COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
NEWSLETTER ISSUE TOMO LXII | BLG I DIBUHO ni John Marius Mamaril KULAY ni Steven John Collado
Solusyon, ‘wag dagdag konsumisyon PAHINA 18
u s l c ll o c
24
NILALAMAN BALITA 04
68 na puno pinutol sa Munoz; mga residente, nabahala
EDITORYAL 12 Dehado
OPINYON 14 Walang Halaga
NASYONAL 18 Solusyon, ‘wag dagdag konsumisyon
22
KOMIKS 22
Selfie, selfie, dolomite beybeh!
LATHALAIN 24 Pagtahak sa Pandemya
DEVCOMM 34 Krisis sa Gitna sa Krisis
LITERARI 42
Bilang ng mga humintong mag-aaral sa CLSU tumaas
ISPORTS 52
Execration tInibag ang UBE-Strategy ng Blacklist International sa MSC 2021 finals, 4-1
LARAWANG SANAYSAY 54
52
E CLSUCollegianOfficial | D @KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph
u 54ia g e l
4
LAYOUT DESIGN INSPIRED BY M.A.P Magazine
ISSUU ACCOUNT
2
ALL RIGHTS RESERVED.
34
04
No part of this newsletter can be reproduced in any form or any means without the prior written permission from the author and the publication, except for purpose of review and scholarly citation. Copyright © 2021
04 BALITA
LAURENCE RAMOS
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
68 na puno pinutol sa Muñoz; mga residente, nabahala Laurence Ramos
B
PUNO NG PAGKABATA. “Simula pagkabata ko kasa-kasama ko na mga puno na yan eh,” wika ni alias Matia, residente ng Barangay Bagong Sikat na may halong lungkot at dismaya. Aniya, ang mga punong iyon ay nagkakagulang isa hanggang dalawang dekada, na siyang nagsisilbing proteksyon at lilim sakanila sa iba’t ibang klima at panahon. “Kung maari nga lang balikan ang mga panahong naglalaro kami sa ilalim ng mga Akasya na ‘yan gagawin ko eh,” dadag pa niya.
CARL DANIELLE CABUHAT
ilang bahagi ng Road-Widening Project na pinangungunahan ng Local Government Unit (LGU) ng Science City of Muñoz, 68 na nakatanim na mga puno ang pinutol sa kahabaan ng Bagong Sikat kung saan malapit din ang Central Luzon State University (CLSU). Kaugnay nito, noong Mayo 9 ng nakaraang taon, ginawaran ng permiso ng Department of Environmental and Natural Resources Office of Region III (DENR-R3) ang kahilingan ng LGU na putulin ang mga nasabing puno alinsunod sa memorandum na ginawa noong Abril 28, 2016 at pirmado ni Engr. Paquito T. Moreno Jr. CESO III, Regional Executive Director ng DENR-R3. Dahil dito, may mga kondisyon ang nasabing permit ukol sa mga karagdagang batas, panuntunan, at regulasyon ng Forestry na kinakailangang sundin ng LGU. Umabot sa 42 na acacia, 23 na mangga, isang santol, at dalawang sampalok ang bilang ng mga pinutol na puno, gayundin may dami na 44.09 cubic meter ang mga ito batay sa ulat na isinumite ng City Environmental and Natural Resources Office of Science City of Muñoz sa DENR-R3. Gayunpaman, nakatanggap ng mga reklamo ang CLSU Collegian, ang opisyal na publikasyon ng mag-aaral ng Central Luzon State University dahil lumikha ng pagkalito at alarma sa mga residente na malapit sa lugar. Ayon sa kanila, walang mga signage at anunsyo na nagsasabi ng layunin ng malawakang pagputol ng mga puno. “KKaya raw po pinuputol ang mga puno ay aayusin daw po ‘yung mga poste ng kuryente at planong bakbakin ‘yung hangganan ng Bagong Sikat sa CLSU. Ang dahilan ay ginagawa daw kasing tapunan ng iba pang basura na pagaari ng CLSU. Ang dahilan ay ginagawa daw kasing tapunan ng iba pang basura
ngay pag-aari ng CLSU. Hindi pa alam kung magtatayo ng bagong bakod o ano,” ayon kay alias “Matia”, residente ng Barangay Bagong Sikat. Saad ng [ilan] mga opisyal ng barangay, may kaalaman sila tungkol sa nasabing proyekto, subalit, hindi nila maipakita ang kopya ng permit. Hindi rin pinayagan ang publikasyon na magsagawa ng panayam sa kapitan ng nasabing barangay dahil sa mahigpit na iskedyul sa City Hall of Science City ng Muñoz. Bilang karagdagan, batay sa mga sipi mula sa mga minuto ng ika-220 na regular na pagpupulong noong Nobyembre 8, 2019, inaprubahan ng Lupon ng Regent ng CLSU ang iminungkahing pagpapalawak ng kalsada na may kabuuang lapad na 3 metro. Hindi kasama rito ang iminungkahing kanal na may kabuuang haba ng 1.2 kilometro ng concreting. Bukod dito, ang pagpapalawak, pagpapanumbalik ng nasabing bakod na sakop ng perimeter ng CLSU, pagtatayo ng isang kanal, pag-install ng mga ilaw sa kalye na pinapagana ng solar, at paglipat ng umiiral na mga de-koryenteng poste na sumasailalim sa buong pagsunod sa umiiral na mga patakaran sa Unibersidad at mga ka-ugnay na mga patakaran at regulasyon ng gobyerno ay dapat na balikatin ng LGU ng Science City of Muñoz. “Bilang isang institusyon ng gobyerno, nauunawaan ng CLSU ang batas na “Right of Way”. Higit pa ang “Kapangyarihan ng Eminent Domain” lalo na sa konstruksyon ng kalsada, kasama na ang pagpapalawak, paggasta ng kahit na pribadong pag-aari ng mga lupain na nangyari. Bukod dito, ang batas na nagbabawal sa pagputol ng mga puno ay hindi ganap, dahil ang mga permit ay ibinibigay para sa makatwirang dahilan,“ sabi ni Dr. Edgar A. Orden, pangulo ng unibersidad.
BALITA 05
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Hazel de Guzman | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
© CLSU Maestro Singers
GINTONG TINIG. Waging masungkit ng CLSU Maestro Singers ang ginto sa ginanap na 3rd Bandung Choral Society World Virtual Choir Competition nitong Mayo 7. Nanguna sa folklore category ang Maestro matapos lumikha ng 83.35 na puntos sa pagawit ng ‘Manlagsak Takon Amin’. Sa Hulyo, sasabak muli ang grupo sa panibagong kompetisyon.
LUIS CASTILLO
2021 QS-WUR: CLSU pasok sa 14 best HEIs ng Asya Lenilyn Murayag
B
atay sa Quacquarelli Symonds (QS)World University Rankings (WUR) nitong Nobyembre 25, nakapagtala ang Central Luzon State University (CLSU) ng 601+ overall rank dahilan upang mapabilang ito sa “best universities” sa Asya kasama ang 13 pang ibang unibersidad sa Pilipinas. Kasabay nito, ibinahagi ng CLSU Office of the University President sa official Facebook page nito na nanguna ang CLSU sa Academic Reputation at Employer Reputation matapos makapagtala ng 251+ na rating. Iginiit din sa naturang post ang ilan pang mga pinagbatayan gaya ng inbound exchange students, faculty to student ratio, staff with PhD, papers per faculty, citations per paper, international research network, international faculty, international students at outbound exchange students. Samantala, sa press release na inilabas noong November 25, 2020 na nilagdaan ni Chairman J. Prospero E. De Vera III, Commision on Higher Education (CHED), kasama ng CLSU sa talaan ang 13 pang Higher Education Institutions (HEIs). Binubuo ito ng University of the Philippines (UP), Ateneo De Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST), University of San Carlos (USC), Ateneo de Davao University (ADDU), Mapua University, Siliman University, Mindanao State University -Iligan Institute Technology (MCU-IIT), Adamson University, Central Mindanao University (CMU), Central Philippine University (CPU) at Xavier University (XU). Ayon din sa naturang press release, bahagi ang CLSU, MSU-IIT at CMU sa proyekto ng CHED na “Fostering World Class Philippine University,” kung saan layunin nitong palakasin ang “global presence” ng sektor ng HE gayundin linangin ang mga worldclass na pamantasan sa bansa. Matatandaang taong 2013 pa nang magsimulang makilahok ang unibersidad upang mapabilang sa QS-WUR sa pangunguna ni dating CLSU President Dr. Ruben C. Sevilleja. Ipinagpatuloy ito ng mga sumunod na pangulo ng CLSU na sina Dr. Tereso A. Abella at Dr. Edgar A. Orden na kasalukuyang namumuno sa unibersidad.
Maestro singers, nagkamit ng ginto sa Virtual Choir Competition Hazel De Guzman
M
atagumpay na ibinandera ng CLSU Maestro Singers ang kanilang mga talento matapos sungkitin ang gintong medalya sa katatapos lamang na 3rd Bandung Choral Society World Virtual Choir Competition nitong Mayo 7. Nagtala ng 83.35 na kabuuang puntos ang Maestro sa pagawit ng ‘Manlagsak Takon Amin’, isang piyesa mula sa Kalinga ng Cordilleras, sapat upang manguna sa folklore category ng nabanggit na kompetisyon. “It is indeed difficult to conduct training and practice in our current situation brought by the pandemic. Nevertheless, through the use of technology, we are able to cope up and rise up to challenge. To help in learning the piece, Choral guides are provided for our members and alumni especially to our trainees. Afterwards, Online workshops and rehearsal are conducted to execute the interpretation and further add to other technical aspects. Through these activities, we will be able to sustain our strife for choral excellence,” saad ni Ardie Cabatin, trainer ng grupo. Nagpahayag din ng pasasalamat si Cabatin sa lahat ng mga suporta na kanilang natanggap sa mga mag-aaral at
iba pang miyembro ng CLSU. Kaugnay nito, nagwagi rin ng “Most Viewed Video Award” ang Maestro sa Friendship Concert Category matapos humakot ng 55, 276 views online. “Looking in the origin of the song, the virtual choir presentation of CLSU Maestro-Singers for Manlagsak Takon Amin showcases the celebration of the Cordilleran culture. Through use of ethnic costumes and traditional instruments, and touch of simple choreography create an exquisite performance,” pahayag ni Cabatin. Sa ngayon, naghahanda muli ang Maestro para sa darating na XVIII Edition of Religare Cânticus - Sacras Music Choir Festival ngayong Hulyo at sa 2021 Taipei International Choral Competition na gaganapin sa Taiwan. “Everyone can look forward to more musical endeavors from CLSU Maestro Singers. Please anticipate the group’s upcoming virtual choir presentations in different programs in Universities as well as our virtual choral concerts,” ayon kay Cabatin. Dagdag pa nito, inaasahan ng buong grupo ang muling pagsuporta ng mga CLSUans sa mga presentasyon at kompetisyon na kanilang lalahukan.
D D
MENTAL HEALTH MATTERS. #CLSUAcademicBreakNow
D
Lahat tayo pagod na sa nangyayari sa mundo. Walang may gusto ng pandemyang pumapatay sa milyon-milyong tao, sabayan pa ng mga mapaminsalang bagyo na kumitil sa maraming buhay at kabuhayan. #CLSUAcademicBreakNow
D
Adjustment of deadlines is not enough for students, faculty, and staff. We NEED academic ease especially during times like this. WE DEMAND TO BE HEARD. #CLSUAcademicBreakNow
D
We students tried our very best. We are so full of anxiety and stress and we are damn sure that this system is not working. We appreciate the compassion of the faculty for lessening the burden. But not everyone is capable of learning online. WE NEED REST :< #CLSUAcademicBreakNow
06 BALITA
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
CLSU AcadBreak, imposible OSA nangako ng tulong sa mga naapektuhan Hazel De Guzman
S
a kabila ng mga hinaing ng mga estudyante, hindi pinagbigyan ng Council of Deans (COD) at ng Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA) ang panawagan hinggil sa Academic Break at susundin na lamang ang Memorandum No 11-14-2020 (09). Nitong Nobyembre 15, nagpasimula ng #CLSUAcademicBreakNow sa Twitter ang mga CLSUans upang mabigyan ng sapat na panahon na makabangon ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Ang Academic Break ay isang linggong paghinto sa mga gawaing akademiko gaya ng mga requirements, pagpapasa, at pagsasagawa ng mga aktibidad hanggang maging maayos ang sitwasyon ng bawat isa. Bilang tugon sa ipinadalang sulat ng CLSU Collegian na sumusuporta sa panawagan, naglunsad ng Zoom meeting ang OVPAA nitong Nobyembre 18. Ayon sa liham ng publikasyon, nararapat bigyan ng panahon upang makabalik sa dati ang mga nasalanta parehas na pinansyal at emosyonal na aspeto.
© Aaron Pavila (AP Photo)
Gayundin, kahit na extended ang deadline ay nakapagbibigay pa rin ng mga gawain ang mga guro na naiipon at ang oras na para sana sa “break” ang nagugugol sa paggawa ng mga ito. Sa panayam kay Aijohn Santos, CASS Councilor, at kumakatawan sa mga estudyante sa nasabing pulong, napagusapan na hindi na kailangan pa ng Academic Break dahil hindi naman lahat ng estudyante ay naapektuhan at sapat na rin daw ang “academic ease”. Giit pa ng COD, 80% ng mga estudyante ay mula sa Nueva Ecija na hindi naman gaanong naapektuhan kaya’t pagbibigay na lamang ng malaking tuon sa mga isolated cases na lubhang naging biktima ng bagyo ang kanilang naging tugon. Pinunto rin na hindi maaring itigil ang mundo sapagkat may mga matatalinong mag-aaral na maaaring makaranas ng distress gayundin maapektuhan din ang pagbibigay ng stipend sa mga scholars ng GAD. Samantala, nangako naman ang Office of Student Affairs (OSA) na tutulungan ang mga nasabing apektado sa tulong ng USSC.
Bilang ng nasawi sa Bagyong Ulysses, umakyat na sa 67 Panawagan sa mga relief assistance, patuloy pa rin Hazel De Guzman
PASKONG LUGMOK. ©Jerome Ascano (Top Gear Philippines)
Lungkot ang pagsasaluhan ng maraming pamilya ngayong pasko dahil sa dalawang araw na pananalasa ng bagyong Uysses. Umakyat sa ikalawang palapag ang baha sa maraming lugar sa Luzon kaya’t ang mga naapektuhan, problema ngayon kung paano aahon.
LUIS CASTILLO
BALITA 07
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Hazel de Guzman | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Online Grade Viewer, maaari nang magamit Modular, online learning itinataguyod Jerome Christhopher Mendoza
T
aliwas sa unang pahayag na hindi maisasakatuparan ng Office of Admission (OAd) ang hiling ng mga mag-aaral na muling magamit ang Online Grade Viewer, sinimulan na ang paggamit nito ngayong ikalawang semestre. Paliwanag noon ng OAd na dahil sa kawalan ng staff na hindi magamit ang Online GradeViewer. Ayon sa Facebook post ni Dr. Theody B. Sayco, dekano ng OAd, ang system ng Online Grade Viewer ay nakaset-up para sa S.Y. 2015-2016 at hindi na ito nagamit sa mga sumunod na panuruang taon. “Unfortunately, the developer Mr. and Mrs. Glen Thomas, former ISI faculty, has already resigned. One OAd staff who may have experience using the system at present is not reporting for work because he is from San Jose,” paliwanag nito. Nagbigay paalala rin ang
U
dekano sa mga mag-aaral na nais magbigay ng mga katanungan sa kanilang opisina na isang beses lamang magpadala ng e-mail at siguraduhin na kumpleto ang mga impormasyong nakalagay sa form upang hindi matagalan ang © CLSU STUDENT PORTAL
mabot na sa 67 ang nasawi habang 21 ang sugatan, at 12 ang nawawala sanhi ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa Luzon nito lamang Nobyembre 11-12. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga nasawi sa mga rehiyon ng Cagayan Valley (22), CALABARZON (17), CAR (10), NCR (8), Bicol (8), at Central Luzon (2) [sidebar #1] kung saan nagkaroon ng mga malawakang pagbaha na tumagal din ng ilang araw. Samantala, hindi pa man nakakabawi sa pinsalang hatid ng Bagyong Rolly na nanalasa rin sa bansa nito lamang Nobyembre 6, tinatayang nasa P1.19B na ang pinsala sa agrikultura at P469.7M naman sa imprastraktura ng Bagyong Ulysses. Kasabay nito, 25,852 na mamamayang Pilipino ang nawalan ng tahanan at ang kani-kanilang mga kagamitan
pag-proseso ng dokumentong hinihingi. Sa kabilang banda, pinaghahandaan at patuloypa ring inaaral ang transisyon sa Flexible Learning System (FLS) sa pangunguna ni Dr. Esmeraldo M. Cabana, dekano ng Distance, Open and Transnational Uni-versity (DOT-Uni) Ayon kay Dr. Cabana, nakadepende sa magiging “blend” ng mga faculty ang gagamiting mode of learning ng mga estudyante para makamit ang mga course objectives. “The individual colleges have long calibrated their course or program outcomes to include the present “new normal”, and it’s now time for the faculty to define the scope of the learning outcomes in their course syllabi, select the blend that will be most suitable to satisfy their learning outcomes and even formulate new strategies on student’s assessment,” ani Dr. Cabana. Kaugnay nito, ginawan na
ay kasamang inanod at lumubog sa hanggang bubong na baha. Sa kasalukuyan, maraming bayan pa rin sa Luzon ang nakararanas ng brownout. Sa kabilang banda, naglunsad ng mga relief operations ang ilang mga organisasyon, personalidad at gayundingang ilang mga mamamayan upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, Nakarating na rin ang P25.6 milyong halaga ng relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at P2 milyon mula naman sa pamahalaan ng Angeles City sa mag nabanggit na rehiyon. Pang-apat na ang Ulysses sa mga bagyong pumasok sa bansa sa loob lamang ng kulang isang buwan at batay sa report ng Philipppine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), apat pang bagyo ang maaaring dumating bago matapos ang taon.
rin ng opisyal na Gmail accounts ang lahat ng mga mag-aaral na kanilang gamit para sa Google Classroom. “Google Classroom is by far the more common options to use in conjuction with the Flexible Learning System,” saad ni Dr. Sayco Subalit, inaasahan na karamihan sa mga faculty ay pipili ng print at electronic modules dahil na rin magiging malaking suliranin sa mga mag-aaral ang internet connectivity. Ang kombinasyon ng mga modalities (online at modular) ang siyang pinakaposibleng paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan at maging ng mga mag-aaral bagamat nasa faculty pa rin ang desisyon. Sa ngayon, ilang unibersidad na sa Pilipinas ang pinayagan ng CHED na maglunsad ng mga face-to-face classes subalit ito ay dapat alinsunod pa rin sa mga tuntunin ng ahensya..
SIDEBAR #1
10
02
CAR
CENTRAL LUZON
08
22
CAGAYAN VALLEY
NCR
17
CALABARZON
22 BICOL REGION
DATA SOURCE NDRRMC PHOTO SOURCE Map Of Philippines FB page
08 BALITA CVSM, ipinagpatuloy ang taunang “Online Pista sa Ospital” Jonalyn Bautista
N
aipakitaangpagkakaisa ng bawat estudyante sa departamento ng College of Veterinary Science and Medicine (CVSM) sa isinagawang CLSU-Veterinary Teaching Hospital ang “Online Pista sa Ospital” nitong May 4-9. Isa rin sa mga layunin ng nasabing programa ang pagbibigay ng “break” o pahinga sa mga mag-aaral ng CVSM kahit na ilang araw lamang. Naiba man ang mga patimpalak ngayong quarantine, hindi pa rin nagbago ang suporta ng mga estudyante ng CVSM dito. Iba’t ibang mga paligsahan tulad ng paggawa ng tula at infographics, pagpipinta ng mukha, pagbuo ng mga nakakaaliw na meme, virtual games, batch video presentation, online pista program sa Zoom na dinaluhan ng 190 CVSM na mag-aaral at ang highlight ng naturang aktibidad, ang pagpili sa Mr. and Ms. Pista 2021. Samantala, inilahad ni Dra. Nina Pangilinan sa “Veterinary Clinical Techniques” webinar ang ilang mga payo at mahahalagang kaalaman na maaaring magamit ng mga future veterinarians. “Kung ikukumpara sa dating Pista ng Ospital, maraming talagang nag-iba pati sa activities. Saka noon kasi, sa Ospital (VTH) talaga siya ginaganap. Ngayon, virtual na lang pero hindi yon naging sagabal para hindi namin maenjoy yung Pista sa Ospital,” saad ni Roma Ann M. Manahan, DVM 3-1. Dagdag pa nito, nag-enjoy siya at ang mga kapwa niya vet students dahil nandon pa rin ang esensya kung bakit
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Donation Drive sa mga piling CLSUan, inilunsad ng USSC Jaymie Krizza Benemerito
U
pang matulungan ang mga estudyante na makasabay sa flexible learning ngayong taong panuruang 2020-2021, pinangunahan ng University Supreme Student Council (USSC) ang paglunsad ng Donation Drive: Ambagan para sa Kapwa ko CLSUan. Tinatayang nasa 857 tu-gon ang natanggap ng USSC noong ika-3 ng Oktubre mula sa mga sinagutang Google forms ng mga piling indibidwal. Ayon sa datos, nasa 94 porsyento lamang ang may smartphone, 15.7 porsyento
CHAMPION
ang mayroong flashdrive, 14.9 porsyento naman ang mayroong laptop, 2.8 porsyento ang may printer at 0.9 porsyento ang mayroong computer at ilang estudyante ang walang kagamitan para sa flexible learning kung kaya di pa rin tiyak na kakayanin ng ibang estudyante ang online learning. Bukod dito, ayon din sa resulta ng sarbey ay nasa 15.8 na porsyento lang ang may government scholarship, 1.8 porsyento ang may pribadong scholarship at 81.4 na porsyento ang walang natatanggap na kahit ano mang benepisyo kung
1ST RUNNER-UP
2ND RUNNER-UP
kaya walang inaasahang tulong pinansyal sa kanilang pag-aaral . Gayundin, inilahad ng USSC na hindi lahat nang tumugon ay mabibigyan ng tulong dahil na rin sa kakapusan sa pondo at mga donasyong kanilang natatanggap para pang-gastos sa nasabing programa. Kabilang sa mga pinamigay ng USSC ay load card na maaaring matanggap ng mga benepisyaryo buwan-buwan sa buong semester, pocket wifi o modem na magagamit sa mga hindi kalakasan ang internet connection at ilang smartphones sa mga walang kagamitan.
3RD RUNNER-UP
4TH RUNNER-UP
© Fernando Cantor, Norielle Gearem Gonzales Garcia, Gianne Jeanette Dela Cruz, Joy Ada Fernendez & Ethan Aduptante FB Accounts
268 na mag-aaral, nakilahok sa virtual Search for CLSU Polymaths Cash prize at incentives, ilan sa mga ibinahagi Jaymie Krizza Benemerito at Danver Manuel
T
ampok ang mga layuning matugunan ang mga pagkukulang ng mga magaaral sa kanilang grado, mahasa, at mapalago ang kaalaman sa pamamagitan ng mga piling aktibidad tulad ng quiz bee, nilahukan ng 268 na mag-aaral ang “PatiCHEM sa Math at Physics: The Search for CLSU Polymaths” nitong Abril 23-24. Naisakatuparan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pag-tutulungan ng dalawang samahan: ang CLSU Mathematics and Physics Circle at CLSU Chemical Society. Malaking parte ng populasyon at kabuhayan ang naaapektuhan nang lumaganap ang COVID-19 lalo na sa edukasyon ng mga magaaral. Bagama’t may nilapat na alternatibo upang hindi mahinto ang taong panuruan, nahirapan pa ring umangkop sa pagbabago ang bawat isa. Ngunit, hindi ito naging hadlang upang patuloy pa ring isagawa ang ilang
nakasanayang aktibidad sa Central Luzon State University (CLSU). Sa kabilang banda, sa 268 na kalahok na nagtagisan, lima rito ang kinilala at pinarangalan. Ito ay sina Fernando Cantor (Champion), Norielle Garcia (1st Runner-Up), Gianne Dela Cruz (2nd Runner-Up), Joy Ada Fernandez (3rd RunnerUp), at Ethan Aduptante (4th Runner-Up). Sila ay mapalad na nakatanggap ng cash prize at incentives na anim hanggang walong karagdagang puntos sa kanilang napiling asignatura sa ilalim ng Department of Mathematics and Physics at Chemistry. Samantalang ang mga hindi pinalad ay mayroon pa ring karagdagang apat na puntos na incentives sa mga nasabing departamento. Ito ay paraan upang makilala ang kanilang natatanging kagalingan sa patimpalak at pagsisikap upang sumali at mapabilang sa natatanging Polymaths ng unibersidad.
BALITA 09
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Hazel de Guzman | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Ayon kay Aijohn Santos, namumuno sa nasabing programa, na hindi man sumapat ang kanilang mga kayang ibigay ay sisikapin ng organisasyon na makatulong upang mabawasan ang gastusin sa pang-online lear-ning ng mga estudyante. Nitong nakaraang se-mestre ay naihatid na sa kanya kanyang mga barangay ng mga napiling CLSUan ang mga nasabing donasyon. Nakipag-ugnayan din ang USSC sa mga Local Government Units (LGU) at Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng iba’t ibang lugar upang makahingi ng suporta samantalang ilang indibidwal na rin ang nag-abot ng tulong. Inaasahan na tuloy-tuloy ang operasyon ng Donation Drive ng USSC hanggang patuloy rin ang online classes.
© CLSU-USSC
KAPIT CLSUAN.
© CLSU-USSC
Dagdag ginhawa sa ilang mag-aaral ang hatid ng USSC ngayong online learning. Kasama si RM James Fulgencio (kanan), USSC Vice-chair, sa mga taga-bahagi ng load cards nitong Hunyo 8 sa Pag-asa Gymnasium, Science City of Munoz.
ISABELLE GUEVARRA
Inonog, nanaig sa unang CASS SC Election Laurence Ramos
P
ormal nang nahalal bilang kauna-unahang pangulo ng College of Arts and Social Science Student Council (CASS SC) si Carlo Inonog matapos magkamit ng 64.7% buhat sa pinagsamang boto ng mga mag-aaral at puntos mula sa screening, sapat upang talunin si Carlin Ann E. Goloyugo sa ginanap na halalan nitong Pebrero 13. Naging dikit ang laban ng dalawa kung saan umabot sa kabuoang 59.065% ang nakuha ni Goloyugo. “...may platform na ako para sa ating kolehiyo, subalit magiging posible lamang ang mga iyon kung ang kooperasyon ng bawat isa ay nakikita natin sa ating kolehiyo,” tugon ni Inonog nang tanungin ito tungkol sa maipapangako niya para sa mga mag-aaral ng CASS. Higit pa rito, para kay Inonog naging malaki ang kaniyang kalamangan kay Goloyugo lalong higit sa
kaniyang mga affiliation. Ngunit binigyang diin din niya na iba at mahirap ang maging pangulo ng kolehiyo kaya gagawin niya itong opotunidad upang mas matuto para maging handa sa pagtulong sa mga mag-aaral ng CASS. Inasahan ng electoral board na nasa mahigit 1500 na mag-aaral ang boboto ngunit batay sa bilang ng nakibahagi sa botohan ay umabot lamang sa 862 na bilang ng mag-aaral ang nakilahok. “Ang pinakamalaking ha-mon ng kasalukuyang election ay ‘yung kasiguraduhan na lahat ng estudyante ng CASS ay nabigyan ng paalala hinggil sa gaganaping election,” ani Aijohn Santos, USSC OIC. Dagdag pa ni Santos, hindi ito katulad ng face-to-face na may kasiguraduhan na ang bawat isa ay mabibigyan ng paalala. Gayundin naging mas
mahirap pa ang naging election dahil ito ay ginawang online at nakaranas ng kahirapan sa pag-access ang mga estudyante sa internet. Samantala, nanalo naman bilang Internal Vice President si Vincent Valino, Joel Collado bilang External Vice President, Albert Pajarillo bilang Head of Committee on Student Rights and Welfare, John Cornel Jr. bilang Head of Committee on Information and Publicity, Melissa Cawilan bilang Head of Committee on Finance and Audit at Shelah Eunice Esguerra bilang Head of Committee on Campaigns and Advocacy. Paliwanag naman ni Santos, inaasahang uupo bilang parte ng konseho ang mga nahalal hanggang sa panahon na mabuo ang Constitution and bylaws ng CASS Students Council. © College of Arts and Social Science Student Council
PRESIDENT
INTERNAL VICE PRES.
FINANCE & AUDIT HEAD
EXTERNAL VICE PRES.
INFORMATIONS & PUBLIC HEAD
CAMPAIGNS & STUDENTRIGHTS ADVOCACYHEAD &WELFARE HEAD
10 BALITA
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
© CLSU USSC
BOSES NG MASA. Naiparating ng mga representative ang mga nais ipabatid ng mga estudyante ng CLSU sa ginanap na USSC Assembly nitong Marso 13. Gamit ang Zoom meeting, tinalakay kasama ng mga student council ang mga issue kaugnay ng bagong paraan ng pagkatuto.
LUIS CASTILLO
‘EXPRESS: Press Liberty for State Security’, Tema ng CPF Week 2020 Jaira Patricia Ebron
Concerns ng mga student councils ng unibersidad, tinalakay sa unang USSC assembly Hazel De Guzman
U
pang palakasin ang panawagan para sa aktibong pakikilahok at pakikipagtulungan, pinangunahan ng University Supreme Student Council (USSC) ang 1st University Student Council Assembly noong Marso 13 sa pamamagitan ng pagpupulong sa Zoom. Ang iba’t ibang mga konseho ng mag-aaral mula sa iba`t ibang mga kolehiyo ay dumalo sa nasabing pagpupulong na binubuo ng tatlong sesyon. Nagbigay si Dr. Edgar A. Orden, Pangulo ng Unibersidad, ng pambungad na mensahe na nakadirekta sa panawagan para sa pagkakaisa. Sumang-ayon din siya na mayroong pagkakaiba sa paraan ng kanilang paglilingkod ngayon dulot ng mga alituntunin sa kalusugan at kaligtasan na dapat sundin. Sa kabilang banda, nanguna sa listahan ng mga kinakaharap na problema ng mga college councils ang internet connection na siyang dahilan kung bakit hindi nakadadalo ang ilan sa kanila gayundin mayroong mga pagkakataong maraming mag-aaral ang naiiwan mula sa mahahalagang anunsyo at iskedyul dahil dito. Samantala, ang labis na karga ng mga gawaing pang-akademiko ay
naitaas din sa pagpupulong. “May mga instructor na magbibigay ng deadline na one hour and hindi naman agad nagpapasbi na may exam sa ganitong araw. E hindi naman lahat may access sa internet,” saad ng isa sa mga college councilors. Binanggit ng bagong konseho ng CASS na nasa “adaptation phase” pa rin sila subalit ginagawa nila ang kanilang makakaya upang tumugon sa mga concerns na ipinadala sa kanila. “Hindi pa kumpleto ang mga members. Wala pang constitution and bylaws,” tugon ni Carlo Inonog, CASS Governor, nang tanungin tungkol sa mga paghihirap na kinakaharap nila bilang isang bagong college council. Kasunod nito, binigyang diin ni Engr. Adorable Pineda, USSC Adviser, ang papel ng wasto at mabisang komunikasyon sa kakayahang umangkop. “Magtanong ka kung hindi mo alam. Take note na pare-parehas tayong nag-uumpisa,” paalala ni Engr. Pineda sa mga kalahok. Para sa huling sesyon, nagsabi ang mga college councils ng ng mga sistema ng komunikasyon upang matugunan ang lahat ng mga concerns ng mga mag-aaral sa isang tiyak na dami ng oras.
I
tinampok ng CLSU Collegian nitong Nobyembre 23-26 ang mga aktibidad at patimpalak para sa pagdiriwang ng Campus Press Freedom Week bilang paggunita sa malayang pamamahayag sa loob ng unibersidad. Ilan sa mga ito ang Spoken Poetry, Quiz Bee, Essay Writing, Slogan Making, at Poster Making gabay ng temang “EXPRESS: Press Liberty for State Security”. Kasabay nito, inanunsiyo rin ng publikasyon ang petsa ng bawat aktibidad at mga pamantayang gagamitin sa pagpili ng mga mananalo sa bawat patimpalak na gaganapin. Dalawang linggo pa lamang bago ang mga nasabing aktibidad, ibinukas na sa mga mag-aaral ang pagsali. Ayon sa natanggap na sagot mula sa Google Forms ng CLSU Collegian, may kabuuan na 69 na estudyante ang nagrehistro sa iba’t ibang patimpalak subalit 31 na mag-aaral lamang ang opisyal na sumali. Inanunsiyo ng publikasyon sa kanilang Facebook page ang mga nanalo sa mga patimpalak kung saan ang nagwagi ng una, ikalawa at ikatlong gantimpala ay sina Raymond Tasoy, Rommelyn Quinto, at Christian Perez sa Spoken Poetry; Sunkist Bautista, Juniel Maq John Isoc, at Glecy Jean Macarilay sa Quiz Bee; Jane Paulene Nague, Ginelle Angela Cabico, at Hazel Karen Torres sa Essay Writing; Angelo Cortado, Krizele Bejosano, at Tracy Shane Viterbo sa Slogan Making; habang sina Kristian Lingad at Leo Sarmiento Jr. naman ang mga nagwagi para sa una at ikalawang gantimpala sa Poster Making. Para sa Spoken Poetry, Quiz Bee, Essay Writing, at Slogan Making, ang nakakamit ng unang gantimpala ay na-katanggap ng P1000, P750 para sa ikalawang gantimpala at P500 para naman sa nagwagi ng ikatlong gantimpala. Samantala, para sa Poster Making, nakatanggap ng P1500 ang nagwagi ng unang gantimpala at P800 para sa ikalawang gantimpala. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga ganitong kaganapan at patimpalak, mabibigyang pansin at maiintindihan ng mga estudyante ang malayang pamamaha sa loob ng campus o unibersidad.
BALITA 11
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph NEWS EDITOR Hazel de Guzman | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Move PH naglunsad ng fact checking webinar kontra fake news ©Jericho Beltran
Laurence Ramos
D
ahil sa pagtaas ng bilang ng maling impormasyon at ang pangangailangan para sa media at literacyng impormasyon, nagsagawa ng isang fact-check ang Rappler’s MovePH kasama ang Holy Angel University (HAU), Communicators ‘League ng HAU at Malayang Samahan ng Agham Panlipunan ng Central Luzon State University webinar noong Abril 23 sa pamamagitan ng Zoom. Halos 268 mga mag-aaral mula sa CLSU at HAU ang dumalo sa dalawang bahagi ng webinar na naghihimok sa mga tao na mag-isip nang kritikal tungkol sa media at ang mga nilalamang nakalathala rito. Nagsalita si Gemma Mendoza, pinuno ng Diskarte sa Digital ng Rappler, tungkol sa online na “landscape” sa panahon ng pandemiya habang tinalakay naman ni Vernise Tanstunco, manunulat at mananaliksik, ang pamamaraan ng pagsuri sa katotohanan sa unang bahagi ng sesyon. “Fake news and false rumors reach more people, penetrate deeper into the social network, and spread much faster than accurate stories,” sabi ni Mendoza. Idinagdag pa niya na ang “fake news” ay hindi na bago, kung ano ang bago ay ang paraan ng komunikasyon dahil lahat ay may mga mobile devices at ang mga Pilipino ay gumugugol ng halos 11 oras sa online araw-araw, halos apat na oras na higit sa pandaigdigang average na pitong oras. Samantala, sa session ng Tanong-At-Sagot, tinanong ng isa sa mga kalahok kung ano
ang ginagawa ng MovePH patungkol sa mga pagkakataong ang mga mag-aaral at ilang aktibista ay na-red tag. Ipinaliwanag ni Mendoza na ang unang aksyon ay dapat na mag-ulat ngunit pinapaalala din niya na ang mga aksyon ay hindi laging nangyayari. Upang higit na mapagbuti ang kanilang mga nakuhang kaalaman sa kaganapan, nagbigay si Pauline Macaraeg, manunulat at mananaliksik ng Rappler, ng ilang pagtataya sa huling sesyon. “The event is very engaging and the participants actively ask questions and take the opportunity to learn from the speakers who are actually in the field and experts in fact checking,” tugon ni Jerico Beltran, isa sa mga kalahok, nang tanungin siya tungkol sa kanyang mga nakuha sa webinar. Binigyang diin din ni Beltran ang kahalagahan ng pagiging media at information literate. “Being knowledgable on this [media and information literacy] becomes neccesary. People will continue to be victimized and we must continue to promote this kind of activity not just for us but for the media users since it serves as the primary platform to be used in gatherig information as we continue to fight in infodemic as noted in the webinar,” paliwanag ni Beltran. Sa kabilang banda, ang programang MovePH Fact-check webinar at mentorship program ay magsisilbing paghahanda para sa Pambansa at Lokal na Eleksyon 2022 kung saan mas inaasahang maraming maling impormasyon ang lalabas.
Resiliency, tampok sa kauna-unahang NSTP-CWTS virtual graduation Luis Castillo
N
agsipagtapos ang mga estudyante ng National Service Training Program Civic Welfare Training Service (NSTP CWTS) sa isinagawang virtual graduation na may temang “NSTP CWTS Graduates: Resilient Leaders Amidst Adversities in New Normal” nitong Hunyo 15. Pinangunahan ni Professor Armando S. Santos, CLSU NSTP Director ang pormal na pagkilala sa mga estudyanteng matagumpay na nagsipagtapos. Gayundin, umaasa siya na babaunin ng bawat mag-aaral ang mga natutuhan
nilang mga aralin sa nasabing kurso. Kasunod nito, naghatid ng pagbati si Dr. Renato G. Reyes, Vice President for Academic Affairs. “To our graduating students, you are the most valuable resource of our nation, prove yourself that this pandemic cannot stop you from doing kindness, showing your care and expressing your love to others. Do volunteer works to your home, do great things to your neighbour, continue to share your life wherever you are by serving more,” saad ni Reyes. Pinabatid din ni Dr. Edgar A. Orden, University President, ang pagsaludo sa dedikasyon ng mga nagsipagtapos.
BELTRAN
‘‘
Being knowledgable on this [media and information literacy] becomes neccesary. People will continue to be victimized and we must continue to promote this kind of activity not just for us but for the media users since it serves as the primary platform to be used in gatherig information as we continue to fight in infodemic as noted in the webinar.
‘‘
“As you accept and take your oath of allegiance, I hope that you remain grounded of your love and respect to our country and countrymen. May you be reminded of the lessons, values, and the wisdom that this experience has taught you and be given the opportunity to share it to others be it through words or actions,” dagdag ni Orden. Taon-taon ay kinikilala ang mga estudyanteng matagumpay na natapos ang isang taong programa ng NSTP na naglalayong mas mapabuti ang lipunan, ngunit bunsod ng pandemya, ang pagtatapos sa taong ito ay ang kaunaunahang virtual graduation ng CTWS ng CLSU.
12-13 EDITORYAL
b e PATNUGUTAN NG UNA AT PANGALAWANG SEMESTRE A.Y. 2020-2021
Xyra Alessandra Mae Balay EDITOR-IN-CHIEF
Hazel de Guzman NEWS EDITOR
Millen Angeline Garcia ASSOCIATE EDITOR
Laurence Ramos OPINION EDITOR
Jaira Patricia Ebron MANAGING EDITOR
Emmanuel Namoro SPORTS EDITOR
Jaymie Krizza Benemerito CIRCULATIONS MANAGER
Lenilyn Murayag FEATURES EDITOR
Dehado
A
ng pagpipilit sa online education ay pagtatanggal ng karapatan sa mga mag-aaral na walang sapat na kagamitan at internet access. Isa ang sektor ng edukasyon sa lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, dahilan para humanap ng paraan ang pamahalaan upang malimitihan ang epekto ng krisis. Ang online class ang isa sa mga solusyon ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero De Vera III, upang magpatuloy ang Academic Year 2020-2021 sa Agosto o Setyembre sa kabila ng banta na wala pang nakikitang lunas sa lumalalang kaso ng bayrus. Ngunit gaano ba kahanda ang komisyon upang siguraduhing walang agrabyado sa ganitong pamamaraan? Ayon sa survey na isinagawa noong 2019 ng Social Weather Stations (SWS), 47% ng mga Pilipino na nasa wastong gulang ang mayroong online
“
Mahalaga na magkaroon ng inklusibong planong sisiguruhin ang pantay na kalidad para sa lahat, na hindi lamang nakabase sa estado ng buhay.
access sa internet, 62% mula rito ay naninirahan sa urban areas. Ang resulta ng survey na ito ang nagpapatunay na malaking bahagdan pa rin ng populasyon ang hindi nakagagamit ng internet o walang online access partikular ang mga naninirahan sa rural areas; mga numerong nagpapatunay na hindi kaya ng malaking bilang ng mga magaaral mula sa iba`t ibang panig ng bansa na makipagsabayan sa online class. Gayundin, hindi sapat ang naaabot ng programang “Pipol konek-free wifi internet access in public places” ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sapagkat sa kasalukuyan ay nasa tatlong libo pa lamang ang operational at karamihan ay nakabase sa ilang malalaking siyudad sa bansa tulad ng Davao, Cebu at Quezon City. Malinaw na hindi pa nito naaabot ang maraming remote areas sa bansa. Ang ganitong sistema ay magiging hadlang upang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo ang mga mag-aaral na kabilang sa maralitang pamilya. Ang mas nakaaangat sa buhay lamang ang may kakayahang magpatuloy sa online classes dahil sa sapat na kagamitan na mayroon sila. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay dapat kayang maabot ng sinuman at ang mataas na edukasyon ay pantay
Christine Mae Nicolas DEVCOMM EDITOR
France Joseph Pascual HEAD LAYOUT ARTIST
Jerome Christhopher Mendoza LITERARY EDITOR
Donna Mae Mana Joshua Mendoza SENIOR WRITERS
John Marius Mamaril HEAD CARTOONIST Luis Castillo HEAD PHOTOJOURNALIST
Edwin Bobiles Carl Danielle Cabuhat SENIOR PHOTOJOURNALISTS Khennard Villegas SENIOR CARTOONIST
na maaabot ng lahat batay sa merito na nakasaad sa Artikulo 26 ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) – bagay na malabong matupad kung online classes ang isusulong. Mababang kalidad ng edukasyon ang magiging bunga ng online classes kung isusulong ito nang walang kahandaan at kongkretong plano. Magdudulot lamang ito ng patuloy na pagiging mailap ng kaunlaran sa bawat maralitang Pilipino na tanging edukasyon lamang ang tuntungan upang ito ay maabot. Dagdag pa rito, ang internet services sa bansa, kung ihahalintulad sa iba, ay hindi sasapat sa data traffic na maaaring idulot ng bugsong paggamit. Isa pa, maraming lugar pa rin ang hindi naaabot ng serbisyong ito. Totoong mahalaga ang edukasyon ngunit lalong mas mahalaga ang buhay kung kaya naman nangangailangan ng istratehikong hakbang ang gobyerno at hindi lamang band aid solutions na hahantong lamang muli sa isa pang problema. Mahalaga na magkaroon ng inklusibong planong sisiguruhin ang pantay na kalidad para sa lahat, na hindi lamang nakabase sa estado ng buhay. Kung magpapatuloy ang online classes na walang konkretong plano, nararapat na bisitahing muli ng mga kawani kung ano, para saan at para kanino ang
PROBATIONARY STAFFS Irah Pearl Acierto Ron Vincent Alcon Jonalyn Bautista Steven John Collado Ma. Clarita Isabelle Guevarra Danver Manuel Excy Bea Masone Mark Angelo Ultimo
14 OPINYON
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Freethinker
Candid Lenilyn Murayag | Fea
Laurence Ramos | Opinion Editor ramos.laurence@clsu2.edu.ph
murayag.lenilyn@clsu
Gahol
Walang Halaga Ginawa ang mga panuntunan upang sundin at hindi ipagsawalang-bahala lamang. Isa ang sektorng edukasyon sa lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, dahilan para humanap ng paraan ang pamahalaan upang malimitihan ang epekto ng krisis, ito ang online class. Matatandaan na bago pa mang pormal na magbukas ang klase noong Oktubre 5, 2020 ay nag-isyu na ang tanggapan ni Dr. Edgar Orden, presidente ng Central Luzon State University (CLSU) ng Memorandum No. 0901-2020 (01) o ang Guidelines on Flexible Learning ng unibersidad. Alinsunod sa memo, ang klase ay asynchronous lamang. Subalit, kahit na naibaba na ang panuntunan sa miyembro ng faculty patungkol sa pagbabawal ng synchronous class ay kapansinpansin pa rin ang mga guro na hindi sumusunod at nagpatuloy ang synchronous classes. Higit pa rito, kasama rin sa memo na ibinaba ay hindi maaaring magbigay ang mga guro ng gawain na nangangailangang lumabas para na rin sa pangkalusugang kaligtasan ngunit wala nang nagawa ang mga estudyante kung hindi sumunod, ito rin ang siyang nagtulak sa mga estudyante upang iparating ito sa Office of the Vice President for Academic Affairs (OVPAA). Naglabas naman ang OVPAA ng aksyon patungkol dito sa pamamagitan ng Memorandum No. 10-06-2020 (03) subalit sa huli ay ipinagsawalang bahala rin ito ng ilan sa faculty. Bukod pa rito, nito lamang bago matapos ang unang semestre, ibinaba rin ang Memorandum No. 12-11-2020 (02) na nagbibigay extension sa mga estudyante upang “ ... simpleng panuto gawin ang mga requirements subalit sa na lamang ay hindi halip na matapos ang mga gawain ay naging daan pa ito sa ilang faculty na pa masunod na pinangungunahan magbigay ng mga panibagong gawain. Malinaw na ang pababalewala pa ng mga sa mga panuntunang ito ay ang tagapagturo.” pagsasawalang-bahala rin sa mga estudyante na walang kakayahan upang makasabay sa synchronous class, na nagreresulta ng mababang kalidad na edukasyon. Isang akademikong institusyon ang CLSU kung saan itinuturo sa mga estudyante ang mga tamang gawi at maging “competent” sa totoong buhay. Ngunit tila taliwas ang kakalabasan dahil simpleng panuto na lamang ay hindi pa masunod na pinangungunahan pa ng mga tagapagturo. Sa huli, ang pagsunod sa mga simpleng panuntunan ay napakahalaga lalong higit ngayon na ang lahat ay nasa gitna ng pandemya, ang mga bagay na ito ay nararapat lamang na bigyang pansin at huwag isawalang bahala.
