THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.59 NO.1 OCTOBER 2019

Page 43

filiPino | MaKaTaOng KaWiLiHan

Kwento ng Kayamanang ipinamana iSinulaT ni MDPN. LOWEEN JOHN H. SELOTERIO mga larawang kuHa ni MDPN. JAYLAND E. SINGUILLO

N

amumutawi sa istruktura ang ibinahagi ng nakaraan. Mga posteng pundasyon, na naging sandalan ng katalinuhan. Mga bintana’t pintuan na naging bulwakan ng kaalaman at mga pisarang guhitan ng mayayabong na ideya mula sa kaisipan. Saksi ang lupang tinitirikan sa mga punlang ibinaon na lumago sa paglipas ng panahon.

Araw ng huwebes, walang sinag ng araw ang nakausli sa makapal na tumpok ng ulap. Di maaninag ang liwanag, di nagtagal ay paunti-unting bumagsak ang mga butil ng ulan sa lupang tinaniman ng karunungan. May mga batang sumilong sa isa sa mga kwarto ng paaralan. Bakas ang hingal sa mukha at hinahabol ang hininga. Sa kanilang pagpasok ay ang pagsulpot ng mga ideyang parang kitikiting nagsisipaglaro sa kanilang isipan. Nagtataka’t nagtatanong kung bakit at paano. Biglang nagsalita ang guro sa likod, inilahad na ang lahat ng kanilang nakikita ay produkto ng nakaraan. Ang nakaraan ng Baluarte Elementary School. At doon nagsimula ang kwento ng guro habang tanaw ang mga lumang litrato sa dingding ng kwarto. Ang paaralan ay unang ipinatayo

noong 1905 sa lupa ni G. Roman Maravilla isang residente ng Baluarte sa Parian (Molo sa kasalukuyan) sa munsipyo ng Irong-irong (Iloilo sa ngayon). Ito ay mayroong dalawang silid-aralan na gawa sa nipa at kawayan, na donasyon ng mga taga-roon. Tinatawag silang mga “Baybayon”, isang organisasyon ng mga magulang sa Baluarte na tumulong upang matupad ang mithiing makapagpatayo ng paaralan sa nasabing lugar. Una itong nagkaroon ng una’t ikalawang baitang na may 65 na mag-aaral at karamihan sa kanila ay mga taga-roon na hindi nakapag-aral dahil sa kakulangan ng paaralan. Salat ang bayan sa edukasyon kaya nang maipatayo ang paaralan ang lahat ay nagmithing makaangkin ng karunungan. Ang gobyerno ay hindi pa nag-

uumpisang magpatayo ng mga gusali nang ipinatayo ang Paaralan ng Baluarte kaya tinagurian itong pinakaunang pampublikong paaralan sa Pilipinas na nakapagpatayo ng gusali sa panahon ng pamamalagi ng Amerikano. Matapos maipasa ang Gabaldon Act nong 1907 doon pa lang nakapagbigay ng pondo sa pagpapatayo ng mga paaralan sa buong Pilipinas. Sa pagpapatuloy ng kweto, inilipat ng lugar ang paaralan sa lupa ni Dr. Timoteo Consing na malapit sa dagat at dalawang silid-aralan ang muling ipinatayo. Sa taong 1908, muli itong inilipat at ipinatayo sa lupa ni Gng. Baldomera Dingcong sa harap ng bahay ni G. Rosendo Mejica. Sa tulong ng G. Rosendo Mejica, na bilhan ng mas malawak na lupa ang paaralan sa taong 1910. Nagsulat siya ng isang liham para sa konseho ng munisipyo ng Iloilo para bilhin ang lupang sa harap ng kanyang bahay na may lapad na isang hektarya. Di naglaon, sa taong 1920 nabiyayaan ang paaralan ng Php10,000

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

41


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.