7 minute read

kultura

filiPino | KULTURa

Advertisement

Tinig at Salita: Hudyat sa Panibagong Yugto

iSinulaT ni MDPN. NIÑO B. MALDECIR mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA guHiT ni MDPN. VINCENT JAY A. VIGO

Makailang beses pinihit ng may-ari ng karinderia ang radyo. Tinatansiya ang eksaktong numero na papatungan ng pula na linya. Ilang ulit na pinabalik-balik hanggang sa matumbok ang hinahanap. Sabik na siyang marinig ang paboritong anchor man lalo na’t may pagdiriwang sa araw na iyon. Nakausli ang tenga ng lahat. Hinihintay ang salitang ibubungad ng mamamahayag. Yaon ay ang mga suki niyang araw-araw na kumakain doon. Hindi nagsasawa at nakasanayan na nila ang luto ng ale, parehong bagay na nakahiligang makinig kay Picoy.

Naghahamon ang sikat ng araw sa sandaling iyon. Gustong subukan ang tatag ng balat at lalamunan ng nais magbilad sa sikat niya. Uhaw ang kanal ng mga pampublikong kalye. May barikada at hindi madaanan ng sasakyan. Matiyagang binabaybay ng mga lakwatsero’t lakwatsera dala ang pamatid uhaw. Bihis na bihis ang siyudad sa araw na iyon at kung naging tao lang ay tila may pupuntahang gayak. Napuno ang bawat sulok nito at naka-abang ang pagbati ng mga banderitas. Sa bawat kanto ay may tugtugan, inuman, at pagtitipon-tipon ng mga magbabarkadang kolehiyo. Walang humpay ang kanilang kantyawan habang pumapapak ng cotton candy at maluhaluhang isinusubo ang di pa lumalamig na hot cake. May mga dayong walang humpay sa pagpapakuha ng litrato sa mga lalaking puno ng uling at mantika ang katawan,

36

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

nakasuot ng makukulay na costume. Ang lahat ay pawisan, hindi alintana ang maalinsangang haplos ng hangin. Pasarapan ng timpla ang mga nag-iiyaw sa estante, halos di magkanda-ugaga sa bumibili gayun pa’t nagkakaubusan na ng yelo para sa mga inumin. Sa kabilang banda ay may paradang nagaganap. Lahat ng gustong makasaksi ay nagsisihanap ng magandang puwesto upang matunghayan ang palabas. Halos hindi makasingit ang sipat ng mata sa dikit-dikit na balikat ng mga tao. Nakakabingi ang sarap ng musika dala ng mga instrumentong umaagapay sa bawat galaw ng mga mananayaw. May pag-ibig ang pagtatanghal, may pagsambang sinubok ng panahon, at may pananampalataya sa bawat indak na pinagtibay ng tradisyon. Sa mga sandaling iyon ay nakapwesto na si Pacifi co S. Sudario sa kanyang upuan, mas kilala sa palayaw na Picoy. Hinihintay na umere ang kanyang segment sa radyo upang magbigay ng komentaryo sa mga balitang nagaganap sa loob at labas ng Iloilo. May pagkagalak sa kanyang mukha at pagkasabik dahil sa muling pagkakataon ay makapagbibigay siya ng update sa kasalukuyang nagaganap sa Iloilo Ati Atihan, isang pagdiriwang sa pagdating ng Señor Sto. Niño ng Cebu. Kanyang tatalakayin ang ugat ng nasabing pagdiriwang at kung ano na ba ang mga pagbabago na naganap simula ng itampok ito sa mga masa. Si Sudario ay pinanganak noong ika17 ng Mayo, taong 1917 sa Zarraga kung saan niya iginugol ang mahabang panahon ng kanyang kabataan bago niya tapusin ang kurso sa pamamahayag. Si Picoy na ikinasal kay Marietta Benemile ay nabiyayaan ng walong anak na sina Eunice, Gideon, Smyrna, Lydda, Phoebe, Mara, Miriam at Dinah Joy. Sa taong 1960’s ay nakamit niya ang kasikatan sa napiling larangan sa pamamagitan ng walang kinikilangang komentaryo sa samu’t saring isyu sa lipunan. Taong 1968 nang dinala ni Padre Sulpicio Enderes ang replica ng Sto. Niño ng Cebu na agad na itinuloy sa simbahan ng San Jose, kung saan nagaganap ang novena tuwing Biyernes bilang pagbibigay pugay sa imahe. Nagdulot ng malaking epekto sa masa, sa kapanahunan ni Picoy, ang pagdating ng imahe ni Señor Sto. Niño de Cebu. Ang imahe ay sinalubong sa paliparan nina Padre Ambrocio Galindez, O.S.A. San Jose Parish. Ang “Fluvial Procession” ang naging marka sa pagpapatibay ng kulturang patuloy na pinagyayabong sa mga sumunod na taon. Ang siyam na araw na novena ay siyang pagtitipon-tipon simula sa Quirino-Lopez Bridge papuntang Fort San Pedro na sinusundan ng prosesyon pabalik sa simbahan, bagay na naging palatandaan sa kung gaano kalalim ang pananampalataya ng mga diboto. Nagtanghal ang kampyon na “Black Beauty” bilang tanda ng kauna-unahang Iloilo Ati-Atihan na ginanap tuwing ikatlong lingo ng Enero, isang linggo pagkatapos ng pagdiriwang sa Kalibo. Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa mga nag daang taon kung saan naging patimpalak ang nasabing pagdirwang sa taong 1970. At sa taon ding iyon ang Tribu Majapahit ng kompanya Maritima ang kinoronahan bilang kauna-unahang

SIMBOLO. Ang Sto. Niño bilang hudyat ng makabagong panahon sa Iloilo.

kampeon habang nasungkit naman ng Tribu Ma-Mau ng Nenaco ang grand slam award sa mga taong 1971,1972,1973. Sa mga sandaling iyon ang makikita ang pagkamangha at galak sa mga mata ni Picoy. Tahimik niyang sinasaksihan ang kasiyahan nang walang pag-aatubiling mabanggaan ng mga nakikipagpatinterong turista. Kanyang nawari ang mga bagay-bagay na maari niyang ma-iambag upang mapalago ang kultura, nang sa gayon, ito’y magdulot ng nakahahalinang kwento sa mga taong nakapanood at sa mga nais manood. Naging bahagi ng malawak na diskurso at debate kung paano papangalanan ang sarili nating pagdiriwang upang maiwasan ang pagkakapareho nito sa Ati-Atihan ng Kalibo. Lumitaw ang mga salita kagaya ng hirinugyaw, kasadyahan, at iba pang salita na makatawag pansin sa diyalektong Ilonggo ngunit sa kabila nito ay isa lang ang nangibabaw – Dinagyang. Ang nais ipaabot ni Picoy sa salitang dinagyang ay kung paano ipinagdiriwang

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

37

KOMENTARYO. Kuha ni Picoy sa panahong namamayagpag ang kanyang karera bilang anchor man.

ng masa ang kultura. Iyong makikita ang mga nagsasayawan, may kiliti sa bawat ngiti ng mga labi, at ang hindi matatawarang pagpupunyagi sa niyakap na pagsamba. Ayon sa malalapit na kaibigan ni Picoy, nang ikwento nito kung paano nga napag-isipan ang nasabing salita, hindi niya inasahang sasagi ito sa kanyang isipan. At nang binitawan ang Dinagyang ay sinabayan ito ng paboritong niyang ekspresyon na “husto ina!” na sa katunayan ay kalimitan niyang ginagamit sa tuwing may natutumbok na isyu ang kapwa niya mamamahayag. Simula noong 1977 ay nakilala sa buong mundo ang natatangi nitong kasikatan. Dinarayo ng mga samu’t saring tao sa loob at labas ng bansa sa may layuning masulyapan ang ganda at sigla ng Dinagyang Festival. Nagpatuloy si Picoy sa kanyang larangan sa mga panahong namamayagpag sa bawat taon ang Dinagyang. Nakatrabaho niya ang mga beteranong sina Ed Morales, Ed Padilla, at Brasileno; lahat ay nakibahagi sa masasayang alaala kagaya na lamang ng mga diskurso at panlipunang diskurso sa kanilang pinagsaluhan sa mahabang panahon. Si Picoy ang naging mitsa upang makilala ang salitang dinagyang hindi lang sa Pinas kundi pati narin sa ibang panig ng mundo. Ang kanyang naiambag ay isang malaking ihemplo sa kulturang isinasabuhay ng mga Iloggo. Isa siyang haligi na dapat bigyang pugay. Nagtapos ang makasaysayang pakikipagsapalaran niya sa buhay noong Abril 24, 1989 sa edad na 72 nang ininda niya ang cerebral stroke sa pangatlong pagkakataon. Halos isang taon nang hindi narinig ng ale ang paboritong si Picoy. Ilang beses man niyang pihitin ng pabalik-balik ang radyo ay wala na ang nakagisnang tinig. Naabusan na ata ito ng laway ang nagsasalita at pinili munang mamahinga. Marahil ay kinapos na ito sa lakas sa pagpapakawala ng

ANG PINAGMULAN NG STO. NIÑO

Ang Santo Niño ay isang kristiyanong imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito ang naging pangunahing santo patron ng lalawigan ng Cebu. Bilang isang imahe lamang ay hindi ito sinasamba bagkus ay pinahahalagahan ng marami. Ayon sa aming pananaliksik, noong dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu noong 1521, si Rajah Humabon, kasama ang kaniyang asawa na si Amihan gayun din ang mga 800 na mga katutubo ay ninais na mabinyagan bilang Katoliko. Noong dumating si Miguel Lopez de Legazpi at ang kaniyang mga tauhan sa Cebu noong 1565, isa sa mga sundalo ang nakatuklas ng isang kahon na may imahen ni Santo Nino. Ito ay napapaligiran ng bulaklak at mga pigurin ng mga anito. Mula sa pagsayaw ng Sinulog at pagbubunyi kay Santo Niño ay naganap sa loob ng 44 na taon sa pagitan ng pagdating ni Magellan at Legazpi. Idineklara ng Augustinian order na ang naturang imahen ay milagroso at itinatag nila ang simbahan kung saan ito nadiskubre. Ipinangalanan ito sa San Agustin church at di maglaon ay pinalitan ito ng Basilica Minore del Santo Niño.

Source: http://pinoyclassic.blogspot.com/2012/10/ ang-banal-na-santo-nino.html

komentaryo. Magtatakip silim na at kailangan na niyang magpahinga bilang paghahanda sapagka’t Dinagyang kinabukasan. Hindi lamang salita kundi pagdiriwang na naghandog ng panibagong yugto sa kanya, sa kanyang mga suki, at sa nakararami.

PAGPUPUNYAGI. “Tribu Ma-Mau,” unang nag-grand slam sa Dinagyang.

38

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

PILAGTIK. Ang musika ng mga kawayan na nagiging kaagapay sa indayog ng mga mananayaw.

This article is from: