THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.59 NO.1 OCTOBER 2019

Page 38

filiPino | KULTURa

Tinig at Salita: Hudyat sa Panibagong Yugto iSinulaT ni MDPN. NIÑO B. MALDECIR mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA guHiT ni MDPN. VINCENT JAY A. VIGO

M

akailang beses pinihit ng may-ari ng karinderia ang radyo. Tinatansiya ang eksaktong numero na papatungan ng pula na linya. Ilang ulit na pinabalik-balik hanggang sa matumbok ang hinahanap. Sabik na siyang marinig ang paboritong anchor man lalo na’t may pagdiriwang sa araw na iyon. Nakausli ang tenga ng lahat. Hinihintay ang salitang ibubungad ng mamamahayag. Yaon ay ang mga suki niyang araw-araw na kumakain doon. Hindi nagsasawa at nakasanayan na nila ang luto ng ale, parehong bagay na nakahiligang makinig kay Picoy. Naghahamon ang sikat ng araw sa sandaling iyon. Gustong subukan ang tatag ng balat at lalamunan ng nais magbilad sa sikat niya. Uhaw ang kanal ng

36

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

mga pampublikong kalye. May barikada at hindi madaanan ng sasakyan. Matiyagang binabaybay ng mga lakwatsero’t lakwatsera dala ang pamatid uhaw.

Bihis na bihis ang siyudad sa araw na iyon at kung naging tao lang ay tila may pupuntahang gayak. Napuno ang bawat sulok nito at naka-abang ang pagbati ng mga banderitas. Sa bawat kanto ay may tugtugan, inuman, at pagtitipon-tipon ng mga magbabarkadang kolehiyo. Walang humpay ang kanilang kantyawan habang pumapapak ng cotton candy at maluhaluhang isinusubo ang di pa lumalamig na hot cake. May mga dayong walang humpay sa pagpapakuha ng litrato sa mga lalaking puno ng uling at mantika ang katawan,


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.