7 minute read

makataoNg kawilihaN

Next Article
sEa ExpEriENcE

sEa ExpEriENcE

filiPino | MaKaTaOng KaWiLiHan

Kwento ng Kayamanang ipinamana

Advertisement

iSinulaT ni MDPN. LOWEEN JOHN H. SELOTERIO mga larawang kuHa ni MDPN. JAYLAND E. SINGUILLO

Namumutawi sa istruktura ang ibinahagi ng nakaraan. Mga posteng pundasyon, na naging sandalan ng katalinuhan. Mga bintana’t pintuan na naging bulwakan ng kaalaman at mga pisarang guhitan ng mayayabong na ideya mula sa kaisipan. Saksi ang lupang tinitirikan sa mga punlang ibinaon na lumago sa paglipas ng panahon.

Araw ng huwebes, walang sinag ng araw ang nakausli sa makapal na tumpok ng ulap. Di maaninag ang liwanag, di nagtagal ay paunti-unting bumagsak ang mga butil ng ulan sa lupang tinaniman ng karunungan. May mga batang sumilong sa isa sa mga kwarto ng paaralan. Bakas ang hingal sa mukha at hinahabol ang hininga. Sa kanilang pagpasok ay ang pagsulpot ng mga ideyang parang kitikiting nagsisipaglaro sa kanilang isipan. Nagtataka’t nagtatanong kung bakit at paano. Biglang nagsalita ang guro sa likod, inilahad na ang lahat ng kanilang nakikita ay produkto ng nakaraan. Ang nakaraan ng Baluarte Elementary School. At doon nagsimula ang kwento ng guro habang tanaw ang mga lumang litrato sa dingding ng kwarto. Ang paaralan ay unang ipinatayo noong 1905 sa lupa ni G. Roman Maravilla isang residente ng Baluarte sa Parian (Molo sa kasalukuyan) sa munsipyo ng Irong-irong (Iloilo sa ngayon). Ito ay mayroong dalawang silid-aralan na gawa sa nipa at kawayan, na donasyon ng mga taga-roon. Tinatawag silang mga “Baybayon”, isang organisasyon ng mga magulang sa Baluarte na tumulong upang matupad ang mithiing makapagpatayo ng paaralan sa nasabing lugar. Una itong nagkaroon ng una’t ikalawang baitang na may 65 na mag-aaral at karamihan sa kanila ay mga taga-roon na hindi nakapag-aral dahil sa kakulangan ng paaralan. Salat ang bayan sa edukasyon kaya nang maipatayo ang paaralan ang lahat ay nagmithing makaangkin ng karunungan. Ang gobyerno ay hindi pa naguumpisang magpatayo ng mga gusali nang ipinatayo ang Paaralan ng Baluarte kaya tinagurian itong pinakaunang pampublikong paaralan sa Pilipinas na nakapagpatayo ng gusali sa panahon ng pamamalagi ng Amerikano. Matapos maipasa ang Gabaldon Act nong 1907 doon pa lang nakapagbigay ng pondo sa pagpapatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas. Sa pagpapatuloy ng kweto, inilipat ng lugar ang paaralan sa lupa ni Dr. Timoteo Consing na malapit sa dagat at dalawang silid-aralan ang muling ipinatayo. Sa taong 1908, muli itong inilipat at ipinatayo sa lupa ni Gng. Baldomera Dingcong sa harap ng bahay ni G. Rosendo Mejica. Sa tulong ng G. Rosendo Mejica, na bilhan ng mas malawak na lupa ang paaralan sa taong 1910. Nagsulat siya ng isang liham para sa konseho ng munisipyo ng Iloilo para bilhin ang lupang sa harap ng kanyang bahay na may lapad na isang hektarya. Di naglaon, sa taong 1920 nabiyayaan ang paaralan ng Php10,000

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

41

NGITI. Sumisimbolo sa karunugang ipinamana.

