOR Daniel Paolo Aquino OPINION EDITOR Millen Angeline Garcia FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro LITERARY EDITOR Danver Manuel HEAD PHOTOJOURNALIST Luis Alfredo Castillo HEAD CARTOONIST Ron Vincent Alcon HEAD LAYOUT ARTIST France Joseph Pascual CIRCULATIONS MANAGER Jerome Mendoza
JUNIOR EDITORS Winchester Santos, Jose Emmanuel Mico, Justine Mae Feliciano, Ildefonso Goring, Ferdinne Julia Cucio, Ma. Clarita Isabelle Guevarra, Excy Bea Masone SENIOR STAFFS Jaymie Krizza Benemerito, Xyra Alessandra Mae Balay, Edwin Bobiles, Carl Danielle Cabuhat, Jonalyn Bautista, John Marius Mamaril, RD Bandola, Steven John Collado PROBATIONARY STAFFS Arvin Jay P. Alarcon, Richmond Jasper Barlis, Aira Bernardino, Edmon Vincent Bravo, Lexter Dan Ciriaco, Melorie Faith Dizon, Noel Gutierrez Edillo, Brandon Escobar, Chrystalyn Flora, Shechinah Ginco, Rain Mauricion, Jezzer David Nava, Raymarck Patricio, Norielyn Ramos, Jaymeelyn Reyes, Harry Rocero, Jhosane Rocero, Sharona Salazar, Reign Avegel Saludez, Renz Jay Taguinod, Jeanos Lynn Tulagan
Para sa komento at suhestiyon magsadya lamang sa CLSU Collegian office, Student Union Building, Central Luzon State University, Science City of Muñoz, Nueva Ecija o magpadala ng mensahe sa clsucollegian@clsu.edu.ph
Editoryal Politika Bilang Palsipikadong Demokrasya Mananatiling pangako ang pagbabago hangga’t ang kapangyarihan ay hawak lamang ng iilan. Bilang isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay laganap sa pagturing sa larangan ng pulitika bilang negosyong pampamilya, kung saan hindi lamang kayamanan ang ipinamamana, pati na rin ang apelyido na magsisilbing safety net sa pagpasok ng mga susunod na henerasyon sa mundo ng pulitika. Laganap ang paghahari ng mga politikal na angkan sa bawat sulok ng ating bansa. Sa katunayan, ang Ilocos Norte ay nagsisilbing matatag na balwarte ng pamilyang Marcos at Davao City sa timog naman para sa mga Duterte. Samantala, Villar sa Las Piñas, at Binay ng Makati naman ay kapwa mga apelyidong nananatiling nakakabit sa pulitika ng NCR at maging sa senado. Dito sa lalawigan ng Nueva Ecija, dalawang pamilya lamang ang mahigpit na magkatunggali sa pwesto ng pagka-gobernador at pagka-bise gobernador - ang mga Joson at Umali. ...tunay nga Simula noong 1960, ang pamilyang Joson na naghaharing pangalan sa larangan ng pulitika bang nananatili ang sa lalawigan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics ang demokrasya Authority (PSA), noong 1980 hanggang taong 2007, ang o panakip butas growth rate o ang paglago ng lalawigan ay nagsimula sa 2.07% hanggang sa bumaba ito at naging 1.46%. na lamang Naputol lamang ito noong taong 2007 matapos ito upang makuha ng kasalukuyang gobernador na si Aurelio “Oyie” Umali ang pwesto. Mula noon hanggang sa hindi masilip kasalukuyan, ang mga Umali na ang namumuno sa ang tunay na lalawigan. Sa kabilang banda, ang growth rate naman sa ilalim ng administrasyon ng Umali ay 1.84% mula kalagayan 2010 hanggang 2015. ng bansa sa Bagama’t malinaw sa mata ng publiko ang kamay ng mga progreso sa lalawigan, ang kasalukuyang gobernador si Umali ay nasangkot sa Pork Barrel