5 minute read

siNiNg

Next Article
siNiNg

siNiNg

filiPino | sining

Himig ng Awitin, Bakas ang Kasaysayan ng Sining

Advertisement

iSinulaT ni MDPN. JULIUS CAESAR P. ALFARAS mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA

Isang masidhing emosyon ang kusang nabubuo sa manipis na hangin sa tuwing pinasasayaw niya ang kanyang mga daliri sa makintab na piyesang itim ng piano. Nakapikit man ang mga mata, natutukoy parin ng kanyang mga daliri ang mga notang nakahahalina, na tila ba sila ang nagsisilbing pandinig at gabay sa himig ng musika. Mga musikang nagsisilbing tulay sa kasaysayan at kasalukuyan na nililinang at pinalalago ng katulad niyang tinatawag na maestro ng musika.

Dahil dito, nakalilikha siya ng iba’tibang uri ng musika. Mula sa mabagal at madamdaming tugtog, hanggang sa untiunting pagbilis ng ritmong paulit-ulit at tila mga nagdiriwang tono na naghahatid ng indak sa mga puso ng sinumang makaririnig ng kanyang tugtugin. Mga tugtuging naghimok sa kanya upang mahalin ang propesyong humahasa sa mga tulad niyang labis ang pagmamahal sa obra ng musika — sa pagpapanatili at pagpapayabong ng kulturang Pilipino. Ito ang patuloy na pinapahalagahan ni Prof. Argiel P. Resurreccion bilang isang Kurong Direktor ng Conservatory of Music ng San Agustin University. Isa si Pro. Resurreccion sa mga haligi ng Ilonggo music sa Iloilo. Sa katunayan, nitong 2011, siya ang humawak bilang direktor ng kurong Handumanan ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. (Jblfmu-A) kung saan naging matunog ang institusyon sa mga parangal na kanyang natanggap, isa na dito ang parangal mula sa WIMAPHIL kung saan nasungkit niya ang parangal sa musika. Isa sa kanyang layunin na tulad ng iba pang mga kurong direktor at mga mang-aawit na mapaunlad ang awiting Pilipino at maipakita sa karatig-bayan o maging sa mga bansang banyaga ang kulturang sinasalamin ng awitin. Ilan sa mga halimbawa ng awiting Pilipino ay ang “Kundiman” ng mga Ilonggo at “Dalawidaw” naman ng mga Negrense. Ayon kay Prof. Resurreccion matutukoy ang isang awitin o tugtog kung saan ito nagmula base sa salitang ginamit dito. Sa ibang salita, ang dayalektong ginamit sa isang kanta ay maaring gawing panukoy sa pinagmulan ng isang awitin. “Basta Hiligaynon ang text, it is consider as Ilonggo music. That is the main characteristic nga dapat naton i-consider. Kung kanta siya ti, through its text- Hiligaynon text. Kung instrumental, dapat ta mabal-an kung sino ang composer naman ni. Whether he or she is a natural born Filipino, Ilonggo man ukon Hiligaynon,” (Maaaring tawaging Ilonggo music ang isang awitin sa pamamagitan ng teksto (dayalektong ginamit). Kung ito naman ay isang kanta, ito ay sa pamamagitan ng teksto- isang tekstong nasa Hiligaynon. Ngunit kung ito naman ay instrumental, marapat lamang na tukuyin kung sino ang gumawa ng kanta. Maaring siya ay likas na Pilipino, Ilonggo man o Hiligaynon), pahayag ni Prof. Resureccion. Ayon kay Prof. Resurreccion, ang mga awiting ating napakikinggan ngayon ay nag-ugat sa makasining na konsepto ng mga pangkat etniko o ang mga taong nabibilang sa mga tribo sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Ang mga awitin o tugtuging ito ay tinatawag na folk song o mga kantang para sa lahat; ano mang antas sa buhay, o lipunang kinabibilangan ang isang tao, pawang naglalarawan o nagkukwento ito ng mga ganap sa buhay sa pamamagitan ng

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

39

tunog ng mga katutubong instrumento. Katulad na lamang ng mga kantang Ilonggo: dandansoy, isang kantang nagpapaalam sa sinisinta; ili-ili, kanta para sa paghehele o pagpapatulog ng sanggol at marami pang iba. Datapwat pinaniniwalaang nagmula ang mga awitin sa mga pangkat etniko, walang dokumento umano ang makakapagpatunay nito sapagkat isang katangian ng folk song ay naipapamana ito sa pagsasalin-dila. Bagamat walang tiyak na makapagpapatunay ng pinagmulan ng musika, hindi maikakaila ang impluwensya ng bansang Espanya sa larangan ng musika, na kung mapakikinggang mabuti ang bawat estilo at “beat” o indak ng tugtugin. Kaya hindi maitatanggi na isa sa katangian nating mga Ilonggo ay ang pagkahilig sa “composo” o ang kantang nagkukuwento ng kalagayan sa buhay tulad na lamang ng awiting laging ipinapatugtog sa radyo tuwing hapon, “masubo matuod”- awiting nagkukuwento ng labis na paghihinagpis at pagsisisi sa loob ng selda. Sa katunayan, naitatag ang Ilonggo Music Festical na ngayon ay mas kilala bilang Bombo Music Festival noong 1985. Ito ay isang estasyon sa radyo kung saan inaanyayahang makiisa ang mga tanyag na mang-aawit sa iba’t ibang panig ng bansa sa paggawa ng orihinal nilang piyesa ng kanta. Samantala, kung kaninong kanta ang mapipili, ang siyang makatatanggap ng parangal. Hanggang ngayon, patuloy pa rin itong isinasagawa ng Bombo Radyo nang sa gayun mabigyan ng pagkakataong maipakita ng mga mang-aawit ang pagpapahalaga nila sa sining at kultura nating mga Pilipino. Likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa ano mang himig ng musika kung saan napapaindak o di kaya ay kusa na lamang tayong napapasabay sa mga lirikong may roon ang isang tugtugin. Isa itong patunay na tayong mga Pilipino ay masugid na nagpapayabong sa makulay na mundo ng musika dahil sa kulturang mayroon tayong mga Pilipino na sa mga himig ng awitin, mababakas ang kasaysayan ng sining.

MUSIKANG PILIPINO

Ang Original Pilipino Music o OPM ay isinilang sa panahon ng Batas Militar. Noong dekada 1970, ang industriya ng musika ay hindi pumapabor sa mga lokal na musiko at higit na pinapaboran ang pagsasahimpapawid ng popular na musikang dayuhan. Ang musikong nagbigaydaan para sa pagkilala sa OPM ay ang bandang Juan de la Cruz, na binubuo nina Joey “Pepe” Smith, Mike Hanopol, at Wally Gonzales. Nakilala silá lalo na sa kanilang awit na “Ang Himig Natin.” Ang titik ng awit ay paglalarawan sa kalagayan at mithiin ng musikong Filipino sa panahong iyon at paghamong magkaisa upang maitanghal ang kakayahan ng mga lokal na musiko. Noong 1950s nag-umpisa ang unang Pinoy rock at ang sumunod na mga taon, nagbigay agad ng parangal sa Pilipinas ang Rocky Fellers, isang bandang puro Pilipino. Noong 1970s naman nagumpisa ang “Manila Sound”. Sumunod dito ang “folk music”. Ang pinakasikat na gumagawa ng “folk music” noon ay si Fredie Aguilar. Ang kanta niyang “Anak” ay sumikat sa buong Asya at Europa. Hindi naglaon ay nag-umpisa din ang mga “Underground music” na limitado sa publiko dahil sa kakulangan sa na limitado sa publiko dahil sa kakulangan sa kapital.

Source: https://www.fl ickr.com/photos/nccaoffi cial/ 18450665061

RITMO. Mahusay na itinugtog ni Prof. Resurreccion ang piyesang nagbigay buhay sa silid. PAG-UUNGKAT. Masusing inilahad ni Pro. Resurreccion ang ilan sa mga detalye tungkol sa ebulusyon ng awiting Ilonggo.

PHOTO SOurce: www.PanaynewS.neT

This article is from: