Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.5 Issue 52 October 2015
www.daloykayumanggi.com
DEAR KUYA ERWIN
OFW at Pinoy Flag
KONTRIBUSYON
Runo at Panghuhula
7
SHOWBIZ
Aldub, Nagkita na sa wakas
9
23
JAPANESE-SPEAKING PINOYS IN-DEMAND
I
Mga Pinoy, nanguna sa COMMUNITY EVENT scholarship program ng Philippine Festival, dinumog ni Mario Rico Florendo European Union
n-demand na ngayon ang mga Pilipinong IT na marunong magsalita ng Nihongo. Malaki ang tiyansa ng mga nasabing Pinoy na makahanap ng trabaho lalo na sa IT at Business Process Outsourcing o BPO industry dahil sila ang hinahanap ng mga Japanese companies na nakabase na sa Pilipinas.
N
gayong taon, Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng estudyanteng mapapabilang sa scholarship program ng EU o European Union sa lahat ng bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Ayon sa EU, 39 na Pinoy students ang makakapag-aral sa iba’t ibang bansa saanmang unibersidad nila naisin. Ang mga nasabing EU Erasmus + Program ay maaaring gamitin ng mga Filipino youth leaders
Ayon sa Assistant Vice President for Corporate
Planning ng kumpanyang Advanced World Systems Inc.
(AWSI) na si Ramil Villanueva, sila mismo ang nagtetrain ng mga bagong graduate sa computer science at
engineering upang makapagsalita ng Nihongo sa loob ng apat na buwan.
Sundan sa Pahina 5
Sundan sa Pahina 5
taglay niyang talento dahil na rin sa kanyang albums at tagumpay sa mga kontes. Sa kabila ng hindi magandang imahe na ikinakabit sa kanila, gusto kong alamin ano nga ba ang buhay na pinagdaanan nila at paano nila ito pinagtatagumpayan. Narito ang panayam ko sa kanya:
By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)
Tokyo Boy: Ano po ang kuwento niyo paano kayo kayo napunta dito sa Japan? John Alejandro: (Noong) 2003 talento kami dito kasama ko ang band kong SAINTS BAND from Cowboy Grill Manila. Under contract kami sa isang hotel sa Chiba. Nagkakahigpitan na noon kaya I went to Kyoto. (That’s) were I met my ex-Japanese wife who is a professional gradeschool teacher and from then on ‘till now I live here.
Tokyo Boy: Paano kayo nagsimula bilang singer? John A: I studied in (a) university in the Philippines. I took music solfeggio and I also enrolled in Center for Pop in Cubai under sir Butch Albaracin. Before that since high school I had a barkada na mahilig sa music. We listened to the Beatles and I love listen(ing) to the radio everyday. Bumibili pa ako ng songhits tapos kanta ako ng kanta!
Alam mo bang may hindi lang mga Pinay ang mga naging sikat na entertainer dito sa Japan kundi may mga lalaking singer rin na namamayagpag dito? Madalas, kapag naririnig ang salitang ‘entertainer’ lalo na dito sa Japan at maging sa Pilipinas, hindi maganda ang kaakibat nitong ibig sabihin. Nang unang ipakilala sa akin si kuya John Alejandro para kapanayamin sa Global Pinoy, namangha na ako sa
Also I guess it runs in the famly kasi my grandfather is an all-around musician and I used to hear songs for his plaka kaya napipick-up ko yung mga kanta at nakahiligan ko na rin hanggang paglaki! Sundan sa Pahina 5
KONTRIBUSYON Pahina ng Estudyanteng Pinoy
8
TIPS
pang lahi ang taunang Philippine Festival 2015 na ginanap sa Yoyogi Park, Tokyo noong ika-19 at 20 ng Setyembre.
GLOBAL PINOY SPECIAL FEATURE John Alejandro: Global na Entertainer
Tokyo, Japan -- Dinumog ng libo-libong Pilipino, Hapon at ng iba
Health Benefits ng Lemon
Kabilang sa mga nakisaya ngayong taon ay ang Pambansang
Kamao na si Cong. Manny Pacquiao na dinayo hindi lamang ng mga
Pinoys dito sa Japan kundi maging ng mga Japanese fans niya. Hindi rin nagpahuli ang tambalang Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa
pagpapakilig sa mga couples na nanood sa event. Inawit naman ni Rey Valera ang kanyang mga hits na tulad ng ‘Pangako Sa’yo,’ “Mr. DJ’
na ikinatuwa naman ng mga fans ng singer-songwriter at ng mga pamilya na nag-picnic sa parke.
Lalo pang naging masaya ang festival dahil sa masiglang pag-
indak ng Dinagyang Dancers mula sa Iloilo at ng iba’t ibang pakulo ng lahat ng booths na nakilahok. Hindi lamang iyan, umuwi ring
busog ang lahat ng dumalo dahil sa masasarap na Filipino food na inihain sa event.
Ang taunang Philippine Festival ay suportado ng Philippine
Embassy sa Tokyo sa pakikipagtulungan ng Filipino Community sa Japan.
More pictures on Page 17
Bilang ng mga walang trabaho, bumababa --DOLE
S
a panahon ng paninilbihan ng Aquino administration, malaki ang nabawas sa porsyento ng mga walang trabaho. Ito ang kinumpirma kamakailan ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz sa kasagsagan ng budget hearing ng House appropriations committee para sa 2016 fund ng ahensiya. Mula umano sa 7.4 percent na unemployment rate noong 2010, ngayong 2015 ay naging 6.4 percent na lang umano. Milyun-milyon umano sa mga may bagong trabaho ay mga OFWs. Bagama't nasa ibang bansa, pagtityak ni Baldoz na patuloy pa rin umanong mino-monitor ng ahensiya ang kalagayan ng mga ito, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.
10
TRAVEL
Osaka Staycation
15
2
October 2015
Maynila, isa sa pinakabatang siyudad sa buong mundo
H
indi maipagkakaila na sa buong Pilipinas, isa ang Maynila sa pinakamagandang siyudad upang manirahan, magtrabaho, at mag-enjoy, lalo na para sa mga kabataan. Sa 2015 Youthful Cities Index report na inilabas ng Decode, isang research at survey group na matatagpuan sa Toronto, Canada, lumabas na pasok ang Maynila bilang pang-46 sa 55 Most Youthful Cities In the World. Ang resulta ng nasabing survey ay kinuha batay sa mga impormasyong nakalap sa Internet at face-to-face intercepts na kuha ng mga naninirahan sa 200 siyudad sa buong mundo na kabilang sa nasabing survey. Sa kabuuan, higit sa 10,000 ang naging participants ng survey edad 15 hanggang 29 taong gulang. Ang mga lumahok sa nasabing survey ay tinanong batay sa kanilang trabaho, digital access kagaya ng social media, at civic engagement at kung paano nakakaapekto ang mga ito sa kanilang buhay. Nangunguna naman sa listahan ng nasabing survey ang mga siyudad ng New York na sinundan ng London, Berlin, San Francisco, at Paris, ayon sa goodnewspilipinas.com.
Pilipinas, isa sa pinakamagagandang bansa upang itaguyod ang pamilya: Survey
B
atay sa isang international survey, isa ang Pilipinas sa mga pinakamagagandang bansa para sa mga imigrante upang itaguyod ang kanilang pamilya ngayong 2015. Sa 41 bansang kabilang sa information-sharing network ng mga expatriates o immigrants sa buong mundo na "Family Life Index of the InterNations," nakuha ng Pilipinas ang ika-14 na pwesto. Ang resulta ng nasabing survey ay ibinatay sa halaga ng childcare at edukasyon, kalidad ng edukasyon, kasiyahan at kaayusan ng pamilya, availability at pagpipiliang childcare at mga eskuwelahan. Mahigit sa 30 pamilya rin ang naging respondents ng nasabing survey mula sa iba’t ibang bansa. Sa kabuuan, panglima ang Pilipinas pagdating sa halaga ng education at childcare, pangpito naman ito sa availability ng child care at edukasyon, at pang-26 para naman sa kaayusan ng pamilya. Gayunpaman, ikalawa sa pinakahuli o lumalabas na pang-40 ang bansa pagdating sa kalidad ng edukasyon. Ilan naman sa mga nangunang bansa ang Australia, Germany, France, Luxembourg, at Singapore.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Fil-Am, tumatakbo nang nakapaa bilang pagtulong sa mga kabataan
K
ung natural kang nakakakita ng mga tumatakbo na may suot na running shoes, ibahin niyo si Eddie Vega, isang Fil-Am na nakabase sa North Carolina na tumakbo ng nakapaa para sa kanyang adhikaing makatulong sa mga kabataan. Matapos makumpleto ang 101 marathons noong 2014 kung saan tumakbo siya ng nakapaa, ginawaran si Vega ng Guinness World Record ng award para sa “Most Barefoot Marathon Runs in One Year.” Ngunit hindi ang Guinness World Records ang naging habol ni Vega sa nasabing pagtakbo. Ayon sa kanya, ginagawa niya ang nasabing pagtakbo ng nakapaa para ipaalam sa madla na mahigit sa 300 milyong kabataan sa buong mundo ang naglalakad ng walang sapatos o tsinelas man lang sa iba’t ibang panig ng mundo dahil sa kahirapan. Lumaki sa Pilipinas si Vega at ayon sa kanya, natatandaan niya na meron siyang mga kalaro na walang tsinelas noon. Bilang pakikisama, tumatakbo at nakikipaglaro siya ng nakapaa. Sa kasamaang palad, nagkaroon siya ng hookworms at di kalaunan ay
nagka-tuberculosis matapos makaapak ng sputum ng kapitbahay nila na may ganoong sakit. Ito ang nagtulak sa pamilya ni Vega na tumungo sa Guam upang maipagamot siya nang maayos gamit ang mas modernong pasilidad doon. Sa pamamagitan ng pagtakbo ng nakapaa, umani na rin ng libong dolyar mula sa donasyon si Vega katulong ang charitable organization na Soles4Souls. Sa pamamagitan nito, nakapag-donate na sila ng 13,000 pares ng mga bagong sapatos sa mga maralitang kabataan na beneficiary ng nasabing organisasyon at nakatulong na rin upang maiwasan ang mga nakakahawang sakit dulot ng paglalakad o pagtakbo ng nakapaa.
TFC at CFO, muling pinagtibay ang layunin tumulong sa mga OFWs
M
uling pinagtibay ng The Filipino Channel o TFC at Commission on Filipinos Overseas o CFO ang layunin nitong matulungan ang mga Overseas Filipino Workers o
OFWs. Nagsimula ang pagtutulungan ng nasabing mga grupo noon pang 2011 sa sinimulang Global Summit for Filipinos in the Diaspora, ayon sa ulat ng Manila Bulletin. Simula noon, pinasinayanan na ng TFC at CFO ang pagtulong sa mga permanenteng migranteng Pilipino sa ibang bansa sa pangunguna ng Migrant Integration and Education Division. Ayon sa CFO Chairperson Secretary na si Imelda Nicolas, naging epektibo ang TFC sa pagpapalakas at pagsuporta ng mga Filipino communities sa ibang bansa. Ilan sa mga nasabing key programs ng CFO ang
YouLead na naglalayong maging aktibo ang mga kabataang Pilipino sa nasabing diaspora. Itinatag din nila ang Balinkbayan, isang one-stop portal para sa lahat ng diaspora engagement, at mga programa na nagtataguyod ng financial literacy gaya ng Peso Sense at Kapit Ka; Joint Migration Initiative Development Program. Meron din silang Community Education Program para sa 20 probinsya sa iba’t ibang panig ng bansa taon-taon.
Filipino Choral, kampeon sa idinaos na chamber chorus sa Japan
P
agdating sa pag-awit, talaga namang kahanga-hanga at marami n g p a m b a to a n g m ga P i l i p i n o . Kamakailan lang, isang all-male Filipino Chorale ang nagwagi sa idinaos na chamber chorus sa Japan. Awit sa tagumpay ang ipinakita ng chorale group na ALERON matapos nitong makamit ang unang puwesto sa ginanap na 31st Takarazuka International Chamber Chorus Contest o TICCC
sa Japan. Ang ALERON, na binubuo ng alumni ng Ateneo de Manila High School Glee Club, ang nanguna laban sa 22 pang chorale groups na kalahok sa nasabing kumpetisyon matapos nitong makuha ang gold prizes para sa kategorya ng Folklore at Contemporary. Ang nasabing kumpetisyon ay nagsimula noon pang 1984 upang hikayatin ang iba’t ibang chorale groups mula sa iba-ibang panig ng mundo na ibahagi ang kanila talento. Ginanap ang kumpetisyon sa Vega Hall sa Takarazuka na tinaguriang “City of Music” ng Japan. Bukod sa gintong medalya, binigyan din ang chorale group ng pagkakataong makapagperform kasama naman ng all-female musical theatre group na Takarazuka Revue na mula sa Osaka, ayon sa ilang ulat.
3
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Mandaluyong Zumba Dancers, pasok sa Guinness World Record
Sikat na website sa buong mundo, itinampok ang mga rason kung bakit dapat bisitahin ang Pilipinas
I
tinampok kamakailan ni Carla Herrerria, associate editor ng The Huffington Post Hawaii, sa isang post ang mga rason kung bakit dapat mong bisitahin ang Pilipinas. Ang nasabing artikulo ay pinamagatang “8 Reasons A Trip To The Philippines Should Be In Your Future.” Narito ang ilan sa mga rason na inilatag ni Herrerria sa kanyang artikulo. Natural wonders – Bukod sa mga white sand beaches, maraming underground rivers at mga kweba, magagandang diving sites, at iba pang maipagmamalaking historical sites ang Pilipinas. Pinoy food – isa ang Pinoy dishes sa mga pinakamasasarap na pagkain sa mundo. Ika nga nila, no adobo tastes good as well as Pinoy adobo. Meron ding crispy pata, kare-kare, at ilan pang panghima-
Expansion ng Coca-Cola sa Pilipinas, nangangahulungan ng mas maraming trabaho
M
uli na namang magdadagdag ng 1.2 bilyong dolyar na expansion ang Atlanta-based company na Coca-Cola Co. sa Pilipinas upang mas palaguin at palawakin pa ang operasyon nito sa Pilipinas. Ayon sa presidente ng Coca-Cola na humahawak sa Asia Pacific na si Atul Singh, ang nasabing karagdagang dollar investment ay nangangahulugan ng mas marami pang trabaho para sa mga Pilipino. Sa katunayan, libo ang maaaring makinabang sa hakbang na ito ng kumpanya. Sa nakalipas na apat na taon mula 2010 hanggang 2014 ay nakapag-invest na ng 1.5 bilyong dolyar ang Coca-Cola na nagbigay ng trabaho sa humigit-kumulang 2,000 Pinoy. Dagdag pa ni Singh, balak pang mag-invest ng Co-
gas gaya ng halo-halo at special turon na talaga namang katakam-takam, ayon sa post. Transportation – hindi maikakailang ang mga jeep na matatagpuan sa Pilipinas ay kaiba sa mga kotse at subways na meron ang ibang bansa. Relaxing activities – sa pitong libong isla na meron ang bansa, maraming beaches bukod sa Boracay ang maaaring bisitahin ng mga turista. Nagtataasan din ang mga bundok na maaaring akyatin ng mga ito. Maraming diving spot sa Palawan na maaari mong bisitahin gaya ng Malapascua Island, Coron, o Tubbataha Reef. Pinoy hospitality – Pagdating sa mainit na pagtanggap sa mga bisita – dayuhan man o kakilala – nangunguna ang Pinoy sa pagkakaroon ng worldclass hospitality. ca-Cola sa distribution infrastructure, manufacturing, mga trucks at equipment, at maging sa pagtetrain at pagde-develop ng kanilang mga empleyado hanggang sa 2020, kaya naman positibo sila na malaki ang maiaambag nila sa pag-unlad ng bansa. Sa kasalukuyan, mayroong 19 na planta ang Coca-Cola sa Pilipinas at nananatiling isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa na gumagawa ng inumin gaya ng softdrinks, base sa nakalap na impormasyon ng goodnewspilipinas.com.
R
ecord-breaking talaga ang ginanap na Zumba dancing nito lamang Hulyo sa Mandaluyong City matapos dumalo ang libu-libong Zumba dancers na sumayaw nang walang-humpay sa loob ng 30 minuto. Kamakailan, pinagkalooban ng Guinness World Record ang Mandaluyong City matapos nitong maungusan ang mga nakaraang record ng may pinakamaraming Zumba dancers. Sa kabuuang bilang na 12, 975, natalo ng Mandaluyong City ang Cebu na record holder noong 2014 na merong 8,232 Zumba dancers. Ang adjudicator mismo ng Guinness World Records na si Alan Pixsley ang nagkumpirma sa nasabing bagong record ng Mandaluyong. Ayon naman sa alkalde ng siyudad na si Benhur Abalos, makatutulong ang nasabing record para i-promote ang healthy lifestyle na isinusulong at ikinakampanya ng kanilang lungsod. Dagdag pa ni Abalos, iba’t ibang fitness events na ang kanilang naisulong sa nakalipas na apat na taon. Gayunpaman, nito lamang Marso ng 2015 nila sinimulan ang Zumba bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month.
Airports sa Kalibo at Davao, kasama sa 'World's Most Effiecient Airports'
Mga Sapatos na gawang Marikina, muling nabigyang-buhay
M
atapos ang pagkawala nito sa industriya, muli na namang bingyang-buhay ang ganda ng mga sapatos na gawang-Marikina. Noong 1960, sikat na sikat ang mga sapatos at pangyapak na gawang Marikina dahil na rin sa tibay at ganda ng pagkakagawa nito. Sa katunayan, nai-export pa ang ilan sa mga ito sa ibang bansa noon. Gayunman, tila humina ang produksyon ng Marikina-made shoes, dahil na rin sa pag-usbong ng mga sapatos na ika nga ay “imported.” Ang nasabing pagbabalik ng Marikina-made shoes ay ginawang posible ng marketing manager ng Carmelletes Shoes na si Zarah Buenaventura. Tinaguriang “Queen of Shoemaking” ang Carmellettes noong 2012 dahil na rin sa ganda at kalidad ng mga sapatos na mula rito. Matapos ang pitong taon na pamamalagi sa Carmellettes, si Buenaventura na ngayon ang in-charge sa paglalabas ng mga bagong shoe designs at styles at siya ring nagpo-promote sa kumpanya sa pamamagitan ng kanilang official social media accounts.
Dahil na rin dito, muling umusbong ang industriya ng paggawa ng sapatos sa Marikina kung saan tanyag ang lugar. Bukod kay Zarah, meron ding ilang tubong Marikina na supplier din ng ilang kilalang brands ng sapatos gaya ni Madella de Leon na siyang marketing manager ng Lara Erika Shoe Manufacturing na supplier ng Rusty Lopez, Le Donne, Ohrelle, Parisian, Red Logo, at Salvatore Mann, base sa ulat ng inquirer.net.
T
ampok ngayon ang Davao International Airport at Kalibo International Airport o KIA bilang ika-anim at ika-walo sa listahan ng World’s Most Efficient Airports ayon sa Airport Council International o ACI. Sa kabuuan, umani ng 222.22 puntos ang Davao International Airport habang 211 puntos naman ang Kalibo International Airport. Nanguna naman ang Hong Kong International Airport o HKIA na may 264.6 puntos na sinundan ng Tokyo Airport na may 248.5 puntos at Dubai na 245.4 puntos na nasa ikatlong pwesto. Ibinatay ang nasabing scores ng mga airport sa traffic control at aircraft movement. Napag-alaman ding 2013 pa noong ikinasa ang pag-aaral, subalit nitong 2015 lamang lumabas ang resulta ng nasabing survey. Ayon sa chief ng Civil Aviation Authority of the Philippines-Kalibo na si Engr. Martin Terre, base sa ulat ng goodnewspilipinas. com, nasorpresa rin sila sa naging resulta ng nasabing survey, ngunit nagsilbi naman itong inspirasyon upang mas pag-igihin pa ang serbisyo ng KIA.
4
October 2015
Daloy Kayumanggi
Global Filipino
DEAR KUYA ERWIN
ang ofw sa japan at ang philippine flag
A
lam mo ba na ang Philippine Flag ay gawa ng mga Overseas Filipinos? Ang kauna-unahang bandila ng Pilipinas ay ginawa sa Hong Kong ng ating mga kababayan at dinala ni General Emilio Aguinaldo sa Pilipinas. Ayon sa website ng Malacanang Palace, unang ginamit ang bandila noong May 28, 1898 habang ang mga Katipunero ay nakikipaglaban sa mga mananakop na Espanyol. Noong June 12 ng taon din iyon, iwinagayway ang pambansang bandila sa Kawit Cavite sa panahon ng pagpapahayag ng ating kasarinlan.
Ang pambansang bandila ay simbolo ng isang bansa. Dahil dito, ang lahat ng mga Filipino ay dapat na gumalang at rumespeto sa Philippine Flag sa lahat ng oras. Mithiin nito na maisa-isip at maisa-puso ng lahat ang pagmamalaki sa ating bansa, at ang paggalang at pagrespeto sa ating inang bayan. Subalit, kung ikaw ay naglalakad sa kanto-kanto sa Japan at nakita mo ang Phiippine Flag, ano ang una na nasa isip mo? Ano ang nasa isip mo kung ang Philippine Flag ay nakita mo na naka-display sa gabi? Kung ikaw ay kagaya ko, malamang ang nasa isip mo ay ito ay Philippine club o Philippine restaurant. Marami din akong mga nakilalang Hapon na iba ang turing sa Philippine Flag na nakawagayway sa sulok ng mga inuman at kainan na lugar dito sa Japan.
Nakakalungkot isipin na ang gawa ng mga kagaya nating Overseas Filipino sa Hong Kong noong 1898 ay nabalewala at nilapastangan din ng kagaya nating mga OFW. Ang gawa nating OFW na dapat ay simbolo ng paghanga, respeto at pagmamahal sa ating bansa, ay tila nagiging simbolo ng kalakhang pang-gabi. Nakakalungkot isipin na tayo rin ang nagpapasama sa imahe ng ating banse. Ang bandila ng Pilipinas ay nagiging simbolo na ng katagang “paru-paro”. Ayon sa Republic Act 8491 o “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” lubos na ipinagbabawal ang pag-display ng Philippine Flag sa “discotheques, cockpits, night and day clubs, casinos, gambling joints and place of vice or where frivolity prevails” (Section 34d-3). Subalit walang tigil pa rin ang paggamit ng ating bandila para maging palatandaan o para mapromote na ang club o restaurant ay Filipino. Napansin ko ito sa Oita, Gifu, Osaka, Nagoya, Tokyo, Kanagawa, Saitama, Chiba at iba pang lugar na napuntahan ko. Malamang ikaw din ay nakakakita na nito.
Ano' ano pa nga ba ang ipinagbabawal na pag-trato at pag-gamit sa ating Philippine Flag?Ayon sa RA 8491 Section 34, ilan sa mga ito ay ang paglalagay ng kahit anong marka sa bandila (Section 34-f) o ang paggamit ng flag sa mga advertisement (Section 34-i). Narito ang mga pinagbabawal sa pag-gamit sa ating flag:
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
ni ERWIN BRUNIO
Mobile: 090-6025-6962 Email: erwin@daloykayumanggi.com Facebook: www.facebook.com/ebrunio Twitter: DaloyJapan Line: erwinbrunio Linkedin: erwinbrunio
Republic Act No. 8491 Flag and Heraldic Code of the Philippines Chapter 1-I. Prohibited Acts SECTION 34. It shall be prohibited
a. To mutilate, deface, defile, trample, on or cast contempt any act or omission casting dishonor or ridicule upon the flag over its surface;
b. To dip the flag to any person or object by way of compliment or salute; c. To use the flag:
1. As a drapery, festoon, tablecloth
2. As covering for ceilings, walls, statues or other objects;
3. As a pennant in the hood, side, back and top of motor vehicles; 4. As a staff or whip;
5. For unveiling monuments or statues; and
6. As trademarks or for industrial, commercial or agricultural labels or designs.
d. Display the flag:
1. Under any painting or picture;
2. Horizontally face-up. It shall always be hoisted aloft and be allowed to fall freely;
3. Below any platform; or
4. In discotheques, cockpits, night and day clubs, casinos, gambling joints and places of vice or where frivolity prevails.
e. To wear the flag in whole or in part as a costume or uniform;
f. To add any word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisements, or imprint of any nature on the flag;
g. To print, paint or attach representation of the flag on handkerchiefs, napkins, cushions, and other articles of merchandise;
h. To display in public any foreign flag, except in embassies and other diplomatic establishments, and in offices of international organizations. i. To use, display or be part of any advertisement of infomercial; and
j. To display the flag in front of buildings or offices occupied by aliens. Box 1: Ang mga ipinagbabawal tungkol sa Philippine Flag ayon sa Republic Act 8491.
Marahil iniisip mo na baka naman hindi lang alam ng mga tao na mali pala ang paggamit sa ating Philippine Flag. Subalit ayon nga sa batas, ignorance is not an exemption to the law. Ang hindi pagkakaalam sa batas ay hindi palusot upang makaiwas sa mga pinagbabawal ng batas. At ang pinaka-importante, dito makikita kung ang isang may-ari ng establismento gaya ng club, restuarant o iba pa ay may paggalang at respeto sa ating bansa.