Scam noong naghaharing uri? na 005 sa paggamit ng P15 milyong pondo ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nakalaan sana sa sektor ng agrikultura para sa irigasyon at pataba sa bukirin ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan. Ngunit sa kabila ng matibay na ebidensya, ang Court of Appeals (CA) ay isinantabi ang kanyang pagka-dismiss sa pagtakbo dahil sa Condonation Doctrine kung saan ang isang opisyal ay hindi mananagot sa kanyang mga kaso sa mga nagdaang termino kung ito ay muling inihalal ng mga tao. Kung kaya’t malaking palaisipan pa rin ang patuloy na pamamayagpag ng kanilang pamilya sa larangan ng pulitika sa kabila nito. Maaaring dahilan ang kawalan ng ibang pangalan sa pulitika kung kaya’t patuloy na halinhinang naghahari ang dalawang pamilya. Subalit, hindi maikakaila na sa nagdaang eleksyon ay mayroong iilang kandidato sa pagkagobernador at bise gobernador na ang naging kalaban ng mga Umali at Joson na hindi kabilang sa dinastiya. Patunay lamang ito ng ilang taong pagbubulag-bulagan at pagsasawalang bahala ng mga mamamayan ng Nueva Ecija sa mga negatibong dulot ng political dynasty. May mga nagdaang eleksyon na nagbigay ng pagkakataong sumubok ng ibang pangalan na mas mayroong pag-asa sa tunay na pag-unlad at pagbabago at hindi hanggang sa pangako lamang. Ang pagkaputol ng dinastiya ay maaaring maging daan sa tunay na pag-usad ng lalawigan at ang kawalan ng effort na ibinibigay ng mga myembro ng pamilyang dinastiya dahil sa pagiging kampante na manggagaling sa iisang apelyido lang naman ang maglalaro sa pwesto. Ngunit nagmimistulang takot sa pagbabago ang mga tao dahil mas pinapaboran pa ang mga apelyidong pulit-ulit lumalabas sa balota sa halip na mga bagong pangalan na nagnanais mapatunayan ang kanilang sarili sa mga mamamayan. At sa huli, kung hanggang sa mga susunod na taon ay mananatiling naghahari ang mga pamilyang ito sa lalawigan ng Nueva Ecija, ang gobyernong lokal ay magiging pampamilyang kabuhayan na lamang na kung saan patuloy na magsisilbing tauhan ng mga makapangyarihang pamilya na nasa posisyon ang mga mamamayan.
“
Arizona
Danver Manuel LITERARY EDITOR danvermanuel13@gmail.com
Payaso
Hindi isang komunidad ng mga payaso sa costume ang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual + (LGBTQIA+) kung saan kailangan lang magbihis para masabi na kabilang sila sa mga kasariang ito. Naging usap-usapan ang pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na ngayo’y presumptive vice president-elect tungkol sa pagbanggit niya sa kanyang kasarian noong Marso sa isang support rally para sa kanyang kandidatura bilang bise presidente. Aniya, nararamdaman niyang parte siya ng LGBTQIA+ community tuwing nagpapaikli siya ng buhok. Hindi na dapat pang kwestiyunin ang kanyang kasarian ngunit mas mainam kung naglahad siya ng kanyang mga platapormang tutulong at magtatanggol sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+.
“
... nakapanlulumo ding isipin na nasusuklian lamang ng pananahimik sa usaping SOGIE ang pag-endorso ng LGBT Pilipinas sa mga kandidatong tulo-laway sa loob ng senado at sariling interes lang ang pinaiiral.
