COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
SUC III OLYMPICS 2022 Special Issue
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng CLSU | FOR STUDENTRY: Equality
TARGET LOCKED. Pagsubok man ang training ngayong walang face to face, matagumpay na nasipat ng CLSU Men’s Archery Team ang panalo matapos makapasok sa top 5 sa lahat ng mga event sa nasabing laro. Naibandera ng Green Cobras ang unibersidad nang magtala ang team ng apat na parangal sa kabuuan. © JEROME CHRISTHOPHER MENDOZA
CLSU Team naguwi ng panalo sa Men’s Archery competition Jerome Christhopher Mendoza
N
aipanalo ng CLSU Men’s Archery Team ang lahat ng mga events na sinalihan ng koponan sa naganap na Virtual State Universities and Colleges (SUC) III Olympics 2022. Kabilang dito ang First Distance, Second Distance, Team Match Play at Olympic Round kung saan naipasok ng mga manlalaro sa Top 5 ang lahat ng kategoryang ito. Pasok sa Top 5 si Marcus Andrei Cipriano matapos masungkit ang pinakamataas na puntos sa Second Distance ng 70-m Men’s Division ng Archery, Abril 20. Bigo mang makapana ng pwesto sa unang round, bumawi si Cipriano matapos kumamada ng 285 kabuuang puntos dahilan upang makamit ang unang pwesto. “To be honest, I did not expect na makakasama pa ako sa Top 5, but I am grateful enough to be here. Until now I’m speechless and happy about the result,” ani Cipriano. Samantala, hindi rin nagpahuli sa team match play ng Men’s Archery ang mga pambato ng unibersidad kung saan nakapasok din ang mga manlalaro sa Top 5. p. 02
SUC III Olympics ginanap nang birtwal, kauna-unahan sa kasaysayan ng SCUAA Jerome Christhopher Mendoza at Noel Edillo
S
a kabila ng umiiral na pandemya, hindi nagpatinang ang State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) III upang isagawa ang State Colleges and Universities (SUC) III Olympics na kauna-unahang ginanap virtually. Labingtatlong (13) unibersidad sa Gitnang Luzon ang lumahok sa nasabing Olympics na nagsimula noong ika-18 at nagtapos ng ika-22 ng Abril 2022. Pinangunahan ng Tarlac
Agricultural University (TAU) ang patimpalak na may temang “Reinventing Sporting Events in the New Normal” na siya ring nagsilbing host school ngayong taon. Ayon kay Dr. Max Guillermo, presidente ng TAU at chair ng SUC III Olympics, na ang nasabing pagtulak sa patimpalak ay pagpapakita ng ‘resilliency’ at ‘spirit of sportsmanship and camaraderie’ ngayong pandemic. “…If there is one thing that this global
crisis has taught us, it is the importance of maintaining our health and well-being. Thus, the SUC III Olympics is a powerful way of keeping ourselves fit and strong, ” ani Guillermo sa virtual opening ng SUC III Olympics. Dagdag naman ni Dr. Enrique G. Baking, chair ng Philippine Association of State Universities and Colleges Region III, hindi matitigil ng kahit anong pandemya ang paglikha ng makabagong p. 03 paraan sa larangang ng isports.
CLSU hindi nagpahuli sa SUC III Virtual Olympics Jezzer David Nava at Melorie Faith Dizon
P
ito sa walong sport events na nilahukan ng Central Luzon State University Green Cobras ang matagumpay na nakapwesto sa Top 5 sa kauna-unahang SUC-III Virtual Olympics na ginanap noong Abril 18-22. Wagi ang CLSU Men’s Archery Team matapos makapana ng pwesto sa Top 5 ng First Distance, Second Distance, Team Match Play at Olympic Round. Bagamat ngayong taon pa lamang inilunsad ang E-Sports sa SCUAA, hindi naman nag pahuli ang CLSU Women’s team sa Bracket A na makapasok sa Top 5 ng Mobile Legends: Bang Bang. Sinigurado ng CLSU Green Cobras Arnis Anyo sa parehong Men’s at Women’s team na makapasok sa Top 5 ng Single Weapon at Double Weapon. Samantala, nakakuha rin ng pwesto sa Top 4 ang isa sa pambato ng CLSU Women’s team sa Chess.
Nagpakitang gilas naman ang DanceSports team ng CLSU matapos makapasok sa top 5 sa iba’t ibang kategorya nito. Pasok ang kalahok ng Men and Women’s team ng Green Cobras sa Rumba, Jive at Cha-cha-cha. Hindi rin nagpahuli ang mga pambato ng Taekwondo Poomsae Men and Women’s Team na makasipa ng pwesto sa Top 5. Tagumpay rin na makakuha ng pwesto sa top 5 ang parehong Men at Women’s team sa Karatedo. Wagi ang koponan ng Green Cobras sa magkakaparehong kategorya ng Kata Team A, Kata Team B at Kihon. Ito man ang kauna-unahang SUC III Virtual Olympics, hindi naman ito naging hadlang upang maipakita ang talento ng mga estudyanteng atleta sa larangan ng pampalakasan.
02
COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
CLSU COLLEGIAN SUC III OLYMPICS 2022 Special Issue
Lorenzana nakapagtala ng 3-0 rekord sa final round ng Women’s Chess Jezzer David Nava
M
alinis na nakapasok sa Top 4 ng Women’s Chess si Mikeh Lorenzana matapos makapagtala ng 3 wins, 0 loss record sa final round ng kompetisyon sa ginanap na Virtual State Universities and Colleges (SUC) III Olympics, nitong Abril 21. Kasama ng pambato ng CLSU Green Cobras sa top 4 ang mga manlalaro mula sa TSU Firefox, BASC Reapers, at DHVSU Honorians. Pag-amin ni Lorenzana, hindi naging madali para sa kanya ang daan patungo sa pagkapanalo dahil aniya ito ang kaniyang unang taon sa pagsabak sa pang-kolehiyong larangan ng Chess competition. “Hindi ko po ine-expect na mananalo ako kasi alam ko po na maraming magagaling na players at katulad ko, pursigido ring
manalo ang aking mga katunggali na manalo,” ani Lorenzana. Ayon kay Prof. Dennis Lasig, Coach ng Men and Women’s Chess ng CLSU Green Cobras, hindi maitatanggi ang dedikasyon at angking galing ni Lorenzana na kahit siya ang pinakabata sa kanilang koponan ay hindi ito naging dahilan upang makapaguwi ng karangalan. “Sa simula naiisip ko na baka ma-intimidate siya, syempre mga higher year mga kalaban at matagal na naglalaro sa SCUAA, [pero] dahil sa support ng mga kasama n’ya and sa mga practices n’ya eh [naging] malaking tulong din ang mga iyon sa kaniya,” ani Coach Lasig. Samantala, napanuod sa Facebook live ng DHVSU Office of Sports Development ang huling tapatan ng mga manlalaro sa final round ng Chess competition.
FIRST MOVE: VICTORY. Unang beses mang lumahok ngayong kolehyo, waging maiuwi ni Mikeh Lorenzana ang panalo para sa Women’s Chess sa katatapos lang na Virtual State Universities and Colleges III Olympics, ika-21 ng Abril. Sa natamong 3 wins at 0 loss, tinanghal na top 4 si Lorenzana na siyang pinaka bata sa koponan. © JEROME MENDOZA
Green Cobras Women’s MLBB Team, pasok sa top 5 Jose Emmanuel Mico at Emmanuel Namoro
M
atagumpay na nasungkit ng Green Cobras ang ikalimang pwesto sa kauna-unahang inklusyon ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) Tournament - Women’s Category sa State Universities and Colleges (SUC) III Olympics na ginanap noong Abril 18-22. Naitala ng koponan ang kanilang una at tanging panalo mula sa Bracket A kontra President Ramon Magsaysay State University (PRMSU) Jaguars. Naging dominante ang panimula ng Cobras dahilan kaya’t agad na nakuha ng Jungler na si Christine Joy Bacani ang mga core items ng kaniyang Karina, sapat
upang lumamang sa bawat team fights at masigurado ang turret at turtle objectives. Tinapos ng Cobras ang laro na may 22-6 kill score kabilang ang mahusay na gameplay na ipinamalas ni Bacani na nagtala ng 9-0-8 Kill-Death-Assist (KDA). Nagpakita rin ng impresibong laro ang roamer na si Pauline S. Ramos na may 1-2-20 (KDA) sa kaniyang tank build Baxia sapat upang kontrolin ang buong land of dawn. Kinumpleto nina Ally Mcbeal M. Cauzon, Mariane Lovely D. Cawile, Ledi Michelle V. Ocampo,at Reiven C. Velarde MLBB team ng Cobra na nagtala ng 1-5 win-loss record sa kanilang unang
pagsabak sa torneyo. “Lahat ng training and tournament ay through online. Siguro by next year, face to face na. Mas mattrain and mas magkakaroon ng maayos na communication sa mga players kapag magkakasama,” tugon ni Coach Marimar V. Fuentes sa naging programa ng kanilang team. Dagdag ni Fuentes ay naging mahirap ang pagsasanay para sa online tournament at mag magiging mas maayos ito kung harapan niyang matututukan ang kanyang mga manlalaro. Gayunpaman, ipinangako niyang babawi ang mga ito sa mga susunod pang torneyo.
Gasper, Palarca wagi sa DanceSport Competition sa SUC III Olympics Jaymeelyn Reyes
I GASPAR (left) and PALARCA (right)
binandera nina Kennedy Jhon T. Gasper at Alyssa Claire F. Palarca ng CLSU Green Cobras matapos makapasok sa top 5 sa lahat ng kategorya ng Men and Women’s DanceSport nitong nakaraang ika-18 ng Abril. Naiuwi ng DanceSport Team ang Men and Women’s Cha-cha-cha, Rumba, at Jive, dahil na rin sa gabay ng kanilang coach na si Prof. Adonis Voltaire Villanueva. Kasama ng Green Cobras sa top 5 sa
Women’s category ng Cha-cha-cha ay ang ASCoT Dolphins, BASC Reapers, BulSU Gold Gears, at NEUST Phoenix. Samantala, sa Men’s category naman, tagumpay pa rin ang Green Cobras kasama ng BASC Reapers, BulSU Gold Gears, NEUST Phoenix, at PRSMU Blue Jaguars. Pasok din sa top 5 ang Green Cobras kasama ng ASCoT Dolphins, BASC Reapers, BulSU Gold Gears, at NEUST Phoenix para men’s and women’s categories ng Rumba.
CLSU Team nag-uwi ng panalo sa Men’s Archery competition... mula sa p.01
Kabilang sina Marcus Andrei Cipriano, Ruel Suba, Elimar Sidoro, Rommel Dela Cruz at Rafael Joshua Cabrera sa mga kalahok na nakapagbigay ng panalo sa nasabing kompetisyon. Sa Olympic round naman na ginanap sa huling araw ng palaro, matagumpay na naibandera ni Marcus Andrei Cipriano ang Green Cobras matapos selyuhan ang pwesto sa Top 4 sa isang do-ordie Olympic Round. Ayon naman kay Johnwell Roxas, manlalaro sa Team Match Play, naging mahirap para sa kanyang team ang pag-eensayo dahil aniya hindi permanente ang lugar na kanilang ginagamit at hindi rin madalas nagkakatugma ang oras ng kanilang availability. “Kulang na kulang sa training [virtual SCUAA]. Eight days lang ako nag-training para rito. Mas mahirap ngayon kasi kulang sa resources, hindi kagaya dati noong face-to-face na every end ng class nag-eensayo kami,” ani Roxas. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang kinaharap, dagdag ni Roxas na hindi naging hadlang ang mga ito upang paghusayan ang kanilang performance sa Archery. Sa kabuuan, umani ng apat na parangal ang Men’s Archery Team ng Green Cobras.