mula sa Php 45,000 na perang nakalaan para sa pagpapatayo ng paaralan sa Iloilo. Dala ng swerte nang kapalaran at sa tulong ng mga taong gustong magkaroon ng maayos na edukasyon sa Baluarte. Noong 1923, nagkaroon ng bagong mukha ang paaralan. Naging ganap na itong elementarya at tinawag na Baluarte Elementary School. Mula sa dalawang silid-aralan yumabong ito sa 18 na klasehan. At sa taong 1925, Marso 31, unang ginanap ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa elementarya. Galing sa mapagkumbaba nitong simula, nakapaglikha ito ng mga mag-aaral namakatutungtong na sa sekondarya. Bitbit ang karunungan nakalap, nagtataka’t nagdadalawang isip parin ang mga bata. Nagtataka kung sino ang nanguna para maipatayo ang paaralan at nagdadalawang isip kung saang ideya nagsimula ang lahat. Muling nag kwento ang guro at kanyang inilahad na nagsimula ang lahat sa iisang tao – Si Don Rosendo Mejica o Tio Sendo. Si Tio Sendo ang pinanggalingan, siya ang puno’t dulo patungkol sa pagpapatayo ng Paaralan ng Baluarte. Ipinatayo niya ito dahil sa nakikita niyang kakulangan ng edukasyon sa lugar. Isa siyang Pilantropo na may pagmamahal sa kanyang kapwa. Anak siya nina Rufi no isang Chinese at Eulogia isang Espanyol. Ipinanganak sa Baluarte sa taong 1872 at napangasawa si Pillar Madrazo na nagkaroon ng siyam na supling. Di man isang purong pinoy pero ang pagmamahal sa lupang kinagisnan ang nangunguna sa kanyang puso’t kaisipan. Di laki sa yaman si Tio Sendo. Pagkatapos makapag-aral ng dalawang taon sa elementarya ay napatigil siya dahil sa hirap ng buhay. Nagtrabaho bilang magsasaka sa Negros at naging karpentero sa Iloilo para lang makapagtapos. Sa taong 1896 nakamit niya ang Degree of Derito Mercantil mula sa Escuela Profesional de Artes y Ofi cios sa syudad ng Iloilo. Naging pinakaunang propesyonal siya sa Baluarte at naunang nabigyan ng lisensya bilang CPA sa Iloilo. Naging una

KAUNAUNAHAN. Larawan ng mga unang nagsipagtapos sa Baluarte School kasama si Don Rosendo.

42

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

SAKSI. Paaralan sa harap ng bahay ni Don Rosendo na sumubaybay sa pag-unlad nito.

din siyang taga-ingat yaman ng munisipyo sa Bacolod sa taong 1902. Tumira siya sa Negros at doon namuhay ng mahabang panahon. Pero sa kabila ng magandang pamumuhay sa Negros mas pinili siyang bumalik sa Iloilo para makapagpatayo ng paaralan noong 1905. Naging isa niyang Konsehal sa Iloilo sa mahigit 30 na taon mula 1906 hanggang 1936. Pinarangalan din siya ng Iloilo Press Club bilang “Dean of Visayan Journalist” at ng Konseho ng Iloilo bilang “Dean of Municipal Councilor”. Habang ang labi ng guro ay nagsasalita, ang mata ng mga bata ay di magawang kumindat dahil sa tuwang nailathala. Kung susumahin lahat ng naging ambag ng paaralan sa lipunan, makalilikha ito ng mahigit isandaang libro. Mga libro ng tagumpay sa buhay mula sa mga batang nagsipagtapos rito. Kaya marahil tinagurian ang Molo bilang “Anthens ng Pilipinas” ay dahil sa naging masusing paghubog ng paaralan sa mga mag-aaral nito. Pero ang lahat ng masasayang kwento ng tagumpay ay may malungkot na estorya. Di rin hamak ang pinagdaanan ng paaralan. Noong 1941, dahil sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, natigil ang pag-aaral ng mga taga Baluarte. Muli ito binuksan noong 1944. Pero hindi doon umayos ang lahat. Matapos magbukas ang paaralan ay sinunog naman ito ng mga Hapon noong Agosto 27, 1944. Ang mga pangyayaring ito ang mas nagpatibay sa paaralan. Ihemplo ito ng katatagan, na sa ano mang hamon sa buhay ay dapat bumangon. Tinanong ng mga bata ang guro kung bakit hanggang sa ngayong panahon nananatili parin ang elementarya. Nakangiting sumagot ang guro at sinabing, dahil ito sa mga taga-roon na patuloy na tinatangkilik ang paaralan bilang tahanan ng edukasyon. Sambit pa niya, dahil rin ito sa mga gurong dekalidad na nagsisilbing ilaw sa madilim na landas ng mga bata. Sila ang tunay na sekreto kung bakit ang Paaralan ng Baluarte ay nakalikha ng mga tanyag na personalidad sa Pilipinas tulad nina Frankil Drilon at Rodolfo Ganzon, kapwa naging senador ng Pilipinas. Tumirik ang ulan at kami’y nagpaalam kay Ma’am Myrna na may guhit ng ngiti sa aming mga mukha. Kami ang mga batang na sambit na binahagian ng kwento ng paaralan. Mga batang hindi bata sa pisikal kundi sa kaalaman. Hindi man namin nasaksihan ang simula, pero tumatak sa aming puso’t isipan ang kwento nang pinagmulan ng eskwelahan. Napakagandang kwento na dapat ibahagi at ipagmalaki sa iba. Sa paglisan bitbit ang karunungan, napagtanto namin na ang Elementarya ng Baluarte ay hindi lang isang paaralan, ito ay walang katulad na kayamanan na ipinamana ni Tio Sendo sa kanyang lupang sinilangan. Naway ang pamanang ito ay maikwento ng higit pa sa 114 na taon para sa mga susunod na henerasyon.

DAKILA. Imahe ni Don Rosendo Mejica.

UNANG MGA GURO SA PILIPINAS

Pangkalahatang tawag ang Thomasites (Tó·ma·sáyts) sa mga gurong Americano na dumating sa Filipinas mula1901. Bunga ito ng pangyayaring nakasakay sa bapor US Army Transport Thomas ang pinakamalaking bilang ng gurong Americano—509 gurong (368 lalaki at 141 babae)— na dumating sa Maynila noong 23 Agosto 1901. Sinaklaw ng tawag na Thomasites pati ang naunang 48 gurong sakay ng Sheridan na dumating noong Hulyo1901, gayundin ang sumunod pang mga pangkat na ipinadalá. Noong 1902, umaabot sa 1,074 ang mga gurong Americano ns idinestino sa iba’t ibang pook sa Filipinas. Karaniwang 540 ang ibinibigay ng mga historyan na bilang ng mga gurong sakay ng bapor Thomas, ngunit ito ay maaaring suma total ng 509 guro, 14 batà, 4 nars at 13 asa-asawa ng mga guro. Nang dumating ang mga Thomasites noong 1901, naghihintay na ang 4,000 estudyante sa 29 paaralan. Masasabing sa kanila nagsimula ang edukasyong publiko. Marami sa kanila ang nagsiuwi matapos ang unang kontrata, ngunit higit na marami ang nanatili sa bansa nang maraming taón pa. May 100 sa kanila ang nanatili sa Filipinas hanggang kamatayan. Ang hulíng Thomasite, si Mary E. Polley na dumating lulan ng Thomas, ay yumao Polley na dumating lulan ng Thomas, ay yumao sa Lungsod Pasay noong 1953. sa Lungsod Pasay noong 1953.

Source: https://philippineculturaleducation.com.ph/ thomasites/

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

This article is from: