PALASO

Page 1

PA L A S O



Kailan kaya papanig sa’yo ang pagkakataon?


TUNGKOL SA PABALAT Madilim ang paligid, samot-saring bulong ng pangalan ko ang aking naririnig Marahil sila ang mga inabuso, pinatay, at namatay Tatlong yugtong iniikutan ng buhay ng isang Pilipino dahil sa larong pangaalipusta lang ang nananalo Imulat mo na ang iyong mga mata at gumising mula sa katotohanan Isuot mo na ang guyaguyanit na salakot Kargahan ng palaso ang iyong pana Hilahin ang tali at asintahin ang layunin Pumanig nawa sa’yo ang pagkakataon! Dibuho ni Maria Elizabeth Corales

All Rights Reserved. Walang bahagi ng literary folio na ito ang maaaring kopyahin sa anumang anyo o anumang paraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at sa publikasyon, maliban sa layunin ng rebyu at scholarly citation. Copyright © 2021 Matatagpuan ang opisina ng CLSU Collegian sa Student Union Building, Central Luzon State University, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.


paunang salita Kailan kaya papanig sa atin ang pagkakataon?

May isang pelikula akong napanood, hango ito sa aking paboritong libro. Ang kwento ay umiikot sa isang laro na isa lamang ang dapat matira. Taon-taon ang mga manlalaro sa kwento ay sumalasang sa isang larong kagutuman, kahirapan, at pasakit lamang ang nananalo, tila ba ang pelikulang ito ay hango sa totoong buhay. Ilang mga pangyayaring politikal na ang dumaan sa kasaysayan ng ating bansa, batid kong alam mo na ang bawat Pilipino ay umaasa sa pagbabago at asenso sa bawat yugto ng kasaysayan ngutin arawaraw tayong nabibigo. Hayaan n’yong ikwento ko ang aking paboritong karakter mula sa pelikula. Siya ang bidang babae na mahusay gumamit ng pana at palaso. Kagaya ng bawat Pilipino ang karakter na ito, nagdusa sa mapang-abusong batas militar ng kanilang bansa, namatayan ng mahal sa buhay dahil sa mga sakit na hindi inaasahan, at minsan na rin siyang nalinlang ng mga pangakong baluktot. Lumipas ang mga panahon at dumating din ang katarungan sa kanyang bayan. Nabigo na ang kagutuman, tuluyan nang nag laho ang kamatayan. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at tatlong mga daliri. Ang kwento ng karakter ay isang inspirasyon sa iilan. Bumalik ang mga alaala mula sa batas militar, rebolusyon ng masang api sa EDSA, mga pangakong baluktot mula sa nakaraang halalan, at ang inhustisya at pighati dahil sa kumakalat na sakit. Tama nga ang aking sinabi na tila ba ang pelikulang ito ay hango sa totoong buhay ng isang Pilipinong walang pribilehiyo. Ngunit handa tayong turuan ng karakter na babae kung paano pumana ng layunin na ikabubuti ng mas nakararami. Isuot mo na ang iyong salakot at humandang sumayaw sa bulwagan ng laro ng mga naghaharing-uri. Iilan na lang ang natitirang palaso ng ating pana, itutok ito sa tamang layunin at umasa sa mas maliwanag ng umaga. Itaas mo na ang iyong kanang kamay at tatlong daliri mga daliri. Pumanig nawa sa atin ang pagkakataon!

DANVER C. MANUEL Literary Editor


Malawak na espasyo ang pinupunan ng bawat kwento, at isang karangalan para sa mga estudyante-mamamahay­ag na tulad namin ang kwentuhan kayo. Hindi na bago para sa karamihan [kung hindi sa para sa lahat] ang makapagbasa ng isang babasahin na binubuo ng mga maiikling kwento at tula na lalung nabigyang kulay ng mga iginuhit at kuhang larawan. Dahil dito, naging inspirasyon namin ang pangkaraniwang paksa na maaaring narinig na rin ng ilan habang naglalakad sa daan, bumibili ng bigas sa tindahan, at nagkakape sa labas. Naging trabaho ng publikasyon sa ilang buwan ang paglalapat ng mga tugma upang magkaroon ng tono ang pagbabasa sa mga akda. Kasabay nito, masusing pinili rin ang mga salita upang mailarawan ang bawat kwento sa naturang babasahin. Malinaw na walang iisang tinig na nananahan sa kabuuan, at nananatiling layunin na paglingkuran ang sangkaestudyantehan at ang bayan. Inihahandog ng CLSU Collegian ang literary folio para sa semestreng ito, muli, malawak na espasyo ang pinupunan ng bawat kwento, at isang karangalan na mapili at tumugon bilang tagapagkwento ng aming mambabasa.

LENILYN Q. MURAYAG Features Editor


Kasama mo ako. Silang pinagkaitan ng buhay, kalayaan, at hustisya; silang ginutom at pinagsamantalahan, pilit pa ring umaahon ang mga pesanteng nilugmok sa putik, masahol pa sa hayop ang danas ng mga mangagawang iniwan sa gitna ng pang-aalipusta at patuloy naman ang pambubusal sa bibig sa mga progresibong indibidwal at mamamahayag. Habang ang mga mangagawang pangkalusugan ay tuluyang pinabayaan ng estado kasama pa ang kawalan ng konkretong plano, nakatuon sa politika bilang personal na interes. Malinaw ang mga ganap ngayong may pandemya, sa kabila ng opresyong danas at dinaranas ng mga Pilipino ay patuloy rin ang pagigpaw ng sambayanan sa malakolonyal at malapyudal na sistema ng ating lipunan. Ngayon, inihahandog ng CLSU Collegian ang Palaso, muli nating silipin ang mga kwento ng biktima ng pang-aalipusta at inhustisya; sa bawat akda ay masalamin ang tumatak na dahas, kagutuman, kahirapan at mga dugong ninakaw ng estado sa mga kapwa nating Pilipino – ‘wag nating hayaang maulit. Lagi’t lagi kasama ang publikasyon at ang malawak na hanay ng masa laban sa pang-aapi at mapagsamantalang estado para sa lipunang malaya. Marahas ang digma, ngunit mas marahas ang dahilan nito, pakatatagan sana ng bawat isa habang patuloy ang walang-hanggang pang-aalipin ng mga naghaharing-uri. Bagama’t dumarating tayo sa puntong napapagod, tulad ng rebolusyon; minsan humihina, minsan lumalakas. Higit kalianman, huwag nawang dumating ang araw na tayo ay matakot, tangayin ng hangin at hampas ng alon sa dalampasigan, hanggang ang tinig na lamang ng mga naghaharing-uri ang maririnig; at hindi na muling bumangon at ipagpatuloy ang laban ng masang api. Magpapahinga ngunit magpapatuloy sa paglaban para sa bayan. Tandaan, hindi nakakalimot ang masa; patuloy na sumulong, sumulat, manindigan, at magmulat. Sama-sama tayo, hanggang sa tagumpay!

LAURENCE L. RAMOS Editor-in-Chief


12

balik-tanaw

42

pasalubong

6

NILALAMAN


94 bilanggo

66 traydor

AN

122 pananaw





KABANATA

I

Balik-tanaw Walong ulit ko nang binabalik-balikan ang isang pahina, “It must be a fragile system if it can be brought down by just a few berries” nahagip ng aking mata ang pahayag na ito sa libro na aking binabasa, “The Hunger Games Catching Fire” ang titulo. Isang binibining karakter ang pumukaw sa aking damdamin, salamin siya ng isang Pilipinong aktibista noong kapanahunan ng Batas Militar. Sa gitna ng paghahabi ko sa aking imahinasyon ng mga kaganapan sa nobela, nakikita ko ang aking sarili, nagbigay daan upang gunitain ang mga pangyayaring hindi na dapat pa maulit. Pitong beses ko narinig ang pag-aalburuto ng kanyon, saktong sa ikalabinlimang pagpitik ng orasan, nagsimula na ang pakikipagtagutaguan namin kay kalayaan. Marami ang nanunood sa larong aming pinasok, sa iba ay nagmistulang panakot subalit para sa amin ito ay bagong tuntungan upang masilip ang danyos mula sa kasamaang lumalaganap. Akala ng iba ay isang makasalanang laro ang pakikipagpatintero sa kalsada para ilaban ang karapatan ng mga mamamayan at tuligsain ang kapitolyo. Lingid sa kanilang kaalaman na ang mas karumaldumal na laro ay kasalukuyang tumatakbo sa bawat segundo na dilat lamang ang kanilang mga mata sa kaguluhan subalit nakapikit pagdating sa kilusan. Sa ngalan ng tungkuling imulat ang aking mga mag-aaral bilang Propesora noon sa Unibersidad ng Pilipinas, mga kabataan na may pamilyang inagrabyado, hustisyang abandonado, at korapsyon ng mga namumuno ang mistulang kurudo sa nagngangalit nilang apoy. Tumatak sa akin ang aral mula sa aking mga magulang habang ako ay lumalaki, “ialay ang sarili sa bayan, tumindig kahit wala nang may kakayahan.” Nabuhay kami sa mundo ng pagmomobalisa, ang aking ama’t ina ay kapwa nakikigiyera upang isulong ang karapatan ng mga nasa ikalabindalawang distrito, ang pook ng mga tinatakot at pinuputulan ng buntot. Naaalala ko pa kung paano kami pasukin ng mga nakaunipormeng puti at armado, ang aming mga magulang ay kanila umanong kikitilin kapag kami ay pumalag sa halang nilang adhikain. Anim na musika ng paghikbi ang aking nadinig, buntong hininga na lamang ang kayang pakawalan na huni. Nasilayan ko ang kalapastanganang magbuhat sa pagtatanggal ng saplot, paglingkis ng poot, hanggang sa ang dignidad na lamang ay kakarampot ng aking limang kapatid na babae, kabilang na ang aking sarili. Hindi ko lubos maisip na dadanasin ko ang pambababoy na iyon sa kamay ng mga militar.


Sa dalawampu’t apat na mga katauhang inialay, dama ko ang pananaghoy nila sa bawat kilos at diyalogo. Bumubuntong hininga sa tuwing may bilang ang pagsabog, tila hudyat din ito ng mga paghahanda noon sa mga maaaring mangyari anumang oras sa panahon ng pasistang rehimen ni Marcos. Baluktot, brutal, at mga walang basehan na pag-aresto at pagpatay. May labindalawang serye ng kadiliman ang bumalot sa liwanag. Kidlat ng mga baril sa una, pag-ulan ng dugo sa ikalawa, unggoy-unggoyang nakawan sa pamahalaan ang ikatlo, pagbagsak ng mga ibong malaya sa ikaapat, mga nawawalang kamag-anak sa lima, pito, walo hanggang sampu, wari’y pinira-piraso ng halimaw nang matagpuan noong ikaanim, alon ng mga atungal dahil sa gutom sa labing-isa, at insektong mga nagbubulungan dahil kaanib ng Pangulo sa labindalawa. Kung babalikan natin, tayo ang magdidikta kung tayo ba ay magiging jabberjay na sunud-sunuran sa kawalan ng katarungan o mockingjay na tatayong simbolo ng pag-asa. Ako ay isang babae, naging kasing tapang ng paborito kong karakter, pino ang tirintas sa buhok, pumapana, pinipilit maging malakas upang mabuhay, at nagpasiyang ipagpatuloy ang pagiging aktibo upang iangat ang karapatang pantao. Hindi ko malilimutan ang sinabi ng paborito kong karakter sa libro, marupok daw ang sistema ng kapitolyo ng Panem kaya maaari na itong pabagsakin kahit ng kakaunting pag-aalsa lamang. Kung ako naman ang magbibigay ng pahayag ukol sa rehimen ni Marcos, ito ay hindi ganoon kadaling buwagin at tuldukan kung kaya’t kinailangan ang pagkakaisa ng milyong boses upang sumigaw para sa kabutihan. Hanggang ngayon, ang laban ng mga Pilipino ay hindi pa rin nagwawakas, may bulag pa rin sa katotohanan, may baluktot pa rin sa mga namamahala, at ang laro ng kagutuman ay patuloy pa rin na umiiral. Hindi pa naiibsan ang uhaw sa hustisya at ang gutom sa karapatan. Sinisikmura nga lang ako sapagkat ang mga dapat papawi nito ay sila na lamang ang palagiang busog, ni hindi na makatayo dahil nasobrahan na sila sa kanilang mga puwesto. Sa ika-siyam na pagdausdos ng aking paningin sa mga salitang inilimbag sa aklat, ang mga nasa ikalabing-isang distrito ay hinagkan ang tatlo nilang daliri saka iniangat sa himpapawid. Nangarap akong darating ang punto na sesenyas ang mahigit sandaang milyong mga Pilipino bilang pasasalamat sa mga nagsakripisyo, paghanga sa katapangan at matuwid na layunin, at ang pagpapaalam sa mapangalipustang sistema ng bayan. Nakatapak pa rin tayo sa mga numerong luwalhati, binibigyang puri at sinasamba pa rin ng mga nakalimot ang istarbasyon habang itinatanggi ang babala ng kasaysayan. Sulat ni Rod Christian Mendoza Pabalat na Dibuho ni Nathaniel Pineda Anyo ni Excy Bea Masone


Mockingjay Have you ever talked back to someone That even if you know it’s rude You know that it had to be done Even if it will cause a dramatic feud The people of this country once lashed out to government To stand up to the few and tell them they were not content That ruling with fear and violence is taking things to an extent With the words of thousands of cold corpses left unsent There is power in unity And we have proved it once We got rid of the dictator that made blood flow freely And I think we must do it again to end the people’s suffering for once. Our words alone aren’t enough But together we can cause an uproar And it does not matter if the tides are rough Because soon this new tyrant will be no more

15


Tugma ng Diyablo Ang bayang ito’y umiikot sa aking palad Ako lamang ang dapat magpalakad Lahat nang kokontra’y makakaladkad Sa sariling dugo’y mabababad Walang makalalagpas sa akin Sa yaman man, kapangyarihan o galing Positibo lang ang pwede niyong lingunin Sumunod na lang nang hindi na ipitin Komunista ka, ‘wag mawawaglit Huwag nang lumaban ‘pagkat akin nang nasabi Ikukulong ka, bawal ang paumanhin Sayang ang batas kung hindi ko gagamitin Wala na kayong magagamit na boses Hindi maririnig ang sigaw na maraming beses Sa aking silya’y hindi na ako aalis Kung gusto pang mabuhay, matutong magtiis Ito na ang bago niyong buhay Tahimik ang lahat, huwag kayong maingay! Hindi ko papansinin ang inyong pagkaway Lahat ng haharang ay akin nang kaaway Basura ang taglay ninyong kalayaan Banta ang inyong presensya sa bayan Kahit sino ka pa ika’y kakadenahan Gan’to na ang sistemang inyong kamumulatan Ginawa ko ito bilang proteksyon Hindi para sa inyo kung hindi sa aking posisyon Maaari itong maagaw ng oposisyon Kaya’t sasarilihin ko na, tama ang aking desisyon Ang Batas Militar na inyong ikinakatakot Susi ko ito sa malawakang pagkontrol Kamay kong bakal ay hindi na mahahablot Sa sungay ng kapangyarihang walang nais pumutol

16


Impostor

Ilang buhay ang nasawi Dulot ng pagkaganid Nagpakain sa kapangyarihan Ipinagdamot mga karapatan. Kinuha nila ang boses ng mamamayan, binusalan Pati mga pahayagan Ginamit ang kapangyarihan para mapaniwala ang iilan Sa gawa-gawa at mapanlinlang nilang kasaysayan. Mga karaniwang Pilipino ang naging biktima Pinatay, ikinulong, binugbog nang walang hustisya Hindi inintindi ang maiiwan nilang pamilya Kinabukasan nila’y ninakaw at pinutol na. Isang hamon ang mapasakamay ng isang diktador Dahil kapatid ito ng sinungaling at traydor Pansariling kapakanan lang lagi sa isip nila’y nakatanim Hindi ang iyak ng mga nasa laylaya’t nasa dilim. Harap-harapang pagtalikod ay masasalamin Responsibilidad ay tinakasan at sinabuyan ng asin Ngunit lang beses mang tapalan ang kasaysayan Lalabas at lalabas din ang katotohanan.

17


Awit ng Dekada Sisenta Hawak ng makapangyarihan ang buhay ng mga mamamayan. Sabihin mang “para sa kabutihan,” iba naman ang nadatnan. Sa bawat hinaing ng masa, ang sagot ay karahasan. Sa pagpapalaganap ng katotohanan, opresyon ang naging daan. Gusto bang maglingkod, o mapaglingkuran? Para ba sa bayan, o sa yaman? Naka-ukit sa kasaysayan ang kasagutan. Hustisya para sa bayan, kailanma’y ‘di nakamtan

18


Panatiko

Labinlimang-taon ako noon. Katulad ng iba pang estudyante, sabik din akong makasama sa mga field trip lalo’t sa aking pagkakatanda ay isang beses ko lang itong naranasan noong elementarya, bunsod na rin ng problemang pinansyal na kinaharap ng aming pamilya at ng aking pagkamahiyain. Kaya naman nang minsang magkaroon ng field trip ang aming paaralan ay pinilit ko na makasama. Malaki ang bayarin, hindi na ito nakapagtataka para sa isang pribadong paaralan na sa palagay ko ay makatwiran naman dahil tatlong araw at dalawang gabi ang magiging haba ng aming pamamalagi. Hindi ko na maalala ng lubusan, ngunit, alam ko na noong pagkakataong iyon ay nais akong pakiusapan ng aking ina na huwag sumama dahil marami pang bayarin at malaki rin ang aking tuition fee pero wala na rin siyang nagawa. Marami kaming napuntahang magagandang lugar at natikmang masasarap na pagkain sa Ilocos, ngunit ang pinakatumatak sa akin ay ang aming pagbisita sa Ferdinand E. Marcos Presidential Center, museyo at mausoleum sa Batac. Doon ko unang naranasan ang pagkasabik na may halong kilabot nang papasok na kami sa silid kung saan naroon ang labi ng matandang Marcos, nakadagdag pa rito ang lamig ng hangin dulot ng mga nakapaligid na aircon. Namangha ako. Hindi ko inakalang sa buong buhay ko ay makakikita ako ng napreserbang labi ng isang dating pangulo. Sa buong tour namin sa lugar na iyon ay marami kaming nakita at nalaman, ngunit lahat ng iyon ay pawang magaganda at pabor kay Marcos. Labinlimang-taon ako noon. Ngayon, anim na taon ang nakalipas, natatandaan ko pa rin ang field trip namin, ngunit sa halip na gunitain ang kariktan ng mga lugar at linamnam ng mga pagkain, ang aking nasa isipan ay iba. Bakit isinama sa field trip ang destinasyong iyon? Ilan sa mga gurong nakasama namin ang hindi komportable at kumunot ang noo sa nakitang mga papuri kay Marcos? May kapwa estudyante kaya akong mulat sa negatibong imahe at mga gawa ng dating pangulo? Ilan kaya sa amin ang may kamag-anak na nasawi at nakaranas sa Martial Law? Napagtanto ko sa field trip na iyon ang katotohanang madaling hubugin ang isipan ng isang menor o kabataang walang sapat at makatotohanang kaalaman sa mga sensitibong bagay. Madaling makahikayat ang mga panatiko gamit ang mga manipuladong impormasyong nakapanig sa nais nila. Ngunit sa pagkakataong ikaw ay mamulat sa pangit na katotohanan, katangahan na ang tumalikod at mag-bulagbulagan.

Faded

Where civil unrest writ large Sheeps from the districts are raped Peace was out of prime

19


Forbidden Banter Bes, I have kwento. Would you want me to tell? It’s a story of a time and place Haunted, reluctant, and unwell. It’s a bit scary, don’t you think? But I hope you’re willing to listen I’ve limited time you see So, reserve your attention only for me.

Bes, I have kuwento. And here’s how it goes There is a woman chained and punctured On her hands, her knees, her feet and elbows Her egregious state baffled me Her mouth also shut, clamped quite tightly| It gets a bit unsettling so I hope you’re still all ears I’ll make it quick I promise For I’ve limited time you see. Bes, I have kuwento And here’s how it went down That face of her was a bit distorted But was masked with a prominent frown. She calls for a man for sometime It’s her captor but she was left with no choice He then feeds her with nothing but romanticized lies So forcefully aggressive that it chokes her voice That serves as her dose for the day She looks full but repulsed She must’ve hated the taste of the food. Bes, I have kuwento But I think we need to tone it down. I feel their eyes on us so come a little closer I hear they arrest people who share stories about her I’ll continue but this time a bit quieter Despite her dysfunction, she refuses to sleep Those bloodshot eyes are still finding ways to break free If she closed them that’ll be total surrender But she’s painstakingly waiting for her escape That’s my kuwento for now I can hear them coming our way Tell the other peers this kuwento and be sure to keep safe I’m still unsure when we’ll meet again but disseminate this with no delay For the day of that woman’s freedom, is a day we will celebrate.

20


Panahon ng Kadiliman Déjà Vu

Takbo at Tago Sampung taong pagsiil Puno ng takot

I think I’ve seen this before I don’t want it anymore Blood stains, Violence and Tears Deja vu’s what made me scares

F EM, hindi bayani! Batas Militar Mukha ng karahasan, Pagtangis, kasawian.

21


Imeldefic

When is it too much? How do we know when to stop? When the hollow figures prick and tear souls out of bodies? Or when every decayed flesh is replaced by the glitz of a party? Doomed in a hostile dome are the people seeking freedom 23 deaths and a thousand martyrdom, yet the 1 stays deaf and up in his kingdom Then on, you knew it was too much! But by that time, they were hard to stop...

22


what weighs the most far from conceptualization was i when the 20-year regime bloomed indefinitely past the awaited decay. i was far from the sentient being i’ll become, intellectually distant from the thinker that pens these letters now “it was chaos,” is how my young reflection would verbalize my mental warfare that time my tito would badmouth the Marcos naysayers arguing that our province prospered during his time, my senior defended this infamously-portrayed figure for the good things he has done, and my AP teacher shared stories of wonders, like it was paradise in those days complete opposite of how i see this president in tv shows, in books, in the movies and news. a dictator. a thief with blood on his hands and feet. ‘twas a journey of questions, voyage of wandering years of what and who should I believe until my conscience talked for me One cannot refute the good things he’s done, but was it worth the loss of freedom or a loved one? Bridges, highways, and the nirvana that’s 13th month pay. Filipinos deserved them, but if violence is the price to pay, I’ll burn that bridge to take freedom and peace any day.

23


Never Again Decades that suppressed our rights Violence, wrath, fights, and cries Full of injustices, lies Never again; never twice

When the Odds are not in our favor Humanity is in question, shrouded by the metaphors of deceit Information lies with the chained skeleton, away from the grave of the defeat The masses of sheep put in submission, coerce to live with a hysterical heartbeat Light is hazy from the feebles vision, with the high monopolizing the right of feat Effigy of the capitol’s chief of oppression, he mirrored hilter’s brutal headship Rekindling europe’s history of despotism, oppressing their flesh in the void Youth is put in red condition, media is out to be boiled Abrading the rights by those in uniforms, bullies the young and old Rest is out of the norm, peace is a twist that is yet to unfold Normative civil function is set in dictatorial reform, the era of hunger games is imposed 24


Pamana?

Madalas akong pumupuslit sa bodega ng lumang bahay nina lolo at lola. Sabi ni mama, dekada nobenta pa noong huli nila itong tirhan kaya bakas na ang kalumaan. Subalit lagi ko pa rin itong binabalikan dahil doon sa baul na natagpuan ko sa kasuluksulukan, lumalangitngit at mukhang makakalas kaya labis kong iniingatan. Hindi ko alam kung anong mayroon dito na tila nanghahalina… ngunit hindi gaya sa mga pelikula, hindi ito baul na pinag-aagawan ng mga anak ng bida. Bakit? Sapagkat wala itong lamang pamana. Hindi kayamanan kundi kasaysayan… nakalagak ang mga talaarawang saksi sa paghihirap na sinapit ng mga mamamayan sa ilalim ng diktaturyang pamahalaan noong dekada sitenta. Dama ang hinagpis sa bawat pahinang binubuklat... ibang-iba sa isinasaad ng mga gawa-gawang testimonya na pilit ikinakalat… Marcos, hindi isang bayani! #HindiNaMuli.

25


Pinagkait na bibig at mata

Walang nagawa nang bibig namin ay binusalan Walang nagawa nang mga mata namin ay piniringan Walang nagawa pagkat wala kaming nakita Walang nagawa ‘pagkat aming tinig ay binalewala

26


Maglaro tayo Tagu-taguan Maliwanag ang buwan Wala nang kibo’t, nakahandusay sa daan Pagbilang kong sampu, sumunod na ako Nanay, Tatay, kinuha nila ang aking buhay Ate, Kuya, nasa’n ang hustisya? Lahat ng utos niya ay sinunod ko Ngunit, bakit biglang humantong sa ganito?

Orasan

Anumang oras may kasamang kaba, sapagkat Anumang oras maaring mapagbintangan, Anumang oras maaring damputin ng militar. Anumang oras maaring mapatay

27


Snow's Storm

Poison to the state, to the laws set in motion, Poison to the people, to the citizens of the nation, With thorns of steel that poked and prodded, And intentions so vile, corrupt, and tainted. Subjected, the nation was, to unending storms, People were frozen under men in uniforms, Torn and shattered, treated as the foe, Their blood poured on the deep white Snow. Taking of lives turned into cruel games, Men killed men using unjust aims, Each snowflake had a different shape, Each killing allowed no escape. The cold left its mark, a deep frostbite No one high up listened to anyone’s plight Starvation, poverty, the endless roam of death Here ruled Snow, taker of breath.

28


Ode to President Snow's Left Hand Remember, when your right hand draw papers as if it was a sword, Our eyes, fixed on that blunted blade because; mama told me, --the bluntest blades are brutal. Sooner, the sky grew dimmer stars were swallowed into thin air, like popsicles their flesh, melted into candle wax, incapable even of the tiniest spark. Your right hand laughed, piercing their flesh into a chokehold; but your left hand grieved. Your hands; are the opposite poles of a magnet, the flaming fire and the freezing coldness, or the rivalry between the districts and the capitol, Your right hand isn’t always right. And your left, isn’t always meant to be left; behind Katniss would lend the left hand bows, and the arrows will pierce through their flesh. They won’t bleed blood, but gold — now, we found what’s lost.

29


Thoughts Up Above the Tree

I wonder how this game will end All I perceive are bombs and guns I wonder how the power will fade Their wants seem to be laws of land

I climb on a tall tree; I want to see the world I want to be free, like those chirping birds I realized that I’m turning 20 in months Sadly, I didn’t experience being teen Sovereignty stole my youth I didn’t do bad to them, not any sin They tell the world it’s their form of protection Against crooks, evil, or any deception But why us, children, face its consequences The freedom is stolen, evident on our faces

30


Bloodlust

Armed men in uniform, unseen strings attached. Protectors of the unjust system, frontlines of the bloodbath. Detrimental pawns in a game of chess— heeding every command.

midas touch

dictator has a sharp-blade palm, privileged of the Midas touch, marking faces like a bloodstain, fist filled with metals for a punch, riches swim on a champagne sea, rags have nothing for lunch, unjustifiable was the governance, people must have had a hunch obscurely dark throne also has its low-opacity Achilles’ heel, the nation has been living on an avalanche, frozen still, painted blue were the faces, red was the grinning overkill, yellow flicker light leaks its ambiance, there will be a smile to feel better keep those in past vine-whipped behind glass, lives have been sacrificed, but the folk song must be passed, always remember the scenario, do not hide and try to put on a mask, this is the history of great existence, smell all of its dust stand up and lend a hand to destroy the disturbing hoax, linger like a fragrance and trust the whisper of smoke

31


Litratista Isang gabing paglalakad sa lansangan. Sabit-sabit sa leeg ang paboritong kamera, naghahanap ng magandang tanawain na makukunan. Sa paglalakbay, ilang mga pangyayari ang natanaw. Mga eksenang hindi malilimutan kaya ninais kuhanan ng larawan. Kasabay ng tunog nang pagkuha ng larawan, isang putok ng bala ang kumitil sa kamera.

Cell no. 1081

I awoke with the screeching of cell doors opening. Another one was added to the cell a couple of blocks before me. I can hear screams of protest from the man, something I used to do. Touching the icy cold bars of the cell just adds to the feeling of agony in this dim isolation. It is a sensation I’d never wish upon anyone. Thousands of people here are like the new guy and me; you can say we are whistle-blowers however, very far from the ones that keep dirty secrets, no. For as soon as it comes to our attention, we weigh its accuracy and immediately bring it to light for the world to know. We, the new guy and the rest of us here are more like sirens of truth. I sighed. I turned my back as I heard the heated commotion simmer down a bit. Now most of the cells are filled to the brim; mine however, isn’t. In fact, I’m all alone here. And yet still this prison feels stuffy. Teeming with silenced mouths and stories untold was Cell 1081, the cell number I’m in. I’ve been here since day one. Away from the lying and manipulation-filled grounds of the outside. They locked me away because they do not like the “noise” I make. They say my voice is too sharp. I am the voice of the masses. I am Press Freedom.

32


33


Capitolization

Flaunting unconsolidated power for years, stealing from the poor. And yet, for how long it lasted, many still dare to talk about it in a positive light. Suffering and pain undermined by smiles and cheerful recounts Cultivating a gilded image of what once was, In truth, a horrific sight of bludgeoned bodies, torn and shot. Struggling dubbed as resilience, non-resistance dubbed as hospitality, Malice took over, painting over history with gold and ochre.

34


For Those of You Who Don't Understand For those of you who don’t understand, I will explain it slowly if I can Once ruled by a truculent fist and hand, No option, but to be a Marcos stan

For those of you who don’t understand, I will make it loud and clear if I can Thousands of innocents died in this land, nowhere to hide, nothing to do but run For those of you who don’t understand, I will make you see as much as you can Poverty, famine - this governance’s brand, Nothing like a Marcos life, wealthy and grand For those who really cannot understand, Let us be your eyes to vividly see, Let us be your legs to firmly stand, Against the haunting of history’s cruelty

Victoris Lingua Silenced, yet the smell of rotten flesh speaks words draped in its Latin roots they couldn’t even understand.

Habeas corpus, means you shall have the body. instead, they shoot point-blank unbothered by the recoil dragging lifeless bodies like a trophy after a hunt. — they had the body… right?

35


Madilim na Silid Nakatatakot nga ang matulog, Kung hindi na gigising pa. Sa bangungot ng kahapon, Ayoko ng maranasan pa.

Tila nakalimot din ang dila Sa kakayahan nitong panlasa Na wala manlang pagkakataong Makabigkas ng bawat letra. Kay haba ng panahon, Na nandirito ako sa selda. ‘Di madampian ng araw, Mga balat kong namumutla. Ano nga ba ang pagkakaiba Ng gabi at ng umaga? Nakaligtaan ko na rin mismo ang itsura Ng labas kapag umaga Habang nasa madilim na silid, Piniilit kong hinahanap ang aking anino. Nagbabakasakaling may liwanag mula sa labas, na tumanglaw Para sa pantay at patas na hustisya.

Forcefield

I, humanity Versus you— peace and order. Who wins, who loses? Between a plea and a pledge. May with whom be the odds with?

36


Darkest Night Blinded by darkness Survival of the fittest A 14-year night

37


The Hanging Tree

When I was a child, I used to think of the ways to die so that I can prepare myself when the time comes. It pains me to think of death— but I thought that familiarization would help a little. Is a gunshot terrible? I’ve had goosebumps with the idea as I fear even the sound of the fireworks Is a lethal injection bearable? I thought that it could be as they usually said that it only feels like an ant bite Is beating really an option that I should consider? It is definitely not. Nevertheless, as I grow up, I realized that it is not really the death that scares me the most— It is the person who will pull the trigger which is beyond my control. Perhaps, it will lessen the misery when it is a stranger. But it surely will be beyond torturous when it is a fellowman.