COLLEGIAN 03 CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
CLSU COLLEGIAN SUC III OLYMPICS 2022 Special Issue
CLSU Karatedo Team, nangibabaw sa SUC III Olympics Harry Boy Rocero
D
inomina ng CLSU Green Cobras ang Karatedo Competition matapos makapasok sa Top 5 ng iba’t ibang kategorya sa katatapos na SUC III Olympics. Ipinamalas nina Jack Deniel Ramos at Mariah Paglingayen ang kanilang galing nang hakutin ang mga parangal sa Kata Team A Men, Kata Team A Women, Kihon Men at Kihon Women ng kompetisyon. Hindi naman pinakawalan nina Lester Estenislao at Melody Delfin ang pagkakataon na mapabilang sa Top 5 at kinuha ang Kata Team B Men and Women Category. “Well in preparing athletes
VIRTUAL GAME, REAL VICTORY. Birtwal mang ginanap, pinatunayan ng CLSU Green Cobras ang husay sa Poomsae nang masungkit ang apat na panalo sa nasabing laro sa ginanap na Virtual State Universities and Colleges III Olympics, ika-19 ng Abril. © LAURENCE RAMOS
Green Cobras, nagpakitang gilas sa TaekwondoPoomsae Event Jose Emmanuel Mico
H
umakot ng parangal sa iba’t ibang kategorya ang mga manlalaro ng CLSU Green Cobras sa katatapos na unang yugto ng Poomsae Competition sa State Universities and Colleges III Olympics nito lamang Abril 19. Tagumpay ang Green cobras na sina Wilbert C. Reyes, Maverick Uy, at John Carl Duquesa na mapabilang ang kanilang pangkat sa Top 5 ng Men’s category, pati na rin ang Women’s Team na kinabibilangan nina Jirel De Guzman, Joelle Ayen Barbero, at Charlange Barnuevo. Dagdag dito ang iba pang category na nilahukan ng manlalarong si Wilbert Reyes, na siyang nag-uwi rin ng parangal sa Individual at gayundin sa Pair category na kanyang dinaluhan katuwang si Jirel De Guzman mula sa Women’s team. Bagaman ginanap virtually ang kompetisyon, hindi nagpahuli ang mga atletang hinasa nina Coach Dianne Karla Sicat at Trainer Mika Reglos sa nasabing palaro na may temang: “Reinventing Sporting Events in the New Normal”.
nakatulong talaga yung training program nila and yung pag-invest ng time and effort sa training. And ang mga athletes natin before pa mag SCUAA lagi na sila nagtetraining, so napakalaking bagay nun,” wika ni Coach Rayvin Pestaño ng Karatedo Team sa ginawa nilang paghahanda bago ang paligsahan. Hindi inaasahan ng Cobras at ng kanilang trainer na si Gregorio Lacorte na maipanalo ang anim na kategorya sa Karatedo. Dagdag pa ni Lacorte, sigurado silang makakakuha ng panalo kaya’t laking tuwa nila matapos masungkit ang limang ginto at isang pilak. “Malaki pa rin ang expectations
CLSU sinigurado ang panalo sa apat na kategorya ng Arnis Anyo Competition Norielyn Ramos
N
akapag-uwi ng parangal ang CLSU Green Cobras Arnis Team matapos masiguro ang pwesto sa Top 5 ng Double Weapon Men at Women’s category at Single Weapon Men at Women’s category ng Arnis Anyo Competition sa ginanap na virtual State Universities and College (SUC) III Olympics nitong Abril 18-22. Nagwagi sina Marlou A. Abellera at Shiny Grace C. Roque na mapabilang sa Top 5 ng
Double Weapon Men at Women’s Category. Samantala, kasama rin ng Green Cobras sa Top 5 sa dalawang kategoryang ito ang BPSU Stallions, DHVSU Honorians, BASC Reapers, NEUST Phoenix, at TSU Firefox. Bukod pa rito, matagumpay ring ibinandera nina Mark Albert C. Nardo at Riza B. Quilanlan ang Green Cobras matapos makapasok sa Top 5 ng Single Weapon Men at Women’s Category.
SUC III Olympics ginanap nang birtwal...
mula sa p.01
“May we not let this pandemic hinder us from moving to the new normal and in becoming a better, stronger, and healthier versions of ourselves, ” saad ni Baking. Samantala, 14 na sport events ang SUC III Olympics , kabilang ang Archery, Arnis, Chess, DanceSport, Football, Futsal, Karatedo, Mobile Legends Bang Bang Tournament, Recreational Vlogging, Sepak Takraw, Taekwondo, Three-point Shooting at Virtual Run. Sa 14 na sport events na binuksan, walo ang sinalihan ng CLSU kabilang dito ang Archery, Arnis, Chess, DanceSport,
Karatedo, Mobile Legends Bang Bang Tournament, Recreational Vlogging, at Taekwando. Ayon kay Jennifer De Jesus, director ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR), handa ang unibersidad sa nasabing patimpalak at nakikita niya na kaya ng CLSU Green Cobras makipagsabayan sa ibang mga paaralan. Base sa SCUAA, ‘friendly competition’ ang magiging takbo ng laro kung saan Top 5 ang kukuhanin sa lahat ng mga kategorya at lahat ng limang ito ay tatanghalin nang kampyeon.
INSUFFICIENT STORAGE
ni Ron Vincent Alcon
ko na sa mga susunod pang mga competitions na ang CLSU Karatedo ay magiging competitive pa rin kahit magsisi-graduate na ang malalakas kong Athletes, basta training lang at siyempre suporta mula sa ISPEAR malaki ang na ibibigay na inspiration sa mga athletes. Basta may magandang suporta tulad ng ginawa ngayon ni Ma’am Jane at mga kasamahang Coach at Trainer,” saad ni Gregorio. Samantala, kasama naman ng Green Cobras sa Top 5 ang PRMSU Jaguars, BPSU Stallions, BulSu Gold Gears, NEUST Phoenix at TAU Tamaraw. CLSU COLLEGIAN
EDITORIAL BOARD Laurence Ramos EDITORIN-CHIEF | Joshua Mendoza ASSOCIATE EDITOR | Jaira Ebron MANAGING EDITOR | Daniel Aquino NEWS EDITOR | Millen Garcia OPINION EDITOR | Lenilyn Murayag FEATURE EDITOR Christine Nicolas DEVELOPMENT COMMUNCATION EDITOR Emmanuel Namoro SPORTS EDITOR | Danver Manuel LITERARY EDITOR | Luis Castillo HEAD PHOTOJOURNALIST | Ron Alcon HEAD CARTOONIST France Pascual HEAD LAYOUT ARTIST | Jerome Mendoza CIRCULATIONS MANAGER JUNIOR EDITORS Winchester Santos, JE Mico, Justine Feliciano, Ildefonso Goring Jr., Ferdinne Cucio, Isabelle Guevarra, Nathaniel Piedad, Excy Masone, Jessalyn Soriano, Steven Collado SENIOR STAFF Jaymie Benemerito, Xyra Balay, Edwin Bobiles, Carl Cabuhat, Jonalyn Bautista, Marius Mamaril, RD Bandola PROBATIONARY STAFF Aira Bernardino, Arvin Alarcon, Winner Oreña, Brandon Escobar, Chrystalyn Flora, Edmon Bravo, Harry Rocero, Nestor Quilop, Ngelbert Dela Cruz, Jaymeelyn Reyes, Jeanos Tulagan, Jezzer Nava, Jhosane Rocero, Lexter Ciriaco, Melorie Dizon, Noel Edillo, Norielyn Ramos, Rain Mauricio, Raymark Patricio, Raymond Tasoy, Reign Saludez, Renz Taguinod, Richmond Barlis, Sharona Salazar, Shechinah Gingco, Shenah Sana