Daloy kayumanggi 2014 may

Page 1

Daloy Kayumanggi

〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com

Impormasyon ng Pilipino

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

Vol.3 Issue 35 May 2014

www.daloykayumanggi.com

KONTRIBUSYON

Charity Event sa Nagoya

7

TRAVEL

Mountain of Torii Gates

SHOWBIZ

Matteo at Sarah na?

15

22

HEART OF A CHAMPION

M

CELEBRATING FRIENDSHIP. Young Pinoys gather for a hanami party or sakura viewing, a century-old Japanese custom of appreciating the beauty of the cherry blossoms, at Sumida River with the Tokyo Sky Tree in the background. (photo by Angel Bautista VII)

atapos ang kontrobersyal na pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley noong 2012, muli na ngang nakabangon sa kanyang professional boxing career ang pambansang kamao. Ito ay matapos pulbusin ng suntok ni PacMan si Bradley sa kanilang rematch noong Abril 13 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Bagama't hindi nagawang patumbahin ni Pacquiao si Bradley, nasaksihan naman ng may 15,601 na manonood sa MGM ang naiibang lakas at bilis ng kanyang mga kamao. Kaya naman, sa huli, nagwagi si PacMan sa pamamagitan ng unanimous decision. Sa opisyal na tala ng mga hurado sa naturang laro, sadyang malayo ang agwat ni PacMan laban kay Bradley: 118-100 kay Glenn Throwbridge at parehong 116-112 naman ang iskor nina Michael Pernick at Craig Metcalfe. Sundan sa Pahina 5

TIPS

7 Pangunahing Chakra

Comprehensive Peace Deal sa KA-DALOY OF THE MONTH pagitan ng Pamahalaan at ng Ang Pagbangon ng Pambansang Kamao ni Loreen Dave Calpito “Emmanuel Dapidran Pacquiao”). MILF, natupad na E-mail: davecalpito529@gmail.com Kapiraso ng Personal na Buhay ni

H

M

indi maitatanggi: Tunay na atapos ang 17 taon ng negosasyon, sa ngang kilala, hindi lamang sa wakas ay pinirmahan na ng pamahalaan buong Pilipinas at Asya, kunat ng Moro Islamic Liberation Front di sa buong mundo si Manny “Pac(MILF) ang kasunduang magtatapos sa isa sa Man” Pacquiao (o sa totoong buhay, pinakamahaba, pinakamatindi at pinaka-nakakakilabot na pagrerebelde at pag-aaklas sa Asya, ang “Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).” Isinagawa ang paglalagda noong Marso 28 sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino III at ni Murad Ebrahim, chairman ng MILF, sa isang seremonya sa Presidential Palace sa Maynila.

9 - 11

Pacman Ipinanganak si Manny noong December 17, 1978 sa Kibawe, Bukidnon Kina Rosalio at Dionesia Dappidran-Pacquiao. Sundan sa Pahina 20

Sundan sa Pahina 5

KA-DALOY

NTT Community Event

17

NTT CARD

30

MINS

NA ULIT!!!


2

May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Produksyon ng iPhone 6, sisimulan ngayong May -- Sources

M

agsisimula nang magpagawa ng “screens” ang Apple Inc. suppliers para sa pinakabagong modelo ng iPhone, ang iPhone 6, nitong Mayo. Ang ulat ay inilathala sa ph.news.yahoo. com. Ayon sa sources ng naturang website na hiniling na ‘wag ilantad ang identidad, ilan umano sa mga kinausap na kumpanya para gawin ang screens ng iPhone 6 ang Japan Display Inc., Sharp Corp. at South Korea’s LG Display Co. Ltd. Ayon sa lumabas na bali-balita, mas malaki rin umano ang screen ng iPhone 6 sa kasalukuyang 4.0inch panels ng iPhone 5S at 5C. Ito rin ay inaasahang gagamit ng in-cell touch panel technology, tulad ng sa iPhone 5, na built-in sa screen at mas manipis ang paggawa kumpara sa standard touch panel films. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga nasabing supplier at ang Apple hinggil sa mga balitang ito.

Tatlong pinakamalaking kumpanya sa cyber space, dineklarang "The Greenest"

A

8.2 magnitude na lindol, tumama sa Chile

n g A p p l e , Fa c e b o o k a t Google, mga tinaguriang “powerhouse Internet companies,” ay kumukuha o gumagamit ng enerhiya na nagmumula sa renewable power. Ayon ito sa annual report ng Greenpeace hinggil sa energy sourcing ng technology companies. Nangunguna pa rin sa listahan ang Apple na may tapat sa kanilang layunin na hugutin ang lahat ng kanilang energy sa renewables tulad ng solar at geothermal. Nakuha nila ang top 1 dahil na rin sa itinayo nilang pinakamalaking solar farm sa kanilang North Carolina data center. Pumangalawa naman ang Facebook na may wind investment sa Iowa at naglalayong maging isa sa mga clear green Internet leaders. Samantalang, pumangatlo naman ang Google dahil sa taas at laki nang binibili nilang renewables, kung saan 34% ng kanilang araw araw na operasyon ay gumagamit ng clean energy. Inilathala ang naturang mga datos sa goodnewsnetwork.org.

Duck Meat ng Pinas, ie-export sa Japan

T

umama ang 8.2 magnitude na lindol sa Chile noong Abril 2 na naging sanhi ng tsunami at landslides na ikinasawi ng limang katao. Ayon sa mga opisyal, ang kanilang pagkamatay ay dahil sa pagkasira ng mga pader o ‘di naman kaya ay atake sa puso. Samantala, ayon naman sa pamahalaan, wala namang natalang matinding pinsala sa mga coastal areas, subalit ang pangyayari namang ito ang nagudyok sa mga babaeng bilanggo na tumakas sa kanilang piitan. Tinatayang 16 sa mga kababaihang tumakas ang nahuli rin ng mga pulisya.

Pahayag ng Pacific Tsunami Warning Center, ang nasabing tsunami ay nakapagtala ng 2.3 meters na pinakamalaking alon. Sa ulat naman ng Chilean navy, ang pinakaunang wave ay tumama sa pampang makalipas ang 45 minuto.

Matapos Pansamantalang itigil... Paghahanap sa Malaysian jet, ipinagpatuloy

M

atapos itigil pansamantala ang paghahanap sa nawawalang Malaysian jet, na ayon kay Malaysian Prime Minister Najib Razak ay kumpirmadong bumagsak sa Southern Indian Ocean, muling ipinagpatuloy nitong Marso 26 ang search operations. Nakabatay ang operasyong ito sa layuning makakita ng kahit na anong labi ng Flight MH-370 na may sakay na 239 na pasahero. Mahigit isang dosena na mga aircraft galing Australia, US, China, Japan at South Korea ang nagtutulung-tulong na galugarin ang nasabing karagatan. Sa panahong sinusulat ang balitang ito, hindi pa rin matiyak ang eksaktong lokasyon ng jet at marami pa ring tanong ang walang tiyak na kasagutan.

P

ormal nang nagkapirmahan ng sales agreement contract nitong Marso 7 ang Davao-based Maharlika Agro-Marine Ventures Corp. at ng mga partner companies nito mula sa Japan, ang Daigo Tsucho Co., Ltd. at Aono Fresh Meats Ltd. Ito’y para mag-export ng duck meat mula sa Pilipinas patungong Japan. Bunsod ito, ayon sa tokyo.philembassy.net, ng matagumpay na market tests sa Japan noong January 12, kung saan, napansin ang mataas na kalidad ng naturang Philippine product. Sa naturang deal, ang mga nabanggit na Japanese companies lamang ang sole distributors ng duck meat sa buong Japan. “We are confident that Philippine duck meat will continue to make significant inroads in the lucrative Japanese market, ultimately benefiting producers and associated industries in our country,” ika ni Ambassador Manuel M. Lopez. Isinagawa ang naturang contract signing sa mismong Philippine Embassy sa Tokyo.

JPY10M, donasyon ng Senior Citizens sa Japan para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda

Libreng Neuroscience Sleep Program para sa mga kabataang biktima ng pambubully

I

kaw ba o sino mang mahal mo sa buhay ay nabiktima na ng pambubully? Nagdulot ba ito ng depresyon o problema sa iyo/kanilang sarili? Dito sa www.healbullying.org, may mga libreng mp3 na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga biktima para sugpuin ang mga negatibong epekto ng pambubully. Ang inisyatibong ito ay nagawa ni Tere Mahane nang maranasan ng kanyang apong lalaki na mabully; ang pambu-bully na iyon ay nagdulot ng negatibong epekto sa bata. Gumawa si Tere ng audio program na pwedeng i-play habang siya ay natutulog. Ang mga audio na ito ay puno ng positibong panghihikayat na gagamot sa mga pinsalang nakasira ng kanyang pananaw sa sarili. Sa halip na ibenta at

pagkakitaan, mas naisip ni Tere na ipamigay ang programa para sa mga kabataang may parehong karanasan.

B

ilang suporta sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, nagbigay ng kanilang donasyon ang Japan Federation of Senior Citizens’ Clubs, Inc. (JFSC), kamakailan, ayon sa tokyo.philembassy.net. Pinangunahan ni Chairman Juro Saito ang pagpunta sa Philippine Embassy upang personal na ibigay ang kabuuang JPY 10,000,000. Bunga umano ito ng sama-samang donasyon ng 100,000 clubs sa buong Japan. Umaabot ng anim na milyon ang populasyon sa ngayon ng JFSC. Kasama rin sa mga personal na dumalo sa Philippine Embassy mula sa organisasyon ay sina: Mrs. Tokie Masuda (Vice-Chair), Mrs. Aiko Nagai (ViceChair), Mr. Yasumasa Naka (Vice Chair), Mr. Chikashi Masuju (Vice Chair), at Mr. Hideki Saito (Secretary General) Ang halaga ay tinanggap ni Ambassador Manuel M. Lopez.


3

May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Law Expert: Tatlong senador na sangkot Makati Judge, pinayagan sa PDAF, hindi basta-basta masususpinde nang operahan si Napoles

H

indi basta-basta masususpinde ang mga senador na sina Revilla, Enrile at Estrada na sangkot sa pork barrel scam, ayon kay Father Ranhilio Aquino, Dean ng San Beda Graduate School of Law. Sinabi ito ni Aquino noong April 5, sa grupo na nangunguna sa anti-pork barrel rally noong 2013. Ayon kay Aquino, mas mabuting magbitiw na lamang ang mga ito sa kanilang pwesto. “They are not automatically suspended from public office. There are times for example for cases covered by Republic Act 3019 anti graft and corrupt practices act. There is a mandatory period of preventive suspension. What the court can do, whether it orders them preventively suspended, is really up to the court. We still have to see that. But that doesn’t mean that with the filing of charges, there offices are forfeited or they should resign from office,” ika ni Aquino sa isang panayam na iniulat ng anc.yahoo.com Ipinahayag naman ni Peachy Tan, spokesperson ng Scrap Pork Network, na kung ang reklamo ay mauuwi sa isang full-blown na paglilitis, maaaring gamitin ng mga sangkot ang kanilang posisyon para mang-impluwensya at madepensahan ang kanilang mga sarili. Aniya, “Can you just imagine the time and the resources they will be spending defending themselves?”

Samantala, isang online petition naman, ayon sa ulat ng rappler.com, ang inorganisa ng Change.org na naglalayong makalikom ng mga e-signatures para mapababa sa pwesto ang nasabing mga senador bunsod na rin sa kanilang mga kontrobersiyang kinasangkutan nitong mga nakaraang buwan. Nakalikom ito ng may 2-500 esignatures sa unang 36 na oras pa lamang ng launching nito. Sinampahan na rin ng Office of the Ombudsman ng plunder cases ang tatlong mga senador bunsod umano ng probable cause sa kanilang involvement sa nasabing scam.

Cebu Pacific, maaari ng lumipad sa Europe

K

asunod ng pag-alis ng European Union ban sa Cebu Pacific nitong Abril 10, maaari nang makalipad ang Cebu Pacific, isa sa pinakamalalaking local carriers sa bansa, patungong Europe. Sa ulat ng rappler.com, ang announcement ay isinagawa sa pagitan ng representatives at opisyales ng EU at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Matatandaang, noong 2010, naigawad ang blacklisted status ng mga local carriers matapos umanong laba-

gin ng mga ito ang ilang “significant safety concern.” Nauna nang inalis ng EU ang ban sa Philippine Airlines (PAL) noong nakaraang July, 2013. Ang pagli-lift ng ban sa Cebu Pacific ay bunga umano ng pag-uulat ng Cebu Pacific sa Directorate General for Mobility and Transport ng EU sa Brussels na nagawa na nitong i-comply ang ilang outstanding safety concerns nitong Enero.

Mga proyekto para labanan ang climate change, ipinatutupad ng gobyerno

S

a panahon ngayon, ang pagbabago ng klima ang isa sa pinakamalaking suliranin ng mga magsasaka at mangingisda na ang kabuhayan ay nakasalalay lamang sa kanilang mga ani. Ito ang kinumpirma ng report na ginawa ng United Nations hinggil sa usaping climate change (base sa ulat ng rappler.com). Ang global warming umano, ayon sa UN, ay isa talagang mabigat na banta sa agrikultura at palaisdaan sa mga tropikal na bansa. Sa ngayon, mayroong mga inisyatibong ipinatutupad ang gobyerno upang masolusyonan at mapigilan ang Climate Change sa bansa. Ayon kay Alicia Ilaga, Climate Change Office Director

P

inayagan na nitong Abril 2 ni Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alameda na operahan nina Drs. Elsie BadilloPascua, Efren Domingo, Leo Aquizilan, Michael Lim-Villa at Nick Cruz, mga anesthesiologist at pulmonologist, na operahan at pamahalaan ang pangangailangang pang-medikal ni Janet Lim Napoles, ang umano’y pork barrel mastermind. Ayon sa ulat ng GMA News, nakasaad sa naturang desisyon ng judge na ang mga doktor lang na nabanggit ang maaaring tumingin kay Napoles. Inatasan din ni Alameda si Dr. Perry Ishmael Peralta, Medical Director ng Ospital ng Makati, na magsumite ng progress report sa korte at prosecutors hinggil sa medical condition ni Napoles matapos ang gagawing operasyon. Samantala, gusto ng panig ni Napoles na gamitin ang kanyang karapatan, base sa Philippine Medical Association Declaration on the Rights and Obligation of the Patient, na pumili ng kanyang personal na doktor na tumingin sa kanyang mga pangangailangang pang-medikal.

Mga opisyal ng Philippine Coast Guard, nahaharap sa kasong homicide

S ng Department of Agriculture (DA), ilan sa mga proyekto ng gobyerno ay ang paggawa ng mga imprastraktura na climate-resilient, mga weather-proof na pananim, mga patalastas at pangangampanya ng mga impormasyon dito at mga adaptation schemes para sa mabilisang recovery ng mga apektadong magsasaka. Dagdag pa niya: “Sa taong 2015, nilalayon ng DA na baguhin ang kanilang kabuuang budget at gawin itong adaptation budget dahil sa pagsasaalang-alang ng usapin sa lahat ng plano ng ahensya.”

inampahan na ng kasong murder ang walong mga opisyal ng Philippine Coast Guard dahil sa pagkakapatay sa mangingisdang Taiwanese na si Hung Shih-cheng, 65 taong gulang, noong nakaraang taon. Ang mga opisyal ay nagpaputok sa isang bangka na nasa laot malapit sa northern Philippine coast noong May 2013 kung kaya’t napatay ang nasabing mangingisda. Ang pagkakapatay na ito ang nagdulot ng mga kilos-protesta sa Taipei na siyang nag-udyok para ihain ng Taiwan ang economic sanctions laban sa Pilipinas. Subalit, itinigil din ito matapos mag-isyu ng official apology ang pamahalaan. Pormal na isinampa ang kasong homicide sa northern Philippine court noong nakaraang linggo, ayon kay Legal Officer Jurgents Calling. Aniya, “The judge is still studying the information filed, but if he finds probable cause, he will issue warrants of arrest.” Ika naman ni Andrew Lin, director ng political division of the Taipei Economic and Cultural Office sa Maynila, base sa ulat ng ph.news. yahoo.com: “We recognise that adequate action has been taken by the Philippine government with this development.”


4

May 2014

Global Filipino DEAR KUYA ERWIN

ni ERWIN BRUNIO

Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio

S

Ang kabayo ng pagbabago

i Sai ay isang matanda na nakatira noong unang panahon sa Tsina. Ang kanyang buhok ay sabog-sabog na kulay gatas. Ang kanyang balbas ay mahaba at kulay gatas din. Halata sa kanyang mukha ang hamon ng mga panahon, kulubot na at malambot. Ang kanyang mga mata ay lalong naging singkit, at halos di na makakita. Pagewang-gewang na kung ito'y lumakad at may dalang isang kawayan na tungkod. Ang kanyang boses ay paos at mahina na. Subalit, kung ito ay magsalita, ang lahat ng tao sa bayan ay nakikinig. Sapagkat isa siyang henyo. Isang araw, ang kanyang nag-iisang kabayo ay nakawala at hindi na makita. Ang sabi ng kanyang mga kapitbahay, ito ay isang masamang pangitain. Subalit, bilang isang henyo, tinanong niya ang mga tao. “Paano ninyo nalaman na ito ay malas?” ang kanyang sabi. Nagdaan ang mga ilang araw, ang kanyang kabayo ay bumalik na may tangay na isa pang kabayo. Laking tuwa ng mga tao at sinabihan si Sai na sobrang swerte niya. Subalit, bilang isang henyo, tinanong niya ang mga tao. “Paano ninyo nalaman na ito ay swerte?” Dumaan ang ilang buwan, nakita ni Sai ang kanyang anak na pawindang-windang ang lakad. Nahulog pala ito sa kanyang sinasakyan na kabayo. Nagbulong-bulungan ulit ang mga tao. “Sabi na nga ba, malas talaga iyang kabayo ni Sai”. Narinig ito ng Henyo na si Sai at sinabihan ang mga tao. “Paano ninyo masasabi na

itong pagkabale ng tuhod ng aking anak ay malas?” Kinaumagahan, dumating ang mga tauhan ng emperor ng Tsina at isinama ang lahat ng mga kalalakihan na may sapat ng gulang at kakayahan. Subalit dahil hindi makalakad ang anak ni Sai, hindi ito isinama. Isa pala itong magandang pangyayari dahil halos karamihan sa mga kalalakihan na sumama ay namatay sa giyera. Itong kwento ay hango sa isang kasabihan ng mga Hapon “ningen banji saiou uma”. Ang buhay ng tao ay parang kabayo ni Sai. Ikinuwento ko ito dahil ang rason kung bakit nandirito ako ngayon sa Japan ay dahil ang aking kabayo noon ay tumakbo at nawala. Ang aking kabayo ay trabaho. Tungkulin ko na turuan ang mga mangingisda sa Bohol na pangalagaan ang karagatan. Isang malakinghamon ang aking trabaho. Minsan nagtuturo ako ng mga mangingisda sa pagbibilang ng isda sa dagat, o kaya pagbibilang ng mga kabakhawan. Minsan tinuturuan ko ang mga anak ng mangingisda sa simpleng pangangalaga ng kalikasan. At minsan, tinuturuan ko ang mga guro ng mga anak ng mangingisda kung paano gawin ang environmental education. (Dito ko nakilala ang aking asawa, isang guro sa high school). Maraming beses na ako ay sumasama sa pagpapatrolya sa dagat. Dala dala ang isang tear gas at 100 porsyento na determinasyon, tinutugis namin ang mga ilegal na mangin-

Libre! Interpretation Services TELEPHONE CONSULTATIONSERVICE PARA SA HIV / STI (SEXUALLY TRANSMITTED INFECTION)

Tel. NO: 06-6354-5901 • Tuwing 4 P.M. to 8 P.M. ng Huwebes ang konsultasyon sa wikang Filipino • Every 4 P.M. to 8 P.M. Tuesday and Thursday English Consultation Ang serbisyong Libreng Personal Interpretation Service sa mga nais pumunta at magpatingin sa HIV / STI Testing center (Free and Anonymous) sa Nanba Osaka ay hanggang ika 20 ng Marso, 2014 na po lamang. Huwag pong mag-atubiling gamitin ang libreng serbisyong nabanggit sa lalong madaling panahon. Tumawag po lamang sa CHARM Osaka 06-6354-5902 (10:00 – 17:00 Lunes hanggang Huwebes ) http://www.charmjapan.com

gisda. Marami kaming mga nakalabang politiko na sangkop o protektor dito. Marami rin ang naging mga banta sa aking buhay dahil dito. Wanted at di ako makapunta sa dalawang isla na pugad ng mga ilegal na mangingisda. Subalit, ang aking kabayo ay biglang tumakbo at nawala. Kalagitnaan ng 2005, binalitaan ako ng aking supervisor na ang aking posisyon sa susunod na taon ay wala ng pondo. Ibig sabihin, wala na akong trabaho. Wala na ang aking pinakamamahal na kabayo. Nasira ang aking puso at ako ay nawalan ng pag-asa. Ano na ang aking gagawin sa aking buhay? Saan ako kukuha ng pera na pagsuporta sa aking pamilya? Kakakasal ko lang ng nagdaang taon at heto ako ay mawawalan na ako ng trabaho. Sa aking pagiging desperado, lahat ng pwede kong aplayan na trabaho ay inaplayan ko. Nagaplay din ako sa mga scholarship sa US, sa Europe, at sa Japan. Unang lumabas ang resulta sa Japan, agad ko itong sinunggaban at dinakmot. Marami sa aking mga kasamahan at kaibigang estudyante ay pinili ang Japan dahil nais nilang matutunan ang teknolohiyang Hapon. Meron din na nagustuhan at gustong pagaralan ang kultura ng Hapon. Meron din na pinili ang Japan dahil malaki ang scholarship allowance. Hindi gaya nila, wala sa panaginip ko ang pumunta o tumira sa Japan. Ako, pinili ko ang Japan dahil ito ang nauna. Noong nakawala ang aking unang kabayo, ito ay isang napaka hirap na sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Subalit, ang pagtakbo ng aking unang kabayo, ay siya namang nagdala sa aking pangalawa at bagong kabayo, ang Japan. Ang Japan na patuloy na nagpapahanga at nagpapagulat sa akin. Masasabi ko na rin na ang Japan ay aking pangalawang tahanan. May kilala ka ba ngayon na nasa isang napakahirap na sitwasyon sa buhay? Nararamdaman mo ba na minsan, parang ang buong mundo ay kontra sa iyo? Huwag itong masyadong dibdibin. Ayon nga sa Japanese na kasabihan, “ningen banji saiyo uma”. Ang buhay ay parang kabayo ni Sai. Minsan, hindi natin

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

talaga malalaman sa bandang huli kung ano ang kakahantungan ng isang pangyayari sa atin buhay. Minsan ang mga bangungot sa ating buhay ay lalabas na may magandang epekto. Minsan naman ang mga masasayang pangyayari ay nagiging hindi maganda. Ang leksyon ng kabayo ni Sai ay nagsasabi na kung ikaw ngayon ay nasa isang sitwasyon na hindi mo gusto, huwag masyadong gulpihin o sisihin ang sarili. Sa sitwasyon mo ngayon, hindi mo masasabi ng 100 porsyento na ito ay magiging masama ang kakalabasan. Panahon lamang ang makapagsasabi. Kung ikaw naman ngayon ay matagumpay na at maunlad sa buhay, huwag magpasobra ng pagdiriwang. Maging mapanuri at maingat sa mga gagawin, maging laging handa. Ang mga pagbabago sa iyong buhay ay parang kabayo ni Sai. Hindi mo sigurado ng 100% na mahulaan o malaman kung ano ang mangyayari sa bandang huli. Isa lang ang sigurado, darating at darating ang mga pagbabago at hamon sa ating buhay. Dahil ito ang nagbibigay sa iyo ng oportunidad upang matuto, lumago at maging ganap na Global Filipino, maging saan lupalop ka man ng mundo. Salubungin ang bawat kabayo ng pagbabago bilang oportunidad na pagyamanin pa ang iyong buhay. -0-0-0-0-0Ikaw, ano ang iyong kabayo ng buhay? I-email ang iyong karanasan sa erwin@daloykayumanggi.com o kaya i-message sa facebook sa “Erwin Brunio” at may chance na mailathala ang iyong kwento dito sa Daloy Kayumanggi. May surprise na regalong maghihintay sa iyo.

"Ang may-akda sa Sennangun, Osaka habang nag-aaral ng Japanese language kasama ang mga estudyante na mula sa Southeast Asia na kabilang sa ASEAN Youth Fellowship."


Daloy Kayumanggi

Balita

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Mula sa Pahina 1

Ang MILF ay ang natitirang pinakamalaking rebel group sa bansa na pumirma sa peace pact, sumunod sa Moro National Liberation Front (MNLF) na pumirma rin ng parehong agreement noong 1996. Ayon naman kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa isang ulat ng Inquirer, kinonsulta umano ng government peace panel ang ilang mga civil society groups, mga miyembro ng academe at ilang mga legislators hinggil sa nilalaman ng naturang peace agreement bago umano naganap ang pirmahan.

San Miguel Corp., balak mag-propose ng $10-billion Manila Airport

N

agpaplano ang San Miguel Corp., isa sa pinakamalaking kumpanya ng bansa, na magpresenta ng kanilang proyekto sa pamahalaan hinggil sa $10 bilyong halaga ng Manila airport, ayon sa presidente nitong si Ramon Ang na kinumpirma nito sa isang text message sa Reuters. Ang kumpanyang ito ang nagmamay-ari rin ng ilang shares ng Philippine Airlines. Nais nilang magtayo at magkaroon ang bansa ng bagong pasilidad para punan ang kakulangan ng tumatanda nang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang magandang hangaring ito ay hindi madaling aprubahan ng gobyerno dahil na rin sa mga polisiya na nananaig sa mga airline companies na nag-ooperate sa mga paliparan sa kasalukuyan. Ayon kay Transportation Sec. Jose Emilio Abaya sa ulat ng gmanetwork.com, “Ano mang ‘unsolicited infrastructure project proposal’ tulad ng sa San Miguel ay kinakailangang dumaan sa matinding pag-uusisa at pag-aaral ng pamahalaan at kinakailangang ipresent muna sa pangulo ng bansa.”

5

May 2014

Mula sa Pahina 1

Heart of a Champion

Ayon sa ilang boxing experts, ang ika-pitong round ang sinasabing pinaka-exciting sa buong laban, sapagkat dito nagpakawala ng matitinding suntok si Manny. Dito rin nakita ng mga manonood ang ipinagmamalaking kaliwa ni PacMan. Naging sport naman si Bradley sa kabiguan niyang ito. Sa kanyang panayam na ipinalabas ng sports.yahoo.com, ika

ng boksingero kay Pacquiao: “You deserved it... You won the fight.” Naging pahayag naman ni Bob Arum: “”He was fighting Timothy Bradley, who nobody had not only never knocked out but who nobody had ever beaten... Manny was fighting one of the great welterweights in the world, not a guy with cement in his shoes.” Hangang-hanga naman sa kanya ang maraming mga Pinoy sa buong mundo na buo ang naging suporta sa Pambansang Kamao sa kanyang buong laban.

US Authorities: Pilipinas, pwede nang magdagdag ng flights patungong Amerika

M

atapos ang matagal na paghihintay, ibinigay na ng US authorities sa Pilipinas ang aviation rating upgrade nito na nangangahulugang maaari nang magdagdag ang mga local airlines sa bansa ng flights patungo sa United States of America. Ayon sa ulat ng rappler.om, ginawaran ang Pilipinas ng US Federal Aviation Administration (FAA) ng Category 1 rating. Ibig sabihin nito, na-comply ng bansa ang international safety standards na ipinapatupad ng International Civil Aviation Organization (ICAO) ng United Nations. “With the International Aviation Safety Assessment (IASA) Category 1 rating, the Republic of the Philippines’ air carriers can add flights and service to the United States and carry the code of US carriers,” ika ng FAA. Pahayag naman ni DOTC Secretary Joseph “Jun” Abaya: “We congratulate the CAAP for a job well done in censuring the lifting of the ICAO’s significant safety concerns, the lifting of the European ban on local airlines, and now, the FAA upgrade to

Category 1. Truly, your accomplishments prove that good governance and competent leadership will be the legacy of President Aquino’s Daang Matuwid.” Sa kasalukuyan, tanging ang Philippine Airlines (PAL) ang local carrier mula sa Pilipinas na tumatawid patungong US -- sa Honolulu, San Francisco at Los Angeles.

FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599


6

May 2014

Editoryal

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph

Aries Lucea Pido Tatlonghari Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com

www.facebook.com/daloykayumanggi

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

"VISA-FREE" JAPAN?

K

amakailan lamang ay lumabas ang mga balibalitang papayagan na umano ng gobyernong Hapon ang mga turista mula sa Pilipinas, Indonesia at Vietnam na bumisita sa Japan ng wala ng tourist visa. Positibo itong tinanggap ng maraming Pilipino hindi lamang sa Pilipinas kundi dito sa Japan base na rin sa trends na nakita sa social media pagkatapos lumabas ng balita. Ang malayang pagbisita ng mga kamag-anak at kaibigan ng halos 200,000 Pilipino dito sa Japan ay siguradong makatutulong sa ekonomiya ng bansa. Dagdag pa nito, mas magiging madali na ang pagbyahe at sightseeing para sa mga Pilipinong turista na naghahangad mamasyal sa Japan bukod sa mga sikat na puntahan tulad ng Hong Kong at Singapore. Aminado naman ang gobyerno ng Japan na ang ganitong inisyastibo ay para gawing mas tourism-oriented ang ekonomiya ng bansa at lumago lalo ang ekonomiya. Sa kabilang banda, hindi rin maiiwasang maisip ang mga maaaring maging epekto ng pagluluwag na ito ng visa. Katulad na lamang sa kaso ng Thailand, tinanggal ng Japan ang restriksyon sa pagkakaroon ng visa sa mga turista na balak bumisita ng

hindi hihigit sa 15 araw. Dahil dito, halos trumiple ang bilang mga bumisita noong nakaraang taon. Pero kasabay nito, dumami rin ang bilang ng mga ilegal na turistang mas piniling manatili sa Japan upang magtrabaho at makipagsapalaran. Kung iisipin, ang visa ay isang dokumento na ibinibigay ng isang bansa sa sinumang gustong bumisita panandalian sa kanilang bansa. Ito ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan. Gayunpaman, maraming bansa, lalo sa Europa, Hilagang Amerika kasama na ang Japan, ay nakakabisita sa halos lahat ng bansa ng hindi na nangangailangan ng kahit anumang visa. Samantalang ang mga bansang tulad ng Pilipinas at iba pang Third World na bansa ay mukhang palaging naglilimos para mabigyan ng visa. Kung kaya’t hindi maiiwasan na makita ang visa hindi lamang paglimita sa mga taong papasok sa isang bansa kundi isang pagpapakita ng kapangyarihan ng isang malaking bansa sa isang mas maliit na bansa. Sa kaso ngayon ng Japan, ginagamit nila ito para sa kanilang sariling interes lalo na sa para mapalago ang natutulog nilang ekonomiya at mabawi ang mga nawalang turista na mula sa Korea at Tsina dahil na rin sa alitan sa teritoryo sa dalawang bansa. At dahil

Tokyo Boy By: Mario Rico Florendo mrico.03@gmail.com ang visa ay isa lamang pribilehiyo, maaaring gamitin ang epekto ng pagpapatupad ng “visa-free” Japan na ito, tulad ng kaso sa Thailand, sa mga susunod na magiging polisiya ng gobyernong Hapon pagdating sa pagbibigay ng iba pang visa tulad ng work visa, student visa at iba pa. Sa huli, ang mga mamamayan ng “Third World” na ito ay lagi na lang mukhang atat at nag-aabang sa mga ganitong klase ng balita. Samantalang ang “mga First World” na mga ito ay nakakapagbyahe ng walang restriksyon at iniisip na problema sa aplikasyon ng visa, bayad sa visa, bank statement, ITR at iba pang kinakailangang dokumento. Sa mas malaking pagtingin, hindi lamang nagiging resulta ng restriksyon sa pagpasok sa isang bansa ang visa kundi nagpapahiwatig rin ng kontrol sa kapangyarihan na mayroon ang isang “malaking bansa” tulad ng Japan sa mga “maliliit na bansa” tulad ng sa Pilipinas.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

7

May 2014

Kontribusyon

Konsiyerto at Internasyonal na Pagtatanghal sa Nagoya PARA SA MGA BIKTIMA NG YOLANDA

N

Nestor L. Puno (SAGIP Japan)

oong March 9,2014, ay nagkaroon ng International Solidarity & Support event sa Nagoya para sa mga kababayan nating nabiktima ng Yolanda Typhoon. Ito ay isinagawa ng iba’t-ibang organisasyon ng mga Pilipino sa Nagoya na pinangunahan ng SAGIP Japan, Filipino Migrants Center, Philippine Society in Japan, Filipino Artists in Nagoya, at sa kauna-unahang pagkakataon, ang pakikipagtulungan ng Shinsu Otani Group ng Higashi Betsuin Hall, na kinabibilangan ng mga monghe (Obosan). Ang programa ay nahati sa dalawang bahagi; una, ang konsyerto na kung saan ipinamalas ng ating mga kababayan sa Nagoya ang kanilang galing sa pag-awit ng mga popular na awitin at kantang blues ng Obosan Band. Kabilang dito sila Rino Eleferia, Carl Dave, Hideki Ota, Choji Ikeuchi, Wataru Makishima, Marichu Zaide, Aloha Tanaka, Arlene Sarmiento, Marie Saiki, Ma. Theresa Kawai, Mirai Shimoyama, ELCC Kids, at ang Obosan Band – Flat Water Blues Co. & Masaki Yamashita. Ang ikalawang bahagi ay ang kulturang pagtatanghal mula sa iba’t-ibang bansa upang ipakilala ang kani-kanilang kultura; ang shamisen (three-stringed guitar) ng Okinawan Group at Japanese drums ng Hirakiza Gekidan, sayaw at awit mula sa Tsina ng Kahou no Tomo at ACSC, ang Toukai Chosen Kabudan mula sa Korea, Samba ng O Peixe Que Ri Nagoyaense mula sa Brazil, at remix modern/cultural dance ng rEplay Crew at Area 51 & Pacific Blue Dance Group mula naman sa grupo ng Pilipinas. Natapos ang programa sa sama-samang pagkanta ng “We Are the World” ng lahat ng nagtanghal at staff ng event. Sa kabuuan, ang bilang ng nagtanghal para sa charity event na ito ay umabot sa 100 katao mula sa grupo ng Pilipino at mga bansang nabanggit. Bagamat humaba ng 30 minuto ang programa kumpara sa nakatakdang tatlong (3) oras, nanatiling nakaupo ang mga manonood dahil sa ganda at husay ng performances ng bawat indibidwal at grupo. Maliban dito, ay tumanggap tayo ng donasyon mula sa mga manggagawa ng Imasen Denki at pinuno ng Avance Corporation. Napuno ang 450 upuan ng mga manonood na Pilipino, Hapon at iba’t-ibang bansa. Ang lahat ay humanga at labis na nasiyahan sa palabas. Makabuluhan ang palabas na ito, dahil maliban sa nalikom na tulong at kita sa palabas, napagsama-sama ang mga grupong dayuhan mula sa iba’t ibang bansa sa isang proyekto ng mga Pilipino sa kauna-unahang pagkakataon at nagtanghal ng walang bayad. Maging ang grupo ng mga monghe ay malaki ang kontribusyon at pinagamit ang Higashi Betsuin Hall ng walang bayad, na ayon sa kanila ay ngayon lang nangyari. Layunin din nila ang makapagbigay ng tulong at makapaghatid ng sigla sa ating mga kababayan sa Pilipinas. Ito ay nagbukas din ng pagkakataon para sa pakikipagtulungan at pakikipag-isa sa mga usaping may kaugnayan sa ating lahat, hindi lamang sa mga Hapon kundi sa iba pa ring dayuhang naninirahan dito sa Japan. Ang lahat ng nakalap nating tulong ay idadaan sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC), isang NGO sa Pilipinas na tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. Ito ay gagamitin para sa rehabilitasyon ng mga Yolanda survivors, at muling makabangon sa hagupit ng naturang bagyo. Dadalhin ng SAGIP Japan ang nalikom na halaga at nakatakdang bumisita sa mga lugar na nasalanta sa huling linggo nitong Abril. Nauna pa dito, ang SAGIP Japan ay nakapagpaabot ng P2M. para sa dagliang tulong sa mga kababayan natin sa Barangay Libertad, Palo, Leyte sa 528 pamilya. Ito din ay mula sa mga kababayan nating Pinoy sa iba’t ibang dako ng Japan, mamamayang Hapon at ibang lahi. Nais ko ring samantalahin ang pagkakataon na pasalamatan ang lahat ng indibidwal at mga organisasyon na nagbigay na donasyon at nagtiwala sa SAGIP Japan upang maipaabot ang kanilang tulong. Makakaasa po kayo na ang inyong kontribusyon ay maipapaabot sa mga biktima. Nananawagan din po kami, na kung mayroon kayong mga lumang sewing machine na hindi na ginagamit, maaari po ninyo itong ipadala sa amin. Layunin nito na mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga kababaihan sa mga lugar na nasalanta ng Yolanda upang makabangon sa bigwas ng kalamidad. Tumatanggap pa din po kami ng pinansyal na tulong para sa Yolanda victims upang tugunan naman ang mga pangangailangan ng mga batang nakatakdang pumasok sa darating na pasukan. Para sa mga karagdagang detalye at katanungan, maaari po kayong magpadala ng e-mail sa sagipjapan@gmail.com o tumawag sa 090-9224-0922, at hanapin ang inyong lingkod. Hanggang sa muling pagkikita. Maraming salamat po.###


8

May 2014

Daloy Kayumanggi

Global Filipino

"Inspiring Global Filipinos in Japan"

TOKYO BOY

S

Mario Rico Florendo 090-1760-0599 (work) 03-5835-0618 (work) Email: marioflorendo@daloykayumanggi.com

a maraming mga survey na isinasagawa sa buong mundo, madalas kung hindi nangunguna, laging nasa Top 5 ang Tokyo sa pinakamahal na siyudad sa buong mundo. Ang tiket para manood sa sinehan ay nagkakahalaga ng Y1,800 samantalang ang pagkain sa isang restawran ay may minimum na Y1,000. Kung kaya’t, hindi maiiwasan na ang mga dayuhan lalo na ang mga Pilipinong turista ay may imahe sa Tokyo bilang isang nakapamahal na pasyalan at lugar para manirahan. Pero alam niyo ba na maraming pasyalan dito sa Tokyo ang hindi lamang mura kundi libre pa? Kung noon nakaraang isyu ay tinalakay ko ang minsang stressful na environment dito sa Tokyo, ngayon naman ay ipapakilala ko sa inyo ang mga lugar dito sa Tokyo na tiyak na mae-enjoy mo kasi wala kang dapat bayaran! Sabi nga nila, “the best things in life are for free!” May taas na 243 meters, ang Tocho ang isa ito sa pinakamataas na gusali sa Tokyo (kuha ni Arianne Dumayas)

1.Tokyo Metropolitan Government Building (東京都庁, Tokyo Tocho) Kung gusto mong makita ang Tokyo mula sa itaas ng hindi nagbabayad tulad ng sa Tokyo Tower (Y820) o sa Tokyo Sky Tree (Y2,060). Bukas ito ng 9:30 sa umaga hanggang 11 ng gabi kaya maaaring maenjoy ang view ng Mt. Fuji sa tanghali at Tokyo skyline sa gabi. Maaaring mabisita ang twin tower na building gamit ang Tocho-mae Station (Oedo Subway Line) o kaya naman ang JR Shinjuku Station na sampung minute lang ang layo. SIDETRIP:

Kung may oras na makapaglakad-lakad, subukan ring bisitahin ang LOVE na sign sa Shinjuku. Ang iskulturang ito ay sikat dahil hindi lamang ito makikita sa Tokyo kundi sa iba pang sikat na siyudad tulad ng New York, Valencia, at Singapore. (kuha ni Arianne Dumayas)

2. Life-size Gundam sa Odaiba Para sa mga anime fans, tiyak na papatok sa inyo ang dambuhalang gundam na nakatayo sa labas ng isang mall sa Odaiba. Bukod sa magandang pagkakagawa nito, isang atraksyon rin ang tila pagkabuhay nito pagdating ng gabi (19:30 at 20:30 ng weekdays at 19:30, 20:15 at 21:00 pag weekends). Sa 5-7 minuto na show, makikita ang paggalaw ng ibang parte ng robot, iba’t ibang pailaw na effects kasabay pa ang isang bidyo.

SIDETRIP:

Maaari ring bisitahin dito ang replica ng Statue of Liberty na kalapit lang ng mall kung saan nakatayo ang life-size Gundam. Gayundin, mae-enjoy sa Odaiba ang Rainbow bridge na makulay sa gabi. Kahit masyado pang maaga para sa Gundam show, hindi pa rin naiwasang mamangha ng inaanak kong si Chloe (kuha ni Carla Gaud)

4. Free Taste Sa karamihan ng mga supermarket at pasyalan sa Tokyo ay nagbibigay ng patikim para sa mga potensyal na mamimili. Pero kung ikaw ang taong nagtitipid para sa iba pang bagay kapag pumasyal ng Tokyo, papatok sa iyo ang mga free tastes sa kalsada at sa mga supermarket. Madalas ang mga free tastes kapag may nilalabas na bagong produkto o inumin. Kung makakatiming ka naman sa Starbucks, nagpapamigay rin sila ng libreng kape o cake paminsan-minsan.

Galing sa inuman at walang tulog, umidlip muna si Tokyo Boy habang nasa pila para mapanood ang tuna auction sa Tsukiji Fish Market (kuha ni Alvin Boongaling)

3. Tuna Auction sa Tsukiji Ang Tsukiji Market ang isa sa pinakamalaking palengke ng mga isda sa buong mundo. Bukod dito, kung kakayanin mong magising nang maaga (mga alas 3 ng madaling araw), maaaring isa ka sa 120 tao na maaaring makapanood ng tuna auction ng libre! Nakakamangha ang tuna auction na ito dahil ang mga tuna na minsan ay nagkakahalaga ng halos Y1M ay naibebenta sa loob lamang ng sampung segundo!

Si Tokyo Boy kasama ang kaibigan niyang si Alvin, dormmate nung college na bumisita mula Singapore kasama ng kanyang pamilya (kuha ni Alvin Boongaling)

Lalo na sa mga gutom kakapasyal, ang mga ganitong free taste ay tiyak na hindi mapapalampas! (kuha ni Carla Gaud)

Ang mga pasyalan at gawaing ito ay pinakamainam lalo na sa mga bumibisitang kaibigan at kamag-anak. Nakatulong ito nang bumisita ang dati kong dorm roommate at ang kanyang pamilya dito sa Tokyo gayundin sa isa kong kaibigan na kapwa estudyante ng kanya ring in-entertain ang mga bisita niya mula sa Europa at kapamilya mula sa Pilipinas. At kung totoo ngang magiging visa-free na ang Japan sa nalalapit na panahon, hindi lang visa-free Japan ang maaari mong maipagmalaki kundi lalo na ang Tokyo for free! Sanggunian: www.japan-guide.com www.wikipedia.com


9

May 2014

Daloy Kayumanggi

KONTRIBUSYON

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

EMOSIANS

Tel: 080-3472-1126 Instagram: EMOSIANS FB: Emosians Geolensjapan Issuu: issuu.com/emosians Blog: http://emosians.blogspot.jp/

Like Me on Facebook: EMOSIANS

PITONG PANGUNAHING

A

CHAKRA

ng Chakra ay salitang banal sa Sanskrit ng mga taga-India na ang ibig sabihin ay vortex o labasan ng enerhiya ng ating malay tao. Hindi ito pisikal na bahagi ng katawan pero ito ay dumadaloy na mga enerhiya sa kaloob-looban ng tao na kinakailangan komonekta sa labas ng kanyang ispiritwal at katawan. Bago ko ipagpapatuloy ang pagpapakilala sa uri ng chakra ay kinakailangan mo munang alamin kung anong chakra ang nagrerepresenta sa iyong pagkatao. Walang tama o mali sa mga katanungan na ito kinakailangan lamang maging tapat sa mga isasagot. Kulayan ang Puso sa iyong sagot at para malaman ang resulta ay i-total ang bilang ng sagot na “oo, hindi at pareho”.

