THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.59 NO.1 OCTOBER 2019

Page 46

filiPino | TEKnOLOHiYa

litratong Guhit sa naunang imbensyon ng Kamera iSinulaT ni MDPN. JASHEM A. BARDIES mga larawang kuHa ni MDPN. JAYLAND E. SINGUILLO

L

arawan ang siyang umukit ng katotohanan sa panahong lumipas at tila isang mahiwagang bintana sa pagdungaw ng mga sandaling pananatili sa nakaraan. Tanging sa mga larawan lamang maaring itigil ang takbo ng oras at sa bawat pagmasid natin ay kasabay ang pagbalik ng ating mga ala-ala sa kung saan nagsimula ang lahat. Maipipinta ng isang kuha ng larawan ang daang libong katagang tanging ang may sidhi ng damdadamin ang makakahinuha. Mababakas sa bawat paggalaw ng mga ngiti, mga mapupungay na ekspresyon ng mga mata at kumpas ng kamay ang sumisimbolo ng mga anggulong nakakasalamuha ng bawat kwentong nais ipahiwatig. Ang kamera ay isang kasangkapan o aparatong nakakakuha ng mga larawan o litrato. Sa Latin ang Camera Obscura ay nangangahulugang “madilim na silid”. Ang pamantayan sa pagagmit nito ay kapag lumabas ang liwanag sa isang maliit na butas papasok sa isang madilim na kahon, lilitaw sa katapat na pader ang pabaligtad na larawan ng session. Naging simulain ito sa pagtuklas pa ng mga

44

VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN

imbensyong makabago. Maiiugat ang pinagmulan ng kamera sa pangunguna ni Joseph Necephor Niepce isang imbentor na Pranses bilang unang nakalikha ng permanentenng larawan na kuha sa kamerang naimbento nina Charles at Vincent Chavalier noong 1826. Simula nito ay umusbong na rin ang iba’t ibang imbentor na nagnais ilarawan ang reyalidad sa panahong kanilang kinabibilangan. Taong 1837 ng nalikha ni Jacques Mande Daguerre ang kamerang tinatawag na Daguerreotype. Hindi umano kumukupas ang larawan na makunan nito at kumakailangan lang 30 minutes na exposure. Nalikha naman ni William Henry Talbot noong 1841 ang prosesing tinatawag na Calotype, ang kauna-

unahang negative-positive printing process na naglalayong makapag-develop ng maraming kopya ng isang larawan. Isang tinatawag na Collodion process, na nangangailangan lamang ng 2-3 segundo ng exposure sa ilaw na nanggaling sa araw upang makuha ang larawan ang nalikha ni Frederick Scott Archer noong 1851. Taong 1888 naman inimbento ng Eastman ang Kodak roll film camera. 1963 naman noong inilabas ng Polaroid ang tinatawag na instant colour film. Ipinakita naman ng Canon noong 1984 ang tinatawag na electronic still camera at noong 1985 inilabas ng Pixar ang digital imaging processor. Sa ngayon, tila pinakaginagamit na ng mga tao ang tinatawag na digital photography sa pamamagitan ng mga cell phone at digital camera. Ang digital photography ay gumagamit ng electronic photodetectors upang kumuha ng larawang nai-focus ng lente ng kamera. Ang nakuhang larawan ay nadi-digitize at naiaambak bilang isang computer file na maaari nang makita agad, i-proseso o


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.