Ang paggalang at pagrespeto ng mga Hapon at iba pang nasyonalidad sa atin at sa ating bansa ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Habang pinapakita at pinapayagan natin na ma-associate ng mga Hapon na ang Philippine Flag sa isang lugar ay simbolo na ito ay isang “Philippine” club o “Philippine” restaurant, mahihirapan tayong makakuha ng respeto sa ibang mga lahi. Kung tayo mismo ay walang paki sa ganito, hindi natin maaasahan na ang mga banyaga gaya ng mga Hapon ay magkakaroon ng respeto sa ating watawat. At maging sa atin bilang mga lahing kayumanggi. Karagdagang babasahin: 1. Republic Act no. 8491. Flag and Heraldic Code of the Philippines http://www.gov.ph/1998/02/12/republic-act-no-8491/ 2. The History of the Philippine Flag. http://malacanang.gov.ph/history-of-the-philippine-flag/
5
October 2015
Daloy Kayumanggi
Balita
Impormasyon ng Pilipino
Mula sa Pahina 1
John Alejandro: Global na Entertainer By Tokyo Boy (Mario Rico Florendo)
Mga Pinoy, nanguna sa scholarship programs ng European Union Mula sa Pahina 1
Ang mga nasabing EU Erasmus + Program ay maaaring
gamitin ng mga Filipino youth leaders upang ipagpatuloy ang kanilang MA at PhD programs sa iba’t ibang
unibersidad sa Europe. Kakaiba rin ang nasabing
scholarship program dahil maaaring mag-aral ang mga nasabing estudyante hindi lamang sa isa kundi sa iba’t ibang unibersidad na matatagpuan sa Europa sa loob ng isa o dalawang taong pamamalagi nila roon.
Simula pa noong 2004, mahigit sa 200 na ng mga
estudyante ang nakinabang sa Erasmus + Program. Bukod
sa tuition, sagot din ng nasabing program ang air travel ng mga estudyante at P138,000 na monthly living allowance, Then sa Cebu I had a chance to sing in Shakey’s (restaurant) with my new wave band. Doon na nagstart ang career ko! Hangga’t sumali na ako sa iba’t Ibang mga banda na may iba’t ibang genre.
Tokyo Boy: Ano po ang pinakamahirap na hamon niyo bilang performer dito sa Japan? Paano niyo ito nalampasan? John A: I used to live in Kyoto and my family was there but my work (from) 2007-2010 (was) in Roppongi so I went home every once a month lang po. Next is when I got my son JP (disabled/special child) from the Philippines to stay with me. Everyday putol-putol na tulog (ko) kasi (I was) singing every night in Yokohama 8 live house in kannai from 10PM-4AM. I sleep around 5 or 7AM then wake up 7:30AM to prepare for my son’s food then shower by 9am. I have to bring him to the bus stop going to school and go back in the afternoon at 2:30PM to pick him up from the bus point again. (It) was a challenging (daily) sched routine. Tokyo Boy: Para sa inyo, ano o sino ang Global Pinoy?Maaari niyo po bang maituring ang sarili niyo bilang isang Global Pinoy? John A: Ang Global Pinoy ay masipag, matiyaga, madiskarte, understanding, smart, friendly at No. 1 ang maka-Diyos! I’m trying to be one! Sa pagtatapos ng aming maikling panayam, hindi lang isang John Alejandro na singer at entertainer ang nakita ko, kundi isa ring John Alejandro na ama para sa kanyang anak at Pinoy na nagsisikap sa ibang bansa. Para sa mga gustong makapanood kay kuya John, abangan siya sa October 11, Sunday ng 12NN-5PM sa What’s the Dickens Bar sa Ebisu Tokyo. Ang event ay isang Fund Raising charity party para kay JP (special child), Boy Alpay, at Jyel Layug (musician/cancer patient).
ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com
Mga Pinoy na marunong mag-Nihongo, in-demand sa IT at BPO Mula sa Pahina 1
Dagdag ni Villanueva, tuluy-tuloy ang nasabing training at
hindi lamang pagsasalita ng Nihongo ang pinag-aaralan nila kundi maging ang paraan ng pagsulat nito.
In-demand na ngayon ang mga Pinoy na may Japanese-
speaking skills, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com, dahil na rin Nihongo ang gamit sa mga software systems na ginagamit ng mga nasabing kumpanya sa kanilang manufacturing at financial services.
Kung minsan umano, kailangan ding magpadala ng mga
Pinoy sa Japan upang mag-training, kaya naman kailangan nila ng mga empleyadong marunong nang magsalita ng
wika ng nasabing bansa dahil mas madaling masanay ang mga ito.
Bilang ng mga centenarian sa Japan, lumolobo
K
inumpirma kamakailan ng Welfare Ministry ng Japan na aabot na sa mahigit na 60,000 ang populasyon ng mga
centenarian o mga residente sa Japan na nasa 100 taong gulang pataas.
Ang partikular na bilang ng mga centenarian sa bansa
ay umaabot na sa 61,568. Ayon sa ulat ng ahensiya, 87 (Editor’s note: minsan nang may nagsabi na kung ilan ang Pinoy sa isang bansa ay ganoon din ang kuwento na maaaring maisulat tungkol sa kanila at para sa kanila. Ang Global Pinoy Special Feature ay sinimulan para ibahagi ang natatanging kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na nagsisikap mamuhay sa ibang bayan. Dahil ang kuwento nila, kuwento rin natin.)
percent sa mga ito ay mga babae.
DFA: Walang nasaktang Pinoy sa pagbaha sa Japan
M
atapos manalasa ang bagyong Etau,
kinumpirma ng Department of
Foreign Affairs (DFA) na walang nasaktang Pinoy sa Japan.
Si mismong DFA Spokesperson
Charles Jose ang nagkumpirma na wala silang natanggap na ulat ang Philippine Embassy sa Tokyo na may nasugatan
Dati rati, binibigyan ng gobyerno ng Japan ng mga o namatay. Matatandaang nanalasa ang pagbaha at pagguho ng lupa mamahaling regalo ang mga centenarian, ngunit ngayon, naghahanap na umano ng murang mga alternatibo ang sa ilang bahagi ng Japan bunsod ng bagyong Etau. gobyerno bunsod ng dumadaming populasyon ng mga ito.
Partikular na naapektuhan ng nasabing bagyo ang ilang
Si Yasutaro Koide, na ngayon ay 112 anyos na, ang mga residente ng bansa sa Joso, Kanuma, at Tokyo, ayon sa itinuturing ngayong pinakamatandang tao sa buong ulat ng bomboradyo.com. mundo.
6
October 2015
Editoryal
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Daloy Sorry ni Lina, Kayumanggi Sapat Ba? Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo (English,Tagalog) marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph
Aries Lucea Pido Tatlonghari Melbert Tizon Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.com
 www.facebook.com/daloykayumanggi
K
amakailan, naging la-
nagiging sanhi umano ito ng ilang in-
ng tawad ni Bureau
kanilang mga mahal sa buhay.
man ng balita sa Pilipinas ang paghingi
of Customs (BOC)
Chief Albert Lina. Ito'y hinggil sa isyu ng pagbubukas ng mga balikbayan
boxes na ipinapadala ng mga OFWs sa kanilang mga kamag-anak sa bansa.
Mabilis na lumaki ang isyu noong
nakaraang buwan, sapagkat, ayon sa
ilang OFWs, tila ba sila ang ginigipit ng gobyerno, samantalang marami
namang iba pang mga usapin na kailangang iresolba at pagtuunan ng
gobyerno. Isa pa, para sa mga OFWs, hindi umano makatwiran ang pagbubukas sa mga balikbayan boxes, sapagkat regalo nila ito sa kanilang
pamilya at simbolo ito ng kanilang mga pagsasakripisyo. Gayundin,
sidente ng pagkawala ng mga gamit sa loob ng box na sana ay para sa kaniMukhang may punto si Anthony
Guzman na tubong San Juan, Ilocos Sur
na ngayon ay OFW sa Al-Khobar, Saudi
Loreen Dave Calpito davecalpito529@gmail.com
Arabia. Ayon sa panayam sa kanya ng
kanyang ahensiya laban sa mga OFWs.
Ayon sa kanya, mukhang kinukuha
ng gobyerno. Bagama't itinigil ito,
bomboradyo.com, mukha umano hindi
Sadyang malaking usapin para
sinsero ang paghingi ng tawad ng BOC.
sa mga OFWs ang hakbanging ito
suporta ng mga OFWs sa iba't ibang
utan ng mga Pinoy na nagsasakripisyo
lang ng Liberal Party ang simpatiya o panig ng mundo para hindi makaape-
kto sa kanilang mga standard bearers sa susunod na eleksiyon.
Para naman kay Brigido Cabanting,
base pa rin sa nasabing ulat, hindi umano sapat ang paghingi ng tawad
ng BOC Chief sa mga OFWs upang
makalimutan ang nasabing hakbang ng
ERRATUM Napag-alaman namin sa Daloy Kayumanggi na nagkamali ang advertiser sa naibigay na contact number na 090-5364-2644 na lumabas sa pahina 16 nitong September issue. Ang tamang number ay “080-5364-2644.� Lubos kaming humihingi ng paumanhin.
mukhang hindi ito madaling makalim-
sa ibang bansa at nagtitiis na malayo sa kani-kanilang pamilya para mabigyan
ng magandang kinabukasan ang kanikanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Kung gustong bumawi ng admin-
istrasyon sa mga ito, tila kailangan nitong doblehin ang effort nito para maipakita na talagang may malasakit
ito sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Kailangan nitong palakasin ang mga programa nito na naglalayong protektahan hindi ang gipitin ang mga nagsasakripisyong Pinoy.
Isa pa, kailangan din nitong ipakita
na seryoso ito sa pagtugon sa ibang
mas mahahalagang usapin upang
maayos ang sistema sa gobyerno at masawata ang ilang mga tiwaling opisyales nito.
Doon lamang magkakaroon ng tu-
wid na daan.
7
October 2015
KA-DALOY
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
KA-DALOY OF THE MONTH Loreen Dave Calpito Email: davecalpito529@gmail.com
Myrna Tan-Yao: Patunay na ang mga Kababaihan ay maaaring maging matagumpay na negosyante
S
a isang pagsusuri na ginawa ng World Economic Forum, ipinakita na ang Pilipinas ang ika-siyam na pinakamabuting bansa para sa mga kababaihan. Ito ay sinasabing patunay ng ginawa ng gobyerno at ng ilang pribadong sektor na pagsuporta sa mga kababaihan, kabilang na ang kanilang pagpasok sa mga negosyo.
Isa sa mga itinampok sa Philippine Star si Myrna Tang-Yao, isa sa pinakamatagumpay na babae sa pamamahala ng negosyo. Parte si Myrna ng Go Negosyo at isa sa kanilang pinakamahalagang miyembro. Marami nang
pinuntahang Go Negosyo seminar si Myrna at ibinabahagi niya ang kanyang kuwento ng tagumpay. Maagang nag-umpisa ang pagpasok ni Myrna sa pagnenegosyo. Ang kanyang negosyo ay nagbebenta ng mga laruan na gawa ng Mattel toys, o mas kilala bilang kumpanya na may gawa ng Barbie dolls at Matchbox. Dahil sa kanyang tagumpay sa negosyo at patuloy na pagengganyo sa mga kababaihan sa pagnenegosyo, napabilang si Myrna sa libro na “50 Inspiring Stories of Women Entrepreneurs” at tunay namang nakaka-inspire ang kanyang kuwento.
kabilang tainga at ginawa ang lahat ng kanyang mga makakaya sa negosyo.
Bilang isa nang matagumpay na negosyante, kinomento ni Myrna ang pangarap na ang lahat ng kababaihan ay kayang umasa sa kanilang sarili, at may lakas ng loob na gamitin ang kanilang kakayahan sa mga bagay na kailangang pagdesisyunan. Mabibili na ang libro ni Myrna at umaasa siya na ang women empowerment ay magpaparami ng matagumpay na babaeng negosyante.
Ibinahagi ni Myrna ang ilan pa sa kanyang mga pangarap sa kanyang bagong libro na “The Gift of a Dream: The GREAT Women Project.” Ayon kay Myrna, ang pagkalathala ng libro ang isa sa kanyang mga pangarap na natupad.
Ikinuwento ni Myrna sa libro ang kanyang pagtatrabaho sa koprahan ng kanyang ama sa Camarines Sur. Bagama't ang negosyong ito ay pawang panlalaki lang, hindi napigilan si Myrna na ipakita ang kanyang galing sa paghawak ng negosyo. Marami sa kanyang mga katrabaho ang nagdadalawang-isip sa kanyang kakayahan. Pinadaan lamang niya ang mga komento sa
1広告で3つ媒体に掲載 より多くフィリピン人が閲覧 (Daloy Kayumanggi Photo Contest Winner)
1*Print (印刷): 3,000+ 一意のアドレス
2*ウェブサイト
4,600+毎月のページビュ
3*フェイスボック
2,400+ facebook ファン 5,400人 閲覧の平均
Daloy Kayumanggi Newspaper Job Advertisement Rate (新聞紙ダロイカユマンギーの求人広告)
For details, contact: D&K Corporation
03-5825-0188 / 090-6025-6962 (Erwin)
8
October 2015
Daloy Kayumanggi
STUDENT'S CORNER
Tamang asal sa hapag-kainan
K
ahit na kadalasa’y hindi naman inaasahan ang mga dayuhan na sumunod sa mga nakagisnan ng mga Hapon sa harap ng hapag-kainan, malaking respeto ang iyong makukuha mula sa iyong mga kaibigang Hapon kung susubukan mong gawin ang mga ito: Mga karaniwang kasabihan:
Bago kumain – “Itadakimasu” na literal na nangangahulugang “malugod kong tinatanggap (ang pagkaing ito).” Sinasabi ito kasabay ng pagdidikit ng iyong mga palad, ka-lebel ng iyong dibdib (na tila ba nagdadasal). Pagkatapos kumain – “Gochisou sama deshita” o “maraming salamat sa pagkain”. Kapag gumagamit ng chopsticks:
huwag itusok ang chopsticks sa pagkain.
huwag ipapasa ang pagkain mula sa isang chopsticks patungo sa isa pang chopsticks. huwag ipangturo o iwagayway ang chopsticks.
huwag gamitin ang chopsticks na pangtulak ng mga bagay sa hapag-kainan
huwag pagkiskisin ang dalawang chopsticks, maliban lang kung ito’y maraming talsok (splintery). Kapag nasa isang nomikai (beer/drinking party):
ALUMNI OF THE MONTH
Richard R. Navarro
Itinuturing na mabuting asal na ipagbuhos muna ng inumin ang iyong mga kaibigan, lalo na ang mga nakakataas sa iyo sa ranggo (boss, sempai, etc.), bago ang iyong sarili. Mabuti din na patuloy na bantayan ang kanilang mga baso at patuloy na buhusan muli ng inumin kapag ang laman ay nauubos na.