Patuloy na lumalaki ang LGBTQIA+ community sa bansa ngunit sa kasalukuyan wala pa ring batas na nagtatanggol sa kanila laban sa diskriminasyon. Sa katunayan, nakatengga pa rin ang SOGIE Bill sa senado. Samantala, nakapanlulumo ding isipin na nasusuklian lamang ng pananahimik sa usaping SOGIE ang pag-endorso ng LGBT Pilipinas sa mga kandidato na sariling interes lang ang pinaiiral. Nakapagtatakang inendorso ng isang malaking grupo ang kandidatong walang konkretong plataporma para sa komunidad nila. Ilang mga senador na rin ang dumaan na patuloy na ipinaglalaban ang karapatan ng LGBTQIA+ community tulad ni Sen. Risa Hontiveros ngunit hindi nakatanggap ng endorso mula sa LGBT Pilipinas. Ang pantay na karapatan sa sekswalidad ay hindi natin makakamit sa mga pinunong walang plano. Panahon na upang ihalal ang mga mambabatas na kahit hindi kabilang sa LGBTQIA+ community, ipinaglalaban pa rin ang karapatan at boses ng komunidad. Hindi natin kailangan ng mga kandidatong nagpapanggap para lang masabing kapanig natin sila. Ang komunidad na ito ay hindi birthday party. Hindi namin kailangan ng mga mapagpanggap na payaso.
Game Changer
Banta sa Katotohanan Upang labanan ang maling impormasyon para sa pambansang halalan ngayong taon, nakipagtulungan ang Commission on Elections (COMELEC) sa National Bureau of Investigation (NBI). Subalit, hindi naman ito naging sapat sapagkat lima lamang ang pormal na sinampahan ng kaso sa kabila ng napakaraming insidente nito sa ilang social media platforms gaya ng Tiktok, Facebook at YouTube sa loob ng 90 araw ng kampanya. Makikita rin na karamihan sa mga naglathala rito ay pinabulaanan ang mga naitalang human rights violation noong panahon ng Batas Militar kasama pa ang malawakang historical revisionism. Dagdag pa ang pag-aakusa sa ilang progresibong grupo na miyembro umano ng New People’s Army at ng
Communist Party of the Philippines. Patuloy na gagamitin ng marami ang mali at mapanlinlang na impormasyon para sa pansariling kapakanan kung mananatiling pilay ang sistema ng bansa laban dito. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring maayos na programa ang gobyerno upang ito ay puksain na tila hinahayaan pa ang pagkalat nito. Hamon sa pagpasok ng bagong administrasyon ang pagsugpo rito at hindi ang pagpapalawak para muling gamitin at maitago ang bulok na gawain nito. Sandalan ng isang matatag na bansa ang tama at makatotohanang impormasyon ngunit kung ang mga katotohanan ay mapapalitan ng kasinungalingan, magiging daan lamang ito sa pagbagsak at pagkalugmok.
NATIONAL ELECTION SPECIAL ISSUE
Malubhang problema ang fake news sa Pilipinas. Naging instrumento na ang paggamit at pagpapakalat ng maling impormasyon tuwing halalan sa bansa. Nariyan ang kaliwa’t kanang paninira sa ilang kandidato at pagsasapubliko ng maling programa at mga nagawa ng isang indibidwal upang makakuha ng boto. Naging malawak din ang paggamit sa midya para sa hindi makatotohanang pagbabalita. Marami sa mga Pilipino ang naniniwalang banta ang fake news, disinformation, misinformation. Sa katunayan, ayon sa naging resulta ng survey mula sa Statista noong huling quarter ng 2021, pumalo sa 32% ang nagsabing seryoso ang problema sa maling impormasyon mula sa midya at iba pang information networks ng bansa.
CLSU COLLEGIAN
Emmanuel B. Namoro | SPORTS EDITOR | namoro.emmanuel@clsu2.edu.ph
OPINYON
“
Sandalan ng isang matatag na bansa ang tama at makatotohanang impormasyon ngunit kung ang mga katotohanan ay mapapalitan ng kasinungalingan, magiging daan lamang ito sa pagbagsak at pagkalugmok.
