5 minute read

tEkNolohiYa

filiPino | TEKnOLOHiYa

Advertisement

litratong Guhit sa naunang imbensyon ng Kamera

iSinulaT ni MDPN. JASHEM A. BARDIES mga larawang kuHa ni MDPN. JAYLAND E. SINGUILLO

Larawan ang siyang umukit ng katotohanan sa panahong lumipas at tila isang mahiwagang bintana sa pagdungaw ng mga sandaling pananatili sa nakaraan. Tanging sa mga larawan lamang maaring itigil ang takbo ng oras at sa bawat pagmasid natin ay kasabay ang pagbalik ng ating mga ala-ala sa kung saan nagsimula ang lahat.

Maipipinta ng isang kuha ng larawan ang daang libong katagang tanging ang may sidhi ng damdadamin ang makakahinuha. Mababakas sa bawat paggalaw ng mga ngiti, mga mapupungay na ekspresyon ng mga mata at kumpas ng kamay ang sumisimbolo ng mga anggulong nakakasalamuha ng bawat kwentong nais ipahiwatig. Ang kamera ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan o litrato. Sa Latin ang Camera Obscura ay nangangahulugang “madilim na silid”. Ang pamantayan sa pagagmit nito ay kapag lumabas ang liwanag sa isang maliit na butas papasok sa isang madilim na kahon, lilitaw sa katapat na pader ang pabaligtad na larawan ng session. Naging simulain ito sa pagtuklas pa ng mga imbensyong makabago. Maiiugat ang pinagmulan ng kamera sa pangunguna ni Joseph Necephor Niepce isang imbentor na Pranses bilang unang nakalikha ng permanentenng larawan na kuha sa kamerang naimbento nina Charles at Vincent Chavalier noong 1826. Simula nito ay umusbong na rin ang iba’t ibang imbentor na nagnais ilarawan ang reyalidad sa panahong kanilang kinabibilangan. Taong 1837 ng nalikha ni Jacques Mande Daguerre ang kamerang tinatawag na Daguerreotype. Hindi umano kumukupas ang larawan na makunan nito at kumakailangan lang 30 minutes na exposure. Nalikha naman ni William Henry Talbot noong 1841 ang prosesing tinatawag na Calotype, ang kaunaunahang negative-positive printing process na naglalayong makapag-develop ng maraming kopya ng isang larawan. Isang tinatawag na Collodion process, na nangangailangan lamang ng 2-3 segundo ng exposure sa ilaw na nanggaling sa araw upang makuha ang larawan ang nalikha ni Frederick Scott Archer noong 1851. Taong 1888 naman inimbento ng Eastman ang Kodak roll fi lm camera. 1963 naman noong inilabas ng Polaroid ang tinatawag na instant colour fi lm. Ipinakita naman ng Canon noong 1984 ang tinatawag na electronic still camera at noong 1985 inilabas ng Pixar ang digital imaging processor. Sa ngayon, tila pinakaginagamit na ng mga tao ang tinatawag na digital photography sa pamamagitan ng mga cell phone at digital camera. Ang digital photography ay gumagamit ng electronic photodetectors upang kumuha ng larawang nai-focus ng lente ng kamera. Ang nakuhang larawan ay nadi-digitize at naiaambak bilang isang computer fi le na maaari nang makita agad, i-proseso o

44

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

kaya i-print. Hindi maikakaila ang mabilis na pagkahumaling ng mga piling tao na tangkilikin ang paggamit ng kamera. Dahil sa mabilis na paglaganap ng kamera, nagging mabisang paraan ito para kuhanan ng katibayan ang mga pangyayari sa kasaysayan. Kasagsagan ng pananakop ng mga Kastila ng nabuksan ang larangan ng potograpiya sa bansa na may impluwensiyang kanluraning litratista na mula sa Europa. Nabuksan ang mga estudyo sa Pilipinas mula 1840 hanggang 1890. Malaki rin ang ginampanang bahagi ng kamera sa kasaysayan ng potograpiyang pangangalakal. Unang nakunan ang dalawang larawan ng Intramuros noong taong 1840. Gayundin ang paggamit ng litrato sa mga tanawin ng Pilipinas bilang batayan sa mga ginuguhit na larawan para sa mga lathalaing babasahin, katulad ng mga magasin at gabay sa paglalakbay. Binigyang daan nito ang pagpapalaganap ng balita at impormasyon sang ayon sa katayuan ng kolonya noong panahon ng pananakop. Naging instrumento rin ito para lalong manghikayat ng mga turista na aparato sa pangangalaga ng mga natatanging likha sa sining at antropolohiya. Kasangkapan sa pakikipag-ugnayan, sanggunian sa mga ilustrasyon at pag-uukit. Tiyak na iginuhit ng tadhana ang pagkatuklas ng kamera dahil nabigyang linaw nito ang mga talang nakalimbag sa kasaysayan. Sinasabing ang unang larawang nakunan sa Pilipinas ay nagmula pa noong taon ng 1840, kung kalian kinuha ang dalawang napangalagaang larawan ng Intramuros, Maynila at ng litratistang si W.W. Wood. Datapwa, ang unang naitalang pagkakataon ng paggamit ng potograpiya sa Pilipinas ay nabanggit sa pahina ng isang aklat na isinulat ni Sinibaldo de Mas noong 1843. Mas lalong naging pangkaraniwan ang pagkuha ng mga larawan sa Maynila at sa iba pang mga bahagi ng Pilipinas mula noong 1860 hanggang sa mg a sumunod pang mga taon. Naging mainam na paraan ang potograpiya sa pagpapalaganap ng kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan. Pagkatapos ng DIgmaang KastilaAmerikano, ipinasa ang pamamahala ng Pilipinas ssa Estados Unidos. Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pagkuha ng mga litrato ng Pilipinas na isinagawa ng mga sundalo at ng mga Thomasite. Maituturing na unang Pilipinong photographer si Felix Laureano ayon kay Ginoong Francisco G. Villanueva, pangunahing organizer ng photo exhibit sa isang art gallery na binuksan noong nakaraang Hunyo 10 hanggang 26 sa University of the Philippines Visayas. Si Laureano ay ipinanganak sa Patnongon sa Antique noong 1866. Ang photo exhibit ay nagtatanyag at naglalayong ipahayag ang mahigit 55 na larawan na nagpapakita ng mga kuha ng simbahan, kalye at ang pamumuhay sa mga Pilipino noong 19th Century. Kabilang rin ditto ang mga larawan na nakunan niya sa studio sa Barcelona, Spain at sa Iloilo City. Naging malaki ang papel na ginampanan ng kamera sa pagunlad ng mga lupain sa isang organisadong sibilisasyon. Nang dahil sa mga lente ng kamera ay nailathala ang mga katagang makakapagbigay buhay sa mga tagpong dati tila tanging sa isipan lamang isinisiksik. Noong hindi pa uso ang cellphone at tablet, mga propesyonal na litratista at kakaunting mamamayan lamang ang nakikinabang sa paggamit ng kamera. Ngunit sa paglipas ng panahon, hindi na rin

DIBUHO. Mga kamera sa lumipas na panahon.

MGA ANGULO SA PAGKUHA NG LITRATO

Ang mga karaniwang uri ng anggulo at pagkuha gamit ang kamera, ayon sa teksto ay:

1. Long Shot - malayo ang pagkuha upang maipakita sa mga manunuod ang kabuuan ng senaryo at lugar 2. Medium Shot - kuhang mula tuhod o baywang pataas upang magbigay pokus sa maaksyong detalye o dayalogo 3. Close-up Shot - kuhang may pokus sa iisang bagay at hindi sa paligid 4. Extreme-Close up Shot - halimbawa ay ang pagpokus sa mata lamang 5. High Angle Shot - mula sa itaas ang anggulo 6. Low Angle Shot - mababa ang posisyon ng kamera 7. Birds Eye view Shot - madalas ay ginagamitan ng aerial shot

Source: https://brainly.ph

kailangan na maging isang professional na photographer para makapagsabuhay ng larawan, dahil kahait saan ka tumingin nandoon na ang malawakang paggamit ng cellphone at iba pang makabagong imbensyon. Isang imbensyon ang kamera na may napakalaking papel sa pag-usbong ng bawat larangan sa lipunan. Hindi lamang nakunan nito ang mga tagpo ng kasaysayan bagkus nakakabit din dito ang mga ala-ala ng mga taong may lalim na minimithi at hangarin sa buhay at sa bayan.

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

This article is from: