USSC Election 2022 Special Issue

Page 1

USSC ELECTION 2022 SPECIAL ISSUE

COLLEGIAN CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

FOR STUDENTRY: EQUALITY

BALITA 02

UEB, OAd planong ilunsad ang USSC Election Portal

PUNZALAN

EDITORYAL 04 Agarang Reporma

LIM

CRUZ

JALOVA

PADILLA

BARELA

Tindig CLSU, nanaig sa 2022 USSC Elections pahina 2

E CLSU Collegian QD @kuleofficial k clsucollegian@clsu2.edu.ph


02 BALITA Ilang programa ng dating USSC, ipagpapatuloy ng bagong admin Rainvincel Mauricio

N

inanais na ituloy ni Tindig Party frontrunner at USSC Chairperson-elect Sherren Punzalan ang ilang mga programang nasimulan ng datingadministrasyonsailalim ni outgoing USSC Chairperson Aijohn Santos tulad ng pagsasagawa ng clustering ng mga committees. Matatandaang galing din sa partidong Tindig si Santos, na kung saan isa sa kanyang mga naging plataporma ay ang pagbuo ng mga committees na may kanya-kanyang layunin at tungkulin. Ilan sa mga komiteng naitatag ay ang Finance and Auditing Committee, Gender Equality Committee, Students Rights and Welfare Committee, Education and Research Committee, at University Freshie Committee. Ayon kay Punzalan, itutuloy at palalakasin pa lalo umano ng kaniyang administrasyon ang mga nasimulan sa mga committees. Dagdag pa niya na gagawin nila ito sa pamamagitan ng pag “constitutionalize” sa mga nasabing committee. "Aside from allowing them to provide a specific goal during our time-of-service para hindi lang sila nakukupot sa events and pubmat releases. Bagkus ay makapag-initiate talaga ng long-term accomplishments," dagdag pa ni Punzalan. Layunin rin ni Punzalan sa bagong administrasyon ng CLSU-USSC na isulong ang tunay, palaban, at makabayang pamumuno sa kataas-taasang konseho ng mga mag-aaral sa pamantasan. "Ipapamalas natin kung paanong ang aktibong pakikilahok ng mga liderestudyante sa pulitika sa loob at labas ng CLSU ay maka pagsusulong ng kanilang democratic interests ng mga Sielesyuans, kasabay ng pagtatanggol sa kanilang rights and welfare," ani Punzalan. Samantala, ang pagkapanalo ni Sherren Punzalan bilang chairman ng USSC ay itinuturing na ikalawang tagumpay para sa partidong Tindig simula ng pagkatatag nito taong 2021.

CLSU COLLEGIAN

Ang Opisyal na Pahayagan ng Central Luzon State University

Tindig CLSU, nanaig sa 2022 USSC Elections Jose Emmanuel Mico at Jeanos Lynn Tulagan

D

inomina ng Tindig CLSU ang University Supreme Student Council (USSC) sa nakaraang eleksyon na ginanap nitong ika-16 ng Mayo matapos na mapunan ang siyam na pwesto sa konseho. Naipanalo ng nasabing partido ang lahat ng posisyong ehekutibo sa pangunguna ni Sherren Punzalan at Bien Anjhello Lim bilang bagong Chairperson at Vice Chairperson ng konseho. Habang walang kalaban sina Ned Ivan Cruz, bilang Secretary, at Melody Joy Jalova bilang Treasurer, dahilan para manalo sa mga nasabing posisyon. Pinatatag pa ang hanay

ng bagong halal na Auditor na si Renzo Padilla, at ng Public Information Officer na si Mellicent Barela na kapwa mula pa rin sa Tindig. Sa pagka-konsehal naman sa bawat kolehiyo, naipanalo ng mga kandidato ng Tindig na sina Joanna Mae Santos sa College of Business Administration and Accountancy, Jade Phlox Scalar Bernardo mula sa College of Engineering, at Rose Santiago ng College of Arts and Social Sciences, ang pwesto. Samantala, pinunan naman ng mga nanalong pangkolehiyong konsehal mula sa partidong ADHIKA na

sina Natasha Mae Beltran para College of Home Science and Industry, Juliane Camile Visda sa College of Agriculture, Justhine Krizette Figueroa ng College of Education, Roma-Ann Manahan ng College of Veterinary Science and Medicine, at Noel Laoang Jr. mula sa College of Science, ang natitirang posisyon sa konseho. Inaasahan na mauupo ang bagong administrasyon sa susunod na akademikong panuruan. Magkakaroon naman ng transisyon mula sa administrasyon ng kasalukuyang Chairperson ng USSC na si Aijohn Santos sa darating na Hunyo at Hulyo.

UEB, OAd planong ilunsad ang USSC Election Portal Ferdinne Julia Cucio at Harry Boy Rocero

I

nihayag ng University Electoral Board (UEB) ang planong pagtatatag ng election portal katuwang ang Office of Admissions (OAd) para sa taunang eleksyon ng University Supreme Student Council (USSC). Kaugnay nito ang mga balakid na patuloy na kinakaharap ng board tuwing eleksyon tulad na lamang ng mahabang proseso ng beripikasyon upang matiyak na tama ang mga datos ng mga estudyante at akma sa kanilang kolehiyo ang boto na naitala mula sa mga balota. Iminungkahi rin ng OAd sa UEB ang panukala na pagsabayin ang eleksyon ng USSC at ng mga konsehong pang-kolehiyo dulot na rin ng sistematikong paraan upang maipadala sa bawat

estudyante ang mga balota. Ayon sa OAd, matutugunan ng portal ang mga naturang problema sapagkat dala na nito ang mga impormasyon na kinakailangan para sa halalan. Bukod pa ron, makababawas sa trabaho ng mga Information Technologists sa tanggapan ang minsanang pagpapadala ng mga balota. Ayon sa bagong halal na gobernador ng konseho ng College of Arts and Social Sciences (CASS) na si Lance Adrian Cayabyab, sa kabila ng mabuting resulta na maaaring idulot ng pagsasabay ng halalang pangkolehiyo at pang-unibersidad, gaya ng mas mataas na porsyento ng mga boboto, nananaig ang negatibong epekto nito sapagkat malalabag nito ang konstitusyon at

tuntunin ng mga konseho gayon na rin ang kalituhan na pwedeng maidulot ng pagbabagong ito sa mga botante. Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng konsehal ng College of Veterinary Science and Medicine (CVSM) na si Michelle Tumali ang mga isyung inaasahan sa pagbuo ng portal gaya ng halaga na kakailanganin sa pagtatatag nito at mga maaaring maranasan ng mga estudyante sa portal tulad na lamang ng web traffic. Dagdag pa niya, dapat munang unahin at pagtibayin ng OAd, sa tulong ng Office of Student Affairs (OSA), ang politikal na partisipasyon ng mga estudyante sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa ukol sa kanilang karapatang bumoto bago ang mga ganitong inisyatiba.

OFFICIAL TALLY OF VOTES CHAIRPERSON

PUNZALAN 1,917 1,837 MANALO

TREASURER

JALOVA AUDITOR

VICE CHAIRPERSON

2,048 LIM PATUNGAN 1,688

PADILLA MAYOR

COUNCILORS:

3,259 1,988 1,681

CAg - VISDA CASS - SANTIAGO CBAA - SANTOS CEd - FIGUEROA CEn - BERNARDO CHSI - BETRAN CS - LAOANG CVSM - MANAHAN

PUBLIC INFORMATION OFFICER SECRETARY

CRUZ

3,246

BARELA MANGLICMOT

2,072 1,621

SOURCE University Electoral Board


BALITA 03

USSC ELECTION SPECIAL ISSUE

E CLSU Collegian QD @kuleofficial k clsucollegian@clsu2.edu.ph

CLSU CSBO Constitution and By-Laws aamyendahan ng bagong administrasyon Brandon Escobar

P

agtutuunan ng pansin ni USSC Chairperson-elect Sherren Punzalan ang pag-amyenda sa 2013 CLSU Collegiate Student Body Organization Constitution and By-Laws upang umangkop sa kasalukuyang setup. Ilan sa mga dahilan ni Punzalan sa kanyang plano na amyendahan ang constitution ay upang magkaroon ng bagong electoral code na hindi nakasaad sa 2013 CLSU CBSO Constitution at upang magkaroon ng angkop at naayon sa panahon na constitution. “Para hindi nasasabi ng tumatakbong candidates na kailangan nating sumunod sa constitution, e ‘yung constitution natin ay 2013 pa, 2022 na ngayon, mag-iisang dekada na siyang laos, lumang-luma na siya, hindi na siya lapat sa kasalukuyan, kaya let’s make it relevant to the current times,” paliwanag ni Punzalan. Dagdag pa rito, nais ni Punzalan na magpasimula sa pagbuo ng University Student Elections Commision, gawing pormal ang Executive and Legislative Student Governace, at Constitution and By-Laws na

4-Point Tindig CLSU Agenda Genuine Student Representation Reclaim the Independence of Student Formation Amend the Outdated and Backwards CLSU CSBO Constitution and By-Laws Protect and Promote Student Rights and Welfare naaayon sa kapakanan ng mag-aaral. Upang tumaas ang integrity ng university election procedures at pagpapaangat ng antas ng leadership ng mga aspiring student council officers, nagpahayag si Punzalan ng kagustuhan sa pagtatag ng Commission on Student Elections dahil aniya ay nabubuo lamang ang University Electoral Board sa tulong ng Office of the Vice President of Academic Affairs at ito ay nagdudulot ng malaking epekto. Nabanggit din ni Punzalan ang pagtatatag ng Office of Student Regent

dahil ayon sa kanya ay walang independent at nakatindig na OSR. Bago ito gumana ay kailangan pa umano nitong dumaan sa USSC. Nagpakita rin siya ng intensyon na ibalik ang pagiging independent ng mga kinatawan ng mag-aaral katulad ng Student Councils, Campus Publications, at Student Organizations–accredited man o hindi. Uumpisahan din niya ang State of the Youth Address (SOYA) para ipagbigay alam sa publiko ang progress ng USSC tuwing matatapos na ang semestre sa pamamagitan ng online live broadcast.

Tindig CLSU, ADHIKA dinulog ang mga hinaing sa UEB Jose Emmanuel Mico

I

dinulog ng Tindig CLSU, at ADHIKA ang mga protesta sa naging pagkilos ng kalabang partido partikular na sa pangangampanya nang lagpas sa itinakdang panahon ng University Electoral Board (UEB) sa nakalipas na University Supreme Student Council (USSC) Election 2022. Dagdag pa rito, nagpahayag din ng pagkundena ang Tindig CLSU sa naging isyu ng paggamit ng opisyal na Facebook page ng USSC upang atakihin ang kanilang chairperson bet na si Sherren Punzalan sa comment section ng Miting De Avance, ika-13 ng Mayo.

3,911 VOTED

ONLY

VOTED

11,913

4,118

RS TE VO

XPECTED 1E V 2 0

RS TE O

ONLY

22 EXPECTE 20 D

10,3 78

Naiparating sa UEB ang protestang ito noong ika-15 ng Mayo kasama ng detalyadong incident report sa reklamong pagpapaabot ng maling impormasyon sa CLSU Collegian patungkol sa resignation ng Tindig vice chairperson bet na si Bien Anjhello Lim. Agad naman itong ginawan ng aksyon ng UEB at ipinaabot sa tanggapan ng outgoing Chairperson ng USSC na si Aijohn Santos, na nagbigay ng tugon sa nasabing insedente. Ayon kay Santos, ang nasabing komento gamit ang opisyal na page ng USSC ay mula sa kanilang

Interim Internal Vice Governor Princess Shania Dela Rosa na nakaderekta hindi kay Punzalan ngunit kay Lim. Ipinahayag din sa liham na kinaharap ni Dela Rosa ang ‘technical difficulties’ sa lubos na kagustuhang maipahayag ang kaniyang politikal na ekspresyon. Binigyang linaw naman ng UEB ang lahat ng protesta kasama ang poll watchers mula sa dalawang partido matapos ang canvassing ng boto, gabi ng ika-16 ng Mayo. Samantala, umaasa ang Tindig na bibigyan ng aksyon ng USSC ang paggamit ng opisyal Facebook page ng konseho.

SUMMARY OF VOTES PER COLLEGE CAg CASS CBAA CEd CEn

22.43% 33.75% 53.52% 16.61% 28.01%

CF CHSI CS CVSM

39.68% 32.83%

28.62% 22.94% 36.80% 78.20%

FROM 39.68% IN 2021, THE VOTERS' TURN OUT DROPPED TO 32.83% THIS YEAR

Voters’ turn out ngayong USSC Election, bumaba sa 32.83% Jerome Mendoza

B

umagsak sa 32.83% ang voters’ turn out sa inilabas na official tally of votes ng University Electoral Board (UEB) sa katatapos na USSC Election 2022 kung ikukumpara noong 2021. Sa 11,913 expected voters, 3,911 lamang ang naitalang boto kung saan malaki ang ibinaba nito kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng 39.68% o 4,118 boto mula sa 10,378 expected voters. Sa kabuuan ng boto mula sa siyam na kolehiyo, ang College of Veterinary Science and Medicine at College of Business Administration and Accountancy lamang ang nakapagtala ng boto na humigit sa kalahating bahagdan ng mga expected voters. Pinakamababa naman ang College of Education kung saan umabot lamang ng 16.61% ang voters’ turn out mula sa 1,981 expected voters sa kolehiyo.

2


EDITORYAL

04-05

Agarang Reporma

U

pang makamit ang isang epektibong gobyerno na mamamahala sa buong sangkaestudyantehan ng Central Luzon State University (CLSU), magiging malaki ang kontribusyon ng agarang pagpapatibay at pagamyenda ng kasalukuyang umiiral na Constitution and By-Laws (CBL) ng CLSU University Supreme Student Council (CLSU-USSC). Kamakailan lamang, isinagawa noong ika-19 ng Mayo ang USSC Elections 2022 (sidebar #1) na nagbigay-daan sa mga panibagong lider-estudyante upang manungkulan at pangunahan ang libo-libong mag-aaral ng unibersidad para sa susunod na akademikong taon. Subalit, naging pagkakataon din ang nagdaang halalan upang bigyangpansin ang mga nararapat pagbutihin SIDEBAR #1

KALENDARYO NG USSC ELECTION 2022 SOURCE University Electoral Board

APRIL

MAY

18

02

FILING OF COC

MAY

MAY

07

15

CAMPAIGN PERIOD

MAY

13

MITING DE AVANCE

MAY

16

ELECTION DAY

mula pangagampanya hanggang ang mga isyu na dapat bigyang pansin. sa pamumuno pagsapit ng kanilang Upang matugunan ito, malaking termino. tulong ang paglalahad sa CBL ng mas tiyak na tungkulin ng isang konsehal PANGANGAMPANYA LAMPAS SA MGA ng bawat kolehiyo. Dagdag pa rito, ITINAKDANG ARAW mapagtutuunan ng nasabing lider ang Bago pa man sumapit ang araw ng kani-kanilang mga responsibilidad na halalan, binigyan ng University Electoral magbubunga ng mas maayos na daloy Board (UEB) ang mga kandidato ng ng serbisyo patungo sa mga mag-aaral walong araw mula ikapito hanggang ika- ng unibersidad. 15 ng Mayo bilang kanilang campaign period. Gayunpaman, hindi pa rin ito PAGTATATAG NG KOMITE naging hadlang upang mangampanya Sa kasalukuyang administrasyon ng ang kani-kanilang mga tagasuporta CLSU-UUSC, may limang itinatag na pagkatapos ng mga itinakdang araw komite: Finance and Auditing Committee ng pangangampaya. Nagkaroon din (FAC), Students’ Rights and Welfare ng mga ulat ng pangangampya sa Committee (STRAW), Education and mismong araw ng eleksyon na mahigpit Research Committee (EdRes), Gender and na ipinagbabawal. Equality Committee (GEC), at University Kaya naman, lunas sa suliraning First-Year Committee (UFC) (sidebar nabanggit ang pagdadagdag sa CBL #2). Kasabay ng pagkakatatag nito sa ng CLSU-USSC ng mga karampatang ilalim ng kasakuluyang pamamahala, parusa para sa mga lalabag sa mga napalakas ang boses ng ilan sa mga regulasyong ilalabas ng UEB hinggil sa minorya sa loob ng kampus para isigaw lahat ng mga iregularidad na nauukol ang kani-kanilang mga panawagan. sa kampanya. Dahil dito, mapipigilan Gayunpaman, hindi nakasaad sa ang pagdami ng ulat ng mga ganitong kanilang CBL ang mga detalye ukol sa problema sa mga susunod na eleksyon. pagbuo ng mga komite kabilang na rito kung paano ito binubuo a mga uri ng LIDER-ESTUDYANTE NA komite na dapat umiral sa administrasyon. SUMASAILALIM SA OJT Dahil dito, maaaring magbago-bago Batay sa Section 3 ng Article VII ng ang mga maaaring maitatag bawat taon CBL ng CLSU-USSC, nililimitahan nito na siyang magtutuldok sa mga nagawa na sumailalim sa kahit anong uri ng ng mga mas naunang komite at hindi programang practice of teaching at maipagpatuloy ang mga nasimulang apprenticeship. Kabilang na rin dito ang programa. mga On-the-Job Training (OJT). Sa kabila ng mandatong ito, nagkaroon pa rin ng dalawang lider-estudyante ang dumaan SIDEBAR #2 sa mga nabanggit na programa sa panahon ng kanilang termino. Bagamat karapatan ng sinumang LIMANG KOMITE NA mag-aaral ang mag-enroll sa kahit ITINATAG NG USSC anong programa o kurso na kanilang nais, mabigat na sinumpaang tungkulin ang maging isang miyembro ng Finance and Auditing Committee konsehong pangkampus. Hindi biro ang responsibilidad na ipapataw sa balikat ng isang lider-estudyante kaya naman Students' Rights and kailangan silang papiliin na iantala Welfare Committee ang kanilang programa o magbitiw sa kanilang posisyon. Education and SAPAWAN NG TUNGKULIN Research Committee Makikita rin sa CBL ang kakulangan ng espesipikasyon ng tungkulin ng Gender and Equality isang USSC College Councilor. Dahil dito, Committee nagkakaroon ng kalituhan sa pagitan gampanin ng isang konsehal at mga College Student Government (CSG) University First-Year Governor. Nasasayang nito ang potensyal Committee ng bawat lider na ipaabot ang kanilang serbisyo sapagkat hindi napagtutuunan

01 02 03 04 05


MGA PANAHON NG PAG-AMYENDA NG CBL Ayon sa Section 3 Article XIV ng kanilang CBL, kada apat na taon lamang maaaring magkaroon ng pagpapatibay ng kanilang konstitusyon. Lingid sa kaalaman ng lahat na nalilimitihan nito ang kakayahang umangkop ng administrasyon sa mga suliraning kahaharapin nito. Ipinagkakait din nito ang kakayahang maging maagap ng mga lider sa pag-aksyon sapagkat nakabatay ang kanilang bawat galaw sa umiiral na regulasyon sa kanilang CBL. Bilang tugon, maaaring tanggalin ang panahon na dapat palipasin upang maging posible ang pagpapatibay ng kanilang konstitusyon. Kung hindi naman, maari ding paikliin ang apat na taong paghihintay upang hindi pa lumala ang maaring pagbagal ng pahahatid ng serbisyo sa sangkaestudayntehan. Ilang termino na ng CLSU-USSC ang namuno sa sangkaestudyantehan ng kampus ng CLSU sa pamamagitan ng gabay at mga tuntunin batay sa kanilang CBL. Saksi rin ang lahat sa pagbabago at kontribusyon na naiambag ng mga nakalipas na lider-estudyante sa pagpapabuti ng unibersidad bilang pangalawang tahanan ng bawat mag-aaral. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na wala nang mas igaganda ang uri ng liderato ang konseho. Taong 2013 pa nang huling m a a mye n d a h a n ang kanilang CBL. Sa

nagdaan na siyam na taon, hindi maikakaila na marami na ang kailangang ipagbuti at bigyang linaw sa kanilang CBL upang mas maging angkop sa kasalukuyang panahon. Noong pangangampanya ng kasalukuyang CLSU-USSC Chairman Aijohn Santos, naipangako ang pagamyenda ng CBL ng CLSU-USSC ngunit hindi ito naisakatuparan. Sa susunod na termino sa ilalim ng liderato ni CLSUUSSC Chairman-elect Sherren Punzalan, isa rin ito sa kanilang mga plataporma na nawa ay maisakatuparan para sa ikakabuti ng pangkalahatan. Kaya naman, umaasa ang mga mag-aaral ngayon ng unibersidad sa agarang pagbabago at pagdadagdag ng ilang mandatong nakapaloob sa CBL. Ilang araw na lamang bago maisalin ang kapangyarihan at kaakibat nitong mga responsibilidad sa susunod na mga lider-estudyante ng CLSU-USSC. Dito matatapos ang isang yugto upang magbigay-daan sa pagsisimula ng bagong pamunuan na gagabay sa lahat ng mag-aaral ng CLSU. Ngunit bago pa man ang lahat ng ito, magsisimula ang pagbabagong inaasam ng lahat sa pamamagitan ng agarang reporma sa lumang konstitusyon na umiiral sa konseho.

...magsisimula ang pagbabagong inaasam ng lahat sa pamamagitan ng agarang reporma sa lumang konstitusyon na umiiral sa konseho.

Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office, Student Union Building, CLSU,Science City of Muñoz, Nueva Ecija o magpadala ng mensahe sa clsucollegian@clsu.edu.ph


06 OPINYON

CLSU COLLEGIAN

Ang Opisyal na Pahayagan ng Central Luzon State University

CANDID

AFTERGLOW

Lenilyn Q. Murayag | FEATURES EDITOR murayag.lenilyn@clsu2.edu.ph

Winchester R. Santos JUNIOR OPINION EDITOR santos.winchester@clsu2.edu.ph

S

Naglalahong Demokrasya

inasalamin ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University (CLSU) na nakikilahok sa CLSU University Supreme Student Council (CLSU-USSC) ang kakulangan ng pagpapahalaga sa tunay na diwa ng halalan. Noong ika-16 ng Mayo, naganap ang taunang eleskyon para sa mga susunod na mga lider-estudyante na mamumuno. Sa kabila nito, malaki ang gampanin ng bawat mag-aaral ng CLSU dahil ang kanilang bawat boto ay may kapangyarihang humubog sa kalidad ng kanilang kinabukasan at kalidad ng pag-aaral sa loob ng kampus. Gayunpaman, lubos na nakapanghihinayang na kakaunti lamang ang mayroong kamalayan sa sagradong tungkulin na ito. Kung susuriing mabuti, malaki ang responsibilidad ng isang estudyante ng unibersidad na alamin ang mga detalye patungkol sa pagpili ng liderato iiral at mamumuno. Batay sa ulat ng CLSU Collegian, bumaba ng tumataginting na 6.85% ang voters’ turn-out ang halalan ngayong taon kung ikukumpara noong 2021. Patunay ito ng humihinang inisyatibo ng mga magaaral upang makialam sa mga ganitong mahahalagang kaganapan na maaaring maging tugon sa samu’t-saring isyung pangkampus. Dagdagparito,malakiangginagampanan ng USSC lalong higit sa panghihimok sa mga mag-aaral na bumoto partikular na sa pagpapakalat ng impormasyon ngunit taliwas ito sa inaasahan, walang ginawa ang konseho upang hikayatin ang mga estudyante kahit sa simpleng post lamang. Bilang isang magaaral ngayong pandemya na nasa ilalim ng flexible learning, unang takbuhan ko ang iba’t ibang social media platforms at internet sa mga importanteng impormasyon. Datapwat, hindi kailangang magdalawang-isip ang mga organisayon at grupong may malalawak na impluwensiya sa online. Bagamat mababa man o mataas ang voters’ turn-out ng halalan ay magkakaroon pa rin ng mga bagong lider-estudyante, hindi pa rin ito sapat na dahilan upang isantabi ang ating gampanin na bumoto. Dito nakasalalay ang kahinatnan ng parehong unibersidad at kapakanan ng bawat magaaral ng CLSU. Bilang tugon, magkaroon nawa ng kamalayan ang bawat botante, malakas na pagpapalawak ng paghahatid ng impormasyon sa loob at labas ng apat na sulok ng paaralan. Kung magpapatuloy ang nakababahalang pagbaba ng bilang ng kabuuang boto kada taon, unti-unting nawawalan ng saysay ang demokrasya sa loob ng kampus.

Makikisakay Na Lamang?

N

akababahala ang mababang interes ng mga estudyante na lumahok sa pangkampus na halalan. Muling nangibabaw ang kaunting bilang ng mga nagnanais na maging miyembro ng University Supreme Student Council (USSC) matapos anim sa mga kandidato ang wala ng katunggali sa ginanap na USSC Election noong ika-16 ng Mayo. Kaugnay nito, tiyak na mapupunta na sa mga kandidato na walang kalaban ang posisyon kahit na isang boto lamang ang makuha dahil umiiral sa unibersidad ang "Plurality of Votes" na nakabatay sa constitution. Samakatuwid, isang boto na lamang ang hinintay ng kumakandidato para sa kalihim, ingat-yaman at apat na konsehal sa kolehiyo bago sila maupo sa mga nasabing posisyon. Samantala, dalawang partido lamang ang nabuo makaraan na mailabas ang anunsyo noong ika-18 ng Abril para sa nasabing eleksyon. Sa kabila ng dalawang linggo na inilaan para makapag-ayos ng mga kinakailangan na dokumento para kumandidato, hindi pa rin nagpakita ng interes ang ilan na may kakayahan din para maging lider-estudyante ng unibersidad. Bukod dito, matatandaan na wala rin naging kalaban sa posisyon na kinakandidatuhan ang auditor, at mga konsehal ng College of Agriculture (CAG), College of Business and Administration (CBAA), College of Education (CED), College of Fisheries (CF), College of Home Science (CHSI), College of Veterinary Medicine (CVSM) at College of Engineering (CEN) noong halalan ng taong 2021. Hindi rin nalalayo ang

mga nabanggit na pangyayari sa naganap na eleksyon noong 2019 kung saan dalawang partido lamang din ang nabuo habang anim na kandidato rin ang sigurado na ang pwesto. Totoo na hindi biro ang kaakibat na responsibilidad na pamunuan ang mga kapwa estudyante, idagdag pa ang patongpatong na gawain sa bawat asignatura. Isa pa, kinakailangan din ng sapat na kahandaan sa pisikal, mental, at maging sa emosyonal na aspeto kung ninanais na sumabak sa politika. Gayunpaman, hindi dapat na kawilihan ang pagsasawalang bahala sa pangkampus na halalan. Mahalaga na mahikayat ang mga estudyante na may kakayahang mamuno na kumandidato upang makilatis nang mabuti kung sino ang karapatdapat at hindi sa posisyon. Mainam na tuntungan ang partisipasyon sa pangkampus na halalan nang mahasa ang kaalaman at kamalayan ng mga estudyante sa sistema ng pamumuno. Dagdag pa rito, maaari rin na maging daan ang nasabing pakikilahok upang mas maging aktibo pagdating sa mga usapin na may kinalaman sa pagpili ng mga lider sa loob at labas ng eskwelahan. Sa huli, marapat na suriin ng bawat estudyante ang kanilang mga sarili kung ang hindi pakikilahok sa ganitong mga aktibidad ay bunga ba ng takot sa responsibilidad o kawalan na ng pakialam sa sangkaestudyantehan. Magiging mailap ang pagpapalakas sa tinig ng bawat mag-aaral kung patuloy na makikisakay sa sitwasyon ang mayorya at tuluyang mawawala ang pagkukusa na makilahok sa pangkampus na halalan.

PATRONUM

Jerome Christhopher C. Mendoza | CIRCULATIONS MANAGER mendoza.jerome@clsu2.edu.ph

B

Hinay-hinay

agamat ang paghahayag ng saloobin ay malaya, kaakibat din nito ay malaking responsibilidad at pananagutan. Nitong ika-13 ng Mayo, samot-saring diskurso at pagpapalitan ng komento ang naglipana sa Facebook Live ng nagdaang Miting De Avance. Sa humigit 100 na viewers, pumukaw ng atensyon ang komento ng opisyal na Facebook account ng Central Luzon State University - University Supreme Student Council (CLSU-USSC). Base sa konteksto ng komento, dismayado ang commenter sa isang kandidato dahil sa pagreretiro nito sa kanyang dating katungkulan sa USSC. Lahat tayo ay mayroong layang maghanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon, ideya o opinyon. Bagamat

bukas para lahat ang comment section ng nasabing Facebook live, anuman ang ipinahahayag na pananaw, marapat na alamin ang ating mga limitasyon dahil maaaring maging kaakibat nito ay kaparusahan. Batay naman sa naging ulat ng University Electoral Board ukol sa isyu, nagkaroon lamang ng “technical difficulty” ang isa sa mga miyembro ng nasabing organisasyon sa kagustuhan nitong magpahayag ng political expression sa nangyaring Miting De Avance. Gayunpaman, hindi propesyonal at mariing ikinukundena ang paggamit ng opisyal na Facebook account ng isang organisasyon upang magpahayag ng sariling opinyon o saloobin dahil ito ay sumasalamin sundan sa page 7


OPINYON 07

USSC ELECTION SPECIAL ISSUE

E CLSU Collegian QD @kuleofficial k clsucollegian@clsu2.edu.ph

NOVATURIENT

INVICTUS

Jaymie Krizza P. Benemerito | SENIOR STAFF WRITER benemerito.jaymie@clsu2.edu.ph

Jaira Patricia V. Ebron MANAGING EDITOR ebron.jaira@clsu2.edu.ph

Pagbabago, Piliin Mo

Kibit-balikat

Abstain verb. to choose not to vote

H

indi man karamihan, ngunit mangilanngilan pa rin sa ating ang pinipiling ‘wag na lamang bumoto o pumili ng iboboto. Marahil ay iniisip nang iba na ang pagbibigay ng abstain na boto ay walang kapangyarihan upang mabago ang boto nang nakakarami. Hindi man ito katumbas sa mayorya, pero dala nang isang boto ang bigat ng panalong kayang baguhin ang nakasanayang sistema, o ang simula ng bagong pag-asang sa isang adbokasiya, pangarap na pagangat para sa karamihan at adhikain para sa magandang pamamalakad. Bilang isang estudyante, sinisimulang ihulma ang bawat isa upang gamitin at ipaglaban ang karapatan ng bawat isa. Kasama sa obligasyon na ito ang pakikialam sa eleksyon at pagbibigay boto sa karapatdapat na kumakandidato para sa posisyon. Ngunit, bakit nga ba patuloy ang pagbibigay ng abstain na boto pagdating sa eleksyon? Ayon kay Francis Joseph Dee, Assistant Professor, Political Science University of the Philippines - Diliman, dalawang bagay ang dahilan ang pagkakaroon ng abstain na boto sa Pilipinas. Isa dito ang hindi pagsusumite ng balota dahil sa hindi pagpunta o pagdalo sa mga voting precints o pangalawa ay ang hindi pagpili ng alinman sa mga pagpipiliang kandidato para sa isang posisyon. Sa mga nagdaang USSC eleksyon, malaking porsyento ng mga mag-aaral ang mga hindi nakikilahok sa pagboto, gayundin ang hindi pagbibigay ng boto sa mga naturang kandidato sa isang posisyon. Maaaring ito’y dahilan nang hindi sapat na pagpipilian ng mga estudyante batay sa mga listahan ng mga kumakandidato

Hinay-hinay

mula sa page 6

sa kabuuan. Malinaw na ito ay isang malaking pagkakamali na dapat bigyang atensyon ng kasalukuyang pamunuan ng USSC upang gumawa ng mga hakbang para hindi na maulit ang ganitong pangyayari. Sa kapusukan ng damdamin, kaakibat dapat nito ay matinding pag-iingat. Maganda ang pagpapalitan ng mga diskurso at komento. Napapalawig nito ang kritikal na pag-iisip at naipararating nito ang iba't ibang panig ng mga opinyon. Sa nangyaring isyu, nawa matuto ang lahat na maghinay-hinay sa paghahayag ng saloobin lalo na kung nasa ilalim ng matinding impluwensiya ng emosyon.

ngayong eleksyon. Dito pumapasok na hindi pumapantay sa kwalipikasyon ang mga hinahanap ng mga kapwa nito mag-aaral sa mga kumakandidato. Kaakibat din ng desisyon na ito ang pagpapakita na malaki ang sakripisyo ng mga mag-aaral upang makapagbigay ng boto. 'Di naman lingid sa kaalaman nang bawat isa na mahalagang salik ang COVID-19 upang magkaroon ng malaking balakid pagdating sa mga pisikal na aktibidad at pag-aaral ng mga estudyante. Dahil hindi naman lahat ay may kakayahan upang gumastos sa pang araw-araw na load kabilang ang libreng oras sa ibang aktibidad, hindi na rin pinag-aaksayahan ng panahon para bigyan ng panahon ang eleksyon na siyang kalaunan ay pagkawala ng karapatan na bumoto. At panghuli, resulta din ito nang pagsasawalang halaga o bahala sa usaping karapatan at manatili lamang na pangkaraniwang estudyante na ang tuon ay sa pagpasa lamang sa unibersidad. Kung susuriin, para sa akin ito’y pinakamababang dahilan upang depensahan ang hindi pagpili o pagboto. Marahil ay maliit na bagay lamang ito sa taong hindi binibigyang pansin ang halaga nang isang boto, pero katulad na lamang sa isang pambansang eleksyon, kapalit ng isang boto ang kaginhawaan o kahirapan ng isang taong nasasakupan nito. Nasa ating desisyon pa din nakasalalay ang bawat hakbang at paraan upang tuluyang makalaya sa paniniil ng nakaraan upang tuluyang magampanan ang ika-aangat para sa magandang kinabukasan.

PATNUGUTAN NG IKALAWANG SEMESTRE A.Y. 2021-2022 Laurence L. Ramos EDITOR-IN-CHIEF | Joshua P. Mendoza ASSOCIATE EDITOR | Jaira Patricia V. Ebron MANAGING EDITOR | Daniel Paolo C. Aquino NEWS EDITOR | Millen Angeline M. Garcia OPINION EDITOR | Lenilyn Q. Murayag FEATURE EDITOR | Christine Mae A. Nicolas DEVELOPMENT COMMUNICATION EDITOR | Emmanuel B. Namoro SPORTS EDITOR | Danver C. Manuel LITERARY EDITOR | Luis Alfredo C. Castillo HEAD PHOTOJOURNALIST Ron Vincent V. Alcon HEAD CARTOONIST | France Joseph O. Pascual HEAD LAYOUT ARTIST | Jerome Christhopher C. Mendoza CIRCULATIONS MANAGER JUNIOR EDITORS Winchester R. Santos, Jose Emmanuel C. Mico, Justine Mae F. Feliciano, Ildefonso D.C. Goring Jr., Ferdinne Julia O. Cucio, Ma. Clarita Isabelle N. Guevarra, Excy Bea C. Masone, Jessalyn D. Soriano, Steven John Collado SENIOR STAFF Jaymie Krizza P. Benemerito , Xyra Alessandra Mae Balay, Edwin D.B. Bobiles, Carl Danielle F. Cabuhat, Jonalyn E. Bautista, John Marius C. Mamaril, RD E. Bandola PROBATIONARY STAFFS Arvin Jay P. Alarcon, Richmond Jasper Barlis, Aira Bernardino, Edmon Vincent Bravo, Lexter Dan Ciriaco, Melorie Faith Dizon, Noel Gutierrez Edillo, Brandon Escobar, Chrystalyn Flora, Shechinah Ginco, Rain Mauricion, Jezzer David Nava, Raymarck Patricio, Norielyn Ramos, Jaymeelyn Reyes, Harry Boy Rocero, Jhosane Rocero, Sharona Salazar, Reign Avegel Saludez, Renz Jay Taguinod, Jeanos Lynn Tulagan

P

atuloy na bababa ang moral at tiwala ng mga mag-aaral ng unibersidad kung hindi seseryosin ng mga inihalal na opisyal ang kanilang responsibilidad bilang mga liderestudyante. Matapos matamo ang mas mababang voter’s turnout mula sa 39.68% patungong 32.83% sa idinaos na 2022 University Supreme Student Council (USSC) Elections, mahalagang balikan ang mga naging posibleng sanhi ng kawalan ng pakialam ng mga mag-aaral sa mga kaganapang may kinalaman sa USSC. Kung susuriing mabuti, maaaring hindi lamang ang mga mag-aaral ang talagang nagkulang kung hindi ang mismong nasa kinauukulan. Isang halimbawa na lang nito ang pagkabakante ng maraming posisyon sa nakaraang administrasyon dulot ng pagbitiw ng mga nahalal na opisyal sa kani-kanilang pwesto. Isa sa mga naunang mabakanteng posisyon ang College of Arts and Social Sciences (CASS) Councilor sa pamumuno ni AJ Ador Dionisio noong Hulyo 2021, isang buwan lang matapos pormal na nanumpa sa opisina ang nakaraang administrasyon. Sinundan rin ito ng kabi-kabilang pag-alis ng Treasurer, Auditor, Public Information Officer (PIO), at iba pang College Councilors, dahilan upang maging pabago-bago ang mga taong kumakatawan sa USSC. Sa katunayan, ayon sa pumalit na USSC Secretary na si Julius Ceazar Gumarang, may kabuuang labing-isang posisyon ang nabakante sa nakaraang administrasyon. Marami sa mga ito ang papalit-palit ng tao at ilan pa dito ay hindi pa muling napupunan. Gayunpaman, sa kabila ng sunod-sunod na pagliban, iilan lamang sa mga dahilan ng mga nagiwan ng posisyon ang isinapubliko. Ilan lamang sa mga naging resignation letters ng mga umalis ang nailathala, kung saan karamihan ay nagsaad na personal na dahilan ang naging sanhi ng kanilang pag-alis. Hindi naman masamang lisanin ang mga gampanin kung ito’y para sa ikabubuti ng sarili, ngunit mahalagang isaisip ang karampatang tungkuling kaakibat ng panunumpa bilang isang opisyal na lider ng unibersidad. Mapagtatantong sa bawat pwestong nababakante, maaring naapektuhan ang uri ng serbisyo at pamumunong naibibigay ng USSC sa mga mag-aaral; Maaaring ang mga nakalipas na plano at proyekto ay hindi maisakatuparan dala ng mga posisyong hindi agad mapunan. Bukod pa rito, maaaring bumaba rin ang pagtingin ng maraming mag-aaral sa klase ng mga lider na namumuno at kumakatawan sa kanila sa paaralan. Totoong mabigat na tungkulin ang pagiging isang lider-estudyante kung kaya’t hindi ito dapat basta-bastang pagpasyahan. Mahalagang pag-isipang mabuti bago pasanin ang mga responsibilidad na kalakip ng pagiging parte ng pinaka mataas na konsehong pang mag-aaral sa unibersidad. Sa huli, hindi ito maituturing na desisyong dapat ipagpasa kibit-balikat na lamang.


KULE KOMIKS

Nasaan na 'yung link?!

Ni Reign Avegel Saludez

Crededible Credentials

Ni Ron Vincent Alcon

Bakas

Ni Raymarck Patricio

No Idea

Ni John Marius Mamaril


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.