5 minute read
siNiNg
filiPino | sining Tatú: Tatak ng Pagkakakilanlan
iSinulaT ni MDPN. JOHN ROVIC T. LOPEZ mga larawang kuHa ni: MDPN. JAYLAND E. SINGUILLO guHiT ni MDPN. VINCENT JAY A. VIGO
Advertisement
Kapansin-pansin ang mga maliliksing pag-indak ng mga paa sa kalsada, kasabay ng mga paghampas ng tambol at mga pagkanto ng indak. Mabubusog rin ang iyong mga mata sa mga kasuotan nilang gayak na gayak na tila sumasabay rin sa bawat kilos ng mananayaw. Ngunit ang pinaka nakaaagaw-pansin ay ang mga iba’t-ibang hugis at dibuho na makikita sa kanilang mga katawan, na siyang hindi lamang ordinaryong mga tinta, kundi sagisag ng kung sino sila.
The DOLPHIN | OCTOBER 2019
33
PAGTATATU’. Pagkakakilanlan nating mga Pilipino
34
VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN
Putong
Ang pútong ay anumang kasuotan, karaniwang tela, para sa ulo. Sa sinaunang tao, ang pútong ay maaaring nagsimula para sa praktikal na gamit.
Kangan
Pantaas na damit ng mga sinaunang pilipino
Alahas
Tanging mga mayayamang tao sa isang tribu ang nakakasuot nito. Sumisimbolo sa pagiging mayaman at makapangyarihan.
Tatù
Sumisimbolo sa katapangan ng isang mandirigmang Pilipino. Ang may pinakamadaming tatú sa tribu ang siyang pinakamatapang.
Punyal
Ang maikling patalim, gamit mang sandata o para sa pang-arawaraw na gawain, ay karaniwang tinatawag na punyál.
https://www.fl ickr.com/nccaoffi cial/ Sa loob ng humigit-kumulang dalawang dekada, ang mga mamamayan ng lungsod ng Passi sa Iloilo ay nagtitipontipon taon-taon upang magkaisa sa pagdaraos ng kanilang piesta— Ang Pintados de Passi Festival. Tuwing ikatlong linggo ng Marso, inaabangan na ang iba’t-ibang pagtatanghal at aktibidad sa lungsod. Ngunit ang pinaka inaabangan ay ang pagpapaligsahan ng iba’t-ibang tribu na siyang kinalalahukan ng mga mananayaw na kung hindi man balot na balot ang katawan ng tatú ay may mga minimal na tinta sa mga partikyular na bahagi ng katawan. Ito ang kardenal na pokus ng pagdiriwang, ang mabigyang halaga ang sining ng pagta-tatú at ipagbunyi ang mga pamana ng nakaraan. Marami ng mga pagdiriwang sa probinsya ng Iloilo ang ibinatay sa mga sining, tradisyon o kulturang patuloy paring umiiral o hindi kaya’y sa mga tuluyan ng nakaligtaan. Ang Pintados de Passi ay isang kaparaanan upang sariwain ang sining at pagkakakilanlan na unti-unti nang nakakalimutan ng karamihan sa mga taga-Panay. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang sining na ito ay naging bahagi na ng kultura at pamumuhay ng mga tao sa Panay bago pa man bahiran
ng impluwensya ng mga mananakop ang lupain. Mayaman ang isla ng Panay sa mga kulturang pamana. Ang kasaysayan nito ay malawak at mahalaga. Malago ang isla sa mga alamat nito at tradisyon na siyang umakit sa atensiyon ng iba pang kultura kahit bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon sa mga mananalaysay, bago pa man ibinigay ni Miguel Lopez de Legazpi ang tawag na “Pan hay in este isla” (May pagkain sa isla) na nang lumaon ay naging “Panay”, ay may ilan nang naging pangalan ang isla. Tulad na lamang ng Aninipay (tanim na karamiha’y matatagpuan dito) at Madia-as (ang pinakamataas na bundok sa isla). Ngunit may isa pang katawagan na ibinigay ang mga Espanyol sa Panay. Tinawag nila itong ‘Isla de Pintados’ matapos nilang matagpuan ang mga taong balot ng Tatú sa katawan o ang tinatawag nilang ‘Pintados’ (mga taong pintado ang katawan) na siya ring pinagbatayan ng pangalan ng pagdiriwang ng Passi. Ang sining ng pagta-tatú ay kinagawian na ng mga tao sa Panay noon ayon sa chronicler na si Miguel de Loarca sa isinulat niyang ‘Historica Pre-Hispanica de Filipinas Sobre la Isla de Panay’. Inilarawan niya ang pagta-tatú sa proseso ng paggamit ng maliliit na bakal na may tinta sa dulo, ginagamit na panturok sa balat. Ang tinta na ito ay napapasama sa dugo kaya hindi ito mabura-bura. Ang kinagawiang ito ay nagiging pananda rin ng pandigmang estado ng mga kalalakihan. Kapag marami ang Tatú sa katawan, siya ay isang makisig at may mataas na estadong mandirigma. Habang maaaring punuin ng mga kalalakihan ang kanilang katawan ng tinta, ang mga kababaihan naman ay pinahihintulutang magtatú sa isang braso lamang. Ang Tatú rin ay nakakapang-akit ng paghanga para sa kababaihan at ng damdaming kahigtan sa mga kalalakihan. Ngunit nang sinimulang binyagan ng Espanya ang Pilipinas lalong-lalo na ang mga tao sa Panay, unti-unti nang nawala ang tradisyon at sining ng pagta-tatú sa paniniwalang pagano ang tradisyong ito. Subalit hindi natinag ang mga mananalaysay at mananaliksik sa paghahanap ng paraan upang ibalik ito o hindi kaya’y kahit sa simpleng paggunita lamang sa sining na ito, ay mabigyang
BAKAS NG TINTA. Natural na pamamaraan ng pagtatatu’
PINTADOS. Isinasabuhay ang mga unang tao sa Panay.
halaga ang ating kasaysayan. Ang pagdiriwang ng Pintados de Passi ay naging isang mabisang paraan upang bigyang liwanag ang sining ng pagta-tatú na maipakilala sa buong isla at maging sa buong mundo. Naging mas makabuluhan ang pagdiriwang na ito hindi lang dahil sa mga maliliksing pag-indak sa kalsada, sa mga tunog ng tambol at pagkanta, sa mga makukulay na kasuotan ng bawat mananayaw o sa pagkakaisa ng mga mamamayan ng Passi. Naging mas makabuluhan ito dahil sa pagbibigay buhay nito ulit sa isang napakahalagang bahagi ng ating kultura’t kasaysayan— Ang Pagta-Tatú. Marahil ang sasabihin ng iba, ito’y mga adorno’t palamuti lamang sa katawan, o simpleng mga marka ng tinta sa balat para sa paghanga at impresyon. Ngunit kagaya ng mga tinta, ang mga Tatú na ito ay pawang nanalaytay na rin sa dugo ng mga taga-Panay, bilang sagisag ng kanilang kasaysayan, marka ng kanilang pinagmulan at tatak ng kanilang kasarinlan at pagkakakilanlan.
The DOLPHIN | OCTOBER 2019