Quiz #1

1. Komportable ka ba sa inyong katawan kaya madali mong malaman kung ikaw ay may sakit at kinakailangan mo ng magpatingin sa doktor? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2 . N a n i n iwa l a ka b a s a iyo n g p o t e n t i a l n a k a k aya h a n p a ra makamit ang iyong mga pangarap sa buhay at para sa iyong pamilya? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Kapag ginawa mo ba ang isang trabaho o project ay binubuhos mo ba ang lahat ng iyong enerhiya at pagmamahal s a i s a n g g awa i n a t d i m o i t o sinusukuan? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4. Alam mo kung saan ang direksyon ng iyong buhay kaya ginagawa mo ba ang lahat para mapabuti mo ang iyong sarili? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #2

Hindi Pareho

1. Wala ka bang karamdaman tulad ng asthma o mga allergies? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2. Malikhain ka ba at gusto mo laging original ka sa lahat ng bagay tulad ng pananamit? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3 . M ay t iwa l a k a b a s a iyo n g sarili at kakayahan? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4. Konnektado ka ba sa iyong sa ri l i kaya di ka nah i hi ra pan ihayag ang iyong saloobin? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #3

Hindi Pareho

1. Wala ka bang sakit sa iyong d i g e s t ive sys te m t u l a d u l c e r, food intolerance tulad ng gatas, iregular na pagdumi o diarrhea, b l o o d s u g a r d i s o rd e r s , s a k i t sa atay o di kaya food eating

disorder atbp.

Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2. Matalas ba ang iyong memorya at quick l earner ka ba? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Naniniwala ka ba na balanse ang iyong ego kaya kapag ikaw ay mali madali mo itong aminin at humingi ng tawad? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4. Naniniwala ka ba sa maykapal na lahat ng bagay ay naaayon sa kanyang kagustuhan? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #4

Hindi Pareho

1. Kapag nasa panganib o di kaya stressful na sitwasyon ka ang iyong paghinga ay nasa normal lamang at di nagbabago? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2. Madali ba sa iyo ang humindi sa isang tao? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Madalas ka ba madulas sa pagsasalita lalo na mga sekreto o di kaya naiinvolve ka ba sa pakikipagchismis? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4. Makapagbibigay ka bang sa isang tao at di umaasa ng anumang kapalit? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #5

Hindi Pareho

1. Lagi ka bang nauuhaw o d i kaya n a gka ka ro o n n g s o re throats, o pananakit sa iyong balikat at panga o di kaya kaya naman nahihirapan kang magsalita ng iyong opinyon? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2. Malinis at organisado ka b a s a iyo n g b a h ay, o p i s i n a o trabaho? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Kinokonsidera mo ba ang sarili mo na may mataas na katapatan sa iyong kaibigan at ni minsan di sya siniraan? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4 . L a g i ka b a n g n a g s a s a b i n g ka to to h a n a n a t ka i l a n m a n d i gumawa-gawa ng kwento? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #6

Hindi Pareho

1. Maaga ka bang nakakatulog at maagang nagigising? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2 . N a n i n iwa l a ka b a s a iyo n g intuwisyon at laging ginagawa itong basehan ng iyong aksyon? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Nakakakita ka ba ng ibang nilalang tulad ng duwende, multo, aswang etc?

Paraan para matotal ang iskor: B awa t s e ks iyo n s a i t a a s ay n a g re re p re s e n t a n g iyo n g chakra. Kapag ang sagot mo ay 4 na “oo” ibig sabihin ay bukas na bukas ang vortex ng ispesipikong chakra.

K a pa g 3 na ma n a ng “ oo” ay na nga nga hu l u ga n na b a ha gya lamang itong nakabukas at nagsisimula na sa kamalayan. Kapag 2 lamang ang “oo” nangangahulugan na pinipigilan mo buksan ng chakra sa iyong pagkatao.

Kapag 1 o zero naman ibig sabihin ay sarado ang vortex ng chakra na ito.

Ta n d a a n wa l a n g t a m a o m a l i s a ka s a g u t a n m o . I to n g pagsusulit na ito ay nagpapahiwatig na kinakailangan mong matutunan kung anong bahagi sa iyong chakra ang kailangan mong mapabuti sa maximum nitong potensyal upang maging balanse ang iyong kalusugan at pagkato. Isulat dito kung ilan ang sagot na “oo” sa bawat quiz: ___ Quiz #1:Ugat Chakra

___ Quiz #2: Sacral Chakra ___ Quiz #3: Pusod Chakra ___ Quiz #4: Puso Chakra

Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

___ Quiz #5: Lalamunan Chakra

Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Ayon sa paniniwala ay daan-daan ang dami ng chakra sa ating katawan pero meron lamang pitong pangunahing Chakra:

4. May malaki ka bang interes sa astrolohiya, palmistry, feng shui, tarot atbp? Total ng mga sumusunod Oo

Quiz #7

Hindi Pareho

1. Magaan ba ang iyong batok at di nakakaramdaman ng a n u m a n g p a n a n a k i t s a iyo n g leeg? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

2 . N a n i n iwa l a k a b a n a k aya mong gawin ang anumang bagay na nanaisin mo? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

3. Alam mo ba ang layunin mo bilang tao at kaya mong i s a k a t u p a r a n a n g iyo n g m g a pangarap? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

4. Balanse ang iyong kasarian bilang lalaki/babae? Oo♡ Hindi♡ Pareho♡

Total ng mga sumusunod Oo

Hindi Pareho

___ Quiz #6: Third Eye Chakra ___ Quiz #7: Korona Chakra

Ang “Korona” kung saan nasa itaas ng ating ulo na parang ko ro n a , a n g “ T h i rd eye ” n a n a s a g i t n a n g b a h a g i n g a t i n g mga mata, ang “Lalamunan” ay nasa gitnang bahagi ng ating l a l a m u n a n , a n g “ P u s o” n a s a g i t n a n g b a h a g i n g a t i n g m ga dibdib, ang “Pusod” ay nasa ating mga pusod, ang “Sacral” nasa maselan na parte ng ating katawan at ang “Ugat” nasa pinakaibabang parte ng ating gulugod. Ang tao ay may kakayahang mangolekta ng maraming uri ng enerhiya mula sa ating katawan. Ang bawat pangunahing chakra ay konektado sa ating pisikal, emosyonal, mental at ispiritwal na kung saan din nakakaapekto sa ating bahagi ng pisikal na katawan na kung saan ay nakatakda dito ang bawat sistema ng ating laman loob o glandula. Kaakibat nito ang responsibilidad din sa ating katauhan na kinakailangan na maging balanse upang tayo ay mamuhay ng may kaligayahan at kapayapaan. Nandirito ang mga resulta sa quiz. Tandaan alin man sa ito ay nauugnay sa iyo hindi ispesipiko na ikaw lahat ang tinutukoy.


10 May 2014

Quiz #7: VIOLET/PURPLE ang KORONA Ang Korona ay nauugnay sa iyong espirituwal na kamalayan o karunungan at klarong pag-iisip na may tamang kaliwanagan sa bawat desisyon na iyong ginagawa . Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong Korona na Chakra - pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay - may mataas na emotional intelligence - may paninindigan - may magandang relasyon sa may itaas - organisado sa paggamit ng oras Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Korona na Chakra - walang pakialaman sa kapwa, sarili lamang ang inuuna - may superiority complex o sa tagalog kayabangan o kahambugan - d i l u b o s n a g t i t iwa l a s a i t a a s k aya madalas magkamali ng desisyon - laging nagsasayang ng oras Quiz #6: INDIGO ang THIRD EYE Ang Third eye na chakra ay n a g s i s i m b o l o s a re s p o n s i b i l i d a d m o s a iyo n g s a r i l i n a p a g g a m i t ayo n s a iyong intuwisyon. Bawat nilalang ay p i n a g k a l o o b a n n i t o p e ro k a k a n t i lamang ang naniniwala sa kanila sariling pakiramdam. Sa standard na paggamit ang ilan ay merong mataas na uri ng sentidong kumon kaya sila ang mga uri ng tao na hindi naloloko. At ang ilan naman ay mga taong biniyayaan makakita ng ibang mundo o ibang uri ng nilalang. Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong Third Eye Chakra - madaling makaunawa ng sitwasyon at di basta basta nagpapadala sa bugso ng damdamin. - may mataas na katapatan sa p a r t n e r, p a m i l y a , k a i b i g a n o pinagtatatrabahuhan. - may klaso na pag-iisip kaya madaling malaman ang taong nagsisinungaling. - lagi ginagamit ang sentido kumon bago pumasok sa isang bagay. - may kakayahan na makakita, makaramdam ng ibang uri ng nilalang. Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Third eye na Chakra - nahihirapan mapansin ang kanilang intuwisyon kaya kadalasan naloloko. - laging naabuso ng kanilang pamilya, partner, kaibigan o kasama sa trabaho. - makitid ang utak kaya kadalasan gusto gawin ang bagay sa tingin nila ay tama - sila ang mga taong nabubuhay lamang sa nakaraan at kasalukuyan at di nagiisip ng kinabukasan. Quiz #5: BLUE ang Lalamunan Ang lalamunan na chakra ay sumisimbolo sa kagaling sa pagsasalita, kommunikasyon, at abilidad sa pakikipagtalastasan kadalasan sa ganitong uri ng chakra ay nasa larangan ng sales, negosyo o anumang service related na trabaho. Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong lalamunan na Chakra - Pinanatiling nasa magalang at kalmadong pananalita - m a r u n o n g m a k i n i g s a s u h e s yo n a t opinyo ng iba - n a p a ka c o nv i n c i n g kaya ka d a l a s a n napapa-oo ang nakakausap - madali nyang ichannel ang kanyang saloobin sa kanyang pananalita

Daloy Kayumanggi

KONTRIBUSYON Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong lalamunan na Chakra - n a k a k a s a n aya n n a a n g pagsisinungaling - nahihirapan i-express ang nararamdaman - may klase na enerhiya kaya kadalasan ay kinaiinisan - malamig ang pakikitungo sa kapwa at laging walang gana kausap Quiz #4: GREEN ang puso Ang Puso na chakra ay pinakaimportanteng bahagi ng katawan ng tao kaya kinakailangan maibalanse n i to a n g p a g m a m a h a l s a s a r i l i a t s a kapwa. Gayundin ang pagkakaroon ng ka p aya p a a n n g i s i p s a p a m a m a g i t a n ng mataas na moralidad at malinis na konsensya. Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong Puso na Chakra - pagkakaroon ng simpatiya sa kapwa tao at malinis na hangarin - nakakatulog ng mahimbing - nakakadama ng totoong kaligayahan hindi sa materyal na bagay - marunong magtimbang ng tama o mali Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Puso na Chakra - lagi gusto ang pag-iisa kaya natatakot makipagkaibigan dahil ayaw masaktan o mapuna - n a ka ka ra m d a m n g i n g g i t o d i kaya hindi masaya sa kasalukuyang estado sa buhay - laging nasa mataas na level ng emosyon tulad ng galit , depression o kalungkutan - laging ubos ubos magmahal kaya nakakalimutan ang pagmamahal sa sarili Quiz #3: YELLO ang Pusod Ang pusod na chakra ay sumisimbolo sa ating enerhiya at kahalagahan ng lubos na pagtitiwala sa sariling kakayahan. Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong Pusod na Chakra - lubos na tiwala sa sarili di alintanan ang pisikal na anyo - mabilis kumilos, laging energitic at listo - optimista kaya di nagpapatalo sa pagsubok ng buhay - laging masayahin at nakangiti Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Pusod na Chakra - m ay m a t a a s n a l eve l n g i n fe r i o r i t y complex - masyadong analikal sa pagbubusisi ng desisyon kaya kadalasan ay sumusuko - laging may komento at nang-uuyam - laging nasa kasidlaran kung saan di nakakakita ng pag-asa sa buhay Quiz #2: ORANGE and Sacral Ang Sacral na chakra ay pinakasensitibong bahagi ng ating katauhan na kung saan ang nirerepresenta nito ay mga interest ng ating mithiin kung saan kumukonekta ito sa ating kaligayahan. Positibong Aspeto kapag bukas ang vortex ang iyong Sacral Chakra - malakas ang dating gayundin ang sex appeal - laging passionate sa kanyang ginagawa o trabaho o di kaya naman romantiko - may malusog na relasyon sa partner at sa pamilya

"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

- magaling sa sekswal na aspeto kaya nasisiyahan ang partner Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Sacral na Chakra - sobrang madalas mag-isip ng kalaswaan - nakukulangan ang partner sa usapin sekswal - kontrolado kaya madalas maghinala sa partner - di nag-aayos kaya nakatago ang natural na sex appeal Quiz #1: RED ang Ugat Ang Ugat na chakra ay kumukunekta sa atin sa mundo na kung saan naroroon ang pundasyon ng iyong pakikipagkapwa tao, sa iyong sarili, sa materyal na bagay lalo na ang pera o karera sa trabaho. Po s i t i b o n g A s p e t o k a p a g b u k a s a n g vortex ang iyong Crown Chakra

- panatag ang loob o may kasiguruhan - k a g i t i n g a n m a m u m u g ku g t a n i ku n g saka-sakali ay malalagay ang mahal sa buhay sa panganib - nasa tamang paggamit ng pera kaya di nahihirapan kumita ng pera - pioneering Negatibong aspeto kapag sarado ang vortex ng iyong Ugat na Chakra - insecure sa palagid kaya laging agresibo - laging nahihirapan sa pagmamanage ng pera kaya laging naglulustay ng pera sa maling paggamit - laging palipat-lipat ng bahay o di kaya trabaho - m a p i l i m a s ya d o s a p a k i k i s a m a h a n kaya kadalasan nag-iisa Para lubos maintindihan ang chakra ay tingnan ang chart na ito:

URGENT HIRING!