Sa simula ng kasiyahan, tandaan din na huwag munang iinom hangga’t wala pang inumin ang lahat ng kasali at hangga’t hindi pa nagbibigay ng kampai ang host ng party. And kampai ang nagsisilbing hudyat ng simula ng kasiyahan.
Okaikei o onegaishimasu – Maaari ko bang makuha ang bill/check? Tennai de – Dine-in
Mochikaeri – Take-out
Manseki – Puno o walang mauupuan Kitsuen – Smoking
Kin en – Non-smoking
Kapag kumakain ng ramen:
Pinakamasarap kainin ang ramen kapag ito’y bagong luto at mainit na mainit. Kapag kinakain ito, dapat ay hindi kinakagat o pinuputol ang noodle. Sa halip, higupin ito hangga’t maisubo nang buo, at mas mabuti kung gagawin ito kasabay ang maingay na paghigop dahil pinapakita nito sa host o sa naghain na lubos kang nasasarapan sa iyong kinakain. Iba pang mga kataga o pangungusap na pangkaraniwang ginagamit sa restaurant: Irasshaimase! Nanmei sama deshou ka? – Maligayang pagdating! Ilang tao sa inyong grupo? Isshou de yoroshii desu ka? – Iyon na ba ang lahat (kapag nag-oorder)?
Nomimono wa ikaga desu ka? – Gusto mo ba ng maiinom? Kakunin sasete itadakimasu – Uulitin ko lamang (ang inyong inorder).
Omizu kudasai – Maaari mo ba akong bigyan ng tubig? mula sa iba-ibang tradisyunal na pagkaing binuro (fermented food) sa 18 rehiyon ng Pilipinas. May research din ako tungkol sa development ng Flower Tea gamit ang mga bulaklak na likas sa atin tulad ng kamuning, rosal, sampaguita, niyog-niyogan, at iba pa. Pinag-aaralan ko rin ang paggamit ng biofilms bilang casing material ng ating traditional sausage (longganisa). Bukod sa mga pag-aaral na ito, mahilig din akong magsulat, magpinta, kumuha ng larawan/litrato, at maglibot sa iba-ibang lugar/bansa.
Associate Professor Institute of Food Science College of Agriculture UPLB, College, Laguna PHILIPPINES
Karanasan sa Japan Para sa akin, ang Japan ay katulad ng isang Swiss watch. Dapat palaging eksakto sa oras! Kitang-kita din ang pagkamoderno ng bansa at pagiging maayos nito. Sa kabila ng kaunlaran, kahangahanga na napapanatili nila ang natatangi nilang mga tradisyon. Natapos ko ang aking Masteral at Doctoral Studies sa Tokyo University of Agriculture, mas kilala bilang NODAI. Ang aking research mula 1994 hanggang 2000 ay nakatuon sa bacterial systematics ng genus Gluconacetobacter mula sa family Acetobacteraceae. Mula 2000 hanggang 2014, nagtrabaho ako bilang science editor ng MYU Inc., isang science publishing company sa Tokyo. Katulad ng maraming Filipino na nag-aral sa ibang bansa, ninais kong bumalik sa Pilipinas upang magsilbi. Umuwi ako noong nakaraang taon lang at bumalik sa academe matapos ang mahabang taong pamamalagi sa Japan. Sa kasalukuyan, ako ay Associate Professor sa Institute of Food Science ng UP Los Baños. Ang aking pananaliksik o research ay ang isolation at identification ng acetic at lactic acid bacteria
"Inspiring Global Filipinos in Japan"
Malimit na kumain ang mag-anak ni Dr. Richard sa sushi restaurant; isa sa mga huling pagkikita kasama ang mga kaibigan bago sila bumalik ng Pilipinas Kasama ang ilang miyembro ng AFSJ at estudyante ng iba’t ibang bansa na umakyat ng Mt.Fuji (August 2010). Karanasan bilang kasapi ng AFSJ Sumali ako sa AFSJ noong 1995 sa pagsisimula ng aking masteral study. Kasama ang aking asawa nitong mga huling taon, dinaluhan ko ang maraming Christmas parties na binuo ng grupo. Madalas namin itong isagawa sa Tokyo University (TODAI) Komaba Dormitory. Sumali ako sa AFSJ para mapalapit sa mga kapwa Filipinong mag-aaral sa Japan. Malaking bagay din na karamihan sa mga kasapi ng organisasyon ay malalapit kong kaibigan, kabilang na ang kasalukuyang chancellor ng UPLB, Fernando C. Sanchez Jr., na mas kilala ko bilang si Dindo noong mga panahon naming sa NODAI. Pinakamasayang karanasan ko sa grupo ay ang mahahabang gabi ng halakhakan during after-party bondings. Siyempre pa, ang umaapaw na mga pagkaing Pinoy sa mga pagtitipon at kasayahan.
Pangarap para sa Pilipinas 30 taon mula ngayon, pinapangarap ko ang Pilipinas bilang isang First World country. Naniniwala ako na mangyayari lamang ito kung tayo bilang isang bansa ay kayang manindigan at itaguyod ang edukasyon ng mga bata katulad ng ginagawa nila sa Japanmay disiplina, may respeto sa kapwa, may mataas na pagpapahalagang moral, may pagpapahalaga sa paglago ng kaalaman, at maigting na damdaming makabayan. Nakakahiya mang aminin na sa kabila ng pagturing sa atin bilang kaisa-isang bansang Kristiyano sa Asya, ang ating mga asal ay napakalayo kumpara sa mga Hapon. Para sa mga mag-aaral, sikaping matuto; matuto nang maraming bagay mula sa Japan. Napakaraming pwedeng matutuhan mula sa mga Hapon – maayos na sistemang pang-edukasyon, maayos na pakikisalamuha sa iba, maayos na serbisyong publiko, at maayos na pagtupad sa tungkulin/trabaho.
9
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
KONTRIBUSYON
Emosians instagram: emosians facebook: emostians frambroise like my page: emosians Yew “Eye” ibig kahulugan ay istablisasyon at kalakasan
Ehwaz, “Kabayo” letrang “E” ibig kahulugan ay pagtitiwala
Perb “Palayok” ibig kahulugan ay sugal, tyansa at misteryo
Mannaz, “Tao.” letrang “M” ibig kahulugan ay supporta
Algiz letrang “Z” ” ibig kahulugan ay depensa mula sa mga kaaway at pagsasakripisyon para sa mahal sa buhay
Laguz “Tubig” letrang “L” ibig kahulugan ay walang anyo o malabo
Sowilo, “Araw” letrang “S” ibig kahulugan ay tuktok ng tagumpay
K
augalian na nang Pilipino ang maniwala sa hula at ang pinakatradisyonal nito ay ang pagbasa ng kamay, tarot card, astrolohiya, numerolohiya at Feng shui. Ngunit lingad sa ating kaalaman ang pagbasa sa “runo” o runes. Ang Runes ay isang uri ng pagsulat ng sinaunang Aleman na ang bawat piraso ng bato ay may ideograpikong simbolo nagkakahulugan ng magaganap sa kinabukasan. Ang salitang “Runo” ay may ibig sabihin ay “letra” at “misteryo.” Mahigit kumulang 1500 taong nang nakararaan ay ginamit ito ng mga taga-silangang tribo ng mga barbaro at di kalaunang ay lumaganap sa bansang Inglatera at Scandinavia. Ngunit nang naging pangunahing relihiyon ang Katoliko sa bansang Alemanya ay kinonsiderang ito ay uri ng Satanismo kaya pinagbawal ito ngunit sa kasalukuyan ito ay naging uri na lamang ng panghuhula. Kinakailangan muna na maintindihan ang kahulugan ng bawat letra nito:
Fehu, “kastilyo” ibig kahulugan ay kayamanan
Gebo, “regalo” letrang “G” ibig kahulugan ay henerosidad
Uruz, “kapong baka” letrang “U” ibig kahulugan ay kalakasan ng kalooban
Wunjo, “kaligayahan” letrang “W” ibig kahulugan ay walang kasingtulad na kaligayahan
Thurisaz, “Higante” letrang “Th” ibig kahulugan ay panganib at paghihirap
“Hail” letrang “H” ibig kahulugan ay Meaning: yebe namuong ulan at destruksyon.
Ansuz, “Diyos na si Aesir letrang “A” ibig kahulugan ay prosperidad at vitalidad.
Naudhiz, “pangangailangan” letrang “N” ibig kahulugan ay pangangailangan o di napagtanggumpayang ambisyon.
Raidho, “Paglalakbay” letrang “R” ibig kahulugan paggalaw, trabaho at pag-unlad. Kaunan, “ulcer.” letrang “K” ibig kahulugan ay sama ng loob at kamatayan
Isaz, “Yebe.” letrang “I” ibig kahulugan ay ambiguo at contradiksyon Jera, “Taon” letrang “J” ibig kahulugan ay ani ng tagumpay
Tiwaz, “Diyos na si Tiwaz.” letrang “T” ibig kahulugan ay victoridad at honorasyon Berkanan, “Birch.” letrang “B” ibig kahulugan ay fertilidad, crecimiento at sustento.
Ingwaz, “Diyos na si Ingwaz.” Letrang “Ng” ibig kahulugan ay magandang pagbabago o simula ng magandang kaganapan Othalan, “Mana” letrang “O” ibig kahulugan ay tradisyon o nobilidad Dagaz, “Mga Araw sa isang lingo” letrang D ibig kahulugan ay pag-asa
Paano gamitin sa panghuhula ang Runes: • Iukit o isulat sa mga bato ang mga simbolo ng runes. • Ilagay sa isang supot na pula ang mga bato at ilagay ito sa iyong mga palad at ipikit ang mga mata ituon ang konsentrasyon sa mga bato at banggitin ang katanungan na ninanais ng puso. • Ang pagkatapos kunin ang mga bato paisa isa at ilagay ang mga bato sa ganitong posisyon ang bawat posisyon ay basahin ang mga nagsisimbolo ng kapalaran.
1. Nakaraan 2. Kasalukuyan 3. Hinaharap 4. Ang sanhi ng dahilan ng mga nagaganap 5. Ang mga harang o balakid 6. A t d a h i l d i t o k u sang mararamdaman o papasok sa isip o mga panaginip mo ang mga kasagutan ng iyong mga tanong.
10
October 2015
7 Simpleng paraan upang mapabuti ang iyong kalusugan
N
atural na sa tao ang makakaranas ng stress, subalit meron naman itong hindi magandang dulot sa katawan. Imbes na gumastos pa para sa mga gamot dahil sa kung anu-anong sakit na dala ng stress, mayroong pitong simple at madaling paraan upang mas mapabuti pa ang inyong kalusugan. Uminom ng mas maraming tubig. Ang pag-inom ng 8-10 baso ng tubig ay nakatutulong upang maiwasan ang mga sakit na gaya ng sakit ng ulo at puson at marami pang sintomas. Maglakad ng mabilis. Kung hindi mo kayang mag-
jogging, maglakad ka ng mabilis upang ma-exercise ang iyong mga kalamnan at puso. Lumanghap ng sariwang hangin. Kung meron kang pagkakataon na makalanghap ng sariwang hangin o oxygen sa pamamagitan ng pagbisita sa isang garden o parke, maglaan ka ng oras upang gawin ito. Hindi lamang ito nakakatanggal ng stress, positibo din ang dulot nito sa iyong kalusugan. Yakapin ang taong mahal mo. Sa tuwing niyayakap mo ang isang taong mahalaga sa iyo, naglalabas ang utak ng oxytocin, isang hormone na may kakayahang labanan ang depression. Kumain ng prutas at gulay araw-araw. Natural na mayaman sa antioxidants ang gulay at prutas na mainam panlaban sa mga sakit. Tumulong ka sa ibang tao. Ang paggawa ng mabuti
5 Pagkaing may healthy fats, alamin
P
ara sa mga nagda-diet, ang pagkain ng matataba at mamantikang pagkain ang pinaka-iniiwasan. Ngunit hindi lahat ng klase ng fats ay masama sa katawan. Sa katunayan, maraming mga pagkain na may healthy o good fats na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalusugan. Alamin kung anu-ano ang mga pagkaing ito at paano ito nakatutulong. • Avocado – mainam ang healthy fats ng avocado para sa puso, sa mga may osteoarthritis, at upang mas mabilis ma-absorb ng katawan ang mga nutrients. • Isda – mayaman ang isda sa omega-3 fatty acids na nakatutulong sa katawan at sa pagpapabuti ng ating puso. • Itlog – mayaman sa omega-3 fatty acids at protina ang itlog. Gayunpaman, isang itlog lamang kada araw ang
Produktibong pag-idlip, paano nga ba ginagawa?
M
ay mga pagkakataong inaantok ka pero natutuloy sa mahabang tulog ang dapat sana ay idlip lamang na gagawin mo. Minsan pa nga, imbes na maging malakas at alerto ang pakiramdam mo, nakararamdam ka ng sakit ng ulo at para bang ang bigat-bigat ng katawan mo. Maaari mong maiwasan ang mga ganitong pagkakataon sa pamamagitan ng produktibong pag-idlip. Pero paano nga ba ito ginagawa? 1. Huwag matulog nang walang alarm. Kung ayaw mong magising nang wala sa oras at hindi matapos ang mga dapat mong gawin, ugaliing mag-set ng alarm sa tuwing ikaw ay iidlip. I-set mo ito sa paraang makakakuha ka ng sapat na pahinga para mawala ang antok o pagod mo. 2. Huwag mahiga nang diretso. Kadalasan, natutuloy ang dapat sana ay idlip lang sa mahabang tulog dahil sa komportable ang katawan mo sa pagkakahiga ng diretso. Kung nais mong
A
nararapat mong kainin. • Olive oil – gaya ng mga seeds, mataas din sa good fat ang olive oil. Siguraduhin lamang na tama ang magiging konsumo mo nito. • Seeds – kung mahilig ka sa butong pakwan, butong kalabasa, buto ng sunflower o sesame seeds, ipagpatuloy mo lang ang pagkain. Nakatutulong ang mga ito sa pagpapababa ng cholesterol na masama sa katawan.
umidlip lang, mas mabuting gawin ito sa upuan o isang komportableng couch. 3. Umidlip pagkatapos mananghalian. Pinaakamadaling matulog nang busog kaya mas maiging mag-siesta pagkatapos kumain. 4. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina at calcium. Ang mga nasabing pagkain gaya ng oatmeal, yogurt, almonds, at iba pa ay nakatutulong upang mas madali kang maka-idlip. 5. Magpatay ng ilaw o mag-eye mask. Ang melatonin na nagpapabilis ng pagtulog ay nai-stimulate ng madilim na kapaligiran. Para mas madaling maka-idlip, magpatay ng ilaw o mag-eye mask.
Alamin ang iba't ibang nakakamanghang gamit ng saging minin mo man o hindi, malamang na kilala mo lang ang saging bilang panghimagas. Gayunman, hindi lamang pala pagkain ang saging. Marami rin itong nakamamanghang gamit gaya ng mga sumusunod. Exfoliation – maaaring gamitin ang saging at asukal upang maging exfoliating scrub para sa mas malambot at makinis na balat. Kagat ng insekto – alisin ang kati na dulot ng kagat ng mga insekto sa pamamagitan ng pagpapahid ng balat ng saging sa nakagat na parte ng katawan. Kulugo – mayaman ang saging sa potassium na nakatutulong din sa paggamot ng kulugo. Leather at silver polish – kung ayaw mong bumili ng mahal na mga leather at silver polish, maaari mong gamitin ang balat ng saging. Pampaputi ng ngipin – ipahid ang balat ng saging sa ngipin sa loob ng dalawang minuto bago magtoothbrush.
Daloy Kayumanggi
Personal Tips
Pampawala ng wrinkles – maaaring gawing anti-aging face mask ang saging sa loob ng tatlong beses sa isang linggo. Pasa, sugat , at gasgas – nakatutulong din ang potassium upang mas mapabilis ang paggaling ng mga sugat, gasgas, at pasa. Salugsog – maaaring gamitin ang balat ng saging sa pagalis ng salugsog dahil na rin sa mga natural enzymes nito.
"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
sa iba ay hindi lamang nakagagaan ng pakiramdam, tumutulong din itong palakasin ang iyong resistensiya ayon na rin sa pag-aaral dahil sa positibong pakiramdam na idinudulot nito. Magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap mo. Imbes na magmukmok ka at mag-reklamo, isipin mo ang mga bagay na meron ka at iyon ang ipagpasalamat mo sa araw-araw.
Mga subok na paraan upang maging produktibo ang bawat araw
K
ung nais mong mas maging produktibo ang iyong araw, hindi mo kailangang maging CEO o magkaroon ng mataas na posisyon. Estudyante ka man, may pamilya, o single, naririto ang ilang subok nang paraan upang gawing mas produktibo pa ang iyong mga araw. Gumawa ng routine sa umaga Kung nais mong maging positibo at maayos ang takbo ng buong araw mo, mag-set ka ng positive morning habits upang mai-kondisyon ang iyong sarili. Maaaring ang mga nasabing routine ay ang page-exercise, pagbabasa ng email, pagme-meditate, at iba pang nakare-relax na bagay. Mag-set ng priority Kadalasan, nauubos ang oras na parang walang nangyayari dahil nakakalimutan nating mag-set ng priority. Kung ganito nga ang kadalasang nangyayari, ilista ang mga bagay na dapat mo munang matapos. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang dapat mong unahin. Isa-isa lang Bagama’t mainam ang mag-multitasking, may mga pagkakataong kailangan mong mag-focus sa paggawa ng isang bagay lang. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang iyong trabaho. Iwasan din ang mga distraction na maaaring makasira sa focus mo sa trabaho.
Mag-break Walang trabahong hindi nakakapagod. Imbes na tuluytuloy kang mag-trabaho, maglaan ka ng oras para makapagpahinga. Sapat na ang 5 hanggang 10 minuto para rito. Time management Para malaman mo kung produktibo nga ba o hindi ang iyong mga araw, mag-lista ka ng mga bagay na ginagawa mo araw-araw. Lahat ba ng ginagawa mong ito ay nakatutulong? Kung hindi, magplano nang mas maaga upang magamit mo ang iyong oras sa mga mas makabuluhan pang mga bagay.
11
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
3 kakaibang paraan para paganahin ang iyong pagiging malikhain
M
ay mga trabaho talaga na nangangailangan ng iyong pagiging malikhain. Iyon nga lang, may mga pagkakataon na tila ba mahirap magisip at pairalin ang iyong pagiging natural na “creative.” Sa mga ganitong pagkakataon, narito ang ilang kakaibang paraan para muling buhayin ang iyong pagiging malikhain. Tumingin sa anumang asul o berde. Ayon sa pag-aaral, may epekto sa ating nararamdaman
Personal Tips ang mga kulay na ating nakikita sa ating paligid lalo na ang kulay asul at berde. Ayon sa mga eksperto, ang pagtingin sa mga bagay na asul ay nagbibigay kalayaan sa ating isip habang buhay at paglago naman ang kulay ng berde. Igalaw ang iyong mga kamay. Kung nais mong ipakita pa ng mas maigi ang iyong nais sabihin, sabayan mo ito ng paggalaw ng iyong mga kamay o gestures. Maaari ka ding mag-doodle, mag-stretching, mag-yoga o iba pang mga bagay kung saan maigagalaw mo ang iyong kamay. Yakapin ang rejection. Kadalasan, nagiging weird ang dating ng mga taong
Alamin ang 5 healing benefits ng lemon Kung hindi ka kumakain ng lemon o umiinom ng juice nito, maaaring magbago ang isip mo kapag nalaman mong hindi lang isa, kundi marami pang magandang naidudulot ang pagkain ng lemon o pag-inom ng juice nito sa iyong katawan. • Panlaban sa cancer. Mayaman ang lemon sa anticancer compounds na tumutulong patigilin ang pagdami ng cancer cells sa katawan. • Ubo at sipon at iba pang sakit. Sikat ang lemon pagdating sa paglaban sa ubo, sipon, at flu dahil na rin mayaman ito sa vitamin C at flavonoids na tumutulong labanan ang mga sakit. • Liver detoxifier. Mabisang detoxifier o panlinis ng atay ang isang basong tubig na hinaluan ng fresh lemon juice. • Anti-viral. Bukod sa mga karaniwang sakit, anti-viral
din ang lemon dahil sa terpene limonoids na taglay nito na lumalaban sa iba’t ibang klase ng virus sa katawan. • A l l e rg y a t d i a b e te s . M aya m a n a n g l e m o n s a hesperetin, isang phytonutrient upang maiwasan ang mga sintomas ng allergies. Mabisa din ang nasabing phytonutrient sa pagpapababa ng blood sugar levels para sa mga diabetic.
Usapang Inumin: Ano ang nakatutulong at hindi?
P
agdating sa pagda-diet, marami sa atin ang talaga
namang nakatingin sa ating kinakain, ngunit hindi sa ating inumin. Ayon sa pag-aaral na ginawa sa Amerika, may mga inumin na dapat mong inumin at meron din namang dapat mong iwasan. Dapat inumin Tubig – ang pag-inom ng dalawang baso ng tubig bago kumain ay nakatutulong upang mas madali kang mabusog. Nakatutulong din ito sa iyong metabolism. Natural fruit juice – kung nais mong makuha ang lahat ng vitamins, nutrients, at antioxidants ng prutas, mabisa ang pagju-juice sa mga ito. Iwasan lamang ang pagbili ng mga processed fruit juice dahil paniguradong punung-puno rin ito ng sweeteners. Black coffee – bukod sa walang calories ang kapeng barako, mayaman din ito sa antioxidants at nakatutulong para maimprove ang focus at mood ng isang tao.
Paano ba dapat magehersisyo?
A
ng ehersisyo ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang panatilihing malakas at aktibo ang katawan. Sa kabilang banda, marahil ay magdalawang-isip kang mag-ehersisyo ng agaran lalo na’t kung matagal mong nakaligtaang gawin ang bagay na ito. Para sa mga nais mag-ehersisyo at nagbabalak mag-ehersisyo, narito ang ilang exercise tips na maaari niyong gawin upang palakasin ang inyong katawan. Aerobic exercise. Ang mga exercise gaya nito ay tinatawag din cardio exercises dahil pinapabilis nito ang tibok ng inyong puso at nakatutulong magpababa ng blood pressure. Ilan sa mga exercise na ito ay ang pagja-jogging, pagtakbo, paglakad, jumping rope, pagbi-
malikhain. Pero imbes na malungkot ka, dapat mong yakapin ang rejection ng tao sa iyong mga ideya at isipin na iba ang naging pagtanggap nila dito dahil magkaiba kayo ng ideya.
Green tea – gaya ng kape, calorie-free din ang green tea at
napatunayang nakatutulong sa pag-i-stimulate ng weight loss. Dapat iwasan Energy drinks – bagama't nakatutulong ang mga energy drinks kapag ikaw ay na-dehydrate, meron ding sugar content ang mga ito na matatagpuan din sa soda. Anumang processed o “fancy drinks” – sa oras na bumili ka ng inumin sa restaurant – mapakape man, smoothie, o anupamang ‘fancy’ – asahan mo na ang kaakibat nitong calories. Mas maigi pa rin na ikaw na lamang ang gumawa ng inuming gusto mo gaya ng smoothie para naman mas healthy.
Paano ba maiwasan ang emotional eating?
N
ormal na sa tao ang ma-stress. Yun nga lang, madalas na binabago ng stress ang appetite ng tao. ‘Emotional eating’ kung tawagin ang pagkain
ng sobra o kulang kapag nai-stress.
Binabago din ng stress ang panlasa kaya kadalasan, mas gusto nating kumain ng potato chips at cookies kaysa mga masusustansyang pagkain.
Paano nga ba maiiwasan ang emotional eating na dulot ng stress?
Makipag-usap sa kaibigan. Pwede mo ring kausapin ang sinumang malapit sa iyo upang maibsan ang iyong problema. Mas nakaka-stress para sa katawan ang
masyadong madaming emotional baggage. Mahalaga na meron kang kaibigang mapagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng iyong problema.
Magbasa o makinig ng music. Likas na nakakabisekleta, o pagsayaw. Strength traning. Ang mga exercise naman na ito ang tumutulong upang pagandahin ang hubog ng iyong katawan at palakasin ang iyong mga kalamnan. Isa sa pinakambisang strength training ay ang pagwe-weights or paggamit ng resistance bands. Kung magsisimula ka palang mag-ehersisyo, mabuting hinay-hinay ka lang muna upang hindi mabigla ang iyong puso at katawan. Dapat mo ding unti-untiin ang pag-eexercise hanggang sa masanay ang iyong katawan.
relax ang pakikinig ng musika lalo na ang iyong
mga paboritong awitin. Iwasan lang makinig sa mga nakakalungkot na tugtog. Maaari ding magbasa ng
mga jokes, nakakatuwang bagay, o anupaman na magi-inspire sayo.
Maglakad. Minsan, kailangan mo lang ng panahon para sa iyong sarili. Magandang exercise ang
paglalakad, hindi lamang iyon, magkakaroon ka rin ng panahong isipin ang mga bagay-bagay.
Mag-meditate. Ang pagyo-yoga ay isa sa mga
mabisang paraan para maiwasan ang stress dahil matututo ka ng mga breathing techniques at exercises upang kalmahin at payapain ang iyong sarili.
Mag-exercise. Hindi mo kailangang mag-gym para makapag-exercise. Ang paggawa ng gawaing bahay o
anupamang physical activity ay nakapagre-release ng
endorphins, ang hormone na tumutulong para maging magaan at masaya ang iyong pakiramdam.
12
Ads
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
13
14
August 2015
Global Filipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
15
October 2015
Daloy Kayumanggi
Travel
"Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Slice of Mango, Slice of Life Aries Lucea Email: arieslucea@daloykayumnaggi.com www.daloykayumanggi.com
P
agkatapos ng masaya ngunit magastos na family vacation sa Pilipinas at Cambodia noong nakaraang Chirtmas and N e w Ye a r h o l i d a y, kelangan maghigpit ng s i n t u ro n s a p a g ga s to s nitong summer break, kaya naman minabuti naming pumirmi lamang sa Osaka. At hindi naman kami nalungkot sa aming pamamalagi sa Osaka nitong bakasyon, ang dami namin napuntahan at nadiskubreng bagong lugar, na lubos naming kinasaya.
OSAKA STAYCATION MT. INUNARI AND FALLS
TSURUMI RYOKUCHI POOL
Syepre hindi kumpleto ang summer vacation kung walang swimming trip ang mga bata. Kaya naman sa murang halaga talaga naman masisiyahan ang mga bata at pati na din ang mga magulang sa Tsurumi Ryokuchi Water Park. May mga indoor at outdoor swimming pools ang water park na ito. Nandyan na ang wave pool, lazy (sleeping) river, meron pang giant at paikot-ikot na water slide at madami pang attractions na ikatutuwa ng mga kiddies. Pwede ka din mag relax sa jacuzzi at sauna.
YMCA MOUNTAIN ROKKO CAMPSITE
TENNOJI NIGHT ZOO
Sumali ako at ang aking anak sa English camp ng YMCA na ginawa sa Mt. Rokko campsite. Napakagandang tanawin at talaga namang pinaghandaan at binigyan ng lubusang pansin ang summer camp na ito. Ito ay taunang summer camp na dinadaluhan ng madaming kabataan sa elementarya. Ang camp na ito at sinalihan ng humigit sa 30 kataong camp leaders mula sa iba't ibang bansa at unibersidad sa buong mundo through YMCA's Global Encounter Program. May mga participants na galing sa Australia, Korea, Taiwan, Hong Kong, USA, Canada at maging sa Colombia. Kami ng aking anak ay nag enjoy sa camp trails, camp songs, canoeing at higit sa lahat ang napaka saya at napaka gandang camp fire experience na pinaghandaan ng mga international camp leaders and volunteers.
Ito ay lubusang kinagulat at kinasaya namin dahilan sa talagang naman ito ay isang napakagandang off track tourist spot na hindi pa kalayuan sa aming tirahan. Ang Inunari ay hindi masyadong sikat na tourist spot ngunit isang sacred religious site na pinupuntahan ng mga deboto at nililiguan ang pinakatuktok ng falls as a cleansing ritual. Madaming mga mababaw na falls na may malinaw na mga pools na napakasarap liguan. Ang aking pamilya kasama ang ilang mga kaibigan ay nagpunta dito, dala ang madaming masarap na lutuing Pinoy at nag-picnic at nag-swimming sa malamig at napaka linis na tubig ng Inunari san. Sa mga nais mag-overnight may ilan mga onsen resorts din dito. Maaring marating ang Inunari Yama lulan ang Nankai Bus, mga 15 minutos mula Otori Station.
In celebration ng 100 years ng Tennoji Zoo, binuksan nila ang kanilang pinto for night zoo. Mapalad kami dahil ito ay limited engagement na tumakbo lamang ng mahigit isang linggo. Magandang experience makita ang mga hayop sa zoo in a different light or time of day. Dahil na din siguro sa mas malamig na panahon na dulot ng dapit hapon, mas masigla ang mga hayop. Isang magandang karanasan masaksihan ang mga hayop na tila napaka komportable at tila nagbubunyi sa pagbaba ng sikat ng araw. ..........Hindi kelangan maging magastos ang summer vacation. Kelangan lamang ay magresearch nang maigi sa mga off track sites o mga free or cheap events happening in your city at syempre kung sama-sama ang pamilya mas magiging masaya ang summer vacation !!!
16
October 2015
Global Pinoy
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
ATTENTION!!! for Filipinos Living in Kansai Area
"Consultation Service Day for Foreign Residents" organized by Higashiosaka City Hall will be held on
November 3
(Tuesday/Holiday) 10:00 ~ 15:00
Location: Fuse Ekimae Shimin Plaza@Higashiosaka City (5th floor of AEON, in front of Fuse station, Kintetsu Nara or Osaka Line)
CONSULT YOUR PROBLEMS SUCH AS; Visa Citizenship Job Pension National Health Insurance Social insurance Welfare (Public assistance) Health concerns Child’s future carrier (Student loan system) Disaster prevention Information about child-rearing and daily living (Public housing)
*Interpreter in Filipino is available *Free of Charge, Confidential and No reservation! Contact: International Information Plaza Tel: 06-4309-3311/Fax: 06-4309-3823 e-mail: bunkoku.plaza@city.higashiosaka.lg.jp
17
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Community Event
PHILIPPINE FETIVAL 2015
道頓堀盆踊り大会の写真を送ります
18
October 2015
Announcements
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
19
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
PANGIT INAY: Ba’t ka umiiyak? BERTING: Si kuya po sinabihan ako PANGIT! INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo? JUAN: ‘Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!
BUSINESSWOMAN Lola: Ineng palimos naman. Girl: Lola bakit po dalawa lata nyo? Lola: Ineng, as a business woman we should think on more ways on how to develop our business. That’s why instead of associating the money I got for my daily expenditures, I invested it by putting up another branch. IPIS CHALK AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes mam! Nagsulat si Inday sa pader: "EPES, MAMATAY KAYO! LOVE, ENDAY"
NAMUTLA Tindera: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis. (Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.) Mamimili: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo. Tindera: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!
LIBRA Set. 24 - Okt. 23 Sumunod sa iyong superior bilang parte ng iyong tungkulin. Iwasan ang pagiging masungit at makasarili kung ito ang iyong kasalukuyang ugali. Maging magpasensiya at iwasang magalit upang maging maayos ang linya ng iyong swerte. Masuwerteng numero: 6, 13, 40. Masuwerteng kulay: silver gray. SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22 Iwasang makipagtalo at isipin kung ikaw ay nasa katuwiran o wala. Walang maidudulot na mabuti ang pakikipagtalo at magiging isang malaking gulo lang ito. Libangin ang sarili upang makapag-isip nang maayos. Masuwerteng numero: 3, 22, 39. Masuwerteng kulay: white. SAGITTARUIS Nob. 23 - Dis. 21
Ingat sa mga sikretong itinatago sa iyong kasintahan o ka-partner. Likas siyang mapaghinala at maaaring malaman niya ito sa mga susunod na araw. Ibahin ang araw ng iyong date. Masusunod ang iyong hiling at magiging mabuti rin ang pasok ng pera. Masuwerteng numero: 8, 13, 33. Masuwerteng kulay: beige.
SA LABAS... Sa Opisina... VICE: Ipasok mo nga dito yung mga papeles ko. ASSISTANT: Sa loob po? VICE: Hindi sa labas, ipasok nga ‘di ba? Pwede bang ipasok sa labas. Sige subukang mong ipasok doon sa labas! ASAWA Mister: (nagbabasa ng diyaryo) Ayon dito sa survey, ang lalaking may asawa ay mas mahaba ang buhay kaysa lalaking walang asawa. Misis: Kaya pasalamat ka at napangasawa mo ako. Mister: Kaya dapat humanap ako ng isa pang asawa para mas humaba ang buhay ko! 3 MEALS A DAY Sa ospital... Doc: Iha, mukhang pumapayat ka at hinang hina pa. Sinunod mo ba advice ko na 3 meals a day? Girl: Diyos ko! 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day eh! IPAUBAYA SA ITAAS Babae: Baka magbunga ang pagkakasala natin, Padre. Natatakot ako. Pari: Ipaubaya natin ang lahat sa nasa itaas. ‘Di niya tayo pababayaan. Sakristan: Hoy, huwag nyo akong idamay diyan at naglilinis lang ako ng kampana dito sa itaas!
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Matutong irespeto ang mga kasama sa bahay. Hanapin sa iyong puso ang pagtulong sa kapwa at iwasang magbitiw ng mga masasakit na salita. Masuwerteng numero: 2, 20, 36. Masuwerteng kulay: old rose. AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19 Ito ang tamang pagkakataon upang maibida ang katalinuhan at kakayahan sa iyong trabaho. Sipag at tiyaga lang ang kailangan mo upang makaahon maski gaano pa kahirap ang buhay. Masuwerteng numero: 3, 5, 24. Masuwerteng kulay: light blue. PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Ito ang tamang panahon upang makipag-ayos sa isang taong nakasamaan ng loob. Magiging maayos din ang pasok ng pera para sayo. Masuwerteng numero: 8, 17, 32. Masuwerteng kulay: orange.
MAINTENANCE PERSONNEL Misis: Hello, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko tatalon sa bintana! Bilis! Administrator: Ma’am bakit po maintenance? Misis: Eh ayaw MABUKSAN ng bintana! I'M SERIOUS Erap went to emergency room... Erap: Doctor! Doctor! I swallowed a bone Doctor: Are you choking? Erap: No, I’m serious! ‘Wag Makialam!
ISANG BABAE ANG NASA GILID NG ROOFTOP... PULIS: Miss huwag! May solusyon ang lahat ng problema! BABAE: Huwag kang makialam! Di ako maka-SEND! ANNIVERSARY Misis: Hon, anong gift mo sa akin sa silver anniversary natin? Mister: Dadalhin kita sa China. Misis: Wow, ang sweet naman. E, sa golden anniversary natin? Mister: Susunduin na kita.
ISANG LITRONG COKE Amo: Inday, ilang liter meron sa isang litrong coke? Inday: 4 liters po. Amo: Sigurado ka? Inday: Upo, ati, Liter C, liter O, liter K, liter
ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Hindi angkop ang panahon upang baguhin ang mga dating plano. 'Wag pakinggan ang sulsol ng iba at isipin ang tingin mong makabubuti sa'yo at sa ibang tao. M a s uwe r te n g n u m e ro : 3 , 5 , 4 0 . Masuwerteng kulay: yellow. TAURUS Abr. 21 - May. 21
E. Di ba 4 liters yun? TUBIG ILOG Sosyal, nakiinom sa baryo... GIRL: Where galing your water? LOLA: Sa ilog iha! GIRL: Eeww, NAIINOM ba yan? LO L A : N a s a iyo i h a ku n g g u s to m o NGUYAIN! TANONG SA SARILI Mister: Ayon dito sa survey, marami sa m a ga n d a a t m a t a l i n o n g b a b a e a n g nakakapag-asawa ng tamad na lalaki. Bakit kaya? M i s i s : M a t a g a l ko n a n g a r i n ya n g tinatanong sa sarili ko eh! MUKHANG ARTISTA J UA N : M ay ka - eye b o l a ko m a m aya , kamukha raw niya na celebrity ""SH"" simula ng name! FRANK: Wow, baka SHARON o SHAINA! Pagkatapos ng eyebol... FRANK: Bat ka malungkot? JUAN: SHREK! SOULMATE Anak, pang-ilang Soulmate mo na ba yan? Napakalandi naman ng kaluluwa mo. Paki-Explain. Labyu DOCTOR JUAN: Pare nasaksak ako! Mauubusan na ako ng dugo! Please call me a doctor, call me a doctor! PEDRO: OK! YOU'RE A DOCTOR! DOKTOR KA Juan!
mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Magkakaroon ka ng pagkakataon na makakilala ng bagong kaibigan mula sa isang dadaluhang pagtitipon. Madali kang magkakasakit kaya iwasang magpaulan o matuyuan ng pawis. Maaari ka ring makatanggap ng ilang impormasyon sa iyong negosyo o trabaho. Masuwerteng numero: 16, 30, 36. Masuwerteng kulay: peach.
LEO
Hul. 23 - Ago. 22
Taglay mo ang lakas na m a a a r i n g m a k a t u l o n g s a iyo n g kaibigan mula sa isang mabigat na suliranin. Ipakita ang iyong natural na estilo at kakayahan sa mga gawain o trabaho. Masuwerteng numero: 6, 28, 34. Masuwerteng kulay: green.