38


Liham Mula sa Dekada '70 Mahal kong Liberta, Ipagpaumanhin mo kung ngayon lamang ako nakasulat sa iyo. Nawa ay kapag nakuha mo na itong liham ay nasa maayos ka nang kalagayan. Nakakulong ka pa rin sa mga panahong ito, nakapiring ang mga mata, may takip ang bibig at nakagapos-tanikala. Hindi ko mawari kung ano ang aking gagawin upang ikaw ay lumaya. Marami kami na inagawan ng karapatan mula nang ikaw ay kanilang kinuha. Ipinagkait ka sa akin o aking mahal, ngayon ang puso ko’y nagdurusa. Si Ferdie ay nagmistula nang diyablo; nabulag na siya sa ningning ng kapangyarihan. Kontrolado na niya ang lahat, bumaba na ang kaniyang moral. Mistula siyang bangungot sa mga tao, lahat ng lalaban ay tiyak na mapupugutan. Nakakikilabot ang mga pangyayari. Kahit dyaryo at mga istasyon ng radyo ay kaniyang pilit na ipinasasara. Bulong na lamang ang aming panglaban, pasensya na kung hindi ka namin madepensahan. Kaunting tiis na lamang diyan sa iyong piitan. Kapag maluwag na ang hangin, saka ka namin babalikan. Hindi namin kayang magsangla pa ng buhay, susugal kami kapag sigurado na ang iyong paglaya. Ang buhay namin, kung babawiin man, ay hindi sa mga kamay ng isang huwad. Kumapit ka lamang, malapit na ang pagbagsak ng higante. Masisilayan mo rin ang liwanag, at magmamarka ang araw sa bisig ng mga magsisitindig. Ang liham na ito ay patago ko lamang isinulat at ipapadala, sa oras na iyong makuha ay muli ka sanang mabuhayan sapagkat hindi ka namin pabababayaan. Sumisinta, Juan

s.

e.

39


To Fall Like Coin and Snow Have you ever thought of why things fall to the ground As to why everything that goes up must go back down Isaac Newton rocked the world when his laws of gravity was found But that does not explain as to why some things inevitably fall to the ground. Have you ever seen snow With each little flake racing to hug the ground like a moth drawn to a flame It comes from the highest sky like an actress on her peak of fame But goes down like an arrow shot without a bow Have you ever tossed a single coin To wish in a wishing well or to determine probability Or to make a decision like it’s the coin’s responsibility But no matter how high you toss, only downwards goes the coin. We have caused a lot of things to fall Like the regime of a man who struck violence to all Our voices together are like earthquakes and gravity It is enough to bring even the tallest mountain down to its knees

40


41



KABANATA

II

Pasalubong Biyernes ang paborito kong araw sa dalawang dahilan. Una, kapatid ito ng Sabado at walang pasok sa trabaho kinabukasan. Pangalawa, araw ito ng pag-uwi ng nakatatanda kong kapatid na isang doktor sa Maynila. Sinimulan kong panoorin ang unang bahagi ng pelikulang Hunger Games: Mockingjay habang sinusulit ko ang aking pahinga. Namangha ako sa bidang babae mula sa unang dalawang parte ng pelikula dahil tulad ng aking ate, matapang, matalino, at mapagmahal siya sa kanyang bansa. Madalas pa nga niyang banggitin sa akin ang kagustuhan niyang paglingkuran ang mga mamamayan, na isa sa pangunahing dahilan kung bakit pagiging doktor ang pinili niyang propesyon. Lumaki akong iniidolo ang aking ate. Katorse anyos pa lamang ako noong lumipat siya sa Maynila upang mag aral sa kolehiyo. Dahil dito, labis ang aking pananabik sa tuwing uuwi siya. Mabilis lang daw ang byahe mula sa lungsod pabalik sa amin at hindi raw ako maiinip sa dami ng magagandang tanawin na madaraanan. Ang sabi pa niya, baka mangawit ako sa pagtingala sa nagtataasang gusali na may makukulay na bintana. Minsan kong sinubukang abangan ang pag-uwi ng ate, at tinatayang apat na oras akong naghintay bago ko matanaw ang balingkinitan at kayumanggi kong kapatid. Mabuti na lamang at dala ko ang komiks na pasalubong niya noong nakaraang buwan na umaliw sa akin sa ilang oras kong paghihintay. Nakasuot ang ate ng pulang pang-itaas, maong na kupas at sapin sa paa na rambo ang tawag. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya at sinalubong siya nang mahigpit na yakap. Napansin kong may dala silang mga karatulang may nakasulat, tinanong ko siya kung para saan iyon at ang kanyang sagot ay simbolo raw ito ng kanyang pakikibaka. Dumaan nang napakabilis ang Sabado at Linggo at babalik na naman si ate sa Maynila. Maghahantay na naman muli kami ng ilang linggo bago siya umuwi. Malungkot ako nang muli na naman siyang umalis ngunit hindi ko siya kailanman pipigilan dahil alam kong masaya ang ate sa kanyang trabaho. Sa kabilang banda, mas nasabik ako sa muli niyang pagbabalik dahil nangako siya na maaga siyang uuwi sa araw ng aking kaarawan.


Samantala, hindi na namin namalayan na kaarawan ko na at muli na naming makakasama ang ate. Subalit, tila bakit parang may mali? Gabi na ngunit wala pa rin siya. Hindi kami makatulog nang gabing iyon dahil noon lamang hindi nakauwi ang ate sa pinangko niyang araw. Kinabukasan, araw ng Sabado, ika-22 ng Pebrero, naghintay pa rin kami sa kanyang pagdating. Walang ate na umuwi at wala kaming balita kung ano ang naging dahilan ng kaniyang hindi pag-uwi. Nabalot kami ng pag-aalala at batid ko ang pagtataka ng aming mga magulang sa mahigpit nilang pagyakap sa aming magkakapatid. Habang nag-aalala kami sa kalagayan ng ate, bumungad naman ang balita na daang libong mga Pilipino ang nagtipon sa lansangan ng EDSA upang magsagawa ng kilos protesta. Hindi gaanong malinaw para sa aking murang isipan ang nangyayari ngunit malinaw para sa akin ang hangarin na makauwing ligtas ang aking kapatid. Makaraan ang apat na araw, natapos ang EDSA People Power Revolution at umusbong ang pag-asa sa kalayaan at demokrasya. Nagbalik ang aking kapatid. Hindi man siya nakauwi sa aking kaarawan, masaya akong nakauwi siya ng ligtas. Pasalubong niya sa amin ang mga naging karanasan na marahil naging pundasyon din ng paniniwala na mayroon ako at ang aking mga kapatid. Kinuwento niya sa akin ang kanyang karanasan sa pakikiisa sa mobilisasyon. Iba’t ibang uri daw ng Pilipino ang kanyang mga nakasama, narong may mayaman, mahirap, estudyante, at iba pa. Banggit pa niya na tila isang musika sa kanyang mga tenga ang pagsambit ng mga madre sa banal na rosaryo habang nag lalakad sa kahabaan ng EDSA. Bumalik ako sa aking diwa nang mapadpad ako sa isang eksena ng pelikulang aking pinapanood. Siya na naman, ang babaeng may pana. Galit na galit siya, gigil na gigil ang kanyang mga ngipin at sinabing “You can torture us, bomb us, and burn our district to the ground. But do you see that? Fire is catching. And if we burn, you burn with us.” Tumaas ang aking mga balahibo sa eksenang iyon at naalala ko ang aking ate. Kagaya ng bida sa pelikula, isa siya sa mga matatapang na Pilipinong nakiisa upang ipaglaban ang kalayaan. Daladala naming magkakapatid magpahanggang ngayon ang mga aral na natutunan namin sa aming ate. Mahigit tatlong dekada na ang nakararaan at maituturing na isang pagbabalik-tanaw ang muling pagkukwentuhan sa paksang ito. Kasabay ng pagbabalik-tanaw, isang paalala na araw-araw sana nating piliin ang Pilipinas! Sulat ni Lenilyn Murayag Pabalat na Dibuho ni Nathaniel Pineda Anyo ni Excy Bea Masone


To the Victor after a War

Blood was shed Words were left unsaid As hopelessness spread Trauma in the people’s hearts will never be treated The sun may shine again After the distressful times when darkness reigned But the silver lining is nowhere to be seen In a country that looked like a massacre scene Truth it is, that no one wins a war Because hope is drained by every passing hour But we can move forward with the wounds As we look forward to the future with this bloody history pruned The wounds may heal but the scar will never fade The scar that will signify how the people fought unafraid We showed the tyrant that we are not like a puppet to be played We showed the tyrant our power that is greater than any guns or grenade.

45


Whom Shall They Believe? Winter is coming, the breeze of the cold air wraps around my neck, choking me to death. Slowly as the snow fell, the fire followed. Today, a gamble will decide the fate of Panem. People are rallying outside, shouting and demanding for their rights. With them is a woman named Alma Coin. She raised her three fingers in the sky as she started the revolution. Like her people, she suffered a lot because of the games. She lost everything, except her loyalties. Alma Coin is a visionary who wants to lead people to the light, but her light, is the reason why she became blind. She is blind. As people around the world praised her, Panem started to die again. People around the world loved her for ending the hunger games, yet she started a new war. Finally, the truth was unveiled. Snow and Coin seemed to come from different roads yet they have arrived at the same destination. The only distinction was the revolution one started against the other. Pride and Greed would never succeed. It wasn’t the woman leading but the brave and determined people behind her back are those deserving of the recognition. In the end, the people would always have the upper hand.

If We Burn, You Burn With Us

You ignited a fire To burn us to ash To keep our protests hushed But little did you know we know how to play with fire

46


The first rebel is a girl on fire Enough with the deceptions she says, That Snow forced us to live. Defiance is the gown she slays, Made from the fiery pit of her temperament. There she made circles, Of an historic uprising of events.

Coin F lip With the flip of a Coin, the revolution turned the tide. Heads took to the streets to protest, to catch the tyrants by their tails. The birds sang songs of oak trees wrapped in yellow ribbons. With retribution in mind, the birds flew against the bloody Snow’s storm. Under the freezing cold grip of oppression, fear was forgotten, anger took over, led by fate’s champion, or perhaps fate’s weapon. Unbeknownst to the birds flying “free”, the ribbons served as chains. The songs of hope became shrill screams to the wind, atrocities would not end. The flip was pointless, injustice remained. Under the same Coin, the favor of odds, can we blame?

47


The F light Redemption of our lost wings From the void of tyranny Civil resistance is key

EDSA Parang ibong malaya, Ang bawat Pilipino. Matapos makalaya, Sa pagkakabilango.

Sama-samang sumigaw, Para sa kalayaan Sama-samang nilaban Karapatang pantao Puyat, init at pagod Ay ‘di inalitanta Mapatalsik sa pwesto, Diktador na pinuno. Pagbabagong hinangad Ay nakamtan din naman Hindi kasing bagal ng Usad ngayon sa EDSA.

48


Mockingjay

I live to defy— I want no conformity. I stand for the mass— We deserve democracy. Oppression led me to this.

All of My Favorite Part

My favorite part was when Katniss shot the force field. Their lightning came back towards them like a boomerang. The scent of burned wires smelled like hope just came down to Earth, or hell, whatever fits more of what has been their struggle. My favorite part was when people run towards their enemies, together. Their blood kissed with the blood of those that have long been gone. One way or another, they’ll be home— in heaven or here, once they have reclaimed the Capitol.

My favorite part was when they finally won—after a very long time of playing.

49


50


The New Panem Oh resiliency Just how far will you take us Above and beyond

Catalyst of Democracy

Movement that changed society End decades of tyranny Brought life, hope to the country And gave people liberty

Patalsikin

Lahat ay galit Sa kanyang pagmamalupit Habang masa’y ginigipit. ‘Di sila pumapabor Sa pasista at diktador

51


Ikalabindalawang Distrito

Sa lahat ng mga hugis, Tatsulok ang pinakapaborito ko. Gusto ko kung paanong maaari itong makabuo ng bituin— Natutuwa akong makita na sa kahit anong posisyon ay may pakinabang ito. Sa paglipas ng panahon, Habang maging ang buhay ay nag-aanyong tatlong sulok na rin, Kaysa magbago ay mas lalo pa akong nahulog sa ideya nito. Ito ay dahil ipinaalala sa akin ng itsura nito, Kung paanong maaaring bumaliktad ito. Darating din ang oras namin. Kami naman. Para sa kalayaan. Hindi magpapatinag ang taumbayan.

52


Kampay

Sa bansang pinamumugaran ng mga huwad, bandang timog katagalugan, Walang patid sa pag-agos ang serbesa na kanilang kinasusuklaman; Itong likidong pinupunan ang kopa niring uhaw at mangmang, Bagaman ipinagkakait ng rehimen ay pilit ipinaglalaban, Makamtan lamang ang inuming magbibigay linaw sa kasinungalingan— siyang matagal nang inaasam. Isang tagay! Para sa mga nag-iwan ng marka, napawi’t nalimot na; Para sa mga nagsakripisyo upang makamit natin ang demokrasya; Para sa mga biktimang patuloy na naghahangad ng hustisya; Para sa mga matang nakadilat at bukas na kaisipan…tagay! At kung malasing man sa pag-inom ng ‘di malunok na katampalasan, Nawa’y ‘di malimutan ang paninindigan at tungkulin sa bayan.

Once upon in EDSA We need to be freed In the arms of Martial Law, Together we’ll won.

53


Missing Person: Prometheus, After Pete Lacaba Prometheus passed the fire, they said. But was he lost? When they bombed the land, Were he’s bones shattered into gunpowder, exploding his mind; an abstract painting we could never decipher. It rained, they said. But did it flood with blood; When death rose from the underworld? Was it tears filled with fears; When the future seemed to burn? Life’s a gamble, they said. But could we ever win? Or do we just play, game after game? All I knew was what they said. They said it was black. They said it was white. But where does the truth truly reside? Oh Prometheus! I’ll make a shovel out of all the cinders you left, so l could dig your grave. I’ll wring an ocean of truth from your skeleton, so you could baptise us, like John wash this brown-colored skin of sins inherited. Then burn us, turn all our rage into a wildfire.

54


tale-lapsed

It was the best of times A story told by historians and civilians alike Of an exemplary figure and his golden touch And the way he managed to turn the paper almost dull green And the way he managed to turn a simple country into something better, bigger Rich, beautiful Yet still so flawed Because the dead told tales And the dead held innocence And their innocence was not quite fire But a spark A spark that was ignited by hate, and fury, and lies Of long-standing time Of long overdue justice Because the living tell tales And the living Is Alive With the truth, with confusion And their lives were enough A spark 3,257 individual matches 35,000 lives And thousands upon thousands frozen Turned into tales It was the worst of times A story debated by historians and civilians alike Of an exemplary figure and his stained hands And the way he managed to tear his flag And the way he managed to turn its people into something better, bigger United, encouraged Yet still so confused Because the dead can’t tell tales And the living is blind

55


The Sun

In the vast darkness, we stand Walking, running, fighting for our lives Overcoming the terror that the dictator started The sun has risen, showing us the light But like moon, the light is not always good As too much can blind us from the reality we hold Because even though the sun gave us the light we deserve The sun still sets, surrounding us with another darkness

Taghoy Kamay ng mapanlupig Hindi nananaig Sama-samang nag-alsa Dininig panaghoy ng masa. Mula sa pang-aalipusta Sa wakas, nakalaya.

56


Kadena

Makapangyarihan ang pwersa ng masa Silang naglagak sa ‘yo sa ituktok Ay sila ring tiyak na maglulugmok. Sa ilang taong ginapos ng dahas Dekada otsenta nag-aklas Laban kay Marcos, masa ang tunay na batas!