WANTED FILIPINA ~ FILIPINO

R.O CORPORATION DRY CLEANING

Hamura. Hakonegasaki Station 1Hour TIME: 8:00 ~ 17:00, 9:00 ~ 17:00

900

Monday to Saturday

PLACE: Musashi Sunagawa Station Time: 8:00 - 17:00 Compo, Kumitate, Kenga, Mishin Overtime - Kailangan

1Hour GIRL

1Hour BOY

900 1000

PLACE: Sayama Shi (Cleaning) Time: 8:00 ~ 17:00 GIRL

1Hour

900

1Hour

BOY

900

Can Speak Japanese, Tagalog, English LOOK FOR

MORITA

080-6500-1819


Daloy Kayumanggi

Personal Tips

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Ito ang paraan para ma-energize ang iyong Chakra

S a a ra w - a ra w ay i b a i b a n g p a ra a n natin nagagamit ang chakra hindi natin batid kung paano talaga ito ibalanse. Napakahalaga ibalanse ang iyong chakra dahil malaki ang tungkulin nito sa ating katawan at katauhan. Ito ang listahan ng mga proseso: 1. Pagkontrol sa iyong iniisip at nararamdaman sa kasalukuyan: Ang isip ng tao ay nasa anyo ng e n e r h iya n a p i n a t u n aya n n g s e n sya n a kaya nitong kontrolin ang anumang bagay sa mundo. Ayun sa libro ni Dr. Masaru Emoto na Message from the water ay napaka-makapangyarihan ang isip ng tao kaya kahit ang tubig ay nakakadama nito. S ginawa niyang expirement kumuha siya n g p a n g k a ra n iwa n g t u b i g s a S h i m a n t o river bawat isa ay nilagyan niya ng mensahe tulad ng mahal kita, salamat, gayundin ang kasalungat nitong mga masasamang salita tulad ng tanga, walang kwenta atbp. At pagkatapos ay nilagay sa pinakamamabang temperatura. Lumabas ang istraktura ng bawat expiremento niya ang mga magagandang salita sa tubig ay namuo nang magagandang disenyo samantala ang mga masasamang salita sa tubig ay bumuo ng yelo na napakapanget. Isipin mo lamang na ang iyong katawan ay b i n u b u o n g 6 0 % t u b i g k aya a n o n a lamang ginagawa mong kapahamakan

s a ka t awa n m o t uw i n g m a g - i i s i p ka n g kalungkutan, galit, pagkadismaya sa sarili. Kinakailangan mong kontrolin ang iyong emosyon kapag nakakadama ka ng kalungkutan at mag-isip ka ng bagay na magpapasaya sayo o kaya kapag ikaw ay nasa bugso ng galit ay mag-isip ng gawain u p a n g m a b a l i n g a n g iy o n a t e n s y o n s a ibang bagay. 2. Ang sikat ng Araw Ang araw ay pinakaimportante ng uri ng enerhiya na natatanggap ng tao dahil sa araw ang lahat ng nilalang sa mundo ay nabubuhay kaya kinakailangan ay b i g ya n a n g o ra s m a gl a ka d a t m a i n i t a n . Kahit sinong ina alam ang bagay na ito kaya napakaimportante na ang kanilang sanggol ay mainitan tuwing umaga upang maging malusog ito. Sinasuggest ko rin na palitan ng kulay dilaw ang ilaw sa bahay dahil nagbibigay klaridad sa isipan ang kulay na ito. 3. Ang Pagkain Natatanggap ng mga gulay at hayop ang enerhiya sa araw kaya kinakailangan ng katawan natin kumain ng mga pagkain na taglay sa pitong chakra. Ang bawat chakra ay may kaukulang mga kulay: Violet (Korona) na meroong phytochemicals tulad ng anthocyanins at phenolics na nakakatulong upang umiwas s a s a k i t n g c a n c e r, n a k a k a p a b u t i s a memorya at nakakapabagal ng pagtanda a n g m ga h a l i m b awa n i to ay, v i o l e t a n a kulay ng repolyo, talong, sibuyas na kulay violet, atbp. Indigo (Third eye) na meroong antioxidant para linisin ang dumi o kemikals sa ating katawan tulad halimbawa dito ay acai, blueberry, ube, ubas, prunes atbp. Blue (Lalamunan) na mayroong omega3 fatty acid nakakatulong sa tamang pagdaloy ng dugo ng ating puso halimbawa dito ay Tuna, Sardines, Mackerel atbp.

Green (Puso) na mayroong chlorophyll, fiber, lutein, folate, bitamina C atbp. Na nakakatulong para gumaan at maging malusog ang ating katawan tulad ng sitaw, repolyo, kangkong, avocado, monggo atbp. Ye l l o w ( P u s o d ) n a m a y r o o n g b e t a cryptothanxin, carotenoids, at zeaxanthin na tumutulong upang gumawa ng bagong cellula sa ating katawan, proteksyon sa heart disease, gayin ang katarata sa mata at mga kalamnan. Orange (Sacral) na mayroong beta-carotene, vitamin c, lycopene, at potassium na nakakatulong para magpapababa ng kolesterol, nakakabata din dahil nagagawa ito collagen at panlaban sa free radicals halimbawa dito ay kalabasa, carrots, mikan, kahel atbp. Red (Ugat) na mayroong lycopene, ellagic acid, quercetin, iron at hesperidin na nakakatulong magpapaba ng blood pressure, mabisang enerhiya ng katawan halimbawa rito karne ng baka, kamatis, r e d p e p p e r, c h e r r i e s , c r a n b e r r i e s , strawberry atbp 3. Meditasyon at Biswalisasyon Napakahalaga na kailangan magpahinga ang utak ng tao. Kailangan magbigay siya ng oras upang klaruhin ang kanyang isipan sa problema at ang pinaka-mabisa rito ay ang pagyoyoga maari din naman ang pakikinig sa musika at paghinga ng malalim. Nakakatulong ito upang mabuksan ang daluyan ng chakra. 4. Powerstones o metal tulad ng ginto, p i l a k d a h i l i t o a y n a g m u l a s a ya m a n g lupa tulad ng mga bato na nabuo mula sa bulkan o di kaya mga metal na galing sa kalaliman ng mundo. Nagbibigay ito ng koneksyon ng kapangyarihan sa tao upang sya ang maging matalas, magkaroon ng tiwala sa sarili at makadama ng kaligayahan. 5. Paglalagay sa mukha o pagliligo sa bath tub (ofuro) na may kulay galing

Travel Tips sa mga Budget Travelers

A

ng mga sumusunod ay ilan sa mga simple at • Mag-aya ng kaibigan o kasama. Kapag grupo ay mas mahahalagang payo hinggil sa pagbabakasyon, mura ang kinakailangang gastusin dahil meron kang lalo na kung ikaw ay isang budget traveler, nagka-share, lalo na sa mga tutuluyan at nirerentahan na nanais na makapunta sa iba’t ibang lugar, makatikim ng mga sasakyan na hindi mo kinakailangang bayaran iba’t bang kultura at makakilala ng iba’t ibang tao: nang mag isa. • Bago magbook ng flight, ng hotel o ng vacation package, itsek kung alin ang pinakamura at sulit sa bulsa. Minsan ay mas nakakatipid bumili ng air tickets kapag direkta sa airline company kumpara sa travel agencies. • Maging mapanuri sa mga nababasa. Kadalasan kapag naghanap sa Internet ng mga matutuluyan o mapupuntahan, hindi maiiwasang lumabas ang mga leybel tulad ng “top picks.” Hindi ito kinakailangang agad paniwalaan, madalas ay mayroong mas maganda pa at mura. Magbasa ng review kung maaari.

Cambodia: Magandang Summer Tourist Destination sa Asya

S

11 May 2014

ummer sa Cambodia mula April hanggang May, kaya ito rin ang magandang panahon para pasyalan ang kanilang mga dagat at i-enjoy ang mga outdoor activities dito. Ilan sa mga kilalang lugar dito na may beaches ay ang Kep, Sihanoukville, at Koh Kong. Ang Kep Beach, may habang 1000 meters, ay kilalalang seaside resort na sinasabing sumisikat ang araw sa loob ng 12 buwan. Hindi tulad ng Sihanoukville, itim ang buhangin dito. Maaaring lumangoy, mag sightseeing at magpicnic ang mga turista dito. Sa Sihanoukville naman, bukod sa maraming beaches dito tulad ng Ocheteaul Beach, Victory Beach, Serendipity Beach at iba pa, matatagpuan din dito ang maraming seafood restaurants, bars, Buddhist Temples, at casinos. Samantala, ang Koh Kong naman ay isa sa pinakamagandang beach sa Southeast Asia. Walang accommodations dito dahil ipinagbabawal manatili sa gabi pero

pwedeng pasyalan sa umaga. Meron ditong mga isla, bundok, kagubatan, zoo, waterfalls, at casino. I-explore ang Asya. Pasyalan ang Cambodia!

sa halaman, prutas, inumin atbp siguro pamilyar na kayo sa mga artista na hinahalo sa kanilang bath tub ang mga ito. Halimbawa na lamang si Vilma Santos n a k a s a m a s a k a nya n g b e a u t y r o u t i n e ang paglagay sa mukha ng honey at milk kaya mapapansin ninyo na hanggang sa ngayon nagmumukha siyang bata hindi niya alintana ay nakakatulong din ito sa pagbabalanse ng kanyang chakra. 6. Aromatherapy dahil ang mga essential o i l s ay n a n g g a g a l i n g s a p u ro n g k a t a s ng halaman o bulaklak. Ang bawat oil ay may kulay ayon sa kanilang bisa upang makagamot ng anumang sakit sa balat , stress, nakakabata atbp. 7. Musika dahil ang musika ay sining a t a n g b a w a t n o t a n i t o a y n a a a yo n s a m g a ku l ay s a c h a k ra c h a r t . A n g b awa t tugtog ay kaya tayong tapikin ng uri ng damdamin at alala. 8 . Tu n o g n a n a g m u m u l a s a a t i n g m g a tinig ay nagbibigay ng vibration na rumiresponde sa ating katawan kaya kinakailangan din pag-aral ang tamang tono sa pakikipag-usap o di kaya malayang pagkanta. 9. Solarized Water ito ay klase ng tubig n a i n i l a gay s a b a s o a t p a n s a m a n t a l a n g binilad sa araw upang maglagyan ng enerhiya ang pag-inom nito ay nakakaklaro ng ating ispiritwal na kalagayan. 1 0 . M ga ku l ay s a b a h ay, s a p a n a n a m i t , g a m i t a t b p . Ay m a l a k i n g g a m p a n i n s a a t i n g c h a k ra d a h i l a n g m g a i t o ay t i l a magneto na binubuksan ang daluyan ng enerhiya. SOURCES http://www.healer.ch/Chakras-e.html h t t p : / / p ro j e c t i n n e r p e a c e . o r g / w p - c o n te n t / u p l o a d s / 2 0 1 1 / 1 0 / Chakra-Chart2.jpg h t t p : / / w w w. w a l l s a v e . c o m / w a l l p a p e r s / 7 6 4 8 x 3 2 0 0 / chakras/872845/chakras-ai-adobe-illustrator-svg-vector-872845. jpg http://www.crystalsrocksandgems.com/images/ChakraMan.gif http://threeheartscompany.com/chakra.html http://sacredcenters.com/history-of-the-chakra-system/ http://chakraenergy.com/ http://www.crystalspringshealing.com/holistic-healing-chakrahealing.htm Dr. Emoto Masaru Message from the water

Bali, Indonesia: Magandang Pasyalan Ngayong Mayo

I

sa ang Bali, Indonesia sa magagandang puntahan ngayong Mayo sa Asya dahil hindi gaanong maulan dito. Mababa rin ang mga hotel rates kung kaya’t ang tatlong araw na pag-stay dito ay sapat na para manamnam mo ang kanilang mayaman na kultura pati ang kanilang mga dagat na sikat na sikat sa buong mundo. Kung sa Pilipinas ay Boracay ang finest tourist destination, sa Indonesia ay Bali naman. Heto ang ilan sa mga magagandang pasyalan sa Bali: ● Kuta Beach -- Sikat na ito simula pa noong 1970s; maraming magaganda at eleganteng mga resort, restaurant at club sa paligid nito. ● Jimbaran Bay -- Kilala ito dahil sa mga seafood restaurants. ● Devdan Show -- Isang dance performance na sumasalamin sa kultura ng Indonesia. ● Monkey Forest -- Isa itong kakaibang lugar-sambahan na napapalibutan ng mga templo. ● Puri Saren Palace -- Dito nagsimula ang mahabang tradisyon ng pananatili sa bahay ng mga taga-Ubud. ● Gunung Kawi -- Isang templo na napapalibutan ng mga libingan. ● Pura Saraswati -- Maliit na templo na kilala dahil napapalibutan ito ng mga lotus. ● Bali Provincial State Museum -- Lugar sa Bali kung saan mas malaliman mong makilala ang kultura at kasaysayan ng mga tao rito. Pasyal na sa Bali, Ka-Daloy!


12

Ads

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ads

13


14 April 2014

Global Filipino

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino


15

May 2014

Daloy Kayumanggi

Travel

"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino

Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

INARI: the mountain of torii gates

L

iving in a place with short access to Kyoto is such a great thing. There is always something you haven’t seen or done yet in Kyoto, with its myriad cultural events and loads of amazing historical and religious sights and beautiful sceneries. With a family like mine who is always out and looking for a new adventure but runs on a tight budget, Kyoto is just a train ride away. This brought us on an impulsive trip to the famous Fushimi Inari Taisha, a very important Shinto shrine which sits on a base of a mountain. There are thousands of shrines dedicated to Inari, all over Japan. Inari Okami is primarily the god of rice, however, also venerated as the patron of merchants and businesses. This begs me to ask the question, could “okami” mea-ning fox, which is an animal described to be cunning and shrewd might be the reason this god is related to business? The shrine is popular with its mountain trails lined up with thousands of torii gates. Just when you thought shrines and temples in Japan are starting to look all the same, then you are in for an orangefilled surprise at Inari Mountain. The

amazing mountain hike is lined up with torii gates donated by businesses ranging from small size torii for around 200,000 yen to a large one for more than a million yen. You can reach the top of the mountain on a 2-hour climb. My family did a slow hike with two short snack breaks and another for lunch. We ate our bento and had some ice cream after an hour of ascent to Yotsutsuji intersection, which offers a nice view of the city down below. The main shrine at the base of the mountain was grand and very beautiful. The trails up the mountain were dotted with smaller and ornate shrines, some of which I would even say felt kind of cozy. The place is also famous for grilled “suzume”, those sparrows which looks like a larger version of our Philippine “maya”. But some stalls I noticed are grilling quail rather than sparrows. Of course, inari sushi is dish known here, but it pretty much tastes the same anywhere else in Japan. Fushimi Inari can be reached directly through JR Line and a very short walk using the Kintetsu railway.


16 May 2014

BUHAY GAIJIN ni Pido Tatlonghari Mobile: 090-9103-8719 Email: buhaygaijin@gmail.com

GININTUANG ARAL MULA KAY CHINKEE TAN

N

Daloy Kayumanggi

Komunidad

oong nakaraang March 22, 2014, sa loob ng isang kuwarto sa isang gusali sa Shibuya, humigit kumulang na isang daang Pinoy ang sama-samang nakinig kay Mr. Chinkee Tan, isang kilalang wealth and life coach, at personal finance guru sa Pilipinas. Ang mabigyan ng pagkakataong makasama si Mr. Chink Positive ng ilang oras upang sumaya at matututo ay tunay namang isang malaking oportunidad. Maraming salamat sa Alveo, isang kumpanya ng Ayala Land sa pagtitiwala sa Buhay Gaijin upang mabuo ang seminar na ito upang makapagbigay ng pagkakataon para sa mga Pilipinong nagnanais na matuto ng mga pangunahing prinsipyo sa personal finance at investment. Maraming salamat din sa aking Daloy Kayumanggi family sa pagpopromote nitong event at gayundin sa Western Union bilang isa sa mga hayagang sumuporta sa event na ito. Bakit nga ba sinikap nating buuin ang seminar na ito? Hindi lingid sa atin na marami sa ating mga OFW ang kulang ang kakayahan upang mahawakan nang lubos ang ating pansariling yaman at kakayahang kumita. Marami sa atin ang nabigyan ng pagkakataong kumikita ng malaki. Ngunit dahil hindi sapat ang ating kaalaman, marami ang umuuwing halos walang naipon. Minsan pa nga, ang iba ay nabibiktima ng ibatibang scams o kaya naman ay nagkakaroon ng napakalaking utang dahil walang ginawang paghahanda o pagpaplano sa perang kinikita sa pagtatrabaho. Hindi dapat ganito ang kuwento ng buhay nating mga OFW kundi isang kwento ng pagsusumikap, pananalig at tagumpay. Kung kaya’t, sa tulong ng iba pa na pareho ang nais, sinikap ng Buhay Gaijin na mabuo ang event na ito. At sa hinaharap, sisikapin din natin na patuloy na makapag-organisa ng iba pang mga learning events na makakatulong sa ating mga OFW dito sa Japan. Sa aking pag-oorganisa nitong nasabing pagtitipon, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang ilan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng tawag, e-mail o text. Halos ang lahat ay tuwang-tuwa na malaman na may ganitong pagtitipong binubuo. May ilan na kahit malayo ay nagsabing pipiliting makapunta. Sa loob lamang ng dalawang lingo, halos 50 katao kaagad ang nagparehistro. Nakakatuwang isipin na marami sa atin ang gustong matuto, may gustong gawin, kahit na maliit na hakbang lamang upang masimulan ang tamang paghawak sa biyayang ibinigay sa ating makapagtrabaho at kumita sa labas ng Pilipinas. Ano nga ba ang buod ng nasabing seminar ni Mr. Chinkee Tan? Isang bahagi nito ay umikot sa tinatawag na “Quadrant of Money Making” na hango mula sa isinulat ni Robert Kiyosaki, ang awtor ng Rich Dad Poor Dad na libro. Ayon sa conceptual tool na ito, mayroong apat na paraan upang ang isang tao ay ma-maximize ang kakayahang kumita. Nahahati sa gitna ng dalawang magkakrus na linya, ang apat na quadrant na ito ay ang sumusunod:

• E: Employee • S: Self-employed or Small business owner • B: Business owner • I: Investor

Ang apat na ito ay ipinaliwanag ni Chinkee sa pamamagitan ng pagkukuwento sa kung ano ang pinagdaan ng kanyang personal accountant. Nagsimula sa quadrant E, ang kanyang accountant ay nagtrabaho para sa isang malaking accounting firm sa Pilipinas. Dahil sa suwelduhan, kahit anong sikap nito, ang kanyang kita ay base sa kung ano ang kanyang buwanang sahod. Napansin ng kanyang accountant na mas maaari siyang kumita ng mas malaki kung siya ay magso-solo o magtatayo ng kanyang sariling negosyo. Mas makakakuha siya ng mas maraming kliyente dahil hawak na niya ang kanyang oras. Higit sa lahat, ang kita ay sa kanya na napupunta at hindi lamang kung ano ang kanyang buwanang sweldo. Ito ngayon ay ang tinatawag na quadrant S. Siyempre, may kaakibat na risk ito dahil ang lahat ngayon ay nakabase sa nasabing accountant. Ngunit, pagdating sa pagbabayad ng buwis, may dagdag na benepisyo ang quadrant na ito dahil nilalapatan lamang ng buwis ang matitira sa neto ng kita at gastos ng kanyang sariling negosyo. Dahil may hangganan ang oras niya sa bawat araw, may hangganan din ang kanyang kakayahang kumita. At sa pagdami ng kanyang kliyente, kinailangan niya nang tumanggap ng sarili niyang empleyado. Pumapasok na ito ngayon sa quadrant B, ang pagkakaroon ng sariling negosyo. May mga tao na ngayon ang nagtatrabaho para sa kanya, hindi lamang nadodoble kundi higit na napapalaki ni to ang kakayahan g kumita n g n as abin g accountant dahil hindi na lamang nakasalalay sa kanyang sariling oras at kakayahan ang pagkita. At kahit na hindi siya direktang gumawa ng libro ng mga kliyente, magbakasyon man siya ng ilang buwan, kikita at kikita ang negosyo dahil may mga taong nagtatrabaho para sa kanya. Subalit sa lahat ng mga naunang quadrant, ang lahat ng kita ay nakasalalay sa kakayahan ng accountant upang kumita. Ang pang-apat ay ang tinatawag na quadrant I kung saan, hindi ang oras o kakayahan ang ginagamit natin upang kumita ng pera kundi ang pera natin mismo ang magtatrabaho para sa atin upang kumita tayo. Paano ito? Malaking bahagi ng yaman ng mayayaman ay dahil dito. Inilalagay nila ang kanilang pera sa mga financial instruments, gaya ng bonds at mutual funds, real estate, at stocks upang kumita ng pera. At dahil mas malaki ang pagkakataong kumita ng mas malaki dito, mas malaki din ang kalakip na risk nito. Kung kaya’t kailangan ding pag-aralan ng mabuti ang pagsabak sa quadrant I. Ayon kay Chinkee, ang kailangan nating pagsikapan ay ang palaguin ang ating kita mula sa quadrant E hanggang sa umabot sa mas higit na mas malaki ang kinikita natin sa quadrant I. Kakayanin ito sa pamamagitan ng pinaghalong sikap at disiplina sa paghawak ng ating kita. Ito ang quadrant na kailangan nating pagsikapang maabot dahil ito ang magbibigay sa atin ng kakayahang kumita ng malaki at magpapalaya sa oras natin para sa iba pang mga bagay na mas importante sa buhay. Para sa akin, maliban sa apat na quadrant na nabanggit, ang mga sumunod na leksyon ang tunay naman na tumatak sa aking isipan: “Success is not an option, it is a decision” Ayon kay Chinkee, wala naman siguro sa atin ang nangangarap maging mahirap. Subalit, marami din naman sa atin ang gustong yumaman pero hanggang sa isip lamang ito. Ayon sa kanya, nagsisimula ang lahat sa pagbabago ng ating mindset. May mga pag-uugali tayo sa paghawak

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

ng pera na kailangang mabago. Gusto nating yumaman, pero kadalasan ang pinag-iisipan natin nang husto ay kung anong bagong gadget na kailangang bilhin, bakasyong kailangang gawin o party na kailangang isagawa. Kung gusto nating yumaman, kailangan nating ilaan ang ating enerhiya sa pag-aaral kung paano ito gagawin, sa pagbabago ng ating pagtingin sa pera, at higit sa lahat, sa pagsasagawa ng mga hakbang tungo dito. “Before I can spend, I need to save.” Noong narinig ko ito, nasabi ko sa sarili ko na “it made perfect sense!’ Kadalasan, ang desisyon natin sa paggastos ay nakakonekta sa ating kita at hindi sa kung ano na ang ating naitabi. Kung susundin natin ang payo na ito ni Chinkee, malamang marami sa atin ang magdadalawang isip sa pagbili ng kung anu-ano. Kalimitan ay wala tayong naitabi, utang ang ginagamit natin sa pagbili ng mga bagay-bagay, gamit ang ating credit card. Kung kaya’t imbes na makaipon, nagastos na natin ang ating susunod na sweldo bago pa man dumating ito. At ayon din sa kanya, kailangan nating unahin ang pagtatabi o pagbabayad sa ating sarili, bago ang paggasta ng pera. Kung ano ang matitira matapos ibawas ang iyong savings, iyon lamang ang dapat gastusin. “Big mindset plus big action leads to big result.” Hindi tayo maaaring umaasa na magkakaroon nga malaking pagbabago sa ating buhay pinansyal kung wala naman tayong ginagawang malaking pagbabago sa ating mga kinasanayang gawin. Nagbigay sya ng halimbawa kung saan kahit malaki na ang kanyang kinikita, hindi nya hinayaang mabago nito ang kanyang lifestyle. Halimbawa, minsan-minsan ay kumakain pa din sila ng pamilya niya sa fastfood na kung tutuusin ay kayang-kaya nilang magbayad sa isang mamahaling restawran. Ang punto dito ni Chinkee, kung nais nating may mabago sa atin, kailangang sabayan natin ito ng kaukulang aksyon at pag-iisip. Ang lahat ng mga naibahagi ni Chinkee ay praktikal at tunay namang nakakatulong para sa gaya nating mga nagtatrabaho at naninirahan dito sa Japan. Kung kaya’t minarapat kung tanungin ang ilan sa mga dumalo sa nasabing event tungkol sa kanilang mga natutunan at mga hakbang na gusto nilang gawin ukol dito. Ayon kay Miko Nacino, isang masteral degree student sa University of Tokyo, ilan sa kanyang mga natutunan ay ang importansya ng pagdiversify ng pinagkukuhanan ng kita at ang paginvest lamang ng isang tao sa isang financial instrument na kabisado niya o may sapat siyang

kaalaman. At para sa kanyang susunod na hakbang, nagsasagawa siya ng listahan ng mga gastusin na puwedeng bawasan o iwasan at pagaaralan ang mga financial instrument na maaari nyang pasukin. Ayon naman kay Gina Matsuzaki, nagtatrabaho bilang isang assistant language teacher, maybahay at kasal ng 22 taon sa isang hapon, nabiyayaan ng tatlong magagandang anak na babae, nagsilbing isang eye-opener ang seminar ni Chinkee. Nagkaroon siya ng pagkakataong malaman ang ibat-ibang paraan ng paghawak sa ating personal finances. At maliban sa tradisyonal at nakasanayang paglalagay ng pera sa bangko, nabigyan din siya ng inspirasyon upang gumawa ng negosyo sa mga bagay na ang isang tao ay passionate at pagi-invest sa real estate. Higit sa lahat, tumatak din sa kanya ang importansya ng pagbabahagi sa iba ng kung ano mang biyayang iyong matatanggap. Para kay Gringo Bangayan, nagtatrabaho bilang engineer at kasalukuyang naninirahan sa Kanagawa kasama ang kanyang magandang maybahay at isang anak, nakaka-relate siya sa pinagdaan ni Chinkee. At naniniwala siya na tama at tunay namang epektibo ang mga ibinahagi ni Chinkee sa tamang paghawak ng pera. At para sa kanya, ang pinakamahalagang natutunan niya ay ang layunin ng pagkita ng pera, na ito ay dapat upang mapadali ang ating buhay hindi upang gawin itong mas kumplikado. At kung alam natin ito, mas magiging madali ang pagtahak sa tamang direksyon ukol sa personal finance at pagbahagi ng kaalamang ito sa iba. At ayon kay Jason Conde, isang web designer at professional photographer/director dito sa Japan, natutunan niya ang pagiging positibo at ang tamang pag-manage ng kanyang kita. Marami sa kanyang narinig ay kanya nang ginagawa. Malaking tulong ang mga naibigay na halimbawa ni Chinkee sa kung papaano niya maisasagawa ang mga bagay na kanyang itunuro sa kanyang buhay. At sa ngayon, nais ni Jason na mas palakihin ang kanyang negosyo dito sa Japan, i-apply ang kanyang natutunan sa apat na paraan ng paggawa ng kita, upang lalo pa niyang mapayabong at maalagaan ito. Tandaan, ang lahat ay nagsisimula sa ating desisyong baguhin ang ating pinansyal na kundisyon. Kaya natin ito kung sasamahan natin ng sikap, tiyaga, disiplina at higit sa lahat, dasal at pananalig sa Diyos upang gabayan ang ating mga hakbang. Hanggang sa muli!

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Presents

ONE VOICE CONCERT

Venue: Komatsu Civic Hall, # 132-0035 Tokyoto Edogawaku Hirai 4-1-1 Station : Hirai Station ( JR Chuo Sobu Line ) Date : May 18, 2014 Time : 2:00 - 6:00 pm Produced by MAKI Inc. in cooperation with the PDRC Group headed by President Marichu Ihara . In cooperation with Western Union, Family Mart and DSK.


Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

17 May 2014

Komunidad

Mr. Chinkee "Chink Positive" Tan March 22, 2014

PAG CHARITY EVENT March 22, 2014

BALIK TANAW TODO HATAW

“Ang NTT Card at Daloy Kayumanggi ay nag-su-sponsor ng mga events kagaya nito (Church event, charity, birthday party, group party, etc.) para sa mga Pilipino na nasa Japan. Para sa detalye, tumawag lang sa 090-6025-6962 at hanapin si Erwin Brunio”


18 May 2014

Global Filipino

EYE CANDY

Peter Parker runs the gauntlet as the mysterious company Oscorp sends up a slew of supervillains against him, impacting on his life.

Jagger Aziz Tel: 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com Email: jaggeraziz@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com

After a bad blind date, a man and woman find themselves stuck together at a resort for families, where their attraction grows as their respective kids benefit from the burgeoning relationship.

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

The Amazing Spider-Man 2

Upcoming Movies of May 2014

Blended

Daloy Kayumanggi

Action / Adventure/ Fantasy

Bad Neighbours A couple with a newborn baby face unexpected difficulties after they are forced to live next to a fraternity house. Starring Zach Efron, Seth Rogen and Rose Byrne.

X-Men Days of Future Past

The X-Men send Wolverine to the past in a desperate effort to change history and prevent an event that results in doom for both humans and mutants. Action / Adventure/ Fantasy

Comedy

Comedy

Maleficiant

Godzilla

A Million Ways to Die in the West

The world's most famous monster is pitted against malevolent creatures who, bolstered by humanity's scientific arrogance, threaten our very existence.

As a cowardly farmer begins to fall for the mysterious new woman in town, he must put his new-found courage to the test when her husband, a notorious gun-slinger, announces his arrival.

The untold story of the villain from "Sleeping B e a u t y " r e ve a l s t h e events that hardened Maleficent's heart and drove her to curse the baby, Aurora, only to later realize that the child may hold the key to peace in the land. Fantasy / Drama

Action / Adventure/ Sci-Fi

Comedy / Western


19 May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

MAKE-UP AT BEER Misis: Hoy! Lumalaki na ang gastos mo kakabeer! Mister: Ikaw, make-up mo ang magastos! Misis: Nagpapaganda ako para sayo eh. Mister: Ako din naman, umiinom para gumanda ka!

AMA SA TAHANAN

Anak: Nay, sabi ng guro ko ang ina daw ang nagsisilbing Ilaw ng Tahanan. Kung ganun po, ano ang tawag sa ama? Ina: (Aburido) Sabihin mo sa Titser mo, ang ama ang Taga-pundi ng Ilaw!

GAWAIN 'PAG LUMINDOL

Guro: Ano ang dapat nating gawin ‘pag lumilindol? Juan: Buksan po ang ilaw! Guro: Bakit mo naman nasabi ‘yan, Juan? Juan: Kasi po, sa bahay-kubo namin, madalas lumindol ‘pag gabi, pero pag binubuksan ko po ang ilaw, tumitigil!?

SA'N TAYO GAWA?

Juan: Nay, di po gawa tayo ng Maykapal? E bakit sabi po ng itay galing tayo sa unggoy? Ina: Tama naman siya anak, sa Father’s side!

KASALANAN

Groom: Tay, alam niyo po ba ang babaeng

GEMINI May. 22 - Hun. 21 Kailangan mong pagtuunan nang pansin ang pagpaplano para sa kinabukasan. Maaari mo ngayong simulan ang iyong planong mag-negosyo. Ang iyong color of the month ay berde. Numero mo naman ngayon ang 12, 33, at 7.

CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Swerte ka ngayon sa trabaho. Ugaliin ang pagiging matalino sa pagharap sa mga tao, lalo na sa iyong boss. Iwasan naman ang pakikipagbangayan sa iyong mga katrabaho. Red ang swerte sa’yo ngayong buwan. Kung binabalak namang tumaya sa mga lottery, ikonsidera ang mga numerong 7, 5, at 22.

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Maghinay-hinay sa matalas na pananalita. Minsan kasi, hindi mo alam may nasasagasaan ka na pala sa mga salita mo. Mag-pokus din sa pangangalaga sa kalusugan. Orange ang okay na kulay sa’yo; 5 at 11 naman ang sa numero.

pakakasalan ko ngayon ay katulad ng nanay? Itay: Anak, tibayan mo ang iyong kalooban, pasasaan ba’t, kakayanin mo din iyan

DUST PAN

Girl: Alam mo ba tuwing lumalapit ka sa’kin, nagmumukha akong tagalinis? Boy: Bakit, dahil ba mukha akong artistahin? Girl: Hindi, mukha ka kasing dust pan!

DID YOU RIDE OR DID YOU WALK

JEmcee: So how did you get here, did you ride or did you walk? Gay Contestant: Of course, did you ride! What do you think of me, did you walk?!

Inday: E naku, Ma’am, ayaw ko namang abutan DROWNING niyo ako nang walang ginagawa! Guro: Okay, class, mag-drawing kayo ng isda! Students: Yes, Ma’am! PULIS SA JEEP Guro: Oh, Pedro, bakit ang gulo ng drowing Pulis, pinara ang jeep... mo? Drayber: Boss, ano violation ko? Bakit mo ako Pedro: ‘Wag ka ngang magulo, Ma’am! Bagoong pinahinto? ‘yan! Pulis: Wala, ‘di ba jeep ito? Sasakay ako no!

16. KONSULTASYON

CLASSROOM AT BAHAY

Bawal daw matulog sa classroom dahil hindi ito bahay. Eh ‘di dapat, bawal din mag-aral sa bahay, dahil hindi din ito classroom!

TRANSLATE IN ENGLISH

Guro: Pedro, give me a sentence! Pedro: Ma’am is beautiful, isn’t she? HOLD-UP OR RAPE Guro: Magaling! Ngayon, tagalugin mo ang Holdaper: Miss! ‘Wag kang kikilos, hold-up ‘to! sentence na iyan! Girl: Rape! Rape! Pedro: Si Ma’am ay maganda, hindi naman ‘di Holdaper: Hold-up lang ito, hindi rape! ba? Girl: Eh ‘di ‘wag! Nagsa-suggest lang e!

ASSIGNMENT

MAKE A WISH

Si Inday, binuksan ang mahiwagang bote at Guro: Bakit ka na-late, Juan? lumabas ang Genie. Juan: Nahold-up po kami, Ma’am! Genie: Mayroon kang isang kahilingan! Guro: Ha?! Ano’ng nakuha sa’yo? Inday: Gusto kong gumanda! Juan: Yung assignment ko po, Ma’am. (Huhuhu. Genie: Buksan mo ang bote! Inday: Gaganda na ba ako? INDAY SA TV Genie: Hindi, babalik na lang ako sa bote! Amo: Hoy, Inday! Bakit tuwing dumarating ako, naaabutan kitang nanonood ng TV?!

VIRGO Ago. 22 - Set. 23 Medyo maghigpit sa pera. Kailangang i-kontrol ang iyong spending bago pa maubos ang iyong kaban. ‘Wag din bastabasta magdesisyon sa pagve-venture sa isang negosyo. Isipin ito nang maraming beses. Lucky colors at numbers: Yellow; 4, 8, at 7.

LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Iwasang ma-overwhelm. Piliin ang pagngiti kaysa sa pagkunot ng noo. Bawas-bawasan ang pagsubsob sa trabaho para hindi maapektuhan ang kalusugan. Masusuwerteng numero: 21, 24 at 8. Masuwerteng kulay: beige.

SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22

‘ Wa g m a s y a d o n g m a stress sa mga taong nakapaligid sa iyo. Piliing tingnan ang mga positibong bagay mula sa iyong mga kasama sa bahay at trabaho. Magaan naman ang pasok ng pera sa iyo ngayong buwan. Ngunit, ‘wag masyadong gagastos. Maroon ang swerteng mong mga kulay; 1 at 19 naman ang mga numero mo.

SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21

Mahalaga ang komunikasyon para lumago ang pagmamahalan ninyo ng iyong partner. Swak sa’yo ang kulay gray. Numerong 3, 14, at 22 naman ang okay sa iyo. CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20

Iwasana ang mga bagay na imoral. Baka ito pa ang makakapagpahamak sa iyo. Blue ang masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 5, 15 at 30. AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 A n g p i n a k a m a h a l a ga n g pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kredibilidad sa trabaho. Panatilihing magpasa ng mga kinakailangang requirements na pinagagawa sa’yo ng iyong employer. Numbers of the month: 7, 16, at 26. Colors of the month: red at orange.

Kumunsulta sa doktor si Juan para sa kanyang karamdaman... Doktor: Bukod sa akin, may nauna ka pa bang kinunsulta para sa karamdaman mo? Juan: Meron po, sa albularyo! Doktor: Ano nanamang kalokohan ang ipinayo sa iyo? Juan: Magpunta daw ho ako sa inyo!

KALABASA

Sabi ng kaibigan ko, sibuyas lang daw ang gulay na nakakapagpaiyak. Eh binato ko ng kalabasa, iyak siya eh. Hehe.

SALBAHE ANG ANAK NIYO

Teacher: Misis, pinatawag kita dahil salbahe ang anak niyo. Misis: Eh bakit, Ma'am, salbahe din 'yan sa bahay pero pinatawag ko ba kayo?

mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com

PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Maraming grasya ang darating sa’yo. Medyo maghinay-hinay lang sa paggastos para makamit ang minimithing bilhin sa’yong mga mahal sa buhay. Power numbers at color: 19, 27, at 34; brown.

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Kailangan mong i-set ang iyo n g m ga p r i o r i t i e s s a buhay. Mag-reflect paminsan-minsan kung ano talaga ang mga interes mo sa buhay at mga bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Navy blue ang okay na kulay sa iyo. Ang m ga n u m e ro n g 3 5 , 5 5 , a t 1 5 ay masusuwerte naman sa’yo.

TAURUS Abr. 21 - May. 21

‘Wag gaanong magtitiwala sa mga taong kakikilala mo lang. Kilatisin mo munang mabuti ang kanyang pag-uugali at intensyon. Samantala, mapagtatanto mo naman ang halaga ng isang kapamilya sa ngayon. May tendensiya ka kasing lapitin ngayon ng mga taong hindi gaanong trusted. Power numbers: 17, 5, 31. Lucky colors: violet at yellow-green.


20 May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Martinez, nasungkit ang gold sa Triglav Trophy

Mula Pahina 1

M

Pang-apat sa anim na magkakapatid si Manny. Sa murang edad (anim na taong gulang), naging produkto silang mga magkakapatid na tinatawag na “broken family.” Ikinasal si Pacquiao kay Marial Geraldine “Jinkee” Jamora at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng apat na anak: Sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie. Kasalukuyan siyang Congressman ng lone district ng Sarangani. High School Drop-out Bunsod ng matinding kahirapan, napilitang mag-drop out si Manny sa high school. Sa edad na 14, napilitan siyang humiwalay sa kanyang pamilya para maghanap ng pantustos sa kanyang mga kapatid at ina.

Kinalaunan, noong 2007, kumuha siya ng high school quivalency exam na nagbigay sa kanya ng daan para maging eligible sa pag-aaral sa kolehiyo sa Notre Dame of Dadiangas University sa kursong business management. Tinanggap niya ang Honorary Degree of Doctor of Humanities mula sa Southwestern University noong 2009 dahil sa kanyang achievements sa boxing at sa humanitarian work. Pag-usbong ng Karera sa Boxing Nagsimula sa pagbo-boksing si Manny sa edad na 14 sa Manila. Naging bahagi muna siya ng Philippine national amateur boxing team kung saan nakapagtala siya ng 64 amateur fights (apat dito ang kanyang talo). Sa edad na 16, nagawa na niyang makapasok sa mundo ng professional boxing. Naging instant star si PacMan noong 1995 matapos niyang talunin sa loob ng apat na rounds si Edmund “Enting” Ignacio sa Light FLyweight division. Big Break Maituturing na big break ni PacMan ang kanyang laban sa IBF Super Bantamweight title noong June 23, 2001 kontra kay Lehlohonolo Ledwaba. Late replacement lamang siya at tinanggap ang notice ng laban dalawang linggo bago ang big fight. Pinataob ni PacMan si Ledwaba sa pamamagitan ng technical knockout sa Las Vegas, Nevada. Mula noon, umarangkada na si Pacquiao sa mundo ng professional boxing: Pacquiao vs. Barrera I -- panalo si PacMan; Pacquiao vs. Marquez I-- draw ang resulta; Pacquiao vs. Morales I -- talo siya kay Morales; Pacquiao vs. Morales II -- knocked-out is Morales sa 10th round (ang unang beses na siya’y mapatumba); Pacquiao vs. Larios -- panalo si PacMan via a unanimous decision; Pacquiao vs. Morales III -- muling tinalo ni Manny si Morales via a third-round knockout; Pacquiao vs. Barrera II -- unanimous ang desisyon pabor kay Manny. Ilan Pa sa mga Nakalaban ni Manny Ilan pa sa mga nakalaban ni Manny ay sina: David Diaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito, at Shane Mosley. Kung saan, nailuklok si PacMan bilang Pay-Per-View Star. Ang Pagbagsak Hindi inasahan ng maraming fans na darating ang araw ng pagbagsak ng pambansang kamao. Noong 2012, una siyang pinabagsak ni Timothy Bradley, Jr. sa pamamagitan ng split decision, at ang pagkatalo niya kay Juan Manuel Marquez sa pareho ring taon (kung saan, na-knockout sa ikatlong round si Manny). Bunsod nito, sumadsad ang pound-for-pound ranking ni Manny. Ang Muling Pagbangon Ang kanyang laban kay Brandon Rios noong 2013 ang muling nagbigay ng matinding kasikatan kay PacMan. Unanimous ang naging desisyon sa naturang laban. Kamakailan, sa kanilang rematch, tinalo ni Manny si Bradley, muli sa pamamagitan ng unanimous decision. Kung noong 2012 ay kontrobersiyal ang kanilang laban, ngayon ay buong pusong tinanggap ni Bradley ang tinamong pagkatalo laban kay PacMan. Nito lamang, inanunsyo na ni Manny na maraming taon pa siyang maglalagi sa mundo ng professional boxing upang makapag-inspire pa ng mas maraming mga Pinoys worldwide. Walang duda, si Manny ay ang Pambansang Kamao. Isa rin siyang Pambansang Bayaning nagbibigay ng pag-asa sa maraming mga Pinoy upang kayanin ang anumang hamon na buhay. Ang "Ka-Daloy of the Month" ay isang bagong column ng Daloy Kayumanggi. Layunin nitong itampok ang ilang Pinoy na may kahanga-hangang kuwento ng buhay. Hangarin nitong makapagbigay ng inspirasyon sa mga Pinoy tungo sa ikauunlad ng kanilang buhay. May nakaka-inspire ka bang kuwento kaDaloy? I-send ang kuwento mo sa davecalpito529@gmail.com. Baka ikaw ang susunod na tampok sa column na ito.

W

L

atapos ang isang linggong makasaysayang pakikipagtunggali ni Michael Christian Martinez sa 2014 Winter Olympics, bumawi naman siya sa senior men’s division sa Triglov Trophy International Figure Skating Tournament sa Jesenice, Slovenia noong Abril 6, kung saan nakuha niya ang first place. Ang 17 taong gulang mula sa Parañaque, Philippines ay nanguna sa lahat ng skaters na nagkamit ng 63.29 na puntos sa short program bago niya tinapos ang free skate kung saan nakalikom siya ng final score na 195.13. Sumunod sa kanya si Keiji Tanaka ng Japan na mayroon namang 189.83 na puntos at pangatlo si Ryuju Hino ng pareho ring bansa sa puntos na 183.06. Sa kabila ng pagkatalo...

Si Martinez ang kauna-unahang Southeast Asian figure skater na nakasali sa Winter Olympics. Sa panayam ng Examiner.com kay Martinez, hindi pa umano siya tuluyang nakaka-recover sa kanyang nakuhang injury na nakaapekto umano sa kanyang performance sa nakaraang Winter Olympics.

SPORTS UPDATES

Mga kabataang Pinay, saludo sa Brazil sa finale ng Street Child World Cup

Streak

N

atuldukan na ang tunggalian ng mga kabataang babae ng Pilipinas at Brazil sa finals ng Street Child World Cup noong nakaraang Abril 7 (Manila time) sa Rio de Janeiro, nang manalo ang host squad Brazil na may puntos na 1-0. Base sa ulat ng rappler.com, nakamit ng nanalong team ang nag-iisang puntos noong first half, samantalang ang mga kabataang Pinay na nanalo sa pagitan ng England, South Africa at Mozambique, ay naging agresibo naman noong second half. Sa kabila ng enerhiya na ibinuhos nila

sa laro, hindi pa rin nila naipasok ang bola sa goal. Ang natatanging goal nila ay nasalo pa sa huling minuto ng laro, Sa gitna ng mainit na laban, hindi pa rin magpapatalo ang tagapamahala ng Philippine Team. Ayon sa tweet ni Naomi Tomlinson, co-founder ng FairPlay For All na bumuo ng Pinoy squad sa Payatas, Quezon City, “Congrats girls, it may not have been a win but it was a great result for them to be in the [finals] vs Brazil! Good game girls. #SCWC2014”

Buenavista at Tabal, sasabak sa 2014 Southeast Asian Games tinuldukan na pinakamahabang takbuhan

S

asabak sa mahabaang takbuhan ang mga kilalang runners na sina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal, mga nanguna sa 2013 MILO Marathon national finals na ginanap noong Disyembre. Dadalhin nila ang bandila ng Pilipinas para sa gaganaping 38th Paris International Marathon. Kasama nila sa pagpunta sa Paris noong April 6 sina MILO Sports Executive Andrew Neri at MILO Marathon Race Director Rio dela Cruz, mga naniwala sa kakayahan ng kapwa Pinoy na kaya nilang dalhin ang mga champs sa pinakamahabang marathon ng bansa. At dahil accredited na ng Association of International Marathons at International Association of Athletics Federations ang MILO, sinabi ni Dela Cruz na kinausap nila ni Neri ang anim na nangungunang organizers sa overseas marathons para makalahok din ang mga Pinoy sa kanilang mga susunod na events.

I

binaba na ang telon at pinaputok na ang makukulay na mga fireworks sa ginanap na Southeast Asian Games sa Myanmar noong nakaraang Abril 7. Ang pagtatapos ng selebrasyon ay pinasigla ng fireworks, animation at libulibong mga mananayaw na nagpasaya sa 30,000-capacity na stadium sa Naypyidaw, kapital ng nasabing bansa. Sa 11 araw ng kompetisyon, nanguna ang Thailand (107 gold medals) sa may pinakamaraming nakuhang medal, sumunod naman ang Myanmar (86 gold medals), at pangatlo ang Vietman (73 gold medals). Heto ang ilan sa mga sumunod na bansa: Indonesia - 65 gold medals Malaysia - 43 gold medals Singapore - 34 gold medals Philippines - 29 gold medals Laos - 13 gold medals Cambodia - 8 gold medals Timor-Leste - 2 gold medals Brunei - 1 gold medal Makikita ang buong listahan ng nakuhang medalye, http://www.gmanetwork.com/news/story/339207/ sports/othersports/27th-southeast-asian-games-medaltable. Sa naturang event, itinaas din ang bandila ng Singapore bilang simbolo ng pagiging host country sa 2015 SEA Games.


21 May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Anne, nagkalat na naman ba dahil sa kalasingan? Nasaan na Ngayon

I

lang buwan matapos ang kontrobersiyal na “pananampal” na kinasangkutan ni Anne Curtis, nadawit na naman ang aktress sa isang bar incident. Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nung April 1, kinompronta ni Anne si Sam Concepcion sa party ni Vice Ganda sa upscale 71 Gramercy, Makati City noong March 31. Si Sam ang nababalitang boyfriend ng kapatid niyang si Jasmine. Ayon sa report ng PEP, lasing si Anne nang lapitan niya si Sam at sinabing, “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!” Marami rin ang nakakita ng paluin niya nang malakas ang kotse ng aktor habang sinasabing “Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?” Ayon din sa PEP, galit ang aktor matapos ang nasabing insidente.

Vhong Navarro, nahaharap na naman sa bagong rape case

N

akatanggap na naman ng bagong rape complaint ang Kapamilya aktor na si Vhong Navarro. Ayon sa report na inilabas ng Inquirer.net noong April 4, isang 26 anyos na babaeng stunt double ang nag-file ng reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office. Sa kanyang four-page affidavit, isinalaysay ng complainant na pinapasok siya ng aktor sa isang sports utility vehicle noong breaktime ng taping ng “I Love Betty La Fea” (2009), kung saan umano naganap ang rape incident. Nang nasa loob na sila ng SUV, sinabi raw ni Vhong sa kanya na, “Ang ganda ganda mong tibo. Dapat makatikim ka ng tunay na lalaki para ‘di ka maghanap ng babae.” Dagdag pa niya, pinilit din daw siya ng aktor na ipasok ang daliri niya sa kanyang ari. Si Vhong Navarro ay kasalukuyang nahaharap sa kasong rape na inireport nina Deniece Cornejo at Roxanne Cabanero. Sa kabila ng lahat ng mga akusasyon, bumalik ang aktor sa araw-araw na variety show na “It’s Showtime” nitong Marso 8.

Kris Aquino, dine-date nga ba si Derek Ramsay?

2014 MYX Music Awards winners, iprinoklama

K

ung dati ay nababalita lang na nalilink si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ngayon naman ay naiintriga siyang dini-date umano si Derek Ramsay. Mas tumindi ang ispekulasyon nang magpost sa Instagram si Kris nitong April 2 ng mga katagang ito: “It was a hard day for both of us, you had your personal issues & so did I... But you were there for me & I was grateful you gave me the chance to be there for you... I said it before, super cute na may coffee pa. And now we can add chocolate marble & French Fries to that list.” Dagdag pa niya, bahala na umanong mag-interpret ang kanyang followers sa post niya.

L

asing sa kasiyahan ang banda ng Parokya ni Edgar matapos mabigyan ng Magna Award sa 2014 MYX Music Awards noong March 26 sa Samsung Hall, SM Mall of Asia. Natapos ang selebrasyon na high na high ang mga musician at celebrities matapos awitin ang chorus ng Inuman bilang tribute sa nasabing banda at popular music. Ang MYX Magna Award na ibigay sa Parokya ang pinakamalaking recognition sa gabing iyon. Ito ay dahil nananaig pa rin sila sa industriya ng musikang Pinoy sa loob ng 20 taon. Ilan sa mga nabigyan rin ng parangal ay ang sumusunod: Favorite Music Video: “Magda” - Gloc 9 feat. Rico Blanco; Director: J. Pacena II

Favorite Song: “Magda” - Gloc 9 feat. Rico Blanco Favorite Artist: Sarah Geronimo Favorite Female Artist: Yeng Constantino Favorite Male Artist: Bamboo Favorite Group: Parokya ni Edgar Para malaman ang iba pang nanalo, pumunta sa http://www.rappler.com/ entertainment/24261-winners-myxmusic-awards-2013.

ang mga Cast ng "Meteor Garden?"

A

ng muling pagpapalabas ng Taiwanese na teleseryeng “Meteor Garden” sa ABS-CBN ay nagdulot ng panibagong ingay sa social media, lalung-lalo na sa Twitter. Ang unang episode ay ipinalabas noong March 31. Makalipas ang 11 taon, asan na nga ba sina Jerry Yan, Vic Zhou, Vaness Wu, Ken Chu, at ang babaeng lead star na si Barbie Hsu. Si Jerry Yan, na nakilala bilang si Dao Ming Si, ay nanatiling aktor. Isa siya sa mga aktor sa “Unforgettable Love” (2013) at ngayon ay cast sa isang upcoming Japanese film na “Lupin III.” Si Barbie Hsu, ang babaeng leading lady ni Dao Ming Si ay kasal na kay Wang Xiaofei, isang businessman; inaasahan ang kanyang pangangak nitong May. Si Vic Zhou, a.k.a Hua Ze Lei at Ken Chu, a.k.a Xi Men, ay nanatiling mga aktor din; samantalang si Vaness Wu naman ay isa nang matagumpay na recording artist. Nakagawa na siya ng pitong album at nakatrabaho na niya sina Bruno Mars at Beyonce.


22 May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"

Anne Curtis, kinampihan ng kapatid at Rapper na si Trick Daddy, ng boyfriend hinggil sa jellyfish incident inaresto sa Florida

I

H

abang nagti-taping ng “Dyesebel” noong April 3 sa Batangas, na-sting ng box jellyfish si Anne Curtis. kaya naman agad siyang isinugod sa ospital. Nagkaroon siya ng mahahapding mga rashes lalung-lalo na sa kanyang tagiliran dahil sa insidenteng ito. Ilan sa kanyang mga detractors ay nakapag-joke pa hinggil dito at ang ilan naman ay nanatiling walang simpatya. Ayon sa kanila, kung ano man ang nangyari kay Anne ay “deserved” niya iyon at ito ay isang bad karma dahil siya ay mapangmaliit. Nag-counter attack naman sa Twitter ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at boyfriend na si

Antoinette Taus, dinenay na may anak sila ni Dingdong

N

atawa na lamang si Antoinette Taus, dating girlfriend ni Dingdong Dantes, ukol sa mga balitang may love child sila ng nasabing aktor. Pahayag niya sa panayam ng ph.celebrity. yahoo.com, “...’Di naman matapos yung (rumors) tapos parami pa nang parami ang mga “anak” ko. Hindi naman ako ganun.” Dagdag pa niya na sakaling meron siyang anak ay hindi siya magdadalawang isip na sabihin iyon sa publiko, sa halip ay magiging proud siya dahil gusto niya ngang magkaanak rin balang araw. Kaya’t kung sakali mang magkaroon siya ng baby ay isi-celebrate niya iyon. Sa ngayon ay trabaho ang nasa kanyang priority. At dahil kababalik niya lang ulit ng bansa ay aayusin niya ulit ang kanyang showbiz career.

Erwan Heussaff hinggil sa mga “bashers” na ito. Ayon sa kanila: Jasmine (@jascurtissmith) : there is no need to fight. Please :( [April 3, 7:15 PM] Jasmine (@jascurtissmith) : saying that she deserved this when no one deserves to be in risk in terms of health. :( how could anyone wish this upon another? [April 3, 7:46 PM] Erwan Heussaff (@erwanjheussaff) : for all of you idiots making fish jokes. The box jelly fish is one of the deadliest animals on earth m.livescience.com/6353deadly-box-jellyfish.html... judgmental asses. [April 3, 8:12 PM]

naresto ng pulisya ng Florida noong Abril 3, si Maurice Young o kilala bilang Trick Daddy, matapos siyang makuhanan ng baril at cocaine sa kanyang bahay sa South Florida, ayon sa ulat ng gmanetwork.com. Ayon sa affidavit ng pulis, may hinala silang merong indoor marijuana farm ang nasabing rapper. Binantayan nila ang bahay ni Young sa Fort Lauderdale suburb ng nasabing araw at naghain ng warrant na hayaang amuyin ng drug-sniffing na aso ang labas ng bahay. Hinuli siya ng bandang 10 a.m. nang paalis siya ng bahay at sinampahan rin siya ng kasong driving with a suspended license. Pinakawalan din si Young matapos magpiyansa ng $6,100 noong Biyernes. Kung mapatunayang lumabag siya sa batas, inaasahang makukulong siya ng halos tatlong taon sa piitan. Si Trick Daddy ay sumikat noong mid-1990s at early 2000s sa kanyang mga kantang “I’m a Thug” at “Shut Up.”

Eat Bulaga, hindi pa rin matatapatan ng It's Showtime

U

masa ang Kapamilya Network, sa pamamagitan ng It’s Showtime, na manunumbalik na muli ang kita ng ABSCBN sa isang noontime slot. Maayos at maganda naman ang performance ng “Showtime” dahil sa mga pa-group contest nito. Iniskedyul ito 30 minutos bago mag Eat Bulaga sa pag-asang mahu-hook na ang mga manonood at tatamarin nang maglipat ng channel. Subalit, hindi pa rin naganap ang inaasahan dahil tapat pa rin ang mga manonood kina Vic Sotto at mga dabarkads. Kung paniniwalaan ang survey na inilabas ng AC Nielsen and Kantar na malaki ang agwat ng rating ng Eat Bulaga sa Showtime, simple lang ang kasagutan: Ito ay ang katotohanang hindi pa rin kayang tapatan ni Vice Ganda ang tambalang Tito, Vic and Joey. Isama na rin sa asset ng Eat Bulaga ang mga rising stars nito na sina Wally Bayola at Jose Manalo na nagdadala ng Juan for All, All for One na segment ng show.

Mga magulang ni Matteo, Anak ni Gretchen Barreto, boto kay Sarah Geronimo papasok na sa showbiz

M

asayang ipinagdiwang ni Matteo Guidicelli, kasama ang sinasabing boyfriend ni Sarah Geronimo, ang kanyang kaarawan sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay at mga magulang na boto sa kanyang napapabalitang karelasyon. Aniya sa presscon noong Marso 26, na debut celebration ni Kathryn Bernardo (na inilathala sa yahoo.com), “Hindi talaga pinapanood ng mga magulang ko si Sarah sa TV, ngunit noong nakita nila sa personal ay sinabing ang ganda, ganda niya. Hindi nila inaasahang ganoon siya kaya masaya ako na nagustuhan nila.” Kahit ganoon ang pahayag ni Matteo ay nakatikom pa rin ang kanyang bibig hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Sarah G. Ito ay dahil nirerespeto niya raw si Sarah at ang kanyang pamilya.

I

namin ni Dominique Cojuangco, anak nina Gretchen Barreto at businessman Tony Cojuangco, na bukas ang kanyang isipan hinggil sa pagpasok sa showbiz balang araw. Subalit sa ngayon, pag-aaral daw muna ang kanyang aatupagin. Aniya sa presscon noong Abril 4 kung saan inilunsad ang Bench’s Whitening Lotion at siya ang pinakabagong endorser: “I haven’t thought about it yet. Right now, I’m focusing on my studies. If an opportunity comes, I don’t see why I would say no.” Ang pagiisip na ito ni Dominique ay sa kadahilanang lumaki siyang napapanood ang kanyang ina at mga tita (Marjorette Barreto at Claudine Barreto) sa mga teleserye at pelikula. Sa kasalukuyan, si Dominique ay kumukuha ng kursong Fashion Design sa London. Ang buhay niya roon ang nagturo sa kanya para maging isang tunay na independent.


23 May 2014

Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Ara Mina, inaming nabuntis subalit nakunan

I

namin kamakailan ni Ara Mina na siya ay nabuntis subalit pagkalipas ng tatlong buwan ay nakunan siya. Si Bulacan Mayor Patrick Meneses ang ama ng dinadala niya sanang bata. Ayaw pa sanang magsalita ng aktres hinggil sa balitang ito subalit kinalaunan ay inamin na niya. Abiso rin umano ito ni Mayor na aminin ang balita, pero sa kundisyong ‘wag nang magbitiw pa ng kung anu-anong mga salita dahil lalaki lang daw ang balita. Tinangkang kunan ng pahayag ng website naPEP.ph si Mayor Patrick nitong Abril habang nasa isang graduation rite subalit sinabi nitong ‘wag na lang siyang kapanayamin dahil ayaw niyang magkomento hinggil sa pagbubuntis ni Ara. Ngunit,ipinahayag naman niya na baka matuloy na raw ang pinaplano nilang pagpapakasal ng aktres.

Ryzza Mae, naiyak sa regalo ni Bossing

H

indi napigilan ang pagtulo ng luha ni Ryzza Mae o Aling Maliit sa regalong ibinigay sa kanya ni Bossing Vic Sotto noong Abril 8 para sa unang kaarawan ng The Ryzza Mae Show. Naroon sa studio ang ilan sa mga dabarkads tulad nina Allan K, Ruby Rodriguez at Tito Sotto para batiin ang maliit ngunit talentadong host ng programa. Ibinigay ng mga dabarkads ang isang malaking kahon na naglalaman ng isang keychain. Nang mabuksan na ni Aling Maliit ang kahon ay ipinalabas ang recorded na mensahe ni Bossing dahil wala siya. Sa mensahe na ito, ibinalita ni Bossing na ang keychain ay ang paglalagyan ng susi ng bago nilang house and lot. At dahil sa tuwa ay napaiyak si Ryzza dahil sa katuparan ng kanyang pangarap na magkaroon ng bahay at lupa para sa kanyang pamilya.

Twit ni Idol

Eltong John, nagbabalak nang magpakasal

B

inabalak na nina Elton John at partner nitong si David Furnish na magkaroon ng “low-profile” na kasalan sa darating na May, pagkatapos na aprubahan ng Britain noong Sabado ang same-sex marriages. Pahayag niya sa Today’s show ng NBC na gusto niyang ipagdiwang ang kanyang pagpapakasal nang sobrang tahimik (“very quietly”). Dagdag pa niya na magiging napakasaya ng okasyon na iyon. Ayon rin sa quotes na inilabas ng NBC, sinabi ng singer na, “We shouldn’t just say ‘Oh well, we have a civil partnership, we’re not going to bother to get married’. We will get married.” Ang nasabing mag-partner ay nasa civil partnership na noon pa mang 2005 at sila ay may dalawa nang anak.

Updated ka ba sa buhay ng iyong iyong mga idol stars? Isa sa mga paraan para maging updated most of the time sa mga Pinoy stars ay ang i-follow ang kani-kanilang mga Twitter accounts. Twitter kasi ang isa sa pinaka-ginagamit ng mga Pinoy stars kumpara sa ibang social media websites. Halina’t silipin natin ang ilang bahagi sa buhay ng ating mga featured Pinoy stars ngayong buwan:

Rachelle Ann Go (@gorachelleann):

Jhong Hilario (@jhongsample):

Robi Domingo (@robertmarion):

Enrique Gil (@itsenriquegil):

Ano pang hinihintay mo ka-daloy? Follow mo na sila!


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.