Paulit-ulit na may maaagrabyado hangga’t naisasantabi ang halaga ng bawat anunsyo. Bunga ng patuloy na pamiminsala ng pandemya sa buong mundo, marami sa mga okasyon ang isinasagawa na online gaya ng graduation. Kaugnay nito, matatandaang Setyembre 17 nang ilahad ng CLSU sa pamamagitan ng isang post sa official Facebook page nito ang pagpapasa ng litrato ng mga estudyanteng magsisipagtapos. Binanggit din sa naturang anunsyo ang layunin para sa mga larawan at ilan pang mga paalala tulad ng petsa at oras ng pagsusumite, gayundin
ang format nito. Kung susumahin, m magkaroon ng susundin ipinapasa gaya ng m (output resolution), pag gown at white o studio Gayunpaman, tila hindi it nakararami lalu na at ipin bawat estudyante apat nasabing anunsyo (Setye Maliban sa pag-iisip k ang kaukulang format, p kukuha ng academic go kaniyang kurso. Hindi n pagpapasa nito bagkus
Millennium
Millen Angeline Garcia | Associate Editor garcia.millen@clsu2.edu.ph
Baguhin ang Nakasanayan Hindi dahil nakasanayan na ang magulong sistema ay makukuntento na tayo at hindi susubukan na tuluyang isaayos ito. Para sa mga mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU), hindi na bago ang samu’t saring problema pagdating sa enrolment. Maaaring ang karamihan ay sanay na sa ganitong sistema at maaaring ang iba labis pa ring nawawalan ng pasensya sa tuwing isinasagawa ang enrolment. Kaugnay ng bagay na ito, nagiging kapuna-puna ang stratehiya ng Office of Admissions (OAd) pagdating sa pagproseso ng enrolment at ilang mahahalagang student concerns. Ang transisyon mula sa tradisyunal patungong online o flexible learning ay nagdulot ng malaking pagbabago sa lahat. Isa sa may pinakamalaking pagbabago ay ang mga proseso at transaksyon sa ilalim ng OAd. Noong wala pang pandemya, mahahabang pila at schedule errors lamang ang tila iniinda ng mga mag-aaral. Ngayong nasa gitna ng pandemya ang lahat, naglipana ang mga problema na matagal tugunan at patunay sa kawalan ng kahandaan sa new normal na kalakaran. Batay sa karanasan ng ilang mag-aaral, naging mahirap para sa kanila na makipagugnayan sa OAd para sa kanilang mga katanungan dahil mabagal umano itong
sumagot sa kanilang e-mails kaya gano’n na lamang ang pagdulog nila sa page ng CLSU Collegian par sa mas agarang pagtug Ngunit sa katunayan, m ang CLSU Collegian a nakararanasan din ng pagdating sa komunikas at iba pang opisina. Bu mag-aaral din na iniinda katulad na lamang ng p kanilang Certificate of G ng proseso at mga pagk mga ito sa pagpapasa ng kanilang scholarships at ng pagkakataon na mak Ilan lamang ang problemang dulot ng hin at magulong komunika OAd at mga mag-aaral sa bawat panig. Tunay n pa ring naninibago sa n ngunit mayroon nam pamantasan na tuguna ito na may kinalaman mga pangunahing sist
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Laurence Ramos | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
atures Editor u2.edu.ph
“...magaan sana para sa nakararami kung ibinigay lamang ang anunsyo ng higit na mas maaga...”
maganda ang layuning ng batayan sa larawang minimum na 300 dpi gsusuot ng academic io default background. to ganoon kadali para sa napasa ang larawan ng na araw makaraan ang embre 21). kung paano masusunod problema rin kung saan own na angkop sa kaninakainam ang agarang s nagdulot lamang ng
ra gon. maging at mga staff nito ay parehong problema syon sa pagitan ng OAd ukod pa rito, may ilang a ang tagal ng proseso paghingi ng kopya ng Grades. Dahil sa tagal kaantala, nahuhuli ang ng requirements para sa t ang iba ay nawawalan kakuha ng scholarship. mga nabanggit sa ndi maayos na serbisyo kasyon sa pagitan ng na malaki ang epekto na lahat tayo ay patuloy new normal na setup mang kakayahan ang an ang mga bagay na sa modernisasyon ng stema at transaksyon.
dagdag alalahanin. Higit na mas magaan sana para sa nakararami kung ibinigay lamang ang anunsyo ng higit na mas maaga dahilan upang mabigyan din ng mas mahabang panahon ang mga mag-aaral upang magawan ng paraan ang nabanggit na kahingian. Batid na marami ring iba pang mga bagay na kailangang tugunan at asikasuhin kaugnay ng pagdaraos sa 68th Annual (virtual) Commencement Exercises. Subalit mahalaga ring mapanatiling updated ang mga estudyante sa kasalukuyang nangyayari at sitwasyon na apektado at maaapektuhan sila. Makabubuting pagtuunan ng pansin ang maayos na pagbibigay at pagtanggap ng impormasyon at mga anunsyo para maiwasang magahol sa anumang aspekto.
“Hindi dapat tayo masanay sa magulong sistema dahil may kakayahan naman ang CLSU na makipagsabayan...”
Kung tutuusin, sapat ang panahon upang paghandaan ang unang taon ng flexible learning ngunit hindi pa rin ito lubos na napaghandaan. Hindi talaga mawawala ang mga problema sa ano mang proseso ngunit posible naman na bawasan at maiwasan ang mga ito. Kung pagtutuunan lamang ang pagkakaroon ng stratehiya para sa mabilis at epektibong komunikasyon, malaking pasanin na ang mababawas pagdating sa suliranin tuwing enrolment at ibang pang transakyon. Malaking bagay din kung maglalaan ang pamantasan ng pondo para sa mas epektibong websites na kakayanin ang dagsa ng mga mag-aaral tuwing online enrolment ng sa gayon ay hindi palaging nagloloko ang website na nagdudulot ng pagkaantala. Mainamin din ang pagsasanay sa mas mabilis na pagtugon sa student inquiries at concerns upang hindi mawalan ng oportunidad ang mga mag-aaral pagdating sa scholarships at iba pang bagay. Hindi dapat tayo masanay sa magulong sistema dahil may kakayahan naman ang CLSU na makipagsabayan sa mabilis at mas epektibong sistema na umiiral sa mga primera klaseng pamantasan.
OPINYON 15
No Value Emmanuel Namoro | Sports Editor namoro.emmanuel@clsu2.edu.ph
Naghaharing-Uri Mayroong totoong naglilingkod, ngunit mayroon din namang nagkikibit-balikat sa pagtugon sa bawat puna at hinaing ng mga mag-aaral na tila ba ay naghaharing-uri. Hindi na bago na maging mapanuri ang mga mag-aaral ng CLSU ukol sa tunay na nangyayari sa pamantasan. Halimbawa na lamang dito ay ang malaman kung saan nga ba napupunta ang laboratory fee at medical fee na nakasaad sa form 6 na siya namang binabayaran ng gobyerno mula sa “Ang pangyayaring buwis ng taumbayan. Sapagkat sa kasalukuyang porma ng ito ang nagpahiwatig pag-aaral ay hindi naman sa tila baluktot na uri napapakinabangan ng kahit ng paglilingkod ng sinong mag-aaral ang mga ito. ilang nasa mataas na Malinaw namang inihayag ng kinauukulan na ito ay napupunta katungkulan sa loob ng sa insurance, internet access, pamantasan.” pagmintena ng system at pambayad sa mga Information Tenchnology (IT) experts. Ngunit ang mga sumunod na tugon nito ay hindi naging angkop sa pandinig ng bawat mag-aaral, pagkat ipinagdiinan nito na hindi na dapat pang tinatanong ang bagay na ito gayong hindi naman na nagbabayad ng matrikula. Marami ang napailing na lamang buhat sa nasabing pagtugon. Ang bawat isa ay may kalayaang magsalita at magpuna lalo na kung ito naman ay para sa ikabubuti ng mas nakararami. Sa nasabing isyu, ang naging katanungan ng mga mag-aaral ay bunga lamang ng pagnanais na malaman kung saan nga ba napupunta ang mga bayaring ito. Gayundin, hindi ang mga direktang nagbabayad lamang ng matrikula ang may karapatang magtanong ukol dito. Mahalaga na maipabatid ng mga nasa kinauukulan kung saan ito napupunta pagkat mula sa buwis ng taumbayan ang pinambabayad. Nararapat lamang na tugunan ang gayong mga katanungan ng wasto lalo pa’t sila ang may hawak ng posisyon na direktang nakatutok sa pangangailangan ng mga guro’t mag-aaral. Gayundin, mas mabuting mag-ingat ang mga ito sa pagpili ngmga salitang gagamitin sapagkat ang kredibilidad ng pamantasan ang nakasasalalay. Ang pangyayaring ito ang nagpahiwatig sa tila baluktot na uri ng paglilingkod ng ilang nasa mataas na katungkulan sa loob ng pamantasan. Dahilan ito kung bakit maraming magaaral ang wala nang ganang magtanong at magsiyasat partikular sa mga katulad na isyu. Higit pa rito, tila pinalawig nito ang espasyo sa pagitan ng mag-aaral at may katungkulan kung kaya’t mas lalong hindi nagkakaintindihan sa kung papaano lulutasin ang mga suliranin na kapwa kinakaharap. Nawa ay magsilbing leksyon ito sa bawat isang nasa katungkulan upang lalong mapagtibay ang relasyon ng mga mag-aaral at ng mga nasa katungkulan. Gayundin, upang kanilang patunayan na sila ay hindi isa sa mga naghaharing-uri.
16 OPINYON
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Novaturient Jaymie Krizza Benemerito | Circulations Manager
C
C n
benemeritokrizza@gmail.com
Konkretong Solusyon Nakabatay sa praktisadong kaalaman ang magiging puhunan ng mga mag-aaral para sa kinabukasan. Malaking dagok sa mga estudyante lalo na sa kanilang mga kakayahan ang dulot ng online classes. Matatandaan na ang online classes ang naging panandaliang solusyon upang makapagpatuloy sa pag-aaral laban sa kabi-kabilang banta ng COVID-19 sa buong mundo. Ngunit, ang solusyon na ito ay humahadlang sa pagkamit at paglago ng mga kakayahang kailangan ng mga estudyante partikular sa mga nasa Science and Engineering - related courses. Ayon kay Assistant Professor Nelson M. Panajon ng Department of Chemistry, kung magbabase sa skills, ang face-to-face ay maituturing na skill-wise kung saan sa discussion partikular na sa laboratory ay maaari lang na maituro sa mga estudyante ang tamang paghawak ng mga laboratory apparatuses, ngunit sa online class “ Hindi dapat ay mahirap itong ituro at gawin kahit nalilimitahan na mayroon namang magagamit na ang kakayahan YouTube links dahil iba pa rin umano para at kalidad ng sa kaniya ang hands-on training at iba pa rin ang pag-aaral kapag ang estudyante edukasyon na ang mismong gumagawa ng aktibidad. maaaring Maituturing na mas malaki ang makuha problema niya sa laboratory kaysa sa ng mga lecture classes dahil pagdating sa hawak estudyante...” niyang mga laboratory, imahinasyon ng estudyante ang pinapagana kung ikukumpara sa face-to-face na may real-life application na ginagawa. Bagama’t challenging, isa lang itong patunay na maaari pa rin namang suriin at isagawa ang isang ligtas na balik eskwela sa mga skilled-based programs maging ang ibang kurso lalo na’t naaprubahan naman ang 93 na unibersidad sa Pilipinas na magsagawa ng limited face-to-face. Kaya naman, nararapat lamang din na gumawa ang CLSU ng mga hakbangin upang makapagpasa ng aplikasyon at intent sa Commission on Higher Education (CHED) upang masuri at mapabilang ang institusyon sa 218 na intent at 155 na aplikasyon na inilabas ng CHED sa bansa nito lamang Hunyo 21, 2021. Hindidapatnalilimitahanangkakayahanatkalidadngedukasyon na maaaring makuha ng mga estudyante sa pag-aaral at bigyangpansin na isaalang-alang muli ang option na ligtas na balik eskwela at hindi ang band-aid na solusyon na hindi naman para sa lahat.
Aksyo Marami ang maaaring patunguhan o baguhin ng isang pahayag o kilos sa partikular na usapin lalo’t kung ito ay mula sa tao, grupo o institusyon na may kaugnayan sa talakaying kinahaharap. Matatandaang nitong nakaraang ika-24 ng Setyembre 2020 ay naglabas ng online developing story ang CLSU Collegian sa opisyal na Facebook page nito kung saan nailahad ang mahahalagang detalye ukol sa isinasagawang road-widening sa kahabaan ng Barangay Bagong Sikat, perimeter fence ng Central Luzon State University bilang bahagi ng proyekto ng lokal na pamahalaan ng Science City of Muñoz. Kaugnay ng proyektong ito ang pagputol sa
animnapu’t walong (68) pu acacia, 23 mangga, dalaw santol na nagdulot ng kalit ng mga residente bagam ang lokal na pamahalaan of Environment and Natur Region III (DENR-R3) upang Ayon sa ilang residen reklamo sa publikasyon, nakapaskil na anunsyo sa ng layunin ng proyektong ng dahilan sa malawakang puno, gayundin naman, b barangay, bagamat nasab ngmgapunoayhindinaipa Malinaw na mayroong kaku naganap sa mga simpleng
Mockingjay Xyra Alessandra Mae Balay | Editor-in-Chief xyralesandra@gmail.com
Maiba Taya? Habang patuloy na pinaglalaanan ng panahon at badyet ng administrasyong Duterte ang NTF-ELCAC, patuloy na nasa alanganin hindi lamang ang kaligtasan ng sangkaestudyantehan kundi maging ang kaban ng bayan dahil sa mga banta ng red-tagging. Dulot ng community quarantines, mas maraming kabataan, kabilang na ang mga estudyante ng Central Luzon State University, ang naging outlet ang social media sa pakikialam sa mga isyu ng lipunan sa loob at labas ng unibersidad. Bunga nito, nakagagalit na ang bawat estudyanteng may taliwas na opinyon sa kasalukuyang administrasyon ay walang pasubaling babansagang “terorista” ng sinuman bagamat hindi tiyak ang depinisyon nito. Nito lamang ika-28 ng Hulyo, lumitaw ang Facebook page na “The Right CLSU Collegian” na naglalayong gamitin ang pangalan ng publikasyon upang lantarang i-red tag at ipahamak ang mga lider estudyante sa gitnang Luzon, kabilang na ang mga staff ng CLSU Collegian. Ganito rin ang nangyari sa ibang mga opisyal na pahayagang pangkampus gaya ng sa Bulacan State University at University of Santo Tomas. Bukod pa rito, noong ika-19 ng Nobyembre 2020, sa comment section ng Facebook page na
Ang Bagong Nueva Ecija kung saan ibinahagi nito ang naging statement ng University Supreme Student Council hinggil sa paghingi ng Acade Break, naglipana rin ang m re-red tag sa mga CLSUans hakbang ang institusyon tu Sa katunayan pa, no mismong National Task Communist Armed Con tahasang binansagan ang sa bansa bilang mga kuta n ng New People’s Army na k Sa mga pangyayaring i mapatahimik na lang ang m naman mangmang sa rea na kalagayan ng bansa, la Terrorism Act of 2020, kah maakusahang terorista at masusing imbestigahan pa Kasabay pa ng krisis na dahil sa mga nagdaang b pandemiya, nakadidismay
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph OPINION EDITOR Laurence Ramos | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Catalyst
Christine Mae Nicolas | DevCom Editor nicolas.christine@clsu2.edu.ph
on at Atensyon
uno kabilang na ang 42 wang sampalok at isang ituhan at pagka-alarma mat mayroong permit n mula sa Department ral Resources Office ng g isagawa ang aktibidad. nteng nagpa-abot ng wala umanong mga a lugar na naglalaman g isinasagawa maging ng pagpuputol ng mga base sa ilang opisyal ng bihan sila sa pagpuputol akitasakanilaangpermit. ulangan at paglabag na g sitwasyong ‘gaya nito.
emic mga pahayag ng pangns. Wala namang naging ungkol dito. oong Hunyo 23, ang Force to End Local nflict (NTF-ELCAC) ay 18 na mga unibersidad ng mga rekrut diumano kinikilala nilang terorista. ito, maaring mas lalong mga estudyanteng hindi alidad ng sosyopolitikal alo pa at ayon sa Antihit sino ay maaari nang t hindi na kailangang a. a kinahaharap ng bansa bagyo at kasalukuyang yang ang NTF-ELCAC,
“Sa pananatiling tikom ng may mas sapat na tinig ay marami ang posibleng pagkakataon at pagbabagong patuloy na napalalampas...”
Maliban sa pahayag mula sa kasalukuyang pangulo ng pamantasan na si Dr. Edgar A. Orden ay kapansin-pansing wala ng iba pang naging tugon o aksyon ang administrasyon ng CLSU sa usapin sa kabila ng pagiging direktang apektado at natuklasang paglabag ng kontraktor na maaari sanang nakapag-dulot ng progreso at kaliwanagan sa apektadong komunidad. Sa pananatiling tikom ng may mas sapat na tinig ay marami ang posibleng pagkakataon at pagbabagong patuloy na napalalampas, gayundin, lalong lumalawak ang posibilidad ng pagbalewala sa mga usaping kailangang talakayin o solusyonan.
“... ang red-tagging, sa pangunguna ng NTF-ELCAC, ay banta sa kaligtasan at pondo ng mamamayan. Hindi dapat “maiba taya” ang pagkilatis sa terorismo..” na kung tutuusin ay ginawa lamang para brasuhin at pwersahin ang mga kritiko ng rehimeng Duterte ay napaglaanan ng 19-bilyong badyet para sa 2021 at target pa ang 40-bilyong badyet para sa 2022. Kaugnay nito, walong milyong piso sa alokasyon nito noong 2019 ay hindi pa rin nai-aaudit hanggang sa kasalukuyan. Patunay lang ito na mas prayoridad ng administrasyon ang pagpapatahimik sa oposisyon nito kaysa ibuhos ang pondo sa kasalukuyang mga sakuna. Ang “intel funds” na ayaw nitong bitawan at i-realign para sa pagresponde sa pandemiya ay mababasura lamang para sa personal na interes na ang puhunan lang ay tamang duda. Samakatuwid, ang red-tagging, sa pangunguna ng NTF-ELCAC, ay banta sa kaligtasan at pondo ng mamamayan. Hindi dapat “maiba taya” ang pagkilatis sa terorismo. Para sa kaligtasan din ng mga estudyante, dapat na gawin ng mga unibersidad ang kanilang mga parte sa pagpoprotekta sa kanilang mga mag-aaral, kahit sa pamamagitan lamang ng pagtatanggol sa mga ito. Tunay na habang mas inuusig, mas marapat na tumindig; kung kaya magpatuloy tayong aralin pa ang kasalukuyang kalagayan ng bansa upang mamulat sa mga dapat pang ikalampag tungo sa pagbabago. Ang aktibismo ay hindi terorismo.
OPINYON 17
Patronum Jerome Christhopher Mendoza | Literary Editor mendoza.jerome@clsu2.edu.ph
Hindi Malinaw
Bahagi ng isang pagpapasya ang masusing pagpili, subalit ang pagpili na hindi konkreto ang basehan ay maaaring humantong sa hindi pantay na paghuhusga ng merito at maaring magkaroon ng nakadidismayang resulta. Nito lamang Enero 19, sa opisyal na Facebook page ng CLSU Testing and Evaluation Center (CTEC) kanilang inanunsyo na magkakaroon ng alternatibo at bagong bihis ang implementasyon ng college admission procedure para sa A.Y. 2021-2022 base sa isang referendum na inaprubahan ng CLSU Board of Regents. Dahil dito, magbabase ang CTEC sa scholastic records ng mga aplikante noong sila’y Grade 9, 10, at 11. Matapos ang ilang buwang pag-aassess sa mga aplikante, inilibas ng “ Kaya naman, CTEC nitong Mayo 18 ang college malinaw na ito ay isang admission results. manipestasyon ng Samu’t saring mga komento kawalan ng ‘transparency’ ang naglipana sa Facebook at malabong pagsusuri page ng CTEC na nagmula sa ng mga bagong first year mga aplikante at maging sa students sa unibersidad” kanilang mga magulang na hindi umano katanggap-tanggap ang nangyaring evaluation ng mga aplikante. Sa pagbabasa kong maigi, maramiakongnakitanamayroongmgahindinakapasananakapagtapos naman na mayroong mataas na marka. Sa ganitong sitwasyon, paano nga ba inassess ng CTEC ang mga scholastic records ng mga mag-aaral? Lingid pa sa kaalaman nating lahat na mayroong malaking diperensya ang bigayan ng grado ng mga galing sa pampubliko at pampribadong paaralan. Wala akong intensyong maliitin o husgahan ang kredibilidad ng mga public and private teachers at intelektwal ng mga mag-aaral bagkus ay dapat nabigyan sana ng awareness ang CTEC ukol dito dahil hindi naman pare-parehong galing sa iisang paaralan ang mga nagapply na mga mag-aaral. Batay lamang sa kanilang anunsyo, masasabi na hindi sapat ang ibinigay na impormasyon ng CTEC kung paano nila in-evaluate ang kani-kanilang mga aplikante. Mayroon ba silang ginamit na intrumento para masuring maiigi ang mga records ng mga mag-aaral? Mayroon din bang guidelines na ginamit? Sa simpleng pagsabi na sila ay magbabase lamang sa scholastic records ng mga mag-aaral ay makikitang hindi konkreto ang naging basehan ng kanilang pagsusuri. Kaya naman, malinaw na ito ay isang manipestasyon ng kawalan ng ‘transparency’ at malabong pagsusuri ng mga bagong first year students sa unibersidad. Mas mainam din napag-isipan ang opsyon na magpa-exam ang mga aplikante virtually. Kung susuriin, mayroon namang mga websites gaya ng Google Classmaker na kayang mag-hold ng exam kung saan magiging limitado ang pandaraya dahil mayroon itong timer na magbibigay ng malaking pressure sa mga aplikante. Higit sa lahat, maglabas sana ng isang malinaw na panuntunan ang CTEC sa kung paano ang proseso ng assessment sa scholastic records ng mga mag-aaral noong high school upang tiyak na maibibigay ang patas na resulta para sa lahat.
18-
OPINION EDITOR PAGE DESIGN Fran
NASYONAL
Solusyon, ‘wag dagdag konsumisyon
H
abang patuloy na iginagapang ng mga magaaral at unibersidad ang bawat semestreng dumaraan, unti-unti namang sinusukuan ng CHED ang hamon ng pandemya at patuloy na nagbibingi-bingihan ang gobyerno sa panawagan para sa ligtas na balik eskwela. Sa isang webinar na idinaos ng CHED noong Mayo 21, sinabi ni Commission on Higher Education (C H E D)
Chairman Prospero De Vera III na simula ngayon, ang flexible learning system ay magiging "norm" na at hindi na umano maibabalik sa tradisyunal na sistema ng face-toface classrooms. Dagdag pa niya, kung magbabalik sa sistemang ito ay maaaring masayang ang mga inilaan para sa teknolohiya, teacher training, at "retrofitting" ng mga pasilidad. Gayunpaman, ang pahayag na ito ay tila sampal sa mga magaaral at teaching staff na umaasang tinutugunan nga ng CHED ang isyu ng pagbabalik ng learning system at taliwas mismo sa mga naunang pahayag ng komisyon.
PHOTO SOURCES © CEGP (Twitter) © Joseph Cuevas (Kodao Productions FB Page) © Jigger J. Jerusalem (Inquirer Mindanao) © AFP (Gulf News) © Marily Sasota Gayeta (Gardener of Thoughts Blog) © Percival Gilhang (The Philippine Online Student Tambayan)
Bagamat naipagpapatuloy ng taong panuruan, hindi nagiging sapat ang FLS upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Bukod sa problema sa internet connectivity, kakulangan sa gadgets, suliraning pinansiyal, at mga hinaing na pangakademiko, patuloy na hinaing ng mga estudyante ang mga isyung pangkalusugan. Sa katunayan, makikita ito sa data ng sarbey sa mga mag-aaral sa Central Luzon State University na inilunsad ng USSC. Sa 1,180 na estudyanteng tumugon hanggang nitong 7:51 PM, Mayo 22, hinggil sa kalagayan sa kasalukuyang sistema; 50.2% ang nakararanas ng problemang pinansiyal habang 71.2% ang may problema sa internet connectivity. Gayundin, 70% ang pangkalahatang nakararanas ng isyung pangkalusugan kung saan 61.1% dito ay mental, 56.5% ay
-19
R Laurence Ramos nce Joseph Pascual
#LigtasNaBalikEskwela emosyonal, at 19.7% ay pisikal. Karagdagan dito, wala pa ring malinaw na planong ibinababa ang CHED sa magiging kahihinatnan ng pagsasagawa ng thesis at OJTs para sa mga estudyante, gayundin sa mga institusyong hindi pinayagan na magdaos ng face-to-face classes. Hindi lingid sa kaalaman na may mga skill-based courses na bagamat hindi medikal ay nangangailangan din ng harapang laboratory classes. Dahil dito, hindi makatarungan na sabihin na lamang ng CHED na hindi na muling babalik ang nakasanayang sistema at hayagang isantabi ng kalagayan ng mga estudyante dahil wala pa ring nakalatag na solusyon sa tunay na mga suliranin ng mga
“
Hindi dapat na masalamin sa kinabukasan ng mga estudyanteng patuloy na inilalaban ang pagkatuto sa gitna ng pahirap na sistema.
mag-aaral. Sa isang press briefing nito lamang ika-18 ng Mayo, salungat ang sinabi ni De Vera III na tinitignan ng CHED ang pagbubukas ng limited face-to-face classes para sa mga mag-aaral ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology, at Maritime Programs. Ito ay matapos ang pag-apruba nito ng limited face-to-face classes sa 64 na HEIs, mula pa noong Marso, para sa mga medical at allied health courses. Samakatuwid, ang pahayag ng CHED tungkol sa hindi na pagbabalik ng tradisyunal na face-to-face classes ay malinaw na pagtanggap nito ng pagkatalo sa hamon ng pandemya at pagsasantabi ng isyung dinaranas ng mga estudyante. Ito ay tahasang pagbabalewala sa patuloy na panawagan para sa ligtas na balik eskuwela. Hindi dapat na ipagpatuloy lamang ang pagpo-pokus sa FLS bilang pangmatagalang aksyon, bagkus ay pag-igihin
dapat ng gobyerno at maging kaagapay ang CHED sa pagsugpo sa pandemiyang ito nang muling umangkop ang tradisyunal na face-to-face classes. Sa halip na tanggapin ang ganitong sistema, dapat na maging inisiyatibo ng CHED ang panghihikayat ng mass vaccination para sa herd immunity sa bawat institusyon, kasama na rin ang pagbuo ng mga kongkretong polisiya hinggil sa mga kasalukuyang isyu ng mga estudyante. Sa huli, ang naging kapalpakan sa paghahanda ng gobyernong ito tungkol sa pandemya ay hindi dapat na masalamin sa kinabukasan ng mga estudyanteng patuloy na inilalaban ang pagkatuto sa gitna ng pahirap na sistema.
20-
OPINION EDITOR PAGE DESIGN E
NASYONAL
Krisis sa Gitna ng Krisis
P
anibagong krisis ang pagkawala ng trabaho ng 11 libong manggagawa ng ABS-CBN. Gayundin, apektado ang daloy ng impormasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Nitong lamang isang taon, Mayo 4 ay tuluyang nawalan ng bisa ang Republic Act 7966 na nagkaloob ng prankisa sa ABS-
“
Ang aksyon ng gobyerno ay malinaw na magbubunga ng pagkapilay ng malayang pamamahayag sa bansa...
CBN Network group at nagsilbing ‘permit to operate’ nito sa bansa sa loob ng 25 taon. Ito ang nag-udyok sa National Telecommunications Commision (NTC) upang maglabas ng Cease and Desist Order. Ang naturang order ay maaaring hindi nailabas ng komisyon kung naging responsable ang mga mambabatas particular na ang lower house. Pagkat ang kongreso lamang ang may awtonomiya, upang bigyan ng prangkisa ang isang kumpanya gaya ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pag-aakda ng batas para rito. Kaugnay nito, labing isang Franchise Bill ng kumpanya ang natengga sa kongreso dahil ayon sa House Speaker na si Taguig City Representative Allan Peter Cayetano ay hindi ito ang kanilang prayoridad. Isa rin sa pumigil ng franchise renewal ay ang quo war-ranto petition na inihain ni
Solicitor General Jose Calida na nanghihimok sa Korte Suprema na tuluyang alisin ang prangkisa ng kumpanya. Ayon kay Calida, nilabag ng ABS-CBN ang batas matapos ang pagkakaroon ng pay per view channel sa pamamagitan ng Kapamilya Box Office (KBO) at ‘di umano ilan sa Philippine Depository Receipt (PDR) holder nito na dayuhan ang nagmamayari sa ilang stocks nito. Mariing pinabulaanan naman ito ng network. Ayon sa ABS-CBN, ang KBO ay aprubado ng NTC at bilang PDR’s holder ay hindi nangangahulugan na mayroong nang karapatan ang dayuhan upang maging shareholder nito. Sa kabila ng mga paliwanag at pagsumite ng kaukulang dokumento, patuloy na hindi umusad ang Franchise Bill nito na tila pinabayaan ng mababang kapulungan partikular ang
-21
R Laurence Ramos Excy Bea Masone
#IbalikAngABSCBN #StandWithWorkers #NoToABSCBNShutdown #DefendPressFreedom House Committee on Legislative Franchises. Malinaw na pansariling kapakanan ang inuna ng kasulukuyang lider, kung kaya’t ang kongreso na hindi bababa sa 200 miyembro nito ang hawak sa leeg ng administrasyon ay dinidiktahan sa kung ano ang nararapat nitong gawin. Hindi maka-mamamayan ang naging aksyong ito sapagkat sa pagsasara ng ABS-CBN ay tinatayang nasa 11 libong katao na mahigit anim na libo rito ay regular na manggagawa ang mawawalan ng hanapbuhay. Pamilyang pilipino muli ang lubos na apektado. Limitado na nga ang benepisyong nakamtan, tinanggalan pa ng hanapbuhay.
Gayundin, ang ABS-CBN bilang isang malaking pahayagan na may kakayahang bigyang pagkalinga ang mamahayag ay lubusang naapektuhan. Ang aksyon ng gobyerno ay malinaw na magbubunga ng pagkapilay ng malayang pamamahayag sa bansa na siyang gumagabay sa bawat mamamayan sa paghimay ng tama at mali upang mabantayan ang katotohanan. Mamayang Pilipino higit sa lahat at ano pa ‘man – tila taguri tuwing halalan, ngunit sa ganoong panahon lang ba dapat maramdaman ang kalingang hinangad?
Nakadidismaya, lalo’t sa panahong ito na malasakit ng gobyerno na kailangan ng lahat sa pagharap sa malawakang krisis ay ipinagkait ng nakaupo. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng pamamahala, ito ay patuloy lamang na magdudulot ng takot at pangamba sa mamamayang pinaglingkuran nito. Ang pagsasara ng ABS-CBN ang patunay ng kawalan ng konsiderasyon sa gitna ng krisis kung saan uhaw ang lahat sa impormasyon.
PHOTO SOURCES © Angie De Silva (Rappler) © Basilio Sepe (BenarNews) © Luis Liwanag (BenarNews) © Jire Carreon (Rappler) © Bullit Marquez (AP photo)
SU KULE CLSU KULE CLSU KULE C Selfie, selfie, dolomite beybeh! 22-23 ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu LSU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu SU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu SU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE Klasmeyt CLSU KULE CLSU KULE clsu Paulit-ulit lang Ghorl LSU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu LSU KULE CLSU KULE CLSU KULE TalagaCLSU ba, Marites?KULE clsu ULE CLSU KULE LSU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu LSU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu SU KULE CLSU KULE CLSU KULE C ULE CLSU KULE CLSU KULE clsu HEAD CARTOONIST John Marius Mamaril PAGE DESIGN France Joseph Pascual
ni Ron Vincent Alcon
ni Paula Alexis
ni John Marius Mamaril
ni Ohnie Garcia
Mars, Ano bang sabon gamit mo bakit hindi mabula?
Marites, mam imili pa ba ako sa ba kuna nga basta-basta na lang e!
CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL Kapalaran sa 2021 KULE CLSU KULE clsu clsu KULE CLSU KULE KOMIKS Online ClassKULE 4ever CLSU KULE CLSU CLSU KUL clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL CLSU KULE CLSU KULE clsu Na-buang na! clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL clsu KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu CLSU KULE CLSU KULE CLSU KUL KULE CLSU KULE CLSU KULE clsu ni Joleene Sibayan
ni John Marius Mamaril
ni Ron Vincent Alcon
r cu
24 LATHA
FEATURES EDITOR PAGE DESIGN E
Pagtahak sa
Pandemya Christine Nicolas
P
aniki, ang katangi-tanging mammal na may kakayahang magbalanse at magpanatili ng pagtahak sa himpapawid marahil ang naging pinaka-pinag-usapan na hayop sa taong 2020 buhat nang iugnay ito sa posibleng pinagmulan ng mapaminsalang CoronaVirus Disease 19 o COVID-19 na laganap pa rin sa buong mundo magpa-hanggang ngayon. Bunsod ng mga espekulasyong ito, pinandirihan, nilayuan at ang ilan ay kinitilan ng buhay ang mga inosenteng nilalang bagamat wala pang tiyak na ebidensyang nagpapatunay nito. Sa mabilis na paniniwala ng mga tao sa mga haka-haka at “sabi ng iba” ay mas lalong lumawak ang pag-unawa sa tunay na kinakailangan ng lahat: ang tiyak at makatotohanang mga detalye at impormasyon ukol sa sakit na ito.
EDWIN BOBILES
Pinagmulan
EDWIN BOBILES
Hindi na bago para sa mga nakaranas noon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) buhat sa probinsya ng Guangdong sa bansang China at Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) sa gitnang silangan ang virus na tulad ng Covid-19. Matagumpay man itong nalampasan noon, wala pa ring katiyakan ang kaligtasan ngayon lalo na at tila malayolayo pa tayo sa landas tungo sa tiyak na pagwawakas ng naturang sakit. Ang dapat na masaganang pagsalubong sa bagong taon ay inunahan ng pangamba sa pagtaas ng mga naitatalang kaso ng pneumonia sa Wuhan, probinsya ng Hubei sa China na kinilala bilang novel Coronavirus, isang virus na kabilang sa subgroup na beta-coronavirus. Binigyan ito ng pangalang Wuhan coronavirus o 2019 novel Coronavirus (2019-nCov) ng mga Tsinong mananaliksik na agad ding pinalitan ng International Committee on Taxonomy of Viruses (ICTV) at ginawang SARS-CoV-2 para sa virus at COVID-19 para sa sakit. Tila nakalilito ang mga sintomas na mararanasan sa unang yugto ng pagkakaroon ng ganitong sakit, sapagkat kabilang sa mga ito ang karaniwang nararanasan ng ordinaryong mamamayan sa alinmang lugar gaya ng lagnat, ubo at kapaguran. Hindi man kadalasang nadarama ay kabilang sa ikalawang yugto ng nabanggit na karamdaman ang mga sintomas tulad ng pananakit ng ilang bahagi ng katawan, pamamaga ng lalamunan, madalas na pagdumi, pamumula ng mata, pananakit ng ulo, pagkawala ng panlasa at pang-amoy, mga pantal at pag-i-iba ng kulay sa mga daliri ng paa. Samantala, ang pagdanas ng hirap sa paghinga, pananakit ng didib at hirap sa pagkilos ay hudyat na malala o nasa seryosong bahagi ng sakit na ang nilalabanan na nangangailangan ng lubos na pagiingat at pag-aalaga upang maiwasan ang mas matindi pang epekto o pagkahawa ng iba. May mga kaso ring tinatawag na asymptomatic o walang dinaranas na kahit anong sintomas ang taong positibo sa sakit.
ra
ALAIN 25
R Lenilyn Murayag Excy Bea Masone
Paglaganap
Pakikisalamuha o pagkakaroon ng “close contact” ng infected na tao sa iba pang hindi apektado ng sakit ang pinaka-punong dahilan ng paglaganap ng Covid-19. Maari itong maganap sa tuwing makalalanghap o madadampian ng liquid particles, ‘respiratory droplets’ para sa mas malalaki at ‘aerosols’ sa mas maliliit, mula sa pag-ubo, pagsasalita, pagbahin o pagkanta ng taong mayroong COVID-19 nang hindi natatakpan ang ilong at bibig. Sa ganitong paraan at sa kakulangan ng disiplina ng ilan, sa halip na maagang nasupil ang sakit at napanatili ito sa partikular na lugar lamang ay lumaganap pa ito sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa World Health Organization (WHO), mayroong “Three Cs” kung saan malaki ang posibilidad na mas mabilis lumaganap ang sakit; kabilang dito ang (1) crowded places kung saan maraming tao ang nagkakasama sa isang espasyo; (2) close-contact setting ‘gaya ng mga lugar kung saan malapitan na nakakapagusap ang dalawa o higit pang indibidwal; at (3) confined places o limitadong mga espasyo na may hindi maayos na bentilasyon. Tinatayang nasa lima hanggang anim na araw ang incubation period ng COVID-19 na panahon sa pagitan ng pagka-expose sa virus at paglabas ng mga sintomas, ngunit, maaari itong abutin ng 14 na araw kaya naman ganito rin katagal kailangang sumailalim ng taong pinaghihinalaang apektado ng sakit sa quarantine upang matiyak ang tunay na kalagayan.
j u Pag-iwas
Maliban sa tuwinang pagsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng bahay, kinakailangan din na ang isang indibidwal ay mayroong disiplina at kalinisan sa sarili upang mas matiyak na ligtas sa pagkahawa sa lumalaganap na sakit. Mahalaga ang pagsunod sa mga protocol katulad ng social distancing o pag-distansya ng isa o higit pang metro sa iba, palagiang pag-sa-sanitize ng mga bahagi ng katawan o kagamitan. Mainam din ang pagtutok sa mga update mula sa mga lihitimong source upang manatiling may alam sa mga kaganapan. Kung sakaling makararanas ng anumang sintomas, maiging boluntaryo nang lumayo sa pamilya at ibang tao upang maiwasan ang posibilidad ng hawaan at makipagugnayan sa mga kinauukulan ‘gaya ng barangay at city health offices para sa agarang tugon. Sa nasyonal at lokal na pamahalaan at sangay ng gobyerno sa kalusugan, pinaka-mahalaga ang pagkakaroon ng konkretong plano at hakbang na susundin nang maiwasan ang kalituhan at ang lalong paglaganap ng COVID. Makabubuti sa mga mamamayan na manatiling may alam sa mahahalagang detalye ng sakit, gayundin sa mga hakbang na kailangang sundin at mga tao o organisasyon na kanilang malalapitan.
EDWIN BOBILES
Pandemya
Kasalukuyang nadaragdagan pa rin ang mga nakukumpirang kaso ng COVID-19 sa mundo. Ilang araw bago matapos ang buwan ng Nobyembre, mahigit 62 milyong kaso na ang naitala mula sa pinagsamasamang kaso sa mga bansang apektado kung saan higit sa 422 libo ang mula sa Pilipinas base sa report mula sa representative office ng WHO sa bansa. Pinasimulan ng isang babaeng Chinese national ang COVID-19 sa bansa nang makumpirmang ang mga sintomas na kanyang naranasan ay sanhi ng COVID noong katapusan ng Enero. Sa bawat araw na mayroon pa ring pandemya, untiunting nasasanay ang mga tao sa panibagong uri ng pamumuhay kung saan nalilimitahan ang mga kilos. Mabuti ang pagkasanay, ngunit, hindi maikakaila na hindi mabuti na mayroon pa ring kumakalat na sakit. Ngayon, mabibilang na sa mga daliri ng kamay ang mga kompanyang sumusubok makalikha ng bakuna kontra COVID. Maituturing natin na magandang simula ang pagkakaroon ng progreso upang unti-unti nating malagpasan ang pandemya.
26 LATHA
FEATURES EDITO PAGE DESIGN Franc
ILLUSTRATION OF RON VINCENT ALCON
KILOS KABATAAN: MGA LIBANGAN SA GITNA NG PANDEMYA Jaira Patricia Ebron
ALAIN 27
OR Lenilyn Murayag ce Joseph O. Pascual
H
alos mag-iisang taon na mula nang magsimula ang pandemyang yumanig sa buhay ng bawat tao sa buong mundo. Kalakip nito ang maraming pagbabago mula sa mga nakagawian at nakasanayang pamamaraan ng pamumuhay. Kasabay ng mga panukalang ipinapatupad ng gobyerno upang matuldukan ang kasalukuyang krisis, patuloy ang lahat sa paghahanap ng mga bagay na paglilibangan at maaring gawin sa kani-kanilang tahanan. Apektado man ng mga suliraning dala ng pandemya, patuloy naman ang mga kabataan sa pagtuklas ng mga maaring gawin bunga ng matagal na pananatili sa kanikanilang mga tahanan. Narito ang ilan sa mga aktibidad at libangan sa gitna ng pandemya: PAGNENEGOSYO Ayon sa International Labor Organization (ILO), isa sa anim na kabataan sa buong mundo ang nawalan ng trabaho nang magsimula ang pandemya. Dahil sa paghina ng ekonomiya, mababang pagpasok ng pera at mga pagsubok tungo sa pag-iipon, marami sa atin ang gipit at nangangailangan ng panggastos para sa mga sariling pangangailangan at kagustuhan. Bilang tugon, iba’t-ibang mga ideya ang umusbong upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan, partikular na ang mga kabataan. Ilan sa mga maliliit na negosyong naging patok ngayong pandemya ay ang mga pagkain at damit na siyang madalas inaalok at binibenta gamit ang social media. Dala ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya, naging wais ang marami sa kabataan sa pagpapalago ng pera. Ilan sa mga estratehiyang naipapakita sa pagbebenta ay ang pag-aalok sa mga kakilala at malalapit na kaibigan at paggamit ng internet upang maipakilala ang mga produkto. PAGTATAGUYOD SA EDUKASYON Sa kabila ng mga hamong dala ng pagpapaigting sa edukasyon, patuloy na nagsisikap ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Panibago man sa nakagawian, abala ang karamihan sa pagpapalawak ng kani-kanilang kaalaman sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at pagaaral online. Ayon sa survey ng Asian Development Bank Institute na pinamagatang “Impact of COVID-19 Pandemic on Households in ASEAN Economies” noong nakaraang Setyembre, humigit kumulang labinlimang porsiyento ng kabataan ang tumigil sa pag-aaral simula nang magkaroon ng pandemya. Marami sa mga ito ang matatagpuan sa Myanmar at sa ating bansa. Bagamat hindi sang-ayon ang nakararami sa panibagong pamamaraan ng pag-aaral, patuloy pa ring sinisikap ng karamihan sa mga estudyante at pamunuan ang pagpapalawig ng edukasyon. PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA Hindi maikakailang malaking pakinabang ang idinudulot ng social media sa kasalukuyang sitwasyon ng buong
mundo. Hindi man nagkaroon ng pagkakataon na palagiang makalabas at makipagkita sa mga mahal sa buhay at mga kaibigan, nagsisilbing tulay sa komunikasyon ang social media. Maaring magkausap at magkita-kita sa maraming online apps ngayon tulad ng Zoom, Google Meet at Discord. Ilan rin sa mga social media apps ay nagbibigay daan upang makapanood ng mga palabas ang mga magkakaibigan na parang magkakasama rin. Abala rin ang mga kabataan sa paggamit ng social media dahil dito madalas natatagpuan ang mga bagong balita at impormasyon na siyang napakahalaga sa panahon ng krisis. Marami sa mga impormasyong hatid ng social media ay nagbibigay daan upang mabigyan ng ideya ang bawat isa sa mga nangyayari sa labas ng kani-kanilang tahanan. Bukod pa rito, iba’t ibang klase ng libangan ang maari ring magawa gamit ang social media tulad ng panonood ng mga nakakaaliw na palabas at mga pelikula. PAG-OONLINE SHOPPING Hindi na bago ang salitang “check out” sa mga kabataan at maging sa mga nakatatanda ngayong pandemya. Dahil sa mga restriksyon, madalas sa mga transakyon ngayon ay ginagawa na online. Kaya hindi man personal na makapunta sa mga mall ay nagkakaroon ang lahat ng pagkakataong tumingin at bumili ng samu’t saring bagay sa pamamagitan lamang ng ilang click sa Internet. Naging patok ang mga online retail stores, tulad ng “Shopee” at “Lazada” dahil sa mga promo nito buwan-buwan na siya namang naka-eengganyo sa maraming mamimili. Marami sa mga bilihin dito ay tanyag sa mga kabataan dahil sa mga presyong hindi ganoon kabigat sa bulsa. Sa katunayan, bagong record ang naitala ng Shopee sa nakaraang 12.12 sale nito, kung saan labindalawang milyong produkto ang nabili sa loob lamang ng dalawampu’t apat na minutong pagsisimula ng sale. Higit pa rito, pumalo rin sa 250 porsiyento ang itinaas ng araw-araw na benta ng Lazada noong nakaraang taon. Sa kabila ng limitadong pagkakataon na makalabas, maiging mga plataporma ang Shopee at Lazada dahil naihahatid na sa mismong mga tahanan ang mga nabili online. PAGTUKLAS NG BAGO O TINATAGONG TALENTO Kanya-kanyang pagpapakitang gilas ang matutunghayan ng lahat sa gitna ng suliraning kinakaharap ng lipunan. Mapasayaw, kantahan, pagguhit o maging pagsulat ay siguradong may ibubuga ang mga kabataan ngayong pandemya. Natuklasan din ng ilan sa mga kabataan ang kani-kanilang mga bago at tinatagong talento dahil sa mga libreng oras na iginugugol sa loob ng tahanan. Isang magandang halimbawa ang Tiktok app, na pumalo sa 65 milyong downloads noong Marso ng nakaraang taon. Nagiging daan ang naturang app upang maipakita ng mga kabataan, maging ang mga nakatatanda ang kanilang galing sa pagsayaw at pagiging malikhain sa pamamagitan ng mga videos. Hindi lamang ito magandang pampalipas oras kundi maituturing na makabuluhang libangan rin na maaaring gawin ng mga kabataan. Tiyak na makatutulong ito sa pagiging produktibo ng bawat isa sa kani-kanilang sariling sining at talento.
28 LATHA
FEATURES EDITOR PAGE DESIGN Franc
K
‘
ung usapin ng pagtutulungan lang din naman ang pag-uusapan, tiyak na hindi pahuhuli ang mga Pilipino. Tila wala na ring pinipiling edad at antas sa lipunan para tumulong sa kapwa.
Kasabay ng pamiminsala ng CoronaVirus 2019 o COVID-19 kung tawagin, inilunsad naman ang “Donation Drive: Ambagan para sa Kapwa ko CLSU-an” na naglalayong makapagbigay tulong at suportang pinansyal para sa online class ng ilang mga estudyante ng unibersidad. Mula sa 419 mag-aaral na nabigyan na ng Globe load card at 124 na nakatanggap ng modem/pocket wifi batay sa tala hanggang Nobyembre, isa sa mga benepisyaryo si Ryan Norris P. Garcia. PAMUMUHAY Panganay sa tatlong magkakapatid ang 21 gulang na si Ryan at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Environmental Science. Siya ang tumatayong magulang sa 15 anyos niyang kapatid na kasama niyang naninirahan sa Sto. Domingo Nueva Ecija. Nasa pangangalaga naman ng kanilang tiyahin sa Maynila ang pangalawa nilang kapatid. 2011 nang mawala ang kanilang ina at sunod namang binawian ng buhay ang kanilang ama makalipas lamang ang dalawang taon. Dahil dito, nakararaos sina Ryan gamit ang tulong na binibigay ng kanilang mga tiyahin at mga scholarship na mayroon siya. Ang halagang natatanggap niya bilang scholar sa munisipyo at sa Peace Corps Alumni Foundation for Philippine Development kada semestre ang pinagkakasya niya para sa pang-araw-araw na pangangailangan. Nakatutulong din aniya ang pagkakaroon nila ng mga pananim na gulay sa bakuran tulad ng talong, kamote, malunggay at himbabao. BALAKID Isa sa bawat sampung Pilipino na nasa edad anim (6) hanggang dalawampu’t apat (24) ang hindi nag-aaral ayon sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Nabibilang naman sa pinakamahirap na pamilya ang 53 porsyento ng mga Out of School Child and Youth (OSCY) sa Pilipinas. Nito lamang Hulyo, ibinahagi ng Department of Education (DepEd) ang kanilang pagtataya na maaaring nasa mahigit limang milyong kabataan ang hindi makapag-aaral dulot ng pandemya. Bago pa man lumaganap ang naturang sakit, aminado ang binata na sumagi sa
kanyang isipan ang paghinto sa pag-aaral sanhi ng kahirapan. Pag-aalangan naman ang naramdaman niya nang unang malaman na magkakaroon ng online class upang matugunan ang pagkatuto ngayong may COVID-19. Gayunpaman, isinantabi na ni Ryan ang ideya ng pagtigil sa pag-aaral buhat nang magkaroon ng online class dahil libre pa rin naman ang tuition aniya. Load, sa halip na pamasahe, ang siya naman niyang iniintindi ngayon. HAKBANG Upang makatulong sa mga kagaya ni Ryan, pinangunahan ng University Supreme Student Government (USSC) ang paglulunsad ng nabanggit na donation drive. “Ang paraan ng pagpili [ng mga benepisyaryo] ay base sa mga nirefer ng mga block president na kaklase nilang nahihirapan sumabay sa online class. Actually, lahat halos ng nag apply ay consider na as beneficiary,” banggit ni Aijohn Santos, namumuno sa programa. Ibinahagi rin ni Santos na isinama rin nila bilang kalahok ng programa ang mga rekomendasyon ng mga estudyante na nagpadala ng mensahe sa kanilang mga opisyal at Facebook page. Maliban sa load card na nagkahahalaga ng isang libong piso na siyang naipamahagi sa bawat benepisyaryo, nabigyan din ng modem at pocket wifi ang mga estudyante na hirap makasagap ng connection sa kanilang lugar. “Sa ngayon, nakikipag-ugna-
Bahagi ng bunga ng ku pagbibigay mga nanga o kawang madaling magbiga pag-asa r nagkaka tumatang
© Ryan Norris Garcia
Kawan Lenilyn Murayag
ALAIN 29
R Lenilyn Murayag ce Joseph O. Pascual
‘‘
CARL DANIELLE CABUHAT
ng sanhi at usang loob na y ng tulong sa angailangan ggawa sa g salita ang ay lakas at rin sa mga kaloob at ggap nito. yan kami sa mga telcos for possible partnership at sa service na kaya nilang i-offer, ang offer pa lang so far ay from Globe kung saan mag poprovide sila ng software kung saan kami na ang directly mag reregister sa numbers ng mga beneficiary ng loads at promos. Mas madali ito dahil hindi na magiging problema ang distribution dahil bilang estudyante, kulang din kami [sa] resources at oras para maidistribute ang mga load physically,” sambit ni Santos. Ayon sa USSC, hangarin din ng donation drive na makapangalap ng datos ng mga estudyanteng nakararanas ng hirap sa usaping pinansyal habang may online class sa kabila ng pandemya, at ipresenta ito sa CLSU Admin. RESULTA “Masaya,” ganyan inilarawan ni Ryan ang kanyang pakiramdam nang nalamang isa siya sa mga benepisyaryo ng donation drive dahil malaking tulong at katipiran ito para sa kanya. Sa halip kasi na sa pangload niya ilalaan, sa gastusin na lamang sa bahay mapupunta ang halagang hawak niya. “Sa mga kapwa ko estudyante ay alam ko na we have different
nggawa
situations, pero iisa lang naman ‘yung goal natin, makapagtapos, and kaakibat na non ‘yung matulungan [ang] pamilya, makaahon sa hirap at iba pa. So kahit naman [may] pandemic at nanjan ‘yung struggles ay isipin lang natin kung bakit ba talaga tayo nagaaral,” saad ni Ryan. “Gawin natin lahat para sa mga susunod na panahon eh makabawi tayo sa bayan especially sa mga susunod na generations ng mga kabataan [na] may pangarap din gaya natin,” dagdag pa niya. Matatandaang nagkaroon din ng fund raising para kay Ryan na pinamagatang “Piso para sa Desktop” sa pangunguna ng kanyang mga kaibigan na sina R.M. Fulgencio at Bokala Sweet Cruz, gayundin ng dating guro niya sa elementarya na si Ma’am Jenny Bugaoan. *** Isa lamang si Ryan sa mga estudyante na nararanasan ang kahirapan ngunit patuloy na nagsusumikap at nangangarap sa kabila ng mga mapanghamong sitwasyon. Bahagi naman ng sanhi at bunga ng kusangloob na pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan o kawanggawa sa madaling salita ang magbigay lakas at pag-asa rin sa mga nagkakaloob at tumatanggap nito.
30 LATHA
FEATURES EDITOR PAGE DESIGN E
Lapis at Pamahiin:
Kwento ng Isang VLE Topnotcher Joshua Mendoza
A
yon sa isang sikat na pamahiin ng mga kumukuha ng mga licensure exam, kung nais mo raw pumasa sa nalalapit mong pagsusulit ay mainam na magpatasa ng lapis na iyong gagamitin sa isang board topnotcher. Ngunit iba ang naging kwento ng Februray 2021 Veterinary Licensure Examination (VLE) Topnotcher na si Dr. Jerard Angelo Rayala. Dahil ang lapis na gumuhit ng kanyang kapalaran patungong tagumpay ay ang lapis na mismong kanyang pamilya ang nagtasa.
Munting Pangarap Tubong Sta. Maria, Bulacan at bunso sa tatlong magkakapatid si Jerard na pawang nagtapos ng kursong Veterinary Medicine katulad ng kanilang ama na si Gerardo. Ayon sa 22-anyos na doktor, Veterinary Medicine ang kanyang first choice na kurso dahil bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang pangarap na propesyon. “Bata pa lang po ay idolo ko na ang aking ama at mahilig po talaga ako sa mga alagang hayop lalo na sa mga wildlife kagaya ng reptiles,” saad ng binata.
Pagdating sa CLSU Nagsimulang mangarap si Jerard na maging isang board topnotcher pagkalipat niya sa CLSU. Ayon sa kanya, sa De La Salle Araneta University niya ginugol ang unang taon niya sa kolehiyo at lumipat ng CLSU sa ikalawang taon sa kolehiyo dahil dito nag-aral mula first year hanggang fourth year ang kanyang ama. “…Yung lola ko po, si Mrs. Elizabeth Suba, dating dean ng OSA kaya parang pinush po nila ako magtransfer kasi naka-support naman sila kahit malayo saka alam po nila yung best para sa akin,” dagdag pa nito.
Munting mga Hakbang Kwento niya, noong nasa high school pa lamang siya at unang dalawang taon sa kolehiyo ay simpleng estudyante lamang siya. Binago aniya ang ilan sa mga nakasanayan pagtungtong niya sa ikatlong taon sa
kolehiyo. “Noong nagvet-proper na ako (third year) I set my goals and prioritize [in] my studies kasi alam ko na naenjoy ko na before yung days ng pagiging estudyante,” aniya. Kalaunan, ang kanyang pagsubok na baguhin ang nakasanayan ay untiunting nagbunga. Naging Dean’s Lister siya sa unang semestre ng ikatlong taon sa kolehiyo at naging consistent University Scholar naman siya sa mga sumunod na semestre, dahilan upang tanghalin bilang Presidential Awardee at magtapos bilang isang Cum Laude. “Bale ang naging goal ko kase ay step-by-step. Noong first two years ko [sa kolehiyo] parang puro enjoyment. Sumali ako sa orgs, laging nakikipaghangout sa mga kaibigan at sakto lang yung performance sa klase,” kwento ng binata. Bukod sa akademikong mga karangalan, naiuwi rin niya kasama ng kanyang team ang kampeonato sa 28th National Veterinary Quiz Contest noong Pebrero 2020 at first Runner Up noong 2019. Siya rin ang itinanghal sa parehas na mga taon na 2nd Runner Up sa Individual Category ng nasabing patimpalak.
Buhay Estudyante Maaaring may mga estudyante rin na nagawa ng magcutting class, tulad ni Jerard na aminadong naranasan din itong gawin upang makapaglaro sa computer shop at minsan ay lumabas-labas. Sa kabila nito, batid niya ang kahalagahan ng pag-aaral at kahit na mahirap ang kursong kanyang tinahak, sinikap niya na hindi magkaroon ng gradong singko. Nahirapan din si Jerard na mag-
adapt sa buhay kolehiyo lalo na at ang kanyang pamilya ay naninirahan sa Bulacan. Para sa binata, masayang mamuhay mag-isa ngunit aminado siya na sinubok nito ang kanyang kakayahan na tumayo sa kanyang sariling mga paa. Isinalaysay rin niya na may mga pagkakataon na siya ay nabuburnout sa pag-aaral at nakararanas ng breakdown subalit sa likod nito ay hindi niya nagawang sumuko para sa kanyang pamilya na naniniwala at kailan man ay hindi siya sinukuan. Pagbabalanse sa kanyang oras para sa pag-aaral at mga kaibigan ang isa sa kanyang mga naging suliranin lalo na noong napagdesisyunan na niyang seryosohin ang pag-aaral. Gayunpaman, inilahad ni Dr. Jerard na disiplina ang naging kasagutan upang makapaglaan siya ng panahon para sa iba pang mga gawain. Pagalam sa mga prayoridad ang isa pa nitong pinunto.
Paghahanda Kabilang sa mga planong itinakda ni Jerard noong ikatlong taon niya sa kolehiyo ang pangarap na mapabilang sa VLE Topnotchers. “Alam ko po na yung preparation nalang ang kulang kasi alam ko na yung university na nilipatan ko ay kaya na niyang i-provide lahat ng knowledge para sa akin, yung dedication ko nalang yung kulang kaya 3rd year palang iniisip ko na, na parang nagrereview na ako for board exam,” banggit nito. “Tulog po ako sa umaga habang gising naman ako buong gabi at madaling araw,” dagdag pa nito bilang paglalarawan sa kanyang paghahanda para sa nalalapit noon na pagsusulit. Kwento niya, ito ang
ALAIN 31
R Lenilyn Murayag Excy Bea Masone
© Jerard Angelo Rayala
© Jerard Angelo Rayala
epektibong oras para sa kanya dahil mas nakakapagfocus daw siya sa mga oras na wala siyang ibang kailangang gawin kung hindi ang mag-aral. “Binibigyan ko rin po talaga ng time yung sarili ko para hindi po ako ma-burnout sa studies. Hindi po effective sa akin yung straight na puro aral kaya sinisingitan ko rin sinisingitan ko rin ng mobile games and other activities na nakakapagparelax sakin,” saad niya.
Panahon ng Pagsusulit Bago ang pagsusulit, humarap sa matinding pressure si Jerard dahil sa bigat ng kanyang mga inaalala at ayaw niyang biguin ang kanyang pamilya, mga kaibigan at pati na rin ang unibersidad. “Dinaan ko na lang po sa prayers and hardwork para ma-convert ko ang pressure sa confidence and nagpapasalamat po talaga ako sa mga kaibigan ko and professors na nag-cheer up sa akin lalo na kapag nagkakadoubt ako sa kakayahan ko.” Kung ang ibang mga kumuha ng pagsusulit ay sumunod sa pamahiin
na dapat magpatasa ng lapis sa isang topnoptcher upang pumasa, nagdesiyon si Jerard na magpatasa ng kanyang lapis na gagamitin sa kanyang pamilya. “Nagpatasa po ako ng pencil sa family ko para habang nag-eexam po ako alam ko na kasama ko sila at para rin po sa kanila yung mga paghihirap ko during exam,” kuwento nito. Isa rin sa mga naging motibasyon ni Jerard upang mapabilang sa mga topnotchers ay ang kanyang Ditse kung saan “.6” na puntos na lamang ay makakapasok na ito sa Top 10 noong kumuha ito ng eksaminasyon. Dahil dito, ninais niyang ipagpatuloy ang hindi nakamit ng kanyang kapatid.
Pagkamit sa Pangarap Hindi niya inakala na siya ang makakakuha ng pinakamataas na grado sa pagsusulit kaya naman noong oras na lumabas ang resulta ay hindi agad ito nag-sink in sa kanya. Bukod pa rito, hindi rin nagawang maging masaya ni Jerard dahil kahit siya ang tinanghal na topnotcher, marami rin siyang mga kaibigan at
kakilala na hindi pinalad na makapasa. Mensahe ng Cum Laude at VLE Top 1, mahalagang may dahilan ang bawat oras at pawis na ibinubuhos natin sa pag-aaral at huwag natin kalilimutan ang hirap ng mga taong sumusuporta sa atin. Para sa kanya, mas maraming sakripisyo ay mas maraming dadating na biyaya ngunit hindi dapat kalimutan na paminsanminsan ay magpahinga at ienjoy ang buhay kolehiyo. *** Maaaring marami sa atin ang minsan nang naniwala sa isang pamahiin na sinusunod natin dahil hindi gustong mabigo sa isang bagay na lubos na pinahahalagahan at pinaghihirapan. Ngunit gaya nga ng sabi ni Jerard, kailangan laging bigyan ng dahilan ang ating ginagawa dahil ito ang ating magiging inspirasyon sa mga oras na tayo ay panghihinaan ng loob. Para kay Dr. Jerard, pamilya ang isa sa kanyang pinakamalaking dahilan upang magpatuloy na lumaban. Higit sa kahit anong pamahiin at tasa ng lapis, ang dahilang ating pinanghahawakan ang tunay na guguhit sa ating kapalaran.
ISANG SANDATA
32 LATHA
FEATURES EDITOR PAGE DESIGN Fran
Jerome Christhopher Mendoza at Hazel de Guzman
© VP Leni Robredo Facebook Page
H
indi na bago sa mga tao na pangambahan ang mga bagay na hindi pamilyar sa kanila. Katulad na lamang ng hindi paniniwala at pagtanggap ng karamihan sa mga nauusong pagkakakitaan ngayon. Idagdag mo pa rito ang mga haka-haka patungkol sa mga bagay o kaganapan na ilang saglit lamang ay posibleng nakarating na sa mga karatig-bayan. Ngayong panahon ng pandemya, nakikita muli ang ganitong sitwasyon sa bakuna kontra COVID-19. Hindi pa man nakararating sa bansa ang mga bakuna, may mga kwentuhan na tungkol sa mga negatibong epekto nito sa ilang mga nabakunahan sa ibang bansa.
PAGLILINAW AT PAG-ALAM Naging usap-usapan noong kasagsagan ng pag-eeksperimento ng mga bakuna sa iba’t ibang bansa ang mga maling impormasyon ukol sa naging mga “side effects” ng mga ito. Sa bansang United Kingdom (UK), pinabulaanan ang kumakalat na datos na inilabas ‘di umano ng kanilang gobyerno, na isa (1) mula sa 35 na nabakunahan ng COVID-19 vaccine ay nakaranas ng malubhang karamdaman at binawian ng buhay. Samantala, naglabas ng pahayag ang gobyerno ng UK at sinabing mga common na side effects lamang ng isang bakuna ang kanilang na-obserbahan at walang kinalaman ang mga ito sa kahit anong seryosong karamdaman o sakit. Ang 23,000 clinical trial tests gamit ang Oxford University Astrazeneca ang naging batayan ng nabanggit na pahayag. Naging laman din ng social media ang kalagayan ng isang babae mula sa Thailand. Pinaniwalaang nagkaroon siya ng malubhang rashes sa kanyang binti, pamamanhid ng katawan, at
cerebral bleeding matapos maturukan ng Sinovac. Ngunit, mariing itinanggi ng Ministry of Digital, Economy and Society ang balitang ito. Nilinaw rin na allergy ang naranasan ng naturang babae at kasalukuyan na itong ginagamot sa isang clinic sa Thailand. Kasabay ng takot at pangamba na idinulot ng samu’t saring fake news sa internet gaya ng mga nabanggit, naglabas din ng pahayag ang Department of Health (DOH) ng Pilipinas. Ayon sa kanila, walang dapat ikabahala ang mga tao dahil ang bawat bakuna ay sumalang sa mga clinical trial tests at pumasa sa mahigpit na mga pamantayan ng World Health Organization (WHO). Ang bakuna ay kadalasang mula mismo sa pinahinang virus na kailangang kontrahin. Isinasagawa ang pagbabakuna upang mabigyan ng resistensiya ang mga taong makatatanggap nito. Sa sitwasyong ito, ang bakunang ginagamit ay mula sa pinahinang COVID-19. © Leni Gerona Robredo Facebook Page
ALAIN 33
OR Lenilyn Murayag nce Joseph Pascual
© VP Leni Robredo Facebook Page
MGA HAKBANG LABAN COVID-19 Ang BIDA (Bawal walang mask, I-sanitize ang mga kamay, Dumistansiya ng isang metrong layo, Alamin ang tamang impormasyon) solusyon ay isang tagline na inilunsad ng Department of Health noong August 2020 para sa observance ng minimum public health standards. Ayon sa DOH, isa itong easyto-remember guidelines para maiwasan ang pagkahawa sa COVID-19. Bagaman boluntaryo at hindi mandatory ang pagbabakuna, hihikayat ng DOH na magpabukana ang mga mamamayan upang maprotektahan ang sarili laban sa naturang virus.
Naglatag din ng COVID-19 vaccination prioritization framework ang departamento. Dahil mataas ang panganib na magkaroon ng sakit ang mga frontline health workers at uniformed personnel, kinakailangan nilang mabakunahan agad upang maipagpatuloy nila ang kanilang paglilingkod. Ang senior citizens at indigent population ay kasama rin sa mga sektor na dapat ay unang mabakunahan dahil kabilang sila sa vulnerable sector. Ayon sa datos ng DOH mula Marso 1, 2021 hanggang Mayo 30 2021, nasa 5,180,721 na ang kabuuang bilang ng mga na-administer ng bakuna kontra
COVID-19. 1,206,371 sa mga ito ang fully vaccinated na at 3,974,350 naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna. Patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang national government sa lahat ng local government para maibigay ang libreng bakuna para sa mga Pilipino. Sa ngayon, kung ninanais mong magpabakuna, maari kang pumunta sa inyong Local Government Unit (LGU) at magpalista. Maaari ring magtungo sa official website ng DOH at i-access ang vaccination registration procedure portal para makapagparehistro.
MGA BAKUNANG GINAGAMIT SA PILIPINAS Kasabay ng patuloy na paglaban sa COVID-19, narito ang talaan ng mga bakunang ginagamit sa bansa: ASTRAZENECA – ito ay mula sa University of Oxford. Kinakailangan na dalawang doses ang matanggap na may pagitan na hindi bababa sa apat na linggo. Ang effectivity ng Astrazeneca ay nasa 70.4-82.4 porsiyento. JOHNSON & JOHNSON – produkto rin ng USA ang bakunang ito at isang dose lamang ang kinakailangan. May effectivity itong 66.9 porsiyento. MODERNA – muli, gawa ito ng USA. Kinakailangan ng dalawang doses na may pagitan din ng apat na linggo. May effectivity itong 94.1 porsiyento. PFIZER – ito ay gawa ng BioNtech
ng United States of America (USA). Tulad ng Astrazeneca, kinakailangan ding dalawang doses ito subalit sa halip na apat na linggo ay tatlong linggo lamang ang pagitan. May effectivity itong 81.895 porsiyento. SPUTNIK V – ang bakunang ito ay produkto ng Russia at kinakailangan ng dalawang doses na may pagitang tatlo linggo. May effectivity itong 91.1-91.5 porsiyento. SINOVAC-CORONAVAC - ito ay gawa sa bansang China at kinakailangan ng dalawang doses nito sa pagitan ng dalawa hanggang apat na linggo. May effectivity itong 51% laban sa symptomatic cases at 100% laban sa malalang kaso ng COVID-19.
*** Sa mga ganitong panahon, mainam na mapairal ang pagiging mabusisi sa mga natatanggap na impormasyon lalo na pagdating sa mga bagay tulad ng mga bakuna. Ang tapat at saktong impormasyon ay maituturing na isa ring sandata sa kinakaharap na krisis pangkalusugan ngayon.
34 DEVCOMM
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
© Joeffrey Patungan
Bilang ng mga humintong mag-aaral sa CLSU tumaas Flexible Learning hindi nakikitang dahilan Laurence Ramos
D
umoble ang bilang ng mga mag-aaral na hindi nagpatuloy sa pag-aaral ngayong taong panuruan 20202021 kasabay ng patuloy na transisyon mula faceto-face na klase sa flexible learning. “On top of that, my course, BS Chemistry, is not fit for online classes,” ani alias RM, isa sa mga estudyanteng huminto
sa pag-aaral, nang tanungin tungkol sa dahilan ng kanyang paghinto. Pag-aalaga ng kanyang lolo; ang malawakang pagbaha sa Region II dulot ng bagyong Ulysses at Rolly noong Nobyembre 2020 at hindi ang katayuan sa buhay ang pangunahing rason ni RM upang mapagdesisyunan na huminto sa pag-aaral. Sa katunayan, sapat ang kita ng kanyang pamilya upang tugunan ang pangangailan sa gastusin sa internet.
...if I continued to study online. There’s a fair chance that I can go through all of it, at the expense of sacrificing my time and rest; I may have finished it, but it would’ve burned me out a lot, finishing the semester at the cost of your mental, spiritual, and emotional health.
DAHILAN Malaki ang maituturing na naging bahagi ng flexible learning sa paghadlang sa oportunidad ng pagkatuto gayundin sa paglago ng mga kakayahang kailangan ng mga estudyante partikular sa mga nasa Science-related courses. Sa katunayan, pumalo sa 18 ang bilang ng mga magaaral na nag-file ng Leave of Absence (LOA) mula nang magsimula ang flexible mode of learning sa taong panuruan 2020-2021, doble kumpara noong mayroon pang face-toface class na mayroong anim na LOA lamang na naitala sa kabuoan ng AY 2019-2020. [sidebar #1] Samantala, ramdam din ang pagtaas sa kaso ng
‘‘
-RM
mga estudyanteng nagdrop na umabot sa bilang na 161 ngayong 2020-2021 mula sa 121 na bilang ng mga estudyante na nag-drop ng hindi bababa sa isang subject noong 2019-2020. [sidebar #2] Taliwas naman ito sa paliwanag ni Dr. Cesar Ortinero, dekano ng Office of Admissions, giit niya, base sa datos, hindi nito nakikita na may ‘significant effect’ ang flexible mode of learning sa bilang ng dropped subjects matapos na ikumpara ang datos noong unang semestre para sa taong panuruan 20192020 at 2020-2021 kung saan mas mababa at umabot lamang ng 126 na mag-aaral para sa flexible learning at 284 naman noong face-to-face pa lamang. “Please remember what happened during the 2nd sem, 2019-2020. The lockdown was declared before the 2nd term exam. Usually, students decide to drop after getting the results of the 2nd term exam. Perhaps that contributed to the low number of students who dropped subjects. Also, I know some cases where students who asked their instructor to sign the dropping form before the lockdown eventually withdrew their intention to
SIDEBAR #1
BILANG NG NAG-FILE NG LEAVE OF ABSENCE
2019-2020
2020-2021
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
drop.” dagdag Ortinero.
pa
ni
Dr.
EPEKTO Nang dahil sa flexible mode of learning, ninais na ng ilan sa mga mag-aaral na huwag magpatuloy. “Watching videos and doing simulations are not good substitutes for it [laboratories for science-related courses]. Home experiments are also not a great substitute as our home is not a controlled environment fit for doing experiments… I am also having trouble grasping the topics in chemistry,” dagdag pa ni RM. Sa kabilang banda, para kay RM, hindi lamang ito usapin ng hindi akma ang flexible learning para sa kanyang kurso, nagbibigay rin umano ito ng stress sa kaniya at ‘disappointment’ bunsod ng hirap sa pagsunod sa mga nakatakdang deadline gayundin sa kung paano uunawain ang mga mahahabang reading materials kasama na rito ang ilan sa mga komplikadong mga requirements. Nang tanungin naman kung naisipan nitong magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng flexible learning, “... if I continued to study online. There’s a fair chance that I can go through all of it, at the expense of sacrificing my time and rest; I may have finished it, but it would’ve burned me out SIDEBAR #2
BILANG NG MGA ESTUDYANTE NA NAG-DROP
121
a lot, finishing the semester at the cost of your mental, spiritual, and emotional health.” ang naging tugon niya. KONKRETONG PLANO AT SOLUSYON Mula sa datos na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) nito lamang Hunyo 21, 93 na Higher Education Institutions na sa bansa ang binigyang pahintulot ng komisyon para sa limited face-to-face classes para sa mga medical courses [sidebar #3] habang tatlo dito ay mula sa Rehiyon III, hindi kabilang ang Central Luzon State University (CLSU). Umabot na rin sa 89 na State Universities and Colleges ang bilang ng napagkalooban ng CHED ng budget para sa Smart Campus Project na siyang tutugon sa pangangailangan sa flexible learning na parte ng Bayanihan 2, inaasahan din na ang tatlong bilyon na pondo sa Smart Campus ay magbibigay ginhawa sa hanay ng mga mag-aaral at guro. Inaasahan na pangungunahan ng administrasyon ng CLSU bilang isang akademikong institusyon ang pagbuo ng konkretong plano upang maisulong ang ligtas na balik-eskwela na sisiguraduhin ang pagbabalangkas ng striktong panuntunan na tutugon sa mga mag-aaral na nangangailangan ng handson training at laboratory para sa mga science-related courses kasama na ang internship program upang maibsan ang tumataas na bilang ng drop out at mga estudyanteng tumitigil sa pag-aaral.
- SIDEBAR #3 -
161
LIST OF HIGHER EDUCATION INSTITUTIONS (HEIS) ISSUED WITH AUTHORITY TO CONDUCT LIMITED FACE-TO-FACE
2020-2021
SOURCE: MYINQUIRER DOTNET (ISSUU.COM)
2019-2020
DEVCOMM 35
LIMITADONG EDUKASYON. Isa si Joeffrey U. Patungan, 19 sa mga labis na nahihirapan sa flexible learning kaugnay ng ‘new normal’ sa panahon ng pandemya. Anya limitado ang galaw lalo na sa laboratory activities na requirement sa kanyang kursong BS Chemistry sa CLSU. “Ang hirap gumalaw dito dahil kulang sa gamit,” dagdag nito. LUIS CASTILLO
© Joeffrey Patungan
36 DEVCOMM
Catalyst
Christine Mae Nicolas | DevCom Editor nicolas.christine@clsu2.edu.ph
Hindi na angkop ang kasalukuyang sitwasyon sa patuloy na paglinang sa talino at kakayahan ng mga mag-aaral sa unibersidad. Maliban sa kalusugang pisikal, mahalagang bahagi rin ng holistikong pag-unlad ng isang indibidwal ang malusog na pag-iisip o maayos na estadong mental, na isa sa mga salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang pagganap sa mga tungkulin. KALAGAYAN Nito lamang nakaraang taon, ginulantang ang mundo ng krisis pangkalusugang pandemya na nagsilbing katalista sa mga pagbabago sa pamumuhay ng lahat, maging sa sektor ng edukasyon na sumailalim sa transisyon mula face-to-face na klase patungong Flexible Learning System (FLS), na mabusising pinag-aralanan ng Commission on Higher Education (CHED) hanggang sa mabalangkas ang CHED Memorandum Order No. 4 Series of 2020, na siyang nagsisilbing patnubay sa implementasyon ng bagong sistema sa mga pampubliko at pribadong Higher Education Institutes (HEIs) sa bansa. Kaugnay nito, pansamantalang inihinto ang face-to-face classes sa Central Luzon State University (CLSU) sa kalagitnaan ng ikalawang semestre ng taong panuruan 2019-2020 bilang pagtugon sa safety protocols at paghahanda sa transisyon patungong FLS. Sa ika-222 regular “ maliban sa kalusugang pisikal, na pagpupulong ng CLSU Board of Regents, naipasa ang Resolution No. malaking bahagi 32-2020 na nag-aapruba sa kahilingan rin ng holistikong ng unibersidad hinggil sa pagbubukas pag-unlad ng isang ng klase para sa unang semestre ng AY 2020-2021 sa ika-5 ng Oktubre 2020. indibidwal ang Bagaman maraming pahina malusog na pagang nailathala patungkol sa mga iisip o maayos na bagong estratehiya at mahahalagang estadong mental” kagamitan na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng FLS nang hindi naisasawalang-bahala ang pakikibahagi sa pagsugpo sa pandemya, kapuna-puna na kaunti o halos walang tumatalakay sa mga ito sa maaaring epekto ng panibagong sistema sa mental na kalusugan. KASALUKUYAN Maliban sa mga karaniwang problemang kaugnay ang pinansyal, katulad ng pangtustos sa pang-araw-araw na gastusin, internet at gadgets, ang pag-unawa sa aralin na nakalimbag sa mahahabang basahin at bidyo ang isa pang iniisip at pinoproblema ng mga estudyante. Hindi kapareho noong may faceto-face classes pa, madalang nang nagkakaroon ng pagkakataon ang mga guro na mag-discuss sa mga estudyante dahil na rin sa asynchronous na sistema kung kaya lumalabas na “self-study” na lamang ang opsyon upang matuto. Ngunit, hindi lahat ay nakasasabay sa daloy, lalo na ang mga estudyanteng mas nakaiintindi kung mayroong nagpapaliwanag sa leksyon at may mapagtatanungan sakaling may hindi sila maunawaan.
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
Pantay na Konsiderasyon Dahil sa magkakaibang kapasidad sa pagtanggap at pag-angkop sa sarili sa bagong sitwasyon, kadalasa’y nauuwi na lamang ang pagkatuto sa pagsusumite ng requirements alang-alang sa deadline. KALUSUGANG MENTAL Isa lamang ang pagkawala ng konsentrasyon ng mag-aaral sa aralin sa mga kinahaharap na problema. Malaking bahagi nito ang dulot ng hindi akmang lugar sapagkat hindi katulad ng silid-aralan, marami ang nakapupukaw-atensyon sa loob ng tahanan ‘gaya ng ingay at mga libangan. Bakas rin sa karamihan ang hindi pagiging sabik sa pagsalubong sa mga darating na araw bunsod ng patuloy na pananatili sa hindi kaayaayang sitwasyon kumpara noon na maraming bagay ang kanilang nararanasan at nakasasalamuha nila ang kanilang kapwa mag-aaral. Nagiging “aimless” na rin ang ilan na hindi na sigurado kung tama pa na magpatuloy sa semestre gayong tila hindi na praktikal ang pag-aaral sa gitna ng krisis at mas nakikitaan ng importansya ang magtrabaho at kumita ng pera upang matugunan ang pangangailangan. Nababahalarinangmgaestudyantengmaymgaklasengginaganap sa laboratoryo sapagkat maliban sa walang tamang kagamitan, hindi rin akma ang kanilang lugar upang magsagawa ng mga eksperimento at naisasantabi ang kalidad ng nagpo-prodyus na resulta nito. Ilan lamang ang mga ito at ang personal na kalagayan sa mga araw-araw na iniisip ng mga estudyante na walang mabuting dulot sa kalagayan ng kanilang mental na kalusugan. Nairaraos man at nakapagpapasa ng requirements, hindi nangangahulugan na epektibo ang sistema at hindi ito sapat na batayan upang gawin itong permanente. EPEKTO Hindi malilimitahan sa burnout, stress o depression ang negatibong epekto ng sitwasyon natin ngayon sa mga mag-aaral, malaki ang posibilidad na ikina-kategorya na lamang ng ilan ang kanilang karanasan sa mga ito sapagkat hindi sila tiyak sa kanilang nararamdaman at hapo na ang isip sa iba pang mga bagay bukod sa pag-aaral. Posible ring sawa na o sadyang hindi lamang katanggap-tanggap ang makabagong sistema para sa ilan, o hindi kumbinsido sa uri ng pagpapatupad nito ngunit kailangang maki-ayon upang hindi masayang ang mga araw sa paghihintay sa pagbabalik ng edukasyon sa normal at hindi mapag-iwanan ng mga kasabayan nilang mag-aaral. *** Bilang isang pang-akademikong institusyon, malinaw na pagkatuto ang prayoridad ng CLSU, at ngayong tayo ay nasa gitna ng pandemya, ang tiyak na kaligtasan rin. Ngunit, hindi maika-kategorya bilang totoong pagkatuto ang pilit na pagtugon sa tungkulin nang naisasantabi ang iba pang bagay na kailangang paglaanan ng sapat na konsiderasyon. Bago ang kalidad na edukasyon, dekalidad ng kalusugang mental at pisikal muna ang dapat unahin at pahalagahan.
DEVCOMM 37
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph DEVCOMM EDITOR Christine Nicolas | PAGE DESIGN Excy Bea Masone & France Joseph Pascual
Kambal na Tungkulin
S
a pagitan ng obligasyon sa supling at hakbang sa pangarap, isang hamon na maituturing ang kaakibat ng mga gampanin, na posibleng maisaalang-alang ang isa sakaling higit na mapagtuunan ng pansin ang ikalawa. Si Katrina Limon, 20 anyos na dalaga buhat sa Umingana, Pangasinan, ay nagsilang ng isang sanggol sa kasagsagan ng pandemya.
Pahinga
Tulad ng mga pangkaraniwang nagdadalang tao na nakadarama ng ilang mga sintomas gaya ng pagkahilo at pagsusuka, nakaramdam din ng pagbigat ng katawan si Katrina. Aminado ang dalaga na hindi na rin niya kinayang bumangon ng maaga noong mga panahon na iyon at nakaliban na rin sa iba niyang mga klase. Bagaman nangyari ito bago pa man lumaganap ang pandemya, napagdesisyunan na niya na mag-file ng Leave of Absence noong unang buwan ng kanyang pagbubuntis bilang tugon sa mga nabanggit na karanasan. Minabuti niya na pansamantala munang mamahinga sa pagiging estudyante sa loob ng isang semestre. Mahalaga ang pag-file ng Leave of Absence lalo na para sa mga magaaral na hindi isinasantabi ang planong magbalik eskwela. Sa pamamagitan nito, mahihinto rin ang pagbibilang sa taon ng pananatili sa pamantasan at posibleng hindi mababalewala ang mga taon na laan para sa partikular na estudyante.
Pagbabalik
Bunsod ng patuloy na pamiminsala ng COVID-19 sa buong mundo, apektado rin ang daloy ng edukasyon. Sa halip na face-to-face o pagkakaroon ng klase sa mga paaralan, nangibabaw ang modular at distance learning. Kaugnay nito, isa si Katrina sa mga estudyante ng CLSU na hinaharap ang online
classes, na bagaman asynchronous o may kalayaan sa oras ang mga estudyante batay na rin sa signal at connectivity upang ma-access ang mga aralin mula sa Google classroom na siyang pangunahing daluyan ng kagamitang panturo, nangangailangan pa rin ng sapat na oras at pokus para sa layunin ng pagkatuto. Sa kanyang pagbabalik eskwela matapos niyang manganak, naniniwala siyang higit niyang nababalanse ang pag-aaral dahil nagaganap ito online. Gayunpaman, nagmimistulang araw ang gabi sa BS Devcomm student na si Katrina dahil kinagibahan pa niya nagagawa ang mga requirements sa kanyang kurso. Pag-aalaga naman ng kanyang anak ang inaasikaso niya sa buong maghapon. Oportunidad nang maituturing upang makagawa ng mga takdang-aralin at iba pang gawain sa eskwela ng binibini ang mga oras sa gabi na mahimbing nang natutulog ang kanyang sanggol.
Pagiging Magulang
Bunso si Katrina sa tatlong magkakapatid at sa tulong ng kanyang mga magulang, nasusuportahan ng dalaga ang mga pangangailan ng apat na buwang gulang na sanggol. Ang suporta ng kanyang mga magulang ang sandigan ni Katrina bilang isang ina kasabay ng
Lenilyn Murayag
pagiging estudyante sa ngayon. “Tinutulungan ako ng mga magulang ko sa gastusin para kay baby, katulad na lamang ng pagtulong nila sa’king maghanda ng mga kagamitan bago pa man ako manganak, gaya ng pangbili ng diapers, gatas at ibang pang mga personal na pangangailangan ni baby,” saad niya. Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Manalang et al. (2015) na pinamagatang “The Lived Experiences of College Student Mothers in Managing their Dual Roles: An Exploratory Study” gamit ang Interpretative Phenomenological Analysis upang galugarin kung paano napagtutuunan ng pansin ng tatlong respondante ang tungkulin nila bilang estudyante kasabay ng pagiging ina o dual roles kung tawagin, apat na tema ang napag-alaman batay sa mga datos na nakalap. Ito ang (1) Struggles of student mothers; (2) Involvement of other people; (3) Motivation and outcomes of student mothers; at (4) Adjustments to motherhood. Maaaring mayroong mga pagkakaiba-iba ang karanasan ng mga respondate gayundin ni Katrina, ngunit kapwa nagkakatulad sila sa ilang mga aspeto.
Pundasyon
Sa panayam, ibinagi ni Katrina na isang propesor niya ang nagpaalala sa kanyang ang supling ang kanyang pundasyon nang higit niyang pagbutihan ang kanyang pag-aaral. Naniniwala rin siya na hindi dapat tumigil mangarap ang mga kapwa estudyante na nasa kapareho niyang sitwasyon. “Hindi na lang ako nangangarap para sa sarili ko, nangangarap na ako para sa future namin ng anak ko,” banggit ni Katrina. “Huwag magpadala sa panghuhusga ng ibang tao dahil hindi tayo nabubuhay para sa sasabihin nila,” dagdag pa niya. Patunay lamang na ang mga karanasang ibinahagi ni Katrina ay hindi biro at malaki ang mga naging kaakibat nitong responsibilidad at tungkulin sa kaniyang buhay, ngunit isa rin siya sa mga estudyante-ina na patuloy na nagsusumikap at lumalaban para sa magandang kinabukasan niya at ng kanyang supling. © Katrina Limon
38 DEVCO
DEVCOMM EDITOR PAGE DESIGN E
© Pam Soriano
Buwis at Pamumuhunan:
Online Selling sa Panahon ng Pandemya Christine Nicolas
M
aituturingnanapapanahong oportunidad ang pag-patok ng online businesses sa panahon ngayong pandemya lalo’t limitado ang kilos ng mga tao sa labas ng kani-kanilang pamamahay. Malaking tulong ito sa aspetong pinansyal at maging sa pagpapagaan ng buhay ng ilan na walang oras upang pumunta sa pamilihan. Ngunit, sa nagbabadyang pagpapataw ng buwis sa ganitong uri ng hanapbuhay ay may ilang online sellers ang nababahala.
Hakbangin Bumungad sa unang araw ng Hunyo ang Revenue Memorandum Circular No. 602020 ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan nasasaad na sinumang Pilipino na kabilang sa alinmang online businesses ay hinihinging sumunod sa Section 236 ng Tax Code. Kaakibat nito ang pagpa-pa-rehistro ng kanilang mga online businesses bago o sa mismong ika-31 ng Hulyo maging
ang pagbabayad ng buwis sa mga ide-deklarang nakaraang transaksyon bago pa nai-rehistro ang business at sa mga susunod na transaksyong magaganap. Sa pagkakataong ang isang negosyo ay nai-rehistro na, kailangang masunod ng sellers ang ilang bagay katulad ng pagbibigay ng resibo, pagtatala ng mga transaksyon, pagkakaroon ng accounting records, at pagbabayad ng buwis sa tamang oras.
COMM 39
OR Christine Nicolas Excy Bea Masone
Pakinabang
Pabor
Kasabay naman ng pag-ugong ng mga kalituhan sa hanay ng online sellers ang paglilinaw ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda sa ilang isyu. Aniya, makatutulong at hindi dagdag pasanin ang Circular na naglalayong gawing regular na bahagi ng pormal na ekonomiya ang online sellers kung saan maaari silang makakuha ng mga benepisyo. Idiniin din niya na hindi kakailanganin ng mga seller na kumikita ng mababa sa 250,000 kada taon na magbayad ng tax.
Upang makatulong sa mga magulang at hindi na umasa sa kanila pagdating sa pinansyal na pangangailangan naman ang naging dahilan ni Pamela Soriano, 20 taong gulang na BS Agribusiness student mula sa Brgy. Gabaldon, upang pasukin ang online selling. Tatlong taon na si Pamela sa pag-a-angkat at pagbebenta ng iba’t ibang produkto kung saan siya kumikita ng minimum na 200-500 hanggang maximum na 1000 kada linggo. Aniya, mahirap ang meet ups sa online selling tuwing hindi sumisipot sa nakatakdang oras ang buyer, ngunit, nagiging madali ito kung masaya ka sa iyong ginagawa. Pabor si Pamela sa pagpapataw ng buwis sa malalaking online business at hindi sa maliliit na seller na sapat lang sa pangkain ng pamilya ang kinikita. Mabuti na rin daw na mai-rehistro ang ganitong business upang masiguro na totoo ito at maiwasan ang problema ‘gaya ng scam. Dahil hindi kumikita ng 250,000 kada taon, desidido si Pamela na magpatuloy sa online selling sa kabila ng Circular sapagkat alam niyang hindi apektado ang tulad niyang maliit na seller sa pagbabayad ng buwis.
© Pam Soriano
Tutol Isa ang 19 na taong gulang mula sa Villa Pinili, Bantug at BS Psychology student na si Ann Nicolle Vergara sa mga sumubok pasukin ang online selling. Extra income at pagkakaroon ng sariling pera para sa mga personal at pangangailangan sa kaniyang pagaaral ang nagtulak sa kanya dito na halos dalawang taon na niyang ginagawa. Aniya, magkahalong angkat at ginagawang produkto ang kanyang inilalako online na nakukuha ng mga buyer sa pagmamagitan ng meet ups. Sa personal na karanasan, masasabi raw niyang mahirap ang paghahanap ng produktong papasa sa panlasa ng tao ngunit madali na itong ialok sa pagmamagitan ng pag-po-post at pangungumbinsi sa mga nakakausap na buyer. “Siguro sa mga direct supplier, sa mga nag-poproduce [ng mga produkto] mismo [applicable ang pagpapataw ng tax],” ani Nicolle. “Pero kung sa mga online business na nag-re-reseller at wholesaler lang, sana h’wag nang hingan ng tax kasi hindi naman malaki kinikita ‘don,” dagdag pa niya. Ayon din sa kanya, posibleng hindi na siya magpatuloy sa online selling kung sakaling ang kanyang 200-500 na karaniwang minimum na kita kada linggo ay mailalaan lang sa pag-a-ayos ng mga kailangang papel at iba pang bayarin sapagkat mula sa pag-aangkat ng produkto na may shipping fee hanggang pag-de-deliver sa buyer na nangangailangan ng service o gas ay malaki na ang gastos.
Gaano man kalaki o kaliit ang isang bagay, paniguradong mayroong dito’y nangangailangan. At anumang nakamtam gamit ang pagsisikap at pagod bilang puhunan ay mahirap nang pakawalan katulad ng paunti-unting sinisinop na kita ng online sellers na malaki ang naitutulong sa karamihan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
© Pam Soriano
40 LATHA
DEVCOMM EDITO PAGE DESIGN Fran
[
Hamon ng FLS sa Laboratory-B Jerome Christhopher Mendoza
Pinahinang Koneksyon ng Pagkatuto Napakalaking suliranin na kung iisipin ang ‘sangkaterbang alalahanin para maka-attend at makapagcomply sa mga requirements ngayong online class. Subalit, doble ang hamon na ito para sa mga kursong laboratorybased. Ang tradisyunal na set-up ng isang aktuwal na laboratory class para sa isang Science-based subject ay kumukonsumo ng anim na oras sa isang linggo. Halimbawa sa isang chemistry laboratory, inoobliga lahat ng mga mag-aaral na papasok sa laboratory na mag-suot ng personal protective equipment o PPE. Dito, aktwal na maoobserbahan ng mga mag-aaral ang mga nangyayari sa kanilang eksperimento at hands-on din ang klase dahil kasama ang kanilang mga laboratory instructors. . Subalit ngayong online class, nagsisilbing balakid ang bagong setup sa mga mag-aaral dahil nagiging limitado na lamang ang maaaring gawin na mga eksperimento at madalas mga video lectures na lamang ang alternatibong solusyon kung saan nawawala ang kahalagahan ng isang laboratory class. Si Jay Marlou Discipulo, 3rd year BS Chemistry student, ay isa sa libo-libong mga mag-aaral sa CLSU na patuloy na nananawagan para sa isang #LigtasNaBalikEskwela. Sa kanyang palagay, dapat sikapin din ng CHED na mabigyang suporta ang mga kursong may laboratory classes lalo na ang mga mag-aaral mula sa BS Chemistry, BS Biology, Doctor of Veterenary Medicine, BS Agriculture, BS Fisheries, BS Food Technology, Engineering Courses, at iba pa dahil ang mga kursong ito ay kinakailangan din ngayon ng Science and Technology. “Maraming dahilan kung bakit nasabi ko na kailangan ng mga kursong ito ang actual laboratory classes. Una, may mga bagay na matututuhan lamang kapag aktuwal na isinagawa; pangalawa, mayroong mga propesor na hindi nagpaparamdaman sa mga laboratory classes at nagsesend lamang ng mga banyagang videos at hindi nito napapanatili ang kalidad na edukasyon; at pangatlo, hindi natutupad ang tamang load o dami ng eksperimento na dapat isagaw,” ani Discipulo.
Hinaing sa Paputol-putol Sa humigit isang taon nang ganito ang set-up ng klase, marami pa rin talagang mga mag-aaral ang patuloy na sumisigaw para sa konsidersayon at naninindigan na ang sistemang ito ay hindi para sa lahat. Ayon kay Sherren Punzalan, 3rd year student mula sa kursong BS Biology, nararapat lamang na i-konsidera ng nasa kinauukulan na hindi pantay-pantay ang estado sa buhay ng mga mag-aaral. “Masasabi kong maswerte ako dahil mayroon akong resources para ma-survive ito [online class], pero still, sobrang draining pa rin n’ya sa end ko--- financially, mentally, physically, emotionally. Paano pa sa ibang estudyanteng anak ng mga nawalan o nawalan ng trabaho
dahil sa pa nawalan ng m students at ib niya pa rito na ng isang mag sa mataas na subjects o nag lower rate enr school youth n at sa malalang sa depresyon a Sa kabila ng tugon ng kina at ipagsawalan sistema na mar
No internet Try:
• Checking the network cables, mo • Reconnecting to Wi-Fi ERR_INTERNET_DISCONNECTED
ALAIN 41
OR Christine Nicolas nce Joseph Pascual
Based Courses
[
N
gayong pandemya kung saan tila isang pribilehiyo ang makasabayang makasabay sa Flexible Learning System, lumilikha pa ito ng mas malaking hamon para sa mga mag-aaral na may mga laboratory classes upang magkaroon ng kalidad na edukasyon. Noong ika-16 ng Marso 2020, inanusyo sa publiko ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan sa loob ng dalawang linggo dahil sa COVID-19. Ngunit, sa paglala at pagdami ng naitalang mga kaso, iminungkahi ng Departamento ng Edukasyon (DepEd), kasama ang Comission on Higher Education (CHED) ang pagkakaroon ng bagong sistema ng edukasyon sa bansa mula sa tradisyunal na face-to-face classes patungong flexible learning system.
Sagot para Mapabilis ang Koneksyon na Koneksyon
andemya? Paano ‘yung mga magulang? ‘Yung mga working ba pa?” ani Punzalan. Idinagdag ang ganitong klase ng kalagayan g-aaral ay maaaring mag-resulta a rate ng mga nag-dodrop ng gfa-file ng Leave of Absence (LOA), rolment, at high rate ng out of na tumitigil na lang sa pag-aaral, g kaso, maari rin itong humantong at suicide. g lahat ng mga hinaing na ito, ang auukulan ay mag-bingi-bingihan ng bahala ang ganitong klaseng rami pa rin ang hindi nakakasabay.
odem, and router
© WhistleOut
Magsisimula na naman ang panibagong academic year sa unibersidad ngunit ang sistema ng edukasyon ay wala pa ring pagbabago. Gaya nina Sherren at Jay Marlou, kasama ng iba pang mga magaaral, ay patuloy na naninindigan para makamit ang tunay at kalidad na edukasyon na para sa lahat. “Sa ilang semester na under distance learning, napagkakaitan kami ng laboratory classes. Sa nature ng subjects na tinetake namin, bihira na wala silang kaakibat na laboratory. Just imagine, we will be graduating as biology students, we will be entering the field that studies life, the field which mostly works with laboratory equipments and techniques,” ani Punzalan na naninindigang kinakailangan ng mga laboratory-based courses ang actual na laboratory classes.
Kahalagahan naman ng quality statement ng unibersidad ang nais ipunto ni Discipulo. Sa panahon ngayon na laganap ang opresyon, marapat lamang na maging mahalaga ang boses ng lahat at hindi ng iilan lamang. “It’s not just about the grades that we get that tells you that the university is doing great, but rather it’s our feedback that reflects the work and service of the university,” ani Discipulo sa unibersidad na nanawagan sa unibersidad na dinggin ang boses ng mga mag-aaral para sa ikabubuti ng lahat. Bilang isang international, world-class, at premier university sa Asia, hinihiling ni Punzalan na i-recognize ng CLSU ang mga pangangailanagan ng mag magaaral nito para sa #LigtasNaBalikEskwela na magsisimula sa ligtas at pro-student gradual reopening of classes.
Kaakibat ng mahusay at maayos na paglilingkod ang pagpapatibay ng misyon at bisyon. Kung mithiin ng CLSU na gumawa ng globally competitive, work-ready, at empowered human resources, marapat lamang na bigyang pansin ang hinaing ng mga mag-aaral nang sa gayon makapagtapos ang mga ito nang may sapat na kaalaman sa kanilang piniling landas at maging handa para sa susunod na kabanata ng kanilang buhay. Kung magpapatuloy ang ganitong sistema ng edukasyon para sa mga kagaya nila Punzalan at Discipulo na nangangailangan ng aktwal, praktikal, at hands-on approach na pagkatuto, patuloy lamang tayong makakakita ng pa-indap-indap na signal at hindi malabong tuluyan nang mawala ang koneksyon.
CARL DANIELLE CABUHAT
42-43 LITERARI
42-43
LiITERARY EDITOR Jerome Christhopher Mendoza PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Sa Susunod na Pamagat ni Luis Castillo
Ako ay masuring tao, hindi nagpapaniwala sa mga nangyayari sa pelikula, nobela o sa kahit anong gaw-gawa ng isip ng taong alam ko namang masyadong maganda para maging totoo. Ngunit sa pagkakataong ito, nanaisin ko na ang buhay ko ay umikot sa isang kwentong gawa-gawa lamang ng tao. Hihilingin kong yurakin ang aking paniniwalang ang lahat ay may basehan. Lulunukin ko ang aking prinsipyo at maniniwalang parang bata sa mahika sa mga nobela. Aasa sa pangyayaring alam ko namang imposible na gigising ako sa panibangong taon sa ibang libro na may panibagong kwento, malayo sa naunang kwento kung saan ako naman ang may magandang karakter at hindi ang api. Ang aking kwento ay nasa kalagitaan na, ang rurok ng damdamin kung saan ang kwento ay umuusad sa lilim ng pighati, paghihirap at kalungkutan. Nang dahil sa pandemya, huminto ako sa pag-aaral, nag baka sakaling kumita para sa pamilya. Wala na kaming balita sa aking amang tatlong taon na rin mula nang kami ay iwan habang ang aking ina ay nawalan ng trabaho nang magsara ang pinapasukang tindahan. Ngayo’y halos wala na kaming makain at ‘di alam kung paano kikitain ang pang laman sa apat kong kapatid. Hindi ko gusto ang naging karakter ko sa kwento. Sino ba naman ang matutuwa na mapilitan kang isantabi ang pangarap mo para ibenta ang katawan kapalit ng pera? Hindi ko naman ginustong parang baboy na halayin gabi-gabi para lamang patuloy na mabuhay. Hindi ganito ang kwentong pinangarap ko.
Transisyo Panaginip ni Jaira Patricia Ebron
Rinig ang samu’t saring ingay at sigawan Napaupo ako at napaisip, Tila ba kay bilis ng panahon Lumipas na pala noon ang isang buong taon Bagong taon ngunit puno ng katanungan Sa bukas nga ba’y may mababago O patulo’y pa rin sa sitwasyong nakagisnan Patuloy pa bang tatahakin ang mapait na kapalaran? Sa mga minuto ng pagtatanto, napaisip ako Wari pala’y isang panaginip ang lahat Ngunit kailan kaya mumulat at gigising? Sa kabila ng paulit-ulit nating pagbangon Takot sa bawat araw ay tila pasan-pasan Kailan kaya tuluyang maiibsan? Pero kahit ganoon hindi pa rin mawawalan, Pag-asang dala-dala sa puso’t isipan Hiling lamang ay lakas at tibay Kapit-bisig haharapin lahat at hawak-kamay Upang sa gayon sa pagmulat ng mga mata’y, Matatanaw na ang inaasam na tagumpay
Luna
ni Hazel De Guzman
Sa aking paglalayag sa karagatang tanyag Maraming pangyayaring ako’y naging saksi Sa dakong timog-kanluran, naroon mga eskpresyong di k Kakatwang mga nilalang, kaybilis magbago ng pinta sa k
Ilang ikot pa sa aking imahinaryong ligiran Kamangha-mangha nga ring di ako nahihilo kahit isang S Subalit hindi iyon ang pumukaw ng interes Kung hindi ang unti-unting pagbabago sa islang aking tin
Napatanong na rin ako sa aking sarili Lagi akong nakamasid, ngunit bakit hindi ko napansin? Saan ba nagmula ang mga maskarang iyon? Sabagay, siguro’y napagod na rin silang makisalamuha sa
Aantukin yata ako sa mga pagbabagong ito, tila tumigil a Di kaya’y nalaman na nila ang sikreto kung paano pabaga O di kaya’y natanggap na nila na sila’y kakatwang mga ni Mga artista na aking pinapanood sa araw-araw
Ilang buwan pa ang lumipas, tila bumabalik sa dati ang la Marahil patalastas lamang nila ang mga pagbabagong iy Pero bakit ganoon? May takip pa rin ang mga bibig nila Siguro’y nasanay na lamang din sila
Ang ganda Ang ganda ng kalangitan tuwing unang araw ng Enero Tila pinagsama-sama nila ang milyong mga ilaw upang t Naririnig ko rin maging ang pinakamahinang bulong
LITERARI 44-45
LiITERARY EDITOR Jerome Christhopher Mendoza | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Tapos na siguro, tapos na nga yata ang palabas Parang bumalik na sa dati ang lahat, maliban sa maskara Di ko tuloy malaman kung ano ang tunay nilang hangarin Tama, sa wakas naisip ko na rin ang silbi ng mga maskara
on
ILLUSTRATIONS OF JOHN MARIUS MAMARIL
Gapos
ni Christine Nicolas Animo’y mga manok na tinuturuang humapon sa isang lugar, maglakad-lakad buong araw sa loob ng bakuran, ang mga taong sa tahanan pinananatili, na kung hanggang kalian ay walang katiyakan. Pa-unti-unti, karamiha’y ‘di nakamalay, sa ganitong tagpo ang mga mamamayan sinasanay. Mahirap man, pikit-mata at sapilitang pinatutunayan na ang ganitong pamumuhay ay katanggap-tanggap. Taon na ang lumipas na puspos ng mga salita, siksik sa pangako ng progresong kaunti lang ang nagawa. Sa mga susunod na araw patuloy na aasa, kung may aasahan pa, mahirap tumaya. Walang makapagsasabi kung ano ang sa ati’y naghihintay. Subalit marami ang nagtitiyaga upang muling makakilos ng malaya at normal, makahulagpos sa sitwasyong hindi ninais.
ko mawari kanilang mga mukha
Segundo
natanaw
a bawat isa
ang lahat alin ang oras ilalang lamang
ahat yon
tanglawan ang mundo
a n base sa kanilang ekspresyon a
Ilang araw na ang dumating at lumipas. Ilang araw pa ba ang palilipasin? Bawat pagpilas ng pahina sa kalendaryo, katapusan ng pandemya’y hindi sigurado.
Sisikat Muli
Ni Jerome Christhopher Mendoza Natapos na naming muli ang isang taon Na ninanais kong Tuluyan nang magwakas. Na sa darating na panibagong bukas, Ay magising na lamang sa isang bangungot Ng nakaraang hindi ko na nais balikan pa. Kay hirap sariwain ang mga ala-alang Nakapagpapakagabag ng dibdib. Pag-asa ang daing ko Sa panibagong yugto ng mundo. Sa huling paglubog ng araw Ipipikit ko ang aking mga mata Na sa muling pagsikat nito’y Maging tanglaw ng liwanag Ang panibagong bukas Na kahaharapin ko. Sisikat nang muli ang araw Sa dakong silingan. Sisikat nang muli ang araw, Parati.
ENERO
2-0-
Hudyat
Ni Joshua Mendoza Hudyat, sakuna. sa pagputok ng taal ‘di na natapos.
Ni Mark Angelo Ultimo
MARSO
NCoV na grave threat Dahilan ng travel ban Pinas, nangamba
Hawla
Ni Ohnie Garcia Maya’y sinilo, Sakit ay ‘di dumapo, Gubat pinako.
lITERARY
Ni Irah Pearl Acierto
MAYO
Walang abiso Lahat na ay nagbago Pa’no na tayo?
ABRIL
Paano?
Shutdown Ni Joleene Sibayan
‘Di akalain Masakit sa damdamin Paalam muli
Ni Isabelle Guevarra at Jonalyn Bautista Bibig ma’y takpan Laging isisiwalat Katotohanan
HUNYO
Maria Ressa
ILLUSTRATIONS OF RON VINCENT ALCON
PEBRERO
Paramdam
AGOSTO
Asan ang laya Sa taong walang wala Kung ihahabla.
Wika’t Pandemya Ni Steven John Collado Wika’y di natitinag At sa pandemya’y Ginunitang may saya
Dolomite
Ni Ron Vincent Alcon
Luha’t Posas Ni Excy Bea Masone
Posas ni ina: Pangyakap at luksa sa Lumisang anak
Boses ng Pag-asa DESYEMBRE
Ni Isabelle Guevarra
Ang inyong tinig Sa gitna nang pagbugso ‘Di mapapawi
Huling Salita
NOBYEMBRE
OKTUBRE
Daang milyones Ikakalat lang pala Sa buhanginan
SETYEMBRE
Y #3
Ni Jonalyn Bautista
HULYO
-2-0
Anti-Terror Bill
Ni Danver Manuel
I don’t care eh eh Salitang sinabi n’ya Bago mamatay
46-47 LITERARI
LiITERARY EDITOR Jerome Christhopher Mendoza | PAGE DESIGN Excy Bea Masone
EDITORYAL
Agarang Aksyon
H
indi malabong mangyari ang pagsasagawa ng epektibong pagtuturo ng asignaturang Edukasyong Pampalakasan kung mas mabibigyan ng atensyon ang pag-unlad ng mga guro, atleta at mag-aaral ng CLSU. Matapos ang dalawang semestre ng flexible learning patuloy pa ring nangangapa ang mga mag-aaral para sa pangangailangan nito ng pisikal na interaksyon sa pagkakatuto. Hanggang sa ngayon, kulang pa rin ng konkretong aksyon upang ang pagkakatuto ng mga mag-aaral ay mas maging madali at epektibo. Matatandaan sa isang panayam kay Dr. Renato G. Reyes, Vice President for Academic Affairs, noong Agosto 6, 2020 sa Radyo CLSU, isang sa mga naging katanungan ay kung paano
No Value Emmanuel Namoro | Sports Editor namoro.emmanuel@clsu2.edu.ph
“ Mahirap umasa na makakamit ng mga atletang Pilipino ang inaasam na gintong medalya sa ilang pang-internasyonal na paligsahan, lalo na sa Olympic kung magpapatuloy lamang ang ‘di maayos na pagtugon ng PSC sa pangangailangan ng mga atleta.”
Patutuloy lamang na mananatiling pangarap para sa mga atletang Pilipino ang magkamit ng medalya sa ilang paligsahang panginternasyonal kung ang suportang pinansyal mula sa gobyerno ng Pilipinas ay kakarampot. Kamakailan ay naglabas ng hinanakit ang pambato ng bansa sa larangan ng boxing na si Eumir Marcial ukol sa umano’y mababang allowance na ipinagkakaloob ng pamahalaan partikular ng Philippine Sports Commission (PSC) sa tulad niyang atleta. Ayon pa kay Marcial ang
Pa
43,000 pesos na monthly a ay hindi sapat upang tust pangaraw-araw niyang g preparasyon para sa dar Tokyo Olympics. Samanta naman sa pahayag ng PSC a pa rin silang nagbibigay ng na suporta kay Marcial sa pagtuntong nito sa Pr Boxing. Malaking bahagdan atletang Pilipino ang m kaparehong hinanaing, n kabila nito ay patuloy lam iginigiit ng PSC na sapat ang
SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro | HEAD CARTOONIST John Marius Mamaril PAGE DESIGN France Joseph Pascual
maisasagwa ang mga practicum tulad ng PE. Ang kaniyang naging tugon, “Gumagawa ang ISPEAR ng mga informational videos na maaaring gayahin ng mga estudyante para ma-develop ang skills.” Dagdag naman ni Dr. Theody Sayco, dating Dean ng Office of Admissions, maaari din itong maging ‘zumba class’. Kaya sa kabila ng mga limitasyon, tuloy pa rin ang asignatura sa pagpapalayon ng mga pisikal na aktibidad na kinakailangan ng mga mag-aaral. Subalit hindi masasabi na ito ay matagumpay dahil sa kawalan ng atensyon. Sa katunayan, taliwas sa inaasahang aksyon, hindi naisakatuparan ang paggawa ng Institute of Sports, Physical Education, and Recreation (ISPEAR) ng mga informational videos na siya sanang isang sa maaaring paraan nang pagsasagawa ng PE classes. Hindi rin naging malawak ang pagpapakalat ng impormasyon tulad na lamang ng kanilang Facebook page. Bukod pa rito, ang layunin ng PE sa mga mag-aaral ay hindi lamang umiikot sa zumba kaya nararapat lamang na magsagawa ng iba pang aksyon upang hindi lamang pagsasayaw ang nabibigyang kahalagahan ng asignatura, bagkus
agkukulang
allowance tusan ang gastos sa rating na ala, ayon ay patuloy g pinansyal kabila ng rofessional
ng mga mayroong ngunit sa mang na g tulong na
kanilang ipinaaabot. Nagpapahiwatig lamang ito na kulang ang hawak na detalye ng komisyon ukol sa kung magkano ang gastos na nararapat nilang punan upang maitawid ang mga pangangailang ng mga atleta. Pagkat kung sapat ang tulong ay hindi aabot sa sitwasyong tulad nito. Mahirap umasa na makakamit ng mga Pilipino ang inaasam na medalya lalo na sa Olympics kung magpapatuloy lamang ang di maayos na pagtugon ng PSC sa mga pangangailang ng mga atleta. Nararapat lamang na baguhin ang
sa iba ring larangan tulad na lamang ng isports. Bagamat ang pagkakaroon ng PE classes ay naipagpapatuloy sa gitna ng ganitong sitwasyon, hindi ito nagiging epektibo; bagkus ay nakadadagdag pa sa hirap ng mga estudyante na pilit gumagapang mapunan lamang ang mga kinakailangan para matuto. Sa kabilang banda, kapansin-pansin din na tila napag-iwanan ang mga atleta na higit na ngangailangan ng suporta. Sa katunayan, ayon kay French James Garvida, isang volleyball player ng unibersidad, hindi umano sila nakatatanggap ng
“
Sa pagpapatuloy ng Flexible learning sa susunod na semestre, dapat lamang na magkaroon ng akmang aksyon na magsisiguro at tutugon sa pangangailangan ng mga guro, atleta at mag-aaral para sa mas epektibong pagtuturo.
mga polisiya nito ukol sa pagbibigay ng suporta sa mga atleta nito. Gayundin, imbes na igiit na sapat ang suporta ng komisyon, nararapat na alamin na lamang kung paano mapupunan ang kanilang mga pagkukulang. Hindi lamang lakas ang puhunan ng mga atleta upang makamit ang tagumpay, kundi suporta para sa kanilang mga paghahanda tulad ng pagkakaroon ng maayos na pasilidad para sa kanilang pag-eensayo. Kaya naman upang matugunan ito, nararapat na paigtingin ng komisyon ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor na handang magbigay ng suporta sa mga atleta. Magkaroon din sana ng tamang alokasyon ng pondo ang PSC at huwag ibuhos ang malaking bahagdan ng
48-49
allowance simula nang transisyon sa flexible learning, dagdag pa niya masasabing maayos na alternatibo para sa kasalukuyang sitwasyon, ngunit hindi pa rin masasabi na ito ay sumasapat upang punan ang kakulangan sa larangang isports na siyang nagsisilbing pantanggal stress. Sa pagpapatuloy ng flexible learning sa susunod na semestre, dapat lamang na magkaroon ng akmang aksyon na sisiguro at tutugon sa pangangailangan ng mga guro, ateleta at mag-aaral para sa mas epektibong pagtuturo. Higit pa rito, hindi naman mawawala ang usapin ng pondo nakalaan, kung tutuusin ay maaaring ilaan ang athletic fees na binabayaran mula sa buwis para sa mga estudyante sa pagpapalakas at pangangailangan ng bawat manlalaro ng unibersidad. Ito ay sa kabila ng hindi malinaw na pagbibigay ng dahilan kung saan napupunta ang pondong laan, mahalaga rin na gamitin na lamang ito upang mas malinang pa ang kakayahan ng mga atleta sa pisikal at mentalidad sa gitna ng epidemya. Lagi’t lagi mas magkakaroon ng isang epektibong pagtuturo kung maglaan ng sapat na atensyon at bibigyan ng agarang solusyon.
pondo nito sa ilang proyekto na hindi naman napapakinabangan bunsod ng hindi masolusyonang problema sa pandemya. Mas mabuting ilaan na lamang ito para sa pagsuporta sa mga atletang makikipagtunggali sa Olympics at ilan pang paligsahang pang-internasyonal. Hindi imposible sa mga atleta ng bansa ang makapaguwi ng karangalan para sa mga kababayan, ‘pagkat likas na mahusay at malakas ang mga Pilipino sa larangan ng isports. Kaya’t nararapat lamang na iwasan ng mga ahensiya ng gobyerno ang kahit anong pagkukulang para sa kanila ito man ay sa pinansyal o moral. Muli’t muli ay ang kapakanan pa rin ng bawat atleta ang mahalagang pagingatan.
50 ISPO
SPORTS EDITOR E PAGE DESIGN Fran
ESports Bunga ng makabagong teknolohiya Emmanuel Namoro
P
© PNGITEM
atok ngayon sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ang Electronic Sports o ESports. Ito na rin ang nagsilbing numero unong libangan ng mga tao ngayong makabago na ang panahon. Ito ang dahilan kung bakit mabilis ang naging pagusbong ng mga torneyong may kinalaman sa ESports dito sa bansa.
mga laro na may temang giyera pantasya (Fantasy war). Ilan sa mga halimbawa nito ay ang Defense of The Ancient (DOTA) at League of Legends (LOL). Hindi nagtagal ay umusbong na rin ang ang mga larong nakabase sa cellphone gaya na lamang ng Mobile Legends na hanggang sa kasalukuyan ay bentang benta pa rin sa mga Pilipino.
PAGSISIMULA Ang ESports ay nagsimulang lumaganap sa buong mundo noong late 2000s kung saan ang pangunahing instrumento sa paglalaro nito ay computer at cellphone. Matatandaan na ang dekadang ito rin ang maituturing na panahon kung saan naging mabilis ang pagunlad ng mga teknolohiya sa buong mundo. Kasabay rin ng mga ito ay ang pagkabuo ng ilang mga apps sa cellphone at computer na dinisenyo para sa paglalaro. Ilan sa mga patok na larong pinaglalabanan ng mga manlalaro noon ay ang mga larong fist-fight tulad ng Tekken at first-person-view shooting games na gaya ng Counterstrike. Makalipas ang ilang taon ay nagsimulang na ring sumikat sa buong mundo ang
MGA OPORTINIDAD Kaalinsabay ng pagunlad ng ESports ay ang pagkabuo at pagkatatag rin ng mga torneyo na karaniwang pinangungunahan ng ilang kumpanya at mismong bumuo ng mga larong pang-ESports. Isa sa halimbawa nito ay ang The International ng DOTA 2 at ang Mobile Legends Professional League (MPL) para naman sa Mobile Legends. Umaabot ng higit na limang milyon piso ang karaniwang nakukuhang premyo rito tulad na lamang ng sa Mobile Legend South East Asia Cup (MSC) ng Moonton na umaabot ng pitong milyon piso. Marami na rin sa mga manlalaro ng ESports ang nagiging Professional Gamer gaya ni Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna ng Mobile Legends. Sila ang karaniwang nangunguna sa ilang malalaking torneyo
ORTS 51
Emmanuel Namoro nce Joseph Pascual
© REUTERS/Stringer
ng ESports ditto sa bansa. Kalaunan ay isinama na rin ang ESports sa ilang panginternasyonal na paligsahan gaya na lamang sa South East Asian (SEA) games. Ang bawat bansang kabilang sa SEA ay nagtatagisan sa larangan ng ESports kasabay ang ilang tradisyonal na sports. Bukod sa mga torneyo, lumaganap na rin ang Live Streaming ng iba’t ibang uri ng ESports sa Facebook at YouTube. Sa pamamagitan ng Live Stream ang mga manlalaro ay maaring magturo o magpakita ng mga nakaka manghang gameplay. Maaring kumita ang mga manlalaro sa pamamagitan ng advertisements o stars na ibinibigay ng kanilang mga manonood. Ang mga stars na naipon ay maaring palitan ng pera dipende sa bilang nito. Sa kasalukuyan ang 10,000 na bilang ng stars ay nagkakahalag ng PHP 5,000. ANG HAMON SA ESPORTS Mas lalo pang pinabilis ng paglaganap ng pandemya ang pagunlad ng ESports sa buong mundo. Dahil sa kinakailangang manatili ang bawat mamamayan sa kanikanilang tahanan, isa ang ESports sa mga naging pangunahing libangan upang maiwasan ang pagkabagot dahil na rin sa tagal ng quarantine na nagsimula noong Marso 14 ng nakaraang taon. Samantala, payo ng mga eksperto na ang iresponsableng paglalaro ng mga online games ay maaring magresulta sa
pagkaadik na nagdudulot naman ng iba’t ibang uri ng sakit. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang panlalabo ng mata na dulot ng lubos na pagkababad sa screen ng computer o cellphone na kung hindi maiiwasan ay maaring humantong sa pagkabulag. Isa rin sa maaring maging epekto ng labis na paggamit ng ESports ay ang social separation dahil sa kawalan ng oras sa pakikipagusap. Gayunpaman, ang paglalaro ay may kaakibat na responsibilidad, kung kaya nararapat lamang na maging maingat ang bawat isa lalo na kung ito ay nakakaapekto na sa takbo ng buhay nila. *** Ang ebolusyon ng teknolohiya ay nagbubunga rin ng iba’t ibang pagkakawilihan ng mga tao tulad na lamang ng ESports na tinatangkilik ng milyon milyong tao sa mundo. Ito ay manipestasyon lamang na patuloy sa pagdiskubre at pagkatuto ng ilang mga bagay ang bawat isa, ngunit pagbalibaliktarin man ang mundo mas mahalaga pa rin ang kalusugan ng tao. Ang ESports bilang isang produkto ng makabagong teknolohiya ay magpapatuloy rin sa pagunlad, ngunit kasabay rin dapat nito ang pagpapanatili ng responsableng paggamit ng bawat mamamayan.
© Jonathan Cellona (ABS-CBN News) © DeviantArt
52 ISPORTS
CLSU COLLEGIAN | NEWSLETTER ISSUE | TOMO LVII | BLG. I
Ang Opisyal na Pahayan ng mga Mag-aaral ng Central Luzon State University
© Smart Omega ML Facebook Page
Execration tinibag ang UBE-Strategy ng Blacklist International sa MSC 2021 finals, 4-1 Emmanuel Namoro
B
inasag ng Execration ang Ultimate Bonding Experience (UBE) – Strategy ng Blacklist International upang selyohan ang kampyonato, 4-1 sa katatapos lamang na Mobile Legends South East Asia Cup (MSC 2021) na ginanap sa Singapore nitong Hunyo 12. Nagsilbi itong paghihiganti para sa Exe matapos silang talunin ng Blacklist sa pamamagitan ng reverse sweep 4-3, sa nakalipas na Mobile Legends Professional League Philippines (MPL PH) Season 7. Naging impresibo rin naman ang naging kartada ng Blacklist sa MSC na nanatiling walang talo hanggang makatuntong sa huling tapatan para sa kampyonato, sapat kaya’t sila ang naging paboritong manalo sa nasabing torneyo. Gayundin, Inasahan na ng Blacklist na ang kapwa Filipino team na Exeration ang kanilang kakaharapin sa huling yugto ng kompetisyon,
© AJ ML Livestream
sa katunayan ayon kay Mark Jayson “ESON” Gerardo ang Exe lamang ang may kakayahang tumalo sa kanila, sa kabila ng ilang malalakas na kuponan sa Southeast Asia na kabilang sa MSC. Naunang umabante sa serye ang Blacklist matapos selyohan ang game 1, ngunit ang matapos magkaroon ng Priority Ban ang Exe sa mga heroes ng Jungler na si Denerie James “Wise” Del Rosario gaya ng Aldous ay nagsimula nang pumabor ang serye sa MPL PH season 7 runner up. Sinubukan pang bumawi ng Blacklist sa game 3
matapos wasakin ang lahat ng turret ng Exe, ngunit matagumpay naman nitong tinibag UBE- Strategy sa pamamagitan ng Benedetta ni Renz “Renzio” Errol Caduat at Esmeralda ni Grant “Kelra” Duane Pilla. Nagtuloy ang mainit na laro ng Exe hanggang sa game 4 sa kabila ng Feeding Diggie Strategy ng MPL PH Season 7 Champion sa kamay ng kapitan nitong si Jonmar “OhMyV33nus” Villaluna na matagumpay namang tinapatan ng Lunox ni Kelra. Naging balakid pa rin sa Blacklist ang ipinamalas na gameplay ng Chang’e ni Kelra
© Midnight Facebook Page
ANGAT PINOY. Nagtagumpay ang Execration kontra Blacklist International matapos magwagi sa MSC 2021 na ginanap sa Singapore noong ika-12 ng Hunyo.
ISABELLE GUEVARRA
sa game 5, kung saan dito ay tuluyan nang isinara ng Exe ang serye upang tanghalin na bagong kampyon at hari ng South Asia Mobile Legends. Dahil na rin sa impresibong kartada na 5-0-11 (KillDeath-Assist) ay itinanghal na Most Valuable Player (MVP) ang tinaguriang super rookie ng Exe na si Kelra.
ISPORTS 53
E CLSUCollegianOfficial | D@KuleOfficial | k clsucollegian@clsu.edu.ph SPORTS EDITOR Emmanuel Namoro | PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Eala sinelyohan ang grandslam sa French open Emmanuel Namoro
T
inalo ng top-seeded duo nina Alex Eala at Oksana Selekheteva ang tinaguriang dynamic duo nina Maria Bondarenko at Amarissa Klara Toth matapos magtala ng isang 6-0 lopsided stomp sa unang bahagi ng laro at tumipak ng 7-5 sa huling bahagi, sapat upang makamit ang panalo sa French Open Girls Doubles na ginanap sa Paris nitong Hunyo 12. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkamit ng grandslam si Eala matapos unang
HAMPAS NI EALA. Hindi mapipigilan ang paghampas at pagkapanalo ng duo nina Alex Eala at Oksana Selekheteva sa French Open girls double sa Paris nito lamang Hunyo 12.
DANVER MANUEL
© Roland Garros (Twitter)
mapanulunan ang titulo sa Australian Open Girls Doubles nitong nakaraang taon. Nataon sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ang pagkapanalo ni Eala, kung kaya’t ayon dito ay kaniyang iniaalay ang kampyonato para sa bansa. “Sa lahat ng pinoy na nanood, maraming salamat sa suporta. It’s actually Independence Day today so I hope I made my contribution to the country,” ayon kay Eala
matapos ang laro. Samantala, nito lamang Hunyo 15 ay nagtala si Eala ng upset win kontra sa number 2 seed duo nina Robin Anderson at Isabelle Shinikova, 6-3, 7-6 sa pagbubukas ng Woman’s $25,000 tournament sa Madrid, Spain. Kasama ni Eala ang tinaguriang Girl’s number 1 ng International Tennis Federation na si Victoria Jimenez Kasintseva sa kampanya nito sa naturang torneyo.
© Alex Eala Facebook page (Sunstar)
Gilas dinomena ang mga kuponan sa group A ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers Emmanuel Namoro
P
inatunayan ng mga batang manlalaro ng Gilas PIlipinas na sila ang pinakamalakas na kuponan sa Group A ng International Basketball Federation Association (FIBA) Asia Cup qualifiers matapos magtala ng dominanteng kartada na 5-0 win-loss nitong Hunyo 20 sa Angels University Foundation Gym. Pinataod ng gilas ang lahat ng kuponan sa nasabing grupo kabilang ang isa sa powerhouse team ng asya na South Korea sa dalawang beses na paghaharap nila sa torneyo. Naging dikdikan ang labanan ng dalawang kuponan sa una nilang pagtutuos, kung saan tinapos ng gilas ang laro mula sa buzzer-beater three points ng PAKITANG GILAS.
© FIBA Official Website
Pinagharian ng batang kuponan ng Gilas Pilipinas ang basketball court matapos nilang mapataob ang lahat ng kalaban sa Group A ng FIBA Asia Cup.
DANVER MANUEL
guwardiya na si SJ Belangel , 81-78 pabor sa Pilipinas. Maaayos namang napaghandaan ng gilas ang kanilang huling tapatan kontra South Korea, ipinaramdam ng mga Pilipino ang presensiya nito sa ilalim o inside the paint sa pangunguna ng dalawang sentro na sina Kai Sotto at Ange Kouame dahilan upang selhoyan ang panalo, 82-77. Pasok na ang Gilas sa paparating na FIBA Asia Cup 2021 na gaganapin sa Jakarta, Indonasia simula sa Agosto 12 hanggang 14. Makakaharap ng Gilas ang ilan sa malalakas na kuponan sa asya tulad ng China, South Korea, Japan, Australia, New Zealand, Iran, Syria, Jordan at Kazakhstan. Samantala, bago ang FIBA Asia Cup ay susubukan muna ng Gilas na makapasok sa Olympics sa pamamagitan ng Olympics Qualifying Tournament (OQT) na gaganapin naman sa Serbia ngayong Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.
HEAD PHOTOJOURNALIST Luis Castillo
Sa panahon na ang lahat ay nakakulong, higit sa dagok ng pagkalugmok ang kinahaharap ng mga taong sa lansangan natatagpuan ang ginto. At sa tinagal ng sitwasyon, tila hindi pa rin makita ang liwanag patungo sa pag-ahon. ISABELLE GUEVARRA
“Mahirap maging mahirap ngayong pandemya dahil hindi lang sakit ang iyong alalahanin pati narin ang ilalaman ng tiyan,” kataga ni Aling Nene habang sunong sa ulo at bitbit sa balikat ang kanyang tindang mga gulay na iniikot sa baryo. Puno man ng pangamba ang dibdib habang naglalako dahil sa pandemya ay hindi niya naisip na huminto sa paghahanapbuhay sapagkat pandagdag gastusin din ang kanyang kinikita upang matustusan ang pamilya. EDWIN BOBILES
Dalawang uri ng face mask ang isinilang ng pandemya. Isang lulan ang masasayang ngiti at isang kumukubli sa mapapait na lungkot, bunsod ng dagdag pasakit sa mga mahihirap sa kabila ng dagdag oportunidad para sa mayayaman. Mga labing tinakpang nakangiti, ngayo’y ‘di tiyak kung ilalabas muli nang walang pighati. LUIS CASTILLO
Hindi pa man naiintindihan ang takbo ng panahon ngunit kita na sa mata ng ilang mga musmos ang hirap ng buhay. Maagang namulat sa hindi patas na reyalidad habang patuloy na kinukulong ng pandemya ang kanilang mga pangarap. Kabataan ang pagasa ng bayan ngunit saan kukuha ng pagasa ang mga musmos na nasa laylayan? DANVER MANUEL
PAGE DESIGN France Joseph Pascual
Ang kapansanan ay hindi kailanman magiging sagabal sa mga taong pursigido at may pangarap sa buhay. Kulang man ng kamay o paa ang isang tao ay hindi siya maaalisan ng karapatang tulad ng sa iba. Bagkus ay maaari pa siyang umangat hindi dahil siya’y may deperensya kundi dahil siya ay nananatiling lumalaban at di sumusuko sa gitna ng pandemya. JONALYN BAUTISTA
Kasabay ng pandemya ay ang pagnakaw sa karapatan ng bawat bata na matuto sa apat na sulok ng silid-aralan. Ano na nga ba ang mas dapat unahin na ihain sa lamesa? Papel o almusal sa umaga? MARK ANGELO ULTIMO
Mga larawan ng hirap, hikaos, dilim, kuha bago pa man ang pendemya. Kung babalikan man ngayon ang lugar, nanaisin mong ganyan muli ang makita. Pagkat sa mata ng krisis, gagapang ang mahirap, lilipad ang mayaman. LUIS CASTILLO
Mga hinaing, pasakit at paghihirap na noon pa man ay hindi na maibulalas lalong nawalan ng pag-asa ng pandemya ay dumating. Mga tuso at ganid sa kapangyarihan, ay siyang patuloy na ginamit ang nakahahabag na kalagayan ng mga taong nasa laylayan. Sa kakarampot na ambon ng biyaya, mababakas sa mga mata ang tunay na ligaya ng mga taong unti-unting nawawalan na ng pag-asa. CARL DANIELLE CABUHAT
DIBUHO ni Ron VIncent Alcon KULAY ni Steven John Collado
Kasalukuyan man tayong kinukulong dahil sa pandemya, malaya pa rin ang ating pagsigaw para sa pagbabago.
Wakasan na ang administrasyon na walang konkretong plano!