People & Power

Road with placards and people; One principle, one goal; To fight for true freedom

57


Salmo ng Kalayaan Wari mo ba’y sapat na Demokrasyang nausli Daing nati’y ilakas Ang salot ay iwaksi

58


Malaya Tayo’y lumaban Diktaturya’y wakasan Para sa bayan

Partial Democracy Promises broken Tapestry left unwoven A feign legacy

59


Haplos ng Kahapon EDSA People Power Revolution kung gunitain ng iba, Ngunit may mas malalim pang bakas ang mga alaala, Hindi lamang ito simbolo ng pagkakaisa, Gayundin ng paggising at pagbangon mula sa diktadura. Hindi masusukat ang lamyos o gaspang ng haplos ng nakaraan. Isa lamang ang tiyak, nagising ang bayan sa katotohanan, Hindi ginto ang panahon ng paniniil sa mga Pilipinong lugmok sa kahirapan Isang sampal ito para sa mga nagbubulag-bulagan. Lumipas man ang tatlumpu’t limang taon Hindi maikakaila ang kabuluhan nito sa kasalukuyang panahon Hindi na muling papayag na mapasailalalim sa diktasyon Mapait alaalang hatid ng balintataw ng kahapon. Sagisag ng rebolusyon, hindi dapat indahin ang opresyon Kapangyarihan ng taumbayan, nagkakaisang layunin at determinasyon. Hindi magagapi kung tapang at katotohanan ang baon Taksil sa bayan ang sinomang sa hukay ito’y ibaon.

Dugong Magiting Pilipino ay ‘di alipin, Patuloy na tumindig matapos mang padapain Hindi pasisiil sa sariling bayan Karapatan ng bawat isa’y ipinaglaban Sambayanan ay buong puwersa Pinatalsik ang diktadura Dugo’t pawis inialay sa iisang layunin Pilipino ay ‘di alipin Pilipino ay ‘di alipin Iginapos man ng mga sakim Sumigaw, kalayaan! Puso at tapang, sa laban nanindigan. Sa himagsikan nagkaisa, Sumulong at nagtipon-tipon sa EDSA Demokrasya’y tuluyang nakamit Pilipino ay ‘di alipin. Pilipino ay ’di alipin Nananalaytay dugo ng mga magiting Sa tuluyang pagkawala mula sa madugong digma Mga Sakripisyo mananatiling buhay sa ating bawat diwa.

60


61


Hindi Kayo ang Gobyerno Para sa mga politiko, Hindi kayo ang gobyerno, Wala sa kamay ninyo ang trono Mamamayan ang nagluklok sa inyo At kaya rin nilang sipain kayo paalis sa pwesto. Sa ilang taong pagkakalugmok, Natuldukan ang mahabang dagok Lumaya ang Pilipino at ang midya’y lumahok Pasistang lider, tanggal sa pagkakalukok. Boses ng mga Pilipino ang namayani Bagong umaga’y natanaw na muli Rebolusyong gawa ng mga makabagong bayani Kalayaang ipinaglaban nila’y tayo ang umani.

62


Sa Sariling Kamay Kamay ng madla Kapalara’y nililikha Dilim, wakasan

Isang Laban Mula sa isang diktador, Ang ating bayan ay nawalan ng kalayaan. Mula sa isang mapang-api, Ang mga tao ay nawalan ng kakayahang lumaban. Mula sa isang magnanakaw, Ang Pilipinas ay nauwi sa kahirapan. Mula sa isang mapagsamantala, Ang bayan ay nawalan ng kapayapaan. Ngunit dumating ang isang araw, Ang mga mamamayan ay nagising sa katotohanan. Sa lansangan ng EDSA ay nasaksihan, Ang karapatan at kakayahang lumaban. Puno ng pagnanais na matapos ang pang-aapi, at hangad na simulan ang demokrasya at kalayaan. Sa isang laban, napaalis ang diktador Sa isang laban, ang mga Pilipino ay lumaya sa opresyon.

63


64


Kalayaan

Ang masa’y nag-alsahan Para sa isang laban Na siyang nakapagbago Ng buhay at estado Mga mamamayan ay tumindig At hindi nagpulig Sa kamay ng mapang-abuso At maituturing tuso Nagbunga ng demokasya Para sa bawat isa Ito nga ang minimithi Ng ating lahi at lipi Yumabong ang pagkakaisa Patriyotismo’y kitang-kita Kalayaan ay natamasa Nang nasibak ang pasista

65



KABANATA

Traydor

III

Lunes na naman, panibagong linggo panibagong pasakit. Dalian akong sumakay sa loob ng jeepney nang huminto ito sa kung saan ako nag hihintay. Nang makahanap ng mauupuan agad kong binuklat ang aking libro. Habang patuloy ang pag-andar ng jeepney sa daloy ng trapiko, napadpad ako sa isang pahina kung saan ibinibida ng karakter na babae kung paano siya tinuruang mangaso ng kanyang ama, nakakalungkot nga lang na ito’y pumanaw na dahil sa trahediya. Napansin kong maaga pa pala, alas dos ng hapon pa naman ang klase ko kaya’t nagpasya akong daanan muna si papa bago umuwi at magpakalungkot sa apat na sulok ng dormitoryo. Nangati ang lalamunan ko sa pag sigaw ng “para po” para mas mabilis marinig ni manong driver. Nang huminto ang jeepney ay huminga ako ng malalim, gusto kong ngumiti ngunit hindi ko magawa. Agad akong bumaba sa ilalim ng tulay at nag tulos ng kandila. Madalas akong dumadaan dito sa ilalim ng tulay upang dalawin si papa, dito kasi siya natagpuang walang buhay, nababalot tape ang buong katawan, at may karatulang nakalagay sa tabi na nag sasabing “adik ako, huwag tularan.”

Martes. Pagod na pagod ako galing eskwela kaya nagpasya akong matulog nang dumating ako sa bahay. Tila sinasakal ako ng init ng Marso habang naliligo sa pawis nang magising ako dahil sa sigaw ni papa. Lumabas ako ng kwarto at inabutang nanonuod ang aking mga magulang ng debate ng mga nagnanais na maging pangulo ng bansa. Nalalapit na nga pala ang halalan. Kita ang ningning sa mga mata ni papa habang pinapanood niyang mag salita ang kanyang manok para sa pagkapangulo. Napasigaw si papa ng “change is coming” dahil sa tuwa. “Sigurado ka bang iboboto mo siya? Hindi bat dati lang naman s’yang alkalde. Sa tingin mo ba ay handa s’ya?” tanong ni mama sa kanya. “Abay oo naman!” galak na sagot ni papa, “hindi mo ba nakikita na siya ang pinakamatapang na kandidato? Bukod don ay naniniwala ako sa kanyang mga pangako. Dibat sabi n’ya na pupuksain n’ya ang droga sa Pilipinas at mag tatayo siya ng bandila ng Pilipinas sa islang inaagaw ng Tsina. Sa lahat ng kandidato ay siya lamang ang may tapang, kayat siya ang iboboto ko” dagdag pa n’ya at pinanindigan ang kanyang desisyon. Lumaki akong mas malapit kay papa, mataas ang tingin ko sa kanya dahil kahit isa lamang s’yang trycicle driver ay handa s’yang kumayod upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng buong pamilya kaya labis ang aking pagkabahala sa naging desisyon niya. Dumating ang ika-siyam na araw ng Mayo, araw ng halalan. Sinamahan ko ang aking mga magulang sa prisinto. Paglabas ni papa sa prisinto ay agad niya akong nilapitan. “Anak, pag ikaw ay tumungtong ng disiotso anyos ang pagboto ay kasama na sa iyong responsibilidad. Tulad ko, kailangan mong mamili ng pinuno na sa tingin mo ay makakatulong sa ating mahihirap, pinunong makapaghahatid ng pagbabago sa bayan.” Sambit n’ya habang pinapakita sa akin ang asul na tinta sa kanyang daliri. Lumipas ang mga buwan at taon tila ba taliwas sa prinsipyo ni papa ang pangulong ibinoto n’ya ngunit patuloy pa rin niya itong sinusuportahan. Laman ng mga balita ang mga kaso ng patayan sa ibat ibang lugar sa Maynila at sa buong bansa. Nakakapangambang dahil isang kaedad ko ang napaslang.


“Kawawa naman ang batang iyan, bibili lamang ng inumin ay binaril na ng walang kalaban laban.” sambit ni mama habang pinapanood ang balita. “Anong kakaawaan mo sa adik? Hindi babarilin ng pulis ‘yan kung hindi siya nanlaban.” Laking gulat ko sa sinabi ni papa. “Papa hindi ba at mali pa rin ang nangyayari?” “Walang mali sa programa ng president. Tinutupad lamang niya ang kanyang pangako, anim na buwan at wala ng droga sa bansa. Narito na ang pagbabago, kailangan na lang tanggapin ng mga tao.” Sambit niya.

Ika-walo ng Disyembre. Binabalot ng lamig ang aking katawan habang nakahiga sa aming matigas na banig. Alas diyes na ng gabi ay wala pa rin si papa. Hindi na naman s’ya nakasalo sa hapunan. Nagulat ako nang makarinig ng sirena ng pulis sa labas ng aming tahanan. Kumukutitap ang nag lalaban na kulay asul at pulang ilaw nang buksan ni mama ang pinto. “Ito po ba ang inyong asawa?” agarang tanong ng pulis na bumungad sa aming pintuan. Halatang natatakot si mama sa kanyang pagtango at inanyayahan kami ng pulis na sumama sa kanila upang makita si papa. Lalo akong binalot ng kaba nang mapansin kong sa ilalim ng tulay ang direksyon ng aming sinasakyan. Napupuno na ng katanungan ang aking isipan. Binuksan ko ang pintuan ng kotse. Nanginginig ang aking tuhod habang dumadampi ang ihip ng hangin ang aking mga binti. “Natagpuan na lang po ang katawang ito rito. May nakapagsabi sa amin na maaaring ito ang mister n’yo. Sinama namin kayo rito upang kumpirmahin…” tuloytuloy pang nag salita ang pulis, ang dami-dami n’yang sinasabi. Lumingon ako kay mama at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata n’ya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at naglakad kami papalapit sa isang katawan na nakabalot sa packing tape. Dahan-dahang inaalis ng dalawang pulis ang nakabalot na tape sa bangkay na tila ba ito’y isang regalo sa kanilang Chrismas Party. Huminga ako ng malalim, untiunting pumapasok ang malamig na hangin sa aking ilong at pinapatuyo nito ang aking lalamunan. Sana ay mali sila ng hinala, sana ay pauwi na si papa galing pasada. Nang matanggal nila ang nakabalot na tape ay agad bumungad ang mukha niya, si papa nga. Napaluhod si mama sa bangkay niya at umiyak nang umiyak. Napako akong nakatayo at nagmasid sa paligid. Isang segundo ay nasilaw ako sa puting liwanag, ilaw pala iyon ng kamera. Patuloy lang ang pagkuha nila ng litrato kay mama habang kandong kandong ang bangkay ni papa na tila ba isang artista. Naluha ako nang maalalang muli ang mga nangyari. Tuluyan nang natunaw ang kandila. Pinunasan ko ng panyo ang naghahabulan kong pawis sa mukha. Nagsabi na ako ng paalam kay papa at sumakay na sa jeepney na dumaan. Binuksan kong muli ang librong aking binabasa. Mahang-mangha ako sa babaeng bida, lumaki man siyang walang ama patuloy pa rin niyang ginagamit ang mga aral na naituro nito sa kanya. Ang babaeng bida sa libro ay maituturing kong idolo dahil sa kanyang paninindigan hindi kagaya ng idolo ni papa na nangako ng pagbabago ngunit hindi pala maganda ang kalalabasan. Sulat ni Danver Manuel Pabalat na Dibuho ni Nathaniel Pineda Anyo ni France Joseph Pascual


Midnight Apparition I’ll wait for the day When all the skeletons rise, holding hands. Their hands, bruised for begging so much. Their skeleton feet screech out their presence —for once, they’re not heard. On each district, someone had died Unless you’re rich Unless you’re powerful. In this world, being poor is a sin. Waking up at the wrong side Will get you killed. A peaceful night, so-called Because you will forever rest in peace. So haunt them, Drag their body across the bed Like how bodies were dragged, lifeless. Make all their Chinese plates fall Like it is a horror movie. Do it, for those who fed us For those who gave food, But don’t have food on their own plate. Do it, for all the shattered dreams And broken promises. Do it! See, this is where we are now Bowing to the Grim Reaper we once mistaken as God Only waiting for our names to be called. We slept at night, drenched with cold sweats Unsure, if tomorrow, we will have a job if tomorrow, we will have a food if tomorrow, will even come to us.

69


Sa huli ang pagsisisi Kinatatakutan ng karamihan Pinunong malakas, may paninindigan Ilan lang sa mga umangat na katangian Ng pangulo ng ating bayan “Anim na buwan para sa pagbabago” “Kung ako ay inyong iboboto” Ito ang kanyang pangako Ngunit lahat ng ito ay naglaho Kamay na bakal na naturingan Ngunit mga panagako’y di mapanindigan Nagutom ang buong bayan Nagdusa ang buong mamamayan Ngayon aking kaibigan, Iyong pagnilayan Ang mga desisyong iyong binitawan Anim na taon na ang nakaraan Tama nga sila, Nasa huli ang pagsisisi

Puro Salita, Walang Ginawa Sabi nila, kaya raw nilang puksain ang droga, Tatlo hanggang anim na buwan ang ipinangako nila. Sabi rin nila puksain ang mga tiwali, walang korapsyon Ngunit ngayong lugmok na sa utang, kaya pa bang umahon? Maraming plataporma ang inilatag noong panahon ng eleksyon Ngunit nang makuha ang pwesto’y tila bigla itong itinapon Marami ang nabiktima sa kanilang matatamis na salita Ngunit ang mga ito’y tila sa hangin na lamang inilista. Madalas nating marinig noon sa matatanda, Sa mga sabi-sabi ay huwag agad maniwala Ngunit dahil sabik sa pagbabago, Mali ang mga nailuklok sa pwesto.

70


Paanyaya

Hindi lahat ng kumakatok ay karapat-dapat pagbuksan—

Isang leksyon na aking natutunan mula sa mahirap na paraan. Isang malaking pagkakamali ang pagpapaunlak sa imbitasyong iyon, maging na rin ang pagtitiwala sa kanilang naka-uniporme’t ginintuang tsapa. Ngunit ako nga ba ang dapat magbayad sa pagkakasala ng iba? Sapagkat pagkarating sa istasyon ay inilatag na nila— Mga pakete ng shabu, pera’t paraphernalia.

71


Imahinasyon ng Manloloko Bulaklak at paraiso, ‘Yan ang pangako mo. Sa bawat buka ng iyong bibig, Daig pa ang nanliligaw sa iniibig.

Aba ginoong berdugo, Napupuno ka ng kabulatawan. Ang titulong ‘comedy king’ ay sa iyo na. Bukod kang pinagpala sa handa mong tinapa At pinagpala naman ang iyong mahimbing na pagtulog. Kasintalim ng itak, Ang ‘yong mga salita. Parang isang tabak, mapurol at kinakalawang. Aba ginoong berdugo, Napupuno ka ng kabulatawan. Ang titulong ‘comedy king’ ay sa iyo na. Bukod kang pinagpala sa handa mong tinapa At pinagpala naman ang iyong mahimbing na pagtulog. Sa iyong mga pangako, Wala ni isa ang nagkatotoo. Lahat ay napako, Sa lugar na bunga ng imahinasyon mo.