Palakasin ang loob sa posibleng sasalungat sa iyong plano o panukala. Nakataya ang iyong kakayanan kaya kailangang patuloy na magpasensiya at iwasang magalit. Isipin na isa itong pagkakataon upang makakuha ng bagong karanasan. Masuwerteng numero: 7, 40, 41. Masuwerteng kulay: white.
GEMINI May. 22 - Hun. 21
Ago. 22 - Set. 23 Ituloy ang planong pagtatapat ng saloobin dahil walang sasalungat sa mga gusto mong ipahiwatig. Maging positibo at patuloy na magdasal upang para sa ikagaganda ng iyong relasyon sa isang bagong kakilala. Masuwerteng numero: 5, 10, 14. Masuwerteng kulay: red rose.
May makabuluhang regalo kang matatatangap ngayon. Natural na matalas ang iyong isipan kaya samahan mo ito ng tiyaga sa pag-aaral ay tiyak na tataas ang iyong grado o makakatulong sa iyong trabaho. Masuwerteng numero: 4, 28, 30. Masuwerteng kulay: jade green
VIRGO
20
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Gilas, sa Cebu ang huling linggo ng pagsasanay
T
ahimik na kukumpletuhin ng Gilas Pilipinas ang kanilang huling linggo ng training sa Hoops Dome sa Cebu. Ayon sa ulat ng Philippine Star, sa Cebu magsasanay ang koponan sa loob ng limang araw upang malinis ang kanilang laro, siguraduhing nasa kundisyon ang kanilang katawan, at magkaroon ng panahon na makapag-bonding sa isa't isa. Ang gaganapin na 2015 FIBA Asia Championship ay nakatakdang isasagawa mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3. Kailangang nasa kundisyon ang Gilas bilang isa sa 16 na koponang maglalaban-laban para sa
titulo. Ani Tab Baldwin, coach ng Gilas, nais niyang maiuwi ng Pilipinas ang ginto upang mas maengganyo ang mga Pilipino na panoorin ang susunod na laban nila para sa Olympics. Bagamat pinag-aaralan pa ng coach kung paano pagsasama-samahin at bubuin ang indibidwal na galing ng Gilas members, ipinangako naman ni Baldwin na hindi sila magpapabaya sa training. Pasan ni Baldwin at Gilas ang pag-asa ng mga Pilipino na muling makabalik sa Olympics sa unang pagkakataon simula nung 1972 Munich Games.
Maroons, ginulat ang Archers sa ikalawang panalo
I
SPORTS UPDATE sasagawa ng Real Madrid Foundation, ang foundation ng Real Madrid, ang kanilang rolling foot-
at CEO ng Cebuana Lhuillier, ikinagagalak ng kumpanya
ball clinics ay bunga ng Memorandum of Agree-
pagkakataon ang mga Pilipinong manlalaro na makalaban
ball clinics para sa 16 na rehiyon ng Pilipinas.
Iniulat ng Philippine Star na ang nasabing foot-
ment (MOA) sa pagitan ng PinoySports Foundation at
Real Madrid Foundation, na siyang pipirmahan sa Madrid, Spain.
Ang magiging representante ng PinoySports Founda-
tion para sa signing rites ay sina dating Senate and UP
president Edgardo Angara kabilang si Kevin Tan, executive director ng Alliance Global, Inc., bilang trustee.
Layunin ng rolling clinics na ipakilala ang football, na
G
Ayon kay Jean Henri Lhuillier, kasalukuyang presidente
siyang pinakapopular na sports sa buong mundo, mga Pi-
ang muling pagsuporta sa PCA Open, lalo na ngayong taon bilang internasyonal na laban. Bibigayan daw nito ng ang ilan sa pinakamagagaling na manlalaro mula sa ibang bansa.
Bukod sa Cebuana Lhuillier, ang ibang sumusuporta
sa event na ito ay ang The Philippine Star, Dunlop, Head, Puma, Representative at boxing star Manny Pacquiao, at Compass/IMOSTI.
Pinakamalaking dive show sa Pilipinas, umabot sa 80M ang bookings
ipino at maengganyo ang lahat na maglaro ng football. inulat ng UP Maroons ang La Salle Archers matapos nitong masungkit ang ikalawang panalo sa 78th UAAP men's basketball
tournament na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Ayon sa ulat ng Philippine Star, ang ikalawang panalo
ng UP Maroons ay nagtapos sa puntos na 71-66. Ito ang unang beses na nakamit ng UP ang 2-0 na team standing
Ang clinics ay pamumunuan ng tatlong visiting coaches
na pupunta sa Pilipinas upang i-mentor ang 18 coaches at 180 estudyante sa NCR. Anim na coach at 60 estudyante
naman mula sa Baler Aurora ang makakasali sa mentoring program para sa clinics.
Una nang ipinangalat ang football clinics sa China at Ja-
pan sa ilalim ng pamamahala ng foundation.
Tierro, inumpisahan na ang paghahanda para depensahan ang titulo sa PCA Open
sa loob ng sampung taon.
Nanguna si Anton Manuel sa pagkolekta ng puntos
para sa panalong ito ng Maroons matapos makakuha ng 14 puntos sa buong laro.
Huling nanalo ang nasabing unibersidad laban sa DLSU
nung 2009 sa umpisa ng season.
Bago matalo ang Archers, nagharap muna ang Maroons
at Warrios sa pagbubukas ng 78th season, kung saan nanalo rin ito sa puntos na 62-55.
Rolling Football Clinics ng real Madrid, isasagawa sa Pilipinas
I
numpisahan na ni Patrick John Tierro ang kampanya para mapanatili ang kanyang titulo sa 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-
Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA open court sa Paco.
Ayon sa ulat ng The Philippine Daily Inquirer, inaasahan
ng 30-anyos na tennis player ang mainit na kumpetisyon
sa men's singles division. Napabalitang sumali rin sa
event na ito sina Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara, na siyang may kanya-kanyang panalo at titulo.
B
agama’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglunsad ng dive event sa Pilipinas, ang Dive Resort Travel o DRT Philippines Show 2015 ay humakot ng humigit sa 80M piso sa booking ayon sa isang tourism of-
ficial. Ang nasabing event ay ginanap sa SM Megatrade Hall sa Mandaluyong City noong September 11-13 ay inorganisa ng LX Development Group o LXDG kasama ang Department of Tourism, Tourism Promotions Board, Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, Balicasag Island Dive Resort, at iba pang local at international dive associations, scuba diving equipment suppliers, resorts, hotels, maging mga airline. Layunin din ng nasabing event bukod sa dive show ang magsagawa ng workshop at seminar, familiarization tours, photo gallery, travel exchange, at iba pang events. Kabilang sa 2,000 dumalo ang mga dive enthusiasts, international dive exhibitors, marine conservationists, na galing sa iba’t ibang bansa sa Asya, Europe, at North America. Ipinakilala din sa nasabing event ang ilan sa mga sumisikat ng diving sites sa Pilipinas gaya ng Moalboal at Malapascua Island sa Cebu, Anilao sa Batangas, Dumaguete, Negros Oriental, Tubbataha Reef, Puerto Galera, at Coron sa Palawan, at ang Oriental Mindoro.
21
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
N
Vic Sotto, nag-propose kay Pauleen Luna para hindi maunahan ng "AlDub" gayong sikat na sikat
kanyang engagement ring.
hindi rin nagpahuli si
ang simpleng diamond ring ni Pauleen
na ang Kalye Serye ng Eat Bulaga na “AlDub,” Bossing Vic Sotto.
Kamakailan lang, pabirong sinabi
ni Bossing na gusto lang niyang makasiguro na hindi siya mauuunahan ng
Aldub, kaya naman nag-propose na siya sa longtime girlfriend na si Pauleen Luna.
Nito lamang September 2, kinum-
pirma ni Bossing na talaga ngang
engaged na sila ng girlfriend na si Pauleen. Kasunod nito ay nag-post si Pauleen sa Instagram ng picture ng
Sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA
News, tinatayang nasa 1.5 to 2 carats na nagkakahalaga daw ng mahigit sa isang milyon dahil pumapalo ng
Wala pang gaanong detalye ukol sa
magiging kasalan ng dalawa pero sa ngayon, dagsa ang mga bumabati sa newly-engaged couple sa social media.
kalahating milyon ang presyo ng mga singsing kada isang carat.
Ayon pa nga sa jewelry expert na
si Mrs. Imelda Villacorta na may 60
taon nang karanasan, na inilathala sa GMA Network website, "Mahirap pang
hanapin, usually kasi ang mga gani-
tong magagandang quality sa ibang country napupunta, hindi dito sa Pilipinas."
Rufa Mae Quinto, pinayuhan ang mga taong maging maingat sa pagpili ng doktor
aktres, inamin nitong nakuha niya ang
mga kumplikasyon at infections dahil
na rin sa apat na maling operasyon
niya sa plastic surgery. Idinagdag pa ng aktres na hematoma nga ang naging dahilan kung bakit nawala siya sa showbiz.
Ayon sa aktres, base sa ulat ng gma-
network.com, ibinahagi niya ang mga
K
amakailan lamang, kumalat ang mga pictures ng aktres na
si Rufa Mae Quinto sa
social media na nag-
papakita ng malalaki niyang pasa sa katawan.
Aldub at Yaya Dub, nagkita na rin sa wakas
litrato at video kung saan umiiyak siya dahil sa sakit upang matulungan Sa nakalipas na taon, nanatiling ta-
himik ang aktres ukol sa kanyang totoong sitwasyon pero nito lamang huli, tinapos na niya ang pananahimik
matapos i-post ang mga nasabing litrato sa social media.
Sa Instagram post na i-shinare ng
na rin ang ibang tao. Magaling na raw
si Rufa Mae ngayon at pinayuhan din niya ang ibang tao na maging maingat
sa pagpili ng plastic surgeon upang maiwasan ang kumplikasyon.
Para kay Rufa Mae, naniniwala si-
yang “may pag-asa pa” para sa mga
taong nakaranas din ng kanyang experience.
W
ala na nga yatang makapipigil pa sa pagsikat ng Eat Bulaga love team na "Aldub." Matapos umabot sa record-breaking na 5 million tweets ang kasikatan ng dalawa, sinundan naman ito ng kanilang pagkikita. Talaga namang milyun-milyong manonood ang nag-abang sa pinaka-inaantay na episode ng Kalye Serye, ang pagkikita ni Alden Richards at Yaya Dub. Iyon nga lang, naging panandalian lamang ang saya ng dalawa sa kanilang pagkikita dahil sa dingding na ibinagsak ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa pagitan ng dalawa. Bukod sa mga simpleng mamamayan na sumusubaybay sa kalye serye, hindi rin naman nagpahuli ang ilang celebrities sa panonood ng nasabing pagkikita nina Alden at Yaya Dub sa tamang panahon. Bago pa man matapos ang serye, nag-post na ang ilan sa mga fans ng kanilang mga reaksyon sa social media. Inulan ng comments sa Facebook ang nasabing pagkikita ng dalawa na talaga namang kilig to the bones. Katunayan, marami ang halos hindi “maka-get over” sa naging pagtatagpo ng dalawa na sinabayan pa ng tilian.
AlDub, may panibagong record breaker sa Twitter
Boy Abunda sa pagtatapos ng Startalk: "It's painful. Nasasaktan po ako."
N "Ang sakit-sakit pong isiping mawawala na ang Startalk. It's painful. Nasasaktan po ako."
Ito ang naging pahayag ng former
Startalk host na si Boy Abunda mata-
pos mabalitaang mawawala na sa ere ang showbiz talk show na Startalk, base sa ulat ng pep.ph.
Halos 20 taon ding umere ang
nasabing talkshow bago ito tuluyang tumigil. Umere ang pinakahuling epi-
sode ng Startalk nito lamang Sabado,
bilang host ng mga talk shows dahil
hosts na unang umere noong 1995.
kaya naging matibay ang pagiging
September 12. Matatandaang parte
si Boy ng original lineup ng Startalk Dagdag pa ni Boy, "I did some of my
toughest interviews in Startalk.”
Makalipas ang apat na taon mata-
pos ang pilot episode ng Startalk, umalis si Boy sa nasabing talk show.
Ayon pa kay Boy, malaki ang naging
bahagi ng Startalk sa kanyang career
dito siya unang nagsimula, natuto, at
nahasa. Aniya, dahil na rin sa Startalk magkaibigan nila ni Manay Lolit Solis.
Bagama’t hindi na parte ng nasa-
bing Kapuso talk show si Boy, sinabi niyang nasaktan pa rin siya sa naging
desisyon ng istasyon na itigil na ang nasabing talk show.
itong September 12, isang panibagong record na naman ang ginawa ng team AlDub. Sa loob lamang ng 24 oras, umani ng mahigit sa 6.35 million tweets ang hastag na #ALDUBTheAbduction na siyang naging top trending topic hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Dinaig ng nasabing record ang pinakahuli ring record ng AlDub na 5,807,200 tweets para sa kanilang serye na may hashtag na #ALDUBBATTLEForACause noong nakaraang Sabado lamang, September 5. Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, ang #ALDUBTheAbduction na ang may hawak ng record ng pinakaraming tweets. Hindi naman kaila sa lahat na talaga namang tinututukan ng mga netizens ang bawat episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga dahil na rin sa kilig na hatid ng Aldub tandem. Kung noong nakaraang episode ay plywood ang humarang sa pagkikita ng dalawa, ngayon naman ay pinagtagpo sila nang naka-blindfold. Gayunman, naging sweet naman ang nasabing episode dahil sa saglit na nahawakan ni Alden at Yaya Dub ang isa’t isa at gumamit din sila ng iisang straw para uminom.
22
October 2015
Vilma Santos, umaming nahirapan kung sasampalin o sasabunutan si Angel Locsin
I
namin ng Star For All Seasons na si Vilma Santos na nahirapan siya kung sasampalin ba o sasabunutan ang costar na si Angel Locsin sa confrontation scene nila sa latest movie na kanilang ginagawa para sa Star Cinema. Pagmamalaki pa nga ng aktres sa pep.ph, “Bidakontrabida ako [sa movie], parang ganoon. Pero may redeeming factor. Iba, e. Na-excite ako, e. Makikita ninyo kapag pinakita, at least, nag-trailer na.” Dagdag pa ni Vilma, sa mahigit limang dekada niya sa industriya ng showbiz ay first time daw niya na magkaroon ng ganitong klase ng role. Ganunpaman, inamin naman ng Star For All Seasons na nage-enjoy siya sa nasabing role. Idinagdag din ng aktres na may relasyon ang mga salamin na kaniyang iminomodelo sa pagiging “bitchy” ng kanyang role. Wala pa ring official na title ang nasabing pelikula, subalit dapat itong abangan ng lahat dahil na rin bukod kay Angel Locsin, makakasama rin nila sa nasabing pelikula si Xian Lim.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Zsa Zsa Padilla, engaged na sa boyfriend na si Concrad Onglao
K
inumpirma mismo ng 51-year old actress na si Z s a Z s a Pa d i l l a na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si Conrad Onglao, 60, na isang arkitekto. I b i n a h a g i n g D iv i n e D iva noong September 4 sa kanyang Instagram post ang larawan ng kanyang engagement ring kasabay ng caption na “It's official! Thank you so much for all your warm wishes! Much love from London. God bless us all.
#engaged.” Bago pa man ang nasabing post, napansin na rin ng ibang followers ni Zsa Zsa ang kanyang singsing sa kanyang mga naunang larawan, base sa ulat ng pep.ph. Umani naman ng pagbati ang nasabing post para sa dalawa na mag-iisang taon na ang relasyon. S a p a n a ya m n g A B S - C B N N e w s k ay Z s a Z s a s a L o n d o n noong September 5, sinabi ng huli na August 30 pa pormal na nag-propose si Conrad. Kwento pa ni Zsa Zsa, “He grabbed my
hand and placed the ring there and asked me to marry him.”
'Vision' ng Avengers, lalapag sa Maynila
M
a l a k i a n g tyansa ng mga Filipino fans na masilayan ang kanilang idol na
si Paul Bettany. Si Bettany ang Hollywood actor na gumanap bilang ‘Vision’ sa Avengers at naging cast din ng The Da Vinci Code bilang monk assassin na si Silas. Bibisita si Bettany sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon para umattend sa 2015 AsiaPOP Comicon na gaganapin sa Manila. Bukod kay Bettany, dadalo din ang mga artistang sina Jason Momoa ng
Game of Thrones at Colton Haynes ng TV series na Arrow. Gaganapin ang Comicon sa World Trade Center sa Maynila ngayong Setyembre, ayon sa pep.ph. Bukod sa The Da Vinci Code at Avengers, naging tampok din si Paul Bettany sa ilan pang pelikula gaya ng A Knight’s Tale, Wimbledon, Dogville, at A Beautiful Mind. Isa si Paul Bettany sa mga pinakamagagaling na aktor sa Hollywood. Katunayan, itinanghal siyang Supporting Actor of the Year mula sa London Film Critics’ Circle para sa pelikulang A Knight’s Tale, nakuha naman niya ang Best Actor
mula sa Evening Standard British Film Award para sa pelikulang Heart of Me at Best British Actor para sa pelikulang Wimbledon.
Bamboo Mañalac, at Gary Valenciano, ang patuloy na nagbibigay-tulong sa mga charities para na rin maibahagi ang mga natatanggap nilang blessings sa industriya. Simula pa noong 2009, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com, volunteer na ng United Nations Children’s Fund o UNICEF si Anne at kamakailan ay itinalaga siya bilang Celebrity Advocate for Chil-
rin niya ang Early Childhood Care and Development upang matulungan ang bawat pamilya. Bukod kay Anne, UNICEF advocate din ang singer-songwriter na si Gary Valenciano na tumutulong naman sa mga kabataang nabilanggo sa Cebu at Albay. Si Luis Manzano naman ay kabilang sa Marine Conservation Steward for World Wildlife Fund na naglalayong magturo sa mga
Sharon Cuneta ay advocate at bahagi naman ng Philippine Animal Welfare Society na nangangalaga para sa kapakanan ng mga hayop habang si Bamboo ay sumusuporta sa Help Educate and Rear Orphans Foundation o HERO na tumutulong na mapag-aral ang mga anak ng mga sundalong namatay sa serbisyo o nagkaroon ng kapansanan.
upang makamit ng bansa ang kalayaan. Nasa ikalawang linggo na ngayon ng pagpapalabas sa sinehan, ang Heneral Luna ay unang ipinalabas sa mahigit 100 na sinehan sa buong bansa sa unang linggo. Gayunpaman, binawasan ang bilang ng sinehan na magpapalabas nito, na umabot na lang sa 41 ayon sa huling balita. Ayon kay Jerrold Tarog, ang direktor ng pelikula, ang challenge ay kung paano maipo-promote
ang pelikula. Karamihan sa mga sinehan na tinigilan ang pagpapalabas ng Heneral Luna ay nakabase sa mga probinsiya at may ilan na nasa Metro Manila. Bukod sa regular na netizens, ilang miyembro ng entertainment industry ang nagbigay ng kanilang komento na panatilihin sa sinehan ang Heneral Luna. Kabilang sa mga ito ay sina Atom Araullo, Rhian Ramos, Jose Javier Reyes, at Laurenti Dyogi.
I
Ilang sikat na celebrities, bahagi ng iba't ibang charities Annabelle Rama, mas lan sa mga hinahangaang dren. Parte ng pagiging advocate komunidad ng food security, bioPinoy Celebrities, gaya ni Anne ang pagtulong sa mga diversity conservation, sustaingustong mag-concentrate sa nina Anne Curtis, Sharon pamilyang nasalanta ng bagyo sa able fishing, at community-based reality show Cuneta, Luis Manzano, Leyte. Bukod pa rito, isinusulong ecotourism. Ang Megastar na si
B
ukod sa pagiging host, kilala rin si Annabelle Rama bilang isa sa mga managers ng mga sumisikat na artista. “Dati, parang nahiya ako dahil nakikita ng buong bayan kung sino talaga ang Gutierrez family, yung totoong Annabelle Rama, yung totoong Ruffa Gutierrez. Parang nahihiya kami nung umpisa. Pero bandang huli, parang, 'Bahala na kayo sa totoong pagkatao namin,'” ika ni Annabelle sa isang panayam, na inilathala sa pep.ph. Marami namang manonood ang patuloy na sumusubaybay sa reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez na nasa Season 3 na ngayon. Marami ang talaga namang nag-e-enjoy manood ng nasabing reality show dahil wala raw script na sinusunod si Annabelle kaya pawang natural ang kanyang pagtataray na nakakatuwa at nakakatawa sa mga manonood. Dagdag pa ni Annabelle, mas gusto niyang mag-concentrate sa nasabing reality show kaysa maging manager, Aniya, “Ito naman, walang script. Talagang ang daming camera na sumusunod sa amin.”
Netizens, nag-ingay sa social media para panatilihin ang pelikulang Heneral Luna sa mga sinehan
M
aingay ang sigaw ng mga netizens sa social media na panatilihin ang Heneral Luna, ang historikal na pelikula tungkol sa isa sa mga bayani ng Pilipinas, sa mga sinehan. Ayon sa The Philippine Star, ang setting ng pelikula ay kapanahunan ng Filipino-American war noong 1898, kung saan nakatutok ang kuwento kay Antonio Luna, ang Pilipinong heneral na pinamunuan ang revolutionary army
23
October 2015
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Twit ni Idol
Tatlong mga Kapamilya actresses ang tampok sa 'Tweet ni Idol' ngayong buwan. Sundan natin ang kapiraso ng mga buhay ng ating mga fave celebs:
Maja Salvador (@dprincessmaja)
Nitong September 3, nag-post si Maja sa kanyang Twitter na siya'y nasa London. Mukhang kaugnay ang post na ito ng 'ASAP 20 in London.' Naririto ang post ng aktres na bahagi rin ng panibagong teleserye n g a y o n s a D o s , a n g 'A n g Probinsiyano:'
Bianca Gonzales (@iamsuperbianca)
Karamihan naman sa mga posts ni Bianca Gonzales kamakailan ay patungkol sa kanyang pagbubuntis. Sa post na ito, naiintindihan na raw ng celebrity host kung bakit mas maiging magregalo sa mga kaibigan ng bagay para sa kanilang anak, sapagkat nalalaman na rin niya ang pakiramdam na ito ngayon.
Karylle tatlong hari (@anakarylle)
Hinggil naman sa bagong segment nila sa Showtime ang tweet ni Karylle. Kamakailan, nagbukas ang 'Ms. Pastillas' t we e t b i l a n g p a n t a p a t s a 'Kalye Serye' ng Eat Bulaga. Naririto ang tweet ng aktres:
Cesar Montano, pasok sa pelikulang pagbibidahan ni Maria Ozawa
P
upang alagaan ang kanyang asawa na si Marielle Rodriguez. Napabalitang maselan ang pagdadalantao nito sa kanilang triplets. Sa kasamaang-palad, nakunan si Rodriguez noong Agosto 12.
agbibidahan ni Cesar Montano at dating Japanese adult film star Maria Ozawa ang pelikulang “Nilalang” (The Entity) na isang entry para sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ayon sa ulat ng The Philippine Daily Inquirer, ipinakita ni Montano ang kanyang larawan kasama si Ozawa at isa pang co-star sa pelikula na si Meg Imperial sa kanyang Instagram account kamakailan lang. Si Ozawa naman ay nag-post din ng kanyang larawan kasama si Montano habang kinukunan ang pelikula. Pinalitan ni Montano si Robin Padilla, na siyang unang pinili upang pagbidahan ang pelikula, matapos nitong iwanan ang proyekto
Mas pinagbuting "Bituing Walang Ningning: The Musical," magbabalik-entablado
M
uling ibabalik ng Resorts World Manila (RWM) ang “Bituing Walang Ningning: The Musical” ngayong Oktubre at Disyembre. Iniulat ng The Philippine Daily Inquirer na mas pinagbuti ang produksyon sa pagbabalikentablado ng musical. Kabilang sa mga pagbabago ay ang pagdadagdag ng bagong mga kanta, bagong cast members, at pinagbuting script. Ayon kay Menu Lauchengco-Yulo, ang kasalukuyang co-artist director ng Full House Theater Company at kasama rin sa produksyon, pinakinggan nila ang mga komento at review para sa naunang produksyon at binago ito. Ang pagbabago sa musical ay parte ng pagtingin ng production team sa perspektibo ng mga manonood. Iniulat na nasa unang linggo na ng pag-eensayo ang cast members sa kasalukuyan. Ang mga bagong artista na nakasama sa produksyon ay si Antonette Taus na gaganap bilang alternate para sa role na Lavinia Ar-
guelles, ang kontrabida sa orihinal na pelikula, at Epi Quizon bilang alternate para sa role na Auntie. Mabibili na ang tickets para sa musical na ito sa TicketWorld, TicketNet at RWM Box Office.
lang mga kilalang artista ang nagtipun-tipon upang ipakita ang kanilang suporta sa pagtakbo ni Senator Grace Poe, anak ng yumaong batikang aktor na si Fernando Poe, Jr. at Susan Roses. Ayon sa ulat ng The Philippine Daily Inquirer, kabilang sa supporters ni Sen. Poe ay sina Boots Anson-Roa, Roselle Monteverde ng Regal Films, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, at mag-asawang Bibeth Orteza at Carlitos Siguion-Reyna. Positibo ang komento ng mga artistang sumusuporta kay Poe. Ani Anson-Roa, bukod sa pagiging matalino at pagkakaroon ng malawak na pag-iisip, may integridad din daw si Poe na kailangan para sa isang lider. Ayon naman kay Joey Romero, isang filmmaker, isang epektibong lider si Poe at sayang kung mababang posisyon lang ang tatakbuhan nito.
Gayunpaman, walang namataang mga malalaking pangalan sa kasalukuyang industriya sa pagpupulong. Absent sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes, na napabalitang susuporta sa pagtakbo ni Poe. Si Alcasid ay commissioner ng Edsa People Power Commission, samantalang si Dantes naman ay commissioner ng National Youth Commission.
I
Mga artista, nagtipon bilang pagsuporta kay Grace Poe
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino