filiPino | MaKaTaOng KaWiLiHan
Hoskyn’s: Marka ng Masiglang Merkado iSinulaT ni MDPN. LOWEEN JOHN H. SELOTERIO mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA
A
ng liwayway ay nakausli sa patag na guhit ng karagatan sa malayuan. Kalmadong dagat ang masasaksihan sa bagong araw ng kalakalan. Sa di kalayuan may paparating. Layag ay nakababa upang ang hangin ay itulak ito pahilaga. Heto’t nakadaong na. Nakadaong na ang barkong may mga dalang paninda mula pa sa ibang dako ng bansa.
Kasabay ng bawat tiklop ng alon sa gilid ng malumot na pier ay ang halimuyak ng payapang karagatan. Naghihintay ng barkong dadaong para sa kalakalang sisimulan. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Iloilo ay may magarbong kasaysayan ng komersyo at merkado. Bukod sa Maynila, limliman rin ito ng mga negosyanteng gustong kumita at yumaman. Di kalayuan sa pier ay may makulay na palitan ng pera at paninda. Tinig ng mga tinderang nagsisipagpalitan ng mga produkto ang kanta sa gitna ng magulong
30
VOL.59 nO.1 | The DOLPHIN
kalsada. Tingi-tinging pwesto ang nakahilera sa gilid nito na may masiglang larawan ng pagbebenta. Pero may isang natatangi at di maikubli. Sa taong 1855, ang Iloilo ay nagbukas ng pinto sa pangdaigdigang estado ng kalakalan. Ito’y dahil sa patuloy na paglago ng industriya ng asukal na nagbigay daan sa mga taga-ibang bansa na magpatayo ng negosyo sa nasabing bayan. Unang kompanya na naipatayo sa siyudad ay ang Loney & Co. noong 1856 na pagmamay-ari ni Nicholas Loney, unang British Vice-consul sa Iloilo. At
doon nag simula ang patuloy na paglago ng bayan, na nagsilang sa iba pang uri ng negosyo tulad ng pagkakaroon ng pinakaunang Department Store sa Pilipinas ang Hoskyn’s & Co. – ang natatangi at di maikubli. Hayag sa estruktura ng gusali ang nasaksihang pagbabago ng lipunan. Tila agos ng tubig ang bilis ng mga pangyayari sa pag-usbong ng bagong merkado. Ang Hoskyn’s & Co. ay itinayo noong 1877 ng magkapatid na Hoskyn na sina Herbert Peter, Richard Franklin at Henry. Sila ay mga pamangkin ni Loney. Naging mitsa sila ng isang bagong yugto ng pamilihan sa Iloilo na nakatulong upang mas makilala pa ang bayan sa larangan ng merkado. Naisakatuparan itong maipatayo matapos mamatay si Loney at maipasara