72


F ree trial

Kaliwa’t kanang pangako ang aking naririnig mula sa mga nagnanais mamuno sa bayan namin. Sa panahong ito, sila mismo ang lumalapit sa mga nangangailangan, Pinaniniwala ang nais nilang posisyon ay kayang gampanan. Ngunit bakit tila free trial lamang ang kanilang serbisyo? Bakit nakalimutan na nila ang mga tao nang sila’y maluklok sa pwesto? Binaon na nila sa lupa ang mga pangako sa mga mamamayan. Nawala na ang mga taong nagsabing tutulong sa aming kahirapan. Sabi nila, parating na raw ang pagbabago Sabi nila, ikabubuti raw ng bayan ang kanilang pamumuno Sabi nila, kaya raw nilang lutasin ang ang problema ng mga mamamayan Ngunit habang tumatagal, aking napagtanto na pinaasa lang nila ang bayan

73


Walang Bago Patok at maingay ang kanyang pangalan At kahit sa’n ako mapunta’y siya ang laman ng usapan “S’ya ang aking iboboto!” saad ng tatay ko Tanong ko’y bakit, sagot niya’y “Si Duterte ang pagbabago” Limang taon ang nakalipas, sikat pa rin siya Marami pa rin ang kanyang napapaniwala Maliban kay tatay na itsura’y bigo Nakatitig sa kawalan sabay sabing “Bakit sa kanya ay nagpaloko ako?”

The Arrow that Never Missed There I was In awe of a new figure By his words, I’m captivated By his aura, I was stunned He seems to be of a great warrior Doesn’t fear no one, Seems to care for everyone I believed I was too desperate that I believed Far away, he stood Holding his bow and arrow, He seems to be aiming at someone And bullseye! ‘Twas right, he never missed But his target is different from expected It wasn’t the antagonist of the show that he started

74


Huling Tahol ng Alaga ng Tsina Umasang Pilipino Ika’y binoto Binigo lang ng aso.

75


76


Sino ang Niloko? Awit noo’y progreso Subalit ngayon, Wala pa ring asenso.

77


The wrong choice Berries are good Berries are nice They’re labelled as sweet Only sweet for the eyes

For the ones you picked Which you thought were fresh The ones you thought were scrumptious Were destroyers of flesh You took a bite One that is unsure and weary Little did you know It was a Nightlock berry

78


The Victors

Vying to the thirst of capitol’s enjoyment, Inclination to civil reverberation is the recent pristine, Change will be the heart of the supposed movement, Tolerance is the practice of historical revisionism, Oath of duty is carved in the rusted metal, Resilience is not business as usual, Soon to be eliminating rules of the radicals. 79


Faux pas

What a cover-up Have we truly escaped it? Look around you, pal.

Apple on the head

With the score of eleven, She gain attention That affected her gameplay

80


Trolls

It was a race on bomb-filled grounds All of it planted meticulously Those who don’t know, walks with misfortune Of the explosion they cannot see

Sneaking with uncertainty just for the chase It’s all fun and games until it comes haunting back Now comes a dilemma, like solving a maze This route is false, these bombs are a hack They were the capitol’s weapon, against winning the games The clueless believes and to that they lose A step of misinformation, a strut out the gates Gives way to the dark times, void of colors and hues

Cold truth

How long will it take? For them to see that the odds Never favored them.

81


facade

Was it the flamboyant flame or the fiery eyes That drew people headfirst towards this guy Was it the brave lips and the sound it rings That made them sing the change battle cry Whatever’s the reason it was all red Love and praises, courage and confidence And he wore that banner willingly He draw strength from the belief on him But red was the crippling shadow on his back When light of victory shone onto his figure It was war, bloodbath and sacrificial lambs Truly, he radiated that loving him was red; A luminous fire that leaves nothing unshredded

StarCrossed Lovers 82

The impoverished and the poor decision-maker. An unlikely pair that won, at least in the drawn paper, ‘cause for the days to come the promises will be drowned with the ever hoping of a place safe and sound. Bitter lies, lullabies puts you to sleep as you dream of failures achieved.


A Dead Man‘s Wish Stained sceptres are passed like blood-drenched guns, invisible camouflaged by a grain, we must be thankful for. Line! like starving dogs at the king’s feast with fist; clenched.

They say, be careful what you wish for. We asked for peace, only to be silenced. We are given, only to be given less. We wanted change, and we got it —only it is the change we despise. Pray with wide-opened eyes when the word “innocence” fades after a gun was shot; be careful! Why mustn’t they reap what they sow? The crow isn’t scared anymore. proud, Sitting above the pile of bodies, bowed Swimming across the ocean of tears, loud Singing lies we don’t believe in, — not anymore.

83


These past few years were horrendous. The justice system had been completely screwed over and over again, leaving nothing but bloodshed and chaos. No word could possibly define exactly what I have experienced, witnessed, and discovered as a reporter for our local news agency but if I would be given a chance to pick one? That word would be daunting. Lives were lost due to the injustice being served especially to the underprivileged. It was during times like these that I start to question the inequitable world we are living in, then I remember why I wanted to pursue this profession. The news never sleeps. Even if it means exposing my life in danger, I’d still do it without hesitation because that is what journalism means—being a fortress of truth no matter the adversity.

Melancholy Of Tales Untold

84

Despite the doubts, red-tagging, and the recent case filed against us, we will forever be a mockingjay; a voice; a beacon of hope— retaliating to the lingering fear beyond the gates of the prejudiced capitol. Knowledge and social awakening has its consequences, a price we all paid with our innocence as we entered the world of news writing. Accepting these realities means opening our mind to things we weren’t aware of in the past. Life is far from rainbows and unicorns we imagined it to be as a child. And if you wish to remain happy, comfortable and positive, do everything in your willpower to ignore it. But unfortunately, we can’t; and we choose not to.


Viceful Victors

Who was your victor? Some polished their images, with sugarcoats and gilded frames. Some manipulated the game, buying and selling secrets. Some prepared to kill, with sharpened fangs and arrogant glares. Some prepared for change, whether for good or otherwise. Did your victor have your best interests in mind? Or did they fight only to save their own skin?

Peacekeepers, Warmongers Change came, yes it did. Guns had more bullets to fire At more innocents. Bang! Bang! Guns went bang! Death ev’rywhere in the streets Blood spilled. No, it poured. Red-colored concrete Painted by the loss of lives All under his reign.

85


over recycled

over-recycled trash was the thought of the “change is coming,” people drowned, yet alligators are in a champagne sea, swimming, they pity the poor during campaigns, sobresaliente in acting, now they forgot the people and just cared about the partying using the mic to spit vomit-material filtered lies was them, blinded by the position, now they grew from seed to stem, they are now acting wild, never have they ever been tame, we should put a stop now: are you ready? because I am they make the same promises, and break them into pieces, swearing is their hobby, twisting stories is their job, Jesus! they will give you a step forward; their positive rate rises, then you’ll have ten steps back for they love trial experiences it really is not too late to speak up and voice out the people’s hearts, stories of the community must be shared for this is a good start, collecting the concerned souls and the generations taking part, begin an impactful simulation, and see the golden flying spark rocks must be thrown to those who dream for and power, and see if they will build a rock-hard castle or just a wooden tower, this will show how sincere they are and fight for things that matter, for the people to know who is determined, and who will give care the community is the test, let’s make the challenges hard, this is for compassion and tenacity which is not for the retard, we should look for their service that will last; not a trial card, and a spirit that moves around us and will always be there to guard if we succeeded to test and choose good governance and leadership, there will be no hunger games, and the frozen dark past will flip, maybe “change is coming” is somehow true, let’s all take a leap, and fly to the future of the developed country with companionship

86


Unfavored By the Odds We stand divided, That’s why we’ll fall united Are you now prepared?

old scheme

killing all the dream what an old practiced scheme change is coming: dream! old scheme, so bland nothing changes; nothing new what if old is new? old: trust the process new: take part of the process scheme: a new world

87


Paruparo ni Effie Madalas inihahambing ang buhay ng tao sa buhay ng paruparo. Sabi nila, tulad ng mga ito ay inihahanda tayo ng ating mga kabiguan sa ating tagumpay, Sabi nila, tulad ng mga ito ay lilipad din tayo at mapupuno ng kulay ang malungkot nating mundo. Ngunit nakalimutan yata nila na hindi lahat ng paruparo ay pare-pareho — dahil may mga mapagpanggap tulad ng paruparo ni Effie. Hindi tulad ng iba ay sa patalim ito kumakapit. Sa halip na tahanan ay kulungan ang binubuo nito habang lumalaki. Sa paglipas ng panahon ay hindi ito lumilipad bagkus ay gumagapang. Kabaliktaran sa nakasanayan ay pula lamang ang taglay nitong kulay. Kalabisan bang hilingin na ang imahinasyon ay maging katotohanan? Masama bang umasa na ang pangako ay mapaninindigan? Ganoon siguro talaga kung sa maling paniniwala namanata. Dahil sa mundo ng mga paruparo, Lagi nga palang may katulad ng kay Effie — pang-dekorasyon lamang.

88


Capitol

games are called unfair, not when players demand change— but when commands are.

89


Pinili ng karamihan sa sambayanang Pilipino Ang sabi kasi niya ay parating na ang pagbabago Ginimbal ang Pilipinas sa kaliwa’t kanang karahasan Bubuwagin daw droga at katiwalian. Asahan kalinisan sa loob ng anim na buwan Babaguhin ang Pilipinas mula sa nakasanayan Ako man ay aminadong isa sa mga naniwala sa mga pangako Gaya ng iba’y hangad ang pagbabago Oh, ano ngayon ang resulta? Rumatsada, hindi matapos na patayan Ang hinagpis ng mamamayan Wakasan na ang rehimeng mapanlinlang! Seems like every promise is an illusion Clever to fool an unwise Anyway, what is the essence of all? Man of lies is above the nation. 90


Itak

Sapagkat ang pangako ay inaasahan ng pagtupad. Ngunit kapag ikaw naman ang nangako, ay may sumpa na mapapako. Sakit ang idinulot sa puso, na umaasa sa pagbabago. Dahil ayon sa aso, tatahol siya para sa progreso Itinaga ko ‘yon sa bato, ngunit binato ako ng itak.

91


To the Tribute that Swore ​​ tribute he was once A Who told the people his plans To help the poor and distressed ones And to ride a heroic voyage to reclaim an island The other tributes were as famous as he is And had visions, even better than what he sees But the odds strongly favored him Only because of the words “Change is coming.” Like animals, they fought Using mere words to cut their foes But in the end he was hailed victorious The chair given to him to prove how he is glorious With power in his hand and honor in every word he spoke He quickly switched his ground, claiming every word to be a joke Turning back time’s not a choice, but we must refuse to just endure Six years to be wasted under the childish regime of someone immature

92


The Hanging Tree Imagine how better our situation today would have been If the election back then was not for presidency But for the man who we will be hanged in the hanging tree Yes, I think this is democracy

93



KABANATA

IV

Bilanggo

Hindi ako naniniwala sa Feng shui pero nanalig ako nang sabihin nitong mapupuno raw ng pagpapala ang taong 2020. Hindi ako mahilig sa mga hula ngunit nang sabihin nilang maraming magbabago sa dekadang ito, naniwala ako. Naniwala kami. Hindi naman nalalayo sa katotohanan ang nangyari. Tila tuluyan ngang nagbago ang ihip ng hangin at ang agos ng kapalaran na dumadaloy sa buhay ng bawat isa. Hanggang ngayo’y batid ko pa rin ang mga alaala mula sa mga nakalipas na buwan. Mula sa pagputok ng mga kwitis simbolo ng pagsisimula ng panibagong dekada hanggang sa panahong kasalukuyan; batid ko ang pagbati ng ‘manigong bagong taon’ hanggang sa pagdating ng siyang sisira ng lahat. Mabilis na kumalat ang COVID-19 sa buong mundo; nananakop ng mga katawan at isipan na may isa at tila hindi mapipigilang utos: manira. Ang pagwawaksi ng gobyerno sa mga suhestiyon ng madla na ipasara ang mga paliparan at kanselahin ang mga flight mula sa ibang bansa lalo na sa Tsina ay tila isang pagtalikod sa bansa at sa mga mamamayang pinangakuan nitong pagsilbihan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ipinanalangin na sana ay panaginip na lamang ang lahat at magigising na lamang ako isang araw na nakabalik na ako sa panahong maayos pa ang lahat. Hindi ko rin mapigilang isipin kung mayroon pa nga bang pag-asa na makabalik muli sa ating nakasanayan noon bago ang pandemyang ito o patuloy nating mararanasan kung gaano kadali sa panahon na ito ang mawalan ng hanap-buhay, ng saya, ng pag-asa, ng mga mahal sa buhay, at maging ang mga mangagawa sa pagamutan na napagkaitan ng bukas. Malinaw pa sa aking isipan ang araw na iyon. Maaliwalas ang araw noong hapon na iyon ngunit malayo rito ang sitwasyon sa loob ng emergency room gaya na rin ang lagay ng mga kapwa ko frontliners na nagtitiis ng init sa loob ng kulob na PPE. Maghapon na kaming umiikot sa ospital at kaliwa’t kanan ang mga inaasikaso’t tinatanggap na pasyente kaya’t hindi pa kami makapagpahinga. Ganito ang kadalasang nangyayari sa isang tipikal na araw sa ospital bilang isang chief nurse sa gitna ng pandemya. “Chief, may bago pong iaadmit na pasyente. Kasalukuyan na po siyang inililipat sa COVID ward.” sambit ng isang nurse bago pa man ako makaalis sa emergency room. Kalmado ngunit may pagmamadali naming binagtas ang mga pasilyo papunta sa nasabing ward ‘pagkat kailangan ng agarang tulong sa mga ganitong kaso. Isang malawak na ngiti ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa kuwartong kinaroroonan ni David. Naka-intubate na siya upang matulungan siya sa paghinga at makikita mo ang paghihirap sa kanyang mga mata. Napansin kong nanginginig ang kanyang mga kamay kaya’t nagdesisyon akong magpaiwan muna upang samahan siya. Nanatili kaming tahimik, tanging paghinga lamang ang maririnig.