Puhon
“
Kailangan nating pakinggan ang kwento ng isang botante base sa kalagayan niya sa lipunan at pakikibaka sa politika. Sa pakikinig lamang matututo sa mga bagay na binulag tayo ng ating pribilehiyo.
Ildefonso D. Goring | JUNIOR MANAGING EDITOR | goring.ildefonso@clsu2.edu.ph
Hindi Masa ang Kalaban
Mas maiging ituon ang kolektibong init ng dugo sa makinaryang nagbubunga ng pagkagawi sa pagiging “bobotante” ng masa. Ayon sa sarbey ng Social Weather Stations (SWS), 51% ng mga Pilipino ang may kahirapang tumukoy ng tamang impormasyon sa social media. Mula rito, kinakailangan natin lumabas sa “echo-chamber” ng social media dahil pawang pinahihintulutan lang ng mapagsamantalang makinarya ang kakulangan sa regulasyon dito. Higit dito, patuloy pa rin ang paglaganap ng troll farm sa espasyo ng social media. Noong 2019, tinanggal ng Facebook ang isang network ng mga account na nasangkot sa hindi tunay na pag-uugali, at natunton ito kay Nic Gabunada, ang social media manager ni Duterte sa kanyang kampanya sa pagkapangulo noong 2016. Mahirap na ibunton sa taumbayan ang sisi dahil parepareho lamang tayong biktima ng mapagsamantalang makinaryang nanganganak ng kalagayang
hikahos sa oportunidad, at mapagsamantala sa dayukdok nating estado. Isang paraan ng politika ang “micro-targeting” sa paraan ng pagkahahati ng merkado kung saan sinasamantala ang kasulukuyang kondisyon ng sistema sa edukasyon. Ang kasulukuyang klima ng pagiging neoliberal at komersyalisado nito gaya na lamang ng hindi epektibong implementasyon ng K-12 kaya naman nasasayang lamang ang karagdagang dalawang taon na pag-aaral na hindi pa rin hulmado ang kritikal na pag-iisip. Hindi natin kasalanan na halos pasuko na tayo sa pangarap na isang gobyernong tapat bunga na rin ng kumakalam na tiyan kapalit ang dignidad sa pagboto. Mahirap ang pagboto, at hindi natin maaasahan ang milyun-milyong botante na magsagawa ng perpektong katwiran kapag bumoto, bukod pa sa mga pangangailangan ng pang-araw-araw na buhay tulad ng pagpunta sa trabaho at pag-aalaga ng mga bata. Buhat dito, hindi na nakapagtataka ang pagnonormalisa
ng pagbili ng boto. Dagdag pa rito, hindi makatwiran ipatong sa balikat ng masa ang lahat ng responsibilidad dahil na rin sa represyon mula sa posibilidad na pagkakatali ng kinabubuhay ng pamilya sa buntot ng pulitika. Kasama na rito ang karahasan na may kaugnayan sa halalan na hindi na bago. Sa pagpili ng mga pinuno sa halalan, kinakailangan nating hagkan ang katotohanan na ang mga Pilipino ay hindi pa naging maalam dito, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi natin mapabubuti ang kalidad ng resulta ng mga boto. Isang karuwagan ang pagkawala ng pag-asa na makaahon mula sa bulok na sistema, kung kaya’t nasa masigasig na pagoorganisa ng lahat ng mga uring inaapi ang tunay na daan tungo sa pagsulong. Kailangan nating pakinggan ang kwento ng isang botante base sa kalagayan niya sa lipunan at pakikibaka sa politika. Sa pakikinig lamang matututo sa mga bagay na binulag tayo ng ating pribilehiyo.
8-9
GOD ALWAYS PROVIDES ni Reign Avegel Saludez
SMNI DA BEST! ni John Marius Mamaril
kulay rosas ang nagbuklod sa atIn ni Chrystalyn Flora
SI PING TAHIMIK LANG...
ni RD Bandola
twO JOInTS ni Ron Vincent Alcon