6 minute read
sEa ExpEriENcE
filiPino| sEa ExpERiEnCE
That thing called, layp on Bhord
Advertisement
(Buhay sa Barko)
iSinulaT aT mga larawang kuHa ni AB ANGELO A. CASAÑARE
Ang umaga ay payapa nang biglang tumunog ang orasan. Naglalakbay sa aking malawak na isipan ang mga guni-guning nag naghahabulan. Kailangang bumangon, kailangan tumayo. Panibagong araw na naman. Hindi para mag-aral sa apat na sulok ng kalsehan kundi maglakbay sa maalong buhay ng karagatan.
Kung sa talambuhay lang sa gitna ng mabangis na dagat, kotang kota na talaga ako siguro. Payak lng naman ang pamumuhay sa barko, madali kung kalmado ang karagatan at pasimple lang kung inaalat at inaalon ang rutang patutunguhan .
Japan. Kaba ang nanguna sa puso kong tila nag-uunahan. Nagtatanong kung bakit at tagalang ito ba ng papasukin kung propesyon. Ito ang bumabagabag sa aking katauhan ng una akong sumampa ng barko. Tanaw ang imahe ng aking sasakyang barko, tila humupa ang tensyon sa nag-aalab kong puso. Heto na talaga. Wala ng ayawan. Dumating kami nang bago mag tanghalian sa barko. Pagkatapos kumain ay nagpahinga ng kaunti. Pagpatak ng mga menos kinse ng alas kwatro ng hapon bihis na agad saka nagrelyebo ng gwardya. Sa mga oras na iyun parang umaayon sa tadhana ang aking kapalaran. Madali lang naman palang maging seaman. Gwardya gwardya lang ang labanan. Pero biglang nag-iba nag simoy ng maalat na hangin. Bandang alas dos ng madaling araw may tumawag sa telepono at sinabing “Maglinis na ng bodega”. Hindi ko inaasahan na ang bodegang iyun ang magpapamulat sa akin. Kimintal ang tanong sa aking isipan noong una palang kung kaya ko ba ito. Napasabi ako ng “Oo”, pero sa naranasan kung pagod sa sitwasyong iyun, napaungol ako at kaliwa’t kanang lumingi ang aking ulo
Vietnam. Pero hindi doon natatapos ang lahat. Tumba-tumba na naman ako sa pagtatrabaho kasama ang aking mga kabaro. Ilang beses na magdamagang duty mula alas-dose ng umaga hanggang alas-sais ng umaga. Tuliro ang utak habang nakamasid sa tanawing tila walang hangan. Di hamak ang trabaho na parang darating sa punto na aayaw na aking katawan. Mapapaisip kanalang na ang “swerte mo sa malas”, parang suicidal ang nagaganap. Mga mooring operations na kay hihiram, sabayan pa ng mga madaldal na utos ni kapitan. Sa mga panahon na iyong wala akong magawa kundi tanggapin nalang ang aking tadhana. Pero sige lang banat lang ng banat. Habang suot ang kapote sa ilalim ng madilim na kalangitan nag-arya kami ng lubid sa kilid. Naghihintay ng ulang papatak pero wala. Imbis na maligo sa ulan naligo ako sa pawis ng aking katawan. Ang lahat ng pagod ay unti-unti nang nanonoot sa bawat hibla ng aking ugat. Biglang nanilim ang aking paningin. Walang letra ang makahahambing sa pakiramdam na aking natamasa. Pagod at hirap ang naghahalo dahil sa walang tulog na pagtatrabaho. Tanging magagawa ko lang ay magdasal at sabihin sa sarili na mabubuhay pa naman ako.
Chile. Sa lahat ng aking pinagdaanan ito talaga ang hindi ko malilimutan. Nagsisiliparan ang mga paruparu sa aking tiyan dahil sa pananabik na makasampa sa mas malayo pang lugar. Tatlumput isang
46
VOL.59 NO.1 | The DOLPHIN
araw na byahe galing Japan papuntang Chile. Galing kami ng dockyard noong mga panahon na iyun. Pero kung gaano ako kagalak, grabe ang trabahong naghihintay sa akin. Halos wala ng tulog ang aking nararanasan. Antok at pagoda ng nagtitimpla sa aking kaluluwa. Dumating na sa punto na tingi ko anemic na ako at hinanghina na ang aking katawan. Masaya lang sa pagbabarko ay nakakarating ka sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga holiday at shore leave ang bumubuhay sa nalalantang kalungkutan sa loob ng bawat marino. Pero ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkakaisa ninyo sa loob ng barko. Mga tropa na kung tawagin na kayang lapitan sa oras ng alanganin. Sa lahat ng pinagdaanan ko bilang isang marino, ang hindi ko maikukumpara ay noong naging Oridinary Seaman (OS) na ako. Hangang langit ang aking ngiti dahil sa wakas paunti-unti ko ng mararating ang ruruk ng tagumpay. Di man sa ngayon pero sa minimithi kong sa susunod ng pagkakataon. Kahit na naging OS na ako wala parin namang nagbago sa mga trabahong kinakaharap ko. Mga duty na pamatay at mga papeles na dapat ipasa on time. at mga papeles na dapat ipasa on time. Di mabilang na pagod ang kumintal sa Di mabilang na pagod ang kumintal sa aking mga alaala. Pero patuloy lang sa paglalayag at pag-ikot ng mundo. Di madadama ang pagod hanggang may sweldong ipapadala sa pamilyang umaasa.
Sa barko. Sa aking kunting karanasan ng paglalayag, maipapayo ko sa kapwa kabaro na kailangang ingatan ang kalusugan. Sa ating napiling propesyon, hindi pera ang mahala. Mas dapat paring pagkaingatan ang kalusugan dahil maituturing itong yaman. Wala masama sa paminsan-minsan. Paminsan-minsan nap ag-inom para makapaghalubilo sa iba. Sa kabila ng marami nagsasabi na ang marino ay may maraming pera - totoo naman talaga iyun. Hindi maikakaila na kumikita kami ng mataas na sahod, pero di naman lahat ay napupunta sa amin. Kalahati ay tumutungo sa aming pamilya, panggastos sa pang-araw-araw na buhay. At higit sa lahat ay napupunta sa aming mga training at seminar. Natingin natitira ay tingitingi at kaunti.
Kung tutuusin ang pagiging marino ay delikado. Bumabaon ang isang paa sa lilim ng hukay dahil sa panganib at pangamba na maaring mangyari. Tanging maibabahagi ko lang ay mag-ingat parati. Gawin ng tama ang trabaho, at maging matiyaga dahil ang “Layp on Bhord” ay di matiyaga dahil ang “Layp on Bhord” ay di madali. madali.
BAKIT GUSTO NG MGA PILIPINO MAGING SEAMAN?
Maraming dahilan ang mga Pilipino kung bakit nais nilang maging seaman. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), umaabot sa 400,000 Pilipinong seaman ang nededeploy kada-taon. Marami sa kanila ay nangingibang bansa upang suportahan ang kanilang mga pamilya at mapagbuti ang kanilang pamumuhay. Anu-ano pa ba ang mga benepisyo ng pagiging isang seaman?
1. Oportunidad na Makarating sa Iba’t-Ibang Bansa Marami sa atin ang nangangarap na makarating sa ibang bansa, kaya’t di na nakapagtatakang marami sa ating mga kababayan ang nagbabakasakaling makapagtrabaho bilang seaman. Ang mga seaman ay nabibigyan ng pagkakataong maranasan ang iba’t-ibang lugar, lalo na sa international route vessels.
2. Ang Makukuhang Kasanayan Ang mga kasanayang makukuha sa pagiging seaman ay maaari mo din magamit sa iba’t-ibang mga industriya, sa barko man o sa lupa. Malawak ang sakop ng mga kasanayang maaaring matutunan sa barko, kaya’t angkop ito sa mga taong gustong hasain ang kanilang kasanayan.
Source: https://www.seamanjobsite.com/article_itemhttps://www.seamanjobsite.com/article_item171/Bakit-Gusto-ng-mga-Pilipino-Maging-Seaman 171/Bakit-Gusto-ng-mga-Pilipino-Maging-Seaman