“Alam mo habang nakasakay ako sa ambulansya kanina, isang tanong lang ang umiikot sa aking isipan. Bakit ba ako lalaban? Matanda naman na ako. Kahit papaano, nabuhay nang matiwasay,” saad niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagyang pinisil iyon. “Tapos naisip ko, mayroon akong pamilyang nananalig na makauuwi ako nang buo. Kung nanaisin ng Diyos na bawiin ang buhay ko ngayon, paano na lamang yung pamilya ko? Magtatapos na ang aking bunsong anak sa hayskul ngayong taon. Habang ang panganay naman, magkakaanak na. Kung mawawala na ako ngayon, hindi ko na maaabutan yung iba pang mga pangyayari sa buhay nila. Paano na lang yung mga araw na maaari pa naming pagsaluhan, hindi ba?” “Kahit papaano’y naiintindihan kita. Huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat upang mapagaling ka.” usal ko sabay tapik ng kan’yang balikat. Matapos iyon ay sabay kaming nanalangin para sa kanyang paggaling. Sa mga oras na iyon, pinili kong umasa’t maniwalang muli. Akala ko, kahit papaano’y makatutulong ako na gawing tutuldok ang siyang tuldok na tatapos sa mga pangarap ng aming mga pasyente. Ngunit tila sinusubok nanaman ang aking katatagan sa napiling propesyon. Kinabukasan ay nalaman ko na lamang na nagkaroon si David ng cardiac arrest na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Hindi na niya maaabutang magtapos ng hayskul yung bunso niya o mahawakan man lang kahit saglit yung apo niya. Wala nang bukas na sasalubong. Araw-araw kaming nakaririnig ng masasamang balita, subalit, kahit ilang taon pa ang lumipas, tila kailan man ay ‘di ako masasanay sa ganitong pangyayari. Walang masamang balita na hindi nagdulot ng pighati sa aking puso. Siguro ito na rin ang kabiguan sa pagtatrabaho sa isang lugar kung saan hindi maiiwasan ang kamatayan; hindi lamang kami pinagbabawalang magreklamo ngunit ang pagdadalamhati lamang ang kaya naming ialay para sa mga nagwakas. Wala kaming ibang magawa kung hindi manood habang harap-harapang nagsisinungaling sa amin ang mga pasyente sa takot nilang gumastos at magpagamot, habang sinusubukan naming makalampas sa mala-patinterong sistema, habang nakikipagbuno kami sa linyang namamagitan sa buhay at kamatayan, at habang ang bilang namin ay patuloy na nababawasan. Lahat ng ito’y para sa mga mamamayan, kapalit ang dalawang libong pisong pandugtong sa aming mga kaluluwang nakasanla na kay San Pedro. Magdadalawang taon na rin mula nang maitala ang unang kaso. Magdadalawang taon na mula nang sinimulan na’ting tiisin ang kapalaluang lumabas nang dahil sa pandemyang ito. Magdadalawang taon na ngunit hanggang ngayon ay dinadala pa rin ng mga mamamayan ang pagdadalamhati para sa mga nasawi at nawalan at ang bigat ng kanilang nakaraan. Madalas, hindi naman talaga pandemya ang kumukuha ng buhay kundi ang kawalan ng plano mapang-alipusta at makasariling estado. Sabi nila, magiging ayos din ang lahat pagkatapos ng pandemyang kinahaharap subalit ang lubos na katubusang kanilang pinapangako ay isang malaking kasinungalingan. Ang mga alaala’y pwersahang magpapaalala tulad ng isang tren na hindi mo matatakasan bagkus patuloy na bibilanggo sa iyo. Sa huli, malagpasan mo man ang delubyong ito o hindi, hindi ka panalo. Sulat ni Ferdinne Julia Cucio Pabalat na Dibuho ni Nathaniel Pineda Anyo ni France Joseph Pascual


The Tale of the Capitol, the District, and the Tribute Famine-stricken dystopian living, I never imagined such suffering. Poverty worsening and justice further sinking in just one win. A victorious moment so fleeting with six years of festivities in flames. A sprinkle of extrajudicial killings, a pinch of debts for the rise of buildings, a ton of hate culture over the critical - the perfect recipe for their so-called achievements. Innocent citizens trapped in the dome of democracy breach. One by one, they drop on the ground; two by two, they are marked red by the fools; more and more, their stories being buried like forgotten lore. It is an effort to overthrow a rule breaker ruler, even now that he has now dominated the chessboard with his pawns. This is not Panem, but it deeply mirrors ours, a world where you must kill to live but not without having your soul to bleed. We must hope this is not the end.

97


Nightlock Berries Even foxface didn’t expect, that such berries will kill anyone, before it reaches the stomach. The capitol knew of its danger, but chose to let it scatter in the arena.

98


Nightlock Air A sweet taste, a decadence to behold, is the freedom of experiencing the outside world. Yet, danger roams somewhere in the air: A mist of death covers the world, an inescapable arena. One whiff as sharp as a dagger, one inhale as venomous as a snakebite. A step outside compromises one’s safety. Even the most intricate masks and procedures can falter. A game of survival has become a game of privilege. The cost for safety has become steeper and steeper. Know the tales of those who tried to rid the world of this poison. Know their courage to fight in the war of man and disease. Know their sacrifices, the lives they left to save others’. There’s Nightlock in the air. Be careful.

99


blamed

Barely heard raindrops falter, the muffled workers’ victor. Mockingjays are being blamed for the capitol’s poor games.

Foreshadowing and through the eye of the catastrophe, snow was stripped to just a vapor, vision 20/20, the blind sees once more

100


P-E-E-T-A

Perhaps why most of the good things in life are free is because bad things are meant to cost so much.

Endless are the sorrows because happiness comes in limit. Evenings must be short to dream a nice dream because days of facing the reality are long.

The ratio of life has always been in favor of the doom, As it may be an indication why deaths are considered rest, and every day is called a battle.

101


Catching F ires

In the world that has become a battlefield, money is a weapon; excuses are the shields. In the perspective that has become selfish, survival is by one; deaths are by more. In the struggles that has become an advantage, suffering is preferable; cures are undesirable. And so, to the people who have the grenades, to wash the powdery hands with water is easy, but to catch the fires is demanding.

102


Reaping Day The grim reaper draws names from the fishbowl. The ones written in beautiful calligraphies in papers; and in tombstones. Once your name is called, like in school, you must step forward. Pick up your trembling hands and clanking knees towards the game we call the present.

103


Prayer

God, write my name into that piece of paper Call my name out loud, and I’d imagine that your voice is a trumpet. I’ll dance my way into the game Like I wasn’t afraid of defeat. I’ll lay in my death bed, fighting Catching my breath as if I was running, As if daggers were shot across my chest But it is only my lungs, choking me to death. When you hear the cannons fire, burn me and I’ll be resurrected. Pick my ashes once again And when you breathe upon it, I like you to whisper: District I — reborn me rich, at least give me a fighting chance. Amen!

Amen

Bagong umaga Aabutan pa kaya? Iligtas nawa.

104


105


Modern Heroes Working to save lives Overworked yet underpaid While risking their own

106


The Volunteers

It feels like I’ve been here for ages. I cannot see the end of the tunnel. I’ve heard how people say it’s hard, how they say there is absolutely nothing that can prepare you for it, and once you step on the battlefield, it’ll feel confining for the most part - but push through, you must. So, what I need right now is patience and alertness. I’m stuck on a waiting game.

I see multiple people flash on the screen, the evicted. They’ve lost the battle, with their lives on the line. I do not know them personally, in fact no one here knows anyone, that is unless they volunteered. People who volunteer will be looked up on, be known for a while, but once they enter this arena, the people outside could only watch them try to survive. The public’s eyes are fixated on them, some staring in awe whilst others in feign patronage. People never fully understand their struggle and their purpose. That title and recognition they gave were only a futile attempt to console the volunteer from the fact that they’ve already planted one leg on the grave. Them who chose to play with fire, now harboring nothing but mistreatment from the higher-ups. They’re the embodiment of bravery. I really think they’re cool. Here comes two of them, “Hi, Doc. Hi, nurse.”

The fallen ones

On their left hand stood the three middle fingers That moves to their lips to the sight of you. Followed by a sighed, for they are sick and powerless Our aversion will not suffice From the capitol’s lack of compassion, After they bombed the hospitals, With clear negligence.

107


Piitan

Gusto ko sanang lumabas mula sa piitan na ito. Nais kong muling ipayagpag aking mga pakpak Pero paano? Kung kaligtasan sa labas ay di ko matitiyak. Di ko man nakkikita aking kalaban Nararamdaman kong sa paligid ay tunay na nariyan. Malaya naman sanang lumabas, pero bakit hindi ako makagalaw Bigyan naman sana ng pag-asa Na sa labas ay malayang makatanglaw

3-in-1 Coff(in)ee

The bombs that fell on Hospitals, Filled with people in need of help, Dropped from the sky one by one like petals, All I could do was shiver by myself.

Surprisingly, no noise was heard as they dropped, Only nurses’ footsteps scuttling about, Wheels of beds screeching as they stopped, And crying doctors with no voice left to shout. Refugees of death and disease, we were, But those who helped us were victims too, Victims of the spiteful ways of the ruler, Who paved his way with blood undue. The bomb neither broke nor wrecked the building, Nor did it send bodies flying everywhere, And yet, it was just as effective in killing, The helpless helpers, with no one to spare.

108


Ignorance is a bomb The bombs that fell on Hospitals, Filled with people in need of help, Dropped from the sky one by one like petals, All I could do was shiver by myself.

Surprisingly, no noise was heard as they dropped, Only nurses’ footsteps scuttling about, Wheels of beds screeching as they stopped, And crying doctors with no voice left to shout. Refugees of death and disease, we were, But those who helped us were victims too, Victims of the spiteful ways of the ruler, Who paved his way with blood undue. The bomb neither broke nor wrecked the building, Nor did it send bodies flying everywhere, And yet, it was just as effective in killing, The helpless helpers, with no one to spare.

109


Habag o Hapag? Naku, salubong na naman ang kilay ni Aling Myrna Hawak ko na naman kasi ang kaha ng sigarilyong may mahabang lista “Lockdown pa po eh,” bungad ko agad sa kaniya. Ano ba namang magagawa ko, aba? Nawalan ng trabaho sina mama at papa Kaya utang muna habang naghihintay sa ayuda. “Siguraduhin niyong magbabayad kayo ha!” “Hayaan niyo po, sabi sa balita malapit na.” Sa ngayon ayos na ‘to… Isang kilong bigas at apat na tuyo May laman ang hapag kahit paano. Pasasaan ba’t makararaos din tayo Kahabagan mo kami Diyos ko po.

110


The Universe on pause Empty pockets, lonely tables, stomach aching and unhappy faces this is the picture of many people today. Fright and grief covering our world. The streets that were filled with lively colors are now quickly fading. The peaceful world has been replaced by fear and apprehension. People are gradually losing joy and hope.

Unexpectedly, there came a pandemic. People are worried. People are rushing to buy things that do not really matter at all. As I walked through recalling the old days, my smile faded, tears were falling. The happy place is turning into a lost city. The playground that used to be full of children seems to have become a cemetery that no one wants to go to. The place full of laughter and noise is slowly losing its life. A roller coaster of memories, high and lows is like an unpredictable catastrophe. We are like soldiers who will go to the battlefield without knowing how to use weapons. We are all tired and hopeless because of the trials we face, but look to those people who’s wearing a white laboratory gown, mask and other shields protect their lives they are like us, sad smile flashes in their face and their sweat continues to flow out of exhaustion and behind those small laughter they are shouting for the rest. Their lips are closed, but crying for help. We’re like birds without wings, forgetting how to fly. We are all warriors in our own battles, but this time we need to work together to heal as one.

111


19xx 202x

Ang sabi ni ate magiging English teacher daw siya paglaki. Naalala ko tuloy nung nanalo siya sa spelling bee last year, kumain pa nga kami sa isang fast food chain bilang celebration dahil favorite niya ang fried chicken at french fries. Si bunso naman daw gustong mag-doktor, pero malamang mababago pa yon, dahil ang sabi niya nung nakaraan ay desidido na siyang maging engineer. Sumasakit tuloy ang ulo ko kapag naiisip ko kung gaano kalaki ang kakailanganin para maitaguyod namin ang buhay kolehiyo nila. ‘Di bale maraming taon pa ang mayroon kami para makapag-ipon.

Natutuwa ako’t nakararaos kami kahit pandemya. Malakas ang kitaan ngayon sa online selling dahil takot na lumabas-labas ngayon ang karamihan. Mabilis akong makaubos ng seafoods at mga kakanin, lalo na yung ube halaya. Mabenta rin ang mga prutas ‘gaya ng ubas at lychee, habang hindi ganoon kalakas ang bentahan ng mga damit pambahay at tsinelas. Mahirap man at matrabaho dahil kami pang mga reseller ang kukuha ng mga produkto sa supplier na aming ide-deliver sa mga umorder, tuloy pa rin ang kayod at tiyaga.

112

Nakaka-proud din si mister, unti-unting umaasenso yung seedling delivery business nila ng kanyang mga kasosyo. Ang tanging hiling ko na lang ngayon ay maging ganito ang bawat araw, nagtutulungan at nagsisikap kaming pamilya para makaahon. Kaya naman bakit ngayon pa? Bakit ako? Hindi pa ‘ko handa.


Birthday Gift Kaarawan ko nga pala ngayon, Natapos na naman ang isang taon. Haharap sa panibagong hamon, Babaunin ang aral ng kahapon.

Maraming hinanda ang nanay ko, Ibat-ibang putahe, ibat-ibang luto. Mula sa sopas, spaghetti at biko, Mayroon ding shanghai, pansit, at mga pinirito. Ganito rin noong nakaraang taon, Walang bisita; simple ang selebrasyon, Tila wala pa ring bago sa noon at ngayon, Kailan kaya ang panahon ay aayon? Binubusog ko ang sarili sa sariling handa Wala naman kasing kasama, walang bisita. Kuha nito, kain noon Ganito nalang yata ang mga okasyon Ngunit kanina pa ako kumakain Hindi ko alam kung anong problema sa akin Bakit tila walang lasa ang mga niluto ni nanay? Hindi kaya, walang rekadong nailagay?

113


Ashes

It was the end of the month again Days were passing like the flipping pages of our least-loved textbook How long has it been since we succumb to the power of the enemy unseen? I’m getting tired of getting used to this Yesterday morning, I received a call from my cousin’s wife I enjoyed every bit of our talk since I haven’t seen her in a while But, the atmosphere changed few minutes after On her second call, I felt the numbness of my legs It was the sister of her husband, my cousin, who’s been the topic She told me that the first call was to create an atmosphere But she was scared and lost the opportunity to tell my mother That tomorrow, one of her nieces will come home in an urn.

114


Sa Mata ng Nakaratay Sampung araw na ‘kong nakaratay sa higaan. Tubo na lang ang sa aki’y bumubuhay. Sa bintana natatanaw, maaliwalas na langit, Kailan kaya muli? Tanong sa sarili. Sa aking pagpikit, nakikita hindi langit. Ingay sa paligid, impyerno ang dating. Bawat hikahos ng aking damdamin, Panibagong pangamba ang dadapo sa akin. Isang araw, sa aking paggising Walang nakatakip, maluwag sa damdamin. “Nasaan ako?” Bulong sa ‘king sarili. “Malaya ka na.” Wika no’ng Lalaki sa akin.

Sisid

Masikip, maingay, magulo—ito ang kasalukuyang eksena sa gusali kung saan ako naroroon. Kailangan mo pang makipagbuno’t sisirin ang dagat ng mga tao para sa hinahangad na ginto. Malulunod ka kung wala kang kapit kaya sa mga oras na ito, mapapaisip ka na lamang. Ang sarap sigurong maging kamag-anak ni kapitan. Siguradong diretso na sa listahan ng mga mabibigyan ng ayuda ang aking ngalan.

115


Malubay na pagkapit Anong himbing ang nais? Saang lugar tatahan? Kung ang tanging sandiga’y Nagbubulag-bulagan

116


Nananatiling pikit Musmos na tumatahak Nang lakbaying makipot Walang hangarin kundi Lisanin ang bangungot

117


118


Facemask

Habol-hiningang tumatakbo na para bang hinahabol ako ng kamatayan habang bitbit ang isang plastic na ang tanging laman ay ang panandaliang bubuhay sa akin. Rinig ko ang nakakarinding tunog ng pito na sinasabayan pa ng kanilang mga sigaw sa hindi kalayuan. Nakikita ko rin ang mga ilaw na pilit kong iniiwasan. Ilang sandali lang ay humupa na ang ingay. Siguro ay naligaw ko na sila. Hawak ang dibdib nang huminto at nagtago sa isang eskinita. Muntik na ‘yun ah. Binuksan ko ang plastic at kinuha ang isang buong tinapay na dahil sa pagtakbo ay nayupi na. Napatawa na lang ako saka ibinaba ang peysmask na basa na ng pawis. Sinong mag-aakalang gagamitin ko ito hindi dahil umiiwas ako sa sakit?

Tunay na Kulay Katotohanan. Sa mukha ng pandemya, Di’ pala kaya.

119


Reklamador

“Kaya tumataas kaso ng COVID dahil sa mga ‘to eh.” patungkol ng amo ko sa mga tricycle driver at mga tindero sa kalsada. Mga taong sinusugal ang kapakanan para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya sa gitna ng pandemya. “Paulit-ulit na lang na ECQ! Buryong-buryo na ako sa loob ng bahay tapos labas naman kayo nang labas!” bulyaw niya habang pinaparada ang sasakyan sa tapat ng isang malaking grocery store.

120


121



KABANATA

V

Pananaw

Tadhana man ang sinasabi nilang magdidikta ng kapalaran, ngunit sa aking palagay ay nakasalalay ito sa aking palaso. Sinasanay kong pumana, ngunit ano ang aking aasintahin? Ginugugol ko ang aking oras sa pagsasanay. Hindi biro ang nga napagdaanan kong hamon bago ako nakarating sa puntong untiunti nang nabuksan ang aking mga mata sa katotohanan. Malinaw ko nang nakikita ang liwanag na nabalot ng kadiliman ngunit hindi na gaya ng dati-- naiwan pa rin ang bakas ng iba’t-ibang mga kulay, senyales na hindi pa rin tapos ang unos. Nagbabadya ng kaguluhan sa mga distrito. Sa aking pagmamatyag ay tila nagkakaroon na sila ng dibisyon at hindi pagkakaunawaan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi na lamang iisang kulay ang aking nakikita. Ganitong-ganito rin ang bawat tagpo sa lumipas na mga taong ako’y naging saksi sa mga naganap dito. Hindi na bago sa akin ito, ngunit hindi, ayoko nang maulit ito. Hindi ko na muling hahayaang gamitin ang aking busog at palaso para umasinta nang hindi sigurado. Sa aking pagbaybay patungong kapitolyo, ngayon ko na lamang maisusuot ang aking gula-gulanit na baluti’t armas na tanda ng katatagan sa mga hamong kinaharap ko sa mga nagdaang taon. Hindi na gaya ng dati ang palagid: tahimik, madalang lamang akong makakita ng tao dahil na rin sa lumaganap na sakit dito. Napahinto na lamang ako nang may makita akong taong abala sa kanyang ginagawa. Nakasuot siya ng dilaw at binaggit niya sa akin na siya’y para sa dilaw, nalito ako kung para saan ‘yun ngunit nang tatanungin ko siya’y bigla siyang umalis. Pagod at nanghihina na akong naglalakbay patungong kapitolyo hanggang sa may nakita akong tao. Nagtanong ako kung mayroon ba silang maiaalok na inumin at binigyan nila ako ng tubig. Napansin kong nababalot ng pulang kulay ang kabuuan ng kanilang tahanan, paboritong kulay raw iyon ng pamilya at ang kanilang panig ay para rin daw sa pula. Nalito na naman akong muli sa kanilang tinuran ngunit nang sila’y aking tatanungin ay tuluyan na rin silang umalis.


Sa patuloy kong paglalakad ay nakarating na ako sa kapitolyo. Dito’y mas marami na akong nakikitang mga tao ngunit may malaking pagbabago sa kanilang mga ikinikilos, tila ba’y mayroon silang kaniyakaniyang grupo. Magkakasama ang pula, magkakasama ang dilaw. Pinagtitinginan nila ang aking pagdating. Ang kanilang mga mata’y nakadiretso lamang ang tingin sa akin na parang nagmamatyag at naghihintay na mayroon akong sabihin. Sumigaw ang matandang babae, “Bakit ka naka-itim? Dilaw ka ba o pula?” Nagtataka ako kung bakit ako tinanong kung anong kulay ang pipiliin ko hanggang sa nagkagulo ang lahat at tumuloy lang ako sa aking pupuntahan. Kinausap ko ang aking kaibigan, nabalitaan ko sa kanya ang mga nagaganap ngayon at nalaman ko ngang dalawa ang nagtutunggali para maging lider ng buong mga distrito: dilaw at pula. Matapos ang aming diskusyon, lumabas kami upang makialam sa nagaganap na gulo sa labas ng kapitolyo. Bangayan, away, mga sagutan ang aming naririnig sa dalawang panig. Paglabas namin ay tinungo kaagad ako ng dalawang nais maging lider upang hingin ang aking boto kung ano ang papanigan kong kulay. Nag-iisip ako ng aking isasagot, gulonggulo ang aking isip sa mga nangyayari dahil hindi ko batid kung bakit kailangan pang muling umabot sa ganito ang lahat. Kinuha ko ang aking busog, dinukot ko ang palaso at dahan-dahan kong inunat ang lubid habang nakatingin sa dalawang kulay, pula o dilaw, dilaw o pula. Dilaw... Pula... Hindi. Hindi dapat ganito. Kinuha ko ang palaso at binali ito sa harap ng mga tao. Nagulat ang lahat sa ginawa ko ngunit mariin kong ipinabatid sa lahat na ito ang desisyon ko. Hindi basta-basta ang pagpili. Gaya na lamang ng pagsasanay ko sa paraan ng paggamit ng palaso, hindi mo mapapana ang tudlaan kung hindi mo pa batid kung ano ang dapat mong asintahin. Sinasanay ko pa ring pumana at ngayon, kailangan ko pa ring malaman kung ano ang aking aasintahin. Tadhana man ang sinasabi nilang magdidikta ng kapalaran, ngunit sa aking palagay ay nakasakakay ito sa ating mga sariling palaso. Malaki ang iniatang sa aking responsibilidad ng bayan at iyon ang mamili ng karapat-dapat at susunod na bagong lider. Pamilyar lahat ng mga tagpo, hindi ko mawari kung paano o saan ngunit parang nangyari na ito sa akin. Napatingin na lamang ako sa salamin sapagkat aking nadiskubre na ang bida sa librong aking binasa ay ang mismong buhay ko na sumasalamin sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino na hindi lamang dapat puro katatagan ng loob ang pairalin, kung hindi pati na rin ang damdamin para sa bayan. Sulat ni Jerome Christhopher Mendoza Pabalat na Dibuho ni Nathaniel Pineda Anyo ni Steven John Collado


To all Tributes Joint minds think further It is not a one-man job To efface hunger

125


Pagpili

Bagong pag-asa, Para sa ating bayan. Pili ng tama.

Kung hindi pa, bakit?

126

Tayo ang ibinubuwis, Sa labang tayo rin ang magtatapos. Marami na ang naghihirap, Nagugutom Pero nananatiling pikit-mata ang pamahalaan Tila kinalimutan na ang siyang nagtutuwid Sa sistemang sila mismo ang lumapastangan. Hindi ka pa ba napapagod? Hindi ka pa ba nagagalit? Kung hindi pa, bakit? Buksan ang isip mo, Pinaglalaruan lang nila tayo. At kapag hindi ka lumaban, Lahat tayo matatalo. Mananatiling nasa kanila ang kapangyarihan, Na ang mga nauna sa atin ay ipinaglaban Para tayo ang magkamit ng tunay na Kalayaan. Nasa kamay natin ang susi Nasa boto natin ang kandado At kapag tama ang pinili nating maglingkod, Nasa atin ang panalo.


Tayo Naman Anong petsa na? Nagparehistro ka na ba? Panahon na para tayo naman, Pilipinas naman ang ipaglaban.

Tama na iyong mga politikong magaling lang sa una, Kapag nagkagipita’y hindi na mahagilap pa. Tama na iyong mga pang-artista Dahil wala naman sa estado ang takilya. Piliin natin iyong tahimik, ngunit gumagalaw Hindi iyong sa una lang puro ngawngaw Hindi na makatarungan ang ginagawang paglapastangan Dahil sa kapangyariha’y nasisilaw. Piiin natin iyong hindi mumurahin ang mamamayan Iyong hindi pupuyatin kapag may bagong ihahaing patakaran Iyong hindi sisirain ang tiwala ng taong-bayan At higit sa lahat, may paninindigan. Ngayong sa pwesto sila’y muling nag-aagawan Marapat lang na sila’y ating kuwestiyonin at abangan. Mga nakaupo’y ilang taon na tayong pinababayaan, Oras na para tayo naman, ang tumayo para sa bayan.

127


Bumoto nang Tama Noong nakaraang anim na taon, Makikita kung paano mamili ang Pilipino. Sa darating na bagong eleksyon, Gan'on kaya ulit ang paraan ng pagboto?

Hindi matatawaran ang nakikitang kapalpakan. Masasabing kasinsahol noong sa dekada sitenta. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito, Bakit sa administrasyong ito marami pa rin ang suportado? Tunay ngang pag-asa ang hatid ng halalan. Ito ay kung pipili ng wastong manunungkulan. Pero kung hindi, paniguradong Mauulit lamang ang bangungot ng kahapon.

128


129


Si Marites Ngayong Halalan Halalan na naman Nagkalat na naman si Marites sa lansangan Puro bunganga wala namang laman Iboboto si ganito dahil sikat at mayaman Halalan na naman Talamak ang dayaan Talo ang matalino sa kurakot na mayaman Sabi nga ni Marites, pera pera ang labanan Halalan na naman Nakasalalay sa kamay natin ang bayan Ang ikagiginhawa at kapayapaan Marites, tama na ang katangahan Halalan na naman Para sa mga botanteng Pilipino diyan Kung ikaw ay matalinong mamamayan Si Marites ay wag tularan

Multiple Choice starting a sentence with a capital letter and ending it with a period has been an unspoken rule, believed by many and neglected by some which isn't surprising, honey. like different houses painted with different colors and magical stories fueled by characters and patient labors, your life, your choice. and when you choose, may your choices allow you to sing the song that makes you smile, adore every mile, and dance amidst the rain.

130


1.6 1 Mllion

People deserve competence, Transparent government, hence, Let's take our vote as defense To those aspiring non-sense

Maskara

Kampanyahan na naman Mag-ingat ka! Marami ang mapanlinlang Baka mahulog ka sa patibong nila ‘Yang mga politikong nasa balita May tinatagong mukha sa likod ng maskara Maiging kilatisin muna Bago mo itiman sa balota.

131


Bakit dilaw ang saging? Pangako mo’y gasgas na ‘di na palilinlang pa Ang serbisyo mo’y bulok Saging man ay may uod

132


133


Kapit-bisig Hadlangan man ng unos, Mananatiling wais Hindi na mauulit Mga dala mong pait

'Di na muli

Naranasan mo na at nakita, Nakilala mo na rin sila. Kung noo’y wala kang nagawa, Ito na ang iyong simula.

Sa aking pagtulog Oras na ba para matulog? Sana’y sa pagkakataong ito’y mahimbing na ang aking pahinga. Gusto ko nang kumawala sa bangungot at sakuna. Kailan ba tayo makakahinga? Sa aking bawat pagtulog ako’y nananaginip. Hinahabol nila ako. Sa madilim na eskinita, tinatawag ako ng mga mama. Sinasaktan nila ako. Sinasakal hanggang di makahinga. May pag asa pa ba para ko’y makawala? Hindi pa patay ang aking pag-asang matuldukan na ang ating pagdurusa. Sa ngayon, marami pa ang hindi nagmumulat ng mata. Ngunit, ito na ang pagkakataon upang magising sa bangungot. Gamit ang aking kalakasan, aking pupuksain ang kalaban.

134


Hiling ng Isang Bagong Botante Sana magkaroon na ng magandang pagbabago Sana bukas na ang isipan ng mga boboto Sana hindi na mapagsamantala ang mga kandidato Sana mawala na ang mga manloloko Sana hindi lang puro pangako Sana hindi nila sirain ang tiwala ng mga tao Sana sa hinaharap, sila ay may konkretong plano Sana mawalan na ng karahasan sa bayan ko

135


Panahon na naman

Nalalapit na naman. Ang panahon kung kalian muli nating masisilayan, Matatamis na ngiti ng mag-asawang Aquino Sa malutong na limandaang piso. Kung seswertihi’y mamamasdan din, Malawak na ngiti ng peministang si Escoda Kasama sina Lim at Abad Santos, Na pawang respetado noong panahon nila. Higit sa halaga ng kanilang nagawa sa bayan Ang halaga nila ngayon sa mamamayan Na kung tutuusi’y mas kapaki-pakinabang Sapagkat magagamit ito pang-laman tiyan. Walang makapagbabago sa desisyon at sitwasyon ng iba. Ngunit, nawa ay maisip nila Na hindi kapirasong papel lang ang katumbas Ng tatlo hanggang anim na taong kalagayan ng bansa.

136


Laban Ito’y oras na, Kadilima’y puksain Dusa’y tapusin Ipanalo ang bayan, Karapatan ilaban!

137


Mayo

Bukas na ba ang mata? Nakarehistro na ba? Matatalinong madla, Hindi silaw sa pera.

Ha? Halalan!

Huwag kang papayag kaibigan Na mga pasista ang muling mululuklok sa kapangyarihan. Silang nagbibingi-bingihan sa panaghoy ng mamamayan Bituka’y halang, umabot na sa kasukdulan. Hindi pa huli ang lahat Dapat nang wakasan. Ha? Paano? Magparehistro, bumoto at makialam. Sa darating na halalan, piliin mo ang bayan.

138


Sisikat Muli

Hindi na muli magpapalinlang Sa mga pulitikong nangungurakot at nanlalamang Sa mga pulitikong sariling kapakanan ang inuuna Sapagkat sa susunod na halalan, tayo naman Tayo ang mangunguna at lalaban Lagi’t lagi, para sa bayan

139


Ang Oras ay Ngayon Kailan ka titindig Laban sa mandarambong Manguna sa awiting May malakas na ugong

140


Be the way A walk towards progress A direction forwards Burdened by archaic weights Standing up nonetheless

A resounding whistle Of the painful truth A desperate shout for help Of those beneath the shoed feet Being stepped on by gold and diamonds Be the rebel and make a change Be a stepping stone for the revolution Face it head-on, let fear not dictate Reconstruct the unstable face of the future Orchestrate the regal chant Strive for resonance and harmony Your voice now amplified Empower, encourage, unite. There’s an inherent spark within Light it up and take charge Be the torch and lead with the light Unleash, inspire, ignite.

141


fear the butcher's knife my violet-stained thumb is on the last stage to triumph. it’ll hold power unbeknownst to a lamb blinded by the lying shepherd that keeps him unalarmed

with the slaughtering that’s about to come.

142


Sa Likod ng Telang Pantanghal Isang paninitsit at palakpak sa tanghalang ‘di tunay. Tampok ang nakauumay na talentong kanilang tinataglay. Unang akto: Epektibong pagbibigkas ng mga hinabing salita, pampabango ng larawan. Ikalawang akto: Nakapupukaw na sayaw habang unti-unting lumalapit ang palad sa kaban. Huling akto: Nakakapaniwalang pagganap bilang isang politikong may kontribusyon sa bayan. Ang mga problema’y ikinukubli sa entablado’t tanghalan; Nililibang ang mga mamamayan upang malimutan ang mga kasinungalingan.

Huwag maging bobotante!

Nalalapit na eleksyon Maging mulat sa mga imahinasyon Lalo na’t sa mga kondisyon Mga pasakalye ng mga kandidatong puro ilusyon Botohan na naman Iba’t ibang pamamaraan Mga pangako sa tuwid na daan Tila walang kasiguraduhan Nagkalat na ang iba’t ibang pangako sa radyo at telebisyon Suriin ang mga komentong naririnig lalo na sa panahon ngayon Pakinggan ang kanilang mga nilalayon Dahil ikaw ang pag-asa ng ating nasyon Matatamis na salita ang kanilang ibinabato Huwag maging bara-bara sa pagboto Iwasang magpalinlang sa kandidato na sa una lang mabango Dahil nasa kamay mo ang tunay na pagbabago

143


Testigo

May mukha ang troma at ‘di ito ganoon kadaling mabura. Hindi mo ito mababatid sa mga ngiti ng politikong nakamaskara, Bagkus sa mga mata ng mga batang kumakalam ang sikmura— Namulat sa reyalidad; maagang kinasangkapanan ng pananamantala. Mula pagkabata’y binusalan ang bibig at piniringan ang mata. Tinuruang sumunod nang tapat at walang halong pagtataka. At sa pagkakataong masaksihan ang kabuktutan niring huwad, ‘Di na muling tatahimik, ‘di na muling pipikit.

Kaibigan, MATA ka ni LINO Alam kong tayo’y malaya Ngunit ako’y walang ideya Sa takbo ng sistema Sa daloy sumasama

Mga luma ay nararapat lang itapon Kagaya ng gobyernong nabubulok ngayon Gabundok na hamon Ang haharapin ng bawat botante sa eleksyon Narito ang aking munting payo kaibigan Huwag iluklok ang tao dahil lang sa gusto ng karamihan Dahil hindi ka mapapakain ng kasikatan Maging matalino sa pagpili ng lider na magiging modelo sa mamamayan Huwang kang papadikta Sa mga bumubulong na salita Huwang padadala sa mga perang ibinibigay Dahil pag naupo sila mas malaking halaga sa bulsa nila’y ilalagay.

144


Nang ako ay makarating sa isang dako sa aming barangay, nakita ko ang mga matatanda’t mga ilang kabataang tulad ko na nagkukumahog upang makakuha ng isang pirasong papel. Ako ay lubusang nagtaka kung bakit sila ay nag-uunahang makakuha nito na tila ba nasa isang karera na may naghihintay na premyo sa dulo. Tanong ko sa isang matanda na nasa aming barangay, “Para saan po ‘yung kapirasong papel na iyan, bakit po ang lahat ay nag-uunahang makakuha nito? Sagot naman niya sa akin ay, “Naku sayang dapat kumuha ka rin, may makukuha kang pera rito.” Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil bukod sa hindi ko masyadong naintidihan ang ibig niyang sabihin, bakas sa mukha ng mga naririto na sila ay sobrang masaya habang sinasagutan ang kapirasong papel na ito. “Uy andito ka na pala, kinuhanan kita ng iyo, sagutan mo na” sambit sa akin ng kaibigan ko na katatapos lang sagutan ‘yung papel na hawak niya. Sabi ko naman, “Para saan ba ito? Bakit sabi may makukuha raw na pera?” bigla niyang sagot sa akin “Basta, sagutan mo na lang at pirmahan ‘yan, para rin naman sa’yo ‘yan eh.” Patuloy lang akong naguluhan dahil ni-isa sa kanila hindi sinabi kung para saan ba ang kapirasong papel na ito kaya naman kinuha ko na lang ang bolpen ko para sagutan na ito. Habang sinasagutan ko ang papel na ibinigay sa akin at malapit ng pumirma, narinig kong nag-uusap ang mga matatanda sa aming barangay. Sambit ng isang ale sa isa niya pang kausap na ale, “Mare, alam mo ba limang daan daw makukuha natin kapag napasa natin ito?” sagot naman ng isang ale “Oo mare, kaya lang dapat iboto natin siya sa eleksyon kase raw kapag nanalo lang mamimigay.” Dahil sa narinig kong usapan na ito ng mga ale, nalinawan na ako sa mga nangyayari. Ang kapirasong papel pala na iyon na pinasasagutan at pinapipirmahan sa akin ay may kapalit na perang nagkakahalaga ng limang daan upang iboto ang kandidato na iyon. Oo nga pala, eleksyon nanaman kaya ang mga kandidato ay may kaniya-kaniyang paraan upang sila ay iboto. Malinaw na sa akin na ito ay pagbili ng boto na maisasaalang-alang ang kinabukasan ng mamamayang Pilipino pero ganito pala ang kalakaran at sistema tuwing nalalapit na ang eleksyon. Bilang bagong botante, nasagot na ang katanungan na tumatakbo sa aking isipan kung bakit nga ba wala pa ring kaunlaran at talamak ang kahirapan sa ating bansa. Nga pala, kahit nasagutan at napirmahan ko ang papel na iyon ay hindi ako nagtangkang ipasa ito dahil karapatan ko ang bumoto sa kung sino sa tingin ko ang nararapat sa posisyon at ayaw kong masaksihan muli ang paghihirap ng mamamayang Pilipino.

Limandaang Piso 145


146


catching fire

we burned, and they didn’t burn with us, too busy planning for the games to come. they left us in the shadows of the dome, inside the forest, beneath the loam. they fed us forcefully to the trees of life as they stab it with machetes and knives. now i force my way through the ground, with millions of seedlings, unannounced we watched the skies blaze of red and gray and we’ll bury this animosity as we may

147


Nuts and Votes

Casting one’s vote is cause for anxiety. There’s always a flaw in the system, after all. The results could break the wiring that powers the people, and electrify the nation. Tick tock, tick tock. The clock is ticking. Don’t let your voice be unheard. Don’t let your right to choose be taken away from you. Not by time, not by the corrupt, not by the malignant. Time is not your only enemy.

148


Kara Krus If I flip a coin, what would you bet on? Would it be the heads; of those who have already lost? Would it be the tails; you would still wag upon them blindly? Are we a prisoner to this game? Gambling with our lives, —only to lose; game after game. Would you dare to pick the arrows up? When you do, don’t aim for the corrupts. And when you finally hit that circle with a bullseye, Only the papers would bleed; —not another flesh Not even another eye.

149


Geometry 101 I laid flat in bed, pretending like a corpse, imagining what it would feel like to not feel anything at all. Then, I stared at my hand, down to my index finger, where the indelible ink would stain for a while. That would be purple, I imagine, the color of blood once it leaves the body. From now on, whenever I eat, I’ll chew the rice way longer than I should. That way, I would be able to taste the hard-work of every farmer, the ones that are left unrecognized. From now on, I’ll collect all the table napkins from all the fast food chains from all the time that I would choose to eat outside-- for after six months, I will shake off all the dust it grasped, for now, it will catch their tears; and fears when they just lost their jobs. When I vote, I’ll remember the blood that’s been shed and the tears that’s been poured; I’ll remember it all. I’ll mark that circle with the darkest-colored pen I could find, drawing salvation from all the night we felt confined. The ballots are filled with circles after all, not squares; so why do I still see people at the corners? Didn’t they know that circles don't have one? I’ll take each vote for every one. And my vote is: for them to learn geometry; before they run for presidency.

150


151


maybe its time

they’ll be burning all the witches even if you aren’t one, will give you a hard time and will force you to tell things you haven’t done, this is how the system works; innocent until proven guilty is gone it has been a hell of a ride under the big bad man and his big bad clan our people have suffered so much, been in catastrophic pain, better be vocal, and speak up for some epiphanic gain, to fight is something we must do against the demonic bloodstain, and achieve significant things like some angelic domain young people, it’s time to open up your hearts and break this madness use your senses to know and survive chaos just like Katniss, changes for good must be made, let’s all unite as one chorus, break the rusty-chain side of governance, defy the labels we’ve been dancing around the society with our hands tied, maybe it’s time to turn the tables and move freely and groove side by side

152


Tayo Naman Maiging pagsusuri Makat’wirang pagpili Bawat boto ay sapat Lider ay tapat dapat

Anim na taong bigo, Anim na taong talo Pagdudusa, wakasan Sa ngayon, tayo naman

Tapat Dapat

153


154


Sa Mata ng mga Bagong Botante Buksan ang mata, Huwag ang bulsa. Ang iyong buhay at bansa Hindi nabibili ng kahit anong halaga. Ang anim na taon Lilipas din yaon, Ngunit paghihinagpis ‘Di na mababaon. Linisan ang Tainga Huwag agad maniwala Sa mga sinasabi at nababasa Kilalanin mga binabalandra. Ingat sa pagpili Kumalap kung maaari. Kapangyarihan mong pumili Ngunit tandaang “nasa huli ang pagsisisi” Na sa palad mo ngayon Ang maaaring makapagpabago Sa buhay ng Pilipino, Pumili sana ng husto.

155


I am Katniss

Bothered by the past-I volunteer to be the sight of those who are blinded. Angered by the present-I volunteer to be the ears to those who are deafened. Fueled by the future-I volunteer to seek for justice and speak for the oppressed.

156


How to Shoot a Bow? Get READY— Register to vote. Get SET— Know your candidate. And GO— Vote wisely.

157


Panems new and improved Gladiators Game How can you not understand, The rules of the game, That will put us all in advantage, When you live in the district one in the first place. How can you peacefully sleep at night, Knowing lives from the 12 districts Is the capitol's toy, For the seventy-fifth time. Listen to what the envelope says, As Coriolanus Snow unfolds. The twist in this years quarter quell, The gamekeepers are us.

Of bread and circuses Panem will not be the same, If one refuses to watch the annual circuses. The bread will not taste the same, If every cup of flour is not bought from miserliness. The circus will not be a circus, If one is aware of its tricks and mind games.

158


Ang Silya sa Kapitolyo Nakita ko kung paano sila magtakbuhan Kani-kaniyang armas at katauhan Isang silya ang dahilan ng unahan At hindi nila maiwasang maghilahan Ang matindi pa't nakagugulat Ang apeyido nila'y magkakatulad Habang may mga hindi pa din mulat Porsiyento ng lahi ng iba'y malaladlad Kawawa ang isang musmos na bata Siya ang magdurusa sa mali ng nakatatanda Hindi naman siya ang nag itim ng bilog sa balota Subalit madaratnan niya ang dilim ng resulta Mga nakaupong mistulang namamahinga Mga bulsang hindi na halos makahinga Hanggang saan ba ang kasukdulan Nakakasukang dinggin ang mga peke nilang linyahan Payabangan sila kung paano ka iaaahon sa hirap Samantalang wala namang nangyayari buhat noon pa Mahirap pa din ang nais nilang iangat Ay pa'no ba naman, wala man sila halos naiambag Ni ang baso’y hindi nila magalaw Pag hihingan ng tulong, nakalulusaw Sandamukal na papel, trato sayo’y tila nangloloko Eh sila nga’y ibinoto kahit hindi mo alam kung trapo Ganto yata talaga ang naidudulot Nambubulag nga ang silya sa kapitolyo Kaydami ng sumubok at nahulog Nahukay sa bitag ng demonyo Ang hindi maitaim sa mga tao Ay ang katotohanang nalimot Na sila dapat ang may kapangyarihan sa kapitlyo Na kaya nilang magpaupo at magpatayo

159


160


Paano gumamit ng Pana? Sipating maigi, banating mariin, kuputin ang patalim, saka mo palayain sa ere. Ikaw ang magdidikta ng kahahantungan, maging ang hangin ay bubutasin, walang hindi papalagan. Seryoso ka dapat magbuhat pa lamang sa pagdampot sa palaso, ginagarantiya bawat mong galaw upang walang mintis sapagkat sa puntong pumaling ang iyong pakawala, wala ka nang kontrol sa magiging resulta. Ang tamang paggamit ng pana ay yaong hindi lamang para sa iyo, para dapat sa nakararami, para sa masang umaasa, at para sa mga musmos na bata. Nakakapagtaka hindi ba? Ang sandatang nakabinbin sa iyong karapatan ay hindi lamang ikaw ang ipinaglalaban, ngunit huwag kakaligtaan na ikaw ang gagamit nito, ito'y sa iyo kaya't ikaw ang may responsibilidad sa kung saan man ito paroroon. Nakakatakot kung magkaroon ng ganito ang mga makasarili, huwad, ganid, at mapagsamantala. Sa taong 2022, iiral muli ang ating armas, kani-kaniyang banat at target, pati ang dahilan ay hindi nagkakamukha. Mayroong nakapokus sa magaan sa mata, mayroon din na sa ngalan at apelyido, sila yaong mga kinulang yata ang paghasang ginawa, ipinagpasahangin na lamang ang tirada, bahala na kung saan ito dadapo. Nariyan din naman ang mga nagsuri muna bago magpakawala, nagdedesisiyon base sa masusing pananaw, tinitingnan ang kabuuan ng gagawing pagtira. Anim na taon pa bago muling mapasakaniya ang nag-iisa niyang panlaban, marapat lamang na gamitin niya ito nang may katalinuhan at nakalaan mismo para sa bayan. "Isa lang naman ang nasa aking mga kamay, wala lang din itong bisa," kung ito ang bumabalot sa iyong utak, tuturuan kita nang kakaibang paggamit ng pana. Itarak mo sa iyong sintido, gisingin ang ugat sa iyong ulo, huwag gawing palamuti, mag-isip ka, hindi ka na indiyo, huwag umakto bilang isa. Itanim sa kokote na maaaring ang maayos mong pagbira ang magluluklok sa tamang katauhang magbibigay ng pagbabago. Huwag mo nang ulitin pa ang ginawa ng mga naunang humawak ng pana, nasanay sila sa tradisyunal, kinulang sila sa makabagong teknik, kaya't humantong tayo sa kumplikadong 'bullseye.' Ito ang pinili nilang patamaan, kaya't ngayon ay masasabi kong kinakalawang na ang kanilang palaso. Nakakalungkot man aminin, hindi lahat ay mapasusunod sa direksyong nais kapuntahan. Mayroong mga liliko pa din, ang iba'y baluktot ang pagkakahulma sa kanilang pana. Hanggang may mga mali ang gamit hindi dapat tayo magsasawang magmungkahi kung ano ang dapat at tama. Kaya nating pataubin mula dito sa kasalukuyan, ang malayong problema ng hinaharap. Wasto dapat ang pagsipat, matindi ang pagbanat, ang patalim ay kuputin, saka pakawalan sa hangin. Mas maluwag sa pakiramdam kung makikita mong maayos ang nilalakbay ng iyong binitawang tira at higit na nakagiginhawa kapag wasto ang tinamaan.

161


To the One Who Never Missed It's funny how things turned out Since they wanted us to be all silent before Because they think we did not know what we're talking about But no, we'll never yield, we'll continue to make noise like a wave crashing to the shore. People tell us that we're ingrates They want us to be restrained Not because they want contained But because they are afraid of the uproar that our voice creates We are labelled as the generation that never miss — We notice the things people tend to dismiss Because we believe that in ignorance there is no bliss That's why we choose to fight and resists. People may cut us with their eyes People may kill us with their hatefulness But we all will use our rights for change to rise Because the power to pull this country from this mess Is a talent that we, the youth, possess

Murder to the Tryant To wish for a clean election Is to wish upon a collapsing star Corruption is like an infection That spreads in a way that is so bizarre

Politics in this country is riddled with fraud From the alleged cheating of Aguinaldo To the reign of Marcos that made democracy crippled It's as if the election was made to show who's the vilest of them all Blood has watered the barren lands of this country Ever since the elections began To wish for an election filled with peace and harmony Is like reading a book written in text you do not understand To put a stop to these heinous crimes Murder is a must Not to the people who were at the wrong place on the wrong time But to the tyrant that only wants power for himself concealed within us

162


163




PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | BEHIND ASO | PALASO | PALA PALASO PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA PALASO | PALASO | ASO | PALASO | PALA


| PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL | PALASO | PALASO ASO | PALASO | PAL Editor-in-Chief: Laurence L. Ramos Associate Editor: Xyra Alessandra Mae G. Balay Managing Editor: Jaira Patricia V. Ebron Circulations Manager: Hazel F. De Guzman SECTION EDITORS News: Jaymie Krizza P. Benemerito Opinion: Millen Angeline M. Garcia Feature: Lenilyn Q. Murayag DevComm: Christine Mae A. Nicolas Sports: Emmanuel B. Namoro Literary: Danver C. Manuel

VISUAL EDITORS Photojournalists: Luis Alfredo C. Castillo (Head) Edwin D.B. Bobiles (Senior) Carl Danielle F. Cabuhat (Senior) Jonalyn E. Bautista (Junior) Ma. Clarita Isabelle N. Guevarra (Junior) Editorial Cartoonists: Ron Vincent V. Alcon (Head) John Marius C. Mamaril (Senior) Khennard B. Villegas (Senior)

Layout Artists: France Joseph O. Pascual (Head) Steven John F. Collado (Junior) Excy Bea C. Masone (Junior) Senior Writers: Donna Mae M. Mana Joshua P. Mendoza Jerome Christhopher C. Mendoza

PROBATIONARY STAFFS: Daniel Paolo C. Aquino Jose Emmanuel C. Mico RD E. Bandola Jane Paulene C. Nague Maria Elizabeth A. Corales Jemimah Mae A. Olo Ferdinne Julia O. Cucio Raymarck F. Patricio Francis E. Del Rosario Al Jimbo Pautin Ann Dominique C. Del Valle Nathaniel Piedad Justine Mae F. Feliciano Michela Nicole L. Rivera Ohnie M. Garcia Winchester R. Santos Ildefonso D.C. Goring Jr. Jessalyn D. Soriano Lance Josef E. Landagan Hazel Karen R. Torres Jim Manzon Charlene Mae G. Villanueva Rod Christian L. Mendoza CLSU Collegian Technical Adviser: Junior M. Pacol



Pumanig sana sa’yo ang pagkakataon.


COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.