THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.59 NO.1 OCTOBER 2019

Page 41

Himig ng Awitin, Bakas ang Kasaysayan ng Sining iSinulaT ni MDPN. JULIUS CAESAR P. ALFARAS mga larawang kuHa ni MDPN. MARK JOSEPH D. ALOVERA

I

sang masidhing emosyon ang kusang nabubuo sa manipis na hangin sa tuwing pinasasayaw niya ang kanyang mga daliri sa makintab na piyesang itim ng piano. Nakapikit man ang mga mata, natutukoy parin ng kanyang mga daliri ang mga notang nakahahalina, na tila ba sila ang nagsisilbing pandinig at gabay sa himig ng musika. Mga musikang nagsisilbing tulay sa kasaysayan at kasalukuyan na nililinang at pinalalago ng katulad niyang tinatawag na maestro ng musika. Dahil dito, nakalilikha siya ng iba’tibang uri ng musika. Mula sa mabagal at madamdaming tugtog, hanggang sa untiunting pagbilis ng ritmong paulit-ulit at tila mga nagdiriwang tono na naghahatid ng indak sa mga puso ng sinumang makaririnig ng kanyang tugtugin. Mga tugtuging naghimok sa kanya upang mahalin ang propesyong humahasa sa mga tulad niyang labis ang pagmamahal sa obra ng musika — sa pagpapanatili at pagpapayabong ng kulturang Pilipino. Ito ang patuloy na pinapahalagahan ni Prof. Argiel P. Resurreccion bilang isang Kurong Direktor ng Conservatory of Music ng San Agustin University. Isa si Pro. Resurreccion sa mga haligi ng Ilonggo music sa Iloilo. Sa katunayan, nitong 2011, siya ang humawak bilang direktor ng kurong Handumanan ng John B. Lacson Foundation Maritime University (Arevalo), Inc. (Jblfmu-A) kung

saan naging matunog ang institusyon sa mga parangal na kanyang natanggap, isa na dito ang parangal mula sa WIMAPHIL kung saan nasungkit niya ang parangal sa musika. Isa sa kanyang layunin na tulad ng iba pang mga kurong direktor at mga mang-aawit na mapaunlad ang awiting Pilipino at maipakita sa karatig-bayan o maging sa mga bansang banyaga ang kulturang sinasalamin ng awitin. Ilan sa mga halimbawa ng awiting Pilipino ay ang “Kundiman” ng mga Ilonggo at “Dalawidaw” naman ng mga Negrense. Ayon kay Prof. Resurreccion matutukoy ang isang awitin o tugtog kung saan ito nagmula base sa salitang ginamit dito. Sa ibang salita, ang dayalektong ginamit sa isang kanta ay maaring gawing panukoy sa pinagmulan ng isang awitin. “Basta Hiligaynon ang text, it is

consider as Ilonggo music. That is the main characteristic nga dapat naton i-consider. Kung kanta siya ti, through its text- Hiligaynon text. Kung instrumental, dapat ta mabal-an kung sino ang composer naman ni. Whether he or she is a natural born Filipino, Ilonggo man ukon Hiligaynon,” (Maaaring tawaging Ilonggo music ang isang awitin sa pamamagitan ng teksto (dayalektong ginamit). Kung ito naman ay isang kanta, ito ay sa pamamagitan ng teksto- isang tekstong nasa Hiligaynon. Ngunit kung ito naman ay instrumental, marapat lamang na tukuyin kung sino ang gumawa ng kanta. Maaring siya ay likas na Pilipino, Ilonggo man o Hiligaynon), pahayag ni Prof. Resureccion. Ayon kay Prof. Resurreccion, ang mga awiting ating napakikinggan ngayon ay nag-ugat sa makasining na konsepto ng mga pangkat etniko o ang mga taong nabibilang sa mga tribo sa ibat ibang panig ng Pilipinas. Ang mga awitin o tugtuging ito ay tinatawag na folk song o mga kantang para sa lahat; ano mang antas sa buhay, o lipunang kinabibilangan ang isang tao, pawang naglalarawan o nagkukwento ito ng mga ganap sa buhay sa pamamagitan ng

The DOLPHIN | OCTOBER 2019

39

PHOTO SOurce: andreaguancO.cOm

filiPino | sining


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.