6 minute read
makataoNg kawilihaN
filiPino | MaKaTaOng KaWiLiHan
Hoskyn’s: Marka ng Masiglang Merkado
Advertisement
iSinulaT ni MDPN. LOWEEN JOHN H. SELOTERIO mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA
Ang liwayway ay nakausli sa patag na guhit ng karagatan sa malayuan. Kalmadong dagat ang masasaksihan sa bagong araw ng kalakalan. Sa di kalayuan may paparating. Layag ay nakababa upang ang hangin ay itulak ito pahilaga. Heto’t nakadaong na. Nakadaong na ang barkong may mga dalang paninda mula pa sa ibang dako ng bansa.
Kasabay ng bawat tiklop ng alon sa gilid ng malumot na pier ay ang halimuyak ng payapang karagatan. Naghihintay ng barkong dadaong para sa kalakalang sisimulan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Iloilo ay may magarbong kasaysayan ng komersyo at merkado. Bukod sa Maynila, limliman rin ito ng mga negosyanteng gustong kumita at yumaman. Di kalayuan sa pier ay may makulay na palitan ng pera at paninda. Tinig ng mga tinderang nagsisipagpalitan ng mga produkto ang kanta sa gitna ng magulong kalsada. Tingi-tinging pwesto ang nakahilera sa gilid nito na may masiglang larawan ng pagbebenta. Pero may isang natatangi at di maikubli. Sa taong 1855, ang Iloilo ay nagbukas ng pinto sa pangdaigdigang estado ng kalakalan. Ito’y dahil sa patuloy na paglago ng industriya ng asukal na nagbigay daan sa mga taga-ibang bansa na magpatayo ng negosyo sa nasabing bayan. Unang kompanya na naipatayo sa siyudad ay ang Loney & Co. noong 1856 na pagmamay-ari ni Nicholas Loney, unang British Vice-consul sa Iloilo. At doon nag simula ang patuloy na paglago ng bayan, na nagsilang sa iba pang uri ng negosyo tulad ng pagkakaroon ng pinakaunang Department Store sa Pilipinas ang Hoskyn’s & Co. – ang natatangi at di maikubli. Hayag sa estruktura ng gusali ang nasaksihang pagbabago ng lipunan. Tila agos ng tubig ang bilis ng mga pangyayari sa pag-usbong ng bagong merkado. Ang Hoskyn’s & Co. ay itinayo noong 1877 ng magkapatid na Hoskyn na sina Herbert Peter, Richard Franklin at Henry. Sila ay mga pamangkin ni Loney. Naging mitsa sila ng isang bagong yugto ng pamilihan sa Iloilo na nakatulong upang mas makilala pa ang bayan sa larangan ng merkado. Naisakatuparan itong maipatayo matapos mamatay si Loney at maipasara
30
VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN
ang kanyang kompanyang noong 1869. Sa kabila nito nanatili ang tatlong magkakapatid at napagkasunduan na ang perang nakuha mula sa kita ng Loney & Co. ay maging kapital upang maipatayo ang kanilang sariling pamilihan. Hindi inaasahan ng magkakapatid na lalago ito ng mabilis. Tinagurian ito bilang kauna-unahang nagbebenta ng may “fixed price policy”. Binansagan din to anchor” (Ang tindahang nagbebenta ng lahat mula sa karayom hanggang angkla). Pangunahaning tinitinda sa lugar ay mga gamit sa paaralan, groseri at mga hardware. Patuloy na lumago ang pamilihan sa paglipas ng panahon. Pero nagiba ang ikot ng mundo. Hinagpis ang nanguna, matapos isa-isang mamatay ang magkakapatid na Hoskyn. Pinasa nila ang pamilihan sa kasamahan nila sa kompanya na si Manuel Loring, anak ng kaunaunahang American Vice-Consul ng Iloilo na si Wright Loring. Patuloy na namayagpag ang negosyo sa industriya ng komersyo at nagbigay serbisyo sa mga taga-Iloilo. Pero hindi doon natatapos ang kwento ng Hoskyn’s. Dumaan rin ito sa mga pangyayaring muntikang mapatinag sa kompanya. Isang kalunos-lunos na pangyayari ang nagpaabo sa unang gusali nito. Ang apoy ng naglalagablab na panghihinayang ang pumaroon sa kinatitirikan ng Hoskyn’s matapos sunugin ito ng mga Hapon. Ang dating isang palapag na gusali na may bodega ay napalitan ng kasalukuyang estruktura sa taong 1947. Ito ay naganap sa pamamalakad ng bago nitong tagapamahala na si Frederic Loring, anak ni Manuel Loring. Sa kadahilanan na nagkaroon ng matinding kontrol sa polisiya ng pagaangkat ng mga produkto, tuluyang nagsara ang tindahan. Kung gaano kabilis ang pag-asenso nito ay siya ring pagsunod ng isang malungkot na katotohanan na lahat ay mapupunta sa huli nitong pagkalalagyan. Sa kasalukuyan, ang lugar ay isang compound na pinaparentahan sa mga negosyanteng gustong kumita, at pinagmamay-arian ito ng pamilya ni Manuel Loring Jr. Sa naging kasaysayan ng Hoskyn’s, ito’y nagsilbing tahanan ng mga produktong nagpa-unlad sa lugar ng Iloilo. Ito ang naging simula ng bagong yugto sa industriya ng merkado sa pilipinas. Ang pag-sulpot nito ang nagbigay daan upang magkaroon pa ng ibang uri ng pagtitinda sa nasabing bayan. Bago paman ipatayo ang mga gusaling nagsilbing lilim ng pagtitinda, unang naging sandalan ng lipunan ang Barter. Ito ay uri ng kalakalan na yumabong noong unang panahon. Palitan ng produkto sa gitna ng maituturing na merkado mula sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng China, Europa at iba panig ng bansa. Pero ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung wala ang kalsada ng Calle Real. Ang masiglang nitong imahe ang nagbigay kulay sa syudad ng Iloilo. Dito halos pinatayo ang mga gusaling naging parte ng kasaysayan ng kalakalan sa nabanggit na bayan. Wala ang Hoskyn’s & Co. kung wala ang
itong “store that sold everything from needle kalsadang naging tulay upang idugtong
PAGTITINDA. Imahe ng komersyo sa puso ng Iloilo sa silong ng Hoskyn’s.
The DOLPHIN | OCTOBER 2019
31
UMPISA. Makasaysayang gusali ng unang Department Store sa bansa.
ang malayong agwat ng Pilipinas mula sa pangdaigdigang komersyo. Kaya sa paglipas ng panahon ang kalsada ay binansagan bilang “Escolta ng Iloilo”. Hindi rin maitatangi na ang Hoskyn’s ay naging institusyon sa iloilo. Nakatulong ito para mapaangat ang ekonomiya ng lugar at maituring na pangalawa sa Maynila bilang malagong syudad sa nakaraan. Walang kapantay ang naging kinang ng Iloilo noon. Ang mga negosyanteng pinili mamuhunan sa Iloilo ang siyang yaman ng bayan upang kilalanin itong orihinal na Queen City of the South. Ang gandang ipinundar ng nakalipas ay nananatili parin sa imahe ng Hoskyn’s hanggang sa ngayong panahon.
KALAKALAN. Larawan ng Iloilo River Wharf na nagbigay buhay sa lungsod.
PHOTO SOurce: nereO cajilig lujan
LIMLIMAN. Calle Real noon na nagging mitsa ng masiglang kalakalan sa Iloilo.
PHOTO SOurce: nereO cajilig lujan Nagsilbing itong silong para sa nga maliliit na nagtitinda ng kanikanilang mga produkto. Ang lilim nito ang pumapawi sa init ng araw upang maipagpatuloy ang pagtitinda. Nakatutuwang isipin na kahit dumaan ang ilang dekada’t mga taon, ang lugar ay patuloy parin na napakikinabangan ng iba’t ibang henerasyon. Sumikat na ang araw. Ang liwayway ay tumungo sa kanlurang bahagi ng kalangitan. Lahat ay abala sa pagtitinda hanggang ang dilim ay humalik sa lupa ng sanlibutan. Kasabay nito ang serena ng dumating pero paalis na barko. Tapos na ang kalakalan at kailangan nang lumisan. Pero ang naiwan nitong marka sa merkado ay mananatili kailanman. Marka ng masiglang merkado na mas binuhay ng Hoskyn’s at iba pang negosyante sa gilid ng Calle Real sa puso ng syudad ng Iloilo. ng Calle Real sa puso ng syudad ng Iloilo.
KASAYSAYAN NG ILOILO RIVER WHARF
Muelle Loney na tinatawag ding Iloilo River Wharf noon, kasalukuyang ginagamit bilang pier ng mga roro at iba pang klase ng barko. Pero sa kabila nang kasalukuyan nitong estado, ito ay may malaking ambag sa kasaysayan ng Iloilo sa larangan ng kalakalan. Dito nagsimula ang malawak na kalakalan sa bayan at maging sa ibang kuniktadong parti ng mundo. Naging dahilan ito sa paglago ng industriya ng asukal sa rehiyon.
Source: https://www.exploreiloilo.com/do/info/ muelle-loney-iloilo-river-wharf/
32
VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN