CLSU Collegian Tabloid A.Y. 2021-2022 Issue

Page 1

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University For Studentry: EQUALITY

COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

KALUSUGAN MUNA. Bigo ang mga estudyante ng CLSU sa napipintong limited face to face classes nang kanselahin ito nitong ika-14 ng Enero, 2022 sa bisa ng Memorandum No. 2022- 01-14. Ang dahilan, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa na peligro sa kalusugan ng mga estudyante at bumubuo ng unibersidad. ~ LUIS CASTILLO © Joeffrey Patungan

ACCESS DENIED

Implementasyon ng limited face-to-face classes sa CLSU, kanselado Ildefonso Goring at Laurence Ramos

I

nanunsyo ng Central Luzon State University (CLSU) ang kanselasyon ng napipintong pagbubukas ng limited face-to-face classes sa unibersidad para sa ikalawang semestre ng taong panuruan 2021-2022 matapos ilabas ang Memorandum No. 202201-14 (2) nitong Enero 14, 2022. ituloy sa page 09

44.20 % ng CLSU students bakunado na, Vaxx Program magpapatuloy Laurence Ramos at Excy Bea Masone

N

SOCIAL MEDIA ACCOUNTS E CLSUCollegianOfficial DQ @KuleOfficial k clsucollegian@clsu.edu.ph

10 23 35

agtala ang CLSU Local Inter-Agency Task Force (CLSU Local IATF) ng 5,467 out of 12,368 o 44.20% na estudyante ng unibersidad na nabakunahan na batay sa hulign datos ng vaccination program nitong Disyembre 28. Ngunit, paliwanag ni Dr. Ma. Elizabeth Leoveras, kasalukuyang head ng CLSU Local IATF, na hindi pa umano ito ang kabuuang bilang ng mga nabakunahang estudyante sa pamantasan dahil na rin umano sa mababang bilang ng mga sumasagot sa survey. “We cannot capture

5,467

estudyante na nabakunahan na

12,368 ENROLLED STUDENTS

estudyante na hindi pa bakunado

6,901 SOURCE: CLSU Local IATF

the complete number [of vaccinated students]... this is not the real picture, sabi kasi ng ibang mga bata na hindi nakakarating sa kanila [ang survey tungkol sa vaccination], dahil wala silang internet, mahina ang ganito, ganyan kaya hindi sila makapagsagot,” paliwanag ni Dr. Leoveras. Samantala, may kabuuang 504 na faculty members na ang nabakunahan at 458 sa mga ito ang fully vaccinated na tumutumbas sa 90.87%. Matatandaan ding nagdaos ang Commission on Higher Education Region III ng Regional Simultaneous Vaccination Program para sa mga estudyante sa kolehiyo ituloy sa page 07


2021

Isang taon sa krisis: Isang pagsusuri sa mga pinakamalaking kaganapan ngayon taon Laurence Ramos at Ildefonso Goring Jr.

Sa gitna ng mapaghamong eksena ng COVID-19, ang taong 2021 ay nananatiling krisis dulot ng tahasang kapabayaan sa gitna ng lumalalang krisis sa kalusugan, edukasyon, at ekonomiya gayundin ang direktang atake sa malayang pamamahayag. Sa hindi matapos-tapos na panahon ng ligalig, bilang mga artista ng bayan, pinagpupugayan ng publikasyon ang tapang at paninindigan ng mga peryodistang hindi nagpatikom sa berdugong estado bilang mga tagapagsalita ng katotohanan.

Pebrero

15

Ibinasura ng nagkakaisang 15 mahistrado ng Korte Suprema na tumatayo din bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Enero Inalmahan ng marami sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas ang pagkalas ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND accord, ang kasunduang naglilimita sa mga sundalo at pulis sa unibersidad.

19

07

Marso

16 Kinumprima ng pamilya Aquino ang pagpanaw ng dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa edad na 69, limang taon matapos ang kaniyang termino. Base sa mga nakaraang ulat, sinasabing sumailalim sa dialysis si Aquino na hindi bumababa sa limang buwan, na kalaunan ay sumailaim din sa operasyon nito sa puso.

Abril Nag-viral ang konsepto ng “community pantry” sa isang karatula at simpleng ideya: “magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan,” mula sa pangunguna ni Ana Patricia Non.

Ang beteranong mamamahayag at dating pangulo ng National Union of Journalist of the Philippines na si Nonoy Espina, ay pumanaw na dahil sa Liver Cancer. Sa kanyang pamumuno sa NUJP, pinangunahan nito ang mga kilos protesta para sa mga media organization na naharass sa administrasyon ni Duterte.

07

Hulyo

Mayo 01

Iligal na inaresto ng PNP-Castillejos ang labing-isang aktibistang kabataan at mga mamamahayag pangkampus mula sa League of Filipino Students-Zambales, College Editors Guild of the Philippines - Central Luzon, at The Manila Collegian habang patungo sila sa Mayo Uno mobilization sa Angeles, Pampanga.

Umakyat sa 8.1% ang unemployment rate sa Pilipinas na may karagdagang 1.2% mula sa nakaraang buwan na mayroon lamang na 6.9%. Ang unemployment rate na ito sa buwan ng Agosto ay tinatayang 3.88 milyong Pilipino.

Oktubre Ipinagkaloob kina Russian journalist Dmitry Muratov at Maria Ressa, CEO ng Rappler ang Nobel Peace Prize para sa kanilang “courageous fight for freedom of expression,” sa kabila ng tahasang atake ng estado at patong-patong na kaso na kinakaharap ni Ressa.

Inilathala ng National Union of Journalists of the Philippines ang 200-page na Ethical Guide for Filipino Journalist na siyang inaasahang gabay sa mga mamamahayag sa bansa sa mga kinakaharap nitong ethical dilemmas.

Nobyembre

24

Hunyo

28

Setyembre

Agosto 08

Siyam na progresibong indibidwal ang pinatay at anim ang dinakip ng pwersa ng estado sa Southern Tagalog matapos ipag-utos ni President Duterte ang “shoot and kill right away” para sa mga komunista sa bansa.

Pumanaw sa edad na 89 ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera matapos magkaroon ng stroke complications.

03

Pinatay si Jesus Malabanan, isang mamamahayag ng Manila Standard, Manila Times, at Bandera, matapos itong pagbabarilin sa ulo. Samantala, itinaguyod ng Korte Suprema ang Anti-Terror Law maliban sa dalawang probisyon dahil ito ay labag sa Saligang Batas.

10

Disyembre

PHOTO SOURCES: ABS-CBN News | BusinessWorld Online | PhilStar | University of the Philippines Website | UPLB Perspective Website | The Guardian | Human Rights Watch | State of Job in the Philippines Wordpress | Reuters | National Union of Journalists of the Philippines | Reportr


NEWS EDITOR Daniel Paolo Aquino

BALITA

03 TOMO LXIII ISSUE II

CLSU labas sa isyu ng red-tagging, tutugon lang ‘pag nilabag ang Student Code Daniel Paolo Aquino at Laurence Ramos

I

nihayag ng administrasyon ng Central Luzon State University (CLSU) na hindi umano nila aaksyunan ang mga kaso ng redtagging sa mga estudyante kung hindi nito malalabag ang CLSU Student Code, taliwas sa naging naunang pahayag ni Dr. Irene Bustos, Acting Dean ng Office of Student Affairs (OSA) ukol sa pagbibigay ng legal na tulong sa mga naging biktima ng red-tagging. “On red-tagging of CLSU students, the University may only deal with this matter should there be violations on the provisions of CLSU Student Code. Involvement of students in activities through which they can manifest and fight for their ideals are their own voluntary actions as Filipinos of legal age but they must be responsible for these actions and must ensure that no law is violated in their pursuit,” ayon sa Office of the President. Kabaliktaran ito sa naging pahayag ni Dr. Bustos sa isang forum kasama ang National Intelligence Coordinating Agency - Region 3 sa Orientation on National Issues and Concern noong Nobyembre 29, 2021, na kung saan ay may naganap na red-tagging sa mga progresibong organisasyon sa bansa. “Syempre kung narered-tag sila at mayroong mangyayaring hindi maganda sa kanila, the university is here to support them. As long as you do not go beyond the bounds of humanness and hindi ka gumagawa ng mga bagay na ikasasama mo bilang tao, bilang estudyante at hindi

ikasasama ng bayan mo in general, poprotektahan ka namin,” ani Dr. Bustos. Dagdag pa rito, handa umano ang kaniyang opisina upang magbigay ng karagdagang hakbang at maghatid ng legal na tulong para sa mga estudyanteng biktima ng red-tagging. Ngunit, nang maibahagi ng publikasyon ang karanasan sa red-tagging, na naganap noong 2020 kung saan naging tahasan ang pagpaparatang sa miyembro ng publikasyon bilang ‘rekruter ng NPA’, at nang maipakita ang mga pruweba, mariin niyang itinangging walang nangyaring red-tagging sapagkat kanila umanong malalaman agad kung mayroon man. Dagdag pa ni Bustos na huwag na lamang magpapaapekto kung hindi naman daw totoo ang mga paratang at payo nito sa publikasyon na ‘mag-move on‘ na lang sa nangyari. Agad naman itong kinundena ng CLSU University Supreme Student Council, tinawag din ng konseho ang atensyon ng administrasyon ng CLSU partikular na sa OSA na maging maka-estudyante na tutulan ang red-tagging sa halip na maging daan pa ang opisina sa atake ng estado sa mga-aaral ng unibersidad. “Instead of being an instrument to enable these state-sponsored attacks. Especially that Dr. Bustos herself has advised the CLSU Collegian to “move on” after the student journalists reported a red-tagging incident from last year. We then urge the university administrators to stop sponsoring activities

perpetrating bland counter-insurgency programs and instead focus on how they can foster a climate of free discourse and the development of critical thinking among their primary constituents,” dagdag ng USSC sa inilabas na opisyal na pahayag. Naghayag din ang CLSU Social Science Student Council ng tindig sa red-tagging na nagaganap sa mga mag-aaral ng CLSU, ang konseho umano, kasama ang malawak na hanay ng masa, ay patuloy na kinokondena ang aksyon ng estado sa panrered-tag sa mga progresibong indibidwal. Ayon naman kay Vien Castillo, Presidente ng SSSC, ang konseho ay patuloy na magsasalita sa politikal na isyu sa bansa upang palakasin ang hinaing ng masa at bilang estudyante may karapatan umano ang bawat isa na mas palawakin ang kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang aspeto lalo higit sa lipunan. “No one should be subjugated to this unjust act of repressing students’ voices and concerns; so we must defend our right to free speech as well as our freedom from the risks and threats of red-tagging. We shall be united in our opposition to tyranny and malicious blacklisting. We must call for the abolition of the NTF-ELCAC!,” dagdag pa ni Castillo. Binigyang diin din ni Castillo walang kinalaman sa terorismo ang pagkundena at paglalabas ng kamalian ng gobyerno bagkus isa lamang umanong karapatan at responsibilidad ang magbigay kritisismo dahil ang PIlipinas ay isang demokratikong bansa.

KAAGARANG AKSYON. Sa gitna ng talamak na redtagging sa mga estudyante ng CLSU, magkaiba ang naging tugon ng CLSU Administration at ng Office of Student Affair hingil sa usaping “Redtagging” na nagaganap sa unibersidad. Humingi ng tulong ang mga mag-aaral ukol sa usaping ito at bukas naman ang opisina ng administrasyon sa mga estudyanteng naging biktima. ~ JONALYN BAUTISTA

PRC hindi inanunsyo ang Top 10 takers, schools sa CPALE 2021 S Francis Del Rosario

alungat sa mga nagdaang eksaminasyon, hindi nilabas ng Philippine Regulation Commission (PRC) ang listahan ng mga topnotchers at top-performing schools para sa Octoberat December2021 Certified PublicAccountant Licensure Exam (CPALE). Ayon sa pahayag ni Gaudencio Gallardo Jr., Department Head of Accountancy ng CLSU, hindi

© Philstar - Krizjohn Rosales

nilabas ng PRC ang listahan ng mga topnotchers at topperforming schools dahil mababa ang bilang ng mga nagsulit, na salungat sa mga nagdaang eksaminasyon. Dagdag pa ni Gallardo na hindi rin umano magiging wastong representasyon ng kabuuan ang mababang bilang nito kaya hindi magiging sapat na basehan ang ilalabas na topnotchers at top-performing schools. ituloy sa page 08

NONE QUALIFIED. Bagamat nakapasa ang 361 mula sa 2,367 takers noong Oktubre 19, 2021 sa Certified Public Accountant Lisencure Exam(CPALE) ay hindi naglabas ang PRC ng top notcher at top performing school dahil sa mababang bilang ng mga nagsulit kumpara sa nakalipas na mga taon. Kabilang naman sa mga pumasa ang labindalawang alumna ng Unibersidad at nakapagtala ng mataas performance ratings sa nasabing pagsusulit. ~ JONALYN BAUTISTA


04 | BALITA © USSC

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Daniel Paolo Aquino | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

P33.5-M inilaan para sa 2 Co PPDCSRC 60% nang tapos, MPB pansamantalang hininto Jerome Christhopher Mendoza

K

Bagong komite ng USSC inilunsad Serbisyong inihahatid, mas pinalawak Isabelle Guevara at Danver Manuel

L

imang bagong mga komite na naglalayong magbigay serbisyo sa sangkaestudyantehan ang binuo ng University Supreme Student Council (USSC) matapos na maaprubahan ang pangkalahatang planong aksyon, at panloob na mga tuntunin at regulasyon na iprenisinta ni Aijohn Santos, USSC Chairpreson, sa naganap na Congress of Campus Leaders noong Hunyo 28, 2021. Kabilang sa mga komiteng ito ang Student Rights and Welfare Committee (StRAW), Finance and Auditing Committee (FAC), Education and Research Committee (ERC), University First Year Committee (UFC), at Gender and Equality Committee (GEC). Itinatag ang Student Rights and Welfare Committee (StRAW) upang pangunahanpangunahan ang pangangampanya at pagpapalakas ng adbokasiya ng sangkaestudyantehan gaya na lamang ng pagtalakay at paghikayat ng aktibong partisipasyon ng mga estudyante hinggil sa isyung panlipunan at pagsulong ng batayang karapatan at kalagayan ng mga estudyante. Upang mapalakas ang sistematikong paraan ng pagproseso hinggil sa pondo ng mga estudyante para sa mabilis at malinaw na paglalabas ng pondo, binuo ang Finance and Auditing Committee (FAC) kung saan si Maverick Uy, Auditor ng USSC, ang direktor. Pagsasagawa naman ng mga survey hinggil sa kalagayan at pulso ng mga estudyante ang tungkulin ng Education and Research Committee (ERC), sa pangunguna ni Mary Khryz Laxina, layunin nitong makapaglahad ng konkreto at sayantipikong datos na magrerepresenta sa kalagayan ng estudyante at maaaring pagbasehan ng mga posisyong papel ng USSC. Isa rin sa mga komite na binuo ng USSC ay ang University First Year Committee (UFC) tungkulin nitong umugnay at magsagawa ng mga programang bubuo ng koneksyon sa bawat first year students upang lubos na mas makilala ang unibersidad. Kinukumpleto naman ng Gender and Equality Committee (GEC) ang mga komite ng USSC na layuning makabuo ng malakas na kapaligiran na mas magpapaigting sa karapatang pantao at edukasyong sibiko sa lipunan at protektahan ang mga pangunahing karapatan ng mga mahihinang grupo sa unibersidad, ang komite ay nasa ilalim ng pamumuno ni Michelle Tumali, kasalukuyang CVSM Councilor. ituloy sa page 09

asalukuyang isinasagawa ang dalawang construction projects – Plant Pests and Disease Clinic, Surveillance and Research Center (PPDCSRC) at Multi-Purpose Building (MPB) sa College of Agriculture na parehong sinimulan nitong 2021. Sa ngayon, 60 porsyento nang kumpleto ang PPDCSRC na nagsimula noong July 2021 at nakatakdang matapos nitong Marso 2022 ayon sa project engineer, habang ang Multi-purpose building naman na sinimulan nitong Disyembre 2021 ay pansamanatalang nakahinto. Ayon kay Dr. Ronaldo Alberto, dean ng nasabing kolehiyo, P30 milyon ang kabuuang budget na inilaan para sa konstruksyon ng PPDCSRC at P3.5 milyon naman ang para sa Multi-purpose building. Dagdag pa ni Dr. Alberto na mayroong ibinigay na limang milyong pisong halaga ng mga equipment ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources and Research Development-Department of Science and Technology (PCAARD-DOST) para sa pagsasagawa ng PPDCSRC. “The project [PPDCSRC]was conceptualized and constructed to reach out and help the farmers to have an accurate, timely and early plant pests and diseases detection to avoid or prevent irreversible damage by the pests and diseases once it become unmanageable,” ani Dr. Alberto. Magkakaroon ng dalawang component ang nasabing center–(a) The Surveillance and Mapping Section at (b) The Pests and Diseases Diagnostic Clinic na parehong naglalayong magbigay ng serbisyong makatutulong sa mga magsasaka.

“The first component (a) will take care primarily the early detection, spatial tracking and advisories and quarantine of impeding diseases outbreaks while the second component (b) will provide plant health advisories and diagnostic services to its primary clientele, the Filipino farmers,” saad ni Dean. Tatayong rural plant health center ang PPDCSRC na pasisinayaan ng mga crop protection experts mula sa academe at mga trained agricultural extension workers. Naging tulay ang on-going research ng PCAARD-DOST na pinamagatang “Surveillance, Detection and Mapping of Leaf Miner and Anthracnose- Twister of Onion and Garlic in Nueva Ecija” upang maisip ang proyektong ito sa panguguna nina Dr. Tereso A. Abella, dating president ng unibersidad at Dr. Alberto bilang mga project leaders, Kennilyn May Balbin, project staff, at Miguelito Isip at Ariel Biagtan bilang mga Science Research Specialists. Ayon kay Dr. Alberto, hinihintay na lamang ilabas ang General Appropriations Acts FY2021 (GAA FY2021) upang maipagpatuloy muli ang pagsasagawa ng MPB dahil ang nasabing proyekto ay nakapaloob sa Fund Late Release status. Dagdag pa ni Dr. Alberto na isinagawa ang proyektong ito para sa iba’t-ibang mga aktibidad na isasagawa ng mga mag-aaral at miyembro ng faculty para sa mga outdoor face-to-face classes. Sina President Edgar Orden, dating Dean ng CAg at kasalukuyang Vice President for University Business Affairs Dr. Ariel Mactal, Vice President for Administration Dr. Danilo Vargas at Congresswoman Michaela Violaga ang mga tao sa likod ng proyektong ito.

BINHI NG INDUSTRIYA. Apat na pung porsyento na lamang ang bubunuin bago matapos ang konstruksyon ng Plant Pests and Disease Clinic, Surveillance and Research Center (PPDCSRC) at Multi-Purpose Building (MPB) sa College of Agriculture sa CLSU. Layunin ng mga proyektong ito na makatulong sa sector ng agrikultura sa loob at maging sa labas ng akademya. ~ LUIS CASTILLO

557 mag-aaral bigong maka-enroll OAd pinaiigting ang online service

N

akapagtalaangOfficeofAdmission (OAd) ng mataas na bilang ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na bigong makapag-enroll at makapagpatuloy ng pag-aaral para sa unang semestre ng taong panuruan 20212022. Ayon sa panibagong ulat na inilabas ng OAd, pumalo sa 557 mag-aaral ang hindi nakapag-enroll (sidebar #1), kung saan, ito na ang pinakamataas na nairekord na numero mula noong nagsimula ang online na moda ng pag-aaral bunsod ng hindi pa natatapos na pandemya. Samantala, iginiit ng tanggapan na ang nasabing pagtaas ay hindi bunga ng pagpapatupad ng Flexible Learning System (FLS) sa unibersidad, kun’di dahil umano ito sa mas mababang bilang ng mga estudyante na hindi nakapagpatala buhat nang magkaroon ng COVID-19 sa una (345) at ikalawang (499) semestre ng AY 2020-2021, at sa kasalukuyan kumpara sa mga nakalipas na taon na mayroon pang face-to-face classes. Binigyang pansin ng OAd ang unang semestre ng mga taong panuruan 2015-2016 at 2016-2017 na kapwa may mataas na bilang (832 at 706) ng mga mag-aaral na hindi na nagawang makapagpatuloy sa pag-aaral. “Mahirap namang makita ang epekto sa bilang ng nag-enroll dahil inaasahan na dadami ang bilang ng mga estudyante bawat taon bilang epekto ng pagpapatupad ng post K-12 curriculum. Noong nakaraang school year, hanggang third year pa lang ang mga nag-aaral. Sa kasalukuyang school year, hanggang fourth year na ang mga naka-enroll,” dagdag ng

tanggapan. Sa kabilang banda, muli namang tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa unang semestre ng AY 2021-2022 na umabot ng 13,989, mas mataas ng 10.79% kumpara sa parehong semestre noong nakaraang taong panuruan. Patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga mag-aaral sa CLSU, katunayan simula noong unang semestre ng AY 2018-2019 ay halos 1000 enrollees ang naidaragdag kada taon. Samantala, muli namang pinaiigting ng OAd ang pagbibigay ng Online Service para sa mga mag-aaral upang higit na mapabuti ang kanilang pag-aaral sa kabila ng krisis pangkalusugan at bilang paghahanda na rin para sa mga susunod na taon. “Sa kasalukuyan, may proyekto ang ilang mag-aaral ng BSIT upang mag-develop ng isang system para sa pagproseso ng mga requests ng mga estudyante. Layunin ng proyekto na mas mabilis ang pagtugon namin sa mga pangangailangan ng mga estudyante para sa academic documents,” pahayag ng tanggapan. Ilan sa mga serbisyo na binibigay ng tanggapan ay ang pagsasaayos ng ilang transaksyon tulad ng pagpapatala, scholarship, pagkuha ng sertipiko, pagpapalit/pagdaragdag ng asignatura, paghahain ng Leave of Absence (LOA) at iba pa. Gayundin, pinaghahandaan ng OAd ang susunod na online enrollment, matatandaang makailang semestre nang problema ng mga mag-aaral ang pagkaantala sa pag-enroll dahil sa madalas magkaproblema ang portal. Kabilang sa inaayos ng tanggapan ay

Ferdinne Julia Cucio

ang pre-registration, faculty performance evaluation, grade viewing, downloading of admission slip at mas mabilis na proseso ng enrollment. “Patuloy naming pinag-aaralan kung paano mas mapapabuti ang online registration procedure base sa mga naging karanasan namin sa mga nakaraang enrollment. Kasama rin sa pinagpaplanuhan namin kung paano kami mas makatutugon sa mga pangangailangan ng mga magaaral tuwing enrolment,” dagdag pa ng OAd.

SIDEBAR #1

BILANG NG MGA HINDI NAKAPAG-ENROLL SA CLSU NANG MAGSIMULA ANG PANDEMYA

345 | 499 1ST SEMETER & 2ND SEMESTER A.Y. 2020-2021

557

A.Y. 2021-2022 1ST SEMETER SOURCE: Office of Admission - CLSU


BALITA | 05

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

onstruction Projects ng CAg

1st CLSU Assembly isinagawa, CSBO pinagtibay Ildefonso Goring at Francis Del Rosario

B

CLSU ACTS bukas na para tumanggap ng mga hinaing mula sa mga estudyante Justine Mae Feliciano at Ildefonso Goring

O

pisyal nang inilunsad ng Office of Student Affairs (OSA), University Gender and Development Office (UGADO), at University Supreme Student Council (USSC) ang CLSU-Assistance Committed to Solutions (CLSU-ACTS) bilang lehitimong daluyan ng mga kinahaharap na problema ng mga estudyante, Agosto 17, 2021. Ayon kay Mark Allan Mananggit, Information Management and Publication Unit-Head ng OSA, ito ang kaunaunahang sistemang partikular na tumutukoy sa pagresolba ng mga isyu at alalahanin ng mga mag-aaral maging ng mga magulang kung saan direkta na ang magiging mga transaksyon, upang masolusyunan ang nakagawiang hiwa-hiwalay na paraan ng pagtatanong at paglalapit ng hinaing ng mga nasabing indibidwal.

Kumpara sa karaniwan na pagpapadala ng mga mensahe sa email address ng iba’t ibang opisina sa unibersidad, ipinakita sa isinagawang launching na mas sistematiko ang proseso sa paggamit ng CLSU ACTS dahil may sari-sariling Google form link ang bawat kolehiyo ng CLSU na itinalaga para maiwasan ang kalituhan ng mga estudyante sa paraan ng pagpapadala ng mga mensahe na nais masolusyunan. Paliwanag ni Mananggit, ang CLSU ACTS ay pinangangasiwaan ng Academic Concerns Committee na binubuo ng USSC Councilor sa loob ng kolehiyo, GAD Focal Person, College Guidance Coordinator, at ang mga Guidance Counselor ng OSA na nagunguna sa pagpro-proseso ng mga alalahanin sa nararapat na pagdaluyan nito. “For example, sa guidance councilor,

s’ya ang naka-assign sa university level issues. Like for example, sa OAD, NSTP, and so on. Ang academic concerns naman, grade related, academic requirements, si GAD Focal Person ang nag-aaddress at nagre-refer. And then si CGC naman sa mga learning difficulties na siyang nagproproseso, then si USSC Councilor naman ang nagbibigay sagot sa mga estudyante,” paglilinaw ni Mananggit. Babasahin ng mga Guidance Councilor, Technical Head, USSC Councilors, GAD Focal Person, at College Guidance Councilor ang mga forms sa mga inisyal na hinaing. Matapos itong mairesolba, magbibigay naman sila ng evaluation form base sa naging karanasan ng mga naglatag. Mula sa pangunguna ng Steering Committee na binubuo ng Dean ng OSA, USSC Chairman, at GAD Focal Person, isang ulat ang pinapadaloy buwan-buwan upang masuri ang naging mga aksyon ng komite sa pagresolba ng mga natanggap na sitwasyon. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa mahigit 500 na mensahe na ang

ilang pagpapatibay sa Collegiate Student Body Organization, isinulong ng University Supreme Student Council (USSC), kasama ng CLSU Collegian, ang kauna-unahang CLSU Assembly: Unang Sigaw, Oktubre 1-2. Ayon kay USSC Chairperson Aijohn Santos, sa kanyang pagbubukas sa programa, layon ng pinakaunang General Assembly na iugnay ang mga estudyante para sa sugpong pakikipag-dayalogo sa hinaharap at haharapin pa ng mga magaaral. Sinundan naman ng CLSU CSBO Constitutional Assembly ang unang parte ng pulong upang mabigyan ng boses ang kabataan, at palakasin ang pundasyon ng USSC upang maging epektibong student governing body ng unibersidad. Alinsunod nito, nagbigay ng mensahe sina Human Rights Lawyer Chel Diokno, at Policy and Research Officer of the Legislative Advocacy Arm of National Security of Parliamentarians Inc. Engr. Klahrinz Catubig, patungkol sa liderato, pagpapatibay ng konstitusyon, at ilang batayan sa parlyamentaryong patakaran sa virtual na kongreso. Binigyang diin ni Engr. Catubig na sa pagbabago konstitusyon, mahalaga na magsagawa ng konsultasyon o pangkatang diskusyon sa kung anong nais ng mga magaaral para sa sangkaestudyantehan upang maisagawa nang tama reporma. “Kapag kayo naman ay gagawa ng mga sari-sarili ninyong constitution whether it is for student organization or for student council o ano man sa inyong mga community ay dapat nando’n din ‘yung spirit of democracy, ‘yung spirit of representation, and free participation and exchange of ideas,” mariing payo ni Atty. Diokno sa papel ng 1987 Constitution bilang katalista ng demokrasya. Dagdag pa rito, dinaluhan nina Vice President Leni Robredo, Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, at National President ng Kabataan Partylist Raoul Manuel ang programa at ipinakilala nila ang kakayahan at kapangyarihan ng sangkaestudyantehan sa pagpapaunlad ng bansa at sa pagwawakas ng nanunupil na sistema. “Malaki man ang hamon, laging mas malaki ang pagkakataon na makilahok, makatulong, makagawa ng kabutihan. Kayo mismo ang patunay nito. By being here with fellow young leaders, sama-sama ninyong pinipiling paghusayin ang sarili para makapaglingkod nang mas mabuti sa kapwa,” iginiit ni VP Robredo, ang unang tagapagsalita sa programa. Sa kabuuan, pinagdiriwang ng nasabing pagpupulong ang muling pagkakahanay ng ideolohiya ng organisasyon bilang kinatawan ng mga estudyante ng CLSU habang nilalatagan ng mga nakagaganyak na sentimiyento mula sa mga kilalang indibidwal ng bansa, kasabay ng panunumpa mula sa mga opisyal na miyembro ng komite ng USSC sa kanilang mga tungkulin. natanggap ng komite mula sa mga magaaral kung saan ang kadalasang paksa ay mga requests at follow-up concerns sa Office of Admission, at mga hinaing sa academic requirements, habang mga katanungan naman patungkol sa limited face-to-face at vaccination ang karaniwang inilalapit ng mga magulang gamit ang CLSU ACTS. “Siguro sa ngayon nakikita na namin magiging result niya, kahit na siguro two months operation palang, nalilimitahan ‘yong mga reklamo lalo na sa CLSU files, mga illegitimate platforms, kasi nga nakita ng students na may lehitimong platform na kung saan naaddress yung concerns nila,” dagdag pa ni Mananggit.


06 | BALITA

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Daniel Paolo Aquino | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

TATAK CLSU. Kahit nasa gitna ng pandemya ay hindi nagpatinag ang mga mag-aaral ng Central Luzon State University matapos mag-tala ng walong topnotchers sa kani-kanilang larang. ~ EDWIN BOBILES

Pag-abot ng mental health assistance ng OSA mas pinaigting, Estudyanteng lumalapit para sa counselling, dumarami Daniel Aquino at Lance Landagan

M

as pinalawak ng Office of Student Affairs (OSA) ang kanilang pagtugon sa pangangailangan sa mental health ng mga mag-aaral ngayong taong pang akademiko, mula sa Google Classroom ay dinagdagan pa ito ng paggamit ng Facebook features, dahilan upang mas madagdagan ang bilang ng mga mag-aaral na kumokonsulta sa opisina. Inilahad ni College of Agriculture (CAg) Guidance Counselor Alexis Ramirez na ang paggawa ng Facebook page ng OSA ay makatutulong upang makita agad ng mga mag-aaral ang mga programa ng opisina kalakip ang mga contact numbers ng mga counselor na nakatalaga sa iba’t ibang mga colleges. Ayon sa record ni Ramirez sa CAg, dumami ang bilang ng mga estudyanteng nakaabot sa kaniya kumpara noong nakaraang taon dahil mas madaling maaccess ng mga mag-aaral ang mga serbisyo ng OSA sa pamamagitan ng Facebook. Bukod pa rito, mas naging aktibo ang OSA upang kumustahin ang mga estudyante sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng mga virtual kumustahan, wellness sessions, at iba pang mga programa na kanilang inilunsad. “Actually, this is silver lining within the pandemic, na nareach natin ‘yong mas maraming estudyante, kumpara kapag magpapaactivity tayo (noon), konti lang talaga ‘yong pupunta,” sabi ni Ramirez. Nitong nakaraang taong panuruan 2020-2021, may seksyon sa Google Classroom na may pinasasagutang Google Forms lamang ang midyum upang makita ang kalagayan ng mga mag-aaral, na bagamat hindi inalis ay iilan na lamang umano ang nakakaaccess ngayon. Bukod pa sa problemang ito ay nakikita rin ni Ramirez na mas pabor sa mga estudyante ang Facebook chat dahil mas madali itong gamitin, at nagkakaroon pa ng daloy ang usapan na wala sa Google Forms. “Ngayon kasi, ang nakita namin do’n, walang trends ng usapan, katulad sa ibang mga Google Classroom natin, so mas accessible kasi ngayon sa mga bata, actually easily access(ible) sa kanila is ‘yong FB chat,” dagdag pa ni Ramirez. Umaasa ang CAg counselor na madaragdagan pa ang mga magaaral na lalapit sa kanila, dahil hindi nila malalaman kung nangangailangan ba ang mga estudyante ng tulong kung hindi sila kokonsulta.

Ilang CLSU alum nagpakitang gilas sa Licensure Exams Jerome Christhopher Mendoza at Daniel Paolo Aquino

W

along estudyante ng Central Luzon State University mula sa Doctor of Veterinary Medicine, Bachelor of Science in Fisheries, Bachelor of Science in Agriculture and Biosystems Engineer, Associate in Chemical Technology at Bachelor of Science in Human Resource and Development Management ang naging mga topnotchers sa bawat Licensure Examinations ng kani-kanilang mga tinahak na kurso nitong 2021. Veterinary Medicine Nakapwesto sa Top 10 ng August 2021 Veterinary Licensure Examination ang tatlong gradweyt ng College of Veterinary Science and Medicine na sina: Jay Mart Oria (Top 4), John Vincent Mejia (Top 7), at Irah Pearl Acierto (Top 8). Nakakuha naman ng 50.41% na passing mark ang unibersidad, ito ay 12.02% na mas mataas kaysa sa national average passing rate na 38.33% Ayon kay Oria, isa sa mga topnotchers, ang COVID-19 umano ay isang game changer para sa kanilang batch sapagkat hindi sila nabigyan ng oportunidad upang makasali sa field practices o on-the-job trainings na aniya’y mahalaga sa pagiging isang mahusay na beterinaryo. Para sa tatlong topnotchers, sa likod ng kanilang tagumpay ay ang mala rollercoaster ride na pinagdaaanan noong sila pa ay nag-aaral sa kolehiyo, naritong may nasubukang bumagsak sa mga asignatura, at nahirapang hatiin at ilaan sa pag-aaral ang oras. Sa kasalukuyan, nakapagtala na ng 81 na topnotchers sa VLE ang CLSU-CVSM simula noong 1984. Fisheries Technologist Nakakuhangpangalawanglisensyaang isang CLSU-College of Fisheries alumnus matapos makapasa at mapabilang sa board topnotcher sa Fisheries Technologist Licensure Examination (FTLE) na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC), Oktubre 6-7. Una nang nakamit ni Eric Juliano Morales ang kanyang lisensya sa pagiging Environmental Planner taong 2018 nang maipasa niya ang Special Professional Board Licensure Exam (SPLBE) para dito. Nagbunga ang kanyang hirap matapos makapagtala ng 82.50 porsyento sa FTLE na nakapagpapasok sa kaniya sa

ikasampung pwesto. Kabilang si Morales sa 17 na nagtapos mula sa CLSU na nakapasa sa pagsusulit, na naglalathala ng overall performance rate na 47.22 porsyento. Ayon kay Morales, tamang pokus sa paga-aral, lakas ng loob, tamang oras ng tulog, lalo na ang matibay na relasyon sa Diyos, ang naging puhunan niya na kaniya rin mairerekomenda sa mga nagnanais din maging topnotcher. Bago pasukin ang kurso ng fisheries, si Morales ay dating mag-aaral ng Agricultural Engineering, matapos grumadweyt noong 1997, siya ay naging OFW sa linya ng Fisheries and Aquatic Resources mula 1999 hanggang 2004, lumipat naman siya sa mundo ng Environmental management taong 2005 hanggang 2020. Agricultural and Biosystems Engineering Muli na namang nangibabaw sa Agricultural and Biosystems Engineer Licensure Examination (ABE LE) ang Central Luzon State University kung saan itinanghal si Abdullah P. Meriales bilang isa sa mga topnotchers ng Professional Regulation Commission (PRC). Napagtagumpayan ni Meriales, tubong Asingan, Pangasinan at nakapagtapos bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering, ang eksaminasyon matapos makamit ang Top 3 spot. Sa kaniyang paglalakbay patungong board exam, malalaking hamon muna ang kinaharap niya bago pa man niya nakamit ang pinkaaasam na tagumpay. Nakaranas ng matinding anxiety si Meriales dahil na rin sa umiiral na pandemiya at naisipan niyang huwag na lamang muna magtuloy dahil online review ang moda ng kanilang pag-aaral at sobrang gastos aniya ng proseso. Ngunit dahil na rin sa kaniyang mga kaibigan na araw-araw nagpapalakas ng kaniyang loob, hinarap nila nang magkakasama ang mga hamon dahilan upang siya’y makapasa at tanghaling Top 3 examinee. Chemical Technician Nakipagsabayan sa unang pagkakataon ang mga Associates in Chemical Technology graduates ng CLSU sa ginanap na 2021 Chemical Technician Board Exam nitong Oktubre 29 kung saan nakuha ng unibersidad ang dalawang

pwesto sa Top 10. Kabilang sa 1,074 na mga nakapasa sa buong bansa sina Kristine May Suarez (Top 6), Jeoffrey Patungan (Top 10), Andrei Noel Parcasio, Dan Paul Aaron Torres, Florencio Cacho Jr., at Abigail Briones, Tatlo sa kanila ay mula sa unang batch (2020) at tatlo rin ang mula sa ikalawang batch (2021) ng Associates in Chemical Technology. Nagtala si Suarez ng 89.00% rating samantalang 87.00% rating naman ang nakuha ni Patungan. Ang Associate in Chemical Technology ay iginagawad sa mga nakapagtapos ng dalawang taon sa ladderized program ng Bachelor of Science in Chemistry alinsunod sa mga rebisyon na isinagawa na rin ng CLSU Department of Chemistry. Noong mga nakaraang taon, tanging mga nakapagtapos lamang ng apat na taon ng BS Chemistry ang pinahihintulutan na kumuha ng Chemical Technician Board Exam. Human Resource Associate Hindi nagpahuli si Princess Lharvi Blas matapos mapabilang sa ika-limang pwesto sa naganap na Certified Human Resource Associate (CHRA) Online Assessment Examination nitong Octubre 23. Nakakuha si Blas ng average rating na 88.25% na nakapagsama sa kanya bilang isa sa mga top 10 examinees ng nasabing examination. Nakapagtapos sa Kolehiyo ng Business Administration and Accountancy sa kursong Bachelor of Science in Human Resource and Development Management (BS HRDM) ang tubong San Mateo, Isabela kung saan sa edad na 15 ay napili niya nang lumisan sa kanilang tahanan upang tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng college degree. Ngayong pandemic, nakakita ng oportunidad si Blas na mag-step up sa kanyang career na tinatahak dahilan upang mapagdesisyunan niyang kumuha ng CHRA online examination na pinasinayaan ng Human Resource Educators’ Association of the Philippines (HREAP). Kasama rin na nakapasa ni Blas si Joverlyn J. Marzan, isa ring BS HRDM graduate sa nasabing online assessment examination kung saan nakapagtala ng overall passing rate na 82.56 percent.


BALITA | 07

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

CLSU handang alisin ang mga ‘subversive’ materials sa unibersidad

© Laurence Ramos

Laurence Ramos

H

andang tangggalin ng Central Luzon State University (CLSU) ang mga ‘subversive’ na materyal sa University Library kung makatatanggap ito ng direktiba mula sa Commission on Higher Education at kung wala itong lalabaging batas, ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng unibersidad. “As regards the University’s stance on the removal of “subversive” materials from the libraries of HEIs, if the existing laws permit their inclusion in the library collection and the same support the scholarly pursuit of the students, faculty and researchers alike, the University will comply. However, if the concerned regulatory agencies will issue a memorandum requiring the removal of these “subversive” materials in all HEI libraries, the University will adhere to these directives with the assumption that no existing law is violated,” pahayag ng CLSU Office of the President. Samantala, sa paghingi ng panayam sa CLSU University Librarian na si Nuelah Reyes, hinggil sa pagtatanggal ng mga nasabing materyal sa unibersidad, iisa lamang din umano ang kanyang tindig sa pahayag ng administrasyon ng CLSU. Habang sa naging pahayag naman ni Dr. Renato Reyes, Vice President for Academic Affairs, noong 2022 CLSU Administrative Council Operational Planning Workshop and Presentation of Manual of Operations, susunod umano ang CLSU kung magkakaroon man ng memorandum ang CHEd. “We are public servants, we have to follow the protocol. Kung ano ang order ng nakatataas at kung tayo ay typical na dito sa nakataas sa atin we have to follow because there is a consequence if we will not follow because it was memorandum order,” ani Dr. Reyes nang tanungin kung sakaling maglabas na ng memorandum ang CHEd na tanggalin ang mga ‘subversive’ materials sa mga HEI Library. Ngunit sa kabila nito, binigyang diin ng CLSU ang mahalagang gampanin ng aklatan at dapat na ang mga mag-aaral ay mayroong kalayaang gumamit ng libro, dyornal, at iba pang materyal na makatutulong sa sosyopolitikal na kamalayan ng mga mag-aaral. “The Central Luzon State University as an institution of higher learning is steadfast

HADLANG SA EDUKASYON. Paglalabas ng memorandum na lamang ng Commission on Higher Education (CHED) ang hinihintay ng administrasyon ng unibersidad sa pag-alis ng mga ‘subersibong’ materyales na matatagpuan sa Restricted Section ng CLSU University Library. Kabilang sa mga aalisin ay ang mga libro na ginagamit ng mga guro at mag-aaral bilang reference materials. ~ MA. CLARITA ISABELLE GUEVARRA

in its philosophy that students must value life-long learning to be culturally, politically, and morally conscious… As a repository of knowledge, libraries must serve as an information hub where learners may access relevant materials. As we seek excellence, it is essential to uphold and promote academic freedom without interference from any political entity,” pahayag ng CLSU. Sinuportahan naman ng University Supreme Student Council (USSC) ang pahayag ng CLSU nang binigyan nila ng diin ang kritikal na kahalagahan ng silid-aklatan at mga libro sa pamantasan. “As the highest governing student body in the institution, the University Supreme Student Council appreciates the commitment of the University Administrators to CLSU’s philosophy, that students must value life-long learning in order to be culturally, politically, and morally aware, through upholding and promoting academic freedom that is free of any form of political interference,” dagdag pa ng USSC. Atake sa Akademikong Kalayaan Sa kabilang banda, inihayag ng USSC ang pagkabahala nang lumihis ang tono ng CLSU Administrator na kung paano umano nitong kinikilala ang kritikal na kahalagahan ng mga libro. “The administrators should firmly stand against library censorship of any kind based on twisted bureaucratic processes of “concerned regulatory agencies,” wika ni Aijohn Santos, Chairperson ng USSC sa isang panayam. Ayon pa kay Santos isa itong malinaw na pag-atake na humahadlang sa malayang pagpapalitan ng mga ideya na bumubuo sa pinakadiwa ng akademikong kalayaan at walang alinlangan na isang porma ng ‘book censorship’. “Books in nature are neutral, these materials allow us to critically understand the issues and deeply understand the pressing issues especially in our pursuit to attain genuine peace. Instead of promoting and complying with these direct attacks to our academic freedom, we must invest in fostering a safe space, a climate of free discourse, and development of critical thinking among the stakeholders. And not resorting to direct condemnation,” saad ni Santos. Sa tangkang pag-aalis ng mga ‘subversive’ materials sa pamantasan, inaasahang gagawin ni Santos kasama ang buong USSC na magkaroon ng pakikilahok ang mga stakeholder ng institusyon lalo na ang kaguruan na maging katuwang sa pagtataguyod sa akademikong kalayaan. Higit pa rito, saad ni Santos na kailangang bumuo ang konseho ng mga koneksyon sa pagitan ng iba’t ibang State University and Colleges (SUC) sa Luzon para sa kolektibong aksyon upang labanan ang pag-aalis ng mga ‘subversive’ na materyal na tinutukoy ng CHEd sa pakikipagtulungan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Katulad ng USSC, mariing kukundenahin at tututulan naman ng CLSU Social Science Student Council (SSSC) ang tangkang pagaalis ng mga materyales sa unibersidad kung maglalabas ang CHEd ng memorandum tungkol dito, ayon pa sa konseho ay isa itong direktang atake sa aklatan at malalagay sa panganib ang akademikong kalayaan ng mga mag-aaral ng institusyon. Dagdag naman ni Vien Castillo, Presidente ng SSSC, pinapakita lamang ng estado at ng mga nasa kapangyarihan kung gaano katakot ang mga ito sa mga estudyanteng kritikal sa gobyerno gayundin sa politikal at isyung panlipunan. “What did the books do that made the ituloy sa page 08

SULÓ NG BUKAS. Bagama’t wala pa sa kabuuan ang bilang ng mga mag-aaral na nabakunahan sa naitalang datos, maituturing itong isang malaking hakbang papalapit sa napipintong limited face to face classes. Sambit ni Dr. Orden, “Dapat walang bitiwan, ngayon ay tutuparin natin ang panawagan ng Pambansang Pamahalaan na bakunahan ang mga kabataan, para dahan-dahan tayong bumalik sa ating normal na buhay” ~ CARL DANIELLE CABUHAT

44.20 % ng CLSU students bakunado na, ... mula sa page 01 na dinaluhan ni Dr. Edgar Orden, presidente ng CLSU, November 19. “This is a very good program (Regional Simultaneous Vaccination Program). I think it’s high time that our students, the youth, should be fullyvaccinated so that they can come back, and have face-to-face (classes),” pahayag ni Dr. Orden nang tanungin ang kanyang pananaw sa ginanap na vaccination drive. Sa kabilang banda, ani Dr. Leoveras, bilang paghahanda umano sa pagbubukas ng limited in-person classes, naglaan ang CLSU ng P5-M para sa pagsasaayos ng mga dormitoryo na gagamitin ng mga estudyante. Inaasahan ding magagamit na sa darating na Agosto ang CLSU Infirmary na sa huling linggo ng Mayo ay matatapos na ayon na rin sa naging panayam kay Dr. Leoveras. Higit pa rito, kasalukuyan pa rin ang paghahanap ng mga dormitoryo

o guest house na maaaring gamitin sa pag-isolate kung sakaling mayroong magkasakit na estudyante kahit na hindi pa idinedeklara na COVID-19 ang sakit nito. Dagdag ni Dr. Leoveras, itutuloy umano ang Vaccination Program ng CLSU sa kooperasyon ng Local Government Unit ng Science City of Munoz ngayong taon na sa katunayan ay isasagawa sa ika-7 at 28 ng Enero, ika3 at 24 ng Pebrero, ika-1 at 29 Marso, ika5 ng Mayo, at ika-7 at 28 ng Hunyo. “The good thing is our students are very receptive with this kind of activity and I hope we will be able to vaccinate 100% of our population so that it could be easier for them to come back, we’ll be anxiously waiting for the students to come back and do the face-to-face (classes),” dagdag ni Dr. Orden sa status ng pagbabakuna ng mga mag-aaral ng CLSU.


08 | BALITA

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Daniel Paolo Aquino | PAGE DESIGN France Joseph Pascual INFOGRAPHICS

CF, CHSI students idinulog ang reklamo sa OAd

[ PRESIDENTIABLES ]

53%

Laurence Ramos

L

umantad ang hinaing ng mga mag-aaral ng College of Home Science and Industry (CHSI) partikular na sa kursong BS Tourism Management at BS Hospitality Management matapos na pormal na sumulat sa Office of Admissions (OAd), Setyembre nitong nakaraang taon. Idinulog ng mga mag-aaral mula sa CHSI ang problemang kinakaharap nito matapos na hindi makapagpasa umano ng grade sa OAd ang kanilang propesor sa Physical Education 2110 (PE 2110) sa takdang oras dahilan para hindi sila mapabilang sa listahan ng makakakuha ng stipend bilang academic scholar ng pamantasan. Bilang tugon, ayon kay Dr. Cesar Ortinero, Dean ng OAd, nangalap ang opisina ng mga ebidensya at nagkaroon ng talakayan sa mga kinauukulang opisina mula sa College of Fisheries (CF), CHSI, at Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) upang makabuo ng rekomendasyon na ibibigay sa tanggapan ng Vice President for Academic Affairs ng CLSU. “Although only CHSI students filed an appeal, the case of the BS in Fisheries students who also took swimming as PE 2110 was also considered,” dagdag ni Dr. Ortinero. Nilinaw din ng OAd na isa rin sa pangunahing dahilan kung bakit hindi naisama ang mga kinauukulang estudyante sa listahan ng mga academic scholar ay ang pag-iisyu ng No Grade or NG, hindi lang ang pagpapasa nang huli. Higit pa rito, binigyang linaw din ni Dr. Ortinero sa nakalap na impormasyon, na una umanong nakatanggap ang mga estudyante ng CHSI at CF ng No Grade na kalaunan ay pinalitan ng numerical grades. “However, since at the time of enrollment for the 2nd Semester of SY 2020-2021 their grade in PE 2110 was NG, their GPA could not be computed and whether or not they qualify as academic scholars could not be determined.” Base sa ipinadalang sulat ng mga estudyante, walang may kasalanan sa

insidente kung saan hindi maisasagawa ang practical performance na swimming na mahalaga at kinakailangan sa mga nasabing kurso dahil na rin sa umiiral na restriksiyon dulot ng pandemya. “It was therefore recommended that the GPA of the affected students be computed with their grade in PE 2110 to determine if they qualify as academic scholars. Measures to prevent a similar problem from occurring in the future were also recommended,” saad ni Dr. Ortinero. Para maiwasan ang ganitong pangyayari, nirekomenda ng OAd na magbigay ng numerical grades sa lahat ng estudyante na kumukuha ng swimming bilang PE 2110 ngayon semestre upang makalkula ang GPA. Isa pa sa naging mungkahi ng OAd para sa mga susunod na taon ay ang pagbubukas lamang ng swimming kung ang practical examination ay maisasagawa nang ligtas sa ilalim ng pangangasiwa ng PE instructor. “If giving a practical exam is still not possible due to restrictions related to the pandemic, the offering of swimming will be deferred. The affected students may take PE 2110 when face-to-face classes are already allowed,” wika ni Dr. Ortinero. Matapos ang diskusyon ng mga nasabing opisina, agad namang naglabas ng Memorandum No. 202112-07 (07) ang Office of the Vice President for Academic Affairs na kung saan pinagtibay nito ang naging rekomendasyon ni Dr. Ortinero upang bigyang sagot ang hinaing ng mga magaaral mula sa CHSI at CF. Sa kasalukuyan, ayon sa Office of Admissions, ang listahan ng mga karagdagang academic scholars ay naipadala na sa Accounting Office ng unibersidad. “The OAd is doing its best to prevent the late submission of grades. We are now using an online grades submission system to make it easier for the faculty to submit grades and the concerned officials to transmit the grades to the OAd faster,” saad pa ni Dr. Ortinero.

PRC hindi inanunsyo ang Top 10 takers, ... mula sa page 03 Base sa datos, umangat sa 15.25% at 21.87% ang porsyento ng mga pumasa sa dalawang magkasunod na eksaminasyon o 361 mula sa 2,367 October examinees at, 318 mula sa 1,454 December examinees kumpara sa 14.32% noong Oktubre 2019 CPALE. Gayunpaman, nananatiling mababa ang numero ng mga nakapasa base sa 28.72% na average passing rate sa nakaraang anim na taon. Karugtong ito matapos pumutok ang kontrobersya na hindi makatwiran para sa mga nagsulit ang paglabas ng limitadong datos lalo at hindi rin nagbigay ng panayam ang PRC ng kanilang dahilan. Ayon naman kay Joana Marie Mallare, alumnus ng CLSU at pumasa sa nagdaang CPALE na dapat ikinonsidera ng PRC ang pagsisikap at oras na ginugol ng mga nagsulit sa nasabing eksaminasyon. “Personally, I don’t mind PRC not disclosing the list of topnotchers and topperforming schools since my concern in the result is passing the board exam with my friends. However, considering other takers, especially those who spent almost all of their time and made extra efforts in reviewing to top the licensure examination, I think it is unfair on their side,” ibinahagi ni Mallare Pumukaw rin sa atensyon ng publiko ang mababang passing rate ng nakaraang CPALE, ngunit katulad sa nasabing isyu,

hindi rin nagbigay ng tugon ang PRC upang ipaliwanag ito. “Dapat sana sabihin nila kung bakit gano’n kababa, unfortunately, hindi nila sinasabi. Ang sa akin sana sabihin ng Board ofAccountancy kung saan nagkukulang ang takers: sa preparation, sa knowledge; para iyong sa academe, alam namin kung paano magrerespond,” sentimyento ni Gallardo sa hindi klarong layunin ng PRC sa tahasang pagbaba ng porsyento ng pumasa. Gayundin, binigyang diin ni Gallardo na lalong magiging mahirap ang mga susunod na CPALE kung isasaalang-alang ang kasalukuyang modality ng pag-aaral para sa mga produkto ng distance learning. “However, I’m very hopeful despite these challenges, iyong mga estudyante natin ay magising sa katotohanan at i-embrace nila iyong change. I just hope maging okay pa rin ang resulta, pero kapag naging mababa hindi naman ako magtataka. With that level of preparation, I think mas magiging challenging ang CPALE,” tugon ni Gallardo. Sa kabila nito, apat mula sa walong nagsulit noong Oktubre at walo mula sa 16 noong Disyembre ang pumasa sa Central Luzon State University (CLSU), dahilan upang makakuha ang unibersidad ng 50% na porsyento ng pagpasa sa dalawang eksaminasyon, higit na mataas sa pangnasyonal na datos.

22%

[ VICE-PRESIDENTIABLES ]

MA. LEONOR ROBREDO

33%

FRANCIS PANGILINAN

FERDINAND MARCOS JR.

15.5%

SARA DUTERTE-CARPIO

MORENO - 2% LACSON - 1.5% DE GUZMAN - 0.5% GO - 0.5%

SOTTO - 10% ONG - 7% BELLO - 1% ATIENZA - 0.5% DATA FROM CLSU MASA

CLSU-MASA naglunsad ng Mock Elections Robredo, Pangilinan nanguna sa pulso ng CLSUans Laurence Ramos

N

anguna si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo matapos makakuha ng 53% ng boto sa isinagawang mock elections ng Malayang Samahan Ng Agham Panlipunan-CLSU mula sa 200 magaaral ng Central Luzon State University, Nobyembre 16-22. Pumangalawa ang dating senador at anak ng diktador na si Bongbong Marcos na nakakuha ng 22% ng boto; sinundan ito ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno na may 2%; Sen. Ping Lacson na may 1.5%; Labor Leader Ka Leody De Guzman at Sen. Bong Go na kapwa may 0.5%. Samantala, nanguna naman sa pagkapangalawang pangulo ang katandem ni VP Leni na si Sen. Kiko Pangilinan matapos makakuha ng 33% ng boto; sumunod ang alkalde ng Davao City na si Sara Duterte na nakakuha ng 15.5% ng boto. Sinundan ito ng Senate President na si Tito Sotto na nakakuha ng 10% ng boto, pumangatlo naman si Doc Willie Ong na may 7% ng boto at sumabit din sila Professor Walden Bello na may 1% at Buhay Hayaan Yumabong (BUHAY) Partylist Representative Lito Atienza na nakakuha ng 0.5% ng boto ng mga mag-aaral. Ngunit, kapansin-pansin na malaki pa rin ang porsyento ng mga mag-aaral ang hindi alam kung sino ang iboboto para sa darating na Halalan 2022 matapos na magkamit ng 20.5% na undecided vote sa pagka pangulo at 32.5% naman sa pagkapangalawang pangulo. Habang sa pagkasenador naman ay nanguna ang Human Rights Lawyer na si Atty. Chel Diokno matapos na magkamit ng 78% ng boto; Sen. Risa Hontiveros na may

57.5% at pangatlo ang dating senador at ngayon ay Gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero nang makakuha ito ng 49% ng boto. Pumasok din sina Sen. Joel Villanueva (37.5%), Atty. Neri Colmenares (34%), Sen. Win Gatchalian (30.5%), Antique Rep. Loren Legarda (30%), Taguig-Pateros 1st District Rep. Alan Peter Cayetano (26.5%), Sen. Leila De Lima at TV Personality Raffy Tulfo (24.5%), Sen. Dick Gordon (23.5%), at dating senador Antonio Trillanes IV (22%) sa Magic 12 na napipisil ng mga mag-aaral ng unibersidad na maging senador. Kabilang naman sa top 20 sina Civic Leader Samira Gutoc, Sen. Migz Zubiri, dating VP Jojo Binay, suspended lawyer Larry Gadon, President Rodrigo Duterte, dating Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, dating Sen. JV Ejercito at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista. Nasungkit naman ng dalawang Umali na sina Oyie Umali (35.9%) at Doc Anthony Umali (33.1%), kasalukuyang Gobernador at Bise Gobernador ng Nueva Ecija ang pinakamataas na porsyento sa pagkagobernador at bise gobernador ng lalawigan ayon sa boto ng 142 Novo Ecijanong mag-aaral ng CLSU. Pumapangalawa naman si Rianne Cuevas ng 22.8% sa pagkagobernador at si Edward Joson na may 16.2% boto para sa pagkabise gobernador. Sa kabilang banda, makikita sa naging resulta ng mock elections ng MASA sa kandidato sa lalawigan ng Nueva Ecija na may 42.3% ang wala pa ring pasiya kung sino ang iboboto para sa pagkagobernador at 50.7% naman sa pagkabise gobernador.

CLSU handang alisin ang mga ‘subversive’... mula sa page 07 state afraid of it? Wherein these books are essential in learning to develop critical thinking… They are controlling the information and the free flow of ideas,” banggit ni Castillo. Higit pa rito, ani Castillo, bilang konseho, gagawin nitong pukawin ang atensyon ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan tungkol sa intensyon ng gobyerno sa aksyon nito sa akademikong kalayaan ng bawat unibersidad, mag-oorganisa at hihikayatin din nito ang mga estudyante na magmobilisa. “Any possible way of resistance, as long as it is legal and will not harm other people, is welcome. Also, we will raise a petition condemning the interference of NTF-ELCAC to the universities’ academic freedom and we will also underline the Filipinos’ basic constitutional rights of speech, thought, assembly, and organization,” paliwanag ni Castillo nang tanungin sa hakbangin ng SSSC. Sa kabilang banda, sa naging panayam kay Dr. Melanie Tolentino, Department Chair ng Department of Social Science, hindi ito nakapagbigay ng tiyak na sagot sa mga naging katanungan ng publikasyon ngunit binigyang diin nito na kailangan umanong pag-isipang muli ang kahulugan ng ‘subversive’ na materyal dahil para sa kanya wala siyang kinukunsiderang ‘subversive’. Nabanggit din ni Dr. Tolentino na ang mga akda nina Marx, Weber, Hegel, Engels, Durkheim, at marami pa ay lahat mahalagang babasahin lalong higit Sociology, sa katunayan, ang mga ito raw ay klasikal na teoryang panlipunan na pangunahing pundasyon ng lahat ng mga balangkas ng pagsusuri at pag-unawa sa lipunan. “As I have said, these are required reading materials in Sociology. Our role in the discipline is to prepare the students to be skilled and knowledgeable researchers and practitioners of social sciences, learning materials about history, inequality, conflict, and others are important to give them the right sociological imagination,” paliwanag ni Dr. Tolentino.


BALITA | 09

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

Bagong komite ng USSC inilunsad... mula sa page 04 Sa kabuuan, layunin ng mga komite na palawakin ang serbisyo ng USSC sa mga estudyante ng CLSU at magbukas ng oportunidad sa mga estudyanteng nagnanais magsilbi, magpaunlad ng sarili, matuto, maipakita ang kakayahang mamuno, at maging miyembro ng university wide council. “Ang kwento sa likod ng pagbuo ng committee ay para i-maximize ang mandato ng USSC sa serbisyong dapat ibigay niya sa sangkaestudyantehan. Ito ay pagbubukas din para sa mga estudyanteng nais magsilbi at mapaunlad ng sarili, matuto, at maacess ang kakayahang mamuno at maging miyembro ng university wide council,” saad ng USSC. Subalit, dahil sa ginawang pagsasaayos ng mga kasalukuyang tuntunin at regulasyon ng bawat konseho, naging limitado ang kolaborasyon ng bawat komite sa ibang opisina, student council, at student publications ng unibersidad, nangangapa rin ang bawat lider ng mga komite sa mga gampanin nito, partikular na ang StRAW, UFC, at GEC. Bukod pa rito, mayroon nang ibang tanggapan ang unibersidad para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga estudyante gaya na lamang ng University Gender and Development Office (UGADO) at Office of Student Affairs (OSA) kung kaya’t nagkakaroon ng overlapping sa mga tungkulin ng bawat tanggapan matapos mabuo ang mga komite na nagdudulot ng pagkalito sa mga estudyante. Dahil sa kalituhang dulot ng tuntunin ng mga komite ng USSC at iba pang tanggapan ng unibersidad, inilunsad ng OSA sa tulong na rin ng UGADO at USSC ang CLSU-Assistance Committed to Solutions o CLSU-ACTS na inaasahang maging mas sistematikong daluyan ng mga katanungan at problema ng mga estudyante. Nabanggit din ng USSC na bagamat nabigyan ng solusyon ang pagkalito ng mga estudyante, kinakailangan pa rin nitong mapalawak at mapalakas ang koneksiyon ng mga komite sa iba’t ibang mga student council mula sa ibang unibersidad. Gayundin ay mas maunawaan ng mga estudyante ng CLSU ang gampanin ng bawat komite. “Kailangan lang palawigin ang contact para sa partnership, paigtingin ang benchmarking sa iba’t ibang student council sa ibang unibersidad, mas mabuksan at mafamiliarize ang mga CLSU students sa function ng bawat committee,” dagdag pa ng USSC. Hindi naman nagpapigil ang USSC sa pagbibigay serbisyo sa sangkaestudyantehan sa kabila ng mga limitasyon hatid ng pandemya, sa katunayan, isang matagumpay na kolaborasyon ang naisagawa ng USSC, kabilang ang mga komite nito, at ng OSA sa selebrasyon ng CLSU Lantern Festival. Sa karagdagan, nagkaroon ng University First Year Block Presidents Assembly ang UFC habang ang FAC ay nagkaroon ng kolaborasyon sa mga college councils na nagsagawa ng orentasyon tungkol sa proseso ng procurement at pamamahagi ng loadcards para sa mga estudyante ng unibersidad. Pinangungunahan naman ng StRAW ang mga unity statements kasama ang mga college councils at department student councils ukol sa mga isyung nararanasan ng pamantasan. Nagkaroon din ng kolaborasyon ang mga komite sa labas ng unibersidad gaya na lamang ng StRAW, Student Aid Network, GEC at Bahaghari Nueva Ecija upang mas mapaigting pa ang kanilang paglilingkod sa mga mag-aaral sa loob at labas ng CLSU. Mayroon ding pagtutulungan sa pagitan ng USSC at ang mga komite nito gaya na lamang ng Office of Public Information (OPI) na madalas nag-uugnay sa mga komite at opisina tulad ng StRAW, UFC, FAC, ERC, GEC, OSec, at OEVC. Sa kabuuan, nakikita ng USSC ang potensiyal ng mga komite na maging epektibo, dahil mas nabibigyang tuon ang bawat gampanin ng miyembro nito, naiiwasan din nito na maging sentralisado ang mga gawain at nagkakaroon ng kolektibong galaw sa pagitan ng mga komite at USSC.

Implementasyon ng limited face-to-face... mula sa page 01 Base sa memo, ang pagkaudlot ng limited face-to-face classes ay sa kabila ng naging rekomendasyon ng University Committee for Limited Face-to-face Classes na pinamumunuan ni Dr. Theody Sayco, dean ng College of Engineering, dahil sa pagpalo ng kaso ng COVID-19 sa bansa. “Finally, the Committee is deemed of recommending that the start of the limited face-to-face classes be DEFERRED amidst the resurgence of infection in the university and across all areas in the country especially in the NCR at Alert Level 2 and 3 respectively,” pahayag ng University Committee for Limited Face-to-Face sa ipinadalang liham sa opisina ng Presidente ng CLSU. Dagdag pa rito, kamakailan lamang ay sinabi ng Commission on Higher Education (CHEd) na pinapayagan na ang lahat ng kurso para sa pagsasagawa ng face-to-face classes, kaya naman sa kasalukuyan ay nag-aantay pa ng karagdagang utos ang Komite sa CLSU na baguhin ang naunang plano para sa pagbubukas sa lahat ng kurso na nakapaloob sa CHEd Joint Memorandum Circular No. 2021-004. Samantala, nakasaad din sa memo ang pagpapatuloy ng offline/online/ asynchronous na moda ng pagtuturo sa susunod na semester upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante at faculty. Matatandaan na nagkaroon ng konsultasyon ang CLSU at mga stakeholders sa pangunguna ni Dr. Sayco, kasama ang University of Supreme

SIDEBAR #1

MGA KURSO SA CLSU NA PINAYAGAN PARA SA FACE-TO-FACE CLASSES

BSABE BSCE BSIT BSMT SOURCE: CHED JMC No. 2021-001

HINDI PA PWEDE. Sa kabila ng mga isinagawang paghahanda ng unibersidad, kanselado ang nakatakdang limited face-to-face classes para sa ikalawang semestre ng AY 2021-2022 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay alinsunod sa inilabas na Memorandum No. 2022-01-14 nitong ika-14 ng Enero, 2022. ~ MA. CLARITA ISABELLE GUEVARRA

Student Council (USSC), ukol sa pagbuo ng agarang plano ng naturang face-toface classes noong Oktubre 22, 2021 na dinaluhan ng mga estudyante, faculty, LGU, at ng mga magulang. Pinasinayaan ang nakaraang konsultasyon batay sa mga alituntuning nakapaloob sa JMC No. 2021-001 ng CHED at DOH na nililimitahan lamang ang mga kursong ibubukas mula sa Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering (BSABE), Bachelor of Science in Civil Engineering (BSCE), Bachelor of Science in Information Technology (BSIT), at Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM), sa mga bakunadong estudyanteng 20 anyos pataas (sidebar#1). Sa dating kapasidad na 2178 estudyante sa 118 na kuwarto na nakapaloob sa 26 na dormitoryo, tinatayang ipapangkat sa 300 ang mga estudyante kada cycle na susundan ng ikalawa at ikatlo buhat ng pagtatapos mula sa mga kanilang nai-enroll na laboratory classes. Mula sa paghahanda ng mga classroom, laboratories, at iba pang pasilidad, tinalakay din sa naturang pagpupulong ang retrofitting ng mga ito habang tumutupad sa mga kautusan ng pampublikong kalusugan, base na rin sa memo na naisabuhay kamakailan sa pangunguna ni Aijohn Santos, Chairperson ng CLSU USSC, at Dr. Sayco sa pagbisita nila sa mga pasilidad ng CEn noong Disyembre 19, 2021. Samantala, lumitaw ang ilan sa mga problemang kahaharapin sakaling matuloy ang pagbubukas ng klase, kabilang dito ang pondo na pagkukuhanan gayundin ang pagkain ng mga estudyante sa dalawang linggo ng pananatili nito sa mga dormitoryo.

Sa huling naging panayam kay Dr. Sayco noong Enero 4, nakikipagugnayan pa umano ito sa University Business Affairs Program sa inaasahang pagsalo ng unibersidad ng mga pagkain dahil na rin sa hindi pwedeng magtinda ang mga dating tindahan sa loob. Nilinaw naman ito ni Dr. Ma. Elizabeth Leoveras, Chair ng CLSU Local IATF, na babayaran umano ng mga estudyante ang pagkain nito. Kaugnay din nito, sinabi ni Dr. Irene Bustos, dean ng Office of Student Affairs, na magbibigay umano ang University Gender and Development Office (UGADO) ng mga hygiene kits na kakailanganin ng mga estudyante. Sa kabilang banda, ayon kay Dr. Leoveras, hindi pa rin pinal ang desisyon ng CLSU na sagutin ang gastusin sa PPE at antigen test ng mga estudyante na kailangan bago pumasok sa pamantasan, ngunit binigyang diin nito na tatanungin ang USSC kung maaaring maglaan ng budget para dito na magmumula sa Student Development Fund o sa UGADO. Habang sa usapin naman ng mga kagamitan sa laboratories, ani Dr. Sayco, 100% ready na raw ang mga ito. Sa naging plano, hindi rin umano sapilitan ang pagpasok sa limited inperson classes ngunit para sa mga nais pumasok ay ‘required’ ang bubble stay sa dormitoryo ng unibersidad. Sa kasalukuyan, mananatiling kanselado ang limited in-person classes hanggat hindi maayos ang sitwasyon dulot ng virus, na kung saan nakasailalim din ang Nueva Ecija sa Alert Level 1, ngunit magpapatuloy umano ang retrofitting sa mga pasilidad na gagamitin sa pagbubukas ng klase ayon na rin sa naging rekomendasyon ng mga kinauukulang ahensya.


EDITORYAL

Kritisismo para sa Reporma W

alang mangyayaring reporma sa kasalukuyang learning setup kung hindi lubusang pakikinggan at isasaalang-alang ang lahat ng hinaing ng mga direktang naaapektuhan. Matatandaan na ika-12 ng Marso 2020 nang ideklara bilang isang pandemya ang Coronavirus disease 2019 o COVID-19 outbreak. Hindi kalaunan, ibinaba ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija ang Executive Order No. 006 s. 2020 kung saan kabilang ang pansamantalang pagpapatigil ng mga klase at mass gathering na parte ng pag-iingat ng lalawigan. Kaugnay ng naturang EO, nagbaba rin ang Office of the President ng Central Luzon State University (CLSU) ng COVID-19 Prevention Protocol noong ika-13 ng Marso 2020 kung saan nakasaad ang dalawang linggong pagsususpinde ng mga klase na umabot sa puntong hindi na muling nakabalik ang mga magaaral sa pamantasan sa loob ng halos dalawang taon. Kung tutuusin, mahabang panahon rin ang nasayang bago tuluyang yakapin ng CLSU ang flexible learning setup sa pagbubukas ng klase sa new normal noong ikalima ng Oktubre 2020. Panahon na nagamit dapat upang mabigyan ng kalidad na serbisyo ang mga mag-aaral. Tunay na kinakailangan na maglaan ng panahon para makita ang mga repormang maituturing na epektibo, ngunit sa ikaapat na semestre sa ilalim ng kasalukuyang setup, tila mailap pa rin ito. Pagsasaayos ng Portal Sa transisyon mula face-to-face patungong online setup, maraming bagay ang kailangang repasuhin at isa na rito ang pagkakaroon ng portal na magagamit ng mga mag-aaral, propesor, at empleyado ng pamantasan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, ilang taon bago ang pandemya ay mayroon nang portal na ginagamit ang mga mag-aaral ng CLSU ngunit limitado lamang ito para sa pagtingin ng mga grado. Kung ihahambing sa ibang pamantasan, nasa hulihan tayo pagdating sa ganitong inobasyon na labis na mahalaga sa kasalukuyang sitwasyon. Hindi maitatanggi na sinikap ng administrasyon ng CLSU na magkaroon ng paraan upang maihatid ang serbisyo sa mga mag-aaral kahit sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng portal. Ito ay nagagamit hindi lamang upang makita ang mga grado, kung hindi pati na rin sa enrolment at iba pang transaksyon. Nairaraos man ang bawat transakyon tulad ng enrolment, kapuna-puna pa rin ang karanasan ng nakararami sa serbisyong ito. Sa mga nagdaang online enrolment, parehong problema ang laging nararanasan – ito ay ang pagkakaroon ng “traffic” sanhi upang magcrash ang portal habang isinasagawa ang enrolment. Dahil kinakailangang sumailalim ang portal sa maintenance, naaantala ang enrolment at naaapektuhan ang iba pang kasunod na gawain bataysa ibinabang academic

‘‘

calendar. Bukod pa rito, nagkakaroon din ang ilang mag-aaral ng problema sa kanilang scholarship dahil napapatagal din ng pagkaantala ang pagkuha ng certificate of grades at registration form. Bagay na paulit-ulit nang iniinda at ipinararating sa kinauukulan ngunit hindi pa rin lubusang natutugunan. Kung tutuusin, hindi kailangang baguhin o pagandahin ang biswal na porma o anyo ng portal na kapansin-pansin sa nagdaang mga enrolment period. Bago ang anyo ng portal ngunit walang pagbabago pagdating sa ayos at bilis ng sistema. Kung hindi pagtitibayin ang sistema, walang mangyayari at paulit-ulit na lamang mararanasan ang naturang problema. Hindi man mula sa pananaw ng eksperto pagdating sa Information Technology, mahalaga pa rin na pakinggan ang tinig ng nakararami. Walang masasayang kung maglalaan ng karagdagang pondo upang mas maisaayos ang portal sa punto na gagana ito kahit magsabay-sabay sa pag-access ang libolibong mag-aaral. Kinakailangan ng panahon upang maisakatuparan ang hakbang na ito kaya habang nasa proseso, nararapat na magkaroon ng alternatibo tulad ng pagkakaroon ng schedule ng bawat kolehiyo sa paggamit ng portal, ngunit ito ay dapat ianunsiyo nang mas maaga at hindi sa kalagitnaan ng enrolment period. Pagiging inklusibo ng learning setup Muling nagkaroon ng karagdagang butas ang pagiging inklusibo ng edukasyon sa bansa dahil sa kasalukuyang learning setup. Matatandaan na ibinaba ng Office of the University President ang Memorandum No. 09-01-2020 (01) kung saan nakasaad na ang panuntunan ay ang pagiging asynchronous ng mga klase sa undergraduate level. Subalit, may mga pagkakataon pa rin na sinasalungat ang naturang memo at synchronous ang ginaganap na mga klase sa ilang asignatura. Bilang aksiyon, ibinaba ng Office of the Vice President for Academic Affairs ang Memorandum No. 10-06-2020 (03) na paalala sa pagbabawal sa pagkakaroon ng synchronous na klase. Maraming rason kung bakit hindi inklusibo ang pagkakaroon ng synchronous classes na lingid naman sa kaalaman ng lahat. Ngunit habang tumatagal, unti-unting naisisingit sa plano ang pagkakaroon nito. Sa katunayan, mayroon nang nabuong proposal para sa implementasyon ng synchronous classes ngunit hindi pa naaaprubahan ng Council of Deans at ng Board of Regents. Sa kabila nito, may mangilan-ngilan nang

Malinaw na patunay ang mga karanasan ng mag-aaral na madami pang dapat isaayos ang pamantasan pagdating sa kabuuang serbiso. Ang mga karanasan at hinaing na ito ay hindi lamang dapat pinakikinggan bagkus ay inaaksiyunan.

gumamagamit ng synchronous na pamamaraan mula pa noong nakaraang semestre. Hindi maitatanggi na malaking bagay para sa pagkatuto ang pagkakaroon ng synchronous classes dahil direktang maipaliliwanag ng guro ang aralin sa mga mag-aaral kung magiging consistent din ang mga guro sa pagpasok sa klase. Subalit, mahalaga pa rin na isaalang-alang ang mga walang kakayahan para sa ganitong learning setup sa pamamagitan ng pagbuo ng alternatibong paraan na patas para sa lahat. Sa hanay naman ng mga mag-aaral, huwag namang puro pagdadahilan kung may kakayanan naman na dumalo sa synchronous classes. Mainam na magkaroon muna ng konsolidadong desisyon ang klase para maresolba ang mga problema at kakulangan. Kung tutuusin, may posibilidad naman na matuldukan ang pagiging hindi inklusibo kung mabibigyan ng tulong at alternatibo ang mga walang sapat na kakayahan para makisabay.


Pagbibigay pansin sa kalidad at oras ng paggawa Nararapat na pagtuunan ang kalidad at oras ng paggawa at alinman sa dalawa ay hindi dapat makompromiso. Ang pandemya ay bahagyang nakapagbigay sa atin ng kalayaan pagdating sa paggamit ng oras dahil nasa kani-kaniya tayong mga tirahan at sa kasalukuyang learning setup. Gayunpaman, kinakailangan pa rin na gamitin ito nang tama. Pagsubok para sa lahat ang mga deadline kaya dapat isaalang-alang ang maraming bagay para itakda at masunod ito. Sa pagtatakda ng deadline, kinakailang munang tantiyahin kung sapat ba ang magiging oras para sa bubunuin na gawain batay sa kung gaano ito kadali o kahirap. Hindi angkop na ipagpilitan sa mag-aaral na tapusin ang gawain nang ura-urada kung ito ay kumplikado. Sa ganitong sitwasyon, makokompromiso ang kalidad. Hindi rin kalabisan kung iiwasan ang agarang deadline dahil karamihan pa rin ay lugmok dahil sa pandemya at ang ilang mag-aaral ay kinakailangan din na kumayod para sa pamilya. Sa kabilang banda, respndibilidad pa rin ng mag-aaral na sumunod sa itinakdang deadline na nakabatay sa syllabus. Kung hindi angkop ang ibinigay na oras para matapos ang gawain, mainam na direktang makipag-uganayan sa guro upang mapagkasunduan. Sa panahon ngayon, mahalaga ang pagiging bukas sa pagtanggap ng mga hinaing at pagbibigay ng solusyon. Sa hanay naman ng kaguruan, pansin ng mga mag-aaral ang bigat ng workload ng mga guro dahil bukod sa pagtuturo, ang ilan ay may samu’t saring responsibilidad din sa kanilang mga departamento at kolehiyo. Kapuna-puna rin na dahil sa mga ito ay nakokompromiso ang pagtutok sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Halimbawa na lamang ay sa tuwing magkakaroon ng accreditation. Bilang epekto nito, hindi rin nagiging maayos ang kalidad ng modules na ibinibigay lalo’t higit sa mga asignaturang

kinakailangan ng mabusising detalye at paliwanag. Dagdag pa rito, sanhi rin ng mga pagkaantala ang nag-uumapaw na workload. Hindi naiiwasan na dumadating sa punto na maging ang mga guro ay hindi na nakasusunod sa deadline na itinakda para sa pagpapasa ng grades. Mahalagang isaalang-alang ang oras at kalidad ng paggawa kung ang hinahangad ay kaayusan ng sistema. Huwag ipagpilitan na tapusin ang mabibigat na gawain sa loob ng kakarampot na oras at huwag din magbigay ng labis na workload upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin. Kahalagahan ng feedback at transparency Mahalagang salik ng edukasyon ang feedback at transparency sa pagitan ng guro at mag-aaral. Hindi maikakaila ang kawalan ng feedback at transparency sa mga klase sa CLSU. Mangilan-ngilan na guro lamang ang matiyagang nagbibigay ng komento sa mga gawa ng mag-aaral at naglalabas ng scores tuwing magkakaroon ng mga pagsusulit. Sa ganitong kalakaran, hindi nagkakaroon ng basehan ang mag-aaral para malaman kung ano ang dapat paunlarin at bigyan ng pansin. Nagiging suliranin din sa mga mag-aaral na hintayin na lamang na malaman ang grado sa dulo ng semestre dahil sa kahabaan ng paghihintay. Hindi naiiwasan ng ilan na mag-overthink kung papasa ba o hindi – bagay na malaki ang epekto sa mental health. Ang masama pa sa ganitong sitwasyon, wala nang natitirang panahon upang makapagremedial classes ang mga may problema sa grades dahil patapos o tapos na ang semestre nang malaman ang katayuan. Bukod sa feedback at transparency, tungkulin din mga guro na ipaliwanag ang course syllabus kasama na ang grading system sa simula ng semestre nang sa gayon ay magkaroon ng gabay ang mga magaaral sa buong semestre. Nagiging kaduda-duda para sa ilan kung paano nakukuha ang grado gayong wala namang malinaw na grading system at ang masama pa ay wala namang ipinapagawa ang ilang mga guro. Kaya naman, maging bukas dapat sa ganitong hinaing ang pamantasan dahil taliwas ito sa mandatong sinusunod. Plano para sa thesis at OJT Maraming oportunidad ang ninakaw ng pandemya sa mga mag-aaral, kabilang na rito ang karanasan, kakayahan at kaalaman na makukuha sa pagsasagawa ng thesis at pagkakaroon ng face-toface on-the-job training o OJT. Upang masiguro ang kaligtasan ng mga magaaral ng CLSU, virtual na gaganapin ang mga internship, apprenticeship, field practice, on-thejob training, at iba pang katulad na pagsasanay na ayon sa Board Resolution No. 45-2021. Sa isang notice to the public na inilabas ng pamantasan sa official Facebook page nito noong Oktubre 2021, mariin din nitong itinanggi ang kaugnayan sa internship recruitment abroad kung saan napabalitang kabilang dito ang ilang mag-aaral mula sa College of Agriculture. Sa usapin naman tungkol sa thesis, ginawang alternatibo ang pagsusulat ng review article dahil hindi rin pinahintulutan ang pagsasagawa ng mga experiments at katulad na gawain sa face-to-face na pamamaraan. Kritikal ang usapin pagdating sa isyu na ito sapagkat kulang na kulang sa karanasan o skill-based learning ang mga mag-aaral dahil sa kasalukuyang setup. Maging ang OJT at thesis na pagkakataon sana upang mapunan ang mga taon na walang gaanong aktuwal na gawain tulad ng laboratory activities ay hindi rin mararanasan habang patuloy ang pagkalat ng virus. Malaking kawalan ito para sa mga mag-aaral lalo na at magagamit nila

ito sa magiging trabaho sa hinaharap. Kung mayroon lamang nabuong konkretong plano nang mas maaga, posible na pahintulutan ang limitadong pagpasok sa pamantasan para sa pagsasagawa ng thesis at maging ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng onsite OJT sa mga piling institusyon. Pagsubok pa rin sa mga mag-aaral ang pagiging virtual ng OJT dahil ang ilan ay kani-kaniyang hanap ng mapapasukan na institusyon. Naging mahirap para sa ilan sapagkat iilan lamang ang mayroong virtual internship program at limitado lamang ang tinatanggap na mga intern. Kung tutuusin, ang coordinators ang siyang dapat nakikipag-ugnayan sa mga institusyon nang sa gayon ay magabayan nang husto ang mga mag-aaral. Mainam na tularan ang ibang kurso tulad ng Development Communication na mayroong partner agencies para sa OJT. Sa ganitong paraan, tiyak na lahat ay may mapapasukang institusyon at hindi magkakandaugaga sa paghahanap ang mag-aaral. Responsibilidad ng pamantasan na gabayan ang mga mag-aaral upang magkaroon ng karanasan, kakayahan at kaalaman na kaugnay sa mga kursong tinatahak. Organisadong pagpapakalat ng impormasyon Kinakailangan na maging organisado ang pagpapakalat ng impormasyon upang masiguro na maipapaabot ito sa mga kinauukulan. Pabago-bago ang bilis nang pagkalat ng impormasyon tulad ng mga anunsiyo at memorandum. Madalas na magkaroon ng “leakage” sa pamamagitan ng chain messages sa mga group chat o GC. Paminsan-minsan nauuna pa na malaman ng mag-aaral ang impormasyon bago ito makarating sa kaguruan. May mga pagkakataon din na pumutok na ang balita ngunit wala pa ring ibinababang patunay. Bukod sa nabanggit, suliranin din ang kawalan ng impormasyon sa kung anong mga opisina ang dapat lapitan sa iba’t ibang uri ng katanungan. Kaya kadalasan,nangangapaangmgamag-aaralatnauuwi sa paghingi ng tulong mula sa kapwa mag-aaral. May mga opisina namang direktang natatakbuhan ngunit sadyang may kabagalan sa pagtugon. Ang ganitong sistema ay nagdudulot ng kalituhan at pagkaantala sa daloy ng impormasyon at maging sa transaksyon. Kinakailangan na gumawa ng plano kung paano dadaloy ang impormasyon mula sa itaas patungo sa mga mag-aaral. Pinaka-epektibo kung maibabahagi ang impormasyon sa official Facebook page o website na higit na accessible para sa nakararami. Kung hindi naman angkop na ianunsiyo sa social media, siguraduhin dapat na maayos ang pagpapasa ng impormasyon. Una itong ipaalam sa mga faculty and staff, student council, at student publication upang matiyak na maipaabot ito sa lahat sa organisadong paraan. Para naman sa student concerns, kailangan na maglabas ang pamantasan ng impormasyon tungkol sa mga opisinang tutugon sa mga katanungan o hindi kaya naman ay magtalaga ng help desk na magiging daan sa pagpapabatid ng mga hinaing sa kinauukulan. Subalit hindi ito natatapos sa pagtatalaga, kinakailangan na masiguro na aktibong tutugon ang naturang mga opisina. Magmimistulang tsismis ang imporamsyon kung hindi organisado at walang patunay ang pagdaloy. *** Malinaw na patunay ang mga karanasan ng magaaral na marami pang dapat isaayos ang pamantasan pagdating sa kabuuang serbiso. Ang mga karanasan at hinaing na ito ay hindi lamang dapat pinakikinggan bagkus ay inaaksiyunan. Sa mga nagdaang semestre, parehong mga problema ang nararanasan na labis na nakababahala. Nakikita naman na sinusubukang baguhin at iayos ang serbisyo ngunit kulang pa rin ang nagiging resulta at isa sa mga bagay na nakaaapekto rito na bahagyang nakaliligtaan ay ang pagtanggap ng kritisismo mula sa mga direktang naaapektuhan. Ang pagbibigay ng puna o kritisismo ay hindi pangmamaliit o uri ng kabastusan, ito ay hudyat na kinakailangang kumilos para magkaroon ng reporma sa sistema.


EDITORYAL

Ningas-kugon na Pamumuno A

ng pagbitaw sa responsibilidad bilang lider-estudyante ay pagpapakita ng kawalan ng kahandaan at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin maging ano pa man ang dahilan. Matatandaan na bago magtapos ang Academic Year 2020-2021, naihalal ang mga bagong lider-estudyante na bubuo sa University Supreme Student Council o USSC at kasunod nito ang panunumpa sa naturang mga tungkulin. Ngunit sa pagbubukas ng AY 2021-2022, ilang magkakasunod na resignation letter ang natanggap ng USSC Chairperson na si Aijohn Santos. Kabilang sa mga nagsumite ng resignation letter ay sina College of Engineering (CEn) Councilor Kimwel Lazo, College of Arts and Social Sciences (CASS) Councilor AJ Ador Dionisio, College of Education (CEd) Councilor Rovin Steve Bajet, at College of Home Science at Industry (CHSI) Councilor Karwin Emilio D. Revilla. Batay sa nilalaman ng liham, personal na mga dahilan ang naging basehan ng karamihan sa mga nabanggit upang tuluyang bitawan ang posisyon. Sa kabilang banda, letter of complaint naman ang inihain para sa naihalal na USSC Treasurer na si Ron Vincent Nuñez dahil sa kawalan nito ng dedikasyon at oras upang gampanan ang mga tungkulin na nakaatang sa kanya. Upang mapunan ang mga bakanteng posisyon at maiayos ang hanay ng mga lider-estudayente, nagtalaga ang USSC ng mga tatayong Officerin-Charge (OIC). Ang mga naitalaga ay sina Bien Anjhello Lim para sa CEn, Jemina Kyla Tungpalan para sa CASS, Joseph Edralin Pablo para sa CED, Nathaniel Pimentel Domingo para sa CHSI, at Joanna Manalo bilang USSC Treasurer. Napunan man ang mga naiwang posisyon, hindi pa rin maikakaila na naging bahagyang kasayangan ito

sa oras na maaaring nagugol sana sa paglilingkod. Bawat lider-estudyante na nagbitiw sa posisyon ay may kani-kaniyang personal na dahilan para sa naturang desisyon. Ang mga dahilang ito ay iginalang at tinanggap na makatwiran ng USSC, ngunit sa kabilang banda, pagpapakita pa rin ito ng kawalan ng kahandaan at dedikasyon. Tunay na sa lahat ng pagkakataon ay posible ang pagsulpot ng mga hindi inaasahang bagay, ngunit bilang isang namumuno, parte na dapat ng pagkatao ang maging handa sa mga ganitong sitwasyon. Kapag may mga dumarating na unos, isa sa mga haharapan ang namumuno at hindi isa sa mga unang lilikas. Hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at pagtupad sa mga tungkulin bilang liderestudyante - ideya na dapat nakatatak na sa isipan ng sino man na nagbabalak maupo sa puwesto. Bago pa man ipasa ng kakandidato ang Certificate of Candidacy (COC), nararapat na buo na ang loob na tanggapin at pangatawanan ang kaakibat na mga responsibilidad sa inaasam na posisyon kung sakali man na mailuklok ng sangkaestudyantehan. Ang pagpalya sa bagay na ito ay makapagdudulot ng malaking epekto sa daloy ng pamunuan ng mga estudyante at maging sa pansariling aspeto ng indibidwal. Ang lider na handa at matituturing na epektibo ay hindi urong-sulong. Hindi ito susuong sa responsibilidad at aatras kapag naging mabigat na para sa kanya. Makatwiran na pahalagahan ang sariling kapakanan at kalusugan lalo na pagdating sa mental health ngunit higit na mas matimbang pa rin ang kapakanan ng nakararami. Maaari naman na sikaping tulungan ang sarili habang pinapangatawanan ang responsibilidad na pinasok bilang lider-estudyante. Mahalaga

‘‘

Ang lider na handa at matituturing na epektibo ay hindi urongsulong. Hindi ito susuong sa responsibilidad at aatras kapag naging mabigat na para sa kanya. din na bumuo ng estratehiya na maaaring gawin upang ang bigat ng mga gawain ay mahati-hati upang epektibo itong maisagawa nang may kagaanan. Hindi magiging madali ngunit posible. Nararapat lang na isaisip na hindi trabaho ng lider na akuin ang bigat ng mga pasanin. Trabaho ng lider ang makipag-ugnayan sa mga kasamahan upang maisakatuparan ang plano sa pamamagitan ng kolektibong paggawa. Labis na kasayangan ang pagtalikod sa tungkulin. Sayang ang panahon na ginugol sa pabuo ng desisyon na tumakbo at sa pangangampanya. Bahagyang nasayang din ang panahon na ginugol ng iba sa pagdaraos ng eleksiyon para lamang mauwi sa paghahanap


Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2021-2022 Laurence L. Ramos EDITOR-IN-CHIEF Joshua P. Mendoza ASSOCIATE EDITOR Jaira Patricia V. Ebron MANAGING EDITOR Daniel Paolo C. Aquino NEWS EDITOR Millen Angeline M. Garcia OPINION EDITOR Lenilyn Q. Murayag FEATURE EDITOR Christine Mae A. Nicolas DEVELOPMENT COMMUNICATION EDITOR Emmanuel B. Namoro SPORTS EDITOR Danver C. Manuel LITERARY EDITOR Luis Alfredo C. Castillo HEAD PHOTOJOURNALIST Ron Vincent V. Alcon HEAD CARTOONIST Steven John F. Collado HEAD MULTIMEDIA ARTIST France Joseph O. Pascual HEAD LAYOUT ARTIST Jerome Christhopher C. Mendoza CIRCULATIONS MANAGER JUNIOR EDITORS Francis E. Del Rosario Winchester R. Santos Jose Emmanuel C. Mico Justine Mae F. Feliciano Lance Josef E. Landagan Ildefonso D.C. Goring Jr. Ferdinne Julia O. Cucio Ma. Clarita Isabelle N. Guevarra Nathaniel Piedad Excy Bea C. Masone Jessalyn D. Soriano ng kahalili sa posisyon. Sa halip na magkaroon ng mahabang panahon para bumuo ng plano para sa papasok na Academic Year ay nabawasan pa dahil sa prosesong kailangang sundin para mapunan ang bakanteng mga posisyon. Hindi sana ito kalabisan ngunit kung tutuusin hindi lamang isa o dalawa ang nagbitiw. Hindi maituturing na handa at dedikado ang sino man na sasayangin ang tiwala at pagkakataon na ibinigay sa kanya. Sa pagbitiw sa posisyon, hindi lamang tungkulin ang tinalikuran, pati ang mga estudyante na isinugal ang kanilang boto kapalit ng mga pangakong plataporma na inihain noong panahon ng pangangampanya. Biro man para sa ilan ang pagiging lider-estudyante, ngunit tiyak na marami ang seryosong bumoboto para sa kapakanan ng lupon ng mga mag-aaral. Bilang isang naghahangad na maging liderestudyante, siyasatin mo muna ang iyong sarili kung handa ka ba sa mga karagdagang

responsibilidad habang prayoridad pa rin ang pagaaral. Mahalaga rin na tukuyin ang mga bagay na maaaring maging balakid para mapunan mo ang mga responsibilidad na nakaatang nang sa gayon ay makabuo ka ng plano para solusyunan ang mga ito. Bukod pa rito, kung sa umpisa pa lamang ay may mga bagay na mag-uudyok na bitawan mo ang posisyon na labas sa iyong kontrol, mainam na hindi mo na lamang ituloy ang paghahain ng kandidatura. Kung ang magiging dahilan naman sa pagtakbo ay “para maexperience lang,” huwag mo na lang din ituloy dahil marami ang seryoso at dedikadong maglingkod ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon at nasasapawan ng mga lider na ningas-kugon. Sanayin at sikapin na pamunuan ang sarili sa lahat ng aspeto bago hangarin na pamunuan ang iba. Sa ganitong paraan, matutukoy ang kahandaan at dedikasyon bilang liderestudyante.

SENIOR STAFF Jaymie Krizza P. Benemerito Xyra Alessandra Mae Balay Edwin D.B. Bobiles Carl Danielle F. Cabuhat Jonalyn E. Bautista John Marius C. Mamaril RD E. Bandola ___ Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office , Student Union Building, CLSU,Science City of Muñoz, Nueva Ecija o magpadala ng mensahe sa clsucollegian@clsu.edu.ph


14 | OPINYON

‘‘

Dapat malinaw na ang ipinahahayag ng bawat isa ay ang krusyal na desisyong pinaninindigan pagdating sa pagpili ng sa tingin natin ay karapatdapat na mamuno sa bansa.

MOCKINGJAY Xyra Alessandra Mae Balay balay.xyra@clsu2.edu.ph

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Millen Angeline Garcia | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

Maipilit Lang? W

alang mali sa pagpapahayag ng opinyong politikal ngunit sana naman ay tunay na handa ang bawat isa upang manindigan. Hindi pa man nagsisimula ang campaign period para sa 2022 National Elections sa Mayo ay laganap na sa mga posts, polls, at comment sections ng mga Facebook page gaya ng USSC, CLSU Collegian at CLSU Files ang banggaan ng mga opinyon ng mga estudyante ng unibersidad na may kani-kaniyang “manok” sa paparating na halalan. Gayunpaman, kapansin-pansin na bagama’t tila aktibo sa usaping politikal ang mga ito sa social media, may mga Silesyuans na hindi naman talaga handa sa diskusyon pagdating sa kanilang mga argumento ngunit lakas loob pa ring rumaratsada sa social media platforms. Una, nakalulungkot na may ilang tila ginagawa na lamang pampalubag-loob sa kanilang panig ang pagkakalat ng mga maling impormasyon, samahan pa ng mga “memes” tungkol sa ilang mga kandidato na bukod sa hindi naman talaga nakatatawa ay madalas na wala naman sa konteksto. Halimbawa ng mga ito ay ang popular na conspiracy tungkol sa “Tallano Gold” na paulit-ulit na iniuugnay sa kandidatong si Marcos Jr. na ilang beses nang pinabulaanan ng mga historyador gaya ni Prof. Xiao Chua (FALSE: Filipino ‘royal family’ ruled over precolonial ‘Maharlika kingdom’, 2019). Kabilang din dito ang pinag-ugatan ng kontrobersyal na #LeniLugaw at mga walang kontekstong cut ng interview videos na ibinabato kay Leni Robredo. Dahil tila sirang mga plaka

ang ganitong mga argumento, hindi nakapagtataka na hindi naka-eengganyong makipagdiskusyon sa mga ito, lalo pa at nakababahala ang ipinakakalat nilang mga impormasyon. Ikalawa, kapansin-pansin din ang ilan na bagama’t may kakayahang maglahad ng mga credentials ng sinusuportahang kandidato ay ginagawa lamang ito hindi dahil bukas sa argumento, kundi upang hamakin ang kabilang panig. Sa ganang akin, mas nakadidismaya ang mga ganitong uri ng Silesyuan dahil pagdating sa usaping politikal, hindi dapat sarili ang ating itinataas sa iba. Dapat malinaw na ang ipinahahayag ng bawat isa ay ang krusyal na desisyong pinaninindigan pagdating sa pagpili ng sa tingin natin ay karapat-dapat na mamuno sa bansa. Samakatuwid, hindi maling ipahayag ang paninindigang politikal ngunit hindi rin tamang ipilit ito sa kahit anong paraang wala namang basehan at mapanghamak lamang ng kapwa. Bilang Silesyuans, marapat na maging bukas ang isipan ng bawat isa sa mga diskusyon kahit salungat sa ating pinapanigan dahil dito natin mauunawaan ang saloobin ng iba. Gayundin, bilang nasa panahon tayo kung saan madaling kumalap ng impormasyon, maliit ngunit mahalagang tungkulin nating salain ang mga ito lalo na kung matibay ang ating paniniwala sa sinusuportahan nating kandidato. Sa ganitong pagkakataon, makatutulong na tandaang hindi kailangang makumbinsing pumanig ang lahat sa ating pinapanigan. Huwag nating iasa sa eleksyong ito ang pagbabago ng bansa na magmumula naman mismo sa pagkilos ng bawat isa.

Sa Progreso Aasenso H

indi magpapatuloy ang mga inilatag na plano kung mananatiling mabagal at patumpik-tumpik ang pag-aksyon ng mga nasa kinauukulan. Sa kabila ng paghahanda ng ilang mga unibersidad sa napipintong pagbabalik-eskwela, isa ang Central Luzon State University (CLSU) sa mga wala pang konkretong plano ukol dito. Nakasaad sa CHED-DOH Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2021–001 na ibinaba Pebrero pa lamang noong nakaraang taon, maaari nang magdaos ng limited face-to-face classes ang mga Higher Education Institution (HEI) alinsunod sa mga direktibang nilalaman ng nasabing JMC. Samantala, matatandaang ika-22 ng Oktubre nang magdaos ng isang Face-to-Face Consultation Meeting ang University Supreme Student Council (USSC) kasama ang CLSU Face-to-Face Committee upang isapubliko ang mga hakbang ng unibersidad para sa unti-unting pagbubukas ng klase sa loob ng pamantasan. Ito man ang naging simula ng inisyatibo ng CLSU para sa pagbabalik-eskwela, umani pa rin ng samu’t saring kuwestiyon at hinaing mula sa mga mag-aaral at maging sa mga magulang ang naging diskusyon hinggil sa mga plano ng unibersidad. Maliban sa retrofitting ng mga lakaran, silid at laboratoryo, kasabay ng iba pang mga hakbanging nakabatay sa mga alituntunin ng CHED, maraming pa ring butas at puna ang natanggap ng adminitrasyon ukol sa pagpapanatili ng seguridad at mabuting kalusugan ng mga mag-aaral kung sakaling matutuloy ang pagbabalikeskwela. Itinakdang magsimula ang sinasabing face-to-face classes sa ikalawang semestre ng akademikong taon 2021 hanggang 2022. Gayunpaman, naging tahimik ang unibersidad hinggil sa mga naging aksyon at progreso nito alinsunod sa mga planong isinapubliko noon pang

Oktubre. Hudyat para sa mga mag-aaral na malabo nang matuloy ang inaasahang panunumbalik sa loob ng kanyakanyang silid-aralan. Samantala, kamakailan lamang, napatunayan ang hinuha ng marami nang maglabas ng anunsiyo ang unibersidad na hindi na posibleng ituloy ang muling pagbubukas ng mga pinto ng paaralan. Imposible man na maisakatuparan pa ang inaabangang face-to-face classes, hindi dapat dito matapos ang preparasyon ng CLSU para sa maayos at ligtas na pagbabalik-eskwela. Hindi dapat ito maging rason para isantabi at ipasawalang bahala na ng unibersidad ang pagbuo ng mga konkretong hakbang para sa pagbabalik ng lahat sa kampus. Sa panahong ito, mahalagang maging prayoridad ng akademikong institusyon ang magkaroon ng isang masusi at organisadong paghahanda para sa face-to-face classes matapos ang halos dalawang taong pagtitiis ng mga guro at mag-aaral sa online setup. Importante rin na pakinggan ang tinig at mga hinaing ng bawat mag-aaral lalo’t higit sila ang mas maaapektuhan kung magpapatuloy ang ganitong sistema ng edukasyon pagdating ng mga susunod pang panahon. Higit sa lahat, hindi dapat maging panatag at mabagal ang pag-usad ng unibersidad, bagkus ay paigtingin pa nito ang mga paghahanda para sa face-to-face classes kung nais nitong mapanatili ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon para sa lahat. Kung magpapatuloy ang mabagal nitong pag-aksyon, maaaring sa dulo ay tuluyang maapektuhan ang reputasyon ng unibersidad bilang isang primera at kilalang paaralan sa rehiyon. Sa halip na ipagsawalang bahala ang kapakanan ng marami, maging bukas at tumalima sana ang CLSU sa mga responsibilidad nito nang sa gayon ay pare-pareho nating matamasa ang pag-asenso.

‘‘

Importante rin na pakinggan ang tinig at mga hinaing ng bawat mag-aaral lalo’t higit sila ang mas maaapektuhan kung magpapatuloy ang ganitong sistema ng edukasyon pagdating ng mga susunod pang panahon.

INVICTUS Jaira Patricia Ebron

ebron.jaira@clsu2.edu.ph


OPINYON | 15

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

Sunud-sunuran K

atumbas ng pagsusunud-sunuran ng mga nakatataas sa pamantasan ay ang pagsasawalang-bahala sa akademikong kalayaan ng institusyon at ng mga mag-aaral. Nito lamang ika-21 ng Oktubre noong nakaraang taon, naglabas ng memorandum ang Commission on Higher Education (CHEd) - Cordillera Administrative Region na naguutos na alisin ang mga ‘subversive’ materials sa mga aklatan at online platform sa mga pribado at pampublikong Higher Education Institutions (HEI). Matapos ang ilang linggo ay ilan na sa mga unibersidad sa bansa ang nag-alis ng mga ito kabilang ang Kalinga State University (KSU), at Isabela State University (ISU) na naglalaman umano ng mga ideolohiya ng Communist-Terrorist Groups (CTG). Samantala, nito ring nakaraang taon, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Central Luzon State University na kung sakaling maglabas ang CHEd ng parehong memorandum at wala itong lalabaging batas, susunod na lamang ang unibersidad. Malinaw na isa itong atake, pagtalikod at pagsasawalang-bahala sa akademikong kalayaan ng pamantasan at maging sa mga mag-aaral nito, na silang dapat pangunahing pinaglilingkuran. Higit pa rito, sa tangkang ito ng CHEd at ang inaasahang pagsunud-sunuran ng CLSU, ay ang pagsira nito sa kanilang mandato na pagyamanin ang kalayaang pang-akademiko na ipinagkaloob ng 1987 Constitution at Republic Act. 7722, batas na nagtatag sa CHEd. Kaya naman, nararapat lamang na tumindig ang administrasyon ng CLSU laban sa anumang porma ng pagsensura sa aklatan at sa

baluktot na burukrasya ng mga kinauukulang ahensya. Batay sa Article XIV, section 5, paragraph 2 ng 1987 Constitution, ang akademikong kalayaan ay nararapat tamasahin sa lahat ng HEIs. Bukod pa rito, nakasaad sa section 8 ng Republic Act No. 7722 na wala sa batas na ito ang dapat ipakahulugan bilang nililimitahan ang kalayaang pangakademiko ng mga unibersidad at kolehiyo. Kung tutuusin, malinaw din na ang magiging hakbang ng CLSU sa pag-aalis ng mga ‘subversive’ materials ay ang pagtalikod nito sa pilosopiya ng institusyon at pagbibigay-diin sa mahalagang gampanin ng aklatan at dapat na ang mga mag-aaral ay mayroong kalayaang gumamit ng libro, dyornal, at iba pang materyal na makatutulong sa sosyo-politikal na kamalayan ng mga mag-aaral. Pinipigilan din nito ang malayang pagkakamit ng mga estudyante na tumuklas sa mga bagong ideya at kaalaman, maging ang kritikal na kaisipan nito. Hindi dapat maging pribilehiyo lamang ang paggamit ng aklatan dahil ito ay isang karapatan. Nararapat lamang din na ugatin kung ano nga ba ang dahilan ng armadong tunggalian, at huwag ibaling sa hanay ng mga estudyante higit sa pag-aalis at pagsensura sa mga libro sa mga HEI. Gayundin, bigyan ang mga estudyante ng isang ligtas na espasyo na malayang unawain at pag-aralan ang lipunan. Sa huli, mainam na balikan ng administrasyon ng CLSU ang mga tanong na kung sino nga ba ang tunay na pinaglilingkuran ng unibersidad. Nararapat na ipakita ng unibersidad ang pagiging maka-estudyante at huwag maging sunud-sunuran na lamang.

‘‘

...bigyan ang mga estudyante ng isang ligtas na espasyo na malayang unawain at pag-aralan ang lipunan.

FREETHINKER Laurence Ramos

ramos.laurence@clsu2.edu.ph

‘‘

Gayunpaman, mahalagang isaisip at isapuso na tunay lamang na makakamit ang pagkatuto ng bawat estudyante kung handa rin nilang tulungan ang kanilang mga sarili.

CANDID Lenilyn Murayag

murayag.lenilyn@clsu2.edu.ph

Hindi Kompetisyon M

agkatuwang na responsibilidad ng mga estudyante at mga guro ang paghahanap ng mga pamamaraan upang matamasa ang pagkatuto sa gitna ng distance learning. Nakapanghihinayang na hindi man lamang natapos ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) at iba pang mga paaralan ang ikalawang semestre taong panuruan 2019-2020 sa loob ng unibersidad, gawa ng pagpapatupad sa community quarantine noong Marso 2020. Dagdag pa rito, pansamantalang pinahinto ang pagkakaroon ng face-to-face na mga klase sa lahat ng antas upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tatlong semestre na sa kolehiyo ang lumipas na wala sa loob ng CLSU ang mga mag-aaral nito, at hindi malayo na magpatuloy ang distance learning lalo na at patuloy pa rin na lumolobo ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang virus. Sa katunayan, nasa mahigit 2.8 milyon na ang tinamaan ng COVID-19 batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) nitong Disyembre. Bagaman nakikita ang distance learning bilang alternatibong paraan upang matugunan ang edukasyon ng mga mag-aaral, walang kasiguraduhan na angkop ito para sa lahat. Sa gitna ng krisis pangkalusugan, hindi rin maikakaila na higit na mapanghamon ang pagbabalanse ng oras sa iba pang mga gampanin habang nag-aaral. Kasabay nito, hindi dahilan na nasa kolehiyo na ang mga estudyante para isipin na madali lamang ang mag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon ng pag-aaral. Dagdag pa rito, mahalagang bigyang pansin na may kanikaniyang paraan o istilo ng pagkatuto ang bawat estudyante, bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng mga learning materials at gawain upang sukatin ang kanilang mga natutunan. Dahil dito, higit na mainam kung mayroong kalakip na mga pagpapaliwanag ang bawat PowerPoint Presentation (PPT) at babasahin na nilalagay ng mga guro sa Google Classroom, sapagkat hindi naman lahat ng mga konsepto ay selfexplanatory. Totoo rin na maaari nang maging maalam sa pamamagitan ng ilang click sa Google, ngunit higit na makabuluhan pa rin kung sa mismong guro sa partikular na asignatura nagmula ang pagpapaliwanag. Sa ganitong paraan, maiiwasang magkaroon ng magkakaibang interpretasyon

sa isang paksa ang mga estudyante na nasa isang pangkat lamang. Dahil asynchronous ang mga klase sa CLSU, posible rin na maging malaking tulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung mayroong mga recorded discussion ang mga guro na maaaring i-download at paulitulit na mapanood. Bukod sa makatitipid sa konsumo ng internet at data, may kakayahan din itong mas bigyang linaw ang mga komplikadong paksa dahil maaaring ihinto at ibalik ang pagtalakay kapag nai-download na ang naturang video. Mainam din ito para sa mga visual learners na nakaangkla ang pagkatuto sa mga visual aids gaya ng larawan; at auditory learners na higit na natututo sa mga lectures at speeches. Matrabaho ang unang dalawang pamamaraan, ngunit sulit naman ang benepisyo na maibibigay nito sa pangunahing kliyente ng institusyon - mga mag-aaral. Isa pa, bahagi ng sinumpaang tungkulin ng mga guro na maging gabay sa pagkatuto ng mga estudyante, at dapat itong alalahanin sa lahat ng pagkakataon. Gayundin, malaking hakbang ang regular na pangungumusta sa mga estudyante sa gitna ng pandemya. Maliban sa pagbibigay ng mga learning materials, assessments, at grades, mahalaga na maisabuhay ng mga guro ang tungkulin nila bilang pangalawang mga magulang. Kasabay ng pagtalima ng mga guro sa kanilang tungkulin na maging gabay ng mga estudyante at humanap ng mga paraan upang maging makabuluhan ang pagkatuto sa kabila ng distance learning, inaasahan na kalahok din ang mga magaaral para maging posible ito. Nauunawaan na hindi pare-parehas ang kalagayan ng lahat ng estudyante sa unibersidad, at mas lalo itong hinahamon ng krisis pangkalusugan. Gayunpaman, mahalagang isaisip at isapuso na tunay lamang na makakamit ang pagkatuto ng bawat estudyante kung handa rin nilang tulungan ang kanilang mga sarili. Habang humahanap ng mga pamamaraan ang mga guro upang magabayan ang mga estudyante sa kanilang pagkatuto, humahanap din dapat ng mga pamamaraan ang mga mag-aaral upang magamit ng wasto ang mga bagay na makakatulong para sa kanila. Hindi kompetisyon kung sino ang dapat na mas responsable sa pagkatuto dahil magkatuwang na responsibilidad ito ng magkabilang panig. Mahalagang patuloy ang pagkilos at paghahanap ng mga paraan para matuto sa kabila ng mapanghamong sitwasyon.


16 | OPINYON

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Millen Angeline Garcia | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

Trojan Horse K

asabayngpag-usbongngmakabagongteknolohiya ay ang pag-usbong din ng makabagong mga Marcos Apologist na patuloy na natatangay ng kasinungalingan. Dekada na ang nakalipas magmula nang maganap ang people power sa Epifanio de los Santos Avenue o EDSA na siyang tumapos sa Martial Law at sa rehimeng Marcos. Sa ngayon, si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. anak ng isang diktador ay kumakampanya para sa pagkapangulo. Dahil dito, nabuo ang mistulang imperyo ng mga social media pages at groups na nagpapakalat ng mga maling impormasyon na nagpapabango kay Bongbong at sa rehimeng Marcos. Magmula nang i-anunsyo ni Marcos Jr. ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, tahasan nang binabago ng kanyang mga supporters ang kasaysayan. Sa papalapit na halalan, muling sinasalaysay ng mga trolls, historical revolutionist, at mga fake news dealers ang hindi makatotohanang pangyayari at pinipilit na ikubli ang mga karumaldumal na pangyayaring naganap noong panahon ng Martial Law sa bansa. Nakasaad sa datos ng Global Human Rights Organization Amnesty International na 70,000 ang ikinulong, 34,000 ang nakaranas ng torture, at 3,240 ang pinatay noong panahon na nasa ilalim ng rehimeng Marcos ang bansa. Ang malaking bilang ng mga numerong ito ay siya sanang magsilbing aral sa bawat Pilipino sa madilim na nakaraan ng Martial Law, ngunit nababalewala ang pighati ng bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa mga viral TikTok videos na sanhi ng pagkalat ng maling impormasyon at sa kung ano mang kasinungalingan na ibinida ni Marcos Jr. sa naging panayam niya sa Toni Talks upang pagandahin ang reputasyon ng kanyang diktador na ama. Maituturing na isang malaking Trojan horse ang panayam ni Bongbong sa Toni Talks. Hindi natin namalayan

‘‘

Kailangan isaalang-alang at bigyang-pansin kung ano ang mas mahalaga at kung saan tayo mas makikinabang sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon.

DIGASTRICUS John Marius C. Mamaril

mamaril.johnmarius@clsu2.edu.ph

na muling naging sentro sa usaping politikal ang mga Marcos. Nagbigay-buhay din ito sa malawakang pagkalat ng fake news mula sa iba’t ibang mga network, website, Facebook page, TikTok account, at YouTube channel. Bukod pa rito, ilang mga personalidad din ang naglipana upang ikampanya at linisin ang imahe ni Marcos Jr. Ang nilalaman ng ipinapakalat ng bawat page na ito ay sandamakmak na fake news na may iisang layunin - baguhin ang pananaw ng publiko sa mga Marcos sa pamamagitan ng mariing pagtanggi sa kurapsyon at pagnanakaw, pagkaila sa human rights violation noong Martial Law, pagmamalabis sa mga naipagawa ni Marcos Sr., at paninira sa mga kalaban, kritiko, at media. Ilan sa mga kumakalat na impormasyon na nagpapabango sa mga Marcos ay napabulaanan na. Ilan din sa mga networks at accounts sa Facebook ang na-ban dahil sa pagpo-post ng mga “spammy contents.” Ngunit, hindi pa rin nawawala ang mga pages at channels ng ilan sa mga kilalang personalidad na nakikiisa na rin sa pangangampanya kay Marcos Jr. Ang ganitong mga kaganapan ay sanhi ng bulok na sistema sa bansa. Ilang pursyento ng publiko ang naniniwala sa “hidden facts” in Philippine history na matatagpuan sa mga TikTok at YouTube accounts. Malaking impluwensya ang hindi pagkakaloob ng prangkisa sa ABSCBN network kung saan nagmistulang hindi na mapagkakatiwalaan ang media. Bukod sa pandemya, ang paparating na halalan ay isa sa mga pagsubok na kahaharapin ng bansa dahil ito ay magiging “do-or-die moment” para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Paano magkakaron ng integridad ang paparating na eleksyon kung isa sa mga kandidato mismo ang namemeke ng impormasyon? Kung paulit-ulit kang nakaririnig ng kasinungalingan, ito ay magmimistulang tunog totoo habang tumatagal. Sa panahong ito na libre at madali na lang ang access sa mga libro at iba pang materyales patungkol sa kasaysayan, ang pagiging ignorante at mangmang ay sariling desisyon.

‘‘

Paano magkakaron ng integridad ang paparating na eleksyon kung isa sa mga kandidato mismo ang namemeke ng impormasyon?

ARIZONA Danver Manuel

danvermanuel13@gmail.com

Iprayoridad Ang Mas Mahalaga N

gayong panahon ng pandemya, hinding-hindi matutugunan ng bagong sistema ng edukasyon o online class ang mga kaalamang ating hinahangad, hindi lamang sa mga mag-aaral ng elementarya at sekundarya kundi mas lalo na sa mga kolehiyo. Maagap at kongkretong plano ang dapat isagawa ng gobyerno upang tiyak ang kaligtasan at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral sa gitna ng kumakalat na sakit. Isa sa mga kurso sa Central Luzon State University (CLSU) na kailangan ng aplikasyon at may laboratory classes na dapat aktwal na isinasagawa ay ang Doctor of Veterinary Medicine (DVM). Dagdag pa rito, ang mga beterinaryo pati na rin ang mga mag-aaral ng DVM ay bahagi ng pangkalusugang panghayop, pantao at pangkalikasan o tinatawag na One Health. Hindi man mga tao ang pasyente nila, maituturing pa rin itong medisina na nangangailangan ng maiging pagtutok sa kakayahan ng mga mag-aaral na sinisikap maging beterinaryo sa hinaharap. Nito lamang ika-21 ng Setyembre 2021, naglabas ang Inter-Agency Task Force ng Resolution No. 134-A (s. 2021) na naglalayong magkaroon ng limitadong face-to-face classes ang ilang mga kurso sa kolehiyo na inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang dito ang mga kursong medisina at iba pang mga kursong pangkalusugan maliban sa DVM, engineering and technology programs, hospitality/ hotel and restaurant management, tourism/travel management, marine engineering, at marine transportation. Sa katunayan, malaki ang gampanin ng kursong DVM ngayong pandemya. Ang Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ay isang zoonotic disease na nangangahulugang ito ay sakit na mula sa isang hayop na posibleng maipasa sa mga tao. Nararapat na bigyang-pansin ang kursong ito at isama sa ligtas na pagbubukas ng klase upang malinawan at mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral nito na makagawa kahit papaano ng mga maliliit na hakbang sa pagtulong upang hindi na muling maulit

ang krisis-pangkalusugan na ito. Kung titignan ang mga prayoridad na kurso, makikitang nabalewala ang kursong DVM kahit na kabilang naman ito sa mga kursong pangkalusugan. “Pinag-aaralan natin ang implementasyon nitong unang batch at ‘pag nakita natin na ligtas ang ating mga estudyante, walang impeksyon, walang pagkalat ng virus, ay titignan natin yung mga eskwelahan naman na mayroong mga kurso na kailangan din ng face-to-face halimbawa engineering, information technology, industrial technology, maritime, vetmed…,” ani Comission on Higher Education (CHEd) Chairperson Prospero E. De Vera III sa nagdaang National Student Orientation noong ika-12 ng Mayo 2021. Ngunit salungat dito, matapos ang matagumpay na face-to-face classes ng unang batch, hindi pa rin isinama ang kursong DVM. Sa hakbangin na ito, dapat ay nakasuporta rin mismo ang unibersidad upang maisakatuparan ang pagsasama ng kursong DVM sa mga prayoridad na kurso sa implementasyon ng limited face-to-face classes dahil ang tinig ng mga mag-aaral at ng kolehiyo ay hindi sapat upang marinig ng mga nakatataas. Dagdag pa rito, kinikilala ng CHED ang CLSU – College of Veterinary Science and Medicine bilang Center of Excellence dahil sa matataas nitong passing rate maging ang pagkakaroon ng topnotchers sa mga nagdaang Veterinarian Licensure Examination. Kailangan isaalang-alang at bigyangpansin kung ano ang mas mahalaga at kung saan tayo mas makikinabang sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon. Kung matututo ang mga mag-aaral sa pinakaepektibo at ligtas na paraan sa lahat ng kursong pangmedisina, kabilang ang kursong DVM, ay tiyak na magiging malaking hakbang ito upang paunti-unting matuldukan ang pandemyang ito. Isa ang edukasyon sa nagsisilbing liwanag sa kadilimang tinatahak natin ngayon kaya nararapat lamang na bigyan ito ng pansin ng mga nakatataas sa pamamagitan ng paggawa ng mga kongkretong hakbang at tiyak na mga plano upang walang sinumang mag-aaral ang mapag-iwanan.


OPINYON | 17

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

‘‘

Kaya kung tatanungin kung ano ang pinakamalaking hamon na dapat malagpasan sa implementasyon ng kahit ano pang proyekto, ito ay ang pagpapatuloy.

ABSTRACT Joshua Mendoza

mendoza.joshua@clsu2.edu.ph

Pagpapatuloy M

apatutunayan lamang ang kagandahan ng isang adhikain kung ito ay maipagpapatuloy. Hunyo 28 nitong nakaraang taon nang aprubahan sa Congress of Campus Leaders ang General Plan of Action at Implementing Internal Rules and Regulation ng University Supreme Student Council o USSC para sa taong 2021 hanggang 2022 kung saan nakapaloob ang pagtatayo ng iba’t ibang komite ng USSC. Sa kasalukuyan aymayroong limang komite na binubuo ng Students Rights and Welfare, Finance and Auditing, Education and Research, Gender and Equality, at University First Year Committee na bagama’t mayroong kani-kaniyang layunin na naayon sa kanilang komite ay nakasentro pa rin sa paglilingkod at pagtugon sa mga suliranin ng kapwa nila mga estudyante. Hindi maikakaila na maganda ang layunin ng USSC sa pagbuo ng mga komite upang mas mapalawig ang serbisyong kanilang inihahatid sa mga kapwa estudyante lalo na ngayong panahon ng pandemya na ang buong mundo ay nagtransisyon mula face-to-face patungong online o virtual kung saan mas kinakailangan ng mas maraming pwersa upang tumugon sa iba’t ibang suliranin ng mga estudyante. Nagiging daan din ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng interesadong maglingkod sa kapwa nila estudyante. Daan ito upang mahasa ang kanilang abilidad at magkaroon ng karanasan sa pagiging lider-estudyante na kinakailangan, kung nanaisin man nila sa mga susunod na taon, sa pagtakbo sa mga pangunahing posisyon sa USSC. Maganda man ang layuning gustong isakatuparan ng USSC ay hindi pa rin maipagkakaila na matatapos rin sa susunod na semestre ang termino ng mga kasalukuyang nakaupo na siyang nanguna sa pagbuo ng mga komiteng ito. Isinaad ni USSC Chairperson Aijohn Santos na hindi obligado ang pagpapatuloy ng mga komiteng ito dahil nakalagay sa probisyon ng kanilang konstitusyon na ito ay hindi mandatory, subalit may kapangyarihan ang pamunuan ng mga estudyante, particular na ang mga councilors, na bumuo ng kagaya o iba pang mga komite. Sa puntong iyon mahihinuha na sa mga susunod na pamunuan ng USSC ay

naroroon ang posibilidad na maaaring maglaho ang nabuong proyekto na ito kung hindi maipagpapatuloy. Kung titignan sa kasalukuyan, nagsisimula pa lamang ang implementasyonngmgakomite,itoayhindipaperpektoatmaramipang nararapat na maisaayos. Sa katunayan, inamin ng USSC sa panayam sa CLSU Collegian na nagkaroon ang mga komite ng overlapping sa “roles” ng iba pang opisina. Nagdulot ito ng kalituhan sa parte ng mga estudyante sa kung saan nila nararapat ipahatid ang kanilang mensahe na ayon sa panayam ay agad rin namang nasolusyunan. Kabilang na rin sa mga kinaharap nilang pagsubok sa nagdaang semestre ay limitado pa ang naging collaborative works ng mga komite ng USSC sa mga opisina, student council at student publication sa loob ng unibersidad dahil ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong plataporma. Dagdag pa rito, nangangapa pa rin ang ilang komite sa tungkuling nararapat nilang gampanan. Ganoon pa man, kung ito ay magtutuloy-tuloy at mas malilinang, darating din ang panahon na ito ay magiging perpekto at sa pagkakataong iyon, ang serbisyong maihahatid nito sa mga estudyante ay magiging mas kapaki-pakinabang. Subalit, ito ay isa lamang posibilidad dahil ang susi sa tagumpay ng proyektong ito ay ang tuloytuloy na implementasyon sa ilalim ng liderato ng mga manunungkulan sa USSC sa paglipas ng mga taon. Nakapanghihinayang kung mangyari man na ito ay hindi maipagpatuloy dahil oras at pagod ang inilaan dito ng mga lider-estudyante upang mabuo ang mga komite at maisakatuparan ang bawat layunin nito. Kaya naman, mahalaga na bigyang-pansin din ng kasalukuyang opisyales ng USSC kung paano masisiguro ang pagpapatuloy ng implementasyon nito sa mga susunod na henerasyon ng USSC. Mayroon lamang isang taon ang mga lider-estudyante upang gampanan at maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin. Kaya kung tatanungin kung ano ang pinakamalaking hamon na dapat malagpasan sa implementasyon ng kahit ano pang proyekto, ito ay ang pagpapatuloy. Hindi sa kung paano nagsimula o nagwakas masusukat ang ganda ng isang proyekto dahil pagdating sa pamumuno, walang kasiguraduhan kung ang nasimulan ay siya ring susundan ng mga susunod na manunungkulan.

Lumala N

agbigay-daan ang online setup na edukasyon sa paglala ng patapon na mga pag-uugali. Halos dalawang taon nang umiiral ang flexible learning sa Central Luzon State University na nahahati sa online at offline mode na pawang asynchronous. Kung susumahin, higit na matagumpay ang pagdaraos ng online asynchronous mode sapagkat mas komplikado ang proseso sa ilalim ng offline asynchronous mode. Hindi man ganoon kainklusibo, pinaboran na ito ng nakararami upang makasabay sa sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya. Matagumpay man kung titignan, sa kabilang banda ay ang negatibong dulot nito sa pag-uugali ng mga propesor man o mag-aaral. Lingid sa kaalaman ng nakararami na bago pa man ang pandemya, naglipana na ang mga propesor na lulubog, lilitaw na maituturing. Ang ilan ay lumilitaw lamang tuwing exam week at ang ilan naman ay magpaparamdam lamang kapag finals week na. Ngayong online na ang setup, tila mas lumaganap ang ganitong pag-uugali. Kung ating iisipin, maging ang mga propesor ay sinusubok ng kasalukuyang sitwasyon. Ang ilan ay maaaring nangangapa pa rin sa paggamit ng Google Classroom at nahihirapan umisip ng mabisang pamamaraan upang maipaliwanag ang mga aralin sa mga-aaral. Sa ganitong mga pagkakataon, maiintindihan na hindi magiging ganoon kataas ang kalidad ng pagkatuto subalit hindi ito sapat na dahilan upang ugaliin ang pagiging lulubog, lilitaw. Mayroong mga propesor na hindi nagpapabaya sa tungkulin kahit gaano man sila kaabala sa ibang responsibilidad at kahit gaano man sila nahihirapan na makisabay sa paggamit ng teknolohiya. Sa kabilang banda, may mga propesor naman na sa hindi malaman na dahilan ay sumusulpot lamang upang magbigay ng pagsusulit. Bilang mga estudyante naman, tila nawawala na ang alab sa pagpupursigi at pagsusumikap. Marahil madami sa atin ang lalong pinahihirapan ng pandemya kaya ang mairaos ang semestre na lamang ang nagiging tunguhin. Ang ilan naman ay kumakapit na lamang sa Google at iba pang

search engines at websites upang masagutan ang ilang gawain na hindi lubos na naipaliwanag o naunawaan. Hindi maikakaila ang ganitong mga gawain sapagkat sa setup kung saan hindi direktang nasusubaybayan ang mga mag-aaral, maraming bagay ang maaaring gawin maitaguyod lamang ang tunguhin na maipasa ang asignatura. Sa dalawag panig - kaguruan at sangkaestudyantehan, parehong talamak ang katamaran. Lantaran ang pag-amin ng ilan sa social media na naging normal na para sa kanila ang procrastination o pagpapaliban sa mga Gawain. Ang ilan pa nga ay napupunta na sa missing section ng Google Classroom. Kapansin-pansin naman sa ilang mga propesor ang kawalan ng effort sa pagtuturo. Kaliwa’t kanang send na lamang ng Youtube videos at babasahin ang ginagawa ng ilan. Hindi maitatanggi ang paglala ng mga nabanggit na paguugali lalo pa at malaya tayong nagdedesisyon sa loob ng kani-kaniya nating tahanan. Walang control ang sinoman sa mga pamamaraan na ginagamit natin upang maitaguyod ang edukasyon sa gitna ng krisis pangkalusugan. May ilang matuwid man na ninanais itama ang baluktot na pag-uugali ng propesor man o mag-aaral, hindi pa rin ito sapat dahil nananaig ang takot kaya pinipili na lamang magkibit-balikat. Gaano man kalala ang isang bagay, may lunas pa rin na maaaring subukan. Para sa kaguran, hindi kasayangan ang paglalaan ng oras upang aralin ang ginagamit na mga plataporama sa online setup tulad ng Google Classroom. Hindi kalabisan na tugunan ang hiling ng mga mag-aaral na magkaroon pagpapaliwanag sa mga aralin at hindi lamang umasa ang mga ito sa sariling interpretasyon. Malaking bagay din kung magiging aktibo sa pagtugon sa mga katanungan ng mga mag-aaral. Para sa sangkaestudyantehan, mainam na ibalik natin ang pagpupursigi at pagsusumikap na mayroon tayo noong hindi pa virtual ang pamamaraan ng pagkatuto. Tayo rin ang makikinabang kung seseryosohin natin na aralin ang mga leksyon. Sa huli, ang paglala ng patapon na mga pag-uugali ay maaaring dulot ng sitwasyon o sarili nating desisyon.

‘‘

Gaano man kalala ang isang bagay, may lunas pa rin na maaaring subukan.

MILLENNIUM Millen Angeline Garcia

millengarcia1989@gmail.com


18 | OPINYON

‘‘

Mahirap bilang estudyante na mapagsabihan ng isang pangaral na hindi naman akma sa kinahaharap niyang problema.

FARFETCHED France Joseph Pascual

pascualfrancejoseph@gmail.com

A

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Millen Angeline Garcia | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

Kulang na Solusyon H

indi maidadaan sa samu’t saring virtual kumustahan at mga kaugnay na programa lamang tungkol sa mental health ang pangangailangan ng mga estudyante na magpahinga paminsan-minsan. Sa loob ng halos dalawang taon na pandemya, naging matunog ang mga usapin na may kinalaman sa mental health. Maraming audio podcasts at YouTube videos ang naglipana sa social media na tumatalakay sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating mental health. Maging ang Office of Student Affairs (OSA) ay gumagawa ng mga content at mga programa sa Facebook para maging accesible sa karamihan. Matatandaan na gumawa rin ang OSA noong nakaraang taon ng seksyon sa Google Classroom sa bawat kolehiyo sa kaparehong layunin, subalit kakaunti pa rin ang mga estudyanteng bukas na lumalapit sa kanila. Problema din sa mga programa na tumatalakay sa mental health tulad ng webinars ang mga generalized approach sa mga hinaing ng mga estudyante, at iilan lamang talaga ang nakapagpapatuloy na makinig sa mga nasabing plataporma. Mahirap bilang estudyante na mapagsabihan ng isang pangaral na hindi naman akma sa kinahaharap niyang problema. Sa ganoong sitwasyon, mas mapapaisip pa ito kung may tulong o solusyon pa ba na maaaring makuha. Noong ika-30 ng Oktubre 2021, naging usap-usapan ang nakaaalarmang bilang ng mga nagpakamatay na estudyante ng Saint Louis University (SLU) sa Baguio dahil sa dami ng mga akademikong gawain. Dahil dito, lumitaw ang maraming estudyante na naghahangad ng academic break na nagsagawa ng pagtitirik ng kandila sa harap ng SLU Administration. Kaugnay nito, naging maingay din sa social media ang mga estudyante ng CLSU na

humihiling din ng academic break. Hindi ibig sabihin na walang nagsasalita o nagrereklamo ay walang problema. Kahit hawak ng mga estudyante ang oras nila sa pag-aaral, pagsusuri at pagsasagot sa mga problem sets, lab reports, quizzes, exams, at iba pa, hindi pa rin sapat ang isang linggong academic break sa loob ng limang buwan na semester na hindi naman lubusang nagagamit para makapagpahinga. Talagang patuloy na nasusubok ang bawat isa sa atin sa panahon ng pandemya at karamihan ay darating sa punto na mabibigo ang ilang mga plano. Kung magkakaroon ng angkop at karagdagang estratehiya sa pagpapa-abot ng tulong pangmental health ang OSA, mas dadami ang mga estudyanteng magiging bukas na ibahagi ang kani-kanilang dalahin na problema. Mainam rin na magkaroon ng regular academic break sa loob ng isang semestre na pwedeng ilaan ng mga mag-aaral upang magpahinga at bigyan ng oras ang kanilang sarili. Ang layuning ito ay mangyayari lamang kung masisiguro na walang propesor ang magbabagsak ng mga gawain sa panahon ng academic break. Makabubuti rin na gawing holistic ang approach para mabigyan ng personal na payo ang bawat estudyante. Maaari rin na isingit at pahapyawan ng mga propesor ang pagtalakay sa mental health o hindi kaya naman ay sinserong kumustahin at bigyan ng payo ang mga mag-aaral upang kahit sa kanilang mga klase ay natututunan pa rin ang importansya nito. Malaki ang gampanin ng OSA pagdating sa pangangalaga sa mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto kaya kinakailangan na magkaroon ito ng angkop at epektibong plano upang lingapin ang mga ito lalo na sa lumalalang isyu patungkol sa mental health.

Baguhin ang Sistema

ng biglaan at pabago-bagong instruksiyon ng mga nasa kinauukulan ay patunay sa magulong sistema at pagsasawalang bahala sa sakripisyo at pagod na ibinubuhos ng mga mag-aaral para lamang makuha ang nararapat na pondo o insentibo para sa kanila. Lingid sa kaalaman ng nakararami na mayroong natatanggap na insentibo ang mga miyembro ng CLSU Collegian para sa kanilang mga ginawang artikulo, larawan, at dibuho sa bawat newsletter, literary folio, magazine, at tabloid na inililimbag. Nakasaad sa Constitution and Bylaws ng publikasyon ang halaga ng matatanggap na insentibo na katumbas ng lahat ng kanilang mga ginawa. Mula pa noong 2020, may nailimbag ang CLSU Collegian na literary folio at magazine na hindi pa nailalakad ang mga papeles para sa insentibo dahil nagkaroon ng pandemya. Kaya nitong 2021, minabuti ng mga miyembro nito na ihanda ang mga dokumento na kailangan para ilakad sa CLSU Budget Office and Accounting Office kasama pa ang ilang mga likhang gawa ng publikasyon sa nasabing taon. Ngunit sa pagpunta ng ibang mga miyembro sa CLSU, sa halip na tanggapin, ipinabago pa ang mga dokumentong inihanda. Inayos muli ng buong publikasyon ang mga papel na hinihingi ng opisina, ngunit sa kanilang pagbalik, ibang dokumento naman ang ninais nilang makita at muling nagbago ang instruksyon. Isa pa sa mga pinoproseso at inaasikasong papel ng publikasyon ay ang budget para sa Campus Press Freedom (CPF) week na ginanap nitong Nobyembre. Sa unang linggo pa lamang ng Disyembre ay nag-aayos na ng mga dokumento ang CLSU Collegian upang mailakad na sa Budget Office and Accounting Office at maibigay na rin agad ang mga premyo at insentibo ng mga nanalo sa iba’t ibang mga patimpalak na idinaos noong CPF week. Subalit, ngayong Enero 2022 na ay pabalik-balik pa rin sa mga nasabing opisina ang mga miyembro ng publikasyon dahil pa rin sa pabago-bago at hindi malinaw na mga instruksyon. Isinaad din ng University Student Supreme Council and isyu na ito kung saan narararanasan din nila ang parehong problema sa pag-aayos ng mga papel para sa budget disbursement. Ang ganitong klase ng sistema ay dapat malinaw at hindi biglaang binabago sa mismong araw na inilalakad na ang mga dokumento. Dahil dito, nasasayang lamang ang panahon na iginugugol ng mga mag-aaral na

nagsisikap pumunta at ilakad ang mga papel sa unibersidad para lang makuha ang mga insentibong nararapat lamang na talagang maibigay. Dagdag pa sa bigat na pasanin ng ilang mga mag-aaral sa pagkuha ng kanilang mga insentibo ay ang bagong direktiba ng CLSU Cashier’s Office na sa mismong araw ng pagpunta ng mga miyembro ng publikasyon lamang inanunsyo. Nabanggit nila na hindi na maaaring gamitin ang paggawa ng Authorization Letter, o isang dokumento na nagbibigay ng pahintulot na kuhanin ng iba ang insentibo ng isang mag-aaral na walang kakayahang pumunta sa unibersidad para matanggap ito, bagkus sinabi nila na kung hindi makakapunta sa unibersidad ang isang mag-aaral, dapat magkaroon ng Special Power of Attorney o transaksyon gamit ang LandBank account lamang ang pahihintulutan nilang moda ng pagkuha ng insentibo. Sa bagong sistemang ito, nakikita na hindi ito maka-estudyante lalo na sa mga malalayo sa unibersidad dahil inilalagay lamang nila sa panganib ang mga mag-aaral para lamang makuha ang insentibo. Ang pagkuha ng Special Power of Attorney ay matrabaho, at maaaring mas mataas pa ang halaga nito kumpara sa makukuha nilang insentibo. Isa pa, hind rin pinakamabisang opsyon para sa lahat ang LandBank dahil marami pa ring mag-aaral ang wala nito. Dahil dito, mapipilitan ang mga mag-aaral na bumiyahe na delikado sa panahon na ito para sa kanila at maging sa CLSU staff-in-charge na magbibigay ng insentibo. Ngunit, kamakailan lamang, matapos maglabas ng opisyal na pahayag ang publikasyon tungkol sa nasabing isyu, binago nila ang kanilang anunsyo at pumapayag na magsumite ang mga mag-aaral ng handwritten authorization letter. Makikita rito na kung hindi pa nakatanggap ng reklamo at kritisismo ang nasabing opisina ay hindi pa rin ito kikilos para gumawa ng mga hakbang upang mapadali at maging maka-estudyante ang kanilang mga panukala. Mistulang hindi sila gumagawa ng inisyatibong pakinggan ang hinaing ng mga mag-aaral bagkus hinihintay pa nilang sila ay mapuna bago ayusin ang kanilang sistema. Kung maipagpapatuloy ang ganitong klase ng sistema, hindi mapaninindigan ng unibersidad ang quality policy statement nito na “Excellent service to humanity is our commitment” at “Mahalaga ang inyong tinig upang higit na mapahusay ang kalidad ng aming paglilingkod” kung ipagpapasawalang bahala ng nasa kinauukulan ang hinaing ng mga nahihirapan.

‘‘

Dapat malinaw na ang ipinahahayag ng bawat isa ay ang krusyal na desisyong pinaninindigan pagdating sa pagpili ng sa tingin natin ay karapatdapat na mamuno sa bansa.

PATRONUM

Jerome Christhopher Mendoza mendoza.jerome@clsu2.edu.ph


OPINYON | 19

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

‘‘

Walang takot na sinusugpo ng ilang makapangyarihan ang karapatan sa malayang pamamahayag dahil walang probisyon na nagpapataw ng parusa para sa mga lumalabag.

UMALAGWA Ron Vincent Alcon

alcon.ron@clsu2.edu.ph

Walang Ngipin W

alang silbi ang talim ng mga salita kung ang panulat na gamit ay marupok at ang tinta nito ay kupas na. Nakaaalarma na mahigit 1000 kaso ng paglabag sa malayang pamamahayag pangkampus ang naitala ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) mula noong 2010 sa kabila ng pagkakaroon ng batas na pumoprotekta rito - ang Republic Act No. 7079 o mas kilala bilang Campus Journalism Act of 1991. Isa itong patunay na ang batas na ito ay hindi na naaayon para sa kasalukuyang estado ng mga pahayagang pangkampus sa bansa. Marami ang nagbago sa larangan ng pamamahayag, 31 taon mula nang maisabatas ang R.A. 7079. Kabilang dito ang pagkakaroon ng online website o page ng mga publikasyon at ang pagkakatatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na siyang banta sa malayang pamamahayag dahil sa tahasang red-tagging sa mga pahayagan at mga taong bumubuo nito. Bagama’t naglalayong protektahan ang kalayaan ng pamamahayag, nakikitaang hindi na ito sapat o angkop para sa mga pagsubok na kasalukuyang kinahaharap ng mga mamamahayag. Dahil na rin sa pagsasabatas ng Free Tuition Law sa mga mag-aaral sa Kolehiyo, naging malaking problema ang kawalan ng kalayaan ang mga publikasyon sa pamamahala ng pondo. Dahil dito, nakararanas ng pagtigil ng operasyon ang ilang pahayagang pangkampus dulot ng panggigipit ng administrasyon ng ilang paaralan at pamantasan sa pondong nakalaan sana sa mga ito. Bukod pa rito, nariyan din ang hindi sapilitang pagtatatag ng mga publikasyon pangkampus na siyang dahilan upang manatiling tikom ang bibig ng mga magaaral tungkol sa mga isyu sa loob o labas man ng kampus. Bagaman pinagpapakahulugan ng batas na ito na sa trabaho ng gurong tagapayo ay limitado lang dapat sa teknikal na aspeto, patuloy na nakakalusot ang admin ng mga paaralan sa pagsala at pagsensura sa nilalaman ng mga pahayagan. Dagdag pa rito, nakararanas din ng mga banta sa buhay ang mga mamamahayag kasama na rito ang pagsasampa ng kasong libelo sa mga mamamahayag dahil sa kritikal na paguulat tungkol sa mga isyung panlipunan at isyu sa loob ng pamantasan. Walang takot na sinusugpo ng ilang makapangyarihan ang karapatan sa malayang pamamahayag partikular na ang redtagging dahil walang probisyon na nagpapataw ng parusa para sa mga lumalabag. Kaya naman hindi kataka-takang patuloy na nakararanas ng karahasan ang mga mamamahayag. Kaya naman, nararapat lamang na pagtibayin ang batas na siyang magtatanggol sa karapatan at tutugon sa mga problemang nararanasan ng mga mamamahayag.

MEDIA PARTNERSHIP

Kaugnay nito ang paghahain ng House Bill No. 319 o Campus Press Freedom (CPF) bill sa pangunguna ni Rep. Sarah Elago ng Kabataan Partylist na naglalayong masolusyonan at maprotektahan ang mga karapatan ng malayang pamamahayag. Isang kagandahan rin ng panukalang batas na ito ang pagbibigay ng legal assistance para sa mamamahayag na humaharap sa mga kaso ng libelo at ang pagpapataw ng parusa sa paglabag ng batas na ito sa pamamagitan ng multa na hindi bababa sa 100,000 hanggang 200,000 piso o pagkakakulong na hindi bababa sa isang taon at hihigit sa limang taon. Kung maisasabatas, malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga mamamahayag na walang pinansyal na kakayahan upang kumuha ng personal na abogado. Maiibsan din ang bilang ng mga karahasan at pagbabantang nararanasan ng mga ito. Mahalaga ang pagpapatibay ng batas na ito upang masiguro ang kaligtasan at karapatan ng bawat mamamahayag pangkampus. Isa itong paraan upang mas mapaigi ang pagsisilbi ng mga mamamahayag sa paglalahad ng katotohan at pagbibigay ng kritikal na pagsusuri sa mga isyu habang pinapangalagaan din ng estado ang kaligtasan ng mga ito bilang mga tao at mamamayan ng bansa. Sa CLSU na lang, magandang halimbawa ng isang matagumpay na pagbabagong-anyo ang ginawang pagpapatibay ng kasalukuyang mga lider-estudyante na bumubuo sa University Supreme Student Council (USSC) sa kanilang pamamahala. Kabilang sa ebidensiya ng kanilang tagumpay ay ang pagkakatatag ng mga USSC Committees na siyang tumutugon sa iba’t ibang alalahanin at nangangasiwa sa kapakanan ng bawat estudyante. Ngunit mas magiging matibay lamang ito kung magkakaroon ng suporta mula sa administrayon ng pamantasan. Subalit sa ating pamahalaan, hindi ganoon kabilis ang pagsasabatas ng mga amendments. Isang dagok na kinahaharap ng H.B. 319 sa proseso ng pagpapatibay ng R.A. 7079 ay ang mabagal na usad ng pagsasabatas nito. Matatandaang naihain na rin ng Kabataan Partylist ang CPF bill noong mga taong 2011, 2013 at 2016, ngunit bigo ito dahil hindi nakaabot sa senado. Ang pagsasawalang bahalang ito ay patunay na tila napababayaan ng kasalukuyan at nagdaang mga administrasyon ang kapakanan ng mga mamamahayag pangkampus. Dalawa ang nakikitang maaaring dahilan ng mabagal na usad ng pagsasabatas nito. Una, may mga batas na mas mahalaga pa sa H.B. 319 na mas kailangang pagtuuanan ng pansin, o pangalawa, dahil marami ang masasagasaan kapag naipasa na ang batas na ito. Kung tunay na tagapaglaban ng malayang pamamahayag pangkampus ang mga mga lider, nararapat lamang na agarang solusyunan ang hinaing ng mga mamamahayag at bigyang ngipin ang batas.

[ ANNOUNCEMENT ]

ISANG ARAW

SA kule = WRITING = Barlis, Richmond Jasper G. Ciriaco, Lexter Dan F. Dela Cruz, Ngelbert D.C. Dizon, Melorie Faith Escobar, Brandon E. Mauricio, Rainvincel B. Oreña, John Winner M. Quilop, Nestor III, T. Rocero, Harry Boy P. Taguinod, Renz Jay L. Tasoy, Raymond D. Tulagan, Jeanos Lynn M. = VISUALS = Bernardino, Aira D.G. Flora, Chrystalyn B. Patricio, Raymarck F. Rocero, Jhosane P. Saludez, Reign Avegel R. = MULTIMEDIA = Alarcon, Arvin Jay P. Bravo, Edmon Vincent G. Echalico, John Llenard H. Edillo, Noel G. Gingco, Shechinah Grace U. Nava, Jezzer David D. Ramos, Norielyn F. Reyes, Jaymeelyn R. Salazar, Sharona Mae P. Sana, Shenah


20 | OPINYON

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Millen Angeline Garcia | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

NASYUNAL

Pagkakaisa hindi diskriminasyon

a

0

Emmanuel Namoro

H

igit na nakabubuting ibigkis ang isang matibay na pagkakaisa upang tuluyang mabigyang solusyon ang lumalalang problema sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Dumaluyong ang mga kritisismo matapos maging usap-usapan ang umanoy pagpapatupad ng ‘No Jab, No Job policy’ ng ilang negosyo sa bansa. Layunin ng mga sangkot ay ang pwersahang hikayatin ang mga Pilipinong manggagawa upang magpabakuna laban sa COVID-19. Kasabay nito ay kumalat rin ang ‘No work, No pay’ na patakaran sa ilang establisyemento, dahilan kung bakit marami sa mga ordinaryong mangagawa ang nawalan ng trabaho o hindi kaya ay napilitang magpabakuna kahit na labag sa kalooban. Nauna nang umalma ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) matapos makatanggap ng samu’t saring hinaing ukol sa ‘No jab, No job’ na polisiya para sa mga manggagawa. Ayon dito, kinakailangang ipakita ng mga trabahador ang kani-kanilang vaccination certificate bago payagan na makapasok sa trabaho bilang katibayan na sila ay bakunado. Agad namang nagpahayag ng pagkondena ang Department of Labor and Employment (DOLE) at nangakong magsasagawa ng imbestigasyon upang makapagsaayos ng kaukulang aksyon ang departamento. Marahil ay pagod na ang karamihan sa pauli-ulit na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit kaya’t tila minamadali ang paghahanap ng solusyon upang makabangon muli ang nalugmok na komersyo at ekonomiya ng bansa. Kasabay nito ang pasakit na ang karaniwang mamamayan lamang ang pumapasan. Ang pagpilit sa bawat manggagawa upang magpabakuna ay nangangailangan ng kaukulang pagpapaunawa. Hindi maikakaila na malaki pa rin ang bilang ng mga Pilipino na kulang ang nalalamang impormasyon patungkol sa kahalagahan ng bakuna, kung kaya’t nasa mahigit 50% pa rin ng populasyon ng bansa ang mayroong agam-agam sa pagpapabakuna. Mainam na mas palawigin pa ng pamahalaan partikular na ang Department of Health (DOH) ang kampaniya nito sa pagpapaunawa sa bawat indibidwal na tanging bakuna pa lamang ang nakikitang solusyon upang maiwasan ang paglaganap ng sakit. Ngunit habang hindi pa nakakamit ang herd immunity ay mas mabuting magsaayos ng mga pasilidad at health protocol upang hindi bumilis ang pagdami ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19. Gayundin, tungkulin ng bawat negosyo ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga emplayado nito, kaya sa halip na takutin ay nararapat na siguruhin na ligtas at malinis ang kanilang ginagalawan. Dagok rin para sa buong bansa ang pagbibigay ng higit na karapatan para sa mga bakunadong mamamayan kumpara sa hindi pa. Patunay nito ang pagbibigay ng benepisyo mula sa pamahalaan na tanging prayoridad ay ang mga nabakunahan lamang. Gayundin sa mga establisyemento na hindi nagpapasok hangga’t walang katibayan na ang isang indibidwal ay may bakuna. Tila naging ugat pa ito ng pagusbong ng panibagong panganib, pagkat pinalawak nito ang diskriminasyon. Dahilan ito kung bakit nagpupumiglas ang ilang mga mamamayan sa hindi makataong polisiya. Malaki ang epekto ng polisiyang no jab, no job ng ilang negosyo sa mga manggagawa na umaasa lamang sa kanilang trabaho upang may pangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Patuloy lamang na lalaki o tataas ang insidente ng kahirapan habang pinoproblema ang pandemya. Makabubuting lumikha ang mga mambabatas ng isang lehislatura na magbibigay ng solusyon sa problema at hindi pantapal lamang. Bigyang pansin ang mas ligtas na pagbubukas ng komersyo na hindi isinasantabi ang kapakanan ng ordinaryong manggagawa. Hikayatin ang bawat mamamayan na magpabakuna. Hindi kinakailangan gumamit ng dahas bagkus ay mahusay na pagpapaunawa na ligtas at epektibo ang bakuna laban sa sakit. Kailanman ay hindi susi ang dahas at diskrimansyon upang mapabuti ang katayuan ng bawat Pilipino sa panahong ito kung hindi ay ang makataong polisiya na hindi lamang pumapabor sa iilan. Ang pagkakaisa ay epektibong pamamaraan upang mabigyang solusyon ang problema sa kalusugan, pag-angat ng kabuhayan at pagresolba sa lumalalang kahirapan.

‘‘

Kailanman ay hindi susi ang dahas at diskrimansyon upang mapabuti ang katayuan ng bawat Pilipino sa panahong ito kung hindi ay ang makataong polisiya na hindi lamang pumapabor sa iilan.

PHOTO SOURCES: The Associated Press Ezra Acatan | Getty Images Krizjohn Rosales | Philstar 8list.PH Ted Aljibe | AFP | Getty Images COMELEC


OPINYON | 21

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

NASYUNAL

Pang[g]ulo ng Pilipinas Winchester Santos

S

‘‘

Sapat na ang anim na taong sirkong kasalukuyang tinitiis ng mamamayan. Huwag nating palitan ang mga payasong nakaupo ngayon ng panibago pang mga payaso.

a isang bansa kung saan mahalaga ang personalidad at katanyagan para manalo ng mga boto, unti-unting nagiging sirko ang Pilipinas nang magsimula ang paglitaw ng mga nuisance candidate, lalo na sa mahabang listahan ng mga nag-aasam ng pinakamataas posisyon sa

gobyerno. Sa kasagsagan ng campaign period, maaaring mangatwiran ang ilan na ito ay normal lamang ngunit ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga walang kakayahan na kandidato upang posibleng mamuno sa bansa kung saan ang kinabukasan ng mahigit isang daang milyong Pilipino ang nakataya ay hindi kailanman dapat gawing normal. Kaya naman, dapat itaas ang ating mga pamantayan sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa ating pamahalaan. Kamakailan lamang, nagsilbing hudyat ang unang araw ng paghahain at pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) noong ika-1 ng Oktubre sa pagsisimula ng panahon ng halalan sa Pilipinas. Nagbigay-daan ang isang linggong pagpaparehistro na ito upang masimulan ng libu-libong kandidato ang kanilang takbuhin para sa mahigit 18,000 posisyon sa gobyerno, mula sa pagiging konsehal ng bayan hanggang sa pangulo ng bansa. Ngunit sa kasamaang palad, naging paraan din ito upang magdulot ng malaking kalituhan sa mga botante dahil sa kaliwa’t kanang pagsulpot ng mga kandidatong mayroong kaduda-dudang reputasyon. Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson James Jimenez, may tatlong kategorya ng pagiging nuisance candidate. Kabilang dito ay ang mga kandidatong ginagawang biro ang sistema ng halalan, nagdudulot ng kalituhan dahil sa pagkakatulad ng kanilang pangalan sa mas kilalang kandidato, at walang malinaw at malinis na intension sa pagtakbo. Dahil dito, nawawalan ng saysay ang ating halalan dahil sa samu’t-saring mga payasong nagdudulot lamang ng sakit ng ulo sa halip na ihain ang kanilang sarili bilang pagpipiliang lider na magpapabago sa kasalukuyang sistema ng pamahalaan. Bukod sa nadaragdagan ang trabaho sa loob ng opisina ng COMELEC dahil sa karagdagang mga papel, nagiging paraan na lamang ang halalan upang makakuha ang mga kandidatong uhaw sa atensyon ng panandaliang kasikatan. Hindi na rin bago ang mga kandidatong tila mayroong problema sa pag-iisip gaya na lamang ng pinakamaugong na nuisance candidate na si Rolando Plaza na kilala bilang si Rastaman na nagpakilalang kalahating zombie ang pagkatao, at iba pa na nagpapakita ng walang kapasidad na mamuno. Katawa-tawa man ngunit hindi dapat masanay ang madla sa ganitong palabas sapagkat kailanman ay hindi dapat ituring na isang biro ang eleksyon sapagkat mahalaga ang gampanin nito sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. Ayon sa Saligang Batas Bilang 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, nararapat lamang na magpamalas ng mataas na uri ng propesyonalismo habang walang-sawang naglilingkod para sa kabutihang panlahat at hindi para sa sarili lamang. Marami man ang nuisance candidates na sumulpot, maaari itong maging batayan ng mga botante sa tamang pagpili ng ihahalal sapagkat walang kapasidad maglingkod ang isang kandidato para sa bayan kung sa pangangampanya pa lamang ay nagpapakita na ito ng hindi kanais-nais na pag-uugali at mentalidad. Bilang tugon, hindi na kailangang magdalawangisip ang pamahalaan sa pagtataas ng pamantayan para sa mga nais umupo sa gobyerno. Halimbawa, maaaring gawing kwalipikasyon ang edukasyon sa mga posisyon sa pamahalaan gaya ng pagkapangulo, bise-presidente at senador. Kung ang mga guro sa paaralan ay kinakailangang maglaan ng apat na taon sa kolehiyo para makapagturo ng humigit kumulang apatnapung mag-aaral, dapat gayundin ang mga nagnanais sa mga nabanggit na katungkulan sapagkat mas malaking responsibilidad ang kanilang gagampanan. Makadaragdag ito sa kredibilidad at kredensyal ng isang indibidwal sapagkat patunay ito ng pagtataglay ng kaalaman. Sa kabilang dako, maaari din na maging karagdagang kwalipikasyon ang karanasan o taon ng serbisyo publiko sa mga mas mababang posisyon sa gobyerno gaya ng pagkaalkalde, konsehal, at iba pa. Sapat na ang anim na taong sirkong kasalukuyang tinitiis ng mamamayan. Huwag nating palitan ang mga payasong nakaupo ngayon ng panibago pang mga payaso. Kung tutuusin, malayo pa ang Pilipinas sa inaasam nitong progreso at kinabukasan ngunit hindi pa huli ang lahat upang simulan ang mahabang lakarin na ito habang kapit-bisig na nagkakaisa ang parehong pamahalaan at mamamayan nito. Kung magpapatuloy pa rin ang pagturing sa halalan bilang isang sirkong pinuputakte ng mga komedyanteng kandidato, wala nang maaaring asahan ang mga Pilipino mula sa gobyerno at mga panggulo sa loob nito.


22 TOMO LXIII ISSUE II

B

LATHALAIN

akasyon na marahil ang isa sa pinakakaabang-abang na aktibidad bilang pahinga at takas mula sa mapanghamong responsibilidad ng mga mamamayan. May ilan na nahahanap ang pahinga sa pakikinig sa mga soundtrack ng buhay nila, malalambot na mga unan, at maiinit na kape na sinamahan pa ng pandesal at keso. Mayroon din naman na naging motibasyon na ang pagod sa buong linggo para maglaan ng panahon nang makapamasyal sa iba’t ibang lugar, at bumuo ng mga alaala kasama ang pamilya, kaibigan, katrabaho, at iba pang mga mahal sa buhay. Bagaman walang tiyak na mga patnubay, mapa, o sasakyang panlupa, panghimpapawid, at pantubig na angkop para sa lahat, malinaw pa rin ang nagkakaisang layunin na marating ang kani-kaniyang destinasyon. Hindi nalalayo ang kuwento ng pahayagang pangkampus sa paglalakbay gamit ang sasakyang pantubig, na nananatili pa ring naglalayag sa kabila ng pagkulimlim ng kalangitan at paghampas ng mga alon kasabay ng pagsagwan. Tulad ng mga bangka, mayroon din itong mga pasahero na

pinaglilingkuran – mga estudyante at bayan. Paglalathala ng mga napapanahong kaganapan at pagbibigay ng pahayag sa mga usapin ang ilan sa mga gampanin ng pahayagang pangkampus. Higit pa rito, layunin din nito na magsilbing tinig ng mga magaaral tungo sa pantay na karapatan sa loob at labas ng paaralan. Kaugnay nito, bago pa man makilala ang CLSU Collegian bilang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University, una nang naglayag at naglingkod sa mga estudyante ang Student Farmer at The Plowman. Ang pagkakabuo rin ng mga publikasyong ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng pahayagang pangkampus sa unibersidad. Unang Manlalayag: Student Farmer Ang Student Farmer ang pinakaunang publikasyon sa Central Luzon Agricultural School (CLAS) na unang nakapaglathala ng mga artikulo noong Enero taong 1918. Pinangalanan itong Student Farmer alinsunod sa mga estudyanteng lalaki ng CLAS na tinawag bilang student farmers. Ang layuning maingatan ang mga mahahalagang impormasyon at aktibidad ang naging batayan upang magkaroon ng opisyal na pahayagan para sa mga estudyante. Dahil din dito, naging magkatuwang ang mga mag-aaral at mga kawani ng pamantasan sa paglalabas ng mga artikulo. Naging Central Luzon Agricultural College (CLAC) ang CLAS sa bisa Ng Executive Order No. 393 na inilabas ni dating Pangulo Elpidio Quirino noong Desyembre 31, 1950. Makalipas ang mahigit isang dekada, naging Central Luzon State University (CLSU) naman ang CLAC noong Hunyo 18, 1964.

FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag JUNIOR FEATURE EDITOR Jose Emmanuel Mico

Pangalawang Manlalayag: The Plowman Maaliwalas ang 1930s para sa The Plowman na nabuo sa mga panahong ito, kabaliktaran para sa Student Farmer na pinahinto nang mabigyang daan ang pamamalaot ng pangalawang manlalayag, na kinikilala rin bilang “pre-war and post-war publication”. Nahinto rin ng halos apat na taon ang pagdaloy ng publikasyon dulot ng Japanese Occupation (Desyembre 1941-Pebrero 1945). Bagaman nagpatuloy ang paglalabas nito ng mga artikulo noong 1945, muling napahinto ang sirkulasyon at pinangalanang CLAC Collegian ang pahayagan ng mga mag-aaral. Sa muling pagbubukas ng pinto para sa The Plowman, naging pahayagan na ito ng mga mag-aaral ng College of Agriculture (CAg) mula 1990 hanggang sa kasalukuyan. Dagdag pa, halaw rin ang pangalan ng publikasyon sa agrikultural na aspekto. Pangatlong Manlalayag: CLSU Collegian Buhat sa CLAC Collegian, isinilang ang CLSU Collegian noong Setyembre 1964 sa ilalim ng pamumuno ni Eliseo Ruiz bilang punong patnugot. Mula naman ang pangalan nito sa Philippine Collegian, opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Tulad ng mga nauna nang nabanggit na pahayagan sa CLSU, hinagupit din ng mga alon ang pangatlong manlalayag dahilan upang pahintuin rin ng paglalabas ng mga artikulo ang CLSU Collegian. Sa kabila ng dalawang taon na pagkakahinto sa kasagsagan ng Martial Law, muli naman itong nakabalik sa paglilingkod at pumalaot sa tulong na rin ni Dr. Fulgencio Ruiz na nagsilbing tagapayo ng publikasyon sa loob ng limang taon (1975-1980). Ayon sa “From Student Farmer to CLSU Collegian: A History and Evolution of the CLSU Student Publication” ni Marvin R. Soriano (2010), nagkaroon na ng kalayaan ang CLSU Collegian na hindi magkaroon ng tagapayo matapos maisabatas ang Campus Journalism Act of 1991. Paglalakbay sa Nakaraan Ilan ding mga pananaliksik ang umalam sa naging mga transisyon at kalagayan ng pahayagan. Kabilang dito ang mga pag-aaral nina Soriano noong 2010, at Glaiza Carrera et al. (2015) na “Catalyst and Transparency; An Analysis of the Campus Paper Function as Watchdog”. Lumabas sa pag-aaral na isinagawa ni Soriano (2010) ang mga naging kontribusyon ng CLSU Collegian sa nagdaang mga taon. Una na rito ang pagsisilbi nitong instrumento upang mapangalagaan ang mga impormasyon at kaganapan sa unibersidad. Maituturing na mas magaan ang pagbabalik tanaw sa ilang mahahalagang


LATHALAIN | 23

©K ULE ARC HIV ES

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LVII | BLG. I Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

pangyayari lalu na at nailimbag ang mga ito sa pahayagan ng mga mag-aaral. Dagdag pa, napag-alaman din na bahagi ang naturang pahayagan sa paglago ng mga estudyante bilang mga mamamahayag at lider. Sa kabilang banda, natuklasan sa isinagawang pananaliksik ni Carrera et al. (2015) na karamihan sa naging bahagi ng naturang pananaliksik ang bumabatay sa konsepto ng multi-sourcing upang mangalap ng mga datos. Isang pamamaraan na ginagamitan ng paghahambing, pagsusuri, at pagtingin sa nauna nang mga dokumento ang multi-sourcing (Carrera et al., 2015). Dagdag pa rito, nakapaglalabas ng mga artikulo ang publikasyon ng dalawang beses kada semestre. Kabilang sa mga babasahin na inilalathala ng pahayagan ang Tabloid, Newsletter, Magazine, Literary folio, at Special issues gaya ng Intramurals at Election issues. Karaniwang inilalabas ang Intramural issues sa pagitan ng Setyembre at Oktubre batay na rin sa nakatakdang mga petsa ng pagdaraos ng mga aktibidad hinggil dito. Ipinamimigay na sa mga estudyante ang kopya ng pre-intrams isyu isang araw bago ang naturang pagdaraos. Nilalaman nito ang mga naging paghahanda at layunin ng bawat kupunan sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw na paligsahan sa pampalakasan. Gayundin, tutok ang publikasyon sa mga kaganapan sa halalan ng mga bagong lider-estudyante na isinasagawa sa pagsisimula o pagtatapos ng taong panuruan. Pamamalaot sa Kasalukuyan Sa kabila ng pamiminsala ng pandemya na naging isa sa mga dahilan upang isagawa na online ang marami sa mga aktibidad, patuloy pa rin sa paglilingkod ang publikayon. Nakapaglalabas din ito ng mga opisyal na pahayag hinggil sa napapanahong usapin at mga kaganapan sa loob at labas ng CLSU gamit ang social media. Patunay lamang na hindi malilimitahan sa apat na sulok ng unibersidad ang paglilingkod at gampanin ng pahayagang pangkampus. Sa kasalukuyan, binubuo ng 33 na miyembro

ang CLSU Collegian – 22 sa mga ito ang regular staff habang 11 naman ang probationary staff. Mayroon ding tagapayo sa teknikal na aspekto ang gumagabay sa mga nalalathalang artikulo bukod sa mga section editors na nakatalaga sa bawat kategorya. Patuloy rin na kinikilala ang mga naging kontribusyon ng mga nagdaang patnugutan mula sa paglalathala ng mga maka-estudyanteng artikulo hanggang sa pakikipaglaban sa pagtamasa ng sapat na budget para sa publikasyon at masang pinaglilingkuran nito. Sa pagbabahagi, binigyang linaw rin ni Sir Marvin Soriano na nasa 104 taon na ang campus journalism o pahayagang pangkampus mula ng mabuo ang Student Farmer. Samantala, nananatili namang naglilingkod ang The Plowman bilang pahayagan ng mga mag-aaral sa CAg, kasabay ng CLSU Collegian bilang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng CLSU. Maaaring hindi madali ang naging byahe ng pahayagang pangkampus sa paglalayag nito sa loob ng mahigit isang siglo. Ilang liko at hinto rin ang dinanas ng Student Farmer, The Plowman, at Kule kasama ang mga miyembro nito bago tuluyang makapamalaot sa gitna ng mapanghamong sitwasyon. Gayunpaman, nananatiling matatag at handang maglayag ang pahayagang pangkampus ng CLSU tungo sa responsable at malayang pamamahayag.

Sanggunian Soriano, M.R. (2010). From Student Farmer to CLSU Collegian: A History and Evolution of the CLSU Student Publication. Central Luzon State University 1st Plowman - CLSU Collegian Alumni Home Coming, April 2011 Carrera, G. et al. (2015). Catalyst and Transparency; An Analysis of the Campus Paper Function as Watchdog

Byaheng Kule: Mahigit isang Siglo ng Paglalayag Lenilyn Murayag


24 | LATHALAIN

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag | PAGE DESIGN France Joseph Pascual & Steven John Collado

ANG VIRAL BSABE BUDDIES TO BOARD EXAM PASSERS

H

indi sukat akalain ng apat na magkakaibigang nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Agriculture and Biosystems Engineer (BSABE) na darating sa punto ng kanilang buhay ang mga tagpong magbibigay sa ating lahat ng halo-halong emosyon. Habang naghahanda sila para sa hapunan, tatlo sa kanila ang nakaupo sa hapagkainan habang hinihintay ang isa nilang kaibigan na ayaw lumabas sa kaniyang kwarto. Tatawaging muli sana siya ng isa sa kaniyang mga kaibigan ngunit narinig nilang binuksan na nito ang kaniyang pintuan. Madali siyang pumunta sa kanila, hawak ang cellphone na naka-on ang video, at sabay banggit sa kanilang tatlo na “Pasado tayong lahat.” Nag-viral sa Tiktok ang pinost na video na ito ni Charlotte Joy Catigday, BSABE graduate kung saan umabot ito ng 7.3M views, 1.1M likes, 17.9K comments at 6,138 shares matapos malaman na silang apat na magkakaibigan ay nakapasa sa Agricultural Biosystems Engineer Licensure Examination nitong Setyembre 29-30 2021 na ginanap sa Baguio City Professional Regulation Commission (PRC) Testing Center. Umani ng samu’t saring reaksyon at komento ang kanilang viral video na kinaantigan ng mga influencers sa tiktok, artista, at iba pa na talaga nga namang maituturing na #FriendshipGoals. Ngunit paano nga ba nila nilakbay ang daan patungo sa matamis na tagumpay? #Struggle Is Real Masasabi ng apat na magkakaibigang sina Abdullah Meriales, Shiela Balanon, Aprilene Angeles at Charlotte Catigday na ang pagtatagpo nila sa Central Luzon State University ay isang malaking biyaya. Sa mga oras na mayroong nangangailangan ay nagiging sandalan nila ang isa’t isa para malutas ang mga sularinaning kinakaharap nila noong nag-aaral pa lamang sila ang magkakasama. Nakasanayan na rin nilang sila magkakasama kaya sabay-sabay rin silang nagplano para kumuha ng Board examination. “Sobrang laki ng pasasalamat ko na nabuo po ang samahan naming ito lalong-lalo na po kay Abdullah na kapag mayroon po kaming hindi maintidahn ay siya po ang nagtuturo sa amin kung ano ang dapat gawin,” ani Charlotte habang ibinabahagi ang kanilang naging study habit noong nagrerebyu sila para sa Boards. Napag-usapan ng kanilang grupo na ang testing center na kanilang pagkukuhanan ng examination ay sa Baguio City, ngunit hindi naging madali ang mga sumunod na nangyari sa kanila. “One of the requirements po kasi ng PRC is either valid RT-PCR test or 14-day quarantine certificate. Kaya nagdecide po kaming magkakaibigan na magquarantine na lang sa Bagiuo kung saan po kami magtatake ng Boards and at the same time para magkakagroup study na rin po kaming lahat doon,” kwento ni Charlotte habang isinasalaysay ang kanilang pinagdaanan bago ang mismomg examination. Aminado rin ang apat na pare-pareho silang hindi handa para sa araw ng naturang eksaminasyon dahil

Jerome Christhopher Mendoza

hindi pa rin daw nila natatapos aralin ang mga reviewers nila at kinulang pa sila sa tulog nang mga oras na iyon. Subalit, ani Charlotte, pinanghawakan na lamang nila ang sarili nilang mga kakayahan at nagtiwala sa isa’t isa na malalapasan nila ang malaking pagsubok na ito. #Uuwing mga Engineers Oktubre 4 kung saan naka-schedule ang araw ng release ng resulta ng examination. Magkahalong kaba at pag-aalinlangan ang naramdaman nila sa buong maghapon na iyon. “Wala po talagang nag-eexpect sa amin na papasa kami kasi sobrang hirap po [ng examination]. Feeling namin hindi kami nag-aral ng limang taon at hindi nagrebyu ng ilang months kasi halos wala po sa pingaralan namin ‘yung mga lumabas [sa examination],’ saad ni Charlotte. Sa pagbabahagi ni Charlotte, masaya niyang isinalaysay ang pinakamagandang balitang narinig niya noong araw na iyon na silang lahat ay nakapasa. Gulat, tuwa at mga luha ang bumuhos na emosyon sa kanilang tatlo habang paulit-ulit na sinasabi ng kanyang kaibigang si Abdullah na silang lahat ay nakapasa. “Nagulat kami at hindi makapaniwala pero kita po

kasi sa reaksyon at mata ng kasama namin (Abdullah) ‘yung sinseridad kaya alam naming nagsasabi siya ng totoo,” dagdag pa ni Charlotte. Sa mga oras na iyon nalaman din nilang ang kanilang kaibigan na si Abdullah ay nakasama sa Top 10 passers ng nasabing examination at nasungkit pa nito ang Top 3. Nanghihinayang naman si Charlotte na hindi niya nakuhanan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan dahil maging ito ay sobrang tuwang-tuwa sa nangyari sa kanilang apat. Sa lahat ng 1,392 na kumuha ng Board Examination for Agriculture and Biosystems Engineering, 507 ang pinalad na makapasa at malaking karangalan para sa kanila na kasama ang pangalan nilang apat sa mga pumasa, at may bonus pang topnotcher. “Sabi ko nga po doon sa video na “Uuwing Engineers” dahil umalis po kami sa aming mga bahay to get that title and we succeeded and umuwi po kami kinabukasan as Engineers,” masayang pagbabahagi ni Charlotte. #Prayer Reveal “We didn’t expect po na mag-viviral ang video [sa TikTok] kasi sabi ko po ipopost ko lang po as memories namin. Kaunti lang naman po kasi followers ko no’n kaya pumayag po sila na i-post. Pero ‘yun nga po, nag-viral at nakatutuwa po dahil marami pong nainspire. May mga nagmemessage din po about doon na nainspire po sila,” ani Charlotte. Naging malaking bagay at patuloy pa ring babaunin ng mga magkakaibigan ang naging samahan nila hindi lamang bilang mga study buddies kung hindi maging lifetime besties dahil sa naging sandigan nila ang isa’t isa para maabot nila ang tinatamasa nilang tagumpay. “First pray and pray and pray. Do your best and let God do the rest. Second, believe in yourself. Believe that you can and of course lakipan ng gawa. Third, find yout group of friends. Kapag kasi nasa tamang grupo ka, wala ‘yung distractions during review, nando’n ‘yung support for each other. Fourth, set your goals and always think of the sacrifices of your parents and ‘yung pagaaral mo ng ilang years. And lastly, if you fail, try and try until you succeed. Always remember that God has plans for you, better than your plans,” mensahe ni Charlotte sa lahat ng mga mag-aaral na nagangarap at patuloy na sumasabak sa hamon ng buhay. Sina Charlotte, Abdullah, Shiela at Aprilyn ay kasalukuyan ngayong kumukuha ng Masteral Degree at lahat sila ay mga Engineering Research and Development for Technology (ERDT) scholars na sakop ng Department of Science and Technology (DOST). Tunay ngang lahat ng pagsisikap ay mayroong kalakip na saya at ginhawa, at mas lalong nakaaantig ng puso na makita ang mga magkakaibigang sinusungkit ang kani-kanilang mga bituin at sabay-sabay na nagniningning. Gaya ng #FriendshipGoals na kwento ng ating apat na BSABE alumni na mga Board passers na, maging inspirasyon sana sa lahat na anumang hirap ng iyong dinaraanam, tiyak na makararating ka rin sa iyong patutunguhan.


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LVII | BLG. I Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

S

a edad na siyam, malinaw na ang naghihintay na tadhana kay Kennedy. Nito lamang Mayo, bukod sa kinatawan ng Pilipinas sa 69th Miss Universe pageant, naging agaw pansin din ang isang estudyante na tubong San Mateo, Isabela. Higit pang nakilala si Kennedy Jhon T. Gasper nang ipamalas ang husay at talento ng Pilipino pagdating sa paggawa ng kasuotan, matapos niyang likhain ang national costume ni Miss Cameroon, Africa. Samantala, kasalukuyan nang nasa ika-apat na taon sa kursong Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology (BSFTT) Major in Fashion Designing sa Central Luzon State University (CLSU) si Kennedy. Realisasyon Nagsimulang umusbong ang hilig ng 21 gulang na fashion designer sa fashion designing dahil sa impluwensya ng kanyang ina na napapanood niyang manahi sa kanilang bahay. Kwento niya, hindi siya nagdalawang-isip na lumahok sa stitch competition noong siya ay nasa ika-apat na baitang. Nakamit naman ni Kennedy ang tagumpay nang manalo sa nasabing kompetisyon, gayundin, doon niya unang natuklasan ang kanyang kakayahan at ang saya na dulot ng pananahi at pagdidisenyo. Bago dumating sa kanya ang realisasyon na pagiging fashion designer ang nais na makamit sa pagtanda, minsan ding pinangarap ni Kennedy ang maging doktor upang mabigyang lunas ang sakit ng kanyang lola noon. Maliban sa nabanggit, ninais din niya na maging guro. Pagsubok Naging makinang man ang taon na ito para sa kanya, hindi nito mahihigitan ang mga taon at karanasang kanyang tinahak bago makamit ang mga nabanggit na tagumpay. Ulila na sa ama si Kennedy kaya naman tanging ang kanyang ina at nakatatandang kapatid na babae ang nagsilbing pamilya, sandalan, at gabay niya sa kanyang paglaki. Ang mga taong ito rin ang nagsisilbing inspirasyon niya sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. Bukod sa kanila, malaking bahagi rin ng buhay niya ang kanyang tiyahin na nagsilbing katuwang sa buhay ng kanilang pamilya. Ani Kennedy, bata pa lamang silang magkapatid, lubos na ang pagtulong ng tiyahin nila sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang pag-aaral. Dahil malapit

sa kanyang puso ang tiyahin, naging masakit sa kanya ang pagpanaw nito noong Disyembre nang nakaraang taon. Isa ang pagkawala ng kanyang tiyahin sa maraming pagkakataong nagtulak sa kanya upang ikonsidera ang pagtigil sa pag-aaral at pagdidisenyo ng mga kasuotan. Sa mga panahong ito rin siya pinakasinubok at nahirapang makakita ng dahilan upang muling magsimula. Katulad naman ng hindi maiiwasang ilang beses na pagtusok ng karayom sa balat habang nananahi, may mga pagkakataon din na nagkakaroon ng suliraning pinansyal si Kennedy na nakaaapekto sa kanyang pag-aaral. Gayunpaman, hindi na siya padadaig lalo na at nakatatak sa kanyang isipan na kailangang ipagpatuloy ang pagtupad sa pangarap niya na pangarap din ng kaniyang pamilya. Pagtupad Isa sa mga hakbang na ginawa ni Kennedy sa pagtupad ng kanyang pangarap ang pagpasok sa unibersidad na naghahandog ng kursong may direktang kinalaman sa fashion design, at ito nga ang kursong BSFTT sa CLSU. Malayo man sa probinsya na kanyang kinalakihan, pinili niya na sa CLSU matuto ng mga kaalaman at kasanayan sa larangan ng pagdidisenyo ng kasuotan. Dagdag pa rito, naniniwala siyang maganda at mataas ang kalidad ng edukasyon sa naturang unibersidad na mas makatutulong sa kanya upang mapahusay ang sarili. Sa kanyang naging pamamalagi sa CLSU, naging tahanan niya ang Dungon na isa sa mga dormitoryo para sa mga lalaki sa loob ng kampus. Dito siya natuto na tumayo sa sariling mga paa, kumilos para sa sarili, maging responsable, at magkaroon ng disiplina. Bukod sa pag-aaral at pagdidisenyo, kasali rin sa CLSU Dance Troupe si Kennedy. Ibinahagi rin niya na maraming aral at karanasan katulad ng pagiging masunurin, disiplinado, at ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili ang naging kaakibat ng pagsali sa grupo. Aniya, nagsisilbing stress reliever at ehersisyo ang pagsasayaw para sa kanya, at masaya

LATHALAIN | 25 siya na sa pamamagitan nito ay nagkaroon siya ng mga kaibigan na itinuturing na pamilya ang bawat isa. Pagpapatuloy Pag-aaral sa araw at pagdidisenyo sa gabi hanggang madaling araw ang naging takbo ng buhay estudyante ng batang designer. Ayon sa kanya, ito ang naging paraan upang matustusan niya ang kanyang pangangailangan sa pag-aaral at pangangailangan ng pamilya. Sa paglikha ni Kennedy ng gowns, dresses, at costumes ay naiibsan ang kanilang suliraning pinansyal. Dahil dito, ipinagmamalaki niya ang pagiging working student. Sa kabilang banda, isang regalo hindi lamang para sa kanyang ina na noon ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan, kung hindi sa buong pamilya nila ang mensaheng natanggap ni Kennedy sa kanyang Instagram account. Nagmula ang naturang mensahe kay Angèle Kossinda (Miss Cameroon) noong gabi ng April 19 habang sila ay kumakain. Sa pag-uusap na ito nabuo ang national costume na ginamit ng kalahok sa Miss Universe, na siya namang naging paraan upang makilala ang talento ni Kennedy sa bansa at internasyonal na entablado. Ayon kay Kennedy, umaasa siyang ito na ang simula ng patuloy na pagkakaroon niya ng international clients, at maging daan upang makamit ang pangunahing layunin na makatapos ng kolehiyo at makapagpatayo ng sariling fashion atelier, isang workshop o studio kung saan nililikha ng designer ang mga kasuotan. Kagaya ng kanyang idolo na si Michael Cinco na lubos na kinabibiliban ang mga disenyo at nirerespeto dahil sa nakapagbibigay-inspirasyon na kwento ng buhay, alam din ni Kennedy na may nakatadhanang tamang panahon para sa pagningning ng isang tao. Sa tulong ng pagsisikap, pagiging passionate sa lahat ng ginagawa, at tiwala sa sarili at sa Diyos, ay walang hindi makakamit ang sinuman. “Believe in yourselves and surround yourself with the people who believe in you. Timing is everything. ‘Wag mapapagod mangarap, laban lang, soon everything will be paid off,” ani Kennedy. Bago matapos ang taon, muling nagkamit ng tagumpay si Kennedy sa larangan ng fashion designing matapos masungkit ni Miss Nigeria ang Best in National Costume sa 70th Miss Universe pageant suot ang costume na nilikha ng estudyanteng designer. © Kennedy Gasper

Hinabi ng Tadhana Christine Nicolas at Joshua Mendoza


26 | LATHALAIN

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

APAT NA DISTRITO NG NUEVA ECIJA: Halina at Pasyalan Francis Del Rosario

N

ananatiling ang mga sulok ng tahanan ang mga saksi sa buhay ng karamihan sanhi ng patuloy na epekto ng pandemya mula 2020 hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, sa halip na manahan sa pagkakalugmok, halina at aliwin ang sarili dala ng mga makakalikasang pasyalan na makapagbibigay ng makabagong ginhawa at perspektibo.

BULUBUNDUKIN NG UNANG DISTRITO Simulan nating humayo sa mga burol ng Colosboa sa Cuyapo. Ilabas na ang mga nabakanteng Outpit of the Day (OOTD) at mga gamit sa piknik para sa nag-aabang nitong tanawin. Sa pagdating, damhin ang sariwang hangin na matagal nang pinagkait sa bawat isa. Maging isa sa mga ibon at tupa na malayang binabaybay ang malinis na pastulan. Mula sa terminal ng barangay ng Baloc, Sto. Domingo, tinatayang humigit-kumulang dalawa at kalahating oras ang biyahe tungo sa Colosboa Hills. “Bilang isang residente ng Cuyapo, Nueva Ecija, makailang ulit ko nang nasaksihan ang natatanging ganda ng Colosboa Hills. Ngunit sa aking bawat pagbisita, hindi pa rin nababawasan ang aking pagkamangha sa makapigil-hiningang tanawin na ipinamamaral ng kalikasan. Mula sa luntiang damuhan, malamig at sariwang simoy ng hangin, marilag na kabundukan, hanggang sa asul na kalangitan, ang bawat parte nito ay maghahatid sa atin ng kapayapaan ng puso at isipan. Where home is a place where u can find peace and comfort,” paglalarawan ni Hazel Castillo, residente ng Cuyapo.

KABIHASNAN NG IKA-APAT NA DISTRITO Mula sa sikat na sikat na Vigan City sa Ilocos Region, idinala sa Gapan City ang klasikong disenyo at estruktura ng makalumang sibilisasyon ng Pilipinas. Nakahulma ang mga tahanan ayon sa makasaysayang balangkas nito, gayundin ang lansangang nakaayos gamit ang makabagong kagamitan sa tema nitong makaluma. Sa dating pangalan

na Lumang Gapan, mas kilala ngayong Little Vigan ang lugar dahil sa tema ng atraksyon. Sa mga turista, madali lamang matunton ang lugar dahil kabila lamang ito ng Virgen La Divina Pastora Church. Tampok ang Little Vigan sa ganda ng paligid kaya naman hindi mawawala ang kanya-kanyang kumukuha ng litrato. Higit dito, hindi lamang mata at puso ng mga turista ang mapupuno, dahil hindi mawawala ang mga bilihan na bubusog ng mga tiyan. “Ang ganda ron (Little Vigan), kitang-kita mong talaga na pinag handaan at pinagkagastusan kasi para talaga siyang Vigan. Ang saya

din mag picture dahil ang ganda ng mga ilaw at mga design,” paglalarawan ni Nicah Baldedara, turista. Tampok din sa Little Vigan ang simbahan ng Gapan City. Dagdag pa itong atraksyon para sa mga deboto ng simbahang katolika. “Complete package na dahil may simbahan na bubusugin ‘yong spiritual self mo, at may lilibutan ka na bubusugin ‘yong mga mata mo sa ganda ng mga makikita mo. Mayroon ding mga kainan na bubusugin naman ung tiyan mo,” dugtong ni Baldedara.


LATHALAIN | 27

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LVII | BLG. I Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

LIWANAG SA IKALAWANG DISTRITO Atin namang libutin ang ilaw sa hilaga. Hayaang sindihan ang nanabik na puso sa pailaw; mula sa kahabaan ng munisipyo ng San Jose City, hanggang sa nagliliwanag nitong parametro. Saksi ang Novo Ecijano hindi lamang sa ganda at liwanag ng lugar, subalit lalo sa masining na hanay ng mga Christmas lights. Bilang Christmas Capital ng Nueva Ecija, walang palya ang siyudad sa pagpapahanga ng sariling mamamayan at mga turista.

Dagdag pa, ikinabit ang mga ilaw sa munisipyo ng San Jose City sa Barangay Rafaela Rueda na siyang puso ng lungsod. “Noong unang punta ko ron nagandahan ko siya nang sobra. Napaka calming noong colors, sarap sa mata, nakatatanggal stress kaya inulitulit kong pumunta,” ayon kay Rheivy Rivera, residente ng San Jose City. Sa pagbaba ng ekonomiya ng bansa, naging instrumento rin ang pailaw ng San Jose City sa pag-ahon ng mga maliliit na negosyo. Kabiyak ang mga bendedor sa programa ng siyudad sa adyendang muling makapagsimula

at lumago. Gayundin, binigyang diin ni Rivera ang sarap ng mga pagkain na nakapupukaw sa mata at tiyan ng mga bisita kaya tunay na binabalikbalikan. Sa kabila ng pandemya, ligaya ang hatid ng pailaw. Bagamat madilim na bahagi ng kasaysayan kung ituturing ang mga araw na ito, ipinararamdam ng bawat sinag ng bumbilya na palaging may pasko, at ilaw para sa mas maliwanag na bukas.

MAGTAMPISAW SA IKATLONG DISTRITO Tumalon naman tayo sa Banay Banay Waterfalls sa Barangay Bantug, Gabaldon. Atin munang sisirin ang lalim ng malinis na tubig upang mapahinga ang sarili sa nakalulunod na gawain sa bahay. Siguradong malilimutan ang pagkabagot mula sa sumisigaw na anyo ng talon hanggang sa banayad na agos ng tubig sa ilog. Upang makarating sa barangay Bantug, tinatayang 20 hanggang 40 minuto mula sa munisipyo ng Gabaldon ang lalakbayin gamit ang pampublikong saksakyan. Mula rito, magsisimula na 30 minutong hiking paakyat ng bundok. Bagaman ligtas ang lugar sa banta ng pandemya, pag-iingat pa rin ang pakiusap ng bayan ng Gabaldon gaya ng pagsasanay ng social distancing at pagdadala ng sanitation kit tulad ng disinfectant alcohol. Sigurado ang pagiging isa sa kalikasan kalakip ang abentura ng hiking. Gayundin, malilimutan ang banta ng pandemya bilang malayo sa sibilisasyon ang lugar. “Upon arrival, we got surprised to see na

*** Bagaman nakatali pa rin tayo sa mga restriksyon ng pandemya, marapat pa ring isipin na malaya tayong pumasyal sa iba’t ibang atraksyon kaakibat ang pag-iingat. Maliban sa mga nabanggit, mahalaga na mabalanse rin ang oras sa bahay at paglaya. Halina at puntahan ang mga makakalikasang pasyalan sa mga susunod na araw.

it’s like a gated community. Nagbayad lang kami ng entrance fee na around 50 pesos and fill-out ng contact tracing, pero keep in mind na you have to book or reserve before hand kasi they don’t accept walk-ins. ‘Yong entrance fee kasama na ‘yong cottage which really made us happy since malaki tipid namin compare sa resorts. When it comes to the falls, malinis naman, super lamig ng tubig. To sum it all up, maayos, and the place met our expectations. We enjoyed the falls, ambiance, price and the hike as well,” pahayag ni Anne Jilliane Delos Trinos, turista.

PHOTO SOURCES: TripZilla Philippines Richard Tinio | Manila Bulletin TRANSIT PINAS Juan Goals | WordPress Explore NUEVA ECIJA | Facebook Biyaheng Nueva Ecija | Facebook


28 | LATHALAIN

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag | PAGE DESIGN Laurence Ramos

Ni Ildefonso Goring

LIDERESTUDYANTE APAT NA HAKBANG SA PAGIGING ISANG EPEKTIBONG

Ildefonso Goring

S

umilong tayo sa bubong ng paaralan bilang mga mag-aaral bitbit ang pag-asa sa maayos na kinabukasan, ngunit bahagi na tayo ng isang lipunan bago pa man natin pasukin ang mga bakod ng eskwelahan. Ang pagsasaling pwersa ng komunidad at paaralan, sa ilalim ng progresibong termino, ay makahuhulma ng isang gampaning nakatungo sa pagpapanatili ng sistematikong pundasyon ng minorya sa loob ng pamantasan—ang pagiging isang lider-estudyante.

Palaguin ang sarili


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LVII | BLG. I Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

Sa primarya, ang mga lider-estudyante ay inaatasan ng responsibilidad upang maglingkod sa kanilang nasasakupan—ang kapwa nila mga estudyante. Subalit sapat na ba ang kagustuhang maglingkod? Paano nga ba maging isang epektibong lider-estudyante? Ang mga gabay upang maungusan ang anino ng mga katagang “pag-asa ng bayan”, ang siyang isisiwalat ng tatlong lider-estudyante sa katauhan ni Elijah Israel, Mia Simon, at Sherren Punzalan mula sa Central Luzon State University. PALAGUIN ANG SARILI Malaki ang gampanin ng isang lider-estudyante, ayon sa 22-taong gulang na kasulukuyang Public Information Officer (PIO) ng University Supreme Student Council (USSC) na si Mia, sa paghubog ng demokratikong konseho sa loob ng pamantasang pinaglilingkuran. Kaakibat ng posisyon at pribilehiyo, aniya, ang pagkilala sa tungkulin upang baguhin ang mala-pyudal at mala-kolonyal na sistemang namamayani sa paaralang kinikilusan. Isang punla kung maihahambing ni Mia ang isang lider-estudyante dahil mawala man sa posisyon ang mga ito ay may mga bagong salinlahi na uusbong upang magpatuloy at magpalago ng mga naiwang araw. Mula rito, isang pangangailangan ang pagkilala sa sariling lakas bilang salinlahi at kung ano ang siyang pinapahalagahan ay magpapahinulot sa iyo kung saan isasangkot ang lugar sa pagsisilbi. Samantala, mahalaga namang maunawaan ng makabagong mga lider-estudyante, ayon sa kasulukuyang Public Information Officer (PIO) ng Social Science Student Council na si Elijah, na hindi dapat nakukulong lamang sa loob ng mga eskuwelahan at pamantasan ang kanilang tungkulin sa pagsisilbi. Para naman kay Sherren na kasalukuyang kalihim ng USSC, “hindi nahihiwalay ang mga pamantasan sa kabuuan ng komunidad.” Dagdag pa niya, kasabay ng pagpapakilala sa birtud ng komprehensibong pag-aaral gamit ang armado at matalas na suri sa lipunan upang isulong ang interes at protektahan ang batayang karapatan ng sangkaestudyantehan. PAGPAPALALIM SA HANGARIN Ayon sa artikulo ng Anakbayan Los Banos (2011) na pinamagatang ‘Student Power,’ ang panlipunang batayan ng mga estudyante ay mula sa hanay ng mga peti-burgesya, o ang hanay sa pagitan ng ‘middle’ at ‘lower class,’ ngunit ang maliit na bahagi nito ay nagmula sa masang pinagsamantalahan. Mula rito, mauugat ang laganap at sidhi ng hangarin ng tatlo sa pagsisilbi. Para kay Elijah, bilang isang estudyante ng Social Science, isinentro niya ang ugat ng paglilingkod bilang lider-estudyante sa kanyang mga kapwa mag-aaral, na hindi hiwalay sa konteksto ng masang panlipunan.

Inilahad naman ni Mia, bilang isang mag-aaral ng psychology, sa metaporikal na paraan ang tatlongyugto ng pag-ibig mula kay Roane Lozada, dating presidente ng Central Philippine University (CPU), sa kaniyang ideya ng pagsisilbi: una, iibig sa konsepto ng paglilingkod: pangalawa, mawawala ang apoy ng pagnanais sa paglilingkod: ikatlo at panghuli, ang pangangailan ng desisyon sa pagpapatuloy ng nasimulan o itigil na lamang ang lahat. Habang tila sabay na tinatanganan ni Sherren ang kursong biology at kursong lipunan kung saan siya ay aktibong miyembro ng League of Filipino Student at Anakbayan-Tarlac, nananahan ang pag-aalay ng oras, talino, at lakas na makapag-ambag sa pagsusulong at pagkamit ng pagbabago. PAGSENTRONANG HIGIT SA NASASAKUPAN Bilang mga kasapi ng Anakbayan, isang progresibong organisyon, hindi matatanggal ang anino ng takot kila Elijah at Sherren, gayundin sa mga katulad nilang pinagtaling aktibista at lider-estudyante, ngunit nadadaig nito anila ang mariing pagtungo at pagtindig kasama ang iba’t ibang sektor—mga magsasaka, manggagawa, maralita, at iba pang mga estudyante at propesyunal. Nakaguhit sa kanilang mga karleton ang hinaing mula sa nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, lupa para sa mga magsasaka, pabahay sa mga maralita, abot-kamay at dekalidad na edukasyon. May kahirapan, batay sa dalawa, ang pagdalo sa mga kilos-protesta, patungan pa ng humahaba at

LATHALAIN | 29 pahirap na pandemya. Ngunit hindi ito nakahadlang sa kanilang pakikilahok bitbit ang lumalagablab na tanong na, “para kanino?” “Sa totoo lang, mas nakakatakot kasi yung physical gatherings. Lalo na kung usaping rally/mob yan. Syempre, ang kaharap namin ay mga pulis at sundalo— dala namin mga placards, flags, papel atbp. Tapos yung dala nitong mga pulis ay mga baril. Kung ipagkukumpara naman, mas nararamdaman ko yung esensya ng mob/rally kapag physical siya or kahit anong uri ng pagkilos pa yan, kasi nandoon ako mismo sa lugar mas ramdam kong involve ako,” pagbabahagi ni Elijah mula sa karanasan nito sa pagdagundong sa lansangan, dala-dala ang takot sa likod ng mga karletong sumisigaw ng mga panawagan ng #LigtasNaBalikEskuwela, #10kStudentAid, #ActivismNotTerorism. “Ang kagustuhang sa pakikikalampag ay makikita rin sa espasyo ng social media, ngunit ang kalakhan ng masa ay siguradong wala sa rito,” pangangatwiran ni Sherren na bagkus ay nasa komunidad, mga pabrika, mga sakahan, mga opisina, at madalas ay nasa lansangan na salat sa oras at rekurso upang maabot ng ganitong porma ng pagkilos. Kung magiging teknikal, aniya, may masa naman sa social media, dahilan ng umiiral din na mga online mobilizations. Gayunpaman, malaki ang tendency ng pormang ito na maging ‘echo chamber,’ ayon din sa pag aaral ni Cota (2019) na pinamagatang, ‘Quantifying echo chamber effects in information spreading over political communication networks,’ dahil kalakhan naman ng social media users ay nakukulong din sa kanilang ‘privilege bubble. PAGIGING MODELO Ang pagiging lider-estudyante ay simbolo ng paninindigan. Ngunit kasabay ng posisyon ay ang nakaakbay na takot bilang isang publikong tao ayon kay Mia. Mahalaga, aniya, na ang impluwensya ng isang lider-estudyante sa pamantasan ay bunga ng pagtitiwala ng tao partikular sa pinagsisilbihan. Naniniwala rin si Elijah na bukod sa takot sa kawalan ng pagkapribado, ay ang takot na kinokondisyon ng estado na walang ibang hangarin kundi panatilihin ang pagsasamantala sa mga pinagsasamantalahan, ay hindi dapat maging hadlang sa paglilingkod. Ang patuloy na pagmumulat, pagoorganisa, at pagpapakilos base sa sosyalistang edukasyon at pagbibigay buhay sa teoryang naaral, ayon kay Sherren, ang pinakamabisang paraan sa pagiging boses ng mga taong hindi kayang bigyang tinig ang kanilang mga sarili. Ang mga kabataan ay hindi lang pag-asa ng kinabukasan ng bayan, ngunit pag-asa rin ng kasulukuyan, at ang paghahangad ng maayos na kinabukasan buhat ng pagpasok sa paaralan ay nakakawit sa pagganap ng gampanin sa komunidad na ginagalawan. Ngayong nabigyang linaw na ang mga hakbang, handa ka nang mamulat at magpamulat; sumulong at magpasulong tungo sa pagsasabuhay ng mga kataga ni Rizal.


30 | LATHALAIN

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph FEATURE EDITOR Lenilyn Murayag | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

Pangangapa sa Panibagong Sistema Ferdinne Cucio at Jose Emmanuel Mico

I

pinatupad sa buong bansa ang K-12 Kurikulum noong taong pampaaralan 20162017. Kung babalikan ang mga taon bago ito inilunsad, tanging ang Pilipinas na lamang sa buong Asya ang may sampung taon ng basic education. Sa pagpasok ng taong 2022, magsisipagtapos na ang unang batch ng mga estudyante na nakaranas ng karagdagang dalawang taon sa hayskul bago tumuntong sa kolehiyo. Muli nating balikan ang ilang mahahalagang bagay patungkol sa K-12 Kurikulum at ang pananaw ng ilan sa mga estudyanteng magtatapos ukol dito. Kabilang ang K-12 Kurikulum sa mga nakitang solusyon ng gobyerno upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa bilang tugon sa mababang achievement rate scores ng mga estudyante sa elementarya at sekondarya sa ginanap na National Achievement Test mula taong pampaaralan 2005 hanggang 2010. Bukod pa rito, ninais din ng gobyerno na mapantayan ang lebel ng edukasyon sa mga karatig-bansa at mabigyang daan ang mga estudyante na magtatapos ng kolehiyo rito sa Pilipinas upang makapagtrabaho sa labas ng kapuluan. Batay sa tala ng Department of Education (DepEd), hihigit sa isang milyon ang kabuuang bilang ng unang batch ng mga estudyante na sumailalim sa K-12 kurikulum noong 2016. Subalit ano nga ba talaga ang naging dulot ng programang ito para sa kanilang mga nakaranas nito ngayong nalalapit na ang kanilang pagtatapos sa kolehiyo? Ibinahagi nina Bien Joshua Salamanca ng College of

‘‘

Parang nanakawan ako ng ilang taon magmula nang nagkaroon ng pandemya. Naniniwala ako na hindi pare-parehas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaya naman naging balakid ang pandemya upang mabisang matutunan ang mga aralin

Arts and Social Sciences (CASS), Christian Bero ng College of Fisheries (CF), Paul Jordan Abrenica ng College of Agriculture (CAg), Christine Arcilla ng College of Business Administration and Accountacy (CBAA), Gilbert Mina Lagula ng College of Home and Science Industry (CHSI), Darlene Faye Cadondon ng College of Education (CEd), Justine Mae Jacob ng College of Engineering (CEn), at Danielle Pamiloza ng College of Science (CS), pawang mga estudyante ng Central Luzon State University, ang kanilang mga pananaw at karanasan sa daang kanilang tinahak. Unang Pitik: Talo Isang “Eksperimental batch” kung ilarawan ni Christine ng CBAA, ang unang taon ng implementasyon ng K-12 sa kadahilanang hindi pulido ang balangkas ng kanilang mga kurso, dahil na rin sa mga naging pagbabago sa kurikulum pangkolehiyo upang umangkop sa mga estudyanteng magtatapos ng K-12. Dagdag pa niya rito, hindi lamang sa Senior High School nagtatapos ang paghihirap nila sa transisyon kundi kasama na rin ang pagtungtong sa kolehiyo at sa kanilang mga magiging trabaho dahil sa mga naging pagbabago sa programa mula kinder hanggang kolehiyo. Sa kabila ng mga seminar na isinasagawa ng gobyerno para sa mga estudyante, magulang, at mga guro bilang paghahanda sa K-12, naging kapansin-pansin sa mga ito ang kakulangan ng gobyerno sa preparasyon ng programa sa implementasyon nito. Ayon sa ACT Teachers Partylist, noong taong pampaaralan 2012-2013, umaabot sa 23,928,335 ang bilang ng mga kulang na libro at modules. Kaugnay pa nito, noong 2013, inamin rin ang DepEd na kapos pa sa mga guro at pasilidad ang karamihan sa mga pampublikong paaralan dahil na rin sa kakulangan ng pondo. Ayon kay Paul na isang estudyante sa CAg, marapat lamang na magkaroon ng sapat na pasilidad ang mga paaralan upang mabigyan ang mga estudyante ng mga pangunahing kasangkapan na siyang makatutulong sa

pagkamit ng kahusayan sa napiling strand. Ikalawang Pitik: Panalo Bagaman mayroong mga kapuna-punang pagkukulang sa pagsasakatuparan ng K-12 kurikulum tulad ng kabiguan ng ilang paaralan na magkaroon ng sapat na imprastrakturang pang-edukasyon para sa libo-libong estudyantye, hindi pa rin lingid ang mga maaaring maitulong nito sa mga estudyanteng nakapagtapos ng Senior High School. Dala pa rin ng programang ito ang pangako ng mas matibay na pundasyon ng kaalaman para sa mga magaaral sa pamamagitan ng dalawang karagdagang taon na magsisilbing panimula sa kanilang kursong kukunin sa kolehiyo. Bukod sa kalidad na edukasyon at kahandaan sa kolehiyo ayon kay Gilbert ng CHSI, masasabi rin ni Bien ng CASS na ang karagdagang dalawang taon sa hayskul ay naging tulay upang magkaroon siya ng tahasang kaalaman sa napili niyang kurso pangkolehiyo. Huling Pitik: Tabla Lungkot at panghihinayang ang sumalubong sa kanila nang dumating ang pandemya sa pagpasok ng taong 2020. “Parang nanakawan ako ng ilang taon magmula nang nagkaroon ng pandemya. Naniniwala ako na hindi pareparehas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaya naman naging balakid ang pandemya upang mabisang matutunan ang mga aralin.” saad ni Christian ng CF ukol sa implementasyon ng online classes bunsod ng COVID-19 pandemic. Gayon pa man, pinipilit ng mga mag-aaral na sina Justine Mae (CEn) at Darlene Faye (CEd) na makapagtapos upang makatulong sa pamilya at masuklian ang mga sakripisyo ng kanilang mga magulang. “Sumabay ka lamang sa agos; huwag kang tumigil at patuloy na magsikap,” sambit naman ni Danielle (CS) Hindi man tiyak ang mga magiging pitik ng reyalidad sa mga nakaabang na bukas, matiyagang naghihintay ang mga ito sa mga susunod na panahon. Tanging ang paghakbang tungo sa mundo ng mga propesyonal ang sukatan kung naging tagumpay nga ba ang panibagong sistema o magpapatuloy ang pangangapa hanggang sa paglisan nila sa akademya.


DEVCOMM EDITOR Christine Mae Nicolas JUNIOR DEVCOMM EDITOR Justine Mae Feliciano

DEVCOMM

31

TOMO LXIII ISSUE II

Pagtitinda ng produktong gawa sa gatas, mas pinadali na;

24/7 vending machine inilunsad ng DA-PCC Daniel Aquino at Lance Landagan

M

akabagong paglalako ng gataskalabaw. Isang lugar na lang ang kailangan puntahan at hindi na mangangamba ang mga mamimili ng mga produktong gawa sa Philippine Carabao Center (PCC) na maabutan ng closing time ng store matapos maisakatuparan ng Department of Agriculture-PCC ang oneSTore.ph 24/7 vending machine noong ika-27 ng Oktubre 2021. Lulan ng naturang vending machine na nakapwesto sa labas ng Milka Krem ang samot-saring produktong gawa sa gatas ng kalabaw katulad ng pasteurized milk, chocomilk, rice milk, yogurt, pastillas, polvoron, at milkaroons na dati nang nabibili sa store ng PCC sa loob ng Central Luzon State University (CLSU) tapat ng Gymnatorium ng unibersidad, Milka Krem, at Dairy Box sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Nabuo ang programa sa tulong ng Department of Science and TechnologyPhilippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development sa pamamagitan ng kanilang oneSTore.ph project; at Central Luzon State University-Central Luzon Agriculture and Resources Research and Development Consortium. Dinaluhan nina Dr. Caro Salces, DA-PCC Deputy Executive Director for Administration and Finance, Dr. Claro Mingala, Deputy Executive Director for Production and Research, Joel Cabading, Carabao-Based Enterprise Development Section Officer-inCharge at Dr. Libertado Cruz, former DAPCC Executive Director, ang pagpapasinaya sa vending machine. Ipinakita rin ni Marivic Orge, Central Dairy Collecting and Processing Facility Plant Manager ng DA-PCC, sa publiko sa pamamagitan ng live broadcast sa Facebook page ng ahensya kung paano gamitin ang vending machine.

© PCC

Tulong sa mga magsasaka Layunin ng pagkakaroon ng 24/7 vending machine na matulungan ang mga magsasaka na mas palawakin ang abot ng kanilang mga produkto ng may konsiderasyon sa oras at gaan ng operasyon para sa mga mamimili at nagbebenta. Ayon sa DA-PCC, kabilang sa mga kalamangan ng progresong ito laban sa tradisyonal na paraan ang patuloy na kita, pagiging mas mura, ligtas, at pinadaling paraan ng pagbili ng mga produkto. Higit pa r’yan, mas nilalapit din nito sa masa ang mga produkto at mas pinagbubuti ang serbisyo sa mga mamimili na nagnanais suportahan ang produktong lokal ng mga magsasaka ngunit hindi nakaaabot sa oras ng operasyon ng Milka Krem. “Ito ay kapaki-pakinabang lalo na sa mga kababayan na nais tumangkilik sa produkto ng mga magsasaka ngunit laging napag-aabutan ng oras ng pagsasara o sa mga umiiwas na makihalubilo sa maraming tao dulot ng pandemiya,” pahayag ng DA-PCC sa kanilang Facebook

ALL DAY FRESH. Wala nang pangamba ang mga mamimili na baka hindi maabutang bukas ang PCC para bumili ng paboritong produktong gatas matapos pormal na buksan ang 24/7 vending machine ng DA-PCC nito lamang ika-27 ng Oktubre, 2021. Magbibigay daan ang proyekto para maihatid sa masa ang mga sariwang produkto anumang oras. ~LUIS CASTILLO

post. Resulta ng programa Nakakitaan ng maiinit na pagtanggap mula sa publiko ang vending machine ng DA-PCC sa loob ng isang linggong testing period nito, kung saan 326 na produkto ang agad na naibenta habang Php6,825 naman ang naitalang pinakamataas na kita sa loob ng isang araw. Dahil sa ipinamalas na magandang resulta, kasalukuyang nagpaplano ang mga tagapangasiwa ng PCC ng paglalagay ng vending machines sa ibang rehiyon kapag napaglaanan ito ng badyet ng Department of Budget and Management (DBM) sa tulong ng kalihim ng Department of Agriculture. Ilan sa mga problemang kinahaharap ng pagsulong ng vending machine ang mga ‘software bug’, programming error na nagdudulot ng hindi inaasahang resulta, at mga pagsasaayos sa mekanismo nito. Dagdag pa rito ang pagpapanatiling sariwa ng mga gatas na nagawan ng paraan sa pamamagitan ng pagpapalit ng produkto kada tatlong araw para na rin maiwasan ang pagkasira. Sa ngayon, hinihintay pa umano ng DAPCC ang mga pagwawasto ng kanilang kasamang ahensya, Department of Science and Technology, ukol sa mga inulat nilang naging mga hamon sa nangyaring pilottesting ng programa bago magbigay ng mga plano para sa kasalukuyang taon. © PCC

“Ito ay kapakipakinabang lalo na sa mga kababayan na nais tumangkilik sa produkto ng mga magsasaka ngunit laging napagaabutan ng oras ng pagsasara o sa mga umiiwas na makihalubilo sa maraming tao dulot ng pandemya.” Department of AgriculturePhilippine Carabao Center


32 | DEVCOMM

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

EDITORYAL

Huwag Purong Politika

‘‘

Isang bukas na pagkakataon na hindi dapat pagkaitan ng pansin ang pagsasagawa ng mga campaign activities katulad ng caravan o rally upang mas maobserbahan ang ikinikilos at layunin ng mga kandidato. SIDEBAR #1

NAKATAKDANG PANAHON NG PANGANGAMPANYA SOURCE: COMELEC Resolution No. 10695

Para mga posisyon ng presidente, bise president, mga senador, at partylists

Para mga posisyon ng House of Representatives at elective provincial, city and municipal official

FEB

MAY

08

07

MAR

MAY

25

07

ng lantarang paglabag sa minimum safety protocol ng mga kandidato sa politika sa kasagsagan ng pandemya ay pagpapamalas ng kawalan ng respeto sa mga alintuntuning itinakda, kawalan ng simpatya sa kalagayan ng iba, at pamumulitika. Unang araw ng Oktubre 2021 nang sinimulan ang pagtanggap ng mga Certificate of Candidacy (COC) para sa lahat ng posisyon sa pamahalaan, nasyonal at lokal, at maging ang pagsusumite ng Certificate of Nomination and Acceptance. Nagsilbi itong mitsa sa muling pagkabuhay ng diwa ng mga mamamayang malaki ang interes sa usaping politika at mausisa sa mga kandidatong sinusoportahan at matutunog o kontrobersyal ang pangalan. Dahil dito, marami ang nagpahayag at nagpakita ng suporta para sa kani-kanilang piling kandidato sa pamamagitan ng pagdaraos ng iba’t ibang aktibidad na maaaring lahukan ng kapwa nila mga taga-suporta. Mayroong gumawa ng mga page sa social media upang maipost ang mga impormasyong makatutulong upang mas makilala ang kanilang mga manok, may mga nagdaos ng feeding program sa kanilang lugar, may nagdikit din ng posters o tarpaulin at gumawa ng mural sa gilid ng kalsada, at mayroong kakaibang pakulo ang ginawa upang hikayatin ang mga botante na mas kilalanin pa ang ikinakampanyang kandidato. Ngunit, ang pinakapumatok na aktibidad ay ang mga campaign rally o caravan at motorcade. Matatandaang bukod sa mga naglabasang larawan at bidyo ng mga taga-suporta at ng kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Linggo ng hapon, ika-6 ng Disyembre, sa ginanap na campaign caravan o rally sa San Jose, Nueva Ecija, humakot din ng atensyon ang isinagawang caravan kasama ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ilang araw lang ang pagitan. Sa mga litrato, makikita ang balikat sa balikat na pagsisiksikan ng mga dumalong mamamayan at ang naidulot nitong pagbagal ng usad ng trapiko sa mga pampublikong kalsada na nagkamit ng hindi magagandang komento at puna mula sa madla. Maliban kay Marcos, nagdaos din ng campaign

A

rally ang mga supporters ng mga katunggali niya sa pagkapangulo kagaya nina Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, at labor leader Leodegario “Ka Leody” De Guzman, na may kanikanyang naiibang istilo at mga aktibidad. Batay sa nasasaad sa Section 5 (a) R.R. 77166 at Section 4 R.A. 7941 ng Commission on Elections (COMELEC) Resolution No. 10695, ang nakatakdang panahon ng pangangampanya sa mga posisyon ng presidente, bise president, mga senador, at partylists ay magsisimula sa ika-walo ng Pebrero hanggang ika-pito ng Mayo. Habang mula ika-25 ng Marso hanggang ika-pito ng Mayo naman ang nakalaan para sa mga lokal na posisyon batay sa Section 5 (b) R.A. 7166 ng kaparehong resolusyon (sidebar #1). Bagaman ilang buwan pa bago ang nakalaang panahon ng pangangampanya ay may mga aktibidades na ang mga kandidato, hindi na bago ito para sa atin na noon pa mang mga nakaraang eleksyon ay nakasaksi o nakibahagi na sa isinagawang pre-campaign activities ng mga politiko. Subalit, hindi ito sapat na dahilan upang balewalain ang pagpapatupad sa mga safety protocol sapagkat higit na mahalaga ang mga ito kumpara sa iilang tao lang na nagnanais makasungkit ng posisyon sa pamahalaan. Kapuna-puna na sa karamihan ng naisagawang campaign rally ay malinaw na nalabag ang ilan sa mga minimum health standard o protocol na nakalaan sa pagpigil ng hawaan at pagsugpo sa COVID-19. Nariyan ang kawalan ng social distancing ng mga taga-suportang magkakadikit na nakilahok, kakulangan sa mga kagamitan upang i-sanitize ang mga gamit at ang bawat indibidwal, at hindi pagtitiyak kung nakasuot ng tama ang mga face mask ng bawat isa. Isang bukas na pagkakataon na hindi dapat pagkaitan ng pansin ang pagsasagawa ng mga campaign activities katulad ng caravan o rally upang mas maobserbahan ang ikinikilos at layunin ng mga kandidato. Isa rin itong pagkakataon para sa COMELEC upang makalikha ng mga regulasyon upang mas maayos na maipatupad ang pagkakaroon ng pre-campaign activities sa mga susunod na eleksyon. Ngayon na nakikisabay ang pandemya sa panahon ng pangangampanya, unahin nawa ng mga nagbabalak na mamuno sa bansa ang pagpapakita ng mabuting ehemplo sa mga tagasubaybay, at maging matalino sa pamimili kung ano ang mas karapat-dapat na pahalagahan sa pagitan ng kaligtasan at politika.


DEVCOMM | 33

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

CATALYST

Malawak na Pang-unawa

Christine Mae Nicolas | DevComm Editor | nicolas.christine@clsu2.edu.ph

H

igit sa alinman, pagtutulungan at pag-unawa ang mahahalagang bagay na kailangang pagtuunan ng importansya sa buong pamantasan

ngayon. Tatlong semestre na rin ang lumipas mula nang magsimulang iakma ang sistema ng edukasyon sa bansa sa online setup bunsod ng patuloy na pananalasa ng pandemya sa mundo na naghatid sa bawat estudyante, instructor, propesor, at iba pang kawani ng Central Luzon State University (CLSU) sa mahirap na kalagayan.

Pagtugon sa mensahe Hindi pa rin nawawakasan ang kaliwa’t kanang pag-alma ng mga estudyante hinggil sa mga suliranin na kanilang dinaranas kaugnay ng kakulangan sa pagtugon at konsiderasyon ng ilang instructor at propesor nitong unang semestre ng taong panuruan 2021-2022. Tila hindi naging sapat ang higit sa isang taon na pagsasakatuparan sa makabagong sistema upang tuluyang makapag-adjust ang mayorya at mabigyan ng konkretong solusyon ang mga problemang nauna nang kinaharap. Maaaring ipagdiinan na noon pa man ay dumaranas na ng mga problemang katulad nito sa pamantasan, ngunit hindi ito sapat na batayan upang ipagsawalang bahala ang sitwasyon at tratuhin itong normal hanggang sa mga susunod pang semestre o taon lalo na at mas komplikado ang kasalukuyang panahon. Kabilang ang ilang ulit na hindi agarang pagtugon ng mga instructor at propesor sa mga mensahe ng estudyante sa email o Facebook Messenger sa pinagmumulan ng hinaing sapagkat nagiging dahilan ito ng pagkaantala ng mga gawain. Nababatid ng sangkaestudyantehan na tambak din ng gawain ang mga guro at may mga responsibilidad na kailangan gampanan sa trabaho at personal na buhay, ngunit ang isa o dalawang linggo na pagitan bago ang pagtugon sa simpleng mensahe ay hindi makatwiran lalo na kung mahalagang makakuha ng mabilisang sagot para dito. Batay sa Revised Academic Calendar for School Year 2021-2022 ng CLSU, ang unang semestre ay magsisismula sa ika-16 ng Agosto at magtatapos

INFOGRAPHICS

39,004

PINAKAMATAAS NA BILANG NG NAGPOSITIBO SA COVID-19 SA ISANG ARAW SA PILIPINAS NGAYONG TAONG 2022

SOURCE: Department of Health (DOH) COVID-19 Tracker

sa ika-18 ng Disyembre, humigit kumulang apat na buwan depende sa mga lokal at nasyonal na pagdiriwang. Kung susumahin, malaking bahagi ng apat na buwan ang dalawang linggo, kung kaya, malaking panahon ang nasasayang sa paghihintay sakali man na ganito katagal bago makakuha ng kasagutan sa mga tanong o liham ang estudyante. Pagbibigay ng gawain Gayundin naman, pahingang pisikal at kapaguran sa pag-iisip ang naidudulot ng mga propesor na tuwing papalapit ang pagtatapos ng semestre ay tsaka pa lamang magpaparamdam at magtatambak ng gawain na maaaring naunti-unti sana kung hinati ang mga ito sa buong semestre. Walang-wala ang pagkakataon na nagamit sa pamamahinga kapag isang bagsakan ang pagbibigay ng academic requirements na kailangang maipasa agad dahil mawawalan ito ng saysay kung aabutin ng pagtatapos ng semestre bago maisumite. Kabaliktaran nito ang pagbabagsak sa lahat ng mga educational material at requirement sa bungad ng semestre na tila ba tiyak na ang propesor na sapat ang panahon na mayroon ang estudyante upang matapos at maipasa ang mga ito sa takdang oras. Matinding pressure ang dulot nito sa mga estudyanteng nabibigla sa bugso ng gawain na kung minsan ay sinasabayan pa ng requirements sa ibang asignatura na mayroon sila. Pagtingin sa kalagayan Masasabing malaking dagok sa sektor ng edukasyon ang naging biglaang transisyon mula face-to-face patungong distance learning, at walang naging handa upang harapin ito ng may kasiguruhan. Batid ng lahat na anuman ang katayuan sa buhay ay apektado ng pandemya, ngunit hindi kabawasan na ilagay natin ang sarili sa sitwasyon ng higit na mas apektado sa atin. Makatutulong kung ikokonsidera ng mga instructor at propesor na tiyakin ang kalagayan ng bawat estudyante, marami man ang bilang nila, sa paggawa ng instructions na ipatutupad sa mga requirement, gayundin sa pagtatakda ng deadline. Sapagkat magpahanggang ngayon, may mga magaaral pa rin na walang tamang kagamitan o gadgets at stable internet connection sa pag-aaral. Bukod pa rito, mabuti rin na unawain na wala sa silid-aralan ang mga estudyante kaya nangangailangan ng mas malinaw at komprehensibong pagtuturo upang lubusang tumatak ang aral ng bawat leksyon. Hindi katulad sa pamantasan, marami ang agaw atensyon at konsentrasyon sa tahanan kagaya ng mga ingay, gawaing bahay, at libangan. Isaalang-alang din nawa na may kanya-kanyang tungkulin ang bawat isa sa labas ng pamantasan, bukod sa pagiging estudyante, ang bawat isa ay mga anak, kapatid, at kaibigan din na may mga problemang iniinda. Sapagkat ang maliit na bagay o suliranin para sa iba katulad ng simpleng pagtaas ng bilang sa to-do list at missing list sa Google Classroom ay nakababahala na para sa ibang estudyante. PAKIKIBAHAGI SA IKABUBUTI Hindi nirerepresenta ng mga estudyanteng nakasasabay sa online setup ang buong populasyon ng sangkaestudyantehan, at hindi rin dahil maliit na bahagdan lang ang nahuhuli ay dapat na tayong makuntento sa kasalukuyang sistema at epektibo na ito o hindi na nangangailangan ng pagsulong. Bagamat kasalukuyang naghahanda ang CLSU sa pagkakaroon ng limited face-to-face classes, hindi ito katiyakan ng mabilis na panunumbalik ng normal na sitwasyon sapagkat patuloy ang mga pagbabago. Sa ngayon, ang tanging maiaambag ng lahat sa pagpapabuti ng sitwasyon ay ang malawak na pang-unawa nang maintindihan ng bawat isa, ano man ang katayuan o gampanin, ang kalagayan ng iba at matutong makisimpatya at magbahagi ng tulong.


34 | DEVCOMM

T

aon-taon tinatayang nasa 19 hanggang 20 na bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), siyam dito ang tumatama sa kalupaan na nagdudulot ng pinsala sa kabuhayan at buhay ng mamamayang Pilipino. Kada taon din ay nakararanas ang bansa ng matitinding bagyo, ngunit, magpahanggang ngayon ay kulang pa rin sa kaalaman ang ilan pagtungkol sa mga impormasyong pampanahon. Dahil sa ganitong sitwasyon ng bansa at sa kakulangan ng meteorologist, inilunsad ang programang BS Meteorology sa apat na pamantasan sa Pilipinas (sidebar#1), kabilang na rito ang Central Luzon State University (CLSU), ngunit agaran din itong napasabak sa online learning setup dulot ng pandemya. Pinagmulan Noong una, ang mga nagnanais maging meteorologist ay sumasailalim sa training program na isinasagawa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ngunit, hindi maitatanggi na mas marami ang oportunidad sa ibang bansa, dahilan upang maubos ang mga meteorologist sa Pilipinas. Dahil sa mas lalong lumiliit na bilang ng meteorologist sa bansa, isinakatuparan noong 2013 ang Project COMET o Consortium of Meteorology Education and Training na pinondohan ng AGHAM Partylist, katuwang ang DOST at apat na pamantasan sa bansa kabilang ang CLSU. Ang nasabing proyekto ay naglalayong magbigay ng scholarship sa mga 3rd year engineering at science students na handang mag shift at mag-aral sa PAGASA. Pitong mag-aaral mula College of Engineering ang ipinadala ng CLSU ngunit hindi na ito nasundan dahil natalo ang AGHAM Partylist noong halalan 2016, dahilan upang mawalan sila ng pwesto sa kongreso at mawalan ng budget ang programa. PAGBABALIK Dahil sa kagustuhang ipagpatuloy ng apat na pamantasan ang programa, humanap sila ng mga faculty members na nais maging iskolar at magaral ng MS Meteorology noong 2016 at ipinadala ang mga ito sa University of the Philippines Institute of Environmental Science and Meteorology (UP IESM). Apat na faculty member ang ipinadala ng CLSU at nang bumalik ang mga ito noong 2019 ay agad nilang inayos ang mga dokumentong kailangan upang mailunsad ang programa. Ayon kay Henrison Sanchez, isa sa mga faculty member ng BS Meteorology, agad silang sinabihan na i-offer ang kurso kahit katatapos lang ng approval nito sa academic council ng pamantasan. Aniya, hindi nila inaasahan na maiooffer ito sa academic year 2019-2020 dahil ilang araw na lang ay enrollment na. Gayumpaman, inoffer nila ito kahit wala pang Certificate of Program Compliance (COPC). Dahil sa biglaang paglulunsad ng kurso, wala ang programang ito sa admission form at hindi umaasa ang Department of Engineering Sciences na dadagsain ito ng mga aplikante. Gayumpaman, higit sa 30 mag-aaral ang nahikayat, at ang ilan sa

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN France Joseph Pascual & Excy Bea Masone

SIDEBAR #1

unang apat na unibersidad sa pilipinas na mayroong

bs meteorology mga ito ay hindi Science, Technology Engineering and Mathematics (STEM) graduate noong Senior High School (SHS) at nag-apply lang dahil puno na ang quota sa ibang mga kurso. May iilan din sa mga natanggap ang nag-shift din kaagad sa ibang kurso matapos ang dalawang semestre. Aminado si Sanchez na nangapa sila sa unang taon ng kurso. Malaking bahagi nito ang dulot ng kakulangan sa mga pasilidad upang tugunan ang pangangailangan sa ibang mga subjects. Sa katunayan, plinano na noon na mag-request ng mga computer para sa sariling laboratory ng kurso ngunit hindi ito natuloy dahil napagabutan na ito ng pandemya. Kalagayan Mahirap mag-aral ng walang interaksyon lalo na’t wala pang isang taon ang BS Meteorology sa CLSU nang humarap ito sa hamon ng online learning setup. Malaking problema sa mga magaaral kung paano sila matuto gayong ang kaharap lang nila ay ang modules sa kanilang gadgets. Ayon sa 3rd year BS Meteorology student na si Crishia Pengson, “Nagkaroon ng kasunduan between met instructors and students about synchronous classes, so yung mga METEOR subjects namin ay synchronous. Kung hindi naman kaya ng synchronous, nagpo-provide naman sila ng mga materials to study, naglalaan din sila ng oras para gumawa ng video lectures.” Naninibago man sa kanyang unang taon sa kolehiyo, malaking tulong naman kay Brandon Escobar, 1st year BS Meteorology student ang mga lecture videos na ibinibigay sa kanila ng mga propesor. Aniya, bagamat hindi pa nila nararanasang maging instructor ang mga meteorologist ng pamantasan, sinisigurado naman ng mga ito na maayos ang daloy ng pagpapalitan ng kaalaman sa gitna ng bagong setup. Sila rin daw ang nangunguna sa pagtugon sa tuwing magkakaroon ng problema sa isang subject ang kanilang section. Katuwang din ng departamento ang organisasyong CLSU Atmospheric Society (ATMOS) sa pagsasagawa ng mga programang makatutulong upang mas mabigyang alalay ang mga Meteorology students. Ani Sanchez, “We can only do our best but it is up to the students to do their parts as well. We try to adopt, we initiate kung ano ba ang mga dapat gawin para sa mga students.” Kahandaan Naging usapin kamakailan lang ang planong pagsasagawa ng limited face-to-face sa CLSU. Dahil dito, inaasahan na maging handa ang iba’t

ibang departamento sakaling maipatutupad ito: sa kaligtasan ng mga mag-aaral at sa kahandaan ng mga propesor sa muling pagtuturo sa loob ng silid-aralan. Ayon kay Sanchez, “Kung mapapasama ang BSMET sa limited face-to-face, kailangan naming maging handa. Kung ako ang tatanungin, kung sa kahandaan sa pagtuturo, yes handa naman. Ang university, sa palagay ko ay siguradong may ginagawa ring paghahanda, paraan para mapanatiling ligtas ang mga magaaral pagdating ng limited face-to-face.” Sa kabila ng kahandaan sa pagtuturo at kaligtasan ng mga mag-aaral, malabo pa ring makuha ang mga equipments na hiling ng department. Sa katunayan hanggang ngayon wala pa ring sariling computer laboratory ang BS Meteorology na magiging malaking tulong sana sa bawat estudyante ng BSMET kung mabibilang ang kurso sa limited face-to-face classes. Pero, sinabi rin ni Mr. Sanchez na nangako naman si Dean Sayco na ipagagamit muna sa kanila ang mga bagong computer mula sa IT Department. Paglago Bagamat mahirap intindihin ang mga aralin lalo na kung online o modular, sigurado si Mr. Sanchez na may natutunan ang mga BSMET students na hawak niya. Bukod pa rito, nakakikitaan din daw ng “growth” ang mga magaaral, lalo na ang mga junior. Sa katunayan, hindi napigilan ng online setup na makapag-produce ng mga academic scholars at dean’s listers kada semestre ang BS Meteorology. Naitatag din sa kalagitnaan ng online setup ang kauna-unahang meteorology organization ng CLSU na CLSU ATMOS na siyang katuwang ng departamento sa pag-alalay sa bawat meteorology student. “Malaki ang pressure sa first batch dahil sila ang benchmark. Kung ano ang resulta ng first batch, doon masusukat ang competency ng department. Sa ngayon, maraming kailangan i-improve at sinusubukan namin itong i-improve,” ani Mr. Sanchez. *** Mahirap magtatag ng bagong kurso lalo na kung wala pang isang taon ay pinagabutan na agad ito ng pandemya. Ngunit sa kabila nito, sinusubukan pa rin ng Department of Engineering Sciences na lubusang turuan at gabayan ang bawat meteorology student ng CLSU. Hindi madaling aralin at ituro ang bawat asignatura tungkol sa panahon, kaya pagsisikap mula sa mga magaaral at instructor ang nagiging pundasyon ng programang BS Meteorology upang magpatuloy.

PANAPANAHON AT HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON Danver C. Manuel


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

DEVCOMM | 35

SUPORTA SA GITNA

NG PANDEMYA Al Jimbo Pautin at Jessalyn Soriano

E

dukasyon ay isang kayamanan na hindi mabibili, mananakaw, at maaagaw ng sinuman. Ito ay para sa lahat ngunit sa iba, tila isang pribilehiyo ang pag-aaral kung saan pili lamang ang maaaring makakamit nito. Sa ating pagtanda, madalas natin madinig ang mga katagang “ang edukasyon ang susi sa tagumpay”, ngunit, sa kabila ng pagsisikap at determinasyon na makakuha ng diploma at makapagsuot ng itim na toga, marami-rami pa rin ang pagsubok na kailangang mapagtagumpayan. KAKULANGAN Maraming estudyante ang nanibago at hindi makasabay sa kasalukuyang naging sistema ng edukasyon, o online setup, dahil hindi katulad ng nakasanayang face-to-face, gadgets ang nagsisilbing silid-aralan para sa mga mag-aaral at guro. Hindi lahat ng estudyante ay mayroong tamang kagamitan para magpatuloy sa pag-aaral. Kadalasan ay cellphone lamang ang gadget na pagmamay-ari, hindi angkop para sa ilang gawain sa kanilang kurso. Limitado rin ang storage ng ilang cellphone at may mga program at application na hindi maaaring i-download gamit ito sapagkat hindi nito kakayanin na suportahan ang ilan sa mga functions at features. Isa lamang ito sa mga balakid na nagsisilbing hadlang sa maayos na pag-aaral ni Ryan Norris Garcia na nasa ika-apat na taon sa kursong BS Environmental Science sa Central Luzon State University (CLSU). Isa siya sa mga estudyanteng nakararanas ng problema sa kagamitan sa online class. Aniya, ang kanyang lumang desktop lang ang inaasahan niya, ngunit base rin sa kanya, hindi na ganoon kaganda ang kalidad at

‘‘

Sana magpatuloy pa silang tumulong and sana dumami pa ‘yung mga ganoong tao na handang tumulong para matugunan ‘yung mga pangangailangan nu’ng mga estudyante na katulad ko na kapos sa pinansyal na bagay. RYAN NORRIS GARCIA BS Environmental Science

hindi na gaanong functional ang desktop. Mabagal umano at hindi na kaya ang ilang mga aplikasyon na kailangan sa pag-aaral. DAAN Sa halip na huminto sa pag-aaral, minabuti ni Ryan na umisip ng paraan upang maresolba ang problema sa kagamitan niya sa online class. Ayon kay Ryan, nagpost siya sa messenger story o my day na naglalaman ng mensahe kung saan humihingi siya ng tulong sa pagbili ng laptop, ngunit, hindi rin nagtagal bago niya ito burahin dahil sa pangamba sa mga sasabihin ng iba. Bago mabura ni Ryan ang ipinost, nakita ito ng kanyang kaibigan na si R.M. James Fulgencio at nagmagandang loob na tulungan siya hanggang sa nabuo ang “Piso para sa Laptop” donation drive. Naging katuwang nila rito sina Bokala Sweet Cruz ng SK Federation of Nueva Ecija at Jenny Bugawan, dating guro ni Ryan noong elementarya sa Sto. Domingo. Ikinalat ang drive na ito sa social media at group messaging applications noong Agosto 2020 na kalauna’y malayo ang narating at nakalikom ng tulong pinansyal. SUPORTA SA PAG-AARAL Isang malaking krisis sa pag-aaral ang kinahaharap ng ating bansa dahil sa biglaang pagbabago ng mga nakagisnan. Iba’t ibang uri ng diskarte ang naging puhunan ng mga mag-aaral upang magkapagpatuloy sa pagaaral lalo at hindi naging madali ang mga pagsubok na dinanas ng bawat isa. “Para sa’kin, napakahirap ng online setup, distance learning tapos online classes. First of all ‘di pa natin na-try ang online classes before kumbaga ‘di ready talaga ang mga education institution para sa ganitong setup kase bibihira ang mga gumagawa nito maaari sa mga graduate studies pero sa’tin kase mahirap, ‘di pa natin na-experience ‘yung online learning so mahirap talaga siya,” ani Ryan. Isa sa mga naging problema ni Ryan sa online learning ay ang kaniyang mga asignaturang Chemistry at Physics at laboratory classes. Hindi naging madali sa kanya ang mga tests dahil aniya puro doit-yourself (DIY) ang naging sistema nila kung saan nasubok ang kanyang pagiging resourceful. Nalilimitahan ng ganitong kaparaanan ang kaalaman at kakayahan na maaaring makamit ng estudyante. Sang-ayon si Ryan sa ligtas na balik eskwela sapagkat napakahalaga sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng laboratory classes. Nakadidismaya umano para sa kanya ang hindi pagbilang sa ibang kurso sa pinaplanong limited face-to-face ng

unibersidad, ngunit umaasa pa rin siya na maaprubahan ang mga kurso na mayroong laboratory classes sa limitadong face-toface sa susunod na semestre. Noong una, walang gamit si Ryan na kahit anong device para sa online classes kaya siya ay labis na nag-aalala dahil maaaring makaapekto ito sa kanyang pagaaral. Hindi niya inasahan noon na magiging epektibo ang drive upang matugunan ang pangangailangan niya at sa pamamagitan nito rin niya napagtanto na marami ang may kakayahan na nais makatulong sa mga katulad niyang estudyante. “After ko makalikom nang maramiraming pera naging optimistic ako na mukhang maganda ‘yun nagiging pasok ng online classes, ng new semester sa online class na ‘to kahit na distance learning. Tapos ‘yung kumbaga kase may device ka na pwede mong gamitin, parang andu’n ‘yung assurance na matatawid mo ‘yung online classes for that semester and for the coming semesters,” ani Ryan. KINAHANTUNGAN Sa pamamagitan ng mga taong bukaspalad sa pagtulong, ang planong desktop lang na bibilhin ni Ryan ay naging laptop. Malaki ang naitulong ng fundraising sa kanya dahil nabili niya ang gamit na kinakailangan niya sa pag-aaral, kaya labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong pati na sa mga nag-share sa social media. “Syemprekungnakaambagitonglaptop na ito sa academic life ko is nakaambag na rin sila sa kung ano ‘yung patutunguhan ng buhay ko as future professional sa pinili kong career. So ayun, maraming salamat sa kanila, nakakatuwa na may mga ganoong tao na handang tumulong kahit ‘di nila kilala ‘yung tinutulungan nila,” ani Ryan. “Sana magpatuloy pa silang tumulong and sana dumami pa ‘yung mga ganoong tao na handang tumulong para matugunan ‘yung mga pangangailangan nu’ng mga estudyante na katulad ko na kapos sa pinansyal na bagay,” dagdag pa niya. Isa lamang si Ryan sa mga mag-aaral na nakaranas at nakararanas ng kakapusan sa buhay ngunit hindi ito naging rason upang huminto sa pag-aaral. Ipinamalas niya ang kaniyang katatagan at pagiging madiskarte sa gitna ng pandemya at pinatotohanan na maraming paraan sa pagkamit ng ating mga ninanais sa buhay. Ang simpleng pagtulong sa kapwa ay nagpapadaloy ng pag-asa. Hindi nasusukat ang pagtulong sa kung gaano kaliit o kalaki ang iyong naibigay sapagkat malaking bagay na ang piso sa mga taong kapos sa buhay.


36 | DEVCOMM

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN Excy Bea Masone

Buhay ay E-angat Rod Christian Mendoza

S

a likod ng mga aparato at proseso na ginagamit sa agrikultura hanggang sa pagtawid ng mga produkto nito sa industriya ng pagkain, ay may mga isipang maiging nagsiyasat at nagsaliksik. Ang Central Luzon State University (CLSU) ay may mga teknolohiyang umiiral na sa kasalukuyan ay hindi pa tuluyang nailulunsad sa komersyo. Bunsod nito, itinatag ang engaging Food and Agcricultural Resources Management (eFARM) Academy na may layuning palaganapin ang karunungan ukol sa paggamit ng mga imbensyon sa CLSU upang makatulong sa pagtatayo ng mga kabuhayan at oportunidad sa sektor ng agrikultura.

Ugat Lahat ng bagay na may bisa ay mitsa ng mga layunin, isa na rito ang makapagbigay ng tyansa na mapaunlad ang antas ng pamumuhay. Tulad ng isang puno na hitik sa bunga, may pinag-ugatan din ang paglikha sa eFARM. Sa ilalim ng Study in the Philippines Edutourism Programs, nangalap ng panukalang proyekto mula sa mga pampublikong unibersidad sa Pilipinas ang International Affairs Staff ng Commission on Higher Education (CHED). Nakasentro ito sa kaunlaran para sa pagkakaisa ng mga pamantasan, lokal na pamahalaan, iba’t ibang industriya, maliliit na negosyo, komunidad, at mga kasaping nais makilahok. Inihayag ni Dr. Gella Patria L. Abella, pinuno ng proyektong eFARM, na ang orihinal na inihaing plano ay ang pagtatalaga sa CLSU bilang Agri-tourism Spot na bibigyang pagkakataon ang mga lokal at banyagang mga mag-aaral o turista na matuto habang nararanasan ang mga gawain sa Research and Development Centers. Dahil sa pandemya, bagong sistema

ang binalangkas upang ipamalas ang mga Food and Agriculture Technologies ng CLSU at makaabot pa rin ito sa mga dapat makinabang. Sumibol ang eFARM Academy, isang online platform na nakalaan sa pamamahagi ng mga impormasyon at kasanayang magagamit sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain, maayos na kalusugan, at pagkakaroon ng kasaganahang kayang panatilihin at pagyamanin.

Usbong Bago lumago, dumaan muna ang eFARM sa pag-usbong at pinatutunayan ito ng mga alernatibong taktika na inihahain upang maipagpatuloy ang layunin. Mataas na kalidad ng edukasyon ang ihahatid ng eFARM at sisimulan muna ito sa online na pamamaraan ng pagtuturo. Bagaman may nakahandang aktwal na mga pagsasanay, hanggang hindi pa napahihintulutan ang pagtanggap ng mga bisita sa CLSU, nakapokus muna ang programa sa

paggawa ng mga modyul at materyales na makukuha sa pamamagitan ng Flexible Learning Modalities. Itatalaga ng proyekto ang institusyon bilang “premiere international agri-fishery, techno-education-tourism hub.” Binubuo ito ng tatlong bahagi, ang eFARM GROW (Generate, Reap, Opportunity, Wealth), eFARM KITCHEN (Knowledge, Integration, Culinary, Enhancement), at eFARM Academy (sidebar #1).


DEVCOMM | 37

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

SIDEBAR #1

TATLONG BAHAGI NG eFARM 01

eFARM GROW

(GENERATE, REAP, OPPORTUNITY, WEALTH)

02

03

eFARM KITCHEN

eFARM ACADEMY

(KNOWLEDGE, INTEGRATION, CULINARY, ENHANCEMENT)

Bunga Sanga Pinagtitibay ang eFARM ng tatlo nitong sanga. Isa na rito ang eFARM GROW na naglalaman ng walong teknolohiyang pinaunlad ng CLSU kabilang ang Zero Waste Pig, Vertical Farming, Organic-based Products, Mushroom Production, Aromatic Rice, Hybrid Rice Production, Aquashade, at Goat Production na may kani-kaniyang proseso sa paggawa ng produkto. Lahat ng konsepto na pumapaloob sa walong mekanismo ay gagamitin para sa transfer-technology na magbibigay transpormasyon sa mga nakatatakam na lutuing ipinagmamalaki ng Nueva Ecija. Dito pumapasok ang eFARM KITCHEN kung saan may mga karampatang pagkain sa bawat produkto ng walong teknolohiya. Nagtulungan ang mga bihasang kusinero sa loob at labas ng unibersidad upang makabuo ng mga resipe at teknik sa pagproseso ng

mga pagkain. Sinisigurado na ang mga sangkap ay madaling hanapin at kayang bilhin ng mga mamamayan. Nakatakdang idaan sa mga vlogs na ipalalabas sa social media sites katulad ng YouTube ang mga kaparaanan upang maging bukas ito sa lahat. Mataposilathalaatitanghalsamgamodyul at edukasyonal na materyales ang mga datos, aagos ang karunungan hanggang sa Learning Management System. Pangunahing sangay ito ng eFARM, ang Online Academy na paskilan ng mga handog na pag-aaral buhat sa eFARM GROW at eFARM KITCHEN. Iaalok dito ang walong libreng kurso ng mga teknolohiya mula sa CLSU na nais matutunan. Isang website na tagpuan ng asynchronus na klase at may kalayaan ang mga makikiisa, Pinoy man o banyaga, na magpasiya sa mga resipe ng produkto na pupukaw sa kanilang interes.

Kasunod ng pagpapayabong sa isang puno ay ang masaganang pamumunga nito. Hangarin ng eFARM na magkaloob ng maayos na mapagkakakitaan sa mga makatatanggap ng serbisyo, partikular na ang mga magsasaka at mangingisda. Hinihikayat silang magsimula ng isang matatag, maginhawa, at panatag na buhay dulot ng pagkakaroon ng agri-business na maaaring simulan sa start-up kit na galing din sa eFARM. Pinakatunguhin ng programa na paandarin ang makina ng pakikisimpatya sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapalaganap sa mga komunidad ng mga kahusayang natamo. “Multiplier effect” kung tawagin ito ni Dr. Abella. Sa oras umanong may nasagap na karunungan, nararapat lamang na ibahagi ito sa iba upang makagawa ng mas maraming oportunidad at trabaho. Inaaasam din ng eFARM na paigtingin ang internasyunal na pakikipag-ugnayan dahil hinihimok nito ang mga dayuhang estudyante at mamumuhunan na pagtuonan ng pansin ang mga kawili-wiling inobasyon ng CLSU. Dulot nito ay ang pagdagsa ng mga kabuhayan para sa mga Pilipino. Mahalagang magamit ng mga benepisyaryo ang mga kapaki-pakinabang na bunga ng pananaliksik. Pagpapabuti sa kanilang estado ang pangunahing dahilan kung bakit tumutuklas ng mga modernong teknolohiya. Sa huli, ang pag-aangat sa buhay ng masang nangangailangan ay isang tungkuling nakabinbin na sa bawat isa.


38 | DEVCOMM

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

Pagharap sa Kinabukasan Al Jimbo Pautin at Jessalyn Soriano

N

aging mapanghamon man ang nakaraang taon sa bawat isa, hindi ito naging hadlang sa patuloy na pagkakaroon at pagsasagawa ng on-the-job training o OJT sa mga pribado at pampublikong unibersidad sa bansa kabilang na ang Central Luzon State University (CLSU). Ang OJT ay isang pagsasanay para sa mga kolehiyong magsisipagtapos upang mahubog ang kanilang kakayahan at maging handa sa pagharap sa papasuking trabaho. Dito sinusubok ang kanilang mga abilidad sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain na naglalayong makatulong sa kanilang paglago bilang indibidwal sa tulong ng mga mentor o manager. Hamon Dahil sa pandemya, online setup ang sistema ng edukasyon na umiiral ngayon kung saan ang bawat estudyante ay nag-aaral sa kanilang mga tahanan. Sa tulong ng kanilang mga professor na gumagabay sa kanila, nagagawa nilang isalba ang kanilang mga OJT. Nagsisilbing malaking pasanin sa mga magsisipagtapos na estudyante ang paghahanap ng mga kumpanyang kanilang mapapasukan upang mahubog ang kanilang mga kakayahan. Para kay John M. De Pedro, BS Agriculture 4 - Agricultural Extension, bago ang ganitong uri ng OJT dahil ito ay ginagawa online sa halip na face-to-face. Nakasanayan na ang pagsasagawa ng OJT kung saan direktang makakasalamuha ng estudyante ang iba’t ibang klase ng tao at mararanasan ang iba’t ibang uri ng gawain na makatutulong sa paghahanda sa mapipiling trabaho. Marami ang umaangal at nagsasabi na hindi epektibo ang OJT gamit lamang ang online platforms, isa na rito si R.M. James F. Fulgencio, BS Agriculture 4 - Crop Science. Para kay R.M., halos walang matututunan dito dahil nalilimitahan ang kanilang mga kakayahan at hindi nagagamit ang kanilang mga pinag-aralan. Maraming mga balakid ang kinaharap dahil sa sitwasyon ngayon. Hindi sapat ang ganitong klase ng pamamaraan upang makuha ang nararapat na kaalaman para sa bawat indibidwal na dumaan sa online OJT. Ngunit, ganito man ang naging sitwasyon, patuloy silang nagsusumikap upang mairaos ang kanilang OJT. Hakbang Hindi pandemya lamang ang tatapos sa matatayog na pangarap ng mga mag-aaral ng CLSU. Hindi maikakaila na sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinahaharap sa makabagong uri ng pagkatuto, sila pa rin ay nanatiling matatag upang ipagpatuloy ang nasimulan tungo sa kani-kanilang mithiin sa buhay. Determinasyon at tiwala sa sarili ang nagsilbing lakas upang harapin ang mga pagsubok dulot ng online setup. Isa lamang si R.M. sa mga nagpatuloy at gumawa ng paraan upang makahanap ng mapapasukang work field na may kaugnayan sa kanyang napiling kurso upang matuto at makakuha ng karanasan. Mahalaga sa

kanya ang makapagtapos ng pag-aaral kaya naman gagawa at gagawa umano siya ng paraan upang makamit ito. “Kami ang naghanap ng company or office na pupuntahan namin and then may mga options na binigay samin ang dept. namin kung wala kaming makuhang office or company.”, ani R.M. Katulad ni R.M., may mga hakbang din na ginawa si John bilang estudyanteng sumailalim sa OJT sa panahon ng pandemya. Sapagkat lubos niyang pinahahalagahan ang kanyang pag-aaral, hindi niya alintana ang mga pagsubok na dumarating. Ayon kayJohn, “Nagkaroon ng mga pagbabago sa kadahilanang ang aming OJT ay gaganapin through online setup. Naatasan kaming magsagawa ng Techno-Demo Set-up may kinalaman sa mga teknolohiya ng ating unibersidad, umattend ng mga webinars [na] may kinalaman sa agham pang-agrikultura at gumawa ng mga Information Education and Communication Materials [na] may kinalaman sa pagbabahagi ng teknolohiya ng ating unibersidad.” Dagdag pa niya, isinagawa ang Techno-Demo Set-up sa kani-kanyang mga bahay na dinadalaw ng Extension Department ng College of Agriculture upang masiguro at mapanatili ang kalidad ng kanilang mga gawain. Gabay Sa kabila ng mapait na karanasan dulot ng pandemya tanging ang sumisilip na liwanag na lamang ng mga minimithi nilang pangarap ang nagsisilbing ilaw upang magpatuloy sa daan na kanilang tinatahak. “Nakatulong din sa akin na nakita ko kung paano naging bukas sa mga suhestiyon at komunikasyon ang mga professor upang mapadali ang gawain naming lahat,” ani John. Malaking tulong ang pagkakaroon ng gabay galing sa mga guro lalo na sa ganitong uri ng panahon kung saan ang lahat ay nakararanas ng kahirapan lalo na sa pag-aaral. Hindi lahat ay may sapat na kakayahan na magpatuloy ngunit marami ang lumalaban para makamit ang bunga ng kanilang mga pinaghihirapan. Ngunit, higit na akma pa rin ang pagkakaroon ng face-to-face na OJT sa

mga skilled courses kagaya ng agriculture dahil hindi nila mahuhubog ang kanilang mga pinag-aralan kung mananatili sa ganitong klase ng sistema. Masasabing isa sa mga bagay na natutunan ng mga nag-OJT ngayong may pandemya ang dumipende sa kanilang mga sarili at sumubok ng iba’t ibang istilo o mga pamamaraan upang malampasan at mapadali ang mga gawain. Ang mga aral na natutunan ng bawat isa ay maaari nilang magamit sa trabahong naghihintay sa kanila. Kinahinatnan Malaki ang negatibong epekto na dulot ng krisis pangkalusugan na patuloy na nilalabanan sa buong mundo, at hindi ligtas dito ang mga mag-aaaral na sumusuong din sa isang mapanganib na landas. Ayon kay R.M. James, “Nagsagot lang kami ng mga pinagawa saming mga data. Ang aral na nakuha ko is hindi epektib ang online OJT para sa gaya naming agri students.” Bagaman layunin ng online OJT na magamit ang mga natutunan sa paaralan sa loob ng maraming taon, hindi nakikita ni R.M. na epektibo ito lalo na sa kagaya niyang agriculture student. Ito ay dahil kabilang ang kurso nila sa skilled courses na kadalasan ay nagsasagawa ng fieldwork. Hindi raw sapat ang kanyang karanasan sa OJT dahil hindi niya naranasan ang mga ito at ang tanging pinagawa lang sa kanila ay ang pagsagot ng mga datos. Sa kabila ng matinding pagod at pagsubok, napakahalaga naman para kay John ang pagkakaroon ng support system dahil ito ay makatutulong upang malapagpasan niya ang mga ito. Mas makabubuti rin umano ang pagkakaroon ng maayos na palatuntunan at pagtitiwala sa sariling kakayahan upang magkaroon ng mahusay at kalidad na mga gawain. Ani John, “Bilang 4th year student, maraming pagsusumikap, mga araw at gabing pagod pisikal, mental at emosyonal ang nararanasan namin. Pero sa tulong ng mga kaibigan at kaklase, maayos na support system, mas nagiging madali ang mga gawain.” “Makatutulong rin na mag set ng maayos na schedule at iwasan mag cramming upang maiwasan ang mababang kalidad ng gawain. Mas natutuhan kong maging bukas sa ibang ideya at sa gayon rin naman ay magtiwala sa mga kakayahang nadevelop ko at gawin ang best ko para makapag comply sa mga gawain,” dagdag pa niya. *** Ginulantang ng pandemya ang sektor ng edukasyon, pinalala nito ang mga balakid na dinaranas ng mga estudyante sa pagkatuto. Ngunit sa kabila nito, pinanday nitong lubusan ang kakayahan at katatagan ng mga mag-aaral upang sila ay magpatuloy sa pag-aaral. Sa ganitong sitwasyon kung saan ang bawat buhay ay nasa peligro, ang pagkakaroon ng pag-asa ang magsasalba tungo sa isang ligtas na bukas. Pag-asa na magbibigay buhay sa mga pangarap na minsan nang yinurak ng mapaminsalang pandemya.


LITERARY EDITOR Danver Manuel JUNIOR LITERARY EDITOR Ferdinne Julia Cucio

LITERARI

FORGOTTEN DETAILS IN PH CULTURE AND HISTORY

Mga Kwento Noon, Chismis Ngayon. Nabalitaan mo na ba? Ang ano? Ang alin? Alam mo ba kung ano ang nangyari noon? Saan? Kailan? Mayaman sa kultura at kwento ang ating bansa, sa katunayan may ilan na gusto na itong limutin at hayaan. Ngunit, may pakpak ang balita, hayaan mong ikwento namin sayo ang mga kaganapang nangyari noon na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ngayon. Maging bukas ang isip, dahil tiyak na sa mga kwentong ito’y hindi ka maiinip.

39 TOMO LXIII ISSUE II


40 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Steven John Collado

Balik-Tanaw sa Dekada Sitenta Ferdinne Julia Cucio

Itay, Kumusta po kayo? Nawa’y nakakapagpahinga ka pa. Kinausap nga po pala ni ma’am Ramos si nanay kanina sa opisina niya nang sunduin ako nito mula sa klase. Ang sabi niya, malaki raw ang tyansa kong makapagtapos ng hayskul bilang valedictorian ng batch namin! Napakatamis sa pandinig at tila nakalutang ako sa mga ulap. Akalain mo ‘yon, tay? Matutupad ko na yung lagi nating pinapangarap! Mas masaya sana kung narito ka upang sabitan ako ng medalya pero ayos lang rin kung si nanay na lang. Ilang taon na rin ang lumipas pero itay, taksil pa rin ang gabi. Sinusubukan ko namang alalahanin ang mga itinuro mo sa akin upang huwag matakot sa dilim at makatulog nang mahimbing ngunit tila kahit na anong liwanag ng buwan at mga bituin ay hindi ko ito magawang mahalin. Pilit bumabalik ang mga alaala mo na siyang dahilan ng ‘di ko pagtulog. Kung sana’y nandito ka pa upang timplahan ako ng gatas at iduyang muli sa mga hinabing salita…Kailan ko kaya muling mararanasan ang higpit ng iyong mga yakap? Sigurado akong hindi lang ako ang nananabik na makita kang muli, ‘tay. Minsan nga ay napapatingin ako sa mga mata ni inay. Madalas mo ngang sabihin noon na iyon ang nag-iisang pisikal na katangian na namana ko sa kanya at sa iyo na nanggaling lahat na nagbubunsod ng inis sa kanya. Pero sa dulo naman non ay makikita kong muli ang pagsilay ng inyong mga ngiti. Kung tutuusin, madalang nga siyang magpakita ng emosyon, itay, ano? Pero kung titignan mo ang kanyang mga mata ay umaalpas ang mga emosyong kanyang itinatago. Kay hirap sigurong magpanggap na masaya gayong hanggang ngayon ay kinikimkim pa rin niya ang lahat. Nagpapakatatag naman siya para sa aming dalawa, itay, kaya wala kang dapat alalahanin. Kahit papaano ay nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Yun nga lang, hindi naman ang kahirapan ang nagpapahirap sa amin, itay. Sa bawat araw na lumipas nitong nakalipas na limang taon ay isang hindi masikmurang bangungot. Ang hirap humakbang papalayo, ‘tay. Sa tuwing susubukan naming makalimot ay parang mayroong pulso na pumipigil sa amin. Hindi ko mapigilang hindi maghinagpis paminsanminsan. Nakapanghihinayang, nakalulungkot, nakatatakot. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga kaganapan noong araw na iyon. Nag-uumapaw ang saya sa iyong boses nang sabihin mo sa amin na natanggap ka sa trabaho bilang drayber ng isang politiko. Mahigpit nitong kinakalaban ang presidente pero sabi mo ayos lang kasi protektado naman kayo at marami namang benepisyo. Sabi mo pa nga, may pag-asa na akong makapagpagamot sapagkat bukod sa trabahong ibinigay sa iyo ay nag-alok rin ng tulong ang amo mo sa bayarin sa hospital, hindi ba? Pero tay, bakit isang malagim na balita ang sumalubong sa amin ni inay makalipas ang tatlong buwang pagtatrabaho mo sa kanya? Bakit imbis na isang malusog na ikaw ay malamig na bangkay ang bumalik? Ayon sa ulat ng polisya, nakita na lang raw ang katawan mo sa gilid ng bangketa; nakabalot sa masking tape ang ulo mo at may katabing karatula. Litaw rin ang mga pasa at sugat sa iyong balat na sintomas ng labis na pagpapahirap. Napakabuti mong tao pero bakit naman umabot sa ganito, itay? Hindi ba ipinangako mo kay inay na kailanman ay hindi mo siya paiiyakin? Ngunit pumatak nanaman ang kanyang mga luha kagabi. Tulad ng gabing hinawakan niya ang aking mga kamay habang pilit iniimpit ang kanyang pag-hikbi nang sabihin niya sa akin na hindi ka na raw babalik. Sana pala ay hindi ka na lang nagpadala sa mga pangako nila. Ayos lang kahit hindi na natin maipagamot ang aking mga paa. Ayos lang kahit bumalik tayo sa panahong halos wala na tayong makain. Itay, kung buhay mo pala ang kapalit, sana hindi na lamang kita hinayaang umalis. Yung mga alaala ng mga panahong nakasama ka namin, nandito pa pero ikaw wala na. Sa dinami-rami ng mga aral na ipinamana mo sa akin, bakit hindi mo itinuro kung paano tanggapin at irespeto ang rehimeng siyang pinagkaitan ako ng bukas na kasama ka?

Nagmamahal, Priscilla


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

LITERARI | 41

Kaming mga Tala Nathaniel Piedad

Talang nagliliyab, ngunit init ay nanlumo Ito kaya sayo’y magsasamo? Kasama ang aking tribo, marami akong pinagdaanan. Matapos ang mga pagsubok ng panahon, digmaan laban sa mga mananakop, at sakunang pangkalusugan, nagpatuloy kaming mamuhay. Maraming bago sa’ming paningin, mga sistemang biglaan lamang ipinatong sa’min, ngunit amin ‘tong ininda. Dayuhang tao man ang namuno at nangalaga samin, sumunod at nakipagkasundo kami.

Talang nagniningning, na tutupad sa‘yong hiling, Tiwala ba nito’y iyong aabusuhin? Ibinigay namin ang aming tiwala sa natatanging banyaga, manggagamot na maputla, nangako ng kabayaran sa aming pagpapakitang gilas. Itinawid kami sa dagat sa loob ng higanteng bangkang bakal na kagulagulantang na tunay kasama ang ibang tribo, marahil ay aabot lagpas isang libong katao, at ihinatid sa lupang ‘di namin kilala. Matapos ay isinakay kami sa isa na namang kagila-gilalas na sasakyan, gawa rin sa bakal at mas mabilis pa sa karipas ng kahit anong kabayong aking nakita. Tila higanteng sawa ito, at kami’y lumugar sa tiyan nito upang ipunta sa aming paroroonan. Matapos ang biyaheng kay tagal, sa loob ng lupang pinaligiran ng bakod na kawayan kami itinira. Sa pagtupad ng aming mga nuno sa mga ritwal, kulturang sagrado, tila may mga namamangha. Sa labas ng kawayang bakod, mga nagsisiputiang tao, mga banyaga rin ani ina. Sa aming pagsayaw, marami silang nagsititig, at sa aming pagtambol, marami silang nagsikinig.

Talang kamangha-mangha, sa taas ay malaya Kung ikulong mo kaya’y ‘di magsasawa? Mga ritwal na minsan lamang naming ginagawa, naging pang-araw-araw na trabaho. Ang pagkatay at pagkain ng mga aso na ginagawa lamang namin sa mga panahon ng digmaan, dinalasan na ring gawin. ‘Di ko alam kung bakit, ngunit kada subo ko ay pinanonood na mabuti ng mga banyaga, Natatakam kaya sila? O kaya nama’y naiinggit? ”Look at these savages. How could they possibly govern themselves?” ‘Di ko nalalaman ang ibig sabihin ng isang manonood nang kaniya itong sabihin. Ito ba ang paraan niya ng pagsabing natutuwa siya? O kaya nama’y namamangha? Sa inang lupain namin, ang mga salitang ito ba ay may halaga? Itanong ko man sa manggagamot na banyaga, ‘di niya ako masagot.

Talang ninakaw mula sa langit, liwanag sa mundo’y inangkin Sa pangangalaga mo, ito ba’y liliwanag pa rin? Kami’y dinala kung saan-saan gamit ang mga bakal na sawa gaya noon. ‘Di nagbago ang aming trabaho, ngunit ang kabayarang pinangako samin ay tila ‘di namin natanggap. Gumanda nga ba ang aming buhay? Marahil ‘di ko na maunawaan, ngunit tumutupad pa rin kami sa kasunduan. Pangangalaga samin ay unti unting nawala. Dalawa sa’min ang pumanaw sa paglalakbay. Dalawang bangkay na ‘di nailibing, ‘di nabigyang karangalan. Tila kasama ng kanilang pagpanaw ang pagwaksi ng dangal ng aming tribo sa kamay ng mga banyaga. Kami ang saksi sa abuso ng sistemang binuo… para saan? Sa kanilang katuwaan?

Talang naghihingalo, unti-unting naglalaho

Dahil sa kasinungalingan mo, mundo kaya nito’y guguho? Isang araw ay nawala ang manggagamot na banyagang aming pinagkatiwalaan. Balita ng isa sa mga nuno, nabilanggo siya. Ang kadahilana’y ‘di ko nababatid, ngunit alam ko sa kaloob looban ko na nararapat lamang ang kanyang hinantong. Nawala man ang banyagang sumumpa sa amin, naiwan pa rin ang kaniyang sumpa. Balita ni ina, ang mga pagkawala ng mga aso sa aming paligid ay isinisisi sa’min, samantalang kami ang araw-araw na inaabutan ng asong kakatayin. Balita naman ng aking kaibigan, mga kwento kung sa’n nakikipagbuno kami sa mga banyaga ang umiikot sa kanilang mga sulatin. Ito ang legasiyang naiwan ng tribo namin, ang pagiging mga mamamatay-asong salbahe mula sa kalayuan, bago kami isinakay muli sa bangkang bakal pauwi sa aming inang lupain.

Talang malayo, na inilapit sa katotohanan Anong kakaibang liwanag ang iyong nasilayan? Sa aking pinagdaanan, napaghinuha kong ang pagtingin nila sa amin ay gaya ng pagtingin namin sa mga tala sa langit. Manghang mangha man kami sa liwanag ng mga ito’y marahil ‘di namin mauunawaan ang katotohanan nito sa pagtingin lamang.

Talang mapanglaw, na sa kadiliman itinira Mawala man ang baga’y kumikinang pa rin tila.


42 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Steven John Collado

Maskara Jose Emmanuel Mico

Buwan na ng Oktubre, muli akong gigisingin ng mga malalakas at makukulay na musika’t tawanan mula sa labas. Naaalala ko noong panahon namin, tuwing ganitong lumalapit na ang pagsapit ng MassKara Festival, umiinit lalo ang pag-gunita salungat sa lamig ng hangin na dala ng “Ber-Months”. Makikita ko na muli ang iba kong kababayan na sigurado akong nasasabik na ring makisaya sa isa sa pinaka-engrande na pestibal dito sa bansa! Nagsisimula nang maghanda ang bawat isa ng kani-kanilang mga maskara, ngunit ako, isusuot ko na lang ang aking paboritong panakip sa mukha, na may detalye ng mapuputing perlas bilang tulo ng luha, at mga decorasyon ng ngiti na inanyuhan ng maningas na pula sa bandang labi nito. May mga kumikinang na pinong disenyo, na tila ba bungkos ng napakaputing asukal, kasama pa nito ang mga hugis dahon ng tubo sa bandang noo. Walang papansin sa pag-suot ko nito sa labas, dahil normal na ang ganitong gawi habang ipinagdiriwang pa ang pestibal. Kahit saan ako pumunta ay nakakabit sa aking mukha ang maskarang sumisimbolo sa akin. Pinaniniwalaang ito ang siyang magbubura ng mga masalimuot na nadanas ko, pati na ng aking mga kababayan dito sa Bacolod. Ang pagsugpo sa mga bagay na ito gamit ang isang bagay na may permanenteng ngiti, at pagbabaliktad ng mga simangot sa aming labi ay siyang aking lubos na nadarama. Narinig ko ang ingay ng malalaking speaker para sa mga paligsahan sa pag-sayaw, “Sound check?” ika ng isang lalaking naka balanggot. Magagara ang mga kasuotang ihinanda ng bawat isa ngayong taon! Kasing-aliwalas ng bawat ekspresiyon na nasisilayan ko sa aking mga minamahal na kababayan sa kasalukuyan. O tunay na kay gandang makita ang mga ngiti sa likod ng mga ngiti, kaya siguro tinagurian rin ang aming lungsod na “City of Smiles”. Sa aking pagtalikod ay naamoy ko naman ang aking paboritong kainin tuwing MassKara. Ang inasal na ihinanda ni Aling Joy na tiyak na dudumugin nanaman ng mga turista. Nakakatuwa naman! Kahit nakikita ko ang pagod sa kaniyang mukha - na siyang namamawis na dahil sa maghapong pagharap sa ihawan, nangingibabaw pa rin ang ngiting nakasisilaw sa bawat kostumer niya. Iyon siguro ang kaniyang sikretong sangkap. Malayo pa man ngunit natatanaw ko na ang naglalakihang sasakyan na inayusan ng magagarbong disenyo, siyang nakapupukaw ng atensiyon ng maraming narito rin sa pampublikong plasa ng Bacolod. Hindi ko man ito malapitan dahil sa siksikan at hindi na ako makaalis sa aking nakuhang puwesto, pipiliin ko na lamang na manatili dahil nalalapit na ang aking paboritong parte ng pestibal.

Ang pormal na pagsisimula ng paligsahan sa pagsayaw; ang pinakahihintay ko gaya ng nakararami. Nakikita ang halong kaba at pananabik. Sa tuwing nagsisimula na ang mga mananayaw na ito, tila ba napupugnaw ang lamig na bumabalot sa aking katawan, at binubuhay ng musika ang aking laman na para bang inaakay akong sumali sa mga nagtatanghal. Tiyak na hahanaphanapin ko na ang pakiramdam na ito hanggang sa susunod na taon. Habang nakalundo, mainam na kong itinindig ang aking postura, pinagmasdan pang muli ang bayang punong puno ng tawanan, ng kasiyahan, ng mga ngiting hindi ko kayang itumbas sa kahit anong kayamanan. Ang mukha ng mga sinubok at lumaban at patuloy pang lumalaban sa pamamagitan ng pagpapaalab ng tradisyong nagpapagaan ng mga bagay na sa kanila’y nakapasan. O mahal kong lungsod, gaano kadakila ang iyong pag-ahon. Gaano kabanayad ang iyong tinahak na landasin upang mapaikot ang padausdos na pakiramdam na siyang bumalot sa iyo noong nagdaan ang mapanglaw na panahon. Habang nagsisimula na ang pagliligpit sa plasa, unti-unti nang bumabalik ang lamig sa aking kamay. Maaring dala rin ng lamig ng gabi, o baka napagod na rin ang aking katawan. Bago ko pa man lisanin ang masiglang lugar, inikot ko ang aking paningin sa kabuoan ng lungsod; nagising akong muli ng pinakamagandang musika, nasilayan kong muli ang nakangiting mukha ng bawat isa, naamoy kong minsan pa ang inasal ni aling Joy, nakiingay, nakisayaw, at naki-isa sa hakbang patungo sa mas maaliwalas na parte ng mga bagay-bagay. Ako’y naglakad na pauwi, iniisip kung gaano ko kahalintulad ang “City of Smiles”. Patuloy ko mang ikinalulungkot ang mga bagay na nangyari sa akin, kasama ng kolektibong pagtatransisyon ng aking mga kababayan sa mga bahid ng paninimdim, aking itinaas ang dalawang dulo ng aking labi. Ang ganitong paraan ng pag-alala ay simbolo ng katapangan at katatagan. Tunay na karapatdaat itanghal at ipagmalaki sa buong mundo. Kaya’t hindi ako mag-sasawang bumalik dito. Sa pagbaba ng aking maskara, ay tuluyang bumagsak ang mga luhang hindi ko naitangis sa aking pagkawala. Paalam nang muli, mahal kong Bacolod. Nag-mamahal, Nora Montalvo.

(Montalvo Family: Nora Montalvo wife of then mayor Jose Montalvo of Bacolod their daughters Mylene, 17; and Yvette, 7; and motherin-law, Anicia Kilayko, were never found and believed to have died inside their cabins. It was remembered by the Bacolodnon’s that the mayor was at a sorrowful state traveling to Northern Negros, Capiz and as far as Romblon and Oriental Mindoro to look for his missing family members. As described by some “he would open every casket, body bag and blanket and call out their names”)


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

LITERARI | 43

Titig Rod Mendoza

Kanina ko pa hinihintay ang inorder kong pulutan, mauubos na ang tinutungga kong alak, hindi pa rin ito nagpaparamdam. Dinudumog kase ang karinderyang ito, halos punuan bawat araw. Ngayon ko lang naisipan na dito maglasing, ganoon siguro talaga kapag wasak ang puso, wala ng pakialam sa lugar, mailabas lamang ang sakit na nararamdaman.

Matapos pagsama-samahin ay isinunod niya ang toyo at suka, kumutsara siya ng mayonesa at naghanda ng isang itlog na aking ipinagtaka. Isasalin na sana niya nang biglaan kong pinigilan ang kanyang braso. “Teka ate, bakit may mayonnaise at ilog?” Inagaw ko ang kanyang ginagawa at ako na ang nagpatuloy, tumaas man ang kilay nito dahil sa gulat, hindi na niya ako napahinto.

“Miss baka bandang ala-una pa po maluluto ang inyong sisig, nananghalian po yung isa naming taga timpla,” nagpintig ang aking tainga nang ito ay marinig. Huminga ako nang malalim saka ko siya tinitigan nang masama, wala sa aking planong tiisin ang kawalan ng makakakain sa gitna ng pagdadrama. “Aba kuya, alas-onse pa ako nandito, dalhin niyo ako sa boss niyo ngayon din mismo!” Pansin kong labag sa loob niya na sundin ang aking sinabi ngunit nakita niya ang hawak kong bote ng alak, hindi ko alam kung iniisip ba niyang ihahampas ko ito sa kaniya o pagod lang siya kaya hindi na siya makikipagtalo sa isang lasing.

“Ate makinig ka, at lahat kayong narito na nagkakaisa para sa sisig, walang itlog at mayonnaise ang inoorder kong orihinal, isang kalapastanganan!” Isinigaw ko ang kanina ko pa tinitiis. Sa tuwing may inihahaing klasikong sisig ay may itlog na palamuti sa ibabaw o kaya’y may pakurba-kurbang puting sarsa. Nakapanlulumo na limot na nila ang tunay na pamana ng isang kusinerang kapampangan na nagpasimula sa lutuing ito sa lungsod ng Angeles. Ibinabalandra sa mga menu, ipinapaskil sa gilid ng kalsada ngunit walang pakatotohanan ang tatak na ‘original’ kuno kapag inihapag na sa mga mesa. Mabuti ang pag-usbong ng kaunlaran sa ating kultura ngunit ang tahasang pagyakap sa maling impormasyon dulot ng salitang ‘kinagawian’ ay isang kabiguan sa ating lahi at pagkakakilanlan.

Habang naglalakad, lumapit lang siya sa akin, nababahala siguro na baka anumang oras ay maaari akong bumulagta dahil aminado akong may kaunting gewang na sa aking paghakbang. Pagkatapak namin sa kusina, mistula itong ulap sa kapal ng usok mula sa pag-iihaw. Tambol din kung sasabayan ng liriko ang paglapat ng mga kutsilyo sa kani-kanilang sangkalan. Iisa na lamang ang nagtitimpla subalit hindi maitatanggi na ang lahat ay nagpapakapagod para sa natatanging himig, ang sagitsit na alay niya sa puntong isinalin na sa sizzling plate ang minimithing putahe. “Miss kumakain din po yung amo namin, didiretso raw po siya sa inyo pagkatapos,” imbes na lalo akong magalit, sinadya kong huwag siyang pansinin at lusubin ang kaabalahan sa kusina. Tinabihan ko si ate sa istasyon ng timplahan. Pinagmasdan ko kung paano niya pinaghahalu-halo ang mga sangkap. “Ate pwede niyo po bang isingit ang aking order? Orihinal po ang sa akin,” tinanguan lamang niya ako bilang sagot. May iba’t ibang klase sila na may samu’t saring pakulo rin na nagbibigay ng panibagong identidad. Nariyan ang pinirito ang maskara ng baboy kaysa ihawin, may mga bangus na rin at manok bilang pamalit na karne. Sumalok siya ng isang mangkok ng tinadtad na baboy at isinalin sa malinaw na lalagyan. Kumuha siya ng paminta, asin, hiniwang sili, at pinong puting sibuyas.

Dahil sa aking ibinulas, tinapunan nila ako ng matutulis na tingin. Kasalukuyan akong nagdaramdam dahil sa pagtatalo namin ng aking asawang hindi ko nabigyan ng salaping pansugal. Pumarito ako upang palayain kahit saglit ang pait na nasa aking damdamin, hindi ko inaasahan na ang parehong mga matang ipinupukol ng aking mister ay ang mga matang sa akin ngayon ay nakapalibot. May pumasok na lalaki, nagngangalit ang itsura nito. “Boss, siya po ‘yung tinutukoy ko,” bulyaw ng weyter na kanina’y nagbitbit sa akin dito. Tila hindi niya ito narinig, pagdating niya sa aking harap ay may isang bugso ng mala-yelong bakal ang naramdaman kong tumarak sa aking tiyan. Sumasara na ang talukap ng aking mga mata, hinihila ako ng antok habang walang hinto ang pagdami ng mga lamig na tumutusok sa aking katawan. Nagpumilit akong dumilat na aking pinagsisihan sapagkat sinalubong ako ng isang titig na tila pamilyar. Lumubha ang kirot sa aking dibdib, tinalo nito ang hapding dulot ng hindi mabilang na saksak. Sa muli kong pagmulat, nawala na ang mga nagtatadtad ng inihaw na baboy, ang nagpipino ng sibuyas, ang nagtitimpla ng sisig, at ang usok na kanina’y pumapaikot. Tanging ako na lamang ang nandirito, sa aking kwarto, nakahimlay sa kama habang pinagmamasdan ang matalim na titig ng aking asawa.


44 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Steven John Collado & Excy Bea Masone

Bubog ng Kahapon Lance Josef Landagan

Daan-daang kombinasyon ng numero. Itinayang pera na aabot na sa ilang libo. May mag-aakala bang sa takip ng bote lang pala mahahanap ang isang milyong pisong panalo? Noong 1992, ang sagot ay oo. Desperasyon. Nag-aapoy ang kagustuhan ng Pepsi na maging numero uno sa merkado, at ang kanilang gasolina sa byahe tungong tagumpay ay ang pakulong ‘Number Fever’. Ang bawat tansan ay may kaakibat na mga numero, kada kombinasyon ay may tiyansa na manalo. Ang dating iniipon para gawing pamahiran ng paa o kaya’y marakas pagdating ng pasko, pera na ang kaloob noong panahong iyon. Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, buong bansa nagkagulo. Tinatayang kalahati ng populasyon ng mga Pilipino ang kasaling umaasa na maaasam ang pinakamalaking premyo. Kaya ang kompanyang pasimuno tuluyan nang umangat sa kompetisyon. Ganid. Papaangat na ang takbo, papalapit na rin ang rebelasyon ng maswerteng milyonaryo. Kaliwa’t kanan na rin ang mga kwento ng nakawan, awayan at iba pang gulo dahil sa kagustuhang manalo. “3-4-9,” anunsiyo sa kahong telebisyon.

Lumundag ang sangkaterbang Pilipino sa tuwa na sila ang nanalo. Tapos na ang paghihirap. Ang iba’y lumuha na ng balde-balde dahil makaaalpas na sa kapos na kalagayan. May mga ngiting singkintab na ng ginto ang kinang ng magandang kinabukasan. Samantalang ang iilan ay pasikreto nang naglilista ng pagkagagastosan. Sangkaterbang Pilipino ang nagbunyi ng panalo, hindi kabilang ang mga kapitbahay, kamag-anak at malalayong kadugo na nag-aasam ng balato, kundi ang mga may hawak mismo ng tansang naka-imprinta ang mga numerong panalo. Gano’n kadami ang magiging milyonaryo? Ang malabong katotohanan ang siyang hudyat ng malaking gulo. Nailaan na pala bilang numerong hindi mananalo ang 349 kaya maraming takip ang naglalaman ng kombinasyong ito. Huli na nga lang ang lahat dahil nasa labas na ng opisina ng korporasyon ang mga Pilipinong inaakalang maiuuwi na nila ang premyo. Sa halip, paumanhin at kakarampot kumpara sa isang milyon ang alok. May ilang tinanggap na lang ang kapalaran, maraming pinaabot pa sa korte ang laban. Ang hatol: Pabor sa kompanya dahil malinaw daw na dapat may palahudyatan ang panalong

tansan na hindi makikita sa libo-libong takip na may 349. Pagkawala. Ang naalog na pag-asa, relasyon, kapayapaan at pera ay tuluyan nang nakawala. Naglaho lang itong parang bula pero mapaminsala. Ang pinakamalala, may pinasabog na trak ng kompanya na bumawi sa buhay ng isang bata at inang nagkataong nandoon lang. Ganoon pa man, walang nagwagi sa laban. Maging ang kompanya ay hindi na nalampasan ang kakompetensiya kailanman. Tuwing titingin tayo sa malamig na softdrinks ang ating nakikita ay pantawid uhaw o init. Para sa mga nakaaalala sa pangyayari, nakakatuyot ito ng lalamunan at may dalang pait. Ala-ala ng bigong pantawid sa kahirapan o ang bumawi sa init ng buhay na walang kapalit. Isang kombinasyon ng numero. Pinsala sa buhay ay lagpas libo-libo. May mag-aakala ba na takip ng boteng nangangako ng isang milyong piso ang magdudulot ng ganito kalaking gulo? Noong 1992 wala siguro dahil lahat sila’y pinuno ng isang basong pag-asa na sa isang lagok ng pagkakamali’y nawala. Daan-daang libo pala silang nagbubunying milyonaryo, at kahit isa’y walang magkakatotoo.


LITERARI | 45

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

ARTISTA

Habag sa hapag

Justine Mae Feliciano

Lance Josef Landagan

“Mayaman? Baka sikat din!” ‘Yan ang madalas kong sagot sapagkat hindi ko rin naman mapagkaila dahil marami ring kumakausap sa nanay kung maaari ba kaming makuhanan sa camera habang kumakain. Paano ba naman kasi, kung sumubo ang aking kuya ay ganadong ganado, si ate naman ay laging nakangiti sa busog, habang nag-aagawan kami ng iba ko pang mga kapatid sa dami ng pagkain sa aming harapan. Biruan nga namin sa isa’t isa ay baka mapalitan na namin bukas makalawa ang mga artista sa pagiging natural namin sa harap ng kamera. ‘Yon nga lang, hindi kasi sa teleserye ipinalalabas ang aming mga pagganap, kung hindi sa balita—madalas pa ngang pamagat ay “Mga Batang Pagpag”.

Bilin

Iba’t ibang mga putahe ang nakahain sa hapag. Ang iba ay may sabaw at sarsa. Tila ka’y sarap higupin ang mainit na sabaw at isawsaw ang lechon sa kaniyang malinamnam na sarsa na nakapaibabaw. “Anak, halina’t kumain ka”, sambit ni nanay na may kasamang malamyos na mga ngiti. Dali-dali akong lumakad papunta sa hapag upang matikman ang mga nakakatakam na pagkain na kanina pa ako tinatawag dahil sa kanilang mga amoy. Pinagmasdan ko si nanay na masayang nagsasandok ng kanin at ulam na kaniyang nilalagay sa aking mga plato. Busog na busog ang aking mata sa mga pagkain na sabik na sabik ko ng malasahan. Kasabay ng pag abot ni nanay ng pinggan ang pagkulo ng aking tiyan dahil sa gutom na aking nararanasan. Masaya kong isusubo ang pagkain ng biglang “LUMAYAS NGA KAYO RITO SA RESTWARAN KO ‘DI MAKAKAIN NG MAAYOS ANG MGA KOSTUMER KO! ANG BABAHO N’YO!”

Lance Josef Landagan

Mag-ingat. Doon lang sa tamang tawiran. Ang sabi ni nanay, basta mag-ingat lang daw ako para hindi mapahamak. Dire-diretso mula sa bahay. Kaliwa sa paradahan ng mga dilaw na traysikel, dahan-dahan lang at kumakaripas na lang sila bigla kapag may pasahero nang maisasakay. Kanan doon sa magarang bahay na kulay asul, sabi ko kay nanay gusto ko rin ng tirahan na gano’n. May sasakyan pa tapos asong balbon.

Diretso lang ulit hanggang makarating sa highway, tapos tatawid sa mga puting linya. Wala si manong na nagpapatigil sa mga sasakyan, noong una ko siyang nakita sabi ko kay nanay, “Paglaki ko, gusto ko maging gan’yan!” Humakbang na ako sa mga parihaba na iba ang kulay sa daan. Bawal lumampas ang paa, talon kung kinakailangan kundi malalaglag ako sa kawalan. Pag-uwi ko masaya kong ibabalita kay nanay na, “Nagingat po ako ‘nay. Dumaan po ako sa tamang tawiran. Sinunod ko sinabi niyo ‘nay, doon pa nga po ako sa puting linya humandusay.”

KWENTONG LANSANGAN

Kung may paborito man akong bahagi ng isang araw, iyon ay ang dapit hapon—iyon kasi ang hudyat na pauwi na ang tatay galing sa trabaho dala-dala ang aming mga pasalubong. Fried chicken, burger, spaghetti… ilan lamang ang mga iyan sa normal na nakahain sa aming hapag mula sa iba’t ibang kilalang fast food chains kung kaya ay madalas punain ng aming mga kalaro ang marangya naming pamumuhay buhat sa aming mga kwento.


46 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Excy Bea Masone

Adobong Aso Danver Manuel “Halina kayo mga anak ko, handa na ang hapunan”, tawag ni lola sa apat n’yang aso. Mahal na mahal ni lola ang mga alaga n’ya, hindi s’ya pumapayag na hindi masarap ang ulam nina Puti, Blacky, at Tagpi. “Wow lola, ang sarap naman ng ulam natin.” “Aba oo naman apo, masarap talaga ‘yan at galing pa ‘yan sa Jollibee.” Sagot niya. Kinain namin ang mga pagpag na niluto ni lola. Bagamat ito ay tiratira, hindi maitatanggi na nanunuot pa rin ang lasa ng Chicken Joy sa maruming manok na napulot lang ni lola sa basurahan. Sobrang saya ni lola habang sinusubuan ang tatlo n’yang aso. “Aling Puring ibenta mo na sa akin ‘yang mga alaga mo, wala kaming pulitan ngayong gabi. Babayaran ko, 500”, Inakbayan ng isang manginginom si lola pero itinaboy n’ya lang ang braso nito. “Huwag mong pag interesan ang mga alaga ko!” Sigaw ni lola sa kanya. “Ang hirap mo naman pakiusapan aling puring!” Nilabas ng manginginom ang kanyang baril at itinutok sa mga aso ni lola. Napasigaw si lola at niyakap ang kanyang mga alaga. Laking gulat ko nang makarinig ako ng putok ng baril. Napalingon ako sa gawi ng kalsada at nakatanaw ng mamang naka-asul, may pulis.

KWENTONG LANSANGAN

“Manang ayos ka lang ba?” tanong niya kay lola, “matagal na naming suspect itong si Pablo sa pagtutulak ng droga.” “Kinabahan ako sir, buti na lang ‘yung adik ang nabaril mo at hindi ang aking mga aso.”

Bibingkang Kanin Danver Manuel Natapos na ang klase at pauwi na kami ng aking mga kabarkada habang umiinom ng kape galing starbucks. Araw-araw kaming umiinom ng tigtatlong daang piso na kape dahil iyon ang gawain ng mga sikat at mayayan naming kamagaral. Nang makaakyat kami sa sa overpass, isang manag ang lumapit sa’kin at inabutan ako ng kakanin. “Anak heto bibingkang kanin kainin mo, masarap itong isabay sa kape” aniya ngunit nilampasan ko lang s’ya at hindi pinansin. Nakakainis naman si Mama, sabing huwag akong lalapitan kapag kasama ko ang aking mga barkada.


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

LITERARI | 47

‘Yung Bata! Jose Emmanuel Mico

Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa aking mata, ngunit kailangan kong tatagan. Nasa labas ng bahay sina inay at itay, nais ko munang ayusin ang sarili ko bago ako humarap sa kanila, aking hinaplos ang aking tiyan. Ilang buwan ko na itong nararamdaman, kailangan na nila itong malaman. Masasaktan man ang aking mga magulang sa kanilang maririnig, ngunit hindi ko na ito kayang itago pa. Humakbang ako ng dahan-dahan, kinikilabutan dahil sa ako’y nakayapak lamang. Ang lamig ng semento, kailangan kong bilisan. Nakita ko silang dalawa na parang nag-uusap nang masinsinan. Tiyak na mabubulyawan na naman ako, inilagay ko ang aking dalawang kamay sa aking likuran. “Ano iyon anak?” “May sasabihin po sana ako sa inyo..” pabulong kong sinabi habang hinaplos kong muli ang aking tiyan, nangingilid ang luha sa aking mga mata. Nahihilo ako, para akong babagsak. Ano ang pakiramdam na ito? “ANAK!” naramdaman ko ang nanghihinang mga bisig ng aking ama na ako’y pinipilit itayo. Ang aking sinabi ay nagdala rin ng luha sa kanilang mga mata, “Nagugutom na po ako itay, inay.”

Hanggang sa Muli Lenilyn Murayag “Sampaguita po, pangkain lang,” sambit ng isang siyam na taong gulang na batang lalaki na kumalabit kay Ivan habang nag-aabang ito ng bus pauwing Bulacan. “Magkano ba ‘yan?” tanong niya sabay turo sa limang supot na sampaguita na tangan nito sa magkabilang kamay. “Sikwenta nalang po lahat, byaheng pauwi,” tugon nito habang nakititig sa suot na ID ni Ivan. Magkahalong pagkahabag at paghanga ang naramdaman ng 27 anyos na binata. Sa isip niya, hindi niya naranasan ang maglako ng paninda sa lansangan noong siya ay nasa kaparehong edad nito. Hindi kailanman nakaranas ng kasalatan sa pamumuhay si Ivan, bagay na ipinagtaka ng marami sa kanilang bayan nang mabalitaang nagloko raw ang binata noong nasa kolehiyo ito. Ang balita, nabuntis daw ni Ivan ang 18 taong gulang na kasintahan, at hindi pinanagutan dahil sa kakulangan ng kahandaan sa kaakibat nitong responsibilidad. Sa pagpapatuloy, unti-unting bumalik ang dating sigla ng binata at kasalukuyan

nang manager sa isang kilalang restaurant sa kalakhang Maynila. “Osige, bibilhin ko na lahat iyan. Ito ang isang daan,” saad ni Ivan sabay yuko at tapik sa balikat ng bata. Hindi nakapagsalita ang bata at tanging pagyakap ang naging tugon nito kay Ivan. Niyakap din niya ito at sinabihang umuwi na at huwag ng magpagabi pa sa lansangan. “Opo, uuwi na po ako. Siguradong matutuwa po ang nanay ko,” nakangiting sambit nito habang hawak ang isang daang piso na binigay ng binata. “Naku, sana nga ay matuwa siya. Oh, paano, nariyan na ang bus na sasakyan ko. Hanggang sa muli. Mag-ingat ka sa pag-uwi, iho,” sambit ni Ivan habang nakatingin sa bus na nakahinto na sa kanyang kinatatayuan. “Hanggang sa muli, tay,” bulong ng bata habang nakatanaw sa bus na sinakyan ni Ivan.


48 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Steven John Collado

Subhetibo Francis Del Rosario

Gintong bantayog na Diyos ng mundo Lahat ay naglalaway, lahat ay uhaw rito Sa buhay ng tao, ang bandila ng tagumpay, Ay tila mailap sa pagwagayway May istrakturang binuo ang lipunan, Pinanday ng panahon, ‘di nilipasan ng buwan Subalit ako, bakit sinusubukang akyatin ang istraktura? Bakit aking niyayakap ang bantayog nila? Nakalulunod at nakalulula Hirap makisabay; bandila’y ‘di maiwagayway

Kisap saPaa Rod Mendoza

Hindi ka pa ba nababahala Sa pagtrato ng nakararami sa kanila Dinaig pa nila ngayon si bathala Dignidad ng iba ang ginagatla Ah may mga alipin na sila Matayog ang turing ng madla Walang may kumokontrang dila Nirerespeto ng mga hindi pinagpala Mahihirapan ka nang kumawala Sa oras na sila ang inabala Ikaw ang magmimistulang bala Ang buhay mo ay isa sa itatala

HilingnaPag-iglip Rod Mendoza

Noong luntian ay hindi inalagaan Kung kailan nalanta saka nilapitan Luha ang ginagamit kapag dinidiligan Wala namang dulot, hindi na masiglahan Bumuhos ang bilang ng mga sumisilay Simpatiyang tumindig sa hiya sa buhay Kilabot na itinatanggi sa pulbos ng patay Puting bulaklak ang tanging inialay Huli na ang lahat ng pinagsisisihan Kirot sa puso ay wala nang katuturan Dati’y ginigising kapag nagtutulog-tulugan Ngayon kahit maglumpasay hindi na tinatablan Kailangan niya ang mabuting pag-akay Subalit dapat ay ipinamalas nang walang ngalay Matutuwa pa kaya siyang ginigising nang matamlay Kung natamasa na ang hiling na pagdamay

Umaani sila ng pagkilala Kapangyarihang buhat sa kandila Wala silang balak umalala Basta’t makapuwesto lang sa tala Palit-buhay upang maging dakila Patuloy sila sa pagpapakapal ng tela Para sa taas ng katayuang lumalala Kaluluwa ng iba ang isinasangla Tanda niyo pa ba ang simula Noong sapin sa paa’y wala Sa kasalukuyan mayroon ng tagalala Tagalinis, taga-tago, kahit tagadila


CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

BuhayngLaylayan Ferdinne Julia Cucio

Malamig, maingay, magulo; Namulat sa lugar na pilit ikinukubli ng mundo. Tahanang yari sa pinagtangpi-tagping yerong inanod sa istero. Ang araw-araw ay tila isang gyera na kailangan mong ipanalo. Sa pagsapit ng dilim ay kakapit sa patalim; Hindi na iisipin kung mali ang gagawin. Kung hindi na masikmura ay ibabaling ang tingin, Upang ginhawa sa pamilya’y maipatikim. Konsensya’y walang alinlangang isasanla Mapunan lamang ang mga kumakalam na sikmura Sa pagbalik ay may bitbit na-Mga ipinamili gamit ang perang galing sa gintong namina mula sa bulsa ng iba Ang daratna’y matatamis na ngiti, Mula sa mag-iinang naghihintay sa kanyang pag-uwi, Kalapastanganan pa rin ba na maituturing-Kung ang tanging hangad lamang ay ang kanilang ikabubuti?

LITERARI | 49


50 | LITERARI

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Steven John Collado

Panglaman tiyan langpo Daniel Paolo Aquino

Hindi po ako masamang tao; Nais ko lang humingi kahit piso Punuin ang aking latang dala, Para sa hapunan mamaya Kahit nakagatang tinapay, Sold na mga nasa bahay Maraming salamat, Pasensya’t buhay ay salat

WalangPilak naBulak Rod Mendoza

Hindi sinlambot ng puso ang bulak Mas matigas pa nga ito, tulad ng pilak Kapal ng balat nito’y hindi mababakbak Mahihirapan kung hihintaying humalakhak Kadalasang katambal ni kamatayan Ang awa, kapurihan, at kabaitan Malimit mapasakamay sa katunayan Hindi mo din masisisi kung pinag-aawayan Katiting na habag ay ipagpapasalamat Kahit pa buhay na ang nagkalamat Ganoon siguro talaga, sa pintig inalat Kinailangang maglaho para lang masalat

Limos

Lumuhod ka man ay wala nang katuturan Putulin ang hininga upang dibdib maglambutan Sa kabaong doon ka lang pinahahalagahan Sa ala-ala ka na lang din iniiyakan

Justine Mae Feliciano

Sa limang bagay sa lata kong panlimos Madalas kong isipin kung ano ang pinakamaingay Iyong kayang konting barya na nag-uuntugan na? O ‘di naman kaya ay ‘yong kendi na bigay ng isang lola kanina ‘Di naman siguro iyong plastik na parang tinapon lang sa aking lalagyan Mas lalong hindi ang nag iisang bente na minsan ko lang makuha Sa patuloy na pagkalog ay s’ya ring titig ko sa mga hawak ko Hindi ko na napansin ang dinadaanan nang biglang masagi ako at tumapon nito Sabay ng pagbagsak ko at ng ulan Habang kumakalan ang tiyan Doon ko lang naisip na wala sa mga nabanggit ang pinakamaingay Sapagkat ako pala iyong mismong lata na umiingit sapakagat walang laman “Pahingi naman po ng awa”


LITERARI | 51

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

BantaySalakay Lance Josef Landangan

Saiyo angtingin

Kamatayan ang pinto sa kabilang buhay, pagbawi sa sigla na hiram sa May Gawa. Daan sa habambuhay na kaligayahan o walang hanggang paghihirap Ngunit hindi lang para sa pumanaw, para na rin sa mga naiwan. Kaligayahan sa mga nag-aabang, paghihirap sa pamilyang nilisan.

Jose Emmanuel Mico

Sa kahinaang dala ng pagluluksa lumalabas ang pananamantala

Makikita ka nila, kapag nawala ka na Ang mga mabuti mong ginawa Mga magagandang bagay na iyong naibahagi At mga parte ng mga pagkatao mong kapuri-puri. Makikita ka nila, kapag nawala ka na Ang biglaang pag-alis, ay tunay na kapansin-pansin Kanila kang hahanapin sandali kasunod noo’y tuluyang pag-kalimot Tila hamog sa gabi, malimit na pagpukaw sa paningin.

Hindi pagdamay ang pakay, kundi pagkakataon ang nakikita Na parang ang pighati’y pintong bukas na nag-iimbita ng magnanakaw.

Makikita ka nila, kapag wala ka na Hindi ka maalalang alalahanin Hindi ka malilimutang kalimutan Kaya’t sa huling pagsulyap sayo’y bagbag na damdamin ang mananaig. Marahil hindi mo na ito alam Marahil ika’y nasa dakong hindi na nila malirip Ngunit ang mga bagay na ito’y walang halong pagtataka Makikita ka lang nila, kapag wala ka na.

Katagumpayan NiringDiyablo Ferdinne Julia Cucio

Timyas ng buhay ay yaring dinusta; ang kaluluwa’y sa kamalian nagpadikta, Dinulog yaong lingkis ng pagkakasala, imahe ng D’yablo ang s’yang kinilala. Bulong ng demonyo’y tinugon, pumaimbulog sa makamundong alon, Nagpabihag sa madilim na kahon, buhay niring tupa’y sa’n nga ba ang tuon? Ibinuwis kanyang natitirang oras para sa siglaw na simpatya, Kalinisan ng tupa’y mababanaag mo pa ba? Sa lupang kinatatayuan ay hinayaang pumatak ang luha’t dugo, Isang pagtatanghal; Balangkas ng mapagbalat-kayo’y ginanapan ng buo, Unti-unting naparam ang kabanalan, ang kabutiha’y sulsidong dinungisan, Ang dating piging na sa iyo’y laan, naging pagtatangis ng buong kalangitan. Para sa tupang sa dilim sumirkulo, kalauna’y naghingalo yaring pinahiram na pulso; Sa kinalalagakan mo’y ika’y humayo, sa leksyon ng buhay baunin ang pagkatuto!


52 | LITERARI

Aries March 21 - April 19

Aries ang pinakaunang jojak sign na naitala kaya mararanasan mo na maging una sa lahat ng bagay ngayong taon! Sumali ka sa marathon bhe for sure mananalo ka.

Gemini

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph LITERARY EDITOR Danver Manuel | PAGE DESIGN Excy Bea Masone

Taurus April 20 - May 20 Ayon sa Costarastroligy.com, isa sa mga traits ng mga Taurus ay ang pagiging materyalistiko. Kaya ano pa ang mga hinihintay mo? Mag check out na ng mga laman ng cart at pabayaran sa nanay mo. Gaganda rin ang career mo sa business ngayong taon. Ang best business ngayong 2022 ay mind your own.

May 21 - June 21

MATA

Ang magkakambal na jojak sign. Sino ka mhie? Kambal karibal o Kara Mia? Magiging maganda ang dating ng pera sa’yo ngayong 2022 pero hindi na siya babalik please lang! Let’s start this year anew.

Cancer

HORRID

I don’t know about you

June 22 - July 22

Ayon sa TikTok, isa sa mga bad traits mo ay ang pagiging pessimistic. Hindi ko rin alam kung anong meaning non basta galingan mo nalang sa 2022. Magiging malago rin ang lovelife mo ngayong taon dahil mahuhumaling sa’yo ang mga jojak sign na tonsilitis, appendicitis, at tuberculosis. God bless bhie, sana masarap salad niyo.

Virgo August 23 - September 22 Ayon sa timesofindia.com, ang mga virgo raw ay methodical and quick thinkers, yet they have so much mental energy that they are frequently stressed and tense. Bukod pa rito ay pagpapalain ka ngayong taon, darami ang iyong pera, tataas ang iyong grades, at magkaka-jowa ka na. Ang ayos ng description no? Syempre jojak sign ko ‘yan, ako ang nagsulat kaya ako ang masusunod.

Leo

July 23 - August 22 Sa pagsisimula ng 2022 ikaw ay hindi pa handa pasukin ito dahil magbabalik tanaw ka sa taong 2013 kung saan mo unang narinig ang kantang Roar ni Katy Perry natheme song na ng buhay mo. Oo tiger ‘yon at lion ang Leo pero mananaig ang boses mo ngayong taon because we’re gonna hear you roar! Rawr rawr rawr!


LITERARI | 53

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

Libra September 23 - October 23 Hoy ‘di ba Libra jojak sign mo? Bakit hindi patas ang distribusyon ng oras mo sa panonood ng k-drama at pag-aaral? Gayunpaman, dadami ang oras mo para sa sarili ngayong taon. Galaw galaw bhie, balance at tamang time management sa darating na 2022 o hahampasin ka ng timbangan?

Scorpio October 24 - November 21 Ayon sa mahiwagang source na TikTok, ang Scorpio raw ay water sign. Ang best love match mo ngayong 2022 ay Leo, Cancer, at Pisces. Ngayong taon, nawa’y tangayin ng agos ng tubig ang puso mo sa mga Leo dahil Leo ang jojak sign ko. Hala pm me na, rawr rawr rawr

Saggitarius November 22 - December 21 Masasapul na ng iyong palaso ang success sa larangan ng academic ngayong taon dahil tataas na ang iyong grades! Aminin mo, kanino ka kumopya? Makikikopya rin ako.

DSCOPE

u, but I’m feeling 2022

Capricorn December 22 - January 19

Aquarius

Ang matagal mo na ang planong diet ay maisasakatuparan na sa 2022. Hindi nga lang natin alam kung kalian dahil tuwing Lunes ay masarap ang inyong ulam at no onestarts their diet on Tuesday. Health is wealth.

January 20 - February 18

Dahil air sign ang aquarius, mananaig ang pagiging airbender at pusong makakalikasan mo sa taong 2022 dahil makikiisa ka sa mga cleanup drive laban sa polusyon. Charot! Mahuhuli ka lang talaa ng barangay dahilsa curfew kaya pinaglinis ka.

Pisces Feruary 19 - March 20

Jojak sign ng mag-ina na isda. Mas lalago pa ang relasiyon niyo ng nanay mo sa taong 2022. Kahit hindi ka mag linis ng bahay, papayagan ka niya sa lahat ng iyong mga gala pero hindi natin sure kung may babalikan ka pang bahay. Kaya ano pang hinihintay mo? Magpaalam ka na!


CLSU KULE CLSU KULE CLSU Zabrina Series Bakit essential ang lugaw KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU Ikaw ang Kailangan ko KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE ni Nathaniel Piedad

ni Ron Vincent Alcon

ni RD Bandola


KULE KULE CLSU KULE CLSU No Vaccine, No Entry CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu KULE CLSU KULE CLSU GinHawa KULE CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE #NeverAgain E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE E clsu KULE CLSU KULE CLSU ni RD Bandola

GinHawa

ni Nathaniel Piedad

KOMIKS | 54-55

ni John Marius Mamaril

HEAD CARTOONIST Ron Vincent Alcon | JUNIOR CARTOONIST Nathaniel Piedad | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

ni Nathaniel Piedad


Bayani

LARAWANG SANAYSAY


Sa bahay ay uuwi bitbit ang katas ng maghapong pakikidigma, upang masilayan ang mga ngiti na nangungusap ng “Ikaw ay nagbalik, aming bayani!” Lakas ang kalam ng sikmura, sandata ang kahirapan. Pagkat sa panahong walang bukas ang tiyak, walang “aray” sa talim ng itak.


Head Photojournalist LUIS ALFREDO CASTILLO

Buwis-Buhay Kung tatanungin ang mga mamang laman ng mga konstruksyon kung ano ang kayang gawin para sa pamilya, iisa ang sagot at ito ay ang arawaraw ulit uliting itaya ang buhay. Mapanganib man, walang magagawa ‘pagkat dala ng hikaos na buhay na lalong pinahirap ng pandemya ay ang katotohanang hindi sila mabubuhay kung hindi magtataya ng buhay. Mga tao sa likod ng mga pundasyon na lulan ang kapakanan ng mas nakararami, kaligtasan ay ‘di kailan man naging tiyak.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN TALAVERA, NUEVA ECIJA. 01.17.2022 © CANON EOS 650D All Rights Reserved.


Junior Photojournalist MA. CLARITA ISABELLE GUEVARRA

Ginintuang Butil Hindi lamang sariling pangangailangan, bagkus maging ang mga plato sa bawat tahanan ay pinupunan ng mga magsasaka. Sa ilalim ng matinding tirik ng araw, patuloy sila sa pagdidilig ng kanilang mga pawis para mapunan ang bawat kalam ng sikmura. Kahit anong halaga, hindi mapapalitan ang bawat punla na kanilang itinanim para sa kapakanan ng nakararami.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN MAGSALISI, JAEN, NUEVA ECIJA 01.21.2022 © CANON EOS 650D All Rights Reserved.


Junior Photojournalist JONALYN BAUTISTA

Sari sari! Babae, Lalaki, Bata’t Matanda o kasapi man ng LGBTQ sila ay karapat dapat na tawaging huwaran sapagkat ang kanilang serbisyo at pagsasakripisyo para kumita ng kakarampot na salapi upang maibigay lang ang pangangailang ng kanilang mga mahal sa buhay ay talagang kahanga-hanga. Bagama’t napakalaki ng pagbabagong naganap epekto ng pandemya, hindi pa rin naging balakid sa mga maglalako na itinuturing rin na isa sa “Bayani ng Pamilya” na makapagtrabaho kapalit ng kanilang kaligtasan.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN MINI MARKET OF BRGY. CABARUAN, UMINGAN, PANGASINAN. 01.20.2022 © XIAOMI NOTE10 PRO ALL RIGHTS RESERVED.


Literary Editor DANVER MANUEL

Brilyante sa basurahan Matitiis mo ba kung basura ang dahilan upang makapaghain ka sa mesa? Kaya mo bang lumangoy sa dumi ng dagat ng basura? Isa lamang ang tiyak, wala kang gintong makikita sa basurahan ngunit brilyante kung maituturing ng mga mangangalakal ang mga basurang napupulot nila araw-araw. Sa umiiral na krisis, kalinisan ang ating nais ngunit dumi ang nagbibigay sa mga mangangalakal ng pagkain.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN MATAAS NA KAHOY, GEN. MAMERTO NATIVIDAD, NUEVA ECIJA. 01.25.2022 © Canon EOS 100D All Rights Reserved.


Managing Editor JAIRA PATRICIA EBRON

PHOTOGRAPHED IN H. CONCEPCION, CABANATUAN CITY. 01.22.2022 © Canon EOS 1100D All Rights Reserved.

Tungo Saan? Sanay ang mga tricycle driver sa isang trabahong may tiyak na destinasyon, ngunit dala ng banta ng krisis ngayon, lahat ay nawalan ng kasiguraduhan kung saan ang dapat patunguhan. Nagsara man ang ilang mga daan tungo sa inaasam na kaunlaran, hindi ito naging hadlang para sumuko ang mga taong mulat na sa paikot-ikot na gulong ng buhay. Sa kabila ng init, hirap, at pangamba, kalian man hindi sila napagod suungin ang mga kalsadang mapanganib, sa pag-asang isang araw, matatanaw rin ng lahat ang masaganang landas at paroroonan.

Junior Sports Editor ILDEFONSO GORING JR.

PHOTOGRAPHED IN SCIENCE CITY OF MUNOZ PUBLIC MARKET. 01.24.2022 © Samsung S8+ All Rights Reserved.

Tapak Hanggang kailan tatapakan ng tingin ang matandang sapatero na nagsasaayos ng mga sapin sa paa para mga peti-burgesyang nagpapalakad sa naghihingalong sistema. Kasabay ng ilang pagtatapal sa talampakan ng kung sinong may-ari ng sapatos, ay ang pagkalikha ng tubong tumatapal sa lumalaking butas ng sikmura dulot ng tinik ng pandemya.


Senior Photojournalist CARL DANIELLE CABUHAT

Metamorposis Maituturing nga na isang malaking susi sa tagumpay ang pagkakaroon ng pagbabago sa iyong kaanyuan ang pagpipinta ng mga parlorista sa’yong mukha at pag-iistilo ng iyong buhok sa tuwing ikaw ay may malaking kaganapan sa iyong buhay. Tila baga ikaw ay nabihisan ng bagong katauhan sa tuwing ikaw ay madadampian ng hawak ng mga magigiting na bakla. Tunay ngang ika’y makararamdam ng bagong kompyansa at lakas ng loob sa pagharap sa mga susunod na hamon ng buhay sa iyong bagong wangis na nakikita.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN BONGABON, NUEVA ECIJA. 01.17.2022 © Canon EOS 100D All Rights Reserved.


Junior Feature Editor JOSE EMMANUEL MICO

PHOTOGRAPHED IN SCIENCE CITY OF MUÑOZ PUBLIC MARKET. 01.24.2022 © iPhone 11 Pro Max All Rights Reserved.

Pantawid-gutom Sa lumulubhang krisis pangkalusugan, nakasukbit sa mga simpleng manlalako ng lutong ulam ang pag-aalay hindi lamang ng mga esensyal na pagkain, kundi pati ng kanilang buong serbisyo na madarama sa mga putaheng bukal sa loob nilang inihahandog para sa masang nagugutom. Silang nagtatrabaho upang magpakain at makapuhunan ng maihahain sa kanilang sariling hapag ay isa lamang sa maraming hanay na sinisikap tumayo matapos mapaluhod ng pandemya at ng patuloy na banta nito sa kanilang sariling kaligtasan.

Editor-in-Chief LAURENCE RAMOS

PHOTOGRAPHED IN ANGELES CITY, PAMPANGA. 12.10.2021 UP DILIMAN, QUEZON CITY. 07.26.2021 © DSLR Nikon D5300 All Rights Reserved.

WAKASAN, TUMINDIG! Tahasan ang pag-atake sa mga pesante at uring manggagawa ngunit ang pagtindig ng bayang inaalipusta ng isang malapyudal na sistema ay hindi matatapos. Sa patuloy na pagkakait ng estado sa mga manggagawa sa mga karapatan nito, patuloy din ang panawagan sa isang lipunang malaya at hindi pinagsasamantalahan ng mga naghaharing-uri. Uring mangagawa, hukbong mapagpalaya!


Senior Photojournalist EDWIN BOBILES

Wala man sa Harap Kadalasan na siya ang naghihintay sa iyong pag-uwi. Nakahanda na ang hapag, gayundin ang isusuot na pamalit at malinis na rin ang pagpapahingahan. Hindi man nakikipagsapalaran sa labas at wala man sa harap ng pandemya. Sila naman ang nagsisigurado na may maayos na pahinga ang mga bayaning nakikipagbakbakan. Si Ale bantay ang kanyang maliit na tindahan at kanilang sinisilungan.

d

H

I

PHOTOGRAPHED IN GAPAN, NUEVA ECIJA. 01.17.2022 © Canon EOS 100D All Rights Reserved.


66 | ISPORTS

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro | PAGE DESIGN Excy Bea Masone & Steven John Collado

Tangkilik: Pagtatangka sa ilang klik Lenilyn Murayag at Jaira Patricia Ebron

B

uwan ng Hulyo 2021 nang maging matunog ang larong Axie Infinity sa bansa dulot ng pagkakataong kumita na handog ng laro. Kasabay ng pagtaas ng pagkilala sa mga electronic games nang magsimula ang pandemya, naging isa ang Axie Infinity sa mga pumatok na laro. Sa kasalukuyan, tinatayang humigit kumulang dalawang milyon na ang mga akitibong manlalaro nito, bilang na siyang umakyat mula sa 80,000 noong Mayo, 2021. Hindi lamang libangan kung hindi pagkakataong makiisa sa komunidad at kumita ang tampok sa larong Axie Infinity. Dahil dito, naging alternatibo itong pangkabuhayan para sa ilan sa gitna ng pandemya, lalo na sa mga nawalan ng trabaho, mga estudyante, at mga indibidwal na napadalas ang panananitili sa tahanan dulot ng mga ipinatupad na lockdown. Kasaysayan ng Laro Inilunsad ng Sky Mavis, isang Vietnamese Studio ang Axie Infinity noong 2018. Ang laro ay isang NFTbased online video game na maihahalintulad sa larong sa Pokemon, kung saan maaaring bumili, magbenta, ikalakal, paramihin, at ipanglaro ang mga Axies upang kumita ng tunay na pera. Gamit ang tatlong Axies, maaring makabuo ng isang grupo na siyang maaring gamitin sa pakikipaglaban sa ibang mga manlalaro na siyang nagbibigay daan upang kumita ng Smooth Love Potion (SLP), isa sa mga token na bumubuo sa ekonomiya ng laro. Ang bawat axie ay natatangi base sa klase at sa parte ng katawan nito. Ayon sa laro, may siyam na klase ng Axie: ang Beast, Bug, Mech, Reptile, Plant, Dusk, Aqua, Bird, at Dawn. Ang bawat klase ng mga Axie ay may iba-ibang parte ng katawan na siyang nagdidigta ng kani-kanilang kakayanan. Upang makapagsimula sa laro, kinakailangan ng tatlong Axie na maaaring mabili sa Marketplace, isang website na binuo ng Sky Mavis na siyang nagsisilbing mekado kung saan maaaring makabili at makapagbenta ng mga Axie. Nagsimulang makilala ang Axie Infinity sa komunidad ng Cabanatuan City. Ilang panahon lamang ay nagsimula itong umunlad sa Nueva Ecija

at ibang pang parte ng bansa dahil sa dala nitong pagkakataong kumita kapalit ng paggugol ng oras sa paglalaro gamit ang simpleng cellphone o computer. Nagsimula sa presyong P250 ang bawat axie na nasa P10,000 na ngayon bilang mababang presyo. Sa kasalukuyan, humigit kumulang P50,000 ang kinakailangan upang makabuo ng isang disenteng grupo at makapagsimula sa laro. Samantala, dahil sa mataas na puhunang kakailanganin, nagkaroon ng mga programang binansagang“scholarships”kungsaanangmgawalang pang-puhunan ay nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng axie na siyang ipinapalaro ng mga tinatawag na “manager”. Ang mga scholar ang gumugugol ng oras upang makipaglaban at palakasin ang mga Axie sa laro, kapalit ng napagkasunduang hatian sa mga maiipong SLP. Pananaw ng Namumuhunan Isa si alyas SB Janoski sa mga nahikayat na mamuhunan at maglaro na rin kalaunan ng Axie Infinity. Nagsimula siyang mamuhunan noong Hunyo 2021, ngunit nagsimula lamang maglaro noong Oktubre dala ng pagnanais na matutukan muna ang mga estratehiya na magagamit sa naturang laro. Inaral aniya muna ang mga cards na mahalaga saAxie Infinity. Dahil dito, gamay na gamay na niya ang paglalaro nito nang subukan niya mismo itong laruin gamit ang kanyang sariling account. Dagdag pa, lumobo sa mahigit dalawang daang scholar ang manlalaro nila sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na buwan. Sa pagbabahagi, ang pananaliksik at pagtatanungtanong ang naging pamamaraan ni SB Janoski katulong ang kanyang kapatid upang maparami ang kanyang Axie. Pagbili naman ng apat na virgin teams ang naging tugon niya at sinimulan nila itong i-breed. Unli-breeding aniya ang virgin teams. Aminado rin siya na naging mapanghamon ang unang buwan mula ng mabili ang apat na teams dahil na rin sa mga maintenance na kinakailangan nito araaraw. Nauwi rin sila sa pagpupuyat kasabay ng layuning makabuo ng plano sa pagpapalakas at pagpapaunlad sa laro na pinuhunanan. Pag-usbong ng Oportunidad Maliban sa pamumuhunan, nagbenta na rin sila ng

mga account na naging dahilan naman upang lalung lumago at maparami ang grupo. Sa pinakahuling tala, nasa mahigit tatlong daan at limapung tao na ang scholar nina alyas SB Janoski. Hindi lamang dumoble o triple ang naging balik ng pinuhunan nila, kung hindi cuadruple (x4) na. “Every time na makakabenta kami, ang goal namin is mas makapagdagdag ng iskolar o kaya naman is pandagdag siya sa pangbreed para mas mapadami ‘yung mismong team,” banggit niya. Maliban sa mga nabanggit, nakikita rin ni alyas SB Janoski ang sarili na namumuhan at naglalaro pa rin ng Axie Infinity sa mga susunod na taon dahil na rin sa konsepto na kakabit ng naturang laro. Naniniwala rin siya na may potensyal ang laro na magtaggal at patuloy na matangkilik ng mas marami pa. Kaakibat na Pangamba Bilang isang larong nangangailangan ng malaking puhunan, ilan sa mga panganib na kaakibat ng laro ay ang panganib na hindi mabawi ito agad-agad. Kasama na rin dito ang posibilidad ng unti-unting pagbaba ng ekonomiya ng laro na siyang maaring magdulot ng pagbagsak nito. Katulad ng ibang mga e-games, maaaring mawala ito sa uso, rason upang bumaba ang bilang ng mga magnanais na mamuhunan sa laro. Kasabay nito, marami rin ang nababahala sa kinabukasan ng laro, na siyang namang nakabase sa maayos at maunlad na sistema nito. Ang Axie Infinity ay larong binuo na mayroong sariling ekonomiya, na siya ring nakabase sa batas ng demand at supply. Kung patuloy ang pagdami ng manlalaro, maaaring bumaba ang halaga ng SLP dahil mas maraming dumadagdag sa supply nito kaysa sa nagagamit at nauubos. Marami man ang pangambang dala ng pamumuhunan sa Axie Infinity, marami pa rin ang patuloy na naniniwala sa dala nitong potensyal sa kinabukasan. Nakadepende na lamang sa mga may-ari ng laro kung anu-ano ang mga hakbang na kanilang gagawin upang masiguro na mapananatili ang kaunlaran nito sa mga susunod pang panahon. Hindi rin maikakaila ang posibilidad na lalu pa itong tangkilikin ng mga namumuhunan at mga manlalaro. Kaakibat ng ilang klik ang pagtatangka na kumita habang naglilibang.


ISPORTS | 67

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

PAGLISAN SA PALIGSAHAN Jose Emmanuel Mico & Ferdinne Julia Cucio

agmistulang isang tahanang naabandona ang mga lugar ensayuhan ng mga lumalahok sa patimpalak pampalakasan at maaring hindi na muling masisilayan ang itinuturing nilang ikalawang tahanan: mga court, gym, at iba pang mga pasilidad pang-isports. Sa napipinto na pagtatapos ng mga estudyanteatleta ng unibersidad, pinaghalong tamis at pait ng pamamaalam nga ba ang kanilang babaunin tungo sa panibagong yugto ng kanilang mga buhay? Hindi nagkakalayo ng karanasan sina Vanessa Madel DS. Padilla, Women’s Team Captain sa Arnis ng CLSU, at si Mark Anthony T. Ramos, isang open spiker ng kasalukuyang Volleyball Varsity ng unibersidad, pagdating sa malaking epekto ng pandemya sa kanilang estado bilang mga CLSU student-athletes.

N

ON YOUR MARKS, Nagsimulang mag-try out si Mark Anthony taong 2018 para sa CLSU Men’s Volleyball team at pinalad din na maging bahagi ng grupo sa parehong taon. Nadiskubre naman ng arnis coaching staff si Vanessa noong una nitong pagtuntong sa unibersidad dahil sa pagrekomenda na rin sa kaniya ng kaniyang high school coach. Parehong naging maaga ang paglalaro ng dalawa upang magrepresenta sa kanilang kolehiyo at pati na ng kabuoan ng pamantasan sa iba’t ibang paligsahan sa labas nito. GET SET, Nag-umapaw ang alab ni Mark Anthony kasama ng kaniyang team sa loob ng court matapos nilang mahablot ang unang parangal sa CLSU Intramurals ng dalawang magkasunod na taon. Naitanghal din sila bilang mga kampyon sa Nueva Ecija Collegiate Sports League (NECSL) at sila’y lumahok din sa SUC III Olympics. Bigo mang maiuwi ang ginto, nanatili itong memorableng karanasan para sa kaniya. Intramurals naman ang unang sabak ni Vanessa kung saan ibinandera niya ang CBAA Blue Chips at nagsilbing inspirasyon ito sa kaniya upang pagbutihin pa ang kaniyang pageensayo lalo na at makakalaban aniya ang teammates mula sa varsity ng CLSU. Samantala, isang makabuluhang tagumpay para sa kanya ang paghakot ng ginto ng Arnis team noong

‘‘

Iba ‘yong feeling na sa mga SUC events na pag sinabi ‘yong mga medals na nakuha niyo, alam mo na part ka non, may naiambag ka ron at sobrang laking karangalan ‘yon. ‘Yong pagiging athlete, malaking bagay na rin ‘yon as long as daladala mo yung pangalan ng CLSU

VANESSA MADEL DS. PADILLA Women’s Team Captain sa Arnis ng CLSU

huling SUC III Olympics kung saan sila ang nakapag-uwi ng pinakamaraming gintong parangal mula sa CLSU at kanilang dinala ang pangalan ng pamantasan sa Nationals. “Iba ‘yong feeling na sa mga SUC events na pag sinabi ‘yong mga medals na nakuha niyo, alam mo na part ka non, may naiambag ka ron at sobrang laking karangalan ‘yon. ‘Yong pagiging athlete, malaking bagay na rin ‘yon as long as dala-dala mo yung pangalan ng CLSU,” Inspiradong banggit ni Vanessa. HALT! Malaking balakid ang humarang sa kanilang mga holistikong hangarin dahil sa biglaang pagdating ng pandemya. Naisara ang mga paaralan at kaakibat nito ang pagpapahinto ng mga aktibidad na pangakademiko at extra-curricular. Dalawang taong hindi nasulit at mga naiwang pangarap—ilang titulong ninais ngunit hindi nakamit, ilang medalya at parangal na kanilang nalagpasan, higit sa mga ito, ay ang panahon na hindi naigugol para sa sinisilakbo ng damdamin ng bawat estudyanteng atleta GO? GO! Isang semestre pa at lilisanin na nila ang mga nakasanayan tulad ng hilig sa paglalaro, oras sa pagsasanay at kompetitibong pakikilahok. “Malungkot na masaya. Malungkot kasi hindi namin nakuha yung goal namin sa pagiging athleta. Masaya kasi ang main goal naman talaga namin is makapagtapos ng pag aaral sa CLSU,” banggit ni Mark Anthony patungkol dito. Para naman sa mga estudyanteng atleta na posible pang makaranas ng face-to-face classes at muling makalahok sa mga pisikal na sports events, payo ni Vanessa na huwag silang matakot o mahiyang sumubok sa mga sports dahil ang lahat naman ng bagay ay mahirap sa umpisa, kailangan lamang naroon ang kagustuhang matuto, dedikasyon, at pag eensayo na siyang huhubog sa kanilang lalakbayin bilang atleta. Ang mga legasiyang iiwan nila ang siyang magbibigay daan muli sa mga susunod pa sa tahaking ito at tiyak na kapupulutan ng aral; ang disiplinang nakuha ni Mark Anthony at time management na naikintal kay Vanessa ay ilan lamang sa mga karagdagang kakayahan na ibinunga ng kanilang pakikibahagi sa larangan ng sports at kanilang maidadala sa patuloy na pag-harap sa mundo sa labas ng unibersidad. Bagaman hihinto muna sa paglalaro ang dalawang atleta upang ituon ang kanilang oras sa pagpundasyon ng kani-kanilang binubuong pangarap, sa puso’t alaala, bandera pa rin nila ang kulay ng pamantasan.

PHOTO SOURCES: Vanessa Padilla Mark ANthony Ramos


68 | ISPORTS

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro | PAGE DESIGN France Joseph Pascual

EDITORYAL

Kasarinlan Para sa Lahat ng Kasarian a kabila lumolobong bilang ng mga nakikilahok sa larangan ng esports sa Pilipinas, kaliwa’t kanan na rin ang pagdami ng mga babaeng manlalaro at mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Subalit nagiging mailap pa rin sa kanila ang pagtanggap dahil sa tahasang pambabatikos at diskriminasyon. Isa lamang ito sa maraming palantandaan kung gaano pa kalayo ang bansa sa pagkamit ng ganap na pagkakapantay-pantay sa oportunidad at pagyakap sa lahat ng kasarian. Sa kabila mabilis na paglobo ng bilang ng mga nakikilahok sa larangan ng esports sa Pilipinas, kaliwa’t kanan na rin ang pagdami ng mga babaeng manlalaro at mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Gayunpaman, nagiging mailap pa rin sa kanila ang pagtanggap dahil sa tahasang pambabatikos at diskriminasyon mula sa tao at kanilang mga kapwa manlalaro. Isa lamang ito sa maraming palantandaan kung gaano pa kalayo ang bansa sa pagkamit ng ganap na pagkakapantaypantay sa oportunidad at pagtanggap sa lahat ng kasarian. Nagsimula ang kasaysayan ng larangang ito noong dekada sitenta kung saan naimbento ang mga pinakaunang video games na unti-unting nalinang

S

‘‘

Nakalulungkot lamang isipin na sa panahon ngayon, hindi pa rin ligtas para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ ang lipunang kanilang ginagalawan mula sa panghuhusga at pananalitang yumuturak sa kanilang pagkatao.

at lumago hanggang sa magkaroon ng tinatawag na electronic sports o esports na nilalahukan ng milyon-milyong manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung noon ay itinuturing lamang itong laro na pampalipas ng oras at pantanggal ng bagot, kinikilala na ito bilang sa kasalukuyan bilang isang ganap na anyo ng propesyonal na pampalakasan. Subalit sa kabila ng pamamayagpag ng larangang ito, hindi maitatanggi na mayroong lumalaganap na diskriminasyon sa pagitan ng mga kalalakihan at ibang manlalaro. Ayon sa sarbey ng Rakuten Insight noong 2020, pito mula sa sampung babae at walo naman mula sa sampung lalaki ang naglalaro ng mobile games sa bansa. Bagamat patuloy na tumataas ang bilang ng manlalarong kababaihan, hindi pa rin maiiwasan ang pagdami ng biktima ng nakapanlulumong pang-aabuso sa loob ng komunidad. Kabilang na rito sina Alodia Giosiengfiao at Jacinta Dee na parehong babae na nakaranas ng diskriminasyon sa kabila ng kanilang naging malaking kontribusyon sa pagpapalaganap at pagpapakilala ng esports sa bansa. Sa kabilang dako, isa naman sa pinakamaugong na manlalarong miyembro ng LGBTQIA+ community ngayon ay si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna na miyembro ng Blacklist International – isa sa mga pinakasikat at kilalang kuponang lumalahok at nagiging pambato ng Pilipinas pandaigdig na paligsahan sa larong Mobile Legends: Bang Bang (MLBB). Sa kabila ng kanilang mga pagkapanalo at napakaraming tagumpay sa iba’t ibang kumpetisyon sa loob at labas ng bansa, mas naging mainit pa rin sa kanila ang mga mata ng madla at ng kanilang kapwa manlalaro dahil sa pagkakaroon ng isang manlalarong kabilang sa LGBTQ+ community. Dahilan ito upang maging sentro ng atensyon ang sekwaslidad ni Villaluna ng samot-saring mga hindi katanggap-tanggap at malalaswang panghuhusga mula sa ilang manlalaro kabilang na rito si Duane “Kelra” Pillas ng Omega Esports. Nakalulungkot lamang isipin na sa panahon ngayon, hindi pa rin ligtas para sa mga miyemro ng

LGBTQIA+ ang lipunang kanilang ginagalawan mula sa panghuhusga at pananalitang yumuturak sa kanilang pagkatao. Kung susuriing mabuti, makatutulong ang Panukalang Batas Blg. 4982 o ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill at pagpapaigting ng mga batas na nagtatanggol sa sangkababaihan sa paghubog ng komunidad ng esports sa bansa mula sa umiiral na diskriminasyon at pang-aabuso na may kinalaman sa kasarian at sekswalidad. Matagal na itong isinusulong sa loob ng senado ngunit kung ito ay patuloy na ipagdadamot ng ating mambabatas, hindi matatapos ang pagdami ng dagok at pagsubok na haharapin ng ating mga kababayan na kababaihan at miyembro ng LGBTQIA+ community. Maganda man ang hangarin nitong pangalagaan ang kapakanan ng ilan, may ilang mga senador pa rin ang tutol sa panukalang batas kaya natatagalan din ang daloy ng hustisya para sa mga naaabuso at kaparusahan para sa mga nang-aabuso. Sa katunayan, magandang sensyales ang pakikilahok ng mga kababaihan at mga manlalarong kabilang sa LGBTQ+ community sa ebolusyon ng lipunan ng bansa. Dalawa sina Giosiengfiao at Villaluna sa maraming manlalarong nagsisilbing inspirasyon at gumagawa ng tulay para sa mga susunod pang katulad nila nais makilahok sa esports upang maipamalas ang kani-kanilang mga kahusayan sa larangang ito at ipakita na hindi kakulangan o hadlang ang kanilang kasarian sa pagkamit ng kanilang nais pangarap o tagumpay. Hindi man perpekto ang pagkahubog natin sa ating lipunan, nawa ay magawa natin itong ligtas sa abot ng ating makakaya at hindi dapat katakutan sa lahat ng mga kababayan nating sinusubok at hinahamak ng pang-aabuso, diskriminayon, at panghuhusga. Kailanman ay hindi hadlang ang sekswalidad upang mapagtagumpayan ang mga oportunidad na ibinabato ng tadhana sa kahit sinuman at sa loob at labas man ng larangang esports sapagkat walang pinipili at pinapanigang kasarian ang kasarinlan.


ISPORTS | 69

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

NO VALUE

Husay sa Kabila ng Maling Sistema Emmanuel Namoro | Sports Editor | namoro.emmanuel@clsu2.edu.ph

abagal ang pag-unlad ng isport sa Pilipinas. Matagal nang nakikipagsapalaran ang mga atletang Pilipino sa loob at labas ng bansa, ngunit tila napakailap para sa kanila ang magtagumpay. Katunayan sa loob ng 98 taon ng pakikibahagi ng Pilipinas sa Olympics ay 14 na medalya pa lamang ang naiuwi ng ating mga atleta. Ito ba ay bunga ng pagkakaroon ng mas angat na kakayahan ng mga manlalaro buhat sa ibang bansa kumpara sa mga Pilipino? Kung ito ang dahilan, para saan pa at nagpapadala ang bansa ng mga atleta gayong malabo rin naman ang manalo?

M

KAKULANGAN Ilang dekada na ang nagdaan ngunit nagtitiis pa rin ang ating mga atleta sa iilang pasilidad at kagamitan gayundin sa pagsunod sa mga lumang pamamaraan para sa pagkondisyon ng kanilang katawan at pag-iisip bago makipagtunggali. Katunayan, ang kauna-unahan at nag-iisang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ay napilitan pang lumabas ng bansa upang paghandaan ang 2020 Tokyo Olympics dahil sa kawalan ng maayos na gym para sa tulad niyang weightlifter. Matatandaan na ilang ulit na siyang humiling sa Philippine Sports Commission (PSC) upang magkaroon ng maayos na lugar para sa kaniyang pagsasanay, ngunit nagdaan ang panahon na walang naging pagtugon ang komisyon. Bago ang paghahanda para sa Tokyo Olympics ay naglabas rin ng hinaing ang Middleweight Boxer na si Eumir Marcial dahil sa kakarampot na allowance mula sa PSC. Ayon kay Marcial, hindi ito sapat upang tustusan ang pang-arawaraw niyang pangangailangan bilang atleta. Sa halip na simpatya ang makuha, sinisi pa ang atleta dahil umano sa malaking halaga na ang kinikita niya bilang isang professional boxer kumpara sa mga amateur na manlalaro. Mahirap asahang manalo ang kahit sinong atleta kung hindi nagiging sapat ang paghahanda nito. Ang kakulangan sa pasilidad at pinansyal na suporta ay magkatambal, hindi uusad sa pag-eensayo ang manlalaro kung walang pambili ng wastong pagkain, bitamina at kagamitan. Sa halip na magkibit-balikat, mas mabuting ito ay tugunan sapagkat mandato ng gobyerno, partikular na ng PSC ang siguraduhing nasa tamang kondisyon at kalusugan ang bawat atletang Pilipino, amateur man of propesyonal. MAGULONG SISTEMA Buhol-buhol ang tuntunin ng isports sa pilipinas mula sa pagpili ng mga mahuhusay na manlalaro hanggang sa pagsasaayos na kaukulang dokumento upang makahingi ng tulong sa pamahalaan. Bunga nito, hindi magkandaugaga ang karamihan sa mga atleta, dahilan upang mabigong ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Ang pagpili ng atleta na magrerepresenta sa bansa para sa mahahalagang paligsahan ay napakahaba. Mula sa district meet ay kailangan pang umabot at manalo sa palarong pambansa. Maganda sana ang layunin nitong hasain ang kani-kanilang talento, ngunit dahil sa napakahabang lakbayin, marami sa mga mahuhusay na manlalaro ay bigo nang magpatuloy. Pangunahing dahilan nito ay ang hindi maunawaang paraan ng paligsahan sa bansa na karaniwang pinapaboran pa ang ilang atleta. Gayundin ang kakulangan ng suporta para sa kanilang pagsasanay na karaniwang hindi naman kayang ibigay o punan ng lokal na pamahalaan o ng paaralan na kanilang nirerepresenta. Bilang resulta, napakaraming potensyal na ang nasasayang bago pa man makarating sa palarong pambansa. Samantala, kamakailan ay naging problema ni Olympian pole vaulter Ernest John Obiena ang kalituhan ukol sa mga bayarin nito sa kaniyang tagapagsanay dahilan upang akusahan ang atleta ng embezzlement. Batay sa pahayag ng Philippine Athletics Track And Field Associations o PATAFA, hindi nito binayaran sa tamang oras at halaga na aabot sa 85,000 euros (4.8 million peso) ang Rusong tagapagsanay na si Vitaly Petrov. Agad namang pumalag si Obiena at sinabing sapat ang kaniyang ibinabayad kay Petrov na pinatunayan ng ruso. Ang sitwasyong ito ay bagay na nakaapekto sa pagsasanay ng Olympian, sapagkat ayon na rin sa kaniya ay hindi dapat responsibilidad ng isang atleta ang pagbabayad at pagsasaayos ng mga resibo. Malinaw ang kakulangan ng PATAFA at PSC sa ganitong problema. Nararapat na direkta nang makipagusap ang komisyon kay Petrov para sa mga transaksyon sa halip na abalahin pa ang nagsasanay na si Obienna. Tila ba naging tamad ang PATAFA pagkat iniasa pa kay Obienna ang dapat na trabaho nito. Nangangailangan ng pagbalangkas sa panloob na sistema ang PATAFA at PSC upang mapabuti at maituwid ang tunguhin ng kanilang mandato. Mainam na magkaroon ng maayos na pagtugon at pagsuporta sa pangangailangan ng bawat atleta upang maging madali para sa mga ito ang magtagumpay.

LUMALABAS NG BANSA Patuloy na napag-iiwanan sa pag-unlad ang pilipinas kaya marami sa ating mga atleta ay lumalabas ng bansa upang ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap habang tangan ang bandera ng ibang lahi. Ilan sa kanila ay ang Golf Olympian na si Yuka Saso at Chess Grandmaster Wesley So. Hindi masisisi ang gaya nilang atleta lalo pa at ito ay paraan lamang nila upang masuporthanan ang sarili na bigong ibigay ng ating pamahalaan. Wala nang dahilan upang sila ay manatili sa Pilipinas kung ito ay magiging hadlang lamang sa pagkamit ng kanilang pangarap. Mas mabuting kalampagin ang gobyerno na gawing kapakipakinabang para sa mga atleta ang pananatili sa bansa. Isang magandang halimbawa ay ang ginawa ng mga Hapon sa kanilang basketball league, kung saan ay mas nabibigyan ng magandang oportunindad ang kanilang mga manlalaro at mapabilang sa mataas na antas ng kompetisyon habang tinatamasa ang dapat na para sa kanila. Bunga nito ang pagdagsa ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Pilipinas. Ito na rin marahil ang isa sa magiging pangunahing destinasyon ng ating mga atleta kung patuloy pa rin na mananatiling taliwas para sa pag-unlad ng mga manlalaro ang Philippine Basketball Association (PBA). Nararapat na bigyan ng konsiderasyon ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa isports tulad sa gawi ng ibang mga bansa sa Asya. Pag-unlad na hindi lamang nakasentro sa kung papaano magkakapera o kikita ang mga negosyo, ngunit gayon rin sa pagpapahalaga sa kakayahan at pangangailangan ng mga atleta. Mananatili sa bansa ang mga mahuhusay at dekalidad na mga manlalaro kung mabibigyan ang mga ito ng tamang suporta at pagkalinga mula sa mga komisyong pampalakasan ng Pilipinas. BENEPISYO AT PULITIKA Hindi maikakaila na may bahid ng pulitika ang bawat benepisyong ipinagkakaloob sa ating mga atleta. Isang halimbawa na lamang nito ay ang nagdaang Tokyo Olympics kung saan kaliwa’t kanan ang mga pulitiko na nagpaabot ng premyo para sa mga nagwaging atleta. Larawan ito ng pagiging mapagsamantala ng ilang pulitiko sa bansa, gayunpaman, hindi pa rin ito sapat upang maipagkaloob ang nararapat na gantimpala para sa mga bayaning atleta. Karamihan sa mga nagreretirong atleta ay bigong makatanggap ng kahit anong retirement benefits. Narananasan ito ng Boxer na si Mansueto “Onyok” Velasco Jr na matapos tumigil sa paglalaro ay tila nauwi lamang sa wala ang kaniyang pinaghirapan. Dagdag pa ang naunsiyaming premyo matapos maguwi ng pilak noong 1996 summer Olympics sa Atlanta, USA. Katunayan, kung hindi sa pulitikal na interes ay hindi ito maiipagkaloob sa kaniya nitong 2021. Patunay ito na hawak ng kahit sinong nasa kapangyarihan ang parte ng kinabukasan ng mga retiradong atleta. Gayundin, etsapwera ang kahit sinong mahusay na manlalaro lalo na kung walang kapit sa kahit sinong nakaupo sa gobyerno. Maituturing na madilim na bahagi ito ng buhay ng mga atletang Pilipino, pagkat matapos magsilbi at ialay ang sarili para sa bansa ay magiging isang hamak na walang maasahan na kahit ano mula sa pamahalaan. Isang dahilan kaya marami sa mga mahuhusay na atleta ang nagreretiro na lamang nang maaga upang makapaghanda para sa kanilang kinabukasan. Sa halip na pulitikahin ay mas mabuting ibigay ang nararapat na benepisyo. Sila ay nagsilbi ng buong puso para sa bansa kaya walang sapat na dahilan upang sila ay abandunahin. PAGSIKAPAN Sigurado ang pag-unlad ng isports sa bansa kung ikakasa ng pamahalaan ang sitematikong paraan ng pagbibigay ng mga pangangailangan, pangangalaga at hindi paggamit sa kahit sinong atleta para sa sariling kapakinabangan ng mga opisyal nito. Nararapat na magkaroon ng dekalidad na pasilidad para sa pagsasanay ng mga manlalaro upang maabot ang kanilang tunay na potensyal. Gayundin, pangalagaan ang mga batang manlalaro sa pamamagitan ng pagpapaigting ng pagtulong at paglalaan ng tamang pondo para sa mga paaralan at lokal na asosayong pangisports sa bansa. Ang pag-unlad nito ay nakaangkla rin sa “political will” ng mga namumuno ng bansa. Nararapat na bigyang pansin ng estado ang isports sa pamamagitan ng pagakda ng matatag na lehislatura na magsisiguro sa kapakanan, pangangailangan, seguridad at benepisyo ng mga atleta, aktibo man o retirado. Sa huli, ang maayos na relasyon sa pagitan ng atleta, bansa at pamunuan ang magsisisguro sa mas maayos na katayuan ng isports. Gayundin, ang kolektibong pagsisikap mula sa mga manlalaro ang magpapatatag sa pundasyon ng palakasan. Pag-unlad na hindi matatawaran at nakikisabay sa takbo ng modernong panahon ngunit hindi nanatili sa dikta ng pangpulitikal na sistema.


70 | ISPORTS

E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro | PAGE DESIGN Steven John Collado

PINOY PRIDE. Ibang klaseng gilas at talento ang ipinamalas ng mga atletang Pinoy na sina Jaja Santiago, Dindin Santiago, Marck Espejo, at Bryan Bagunas sa kanilang pakikibaka sa larangan ng volleyball sa labas ng bansa. Sila sila ang mga atletang nauna ng maglaro bilang imports ng Japan para sa nasabing larangan. ~ MA. CLARITA ISABELLE GUEVARRA PHOTO SOURCES: Daily Guardian Daily Tribune Mark Espejo | Facebook Michael Gatpandan | Rappler

Obiena umakyat sa ikatlong pwesto, PATAFA muling naghabol Emmanuel Namoro

N

agpasiklab ang Filipino Pole Vaulter at Olympian na si Ernest John Obiena matapos magtala ng bagong pinakamataas na rekord sa Asya na 5.97 metro upang umakyat sa ikatlong pwesto ng 2021 world ranking mula sa World Athletics, Enero 2. Ayon pa sa inilabas na listahan ng World Athletics ay nakasama ni obiena sa ikatlong pwesto ang amerikanong si Sam Kendricks at ruso na si Timur Morgunov. Nauna nang naitala ng pilipinong Olympian ang record to beat sa buong Asya noong Setyembre ng parehong taon sa 17th International Golden Roof Challenge ang 5.97-meter mark, sapat upang maibulsa ang ginto. Muli namang nanguna sa world ranking ang kapwa Olympian ni Obiena at Gold medallist na si Armand Duplantis matapos maitala ang 6.10 metrong rekord habang si Christopher Nilen naman ay pumangalawa na may 5.93 metro. Samantala, matatandaan na hinaharap pa rin ngayon ni Obiena ang Embezzlement na inakusa ng Philippine Track And Field Association (PATAFA) dahil umano sa hindi pagbabayad ng tamang halaga sa kaniyang Rusong coach na si Vitaly Petrov. Agad naman itong pinabulaanan ng Ruso at sinabing tama ang halaga na kaniyang natatanggap mula sa Worlds number 5 pole vaulter. Kaugnay nito, muli namang inilabas ng PATAFA ang rekomendasyon na kasuhan ng kriminal dahil sa estafa si Obiena dahilan umano ay ang hindi wastong pagbabayad kay Peitrov noong Mayo hanggang Agosto ng 2018. Ayon pa sa PATAFA ay irerekomenda na rin nilang alisin sa Philippine Athletic Team ang Asian title holder kahit pa nauna nang pumanig kay Obiena ang Philippine Sports Commissions (PSC). Abala ngayon ang atleta sa pagsasanay upang mapanatili o maiangat pa ang pwesto at masigurado ang partisipasyon para sa 2024 Paris Olympics.

BALITANG NASYUNAL

Espejo, Bagunas at magkapatid na Santiago, umukit ng kasaysayan sa labas ng bansa Jose Emmanuel Mico

G

umagawa ng ingay ngayon ang mga bigating pangalan mula sa larangan ng Philippine basketball na lumipad patungong Japan upang maglaro bilang imports; ngunit bago pa man magkaroon ng oportunidad ang mga atletang ito, nauna nang yumapak dito ang apat sa mga ipinagmamalaking Volleyballstandouts ng bansa. Isinama na ni Marck Espejo, dating 3-time champion ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at 5-time Most Valuable Player (MVP) sa kaniyang mahabang listahan ng individual achievements ang pagiging unang Pilipinong atleta na naging import sa bansang Japan matapos maglaro para sa Oita Miyoshi Weisse Adler noong 2018 sa torneyong Japan’s V. League (JVL). Dahil sa angking galing ay napansin ito ni Godfrey Okumu na dating Head Coach ng University of the Philippines (UP) Lady Maroons at naging staff ng Oita Miyoshi Weisser Adler – siya ring nagrekomenda sa bigating outside hitter upang makasama sa kaniyang kaunaunahang kuponan sa JVL; bigo mang magkampyon ay naging makasaysayan pa rin ang hakbang na ito para sa buong komunidad ng

Volleyball sa Pilipinas. Muling bumalik ngayong taon si Espejo at umanib sa kuponan ng FC Tokyo na kasalukuyan namang may kartada na 3 wins at 7 loss matapos mapayuko sa katatapos na laban nito kontra JT Thunders Hiroshima sa loob ng apat na sets, 25-27, 15-25, 28-26, 20-25. Sumunod sa yapak ni Espejo ang isa pang UAAP MVP na si Alyja Daphne “Jaja” Santiago na unang nakilala sa kaniyang stint sa National University (NU) Lady Bulldogs Spikers. Nagsimula lamang si Santiago sa pakikipagensayo sa Japan at hindi kalaunan ay nabigyan ng puwesto sa Ageo Medics bilang isa sa mga fixed starters nito hanggang sa kasalukuyang season. Naging makasaysayan ang ikalawang taon ni Santiago nang makamit niya ang kauna-unahang medalyang natanggap ng kahit na sinong Filipino Volleyball player sa isang pro-league sa labas ng bansa. Nagtuloy-tuloy ang magandang kondisyon at koneksyon ng Ageo Medics dahilan upang muling humugot ng isa pang bigating titulo matapos sungkitin ang kampyonato nitong Marso laban sa NEC Red Rockets – na siya ring panibagong talata sa ilalim ng pangalan ni Jaja Santiago.

Nahatak din ni Santiago sa parehong torneyo ang kaniyang kapatid na si Aleona Denise “Dindin” Santiago-Manabat na siya namang tumayo bilang middle blocker ng Toray Arrows at okupahin ang kanilang front line. Matapos obserbahan ang kaniyang laro, agad namang napabilang sa Toray si Dindin sa kabila ng tinamo nitong Anterior Cruciate Ligament (ACL) injury at ang panganganak para sa kaniyang panganay, bagaman naging maiksi ang kaniyang court-time sa season na iyon ay nakamit pa rin nila ang runner-up grant. Ika-apat na tumuntong sa Japan si Bryan Bagunas matapos nitong mapalago ang kaniyang porma sa loob ng court dito sa bansa, nagkaroon siya ng oportunidad na mag-sanay nang ilang linggo sa Japan at doon na naukupa ang posisyon para sa 20192020 season line-up ng Oita Miyoshi Weisser Adler na siya ring unang kuponan ni Espejo. Ngayong taon ay ipinagpatuloy niya ang paglalaro sa Oita kung saan kasalukuyan silang ikalawa sa huli pagdating sa standings na may 2-7 kartada matapos makabangon sa losing streak at lagpasan ang JT Thunders sa loob ng limang sets, 2523, 11-25, 12-25, 25-22, 15-13.

WORLD ATHLETICS RANKING - MEN’S POLE VAULT

#1

#2

ARMAND

CHRISTOPHER

DUPLANTIS

NILSEN

AS OF JAN 2021

#3

SAM KENDRICKS TIMUR MORGUNOV ERNEST JOHN OBIENA

HINDI PAPATIBAG. Matayog na tinalon ng Pinoy Pole Vaulter Ernest John Obiena ang tagumpay matapos magtala ng panibagong record sa Asya sa larong Pole Vault at makuha ang pangatlong puwesto sa ranking ng World Atlethics taong 2021. ~JONALYN BAUTISTA © Aleksandra Szmigiel | REUTERS


ISPORTS | 71

CLSU COLLEGIAN | TABLOID ISSUE | TOMO LXIII | BLG. II Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University

E-sport Pages at Groups sa CLSU, lumalaganap Jerome Christhopher Mendoza

N

auuso ngayong pandemic ang iba’t-ibang mga laro na online o konektado sa internet, dahilan upang maglunsad ang mga mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) ng mga Facebook pages at groups na nageengganyo sa mga Sielesyuans na makilahok upang manalo sa mga patimpalak na kanilang inoorganisa. Isa si Joel Manaloto Jr., magaaral sa ikatlong taon ng Bachelor of Science in Information Technology (BSIT), sa mga mag-aaral na nagpalaganap ng esports sa pamamagitan ng kanilang binuong page at group na CLSU Gaming community. Inilunsad ang page na ito para sa mga kapwa niya Silesyuans na nahuhumaling sa larong Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) na nagsimula noong Setyembre 26, 2019. “Kami pong tatlo ay Student Leaders o SL ng CLSU na namamahala sa group. Ang SL po ay isang organization connected to Moonton or Mobile Legends which is bases on schools/campuses. Moonton po ang nag-cocommand sa amin at nagsusupply ng prizes upang maging effective ‘yung group,” ani Manaloto sa pagkabuo ng CLSU Gaming Community group. Dagdag pa ni Manaloto na mas nauna nilang nabuo ang Facebook group ngunit dahil naka-private ito, naisipan nilang gumawa ng page at doon na lamang mag-post ng mga anunsyo upang maipakalat at makita ng iba pang

manlalaro. “Sa isang taon na pagkakabuo ng group [CLSU Gaming Community], marami na kaming mga tournaments na na-i-live sa page at mga pa-raffle draws na naisagawa. Ngayon, mayroon kaming pa-give away sa kapwa naming Silesyuans na diamonds na ibabase namin sa grades na makukuha nila every semester,” saad ni Manaloto habang isinasalaysay ang mga aktibidad na ginagawa ng kanilang grupo. Isa rin sina Ralph Castro at Hanz Zachary Carino, kapwa magaaral sa unang taon sa kursong BSIT ang nagsisimulang magpalaganap ng e-sports sa unibersidad sa pamamagitan ng kanilang binuong Facebook page na CLSU Green Dragons. “We developed e-sports page because we want to empower it in our campus. Sporting programs are something schools should follow and can become something enormous and following a new generation of youth that had a vision of esport that is not just a thing, but it’s everything,” pahayag ni Castro, na lumikha ng nasabing Facebook page. Bagong anyo ng paligsahan Ngayong umuusbong na ang makabagong teknolohiya, maituturing na ngang ganap na parte ng ilang paligsahan sa bansa ang esports. Ayon kay William Ramirez, chairman ng Philippine Sports Commission ay naging popular na sa kasalukuyan ang esports, “This is now part of the entertainment. The way I look at it, there are almost 500 million enjoying the e-games. The organizing committee is

© CLSU Gaming Community Facebook

demanding to have it in Olympic demo.” Dagdag pa niya. Nagbigay rin ng pahayag si Manaloto tungkol sa kahalagahan ng esports sa panahon ngayon at ang mga aral na nakukuha niya rito na nagagamit naman sa tunay na buhay. “Mahalaga ang esports sa panahon natin ngayong makabago na at sumabay pa ang pandemya. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng saya kung hindi nakatutulong na rin ito sa mental health na nagiging stress reliever na rin ng marami.. Karamihan sa kabataan ngayon lalo na sa age range nating mga nasa kolehiyo ay naglalaro ng iba’t-ibang electronic games. Dahil dito, dumarami rin ang mga opportunities sa esports scene gaya ng totoong sports,” ani Manaloto. Hindi lamang basta-basta nakakaubos ng oras ang esports, dagdag niya, bagkus dito mas lalong nahahasa ang strategic skills, pagsunod sa rules

ng laro, pagtanggap ng pagkatalo at higit sa lahat ang pagbibigay respeto sa lahat ng nakakasalamuhang mga manlalaro. Agad naman itong pinabulaanan ng Ruso at sinabing tama ang halaga na kaniyang natatanggap mula sa Worlds number 5 pole vaulter. Kaugnay nito, muli namang inilabas ng PATAFA ang rekomendasyon na kasuhan ng kriminal dahil sa estafa si Obiena dahilan umano ay ang hindi wastong pagbabayad kay Peitrov noong Mayo hanggang Agosto ng 2018. Ayon pa sa PATAFA ay irerekomenda na rin nilang alisin sa Philippine Athletic Team ang Asian title holder kahit pa nauna nang pumanig kay Obiena ang Philippine Sports Commissions (PSC). Abala ngayon ang atleta sa pagsasanay upang mapanatili o maiangat pa ang pwesto at masigurado ang partisipasyon para sa 2024 Paris Olympics.

Donaire itinanghal bilang PBC fighter of the year, unification bout ikakasa sa 2022 Emmanuel Namoro

I

TITULO NG LAHI. Itinanghal bilang Fighter of the Year ang World Boxing Council Batamweight Champion na si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire matapos na makuha ang pinakamataas na boto sa Premier Boxing Champions (PBC) para sa taong 2021. ~ JONALYN BAUTISTA © Katelyn Mulcahy | Getty Images

sinara ng Filipino knockout sensation na si Nonito “The Filipino flash “ Donaire Jr ang taong 2021 sa pamamagitan ng pag-agaw sa titulong fighter of the year ng Premier Boxing Champions (PBC). Naungusan ng 39 taong gulang na boksingero ang kasalukuyang Unified Super Bantamweight champion na si Stephen Fulton Jr, World Boxing Association (WBA) Lightweight titlist Gervonta Davis at ang Super Middleweight Boxer na si David Benavidez matapos magkamit ng 47 porsyento ng kabuuang boto. Sa kabila ng edad ay tinuturing pa rin na isa sa pinakamahusay na boksingero sa kaniyang panahon at dibisyon ang tinaguriang multiple world title holder matapos magkampyon sa apat na magkakaibang weight class ng flyweight, featherweight, bantamweight at super bantamweight. Naging mahalaga ang taong 2021 para kay the filipino flash matapos maging pinakamatandang kampyon ng World Boxing Council (WBC) sa dibisyon ng Bantamweight. Matatandaan na inagaw ng Filipino counter puncher ang

Blacklist International dinispatsa ang Onic PH para sa kampyonato ng MLBB... mula sa page 76 kanilang nakaharap sa upper bracket hanggang makatungtong sa grand finals, samantalang ang UBE naman ay ginagamit na ng Blacklist simula pa noong MLBB Professional League Philippines (MPL PH) season 7. Naging mainit ang simula ng Onic PH sa finals matapos maging agresibo sa gold lane dahilan upang mabigo si Kiel “Oheb” Calvin Soriano na makakuha ng mahahalagang items na kailangan upang maka-alagwa sa bawat team fights. Nagpatuloy ang MPL PH runner up sa kanilang split-push na startehiya, ngunit nang makarating

titulo ng WBC sa French boxer na si Nordine Oubaali matapos tapusin sa pamamagitan ng knockout sa loob lamang ng apat na rounds. Matagumpay namang nadipensahan ni Nonito Jr ang titulo sa kaparehong taon kontra sa kapwa Pilipino fighter sa kaniyang weight class na si Raymart Gablio matapos ipalasap ang knockout sa ikaapat na round. Samantala, hindi rin nakatakas ang 2021 PBC fighter of the year sa ilang kontrobersya dahilan upang hindi maituloy ang kaniyang bakbakan kontra sa isa ring Pilipino at kasalukuyang may hawak ng World Boxing Organization Bantamweight champion na si John Riel Casimero. Sa kasalukuyan mayroong kartada si Donaire na 42 panalo kung saan 28 dito ang tinapos sa pamamagitan ng knockout at referee stoppage, samantalang anim ang kaniyang nalasap na talo kabilang na ang naging resulta ng laban nila ni Unified Bantamweight champion Naoya “Japanese Monster” Inoue. Inaasahan naman ang rematch pati na ang Unification para sa mga titulo ng WBC, WBA, Internation Boxing federation (IBF) at ring magazine nina Donaire at Inoue sa taong 2022.

na sa 15-minute mark ng laro ay nagsimula nang baguhin ng blacklist ang timpla matapos maipanalo ang bawat team fights at makakuha ng turret objectives, sapat upang makamit ang unang panalo. Pareho namang naging agresibo ang dalawang kuponan sa game 2 matapos magpalitan ng kills, turret objectives at pag-ukupa sa jungle ng bawat isa, sa pagpatak ng 14-minute beat down ay tinapos na ng blacklist ang laro, 2-0. Sinimulan ng two-time MPL PH champion ang game 3 sa pamamagitan ng agresibong pagkuha ng turret objectives sa bawat lane, ngunit pagdating ng mid-game ay nakabangon ang Onic PH matapos ang matagumpay na teamfights dahil na rin sa pulidong gameplay ng Lolita ng kanilang team captain na si Allen “Baloyskie” Baloy, subalit

pagsapit ng 21-minute mark ng laro ay tuluyan nang tinibag ng Blacklist ang kanilang depensa, 3-0. Ipinagpatuloy ng Blacklist ang pagdomina sa Onic PH hanggang sa game 4, dahil sa matagumpay na paglatag ng UBE na hindi naman magawang tibagin hanggang sa matapos ang laro pabor sa MPL PH season 8 champion, 4-0. Dahil sa malinis na kartada sa finals ay tuluyan nang hinirang na kampyon ang blacklist at inuwi ang tumataginting na US$ 300,000 (halos 15,000,000 piso) habang US$ 120, 000 (Halos 7,000,000 piso) ang napunta sa Onic PH. Samantala, itinanghal na Most Valuable Player (MVP) ang tinaguriang “The filipino snifer” at gold laner na si Oheb na maguuwi ng karagdagang US$10,000 (halos 500,000 piso) na premyong kaakibat ng naturang individual award.


CLSU COLLEGIAN

ISPORTS

EDITORYAL

BALITA

Kasarinlan Para sa Lahat ng Kasarian

Obiena umakyat sa ikatlong pwesto, PATAFA muling naghabol

SABAY SA USO ISPEAR ikakasa ang ESports sa CLSU, MLBB team binubuo na Lance Josef Landagan

inaghahandaanngayon ng Institute for Sports, Physical Education and Recreation o ISPEAR ang posibleng pagkakaroon ng Electronic Sports (ESport) sa Central Luzon State University (CLSU) at ang pagbuo ng sariling esports team para sa 5v5 Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) na Mobile Legends: BangBang(MLBB).

P

ESPORTS IS THE NEW SPORTS. Dahil ESports ang tanging nakikitang paraan ng Institute for Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) para sumabay sa hamon ng pandemya ang mga estudyante ng CLSU sa aspeto ng isports, ikinasa ng institusyon ang iba’t ibang programa sa larangan ng Esports bilang parte ng pagsusulong nito sa unibersidad. ~ LUIS CASTILLO

Nitong Agosto, nag-organisa ang Collegiate Center for Esports (CCE) ng isang MLBB 5-on-5 Varsity Cup kung saan naghari ang Lyceum of the Philippines University (LPU) laban sa mga katunggali nitong kuponan na buhat sa siyam na iba pang kolehiyo. Upang makasabay ang CLSU sa pagbabago ng panahon, kung saan kinikilala na ang esports bilang kabilang sa larangan ng pampalakasan, nagdesisyonangISPEARnamagsimula na rin sa pagbuo ng sariling koponan na magrereprisenta sa unibersidad. Sinubukan muna ng ISPEAR ang laro bilang simulain sa pinal na pagsusulit, na tinawag na ‘HYPElympics’, ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Physical Education (PE), kaugnay pa rin ng programang Home-Yoked Physical Education na ginawa para iangkop ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kasalukuyang sitwasyon. Layon ng aktibidad na hikayatin ang mga estudyante na makipaghalubilo sa gitna ng pandemya, habang hinahasa ang

Blacklist International dinispatsa ang Onic PH para sa kamyonato ng MLBB-M3, 4-0 Emmanuel Namoro

P

inutol ng Blacklist International ang winning streak ng Onic Ph matapos ma-sweap (4-0) sa finals ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M3 World Championships sa Singapore, sapat upang tanghalin bilang pangalawang kampyon ng mundo mula sa Pilipinas, Disyembre 19. Kinumpleto ng Blacklist ang kanilang Arduous run mula sa lower bracket matapos pataubin ng Blood Thirsty Kings (BTK), 3-2 sa kanilang makatindig balahibong sagupaan sa pagsisismula ng playoffs sa © MPL Philippines Facebook

iba’t ibang kasanayan ng mga magaaral gamit ang larong MLBB, gaya ng pagtutulungan, pagkakaisa, at kritikal na pag-iisip. “Ang turn out naman, ang mga estudyante eh magagaling, meron tayong makukuhang mga players, magbubuo tayo ng mga team natin sa esports,” ibinahagi ni Dr. Jennifer De Jesus, direktor ng ISPEAR. Tungkolnamansapagpapabilang ng MLBB sa State Universities and Colleges (SUC) -III Olympics, sinabi ni Dr. De Jesus na pag-uusapan pa lamang ito sa darating na pagpupulong. Maaaring sagot ang hakbang na ito sa problemang dala ng mga restriksyon sa programang isports ng CLSU lalo at malabo pang payagan ang physical sports events sa susunod na semestre kahit pa nagpahayag na ang Commision on Higher Education (CHED) na maari nitong pahintulutan ang mga unibersidad. “Hindi pa tayo masyadong open doon dahil ang ioopen ngayon ay dalawang course muna, hindi pa kasama ang pag-open ng training ng mga athletes,” sagot ng direktor nang tanungin ukol sa posibilidad ng pagsama ng sports activities sa limited face-to-face classes sa susunod na taon. Hindi naman daw malabo na isunod nang payagan ang mga aktibidad na pampalakasan sa unibersidad, dugtong pa ni Dr. De Jesus, ngunit pagpaplanuhan muna itong mabuti sa kasalukuyan.

upper bracket. Muling nakaharap ng kampyon mula sa Pilipinas ang BTK sa finals ng lower bracket at matagumpay na tinggal ang pagasa ng mga taga-north America para sa inaasam na titulo ng M3 at maging pinakamahusay na kuponan sa buong mundo. Naging makasaysayan para sa mga Pilipino ang M3 dahil sa unang pagkakataon ay kanilang nasaksihan ang all-filipino na sagupaan sa grand finals sa world stage ng Mobile legends at masungkit ang ikalawang magkasunod na kampyonato sa nasabing torneyo. Tulad ng inaasahan ay hindi magiging madali para sa magkabilang kuponan na maipanalo ang bawat game dahil na rin sa kapwa pulidong stratehiya na Ultimate Bonding Experience (UBE) at Banana Split. Matatandaan na naging susi ng Onic PH ang plakado nitong gameplay upang dominahin ang bawat kuponan na


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.