THE DOLPHIN MAGAZINE VOL.59 NO.1 OCTOBER 2019

Page 48

filipino| sea experience

That thing called, Layp on Bhord (Buhay sa Barko) isinulat at mga LARAWANG KUHA NI AB ANGELO A. CASAÑARE

A

ng umaga ay payapa nang biglang tumunog ang orasan. Naglalakbay sa aking malawak na isipan ang mga guni-guning nag naghahabulan. Kailangang bumangon, kailangan tumayo. Panibagong araw na naman. Hindi para mag-aral sa apat na sulok ng kalsehan kundi maglakbay sa maalong buhay ng karagatan.

Kung sa talambuhay lang sa gitna ng mabangis na dagat, kotang kota na talaga ako siguro. Payak lng naman ang pamumuhay sa barko, madali kung kalmado ang karagatan at pasimple lang kung inaalat at inaalon ang rutang patutunguhan . Japan. Kaba ang nanguna sa puso kong tila nag-uunahan. Nagtatanong kung bakit at tagalang ito ba ng papasukin kung propesyon. Ito ang bumabagabag sa aking katauhan ng una akong sumampa ng barko. Tanaw ang imahe ng aking sasakyang barko, tila humupa ang tensyon sa nag-aalab kong puso. Heto na talaga. Wala ng ayawan. Dumating kami nang bago mag tanghalian sa barko. Pagkatapos kumain ay nagpahinga ng kaunti. Pagpatak ng mga menos kinse ng alas kwatro ng hapon bihis na agad saka nagrelyebo ng gwardya. Sa mga oras na iyun parang

46

VOL.59 NO.1 | The DOLPHIN

umaayon sa tadhana ang aking kapalaran. Madali lang naman palang maging seaman. Gwardya gwardya lang ang labanan. Pero biglang nag-iba nag simoy ng maalat na hangin. Bandang alas dos ng madaling araw may tumawag sa telepono at sinabing “Maglinis na ng bodega”. Hindi ko inaasahan na ang bodegang iyun ang magpapamulat sa akin. Kimintal ang tanong sa aking isipan noong una palang kung kaya ko ba ito. Napasabi ako ng “Oo”, pero sa naranasan kung pagod sa sitwasyong iyun, napaungol ako at kaliwa’t kanang lumingi ang aking ulo Vietnam. Pero hindi doon natatapos ang lahat. Tumba-tumba na naman ako sa pagtatrabaho kasama ang aking mga kabaro. Ilang beses na magdamagang duty mula alas-dose ng umaga hanggang alas-sais ng umaga. Tuliro ang utak habang nakamasid sa tanawing tila walang hangan. Di hamak ang trabaho na parang

darating sa punto na aayaw na aking katawan. Mapapaisip kanalang na ang “swerte mo sa malas”, parang suicidal ang nagaganap. Mga mooring operations na kay hihiram, sabayan pa ng mga madaldal na utos ni kapitan. Sa mga panahon na iyong wala akong magawa kundi tanggapin nalang ang aking tadhana. Pero sige lang banat lang ng banat. Habang suot ang kapote sa ilalim ng madilim na kalangitan nag-arya kami ng lubid sa kilid. Naghihintay ng ulang papatak pero wala. Imbis na maligo sa ulan naligo ako sa pawis ng aking katawan. Ang lahat ng pagod ay unti-unti nang nanonoot sa bawat hibla ng aking ugat. Biglang nanilim ang aking paningin. Walang letra ang makahahambing sa pakiramdam na aking natamasa. Pagod at hirap ang naghahalo dahil sa walang tulog na pagtatrabaho. Tanging magagawa ko lang ay magdasal at sabihin sa sarili na mabubuhay pa naman ako. Chile. Sa lahat ng aking pinagdaanan ito talaga ang hindi ko malilimutan. Nagsisiliparan ang mga paruparu sa aking tiyan dahil sa pananabik na makasampa sa mas malayo pang lugar. Tatlumput isang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.