COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
FOR STUDENTRY: EQUALITY | Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University | USSC Election
Tambalang Santos, Torres nanaig sa unang online USSC Elections Lenilyn Murayag
Auditor
PIO
CAg Councilor
CASS Councilor
CBAA Councilor
CEd Councilor
CEn Councilor
CF Councilor
CS Councilor
CHSI Councilor
CVSM Councilor
OPINYON pahina 5 Trabaho Lang
ESTUDYANTENG BUMOTO
3
Treasurer
4,118
6,260
ESTUDYANTENG HINDI BUMOTO
EDITORYAL pahina 8 ‘Di Para sa Lahat
% 8 9.6
10,378
Secretary
SOURCE University Electoral Board
BILANG NG MAG-AARAL SA CLSU
Vice Chairperson
SIDEBAR #1
2% 3 . 60
K
Chairperson
inilala sina Aijohn Santos at Dan Paul Aaron Torres, kapwa miyembro ng Tindig, bilang bagong Chairperson at Vice Chairperson sa kagaganap lamang na unang online USSC Elections nitong Mayo 18. Lumikom ng 2, 781 boto at 2, 562 sina Santos at Torres laban kina Camille Magisa at Reichel dela Cruz ng KAISA na nagtala lamang ng 1, 170 at 1,249 na boto. Tanging si Santos at Mag-isa lamang ang nakabuo ng partido makaraang maglabas ng anunsyo noong ika-lima ng Mayo para sa naturang halalan. Kabilang sina Sherren Punzalan (Secretary), Ron Nunez (Treasurer), Maverick Uy (Auditor) at Mia Angela Simon (Public Information Officer) sa mga bagong lider ng USSC. Naluklok din sa pagiging konsehal ng siyam na kolehiyo sina Lem Isabelle Loresco ng College of Science (CS), Michelle Tumali ng College of Veterinary Science and Medicine (CVSM), Joanna Manalo ng College of Business Administration and Accountancy (CBAA), Julianne Camille ng College of Agriculture (CAg), Ellaine Karylle Mae Bernabe ng College of Fisheries (CF), Kimwell Lazo ng College of Engineering (CEn), Rovin Steve Bajet ng College of Agriculture (CEd), Karwin Emilio Revilla ng College of Home Science and Industry (CHSI) at AJ Ador Dionisio ng College of Arts and Social Sciences (CASS). Samantala, nakapagtala ng 4,118 (39.68%) kabuuang bilang ng mga bumoto sa naturang eleksyon, wala pa sa kalahati ng 10, 378 na populasyon ng pamantasan. Batay sa talaan, pinakamataas na bilang ng mga bumoto ang nagmula sa CBAA na pang-apat sa kolehiyong may pinakamalaking bilang ng mga estudyante sa buong unibersidad. Pinakamaliit na bilang naman ng mga bumoto ang galing sa CAg na may pinakakaunting bilang din ng mga estudyante.
02 BALITA
CLSU COLLEGIAN | USSC ELECTION ISSUE
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Mag-isa, binawi ang statement sa SOGIE Hazel de Guzman
I
‘‘ ‘‘
MAG-ISA
Equality knows no gender and religion, and the SOGIE bill would protect everyone from discrimination and harassment based on their SOGIE.
namin ni Camille Magisa, kumakandidatong USSC Chairperson sa ilalim ng KAISA, na ngayon lamang niya naintindihan ang nilalaman ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill na naging dahilan upang bawiin niya ang kanyang pag “No” laban dito nito lamang Mayo 15. “I firmly denounce all forms of discrimination based on sexual orientation, gender identity, and gender expression (SOGIE),” saad ni Mag-isa sa kanyang liham na naglalaman ng kanyang paliwanag at paglilinaw kung bakit naging “NO” ang tugon niya sa SOGIE Bill.
Ayon din kay Mag-isa, mas naging malinaw sa kanya ang SOGIE Bill at ang matagal nang panawagan na pantay na karapatan at kalayaan para sa lahat laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon at opresyon. “Equality knows no gender and religion, and the SOGIE bill would protect everyone from discrimination and harassment based on their SOGIE, “ dagdag ni Mag-isa. Noong Mayo 13, pinangunahan ng CLSU Collegian ang Standpoint segment na bahagi ng suri sa kampanya sa USSC Elections kung saan tinanong ang mga kandidato ukol sa kanilang mga standpoints
‘No’ sa student activism, dinagsa ng samu’t saring reaksiyon mula sa publiko Danver Manuel at Isabelle Guevarra
M
atapos sumagot ng ‘No’ sa paksa ng student activism, umani ng iba’t ibang reaksyon ang ilan sa mga kandidato ng KAISA para sa CLSU-USSC Elections nito lamang ika-14 ng Mayo. Nagsagawa ng standpoint segment ang CLSU Collegian, opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral, bago ang eleksyon upang alamin ang perspektibo ng mga kandidato sa mga napapanahong isyu ngayon sa bansa kabilang na ang limited face-to-face classes, SOGIE Bill, campus press freedom, at ang student activism. Ilang oras lamang matapos isapubliko ang post sa Facebook page ng CLSU Collegian, apat na kandidato ng KAISA na sina Ellaine Bernabe para sa College of Fisheries Councilor, Maverick Uy para sa Auditor, Janine Co para sa Treasurer, at Karwin Ravilla para sa College of Home Science and Industry Councilor, ang tumanggap ng kritisismo kasunod ng pagsagot ng “Yes” sa unang tatlong isyu at “No” sa student activism. Ayon sa ilang tugon sa comment section
ng nasabing post, salungat ang pagtugon ng “Yes” sa isyu ng SOGIE Bill, campus press freedom, at limited face-to-face classes kung ‘No’ lang din ang magiging tugon ng mga ito sa student activism. “Ang tugon na ito ay naging kapunapuna sapagkat naging taliwas ito sa aking mga naunang sinang-ayunan. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at inaamin ko na ako ay may pagkukulang gawa ng hindi ganoon kalawak ang aking kaalaman patungkol sa usaping sa aktibismo,” ayon kay Revilla. Lumaganap din ang mga below-the-belt comments na naging ugat ng cyberbullying mula sa iba’t ibang mag-aaral sa loob at labas ng unibersidad. “Lubos pa naming nauunawaan ang nais ipahayag ng bawat isa. Mas tama po na sa paraang ito ay makikita namin ang iba’t ibang pahayag, kaalaman, at opinyon na makatutulong upang mas madagdagan namin ang aming kaalaman sa pagsilbi sa bawat isa,” ani Bernabe. sundan sa page 4
sa mga sosyo-politikal na isyu. Ikalawang bahagi ng Standpoint ang “fast talk” kung saan “Yes” at “No” lamang ang pwedeng isagot ng mga kandidato base sa kanilang pag-pabor o hindi sa SOGIE bill, campus press freedom, student activism, at limited face-to-face classes. Inilathala rin ang larawan ng liham na ito sa kanyang personal na Twitter account at sa comment section ng post sa opisyal na Facebook page ng CLSU Collegian. Gayunpaman, base sa mga tugon sa kanyang post, hindi pa rin natanggap ng ilan ang paliwanag.
KAISA at TINDIG, maglalaban sa USSC Election 2021 Ron Vincent Alcon
M
atapos ang huling araw ng pagsusumite ng Certificates of Candidacy noong Mayo 11, opisyal na kinilala ang Kaisa sa Iisang Adhika (KAISA) atTindig CLSU (TINDIG) bilang mga partidong politikal na maglalaban para sa USSC Election 2021. Pinangunahan ni Camille D. Mag-isa, 2nd year BS Agricultural and Biosystems Engineering student ang partidong KAISA, at ni Aijohn R. Santos, 3rd year BS Psychology student ang partidong TINDIG. Sina Mag-isa at Santos din ang magtutunggali para sa posisyong Chairperson samantalang tatakbo naman bilang Vice Chairperson sina sundan sa page 4
OFFICIAL TALLY OF VOTES LEGENDS: █ TINDIG | █ KAISA | █ Indepedent █ Not Voted
CHAIRPERSON SANTOS : 2781 votes | MAG-ISA : 1170 votes VICE CHAIRPERSON
f CLSUCollegianOfficial t @KuleOfficial | 3 clsucollegian@clsu.edu.ph
BALITA 03
‘Burahin ang posts’, Hiling ng ilang mga Kandidato sa USSC Elections Jaira Patricia Ebron
TORRES : 2562 votes | DELA CRUZ : 1249 votes SECRETARY PUNZALAN : 2822 votes | GUMARANG : 998 votes TREASURER NUNEZ : 2076 votes | CO : 1182 votes AUDITOR UY : 1975 votes PUBLIC INFORMATION OFFICER SIMON : 2494 votes | FAJARDO : 1093 votes CAg COUNCILOR VISDA : 288 votes CASS COUNCILOR ADOR DIONISIO : 435 votes | TUNGPALAN : 172 votes CBAA COUNCILOR MANALO : 384 votes CEd COUNCILOR BAJET : 415 votes CEn COUNCILOR LAZO : 383 votes CF COUNCILOR BERNABE : 116 votes CHSI COUNCILOR REVILLA : 200 votes CS COUNCILOR LORESCO : 435 votes | ANTONINO : 172 votes CVSM COUNCILOR TUMALI : 190 votes
D
ahil sa natanggap na mararahas na mga komento at mensahe, humiling ang ilang kandidato maging ang kanilang mga kakilala na tanggalin ang posts sa Facebook page ng CLSU Collegian para sa segment ng election coverage nito na Standpoint, Mayo 17. “Sobrang nabo-bother na po talaga ang mga kapar[t] ido ko sa mga engagements sa post. Pwede po bang i-turn down yung post ng iba after election?” ayon kay Mag-isa, standard bearer ng partidong KAISA, sa isang mensaheng ipinadala para sa publikasyon. Maging ang Office of Student Affairs (OSA) ay nakatanggap rin ng ilang mga reports hinggil sa nangyayaring cyber-bullying tungo sa mga kandidato partikular na kay kina Ellaine Bernabe, tumatakbong College of Fisheries (CF) Councilor. Dahil sa mga pagbabanta at pangambang nagiging dulot umano ng post sa kandidato ayon mismo ulat ng mga kapartido nito at kaibigan, binura ng publikasyon ang isang publication material ng standpoint ni Bernabe bilang pagkondena sa mga akto ng cyberbullying. Ito ay matapos din ang isang emergency meeting na ginanap sa pagitan ng CLSU Collegian at mga kumakandidatong Chairperson, Vice Chairperson, at Secretary ng bawat partido, KAISA at TINDIG, May 15, upang buksan sa lahat ang isyu matapos ang pagapela ng ilan sa mga ito na burahin, gayundin, ay huwag nang i-upload pa ang kanilang naging mga sagot sa standpoint. Sa huli, binawi ng mga kandidatong ninais na huwag nang mai-upload pa ang kanilang interview ang kanilang mga apela, maliban kay Bernabe na ayon sa KAISA ay hindi na maglalabas ng statement dahil di umano ay manggagaling na ito sa OSA. Kasabay nito, naglabas ang CLSU Collegian ng opisyal na pahayag tungkol sa mga isyu. Ayon sa publikasyon, bagama’t ninanais nitong suriin ang perspektibo ng mga kandidato tungkol sa mga isyung sosyo politikal, naniniwala ito na ang pagbaha ng mga komentong marahas at personal upang buskahin ang mga ito ay hindi nararapat at hindi kinakailangan, dahilan upang tanggalin ang pubmat ukol kay Bernabe. Dagdag ng publikasyon, ang sinumang kandidatong nagnanais nang mabura ang publication materials hinggil sa kanilang standpoints ay dapat na magsumite ng nilagdaang request letter para rito upang isapubliko rin. Gayunpaman, matapos mabura ang post ukol kay Bernabe, hindi natanggap ng CLSU Collegian ang inaasahang statement nito at imbes na letter of request ay isinaad nito sa mensaheng ipinadala sa publikasyon na hindi umano siya ang nag-report ng post. Dahil dito, dagliang ibinalik naman ng publikasyon ang naunang binurang pubmat. Sa ngayon, hindi muna tumatanggap ng mga panayam ang mga nabanggit na kandidato.
04 BALITA
CLSU COLLEGIAN | USSC ELECTION ISSUE
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Bagong kalendaryo sa ‘USSC Elections 2021’, inilatag ng UEB
USSC ELECTION CALENDAR 2021 SOURCE University Electoral Board
Mark Angelo Ultimo
K
asabay ng pagbuo ng bagong University Electoral Board (UEB), naghain ang organisasyon ng bagong kalendaryo para sa gaganaping eleksyon ngayong taon. Sa halip na sa ikalimang araw sa ika-limang linggo ng unang semestre, ginanap noong ika-18 Mayo ang University Supreme Student Council (USSC)
‘No’ sa student activism... mula sa page 2 Nakatanggap din ang publikasyon at ang Office of Student Affairs (OSA) ng ilang mga reports mula sa concerned individuals na konektado kay Bernabe kung kaya’t binura ang standpoint post nito. Subalit, taliwas sa inaasahan, nitong Mayo 17, nagpadala ng opisyal na pahayag si Bernabe sa Facebook page ng CLSU Collegian na nililinaw na hindi siya ang nag-report ng post, dahilan upang muling ibalik ng publikasyon ang post. “With regard to the Facebook post containing our answers in the interview, I was informed that it was taken down and I just want to make it clear to everyone that I was not the one who reported the post. Though I was judged and bullied in the comment section, I’ve learned my lesson thru it and now I know the importance of activism,” saad ni Bernabe.
Elections 2021 habang naging ikalima hanggang ika-11 ng Mayo naman ang pagpapasa ng Certificate of Candidacy (COC), taliwas sa nakasanayang takda ng Constitution and By-Laws (CBL) ng Collegiate Student Body Organization (CSBO). Ayon kay Laurence Ramos, UEB Secretary, nahuli nang bahagya ang Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA) sa pagbuo ng bagong UEB kaya maikling panahon lamang ang nailatag na election calendar ngayong taon. Base sa lumang CBL na ibinigay sa UEB, mali ang nakatakdang petsa ng eleksyon na tuwing unang semestre dahilan upang maghain ng
resolusyon ang USSC bilang tugon sa pagpapatibay ng bagong CBL noong 2013 na nagsasabing tuwing ikatatlong linggo kasunod ng 2nd Semester Midterm ang taunang USSC Election. Ngunit ilang araw bago ang halalan, umapila si Devin Carl Sagun, dating USSC Chair at ibinigay ang ratified CBL na kung saan nakasaad dito ang bagong election period. Samantala, ginanap naman ang campaign period ng mga kandidato noong ika11 hanggang ika-17 ng Mayo at isinagawa ang Miting De Avance sa huling araw nito sa pamamagitan ng live broadcast sa Facebook page ng CLSU Collegian.
KAISA at TINDIG...
mula sa page 2
Reichel S. Dela Cruz ng KAISA at Dan Paul Aaron Torres ng TINDIG. Gayundin, maghaharap sa posisyon ng Secretary sina Julius Ceazar F. Gumarang mula sa KAISA at Sherren S. Punzalan ng partidong TINDIG. Sina Janine Arvie O. Co ng KAISA at Ron Vincent F. Nuñez, independent candidate, ang maglalaban naman para sa posisyon ng Treasurer. Para sa CASS Councilor, nariyan ang mga kandidatong sina Jemina Kyla A. Tungpalan ng partidong KAISA at AJ U. Ador Dionisio ng TINDIG. Nagdeklara rin ng kanilang kandidatura sina Gabriel F. Antonino ng KAISA at Lem Isabelle M. Loresco mula sa TINDIG para sa posisyong CS Councilor. Samantala, nakahabol naman noong Mayo 15 ang kandidatura nina Dominic H. Fajardo ng KAISA at Mia Angela S. Simon ng TINDIG para sa posisyong Public Information
Officer. Sa kabilang banda, isang boto na lamang ang kailangan upang matiyak ang pagkapanalo ng walong kandidatong walang kalaban kabilang sina Maverick L. Uy, Auditor candidate, Joanna R. Manalo, CBAA Councilor candidate, Kimwel A. Lazo, CEn Councilor candidate, Rovin Steve P. Bajet, CEd Councilor candidate, Ellaine Karylle Mae C. Bernabe, CF Councilor candidate, Juliane Camille U. Visda, CAg Councilor candidate, at Michelle B. Tumali, CVSM Councilor candidate na pawang mga kandidato ng KAISA, gayundin si Karwin Emilio Revilla, CHSI Councilor independent candidate. Inaasahan ang kabuuang bilang na 10,378 na mag-aaral ng unibersidad na makibahagi sa kauna-unahang online halalan sa darating na Martes, Mayo 18, na gagamitan ng Google Forms.
MAY
MAY
05
11
FILING OF COC
MAY
11
SCREENING AND RELEASE OF QUALIFIED CANDIDATES
MAY
12
LAST DAY OF APPEAL FOR RECONSIDERATION OF QUALIFIED CANDIDATES
MAY
MAY
11
17
CAMPAIGN PERIOD
MAY
17
MITING DE AVANCE
MAY
18
ELECTION DAY
OPINYON 05
f CLSUCollegianOfficial t @KuleOfficial | 3 clsucollegian@clsu.edu.ph
Freethinker Laurence Ramos Opinion Editor
ramos.laurence@clsu2.edu.ph
‘‘‘‘
Trabaho Lang Maging maingat sana tayo sa pagbibitiw ng mga salita, hindi kasalanan ng publikasyon kung baluktot ang pananaw ng isang kandidato.
Kritisismo mula sa publiko ang bumubuhay sa demokrasya. Bilang parte ng ikaapat na estado, trabaho namin na bantayan at ilahad sa publiko ang lahat ng kaganapan, tungkulin din naming ipakilala at alamin ang mga pananaw ng mga kandidato sa mga isyu na direktang apektado ang mga estudyante. Higit pa rito, bilang parte ng University Electoral Board, tungkulin taun-taon ng CLSU Collegian ang magpalaganap ng mga impormasyon tungkol sa University Supreme Student Council (USSC) Elections. Subalit nito lamang nakaraang USSC Elections, umani sa social media ng mga kritisismo, puna at mga panlalait sa pisikal na katangian ang ilan sa mga kandidato. Dahil dito, naging mainit ang mata ng ilan sa publikasyon at ibinato rito ang sisi matapos masamain ang ‘StandPoint’ segment na parte ng pagkilatis sa mga kandidato. Kalaunan ay ipinabubura ang mga post at higit sa lahat ay pinipigilang i-post ang ilan sa mga natitirang pahayag. Malinaw na isa itong manipestasyon sa pagsupil sa malayang pamamahayag pangkampus. Tandaan natin na kaakibat ng desisyon ng isang kandidato sa kaniyang pagtakbo bilang public official ang pagtanggap ng mga kritisismo at puna mula sa madla. Maging maingat sana tayo sa pagbibitiw ng mga salita, hindi kasalanan ng publikasyon kung baluktot ang pananaw ng isang kandidato. Kung mayroon mang atakeng personal sa mga kandidato na hindi na kayang sikmurain ay hindi dapat na ibigay ang sisi sa publikasyon. Dapat ay maging bukas ang mga kandidato sa mga puna at panindigan ang kanilang mga naging pahayag. Dapat lamang na matutunan at pagaralan ang mga isyung may direktang epekto sa hanay ng mga estudyante. Gayundin, panindigan sana natin ang mga naunang pahayag sa pagsuporta na ipaglaban ang malayang pamamahayag pangkampus at huwag maging taliwas kung nakikita na pandungis ito sa inyong imahe. Matutuhan nawa ng mga “aspiring leaders” na maging responsable at magkaroon ng pananagutan sa mga binibitawang salita. Ang tanging layon lamang namin ay maging tulay ng mga impormasyon, ipakilala, kilatisin kayo at ilahad ito sa publiko upang mabigyang linawat masuri nawalang halong intensyon na sirain ang anumang reputasyon. Marahil nasaktan ang ilan subalit napapanahon ba na pairalin ang pansariling interes, hindi ba maaaring isantabi muna? Nariyan kayo dahil ginusto niyo at walang pumilit sa inyo. Paalala, trabaho lang, walang personalan. #DefendCampusPressFreedom
Patronum
Jerome Christhopher Mendoza
Literary Editor
mendoza.jerome@clsu2.edu.ph
‘‘‘‘
Boses ng Iilan Sa ating partisipasyon sa mga nagaganap na halalan, sino ba ang makikinabang? Hindi ba’t tayo rin namang mga mag-aaral.
Nakasalalay sa ating pagboto ang kinabukasan nating mga mag-aaral kung kaya’t nararapat na imulat natin ang ating mga kapwa botante sa kanilang mga karapatan. Dalawang partido ang naghangad na mabigyan ng pagkakataong umupo at mapaglingkuran ang hanay ng mga magaaral ng CLSU bilang mga lider-estudyante sa nakaraang University Supreme Student Council (USSC) Election. Naging malaking bagay ang partisipasyon ng mga mag-aaral upang masuri at makapili ng panibagong mga opisyal na siyang magrerepresenta ng organisasyon ng mga mag-aaral. Subalit, nakalulungkot isipin na hindi man lang umabot sa kalahating bahagdan ang mga bumotong mag-aaral sa naganap na eleksyon. Base sa datos na inilabas ng Office of Admissions, ang tinatayang bilang ng mga mag-aaral na boboto para sa eleksyon ay 10,378 ngunit base sa datos na inilabas ng University Electoral Board (UEB), 4,118 boto lamang ang pumasok at nabilang. Dahil sa mababang bilang ng boto, umabot lamang sa 39.68% ang percentage of votes casted na kung susuriin ay hindi pa sapat para irepresenta ang buong sangkaestudyantehan ng CLSU. Dahil nga sa datos na inilabas ng UEB, nakababahala na malaking porsyento pa rin ng mga mag-aaral ang hindi lumalahok at nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga ganitong klase ng aktibidad na tayong lahat din naman ay makikinabang at maapektuhan bilang mga mag-aaral. Kritikal ang bawat boto ngunit hindi ko rin mawari kung ano ba ang saglit na minutong ilalaan mo upang pindutin ang google forms at bumusisi ng karapat-dapat na kandidato, ‘di ba? Tunay na ilan sa atin ang wala o hirap humanap ng internet access ngunit maliit lamang na bahagdan ang mababawas sa kabuuang bilang ng botante kung ang problemang ito ang titignan. Mahalagang gamitin natin ang karapatang ito upang pumili ng karapat-dapat na lider-estudyante na silang mangunguna at magrerepresenta ng ating organisasyon. Ang pagboto ay isang karapatan at isang paraan ng pagpapakita na ikaw ay nakikialam sa mga nangyayari sa ating unibersidad kahit na tayo ay nasa kanikaniyang tahanan at nakararanas ng pandemya. Sabi nga nila, mas mabuti nang ika’y nakialam upang sa huli ay walang kang pagsisihan. Bilang isang mag-aaral at kabataan, malaking responsibilidad ang pagboto dahil hindi lamang sa uniberisdad nangyayari ito kundi maging sa nasyonal. Kung sa loob ng unibersidad pa lamang ay hindi na nagagampanan ang inyong mga tungkulin lalo na tuwing eleksyon, paano ka magiging responsableng mamamayan ng bansa? Sa ating partisipasyon sa mga nagaganap na halalan, sino ba ang makikinabang? Hindi ba’t tayo rin namang mga magaaral. Huwag sanang dumating sa punto na ikaw ay magagalit, mag-popost ng rant sa Facebook at magrereklamo sa magiging bagong bihis at sistema ng USSC sapagkat una sa lahat ay hindi mo ginampanan ang iyong responsibilidad na makibahagi at bumoto.
06 OPINYON
CLSU COLLEGIAN | USSC ELECTION ISSUE
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Novaturient Jaymie Krizza Benemerito Circulations Manager
benemeritokrizza@gmail.com CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
COLLEGIAN f o r
S T U D E N T R Y
:
E Q U A L I T Y
Patnugutan ng una at pangalawang semestre A.Y. 2020-2021 Xyra Alessandra Mae Balay EDITOR-IN-CHIEF Millen Angeline Garcia ASSOCIATE EDITOR Jaira Patricia Ebron MANAGING EDITOR Jaymie Krizza Benemerito CIRCULATIONS MANAGER Hazel de Guzman NEWS EDITOR Laurence Ramos OPINION EDITOR Donna Mae Mana SPORTS EDITOR Lenilyn Murayag FEATURES EDITOR Christine Mae Nicolas DEVCOMM EDITOR Jerome Christhopher Mendoza LITERARY EDITOR John Marius Mamaril HEAD CARTOONIST Luis Castillo HEAD PHOTOJOURNALIST France Joseph Pascual HEAD LAYOUT ARTIST Emmanuel Namoro Joshua Mendoza SENIOR WRITERS Edwin Bobiles Carl Danielle Cabuhat SENIOR PHOTOJOURNALISTS Khennard Villegas SENIOR CARTOONIST
PROBATIONARY STAFFS Irah Pearl Acierto | Ron Vincent Alcon Paula Alexis | Jonalyn Bautista Steven John Collado | Ohnie Garcia Ma. Clarita Isabelle Guevarra Danver Manuel | Excy Bea Masone Ed Reyes | Joleene Sibayan Mark Angelo Ultimo Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office , Student Union Building, CLSU,Science City of Muñoz, Nueva Ecija o magsumite ng mensahe sa clsucollegian@clsu.edu.ph
‘‘‘‘
Aktibismo hindi terorismo Kung susuriin, isang porma na ng aktibismo ang pagkandidato sa USSC Elections bitbit ang lehitimong panawagan na mula sa kongkretong pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan sa hanay ng mga estudyante.
Bagama’t karamihan sa atin ay marunong bumasa at sumulat, hindi pa rin maiiwasan ang pagiging mangmang sa mga kahulugan ng iba’t ibang salita partikular na sa ideyalismo ng salitang ‘aktibismo’ o activism. Gumawa ng ingay ang ilan sa mga kandidato ng CLSU para sa USSC Election 2021 partikular na sa usapin ng Student Activism mula sa naging tugon sa Standpoint segment ng CLSU Collegian na ginanap lamang kamakailan. Kapansinpansin ang mga kandidato na nabigyang-puna dail sa hindi pagsang-ayon sa usaping aktibismo ngunit sumang-ayon sa SOGIE Bill at Press Freedom. Ang hindi pagsang-ayon na ito ay naging isang kalituhan sa mga mambabasa at mga bobotong mag-aaral dahil taliwas ang kanilang mga punto sa pagpapahayag ng kanilang mga ipinaglalaban. Ayon sa isang kandidato na hindi pabor sa aktibismo, ang desisyong ito ay resulta ng kakulangan sa kaalaman patungkol sa usaping ito. Hindi naging malawak umano ang kanilang kaalaman tungkol dito at kung ano-ano ang mga nakapaligid na obligasyon at gampanin nito sa lipunan. Ang student activism sa Pilipinas ay nagsimulang noong 1960’s na naging impluwensya ng pagpapanatili ng kultura galing sa mga rebolusyonaryong Pilipino at edukasyon na meron ang mga kabataan. Ang edukasyon na ito ang naging daan upang magkaroon ng magandang pagtanaw ang mga estudyante sa mga politikal na aspeto lalo na at patungkol sa mga mamamayan at sa gobyerno. Ang aktibismong ito ang naging dahilan upang makahingi ng reporma ang mga estudyante sa magulong sistema ng edukasyon, at sa iba’t ibang saklaw ng mga sosyo-politikal na aspeto sa bansa. Kabilang dito ang pagtatampok sa mga isyung nakapalibot sa hanay ng mga estudyante kasama na rito ang paglaban sa pagtaas ng tuition fees sa mga paaralan, pagpapabuti ng mga kagamitang pang-paaralan, pagsuporta sa mga jeepney strike, pagsulong ng pagpapataas ng presyo ng palay, at marami pang isyung direktang apektado ang masa. Ayon kay Fidel Nemenzo, Chancellor ng UP Diliman, ang aktibismo ng mga estudyante ay isang bunga ng paniniwala na ang edukasyon ay hindi dapat nalilimitahan lamang sa loob ng apat na sulok ng paaralan, bagkus ay walang saysay ang pag-aaral na ito kung hindi magagamit sa buhay ng tao at para sa bayan. Kung susuriin, isang porma na ng aktibismo ang pagkandidato sa USSC Elections bitbit ang lehitimong panawagan na mula sa kongkretong pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan sa hanay ng mga estudyante. Marahil ay nabahiran din ang pagtingin ng mga tao sa kasalukuyan na ang aktibismo ay kasing-kahulugan ng pagiging terorista na siyang ikinatatakot ng ilang mag-aaral dahil sa kabi-kabilaang red-tagging ng kasalukuyang administrasyon. Sa kabila nito, mariin itong kinokondena ng karamihan dahil ang pagiging aktibista ay isang paraan lamang ng mga estudyante upang maging bukas at mulat sa kasalukuyang kinahaharap ng bansa, at ang mga ipinaglalaban na repormang ito ay maging daan upang magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad na nakaayon sa pangangailan ng mamamayan at pabor sa karapatang pantao. Sa huli, isang manipestasyon ito na hindi pa mulat, nakapalibot lamang sa rally ang depinisyon ng aktibismo at higit sa lahat ang kakulangan ng edukasyon ng ilan sa mga kandidato tungkol sa usapin ng aktibismo na nararapat na bigyang pansin. Gayundin, mananatili na ang aktibismo ay hindi terorismo. Ang tapang ng mga estudyante upang maging bokal sa kanilang mga paniniwala ay simbolo ng pagbabago at resulta ng komprehensibong edukasyon upang maging mulat sa katotohanan at mananatiling nakasandig sa ikabubuti ng mamamayan at karapatang pantao.
OPINYON 07
f CLSUCollegianOfficial t @KuleOfficial | 3 clsucollegian@clsu.edu.ph
Millennium Millen Angeline Garcia Associate Editor
garcia.millen@clsu2.edu.ph
SOGIE Bill: Karapatang Pantao
‘‘ ‘‘
Catalyst
Christine Mae Nicolas
DevComm Editor
nicolas.christine@clsu2.edu.ph
Responsibilidad
‘‘
Maging bukas tayo sa pagtanggap kahit maraming kaibahan sa pagitan ng bawat indibidwal.
Pribilehiyo man ng lahat ang pagkakaroon ng kalayaan sa paghahayag ng saloobin at opinyon, hindi pa rin ito katumbas ng permiso upang makapanakit ng kapwa.
Naglalayon ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill o SOGIE Equality Bill na protektahan ang lahat ng tao laban sa ano mang uri ng diskriminasyon sa kabila ng pagkakaiba-iba na mayroon ang bawat isa. Nitong katatapos lamang na pangangampanya para sa University Supreme Student Council (USSC) Elections, naging usapin sa social media ang naging pahayag ng kumandidatong chairperson na si Camille Mag-isa ukol sa sagot niyang ‘NO’ sa SOGIE Bill. Sa nilabas niyang pahayag, nilinaw ni Mag-isa na iyon ang naging tugon niya dahil sa kakulangan sa kaalaman ukol sa nasabing bill. Kinundena ng marami ang pahayag na ito sapagkat bilang lider-estudyante, dapat mulat siya sa mga ganitong usapin at pabor sa mga adhikain na isulong ang mga programa o batas para sa karapatang pantao. Lingid sa kaalaman ng nakararami na ang SOGIE Bill ay hindi isinulat para lamang sa mga kapatid nating miyembro ng LGBTQ+ Community. Malinaw na nakasaad sa bill na naglalayon itong supilin ang diskriminasyon na madalas ibato sa mga miyembro ng LGBTQ+ Community dahil kanilang sexual orientation, gender identity at gender expression kaya naman akala ng marami na ito ay ‘special treatment’ para sa mga miyembro ng LGBTQ+ Community. Dahil sa kakulangan sa kaalaman, kalituhan ang dulot nito na humahantong sa hindi pagsang-ayon sa nasabing bill. Marami ang dumedepende lamang sa samu’t saring opinyon sa social media na walang malinaw na basehan o sa mga lumalaganap na fake news hinggil sa SOGIE Bill. Bilang isa sa mga pinaka-konserbatibong bansa, marami pa rin ang hindi mulat at hindi sang-ayon sa SOGIE Bill. Sa katunayan, dahil sa mga diskusyon at pagtutol, tinagurian ang bill na ito noong Mayo 2019 bilang longest-running bill sa ilalim ng Senate interpellation period sa kasaysayan ng bansa. Isa sa mga dahilan ng kawalan ng suporta sa bill na ito ay ang pagsalungat umano nito sa mga tradisyonal at relihiyosong paniniwala ng mga Pilipino. Taliwas ang ideyang ito sa pangunahing layunin ng SOGIE Bill na supilin ang diskriminasyon. Sa panahon ngayon, ang kamulatan sa isyung panlipunan ay isa nang pangangailangan. Mahalaga na makiisa tayo at makialam sa mga usapin ukol sa mga karapatan na dapat ay natatamasa ng mga bawat isa ano pa man ang kanyang edad, kasarian, kulay, katayuan sa buhay, relihiyon at paniniwala tulad ng nakasaad sa SOGIE Bill. Maging bukas tayo sa pagtanggap kahit maraming kaibahan sa pagitan ng bawat indibidwal. Ang pagsuporta sa SOGIE Bill ay hindi nangangahulugang pagtalikod sa ano mang paniniwala o prinsipyo. Ang pagsuporta sa SOGIE Bill ay pagtayo para sa karapatang pantao.
Kadikit ng paghahayag ng saloobin at opinyon ng isang indibidwal ang maging responsable sa kanilang mga salita at huwag lalagpas sa limitasyon na maaaring makapagdulot ng masama sa kapwa. Nitong Biyernes lamang, Mayo 14, nang magsimulang umani ng atensyon at mga komento ang ilan sa ‘Standpoint’ o mga inilabas na post sa opisyal na Facebook page ng CLSU Collegian hinggil sa naging tugon sa panayam ng mga estudyanteng nagnanais makasungkit ng posisyon sa University Supreme Student Council (USSC). Naglipana ang mga binitiwang kritisismo ng mga magaaral, alumni at maging ng ilang indibidwal mula sa iba’t ibang unibersidad, ngunit bukod dito, nakapukaw din ng atensyon ang mga komentong hindi angkop sa takbo ng usapin. Nariyan ang mga puna tungkol sa pisikal na katangian at kasarian ng ilang kandidato na malinaw na walang kaugnayan sa nagaganap na diskusyon. Pabiro man ang paglalahad o walang masamang intensyon, hindi maitatanggi na ang mga ganitong puna ay maaaring magdulot ng hindi maganda sa kapwa. Bukod sa mga komento, mayroon ding kandidato na nakatanggap ng mga nakababahalang mensahe na isang malinaw na uri ng pambu-bully sa pamamagitan ng social media o cyberbullying. Taong 2013 ng maisabatas sa bansa ang Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 upang matugunan ang pagdami ng kaso ng bullying sa mga elementarya at sekondaryang paaralan, nakapaloob sa batas na ito ang cyberbullying. Nasa mas nakababata man ang pokus ng batas, ang sinuman ay posible pa ring makaranas ng bullying. Ilan sa mga uri ng cyberbullying ang pamamahiya, paninirang-puri, harassment, at masquerading kung saan gumagamit ng ibang pagkakakilanlan ang isang tao upang makapanira ng iba, na may kaakibat na negatibong epekto ‘gaya ng takot, pagbaba ng kumpiyansa sa sarili at unstable na mental health. Pribilehiyo man ng lahat ang pagkakaroon ng kalayaan sa paghahayag ng saloobin at opinyon, hindi pa rin ito katumbas ng permiso upang makapanakit ng kapwa, kung kaya marapat lang na ilagay sa tama ang pamumuna. Dapat paglaanan ng moderasyon ang pagbibitiw ng mga salita sapagkat sinadya man o hindi, anumang aksyon na nagreresulta ng hindi maganda sa iba ay hindi maituturing na tama.
08 - 09
OPINYON CLSU COLLEGIAN | USSC ELECTION ISSUE
EDITORYAL
‘DI PARA SA LAHAT Ang pag-asam ng posisyon para sa University Supreme Student Council ay hindi para sa mahihina ang puso at marurupok ang pundasyon sa paglilingkod sa sangkaestudyantehan. Bagama’t kapuripuri ang inisiyatibong maglingkod, nakakadismaya pa rin ang kakulangan sa kahandaan, kasabay pa ng pagiging balat-sibuyas ng ilang mga kandidatong nais kumatawan sa mga mag-aaral at maging bukas sa mga hinaing nito sa nakalipas na halalan para sa magiging USSC offi-cers ng A.Y. 2021-2022. Totoong nakatutuwa ang pagkakaroon ng kagustuhang paglingkuran ang kanilang mga kamag-aral sa gitna ng pagsigaw ng mga estudyante ng CLSU ng hinaing tungkol sa kasalukuyang flexible learning system, gayundin sa mga isyu sa mga asignatura, diskriminasyon at maging sa pagbabanta sa kaligtasan ng ilan dahil sa red tagging. Gayunpaman, nakakapanghinayang na tila hindi naman talaga kasama ang mga isyung
ito sa naging pundasyon ng ilang mga pubmats, gayundin ay nagpahayag ng kandidato. kagustuhang huwag nang isapubliko ang Noong ika-15 ng Mayo, isinapubliko ng mga ito. CLSU Collegian sa Facebook page ang mga Sa pangyayaring ito, tunay na balat naging perspektibo ng mga kandidato sa sibuyas ang mga kandidatong gusto USSC Elections hinggil sa mga akademiko lamang ay puro papuri ang natatanggap. at sosyo-politikal na isyung kinakaharap ng Hindi ata nila nalalaman na ang isang mga estudyante. Marami rito ang umani malaking hamon sa pag-upo bilang USSC ng puna sa publiko dahil sa kakulangan sa officers ay pagsalang din sa napakaraming kaalaman sa usapin na inamin din mismo batikos at pamumuna ng mga kapwa ng ilang mga kandidato. estudyante tungkol sa mga proyekto, Bilang isang liderestudyante, isang pondo, at maging sa mga personal na paghahanda ang pananaliksik sa mga buhay nito. totoong isyung kinakaharap ng mga Isa pa, sa pagpapatanggal ng mag-aaral, hindi lamang sa apat na sulok mga posts, ipinapakita ng mga ito ang ng unibersidad. Sa pagnanais ng isang entitlement na tila ba akala ng mga ito, kritikal na posisyon gaya sa USSC, dapat na ang CLSU Collegian ay gumagalaw at maging responsibilidad na ang pagkatuto naglalabas ng pubmats para ikampanya at pagpulso sa kapwa estudyante. Ang sila. Taliwas naman ito sa totoong layunin kagustuhang solusyunan ang mga ng publikasyon, bilang parte ng University problemang ito ang tunay na pundasyon Electoral Board, na maging gabay ng mga dapat ng inisiyatibong maglingkod, at botante sa pagpili ng nararapat na lider hindi pupunahin lamang estudyante. kapag nakaupo na. Samakatuwid, Isa pa, hindi rin nakadidismaya ang sapat na dahilan ang naging kakulangan sa Bagama’t hindi pagiging maalam o paghahanda ng mga hindi lahat ay bukas sa isyu dahil halos kandidatong nagnanais ipinanganak lahat ng impormasyon na maging parte ng USSC at koneksyon ay madali gayong laging kadikit ng na mulat, may nang i-access online. tungkuling ito ang pagresponsibilidad Sa katunayan, ang mga unawa sa mga sosyona sosyal naman pahina sa Facebook politikal na mga isyu at ng bawat isa kagaya ng The CLSU Files, pamumuna mula sa kritiko. ang magkaroon CLSU Collegian, at mga Marapat isipin ng college publications ay sinumang kandidato ng kaalaman sa patuloy na naglalatag din na ang pagkakataong realidad. ng mga suliranin ng mga maglingkod ay hindi para estudyante sa unibersidad. sa lahat. Hindi lamang ito Bagama’t hindi lahat ay simpleng pag-upo sa mga ipinanganak na mulat, responsibilidad na pagpupulong, nakasanayang pamimigay sosyal naman ng bawat isa ang magkaroon ng kape kapag exam week, o kaya ay ng kaalaman sa realidad. pag-oorganisa ng mga aktibidad para sa Kaugnay nito, totoong salat din ang kasiyahan. Ang pagiging opisyal ng USSC ilang mga kandidato sa paghahandang ay isang pribilehiyo. emosyonal at mental para sa pagsabak Sa mga susunod pang eleksyon sa sa USSC Elections. Sa mga in-upload unibersidad, nawa’y tigilan na ng mga na publication materials, tunay na kakandidato ang pag-akto na parang kinokondena ng publikasyon ang hindi trapo o traditional politicians. Hindi mga maiwasang cyberbullying sa mga mangmang ang mga estudyante ng CLSU comment sections at posts ukol dito, ngunit upang madala lamang sa mababangong dapat pa ring tingnan kung paano nila salita at mga mabulaklak na plataporma. tinatanggap ang mga mapanghamong Kailan man, dapat lang na naisin ang tanong at kritisismo na ibinabato sa kanila. mga lider estudyanteng hindi mangmang Habang may ilang mga kandidatong sa realidad; karapatan ng CLSUans na naging bukas sa pagsagot sa comment magkaroon ng representanteng bukas sections ukol sa naging pahayag nila, ang isip at matibay ang paninindigan lalo mayroon din namang mga kandidatong na sa kasalukuyan. nais ipatanggal ang kanilang mga
‘‘
Magsisimula sa’yo ni John Marius Mamaril
CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE KULE CLSU You do agree, right? KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE Mahiwagang KopitaCLSU KULE clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu Noon At Ngayon CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu Bakit Nag-No? CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu KOMIKS CLSU KULE KULEKOMIKS CLSU KULE CLSU KULE CLSU KULE ni Joleene Sibayan
ni Ron Vincent Alcon
ni Joleene Sibayan
ni Ohnie Garcia
USSC Election pala ngayon, tingnan ko nga muna mga ganap bago bumangon
Ah, puro Yes naman pala, hindi na kailangang alamin kung bakit sila nag-Yes
Noooooooo! Bakit nag-No? Nakakagigil